C

Inspector General (Inspektor Heneral)

Dapat bang amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang makalikha ng bagong posisyon ng Inspector General sa Controller’s Office (Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya) at nang masuri at maimbestigahan ang mga reklamo ng pandaraya, paglulustay, at pang-aabuso at mabigyan ang Controller’s Office ng karagdagang kapangyarihan upang makapaglabas ng subpoena (utos ng pagpapaharap sa hukuman) at makapagpatupad ng search warrant (utos ng hukuman na makapagsiyasat) kung pinahihintulutan ito ng batas ng Estado?

 

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

Kung Ano Ito Ngayon:

Itinatalaga ang Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng Mayor (Punong-bayan) at kinukumpirma ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) upang pangasiwaan nito ang pinansiyal na mga transaksiyon ng Lungsod. Itinatakda ng Tsarter sa Tagapamahala ng Pinansiya na tanggapin at imbestigahan ang mga reklamong nauukol sa kalidad at paghahatid ng mga serbisyo ng gobyerno, mapaglustay o hindi episyenteng gawain ng gobyerno ng Lungsod, maling paggamit ng pondo ng Lungsod, at hindi nararapat na mga aktibidad ng mga opisyal at empleyado ng Lungsod. Itinatakda rin ng Tsarter sa Tagapamahala ng Pinansiya na subaybayan ang antas at pagiging epektibo ng mga serbisyo na ipinagkakaloob ng Lungsod sa mga residente nito.

May hurisdiksiyon ang iba pang departamento ng Lungsod, kasama na ang Abugado ng Lungsod, Abugado ng Distrito, at Ethics Commission (Komisyon para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo) na mag-imbestiga ng panlilinlang, pang-aabuso, at iba pang usapin na may kinalaman sa pampublikong integridad o pagpapahalaga sa interes ng publiko. May hurisdiksiyon naman ang Department of Human Resources (Departamento ng Kawanihan) na mag-imbestiga ukol sa maling pag-asal ng mga empleyado.

Maaaring suriin ng Tagapamahala ng Pinansiya ang mga rekord ng mga lupon, komisyon, opisyal at departamento ng lungsod, pero hindi puwedeng maglabas ang Tagapamahala ng Pinansiya ng subpoena upang itakda sa mga ikatlong partido tulad ng mga kontratista ng Lungsod, may hawak na permit, o lobbyist (binabayaran upang maimpluwensiyahan ang mga mambabatas) na magbigay ng mga rekord. Binibigyang awtorisasyon ng batas ng estado ang mga empleyado ng Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya na magpatupad ng mga search warrant sa ilang tiyak na sitwasyon, pero walang gayong katulad na probisyon sa Tsarter.

Nagtatatag din ang Tsarter ng hiwalay na departamento na tinatawag na Sheriff’s Department Office of Inspector General (Opisina ng Inspektor Heneral ng Departamento ng Sheriff) upang maimbestigahan ang mga reklamong patungkol sa mga empleyado ng Opisina ng Sheriff. Hindi konektado ang departamentong ito sa Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya.

Ang Mungkahi:

Aamyendahan ng Proposisyon C ang Tsarter upang makalikha ng bagong posisyon ng Inspektor Heneral sa Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya upang marepaso at maimbestigahan ang mga reklamo ng panlilinlang, paglulustay, at pang-aabuso. Magtatalaga ang Tagapamahala ng Pinansiya ng Inspektor Heneral, na dapat dumaan muna sa pag-apruba ng Mayor at ng Board of Supervisors. Ang Tagapamahala ng Pinansiya ang mamamahala sa Inspektor Heneral at maaari niyang wakasan ang paglilingkod nito.

Kokonsultahin ng Inspektor Heneral ang Komisyon para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo, ang Abugado ng Lungsod, ang Abugado ng Distrito, at ang Departamento ng Kawanihan ukol sa mga imbestigasyong nauukol sa panlilinlang, paglulustay, at pang-aabuso sa mga departamentong ito. Maaaring irekomenda ng Inspektor Heneral ang espesipikong mga usapin sa mga departamentong ito, imbestigahan ang mga usaping ito nang may koordinasyon sa kinauukulang departamento, o magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon. Itatakda sa Inspektor Heneral na maglabas, nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang taon, ng pampublikong mga ulat ukol sa mga aktibidad nito at sa mga kinahinatnan ng lahat ng imbestigasyon ng iba pang ahensiya ng lungsod sa mga usaping nauukol sa pampublikong integridad.

Bibigyan ng Proposisyon C ang Tagapamahala ng Pinansiya ng kapangyarihan na maglabas ng subpoena sa ikatlong partido, kasama na ang mga kontratista, may hawak ng permit, at mga lobbyist. Pahihintulutan din nito ang Inspektor Heneral, ang Tagapamahala ng Pinansiya, at ang mga empleyado ng Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya na magpatupad ng search warrant kung pinahihintulutan ito ng batas ng Estado.

Sa ilalim ng Proposisyon C, papalitan ang pangalan ng Sheriff’s Department Office of Inspector General upang maging "Office of Sheriff’s Inspector General (Opisina ng Inspektor Heneral ng Sheriff)."

Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong lumikha ng bagong posisyon ng Inspektor Heneral sa Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya upang masuri at maimbestigahan ang mga reklamo ng pandaraya, paglulustay, at pang-aabuso at mabigyan ang Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya ng karagdagang kapangyarihan upang makapaglabas ng subpoena at makapagpatupad ng search warrant kung pinahihintulutan ito ng batas ng Estado.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "C"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon C:

Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ng mga botante ang mungkahing pag-amyenda sa Tsarter, magkakaroon ito ng katamtamang epekto sa gastos ng gobyerno – na mula $725,000 hanggang $775,000 taon-taon at may karagdagang nakabatay sa batas na suporta sa pag-iimbestiga, na malamang na mag-ibaiba taon-taon ayon sa pangangailangan.

Itatatag ng mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ang posisyon ng Inspektor Heneral sa loob ng Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya at palalawakin ang mga kapangyarihan sa pagiimbestiga ng Tagapamahala ng Pinansiya. Popondohan ang mga gawain ng Inspektor Heneral sa pamamagitan ng ipinaguutos ng Tsarter na naririyan nang set-aside (inirereserbang pondo) ng City Services Auditor (Taga-eksamen ng mga Pinansiyal na Rekord ng mga Serbisyo ng Lungsod) na dalawa sa sampung bahagi (two-tenths) ng isang porsiyento ng pangkalahatang badyet ng Lungsod. Sa pamamagitan ng pagiiba ng patutunguhan ng naririyan nang pondo upang mapunta sa bagong mga tungkulin ng Inspektor Heneral, maaaring mabawasan ng pag-amyenda ang mga rekurso na magagamit sana para sa alternatibong mga gawain ng City Services Auditor upang masubaybayan ang antas at pagiging epektibo ng mga serbisyo ng Lungsod.

Palalawakin din ng pag-amyenda ang awtoridad ng Tagapamahala ng Pinansiya upang makapag-subpoena ng mga saksi, iutos ang paglalabas ng ebidensiya, at magpatupad ng search warrants sa hangganan na pinahihintulutan ng batas ng Estado. Palalawakin din nito ang nasasakupan ng mga reklamo ng mga whistleblower (nagbibigay ng impormasyon ukol sa ilegal na gawain) na natatanggap ng Tagapamahala ng Pinansiya, at nang makasama rito ang tungkol sa mga nakikipagnegosyo o nakikipagtrabaho sa Lungsod.

Magkakaroon ang mungkahing pag-amyenda ng gastos na humigit-kumulang mula $725,000 hanggang $775,000 taontaon para sa Inspektor Heneral at dalawang posisyon para sa mga kawani na nasa loob ng opisina ng City Services Auditor. Bukod rito, maaaring may minsanang gastos para sa pagtatayo ng opisina na humigit-kumulang na mula $125,000 hanggang $175,000. Hindi kasama sa halagang ito ang gastos para sa search warrants at subpoenas. Upang magkaroon ng konteksto, maaaring may gastos para sa pagpapatupad ng subpoena na nasa pagitan ng $1,000 at $20,000 kada subpoena, na depende kung itinatakda sa pagsasakdal ang pagpapatupad ng subpoena. Maaaring may gastos ang paghahanda ng search warrant na nasa pagitan ng $9,000 at $20,000 kada search warrant. Maaari ding tumaas ang halaga ng gastos ng gobyerno sa hangganang magresulta ang mungkahing pag-amyenda sa mas mataas na bilang ng mga reklamo ng whistleblower, bagamat hindi pa mapag-aalaman ang magiging antas nito sa ngayon.

Tandaan na papalitan ng mungkahing pag-amyenda ang mga tungkulin ng Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya na siyang naghanda ng pahayag na ito.

Kung Paano Napunta sa Balota ang "C"

Noong Hulyo 23, 2024, bumoto ang Board of Supervisors ng 11 sa 0 upang mailagay ang Proposisyon C sa balota. Bumoto ang mga Superbisor ayon sa sumusunod:

Oo: Chan, Dorsey, Engardio, Mandelman, Melgar, Peskin, Preston, Ronen, Safai, Stefani, Walton.

Hindi: Wala.

 

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.

Para sa Epektibo at May Pananagutang Gobyerno, Bumoto ng Oo sa C

Nitong nakaraang mga dekada, pinangunahan ng FBI ang daan tungo sa paglalantad sa korupsiyon sa San Francisco, na humantong sa mahigit sa dalawang dosenang pag-aresto, pagsasakdal, at paghatol ng nasa mataas na katungkulan na mga pinuno ng departamento, halal na opisyal, lider ng non-profit, at lobbyist (binabayaran upang maimpluwensiyahan ang mga mambabatas) ng mga korporasyon. Gayon pa man, maaaring tip of the iceberg o bahagi lamang ito ng mas malaking problema.

Upang makalikha ng mas epektibo at mas may pananagutang gobyerno, maaaring aprubahan ng mga botante ang Inspector General Charter Amendment (Pag-amyenda sa Tsarter upang Malikha ang Posisyon ng Inspektor Heneral). Itatatag nito ang katungkulan ng ating sariling Inspector General na may kapangyarihan na mag-imbestiga at magbigay ng katarungan sa mga reklamo ukol sa paglulustay, panloloko, at pangaabuso.

At dahil magiging bahagi ito ng Controller’s Office (Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya), walang bagong buwis na kinakailangan upang mapondohan ang Opisinang ito.

Mga Kapangyarihan ng Inspector General

  • Itatatag ito sa Controller’s Office na namamahala sa pinansiya ng gobyerno ng lungsod
  • Itatakda rito ang pag-iimbestiga sa paglulustay, panlilinlang, at pang-aabuso, at anumang iba pang usapin na may kaugnayan sa pampublikong integridad o pagpapahalaga sa interes ng publiko
  • Bibigyan ito ng kapangyarihan na mag-subpoena (mag-utos ng pagpapaharap sa hukuman) ng lahat ng rekord ng lungsod, pati na rin ng ikatlong mga partido, kasama na ang mga kontratista, may hawak ng permit, at lobbyist
  • May koordinasyon ito sa naririyan nang mga ahensiya para sa pagpapatupad ng batas kasama na ang Abugado ng Distrito, Abugado ng Lungsod, at Ethics Commission (Komisyon ng Lungsod para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo)

Mga imbestigasyong isasagawa ng Inspector General:

  • Maling paggamit ng mga pondong mula sa mga nagbabayad ng buwis ng mga opisyal ng lungsod, non-profit na pinopondohan ng lungsod, at ikatlong partido
  • Pagkakaroon ng pay-to-play political favoritism (magbayad para makipaglaro at mapaboran sa politika) kung saan nagbibigay ng ilegal na mga pabor ang halal na opisyal sa mga nagkaloob ng malaking pera sa kanilang mga kampanya
  • Politikal na pananakot at pagganti na pumipigil sa paglalantad sa mga gawain ng korupsiyon
  • Paglabag sa mga patakaran para sa pampublikong integridad sa bawat antas ng gobyerno mula sa pinaka-ibaba hanggang sa pinaka-itaas

May pagkakataon na ang San Francisco na maisama sa iba pang malalaking lungsod sa Amerika na may Inspector General. Batay sa mga pag-aresto nitong nakaraang ilang taon, kailangan natin nito.

Pakisamahan kami at bumoto ng Oo sa C..

Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin

Superbisor Connie Chan

Superbisor Catherine Stefani

Superbisor Joel Engardio

Superbisor Dean Preston

Superbisor Matt Dorsey

Superbisor Myrna Melgar

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Hillary Ronen

Superbisor Shamann Walton

Superbisor Ahsha Safai

Sinasabi ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) na lilinisin ng Proposisyon C ang City Hall.

Huwag magpalinlang. Pinalalaki ng Proposisyon C ang hindi na mapigilang burukrasya na bulag sa simpleng katotohanan: nabubulok ang isda mula ulo pababa.

Hindi maghahatid ang “Inspector General” ng pananagutan, magkakaloob ang Proposisyon C ng kapangyarihan na hindi kinakailangang managot sa mga botante. Hindi ito demokratiko, at mapanganib pa nga.

Ang gusto ng mga mamamayan ng San Francisco ay mga opisyal ng gobyerno na umaako ng responsibilidad! Sina Mayor London Breed, Abugado ng Distrito Brooke Jenkins, at Abugado ng Lungsod David Chiu—o mas mabuti pa, bagong mga lider ngayong Nobyembre.

Bakit hindi nagtatawag ng pansin ang mga Superbisor sa bigong pagpapatupad ng responsibilidad ng Mayor, ng Abugado ng Distrito, at ng Abugado ng Lungsod? Huwag kalilimutan, na nakaboto na sana tayo para mapaalis silang lahat nitong nakaraang taon, pero kinansela ng mga Superbisor ang eleksyon!

Magkakahalaga ang Proposisyon C ng hindi bababa sa $750,000 taontaon, na magiging isang milyon kung kasama ang mga gastos sa legal na usapin at sa pagpapatupad ng batas. Nangangahulugan ito na magiging mas kaunti ang kailangang-kailangan na mga serbisyo ng lungsod.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon C.

Mahigpit na hilingin sa ating mga lider na umako ng personal na responsibilidad para sa integridad ng ating lungsod.

Larry Marso, Esq.

Ang Proposisyon C ay pang-aagaw ng kapangyarihan na nagbabalatkayo bilang reporma. Maglalagay ang pag-amyenda sa tsarter ng hindi halal na Inspector General sa Controller’s Office (Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya) upang “mag-imbestiga sa korupsiyon.” Pero maging malinaw tayo—mas maraming burukrasya ito.

Hindi kailangan ng San Francisco ng hindi halal na mga opisyal na may hindi nababantayang kapangyarihan. Kailangan natin ng pananagutan mula sa mga lider na mayroon na tayo: Sina Mayor London Breed, Abugado ng Distrito Brooke Jenkins, at Abugado ng Lungsod David Chiu—o mga kapalit nila na demokratikong mahahalal —hindi tau-tauhan na hindi naman nananagot sa mga botante.

Kalungkot-lungkot na sa ilalim ng kasalukuyang pamumuno, kinailangan pa natin ang FBI. Kaya’t iboto natin sila paalis sa katungkulan!

Bakit natin ipagkakatiwala sa bagong opisyal ang paglutas sa ating mga problema? May mahabang kasaysayan na ang San Francisco ng pagkakaroon ng mga iskandalo sa korupsiyon, at hindi ito maaayos ng isa na namang burukrata. Ang kailangan natin ay bagong mga mukha sa inihahalal na katungkulan, pagiging bukas sa pagsisiyasat, at may pananagutan.

Nakita na rin natin ang ganitong mga “reporma” noon. Nangako sila sa atin na lilinisin ang City Hall, pero lumala pa ang mga problema. Karagdagan lang ito ng dating gawi—na nakaaagaw ng pansin mula sa tunay na trabaho ng pagpapanagot sa mga naglilingkod sa serbisyo sibil.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon C.

Larry Marso

Si G. Marso ay ehekutibo sa teknolohiya, tagapayo ukol sa M&A, at abugado. Bilang matatag na nag-aadbokasiya para sa responsibilidad sa pinansiyal na mga usapin, nag-awtor ng panukalang-batas sa balota upang magkaroon ng mga regulasyon sa navigation/linkage centers (mga sentrong tumutulong sa walang tahanan o may problema sa paggamit ng droga at iba ang sangkap), nakipagtunggali laban sa korupsiyon at panlilinlang sa ating mga politikal na partido at nonprofit, at miyembro at dating ehekutibo ng lokal na komite ng Republican Party (Partido Republikano), naghandog siya ng may prinsipyong pagtutol sa panukalang-batas.

Itigil ang Malaking Panlilinlang sa mga botante ng San Francisco! Bisitahin ang: https://bigfraud.com

Larry S. Marso

Ang pagboto ng Oo sa C ay magbibigay sa San Francisco ng pagkakataon na makasama sa iba pang malalaking lungsod sa Amerika na tulad ng New York at Chicago, na matagumpay nang nakapagtatag ng katungkulan ng Inspector General. Batay sa korupsiyon nitong nakaraang mga dekada, kailangan natin nito.

Heto ang ilang pakinabang na ipinagwawalang-bahala ng mga katunggali ng katungkulan ng Inspector General:

Independiyente Ito sa Politika: Sa pamamagitan ng paglalagay sa Inspector General sa Controller’s Office, protektado ito sa politikal na pakikialam ng may politikal na kapangyarihan at posibleng nasasailalim sa imbestigasyon.

Responsable ito sa Pananalapi: Magkakaloob ang Oo sa C ng pera para sa Inspector General mula sa pondong set aside (inirereserbang pondo) para sa Controller, na nangangahulugang hindi kailangan na magbadyet ng karagdagang pondo para sa pagsusumikap na ito.

May kapangyarihan ito na harapin ang panlilinlang, paglulustay, at korupsiyon: Kasalukuyang nagsasagawa ang Controller’s Office ng pag-o-audit at sumasagot sa hotline o matatawagang telepono ng mga whistleblower. Makapagsa-subpoena ang Inspector General ng mga rekord ng mga kontratista, nonprofit, at ikatlong partido na nakikipagnegosyo o nakikipagtrabaho sa lungsod.

Kung pagod na kayo sa pakikinig tungkol sa bagong mga iskandalo kung saan may kasangkot na maling paggamit ng pondo mula sa mga nagbabayad ng buwis, pay-to-play na political favoritism, politikal na pananakot at pagganti, at paglabag sa pampublikong integridad, ngayon na ang inyong pagkakataon na kumilos.

Pakiboto ang Oo sa C upang mabigyan ang San Francisco ng kasangkapan na mayroon na ang iba pang malalaking lungsod, at nang makalikha ito ng mas may epekto at mas may pananagutang gobyerno.

Pakisamahan kami at bumoto ng Oo sa C.

Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin

Superbisor Connie Chan 

Superbisor Catherine Stefani 

Superbisor Joel Engardio 

Superbisor Dean Preston 

Superbisor Matt Dorsey 

Superbisor Myrna Melgar 

Superbisor Rafael Mandelman 

Superbisor Hillary Ronen 

Superbisor Shamann Walton 

Superbisor Ahsha Safai 

1

Prop C: TANGGALIN ANG KORUPSIYON 

Magmula noong 1999, mahigit dalawang dosena nang empleyado, opisyal, at kontratista ng Lungsod ng San Francisco ang naaresto at nasampahan ng kriminal na kaso nang dahil sa korupsiyon sa pakikipagnegosyo ng Lungsod o pagtanggap ng suhol -kasama na ang dalawang pinuno ng departamento na namamahala sa Public Works and Utilities (Pampublikong mga Gawain at Serbisyo)! 

Nailantad lamang ang pangmatagalang Kultura ng Korupsiyon na ito sa ating City Hall salamat sa ating pederal na mga taga-usig. 

Bakit ganito? 

Dahil ang San Francisco ay isa lamang sa iilan na malalaking lungsod sa Amerika na walang sarili nitong Inspector General (Inspektor Heneral) na nakatuon sa pag-iimbestiga ng kuwestiyonableng mga aktibidad ng Lungsod at pag-uugat ng sibikong korupsiyon. Tiyakin na natin sa wakas na magagawa na ito mula ngayon! 

OO SA C, LINISIN NATIN ANG CITY HALL SA WAKAS! 

Build Affordable Faster California (Mas Mabilis na Magtayo ng Abot-kayang Pabahay California) 

John Elberling 

Peter Stevens 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Tenants and Owners Development Corporation (TODCO)

 

2

 

Oo sa C para sa gobyerno ng San Francisco na mapagkakatiwalaan ninyo

Naglingkod ako bilang City Controller (Tagapamahala ng Pinansiya ng Lungsod) sa loob ng labimpitong taon. Sa panahong iyon, nilikha namin ang dibisyon ng City Services Auditor (Taga-audit ng mga Serbisyo ng Lungsod) at pinasimulan ang matatawagang telepono ng Lungsod para sa mga whistleblower (nagbibigay ng impormasyon ukol sa ilegal na gawain). Gayon pa man, hindi naging sapat ang gayong uri ng mga pagkontrol upang matigil ang mga panlilinlang kamakailan na napag-alaman ng FBI at ng US Attorney (Abugado ng US). Bibigyan ng Prop C ang Controller ng Inspector General na may awtoridad na maghanap  at mag-ugat ng korupsiyon sa gobyerno ng Lungsod at sa mga indibidwal na nakikipagtrabaho sa Lungsod. Sa pamamagitan ng paglalagay nito sa independiyenteng Controller’s Office (Opisina ng Tagapamahala ng Pinansiya), mapoprotektahan ito mula sa politikal na pakikialam.  Magkakaloob din ito ng pera para sa trabahong ito mula sa pondong set aside (inirereserbang pondo) para sa Controller, na nangangahulugang hindi kailangang magbadyet ng karagdagng pondo para sa pagsusumikap na ito. Hinihikayat ko ang inyong suporta.  

Bumoto ng Oo sa Prop C 

Ed Harrington, Dating Controller ng Lungsod 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E, na koalisyon ng maliliit na negosyo, mga magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

3

 

Oo sa C upang malabanan ang korupsiyon

Napakahalaga ng pagtatakda ng Inspector General sa pag-ugat ng korupsiyon at pagpapanumbalik sa tiwala ng publiko sa City Hall. Hanggang sa ngayon, nakapaglantad at nakapag-aresto na ang FBI ng dose-dosenang inihalal na mga opisyal, pinuno ng mga departamento, kontratista, at mga nonprofit. Lilikha ang pag-Oo sa C ng Inspector General na may awtoridad na mag-imbestiga sa paglulustay, panlilinlang, at pang-aabuso, at magbubuwag sa matagal nang nakapirming mga sistema ng pay to play favotirism (magbayad para makipaglaro at papaboran sa politika) at pananakot.  

May pagkakataon na ang mga taga-San Francisco na gumawa ng mapagpasyang hakbang sa paglilinis ng ating gobyerno at paglikha ng gobyernong bukas sa pagsisiyasat, may pananagutan, at tunay na naglilingkod sa mga mamamayan ng San Francisco. Bumoto ng Oo sa C! 

Miyembro ng Asembleya Phil Ting 

Dating Mayor Art Agnos 

Dating Senador ng Estado Mark Leno 

Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano 

Bruce Wolfe Miyembro ng Sunshine Task Force (Espesyal na Pangkat para sa Ordinansang Nagtitiyak na Bukas ang mga Pampublikong Rekord at Miting) * 

Dating Presidente ng Ethics Commission (Komisyon para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo) Paul Melbostad 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E, na koalisyon ng maliliit na negosyo, mga magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

4

 

Bumoto ng Oo sa C, ang matalinong mapipili para sa pagtitiyak ng pagiging patas at ng katarungan sa gobyerno 

Ang Inspector General, na nasa Controller’s Office, ay magsasagawa ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensiyang tagapagpatupad ng batas, kasama na ang Abugado ng Distrito, Abugado ng Lungsod, at Ethics Commission, at nang maimbestigahan ang panlilinlang, paglulustay, at pang-aabuso. Bilang independiyenteng tagabantay, pananagutin ng Inspector General ang ating gobyerno sa pagkakaroon ng pinakamataas na pamantayan para sa pampublikong integridad at titiyakin na walang sinumang makapangingibabaw sa batas. Bumoto ng Oo sa C! 

Hukom Ellen Chaitin (retirado) 

Hukom Julie Tang, (retirado) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E, na koalisyon ng maliliit na negosyo, mga magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

5

 

Nagsasabi ang Demokratang mga lider ng Oo sa C

Bilang lungsod na ikinararangal ang pagiging Demokrata sa politikal na sandaling ito, nakita na natin kung paanong napahihina ng walang prinsipyong pag-asal at korupsiyon ang mga pundasyon ng demokrasya. Mas mahalaga ngayon kaysa sa anumang iba pang panahon na pagkaroon ng pananagutan sa ating mga pinahahagalahang pananagutan ng gobyerno sa bawat antas. 

Mapangangalagaan ang ating lungsod mula sa korupsiyon ng pagboto ng Oo sa C upang makapagtalaga ng Inspector General na may awtoridad na mag-imbestiga ng pang-aabuso, paglulustay, at panlilinlan, at magtatakda ito ng pambansang halimbawa ng ating mga pinahahalagahan sa San San Francisco. Bumoto ng Oo sa C!

Dating Mayor Art Agnos

Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano

Direktor ng Lupon ng BART Bevan Dufty

Dating Superbisor Norman Yee

Dating Superbisor John Avalos

Dating Superbisor Sophie Maxwell

Dating Superbisor Sandra Fewer

San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Umuupa sa San Francisco)

Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E, na koalisyon ng maliliit na negosyo, mga magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

6

 

Titiyakin ng pagtatakda ng Inspector General na naglilingkod nang may integridad at nang bukas sa pagsisiyasat ang City Hall sa ating mg komunidad. May direktang epekto sa ating mga organisasyon ang maling pamamahala sa mga pondo ng lungsod at ang pagkakaroon ng mga paborito.  

Magtatakda ang pagboto ng Oo sa C ng malinaw na proseso para sa pag-iimbestiga sa korupsiyon at pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko sa gobyerno. Bumoto sa C! 

Haight Ashbury Neighborhood Council (Konseho ng Kominidad na Haight Ashbury)

Coalition of San Francisco Neighborhoods (Koalisyon ng mga Komunidad ng San Francisco)

Telegraph Hill Dwellers (Mga Nakatira sa Telegraph Hill) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E, na koalisyon ng maliliit na negosyo, mga magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

1

Lahat ng kapangyarihang ipagkakaloob sa Inspector General sa ilalim ng proposisyon na ito ay naririyan na sa gobyerno ng San Francisco. Kasama sa Controller’s Office ang City Services Auditor (Taga-audit ng mga Serbisyo ng Lungsod) na may responsibilidad para sa pag-o-audit ng pagganap, pinansiya, at pagsunod sa mga patakaran. Maaaring maglabas ang Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor ng mga subpoena (utos ng pagpapaharap sa hukuman), maaaring asikasuhin ang Abugado ng Distrito ng ang mga kasong kriminal, maaaring magsampa ang Abugado ng Lungsod ng mga kasong sibil, at nagtataglay din ang Ethics Commission, ang Civil Grand Jury (Pinakamataas na Hukumang Sibil), at mahigit sa 100 iba pang komisyon at komite ng kapangyarihan sa pangangasiwa.  

Nabigo ang bawat isa sa mga ito upang makabuluhang mabawaan ang korupsiyon dahil mayroon silang iba pang prayoridad, o mas malala pa rito, hindi sila independiyente. Uulitin ng Proposisyon C ang napakasamang pagkakamali na ito, dahil ipag-uutos nito na aprubahan ng Mayor at ng Board of Supervisors ang pagkakatalaga ng Inspector General — ang mga opisyal mismo na dapat nasa unahan ng anumang listahan ng mga pinupuntriya dahil panahon na upang ma-audit sila. Ang magkasalungat na interes na ito ang magpapahina at dapat magpahina, ng anumang tiwala na mayroon ang mga botante sa Inspector General, na malamang na maging politikal na pang-atake para sa anumang paksiyon na may hawak ng pansamantalang impluwensiya sa City Hall. Karapat-dapat ang mga botante sa mas mabuti rito — isang propesyonal, may kapangyarihan, at independiyenteng opisyal para sa pangangasiwa na siyang mananagot sa kanila, at hindi sa mga politiko, ayon sa nakalarawan dito.    

https://www.sfgate.com/politics-op-eds/article/how-to-fix-sf-government-17430726.php. 

Bumoto ng Hindi sa Proposisyon C.

Jay Donde - Presidente, The Briones Society (Samahang Briones)*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Jay Donde, Bill Jackson, Nicholas Berg.