B

Bond para sa Pangkalusugan at Medikal na mga Pasilidad ng Komunidad, Kaligtasan sa Kalye, Pampublikong mga Espasyo, at Shelter o Matutuluyan upang Mabawasan ang Kawalan ng Tahanan

BOND PARA SA MALUSOG, LIGTAS, AT MASIGLANG SAN FRANCISCO. Upang mapondohan ang pagkakaroon o pagpapahusay ng ari-arian, kasama na ang: pansamantalang mga shelter, partikular na para sa mga pamilya; mga pasilidad na naghahatid ng mga serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan, kasama na ang mga serbisyo para sa pag-iwas sa sakit at behavioral health (kalusugan sa pag-uugali), tulad ng Chinatown Public Health Center (Sentro para sa Pampublikong Kalusugan ng Chinatown); kritikal na mga pagkukumpuni, mga renobasyon, at pagpapahusay para sa kaligtasan mula sa lindol sa Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center at sa Laguna Honda Hospital; at mga pagpapahusay para sa kaligtasan ng mga naglalakad at ng mga kalye, pagp paganda sa pagkakaayos sa mga kalye, at iba pang pagpapahusay sa pampublikong mga espasyo; at upang mabayaran ang kaugnay na gastos; dapat bang maglabas ang Lungsod at County ng San Francisco ng $390,000,000 general obligation bonds na magtatagal nang hanggang sa 30 taon mula sa panahon ng paglalabas, may tinataya na panggitnang halaga ng buwis na $0.0069/$100 ng natayang halaga ng ari-arian, at may inaasahan na karaniwang taunan na kita na $31,000,000, at napapailalim sa independiyenteng pangangasiwa ng mga mamamayan at regular na pag-o-audit? Ang kasalukuyang polisiya ng Lungsod sa pamamahala ng utang ay ang pagpapanatili ng halaga ng amilyar o buwis sa ari-arian para sa mga general obligation bond ng Lungsod nang mas mababa kaysa sa halaga noong 2006, sa pamamagitan ng paglalabas ng bagong mga bond habang paparetiro na ang mas matatandang bond, at tumataas ang halaga ng pagaaring nabubuwisan, bagamat posibleng mag-iba-iba ang pangkalahatang halaga ng amilyar batay sa iba pang dahilan.

 

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 662⁄3% botong oo para maipasa. Gayon pa man, mangangailangan ang panukalang-batas na ito ng 55% upang maipasa kung aaprubahan din ng mga botante ang Proposisyon 5 ng Estado.

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

Kung Ano Ito Ngayon:

Nagkakaloob at nagpapanatili ang Lungsod ng pampublikong mga pasilidad at imprastruktura.

Maaaring maglabas ang Lungsod ng aprubado ng botante na mga bond ng pangkalahatang obligasyon upang makatulong sa pagpopondo ng mga proyektong ito.

Nirerepaso ng Citizens’ General Obligation Bond Oversight Committee (Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng mga Bond ng Pangkalahatang Obligasyon) kung paano ginagasta ang mga kita mula sa bond.

Ang Mungkahi:

Ang Proposisyon B ay panukalang-batas para sa bond na magpapahintulot sa Lungsod na umutang ng hanggang sa $390 milyon sa pamamagitan ng paglalabas ng mga bond ng pangkalahatang obligasyon. Popondohan ng Lungsod ang:

  • hanggang sa $99.1 milyon upang magkaroon o makapagpahusay ng mga sentro para sa kalusugan ng komunidad, kasama na ang hanggang sa $71.1 milyon upang makapagsagawa ng seismic retrofit (pagbabago sa mga istruktura para higit na maging ligtas sa lindol) at renobasyon sa Chinatown Public Health Center at hanggang sa $28 milyon upang mapalitan ang lugar ng City Clinic (Klinika ng Lungsod);
  • hanggang sa $66 milyon upang makumpuni at magawan ng renobasyon ang Zuckerberg San Francisco General Hospital and Trauma Center (General Hospital o Pangkalahatang Ospital) at Laguna Honda Hospital and Rehabilitation Center;
  • hanggang sa $40 milyon upang makagawa ng seismic retrofit sa General Hospital;
  • hanggang sa $63.9 milyon para sa mga proyektong nauukol sa kaligtasan ng mga kalye at bangketa;
  • hanggang sa $41 milyon upang mapaghusay at magawang moderno ang pampublikong mga espasyo sa downtown San Francisco;
  • hanggang sa $25 milyon para sa Harvey Milk Plaza;
  • hanggang sa $5 milyon para sa mga parke at sentro para sa paglilibang; at
  • hanggang sa $50 milyon para sa mga shelter o pansamantalang mga lugar para sa pabahay upang mabawasan ang kawalan ng tahanan ng mga pamilya.

Itatakda ng Proposisyon B na repasuhin ng Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng mga Bond ng Pangkalahatang Obligasyon kung paano ginasta ang perang ito na mula sa bond.

Polisiya ng Lungsod na limitahan ang halaga ng pera na inuutang nito sa pamamagitan ng paglalabas lamang ng bagong mga bond kapag nabayaran na ang dating mga bond. Kung kinakailangan, pahihintulutan ang pagtataas ng halaga ng amilyar. Pahihintulutan ang mga nagpapaupa na ipasa sa umuupa ang hanggang sa 50% ng anumang magreresultang pagtaas ng amilyar.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong maglabas ang Lungsod ng hanggang sa $390 milyon ng mga bond ng pangkalahatang obligasyon upang pondohan ang mga proyektong may kaugnayan sa pangkalusugan at medikal na mga pasilidad para sa mga komunidad, kaligtasan sa kalye, pampublikong mga espasyo, at pansamantalang pabahay upang mabawasan ang kawalan ng tahanan ng mga pamilya.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong maglabas ang Lungsod ng mga bond na ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "B"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon B:

Sakaling mabigyan ng awtorisasyon at maibenta ang mungkahing $390 milyon na mga bond ng pangkalahatang obligasyon (“Mungkahing Bond na GO”) sa ilalim ng kasalukuyang mga ipinapalagay, ang magiging humigit-kumulang na gastos ay ang mga sumusunod:

a) Sa Fiscal Year (taon ayon sa pagpaplano para sa badyet, FY) 2025–2026, matapos ang paglalabas ng unang serye ng mga bond, ang pinakamagandang pagtataya ng buwis na kinakailangan upang mapondohan ang paglalabas ng bond ay magreresulta sa halaga ng amilyar na $0.0040 kada $100 ($4.00 kada $100,000) ng natasang halaga ng ari-arian.

b) Sa FY 2029–2030, na siyang taon kung saan pinakamataas ang tinatayang halaga ng buwis matapos ang paglalabas ng huling serye ng mga bond, ang pinakamagandang pagtataya ng buwis na kinakailangan upang mapondohan ang paglalabas ng bond ay magreresulta sa halaga ng amilyar na $0.0101 kada $100 ($10.10 kada $100,000) ng natasang halaga ng ari-arian.

c) Ang pinakamaganda nang pagtataya ng kabuuang pagbabayad sa utang, kasama na ang principal (halagang inutang) at interes, na kinakailangang bayaran kung mailalabas at mabebenta ang lahat ng iminumungkahing $390 milyon na mga bond ng pangkalahatang obligasyon, ay humigit-kumulang $737 milyon.

d) Ang pinakamaganda nang pagtataya ng karaniwang halaga ng buwis para sa mga bond na ito sa kabuuan ng inaasahang haba ng panahon para sa pagbabayad ng utang na bond mula FY 2025–2026 hanggang FY 2046–2047 ay $0.0069 kada $100 ($6.90 kada $100,000) ng natasang halaga ng ari-arian.

e) Batay sa mga pagtatayang ito, ang pinakamataas nang tinataya na taunang halaga ng amilyar para sa mga bond na ito na babayaran ng may-ari ng tahanang may natayang halaga na $700,000 ay humigit-kumulang $70.00.

Nililimitahan ng Tsarter ng Lungsod ang halaga ng mga bond ng pangkalahatang obligasyon ng Lungsod (“GO bonds ng Lungsod”) na maaaring manatili sa anumang panahon na hanggang sa 3% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian sa Lungsod. Hindi ibinibilang ang mga bond na inilalabas ng San Francisco Community College District (Distrito ng Kolehiyo ng Komunidad ng San Francisco), ng San Francisco Unified School District (Pinagsama-samang Distritong Pampaaralan ng San Francisco), ng Bay Area Rapid Transit District (Distrito ng Mabilis na Pampublikong Transportasyon ng Bay Area, BART) o iba pang hindi entidad ng Lungsod para sa mga layunin ng limitasyon ng Tsarter ng Lungsod. Magmula noong Hunyo 30, 2024, nagkaroon ng $2.2 bilyon ng hindi pa nababayarang GO bonds ng Lungsod (na kumakatawan sa 0.6% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian sa Lungsod). Nananatiling awtorisado pero hindi pa nailalabas ang karagdagang $1.6 bilyon ng GO bonds ng Lungsod. Sakaling aprubahan ng mga botante ang Mungkahing GO Bond, ang kabuuang halaga ng (i) nananatili at (ii) awtorisado pero hindi pa nailalabas na GO bond ng Lungsod ay magiging $4.2 bilyon, o humigit-kumulang 1.2% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian sa Lungsod. Ipinagpapalagay ng kalkulasyon ang paglalabas ng lahat ng mga bond na awtorisado ng mga botante kasama na ang panukalangbatas ukol sa Mungkahing GO Bond.

Ang kasalukuyang hindi obligadong ipatupad na polisiya ng Lungsod sa pamamahala ng utang ay ang pagpapanatili ng halaga ng buwis mula sa mga bond ng pangkalahatang obligasyon na mas mababa kaysa sa halaga noong 2005–2006 sa pamamagitan ng paglalabas ng mga bagong bond habang paparetiro na ang mas matatandang bond at tumataas ang halaga ng pag-aaring nabubuwisan, bagamat posibleng mag-iba-iba ang pangkalahatang halaga ng amilyar batay sa iba pang dahilan. Batay sa polisiyang ito, hindi inaasahan na ang ipinapataw na amilyar ng GO bond ng Lungsod para sa panukalang-batas, kung maaaprubahan ng mga botante, ay hahantong sa paglaki ng halaga ng amilyar para sa mga GO bond ng Lungsod nang mas mataas kaysa sa antas nito noong fiscal year 2006.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, maaaring ipasa ng mga nagpapaupang may-ari sa mga umuupa ang bahagi ng halaga para sa bahagi ng gastos para sa pagbabayad ng bond ng pangkalahatang obligasyon. Pinagpapasyahan ang halaga ng anumang pinahihintulutang passthrough (ipinapasang bayarin) gamit ang petsa ng pagsisimula ng pag-upa, kasama ang iba pang salik o factors. Inilalathala ng Rent Board (Lupon para sa Pagpapaupa) ang impormasyon tungkol sa mga passthrough taon-taon.

Nakabatay lamang ang mga pagtatayang ito sa mga inaasahan, na walang obligasyon ang Lungsod na sundin. Posibleng mag-iba-iba ang mga inaasahan at pagtataya dahil sa panahon ng pagbebenta ng mga bond, bilang ng mga bond na natitinda sa bawat pagbebenta, at aktuwal na natayang halaga sa loob ng panahon ng pagbabayad sa mga bond. Dahil dito, posibleng iba sa nakataya sa itaas ang aktuwal na halaga ng buwis at ang mga taon kung saan ipatutupad ang mga halagang ito.

Magkakaroon ang Lungsod ng maliit na gastos lamang na may kaugnayan sa oras ng mga kawaning mamamahala sa programa para sa Mungkahing GO Bond. Maaaring kuwalipikado ang ilang gastos sa kawani na nagagamit sa pangangapital (kung baga, gastos sa kawani na direktang may kaugnayan sa konstruksiyon o pagkakaroon ng underlying asset o tunay na pinansiyal na pag-aaral) ng Lungsod para sa pagbabalik ng nagasta sa pamamagitan ng kita mula sa bond at dahil dito, ay hindi magkakaroon ng mas mataas na gastos ang gobyerno ng Lungsod.

Kung Paano Napunta sa Balota ang "B"

Noong Hulyo 23, 2024, bumoto ang Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ng 11 sa 0 upang mailagay ang Proposisyon B sa balota. Bumoto ang mga Superbisor ayon sa sumusunod:

Oo: Chan, Dorsey, Engardio, Mandelman, Melgar, Peskin, Preston, Ronen, Safai, Stefani, Walton.

Hindi: Wala.

 

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.

OO SA PROP B PARA SA MALUSOG, LIGTAS, AT MASIGLANG SAN FRANCISCO

Humarap na ang San Francisco sa hindi pa nangyayari kailanman na mga hamon magmula noong pandemya at nakapagpakita na tayo ng kahangahangang katatagan. Naipakita na nitong nakaraang ilang taon ang kailangangkailangan na pagbibigay-halaga sa pampublikong imprastruktura para sa kalusugan at kaligtasan na inaasahan ng lahat ng taga-San Francisco.

Gagawa ang Prop B, na $390 milyon na General Obligation Bond (Bond ng Pangkalahatang Obligasyon) ng kritikal na mga pamumuhunan upang makumpuni at mapaghusay ang ating pampublikong mga ospital at klinika, mabawasan ang kawalan ng tahanan ng mga pamilya at mapabuti ang ating mga daan, kaligtasan sa mga kalye, at pampublikong mga espasyo.

HINDI magtataas ng amilyar o property tax ang Prop B. GAGAWA ang Prop B ng matatalino at kailangang-kailangan na mga pamumuhunan upang maprotektahan ang ating kalusugan at kaligtasan.

Magtatakda ang Prop B ng mahigpit na kabukasan sa pagsisiyasat at lubusang pagsisiwalat sa publiko ng lahat ng paggasta, taunang independiyenteng pagrerepaso, pag-audit, at pag-uulat sa Citizens General Obligation Bond Oversight Committee (Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng mga Bond ng Pangkalahatang Obligasyon).

Palalakasin ng Prop B ang Ating Pampublikong mga Ospital at Klinika:

  • Gagawa ito ng kailangang-kailangan na seismic (nauukol sa mga lindol) at pangkaligtasang mga pagpapahusay sa Zuckerberg San Francisco General Hospital, na natatanging Antas 1 na Trauma Center na naglilingkod sa San Francisco at sentro ng pagtugon sa sakuna ng lungsod sakaling magkaroon ng lindol o malaking krisis.
  • Dodoblehin nito ang kapasidad ng Psychiatric Emergency Services (Mga Pang-emergency na Serbisyong Saykayatriko) ng Zuckerberg San Francisco General Hospital, kung kaya’t higit na magkakaroon ng kailangang mga pamamaraan sa pagkuha ng pangangalaga sa kalusugan ng isip.
  • Titiyakin nito ang pagkakaroon ng napakahahalagang pagkukumpuni sa imprastruktura at para sa kaligtasan mula sa lindol sa Laguna Honda Hospital and Rehabilitation Center, at nang maipagpatuloy ang mga operasyon ng ospital, matugunan ang mahihigpit na itinatakdang regulasyon ng estado at pederal na gobyerno sa paghahatid ng pangangalagang pinakamataas ang kalidad.
  • Palalawakin nito ang kinakailangang kapasidad sa Chinatown Public Health Center (Sentro para sa Pampublikong Kalusugan ng Chinatown) at sa City Clinic (Klinika ng Lungsod).

Magdaragdag ang Prop B ng mga Shelter at Pabahay para sa mga Pamilyang Walang Tahanan:

  • Magkakaloob ito ng mahigit 2,300 bagong yunit ng pabahay para sa mga pamilyang may anak, o sa buntis na indibidwal, nang may tunguhin na wakasan ang kawalan ng tahanan ng mga pamilya.
  • Magkakaloob ito ng mahigit 330 na kailangang-kailangan na bagong yunit na shelter at transisyonal na pabahay.

Paghuhusayin ng Prop B ang Kaligtasan sa mga Kalye at ng mga Naglalakad:

  • Magkakaloob ito ng pondo para sa mas ligtas na mga tawiran, bangketa, at muling pagsesemento sa mga daan.

Bumoto ng OO sa Prop B para sa malusog, ligtas, at masiglang San Francisco!

Mayor London Breed

Presidente ng Board (Lupon) Aaron Peskin

Superbisor Connie Chan

Superbisor Matt Dorsey

Superbisor Joel Engardio 

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Myrna Melgar

Superbisor Dean Preston

Superbisor Hillary Ronen

Superbisor Ahsha Safaí

Superbisor Catherine Stefani

Superbisor Shamann Walton

www.HealthyVibrantSF.com

Ang San Francisco, na lungsod na may mas kaunti sa 800 libong residente, ay may taunang badyet na mahigit sa $15 bilyong dolyar. Gumagasta tayo ng 40 porsiyentong mas mataas per capita (kada indibidwal) kaysa sa katulad na pinagsamang lungsod at county – kahit na matapos iayon ang ating mas mataas na gastos sa pamumuhay. Kapalit ng kanilang pagiging bukas-palad, nakakita na ang mga nagbabayad ng buwis ng dalawa o higit pang opisyal ng gobyerno na nasakdal na nang dahil sa korupsiyon, tuloy-tuloy na bumababang munisipal na serbisyo, at ang pagpuputong ng korona sa San Francisco, batay sa isang pagraranggo, bilang “lungsod na pinakamasama ang pagpapatakbo sa Amerika.”

Napakahalagang gawain ng gobyerno ang pagtatayo at pagpapanatili sa maayos na kondisyon ng pampublikong imprastruktura, pero sinasalamin ng Proposisyon B ang parehong paraan na paulit-ulit nang bumigo sa atin: pagtatapon ng pera sa problema, nang halos walang tunay na pangangasiwa, at umasa na lamang tayo na ang mga espesyal na interes na mabilis na makikinabang ang siyang magbibigay ng solusyon. Ang pamamaraang ito ang siyang dahilan kung bakit kahit na may teknolohikal na pag-unlad na nagdudulot ng higit na kahusayan sa kabuuan ng halos lahat ng industriya sa pagdaan ng panahon, patuloy pa ring tumataas ang gastos sa pampublikong mga proyekto. Ito ang dahilan kung bakit mas marami pa ang empleyado ng gobyerno at kontratista ng San Francisco sa ngayon kaysa sa mayroon ito anim na taon na ang nakararaan, kahit na mas kaunti na ang mga residente nito.

Hanggang sa maghatid ang mga botante ng malinaw na mensahe sa ating halal na mga opisyal na hindi natin aaprubahan ang bagong paggasta nang walang makabuluhang mga reporma sa pangangasiwa, patuloy tayong magiging lungsod na gumagasta ng $60 libo para sa tent, $20 libo para sa basurahan, at $1.7 milyon para sa kubeta. Bumoto ng Hindi sa Proposisyon B.

The Briones Society (Organisayong Briones)

www.brionessociety.org

Mas malaki na ang ginagasta ng San Francisco para sa kawalan ng tahanan kaysa sa halos anumang iba pang lungsod sa bansa, pero patuloy na lumalala ang krisis sa ating mga kalye. Hinihiling ng bagong $390 milyon na bond na ito sa mga botante na magbuhos ng mas marami pang pera sa sistema na napatunayan nang hindi epektibo at mali ang pamamahala.

Sumasang-ayon kami na kailangang magtuon ng San Francisco sa mga shelter, pagbangon, at mga serbisyo para sa kalusugan ng isip. Gayon pa man, dapat baguhin ng Lungsod ang paglalaan ng naririyan nang mga rekurso sa halip na dagdagan ang pasanin ng mga nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng karagdagang utang. Layunin ng Proposisyon C, na naipasa noong 2018, na tugunan ang kawalan ng tahanan sa pamamagitan ng paglikha ng nakatuong pondo mula sa gross receipts tax (buwis sa kabuuang kita). Pero saan na napunta ang perang iyon? Sa halip na magtapon ng mas maraming pera sa problema, kailangan natin ng mga reporma upang matiyak na epektibong nailalaan ang mga pondo sa mga programang malaki ang epekto at nakapaghahatid ng tunay na mga resulta.

Karagdagan dito, hindi natutugunan ng marami sa mga non-profit na kasalukuyang tumatanggap ng pondo ng Lungsod ang malilinaw na layunin sa takdang panahon o performance goals. May ilan na naakusahan na ng panlilinlang. May ilan na nakasusuporta at nakahihikayat pa ng mga turistang pumupunta rito dahil sa droga. Panahon nang papanagutin ang mga organisasyong ito sa pamamagitan ng pagtatanggal sa pondo ng mga hindi nakagaganap nang sapat sa gawain at paglilipat ng mga rekurso sa mga programa na talagang gumagana.

Hindi ang bond na ito ang solusyon. Magastos na Band-Aid ito na ipinagwawalang-bahala ang totoong mga problema sa loob ng ating kasalukuyang sistema. Kailangang mahigpit na humiling ang mga botante ng San Francisco ng pananagutan at epektibong reporma bago sila pumayag sa pagpopondo sa isa na namang $390 milyon para sa mga serbisyo sa walang tahanan.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon B.

The Briones Society (Organisayong Briones)

www.brionessociety.org

Ang Proposisyon B ay matalas sa pinansiyang pamumuhunan sa kailangangkailangan na pagpapahusay para sa kaligtasan mula sa lindol ng ating pampublikong mga ospital at pinalawak na mga matutuluyan para sa walang tahanang mga pamilya.

HINDI magtataas ng amilyar ang Prop B at magtatakda ito ng LUBUSANG PAGSISIWALAT SA PUBLIKO ng tungkol sa lahat ng paggasta.

Mapapasailalim ang Prop B sa taunang independiyenteng pagrerebyu, pagaudit, at pag-uulat sa Citizens Obligation Bond Oversight Committee (Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng mga Bond ng Pangkalahatang Obligasyon). Bilang mga nagbabayad ng buwis, direkta nating makukuha ang mga ulat at pag-audit na ito.

Responsableng mamumuhunan ang Prop B sa mga imprastrukturang para sa ating kalusugan at kaligtasan.

  • Gagawa ito ng kailangang-kailangan na nauukol sa lindol at pangkaligtasang pagpapahusay sa Zuckerberg San Francisco General Hospital, na siyang sentro ng pagtugon ng lungsod sa mga sakuna sakaling magkaroon ng lindol o malaking krisis.
  • Palalawakin nito ang kinakailangang paggamit sa mga pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan ng isip sa pamamagitan ng pagdodoble sa kapasidad ng Psychiatric Emergency Services (Mga Pang-emergency na Serbisyong Saykayatriko) ng Zuckerberg San Francisco General Hospital.
  • Magkakaloob ito ng kinakailangang pagpapahusay para sa kaligtasan mula sa lindol ng Laguna Honda Hospital and Rehabilitation Center, at nang sa gayon, matiyak na natutugunan ng ospital ang mahihigpit na itinatakda ng mga regulasyon ng estado at pederal na gobyerno upang manatiling bukas at nakapaghahatid ng pangangalaga na pinakamataas ang kalidad.
  • Palalawakin nito ang kinakailangang kapasidad sa Chinatown Public Health Center (Sentro para sa Pampublikong Kalusugan ng Chinatown) at sa City Clinic (Klinika ng Lungsod).
  • Magdaragdag ito ng mahigit 2,300 bagong yunit ng pabahay para sa mga pamilyang may anak, o sa buntis na indibidwal, at mahigit sa 330 na kailangang-kailangan na bagong yunit para sa matutuluyan ng mga pamilya at transisyonal na pabahay, nang may tunguhin na wakasan ang kawalan ng tahanan ng mga pamilya.

HINDI itataas ng Prop B ang inyong mga buwis. GAGAWING mas ligtas ng Prop B ang ating pampublikong mga ospital at palalawakin nito ang pabahay at mga matutuluyan ng mga pamilyang walang tahanan.

Mayor London Breed

Susan Ehrlich, Chief Executive Officer (Punong Tagapangasiwang Opisyal), Zuckerberg San Francisco General Hospital & Trauma Center*

www.HealthyVibrantSF.com

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

1

MAGKAKALOOB ANG PROP B NG NAPAKAHAHALAGANG PAGBABAGO PARA HIGIT NA MAGING LIGTAS SA LINDOL ANG ZUCKERBERG SAN FRANCISCO GENERAL

Ang Zuckerberg San Francisco General Hospital ang puso ng sistema ng pampublikong kalusugan ng ating lungsod, at nagkakaloob ito ng napakahalagang pangangalaga sa lahat ng dumaraan sa mga pintuan nito, anuman ang kakayahan sa pagbabayad ng indibidwal. Titiyakin ng Prop B na mananatiling ilaw ng pag-asa at pangangalaga ang ating ospital. 

Bilang nag-iisang Antas 1 na Trauma Center sa lungsod, naghahatid ang ospital ng mga serbisyong nakapagliligtas ng buhay anng 24/7. Walang kapaguran na nagtatrabaho ang ating may dedikasyong mga kawani upang makapagbigay ng mataas ang kalidad na pangangalaga sa mga nangangailangan nito. Gayon pa man, kailangan ng ating mga pasilidad ng maraming mga pagpapahusay upang matugunan ang lumalaking mga pangangailangan ng ating komunidad. 

Mamumuhunan ang Prop B ng $40 milyon sa mga pagbabago para higit na maging ligtas sa lindol ang ating kampus, at sa gayon, matiyak na ligtas at gumagana ito sakaling magkaroon ng lindol. Napakahalaga ng pamumuhunang ito upang maprotektahan ang aming mga pasyente, kawani, at ang integridad ng pangangalagang ipinagkakaloob namin. Bukod rito, popondohan ng $66 milyon ang napakahahalagang pagkukumpuni at renobasyon, kung kaya’t matutugunan ang naipagpaliban nang pagpapanatili nito sa maayos na kondisyon at pagiging modernisado ng aming imprastruktura, at nang makasabay sa mga pagsulong sa medikal na pangangalaga. 

Gagawin ang mga pamumuhunang ito nang walang pagtataas sa buwis, at nang may mahigpit na pangangasiwa sa pinansiya, pag-o-audit, at pagpapanagot. 

Sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa Prop B, sinusuportahan ninyo ang: 

  • Kaligtasan laban sa Lindol: Mapoprotektahan ang integridad ng istruktura ng ospital at nang makayanan nito ang mga lindol, kung kaya’t magiging ligtas ang mga pasyente at kawani.
  • Dodoblehin nito ang kapasidad ng Psychiatric Emergency Services (Mga Pang-emergency na Saykayatrikong Serbisyo): Higit na magkakaroon ng mga pamamaraan na makakuha ng pangangalaga sa kalusugan ng isip. 
  • Modernong mga Pasilidad: Paghuhusayan ang napaglumaan nang mga sistema at pasilidad upang mapaghusay ang pangangalaga sa mga pasyente at matiyak ang pagsunod sa mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan. 
  • Hindi Tumitigil na mga Serbisyo: Titiyakin na makapagbibigay ang ating ospital ng hindi tumitigil at mataas ang kalidad na pangangalaga sa panahon ng mga emergency at matapos ito. 

Napakahalaga ng mga pagpapahusay na ito sa kaliusugan at kaligtasan ng bawat taga-San Francisco. Kung kailangan ninyo o ng inyong mga minamahal ng napakahalagang pangangalaga, palaging magiging handa ang ating ospital upang ligtas at epektibo itong maipagkaloob. 

Samahan kami sa pagsuporta sa Prop B upang mapagtibay ang Zuckerberg San Francisco General Hospital.  

Dr. Susan Ehrlich, CEO, Zuckerberg San Francisco General Hospital*

San Francisco General Hospital Foundation (Pundasyon ng San Francisco General Hospital) 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF (Malusog at Masiglang SF); Oo sa B. 

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

2

 

ANG PROP B AY MATALINONG PAMUMUHUNAN SA IMPRASTRUKTURA NG ATING PAMPUBLIKONG OSPITAL KUNG SAAN HINDI MAGTATAAS NG ATING MGA BUWIS 

Bilang mga nagbabayad ng buwis sa San Francisco, sinusuportahan namin ang Prop B dahil HINDI ito magtataas ng property taxes o amilyar, habang gumagawa ng matatalino at kailangang-kailangan na mga pamumuhunan upang:

  • Makumpuni at makagawa ng mga pagbabago, at sa gayon, maging ligtas sa lindol ang ating mga pampublikong ospital at klinika, kasama na ang Zuckerberg SF General at ang Laguna Honda Hospital.
  • Magkaloob ng mahigit 2,300 bagong yunit ng pabahay para sa mga pamilyang may anak, o sa buntis na indibidwal, at mahigit 330 na kailangang-kailangan na bagong yunit ng pampamilyang shelter at transisyonal na pabahay.

Nangangailangan ang Prop B ng mahigit na kabukasan sa pagsisiyasat at buong pagsisiwalat sa publiko ng tungkol sa lahat ng paggasta nito, independiyenteng mga pagsusuri, pag-o-audit, at pag-uulat sa Citizens General Obligation Bond Oversight Committee (Komite para sa sa Pangangasiwa ng General Obligation Bond ng mga Mamamayan). 

Ang kasalukuyang polisiya ng Lungsod sa pamamahala ng utang ay ang pagpapanatili sa porsiyento ng amilyar para sa general obligation bonds (utang ng lungsod na pangkalahatang obligasyon) ng Lungsod na mas mababa sa porsiyento nito noong 2006 sa pamamagitan ng paglalabas LAMANG ng mga BAGONG BOND kapag nairetiro na ang mas matatandang bond. Nangangahulugan ito na walang pagtataas ng buwis sa inyo.   

Matalino ang katwiran sa pinansiya ng Prop B at titiyakin nito na may malinaw tatong pangangasiwa bilang mga nagbabayad ng buwis sa paggasta sa bond. 

San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco)

Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng Estado ng California Malia Cohen 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

3

 

TITIYAKIN NG B ANG PAGKAKAROON NG KAILANGANG-KAILANGAN NA MGA PAGBABAGO PARA MAGING LIGTAS SA LINDOL ANG CHINATOWN PUBLIC HEALTH CENTER (SENTRO PARA SA PAMPUBLIKONG KALUSUGAN NG CHINATOWN)

Naging masasandalang haligi na para sa ating mga komunidad ng mga Tsino Amerikano at imigrante sa loob ng mahigit sa kalahating dantaon ang Chinatown Public Health Center ng San Francisco. Titiyakin ng Prop B na patuloy tayong makapagbibigay ng may kaalaman sa kultura at nagagamit ng lahat na pangangalaga sa kalusugan nang hindi nagtataas ng buwis. 

Ang Chinatown Public Health Center ay higit pa sa isang sentro ng kalusugan; isa itong pandugtong ng buhay para sa libo-libong taga-San Francisco na umaasa sa mga serbisyo nito para sa pangunahing pangangalaga, pangangalaga sa ngipin, suporta sa kalusugan ng isip, at marami pang iba. 80% ng mga pasyente ng klinika ang nagsasalita ng Tsino bilang kanilang pangunahing wika, kung kaya’t naghahandog ito ng mahalagang tulay sa de kalidad na pangangalaga ng kalusugan para sa ating komunidad ng mga imigrante.  

Gayon pa man, napaglumaan na ang kasalukuyang pasilidad at hindi na ito ligtas mula sa lindol. Maglalaan ang Prop B ng $71 milyon upang makagawa ng mga renobasyon at pagbabago at sa gayon, maging ligtas sa lindol ang pasilidad, kung kaya’t mapapanibago ito tungo sa pagiging moderno, ligtas, at episyenteng sentro para sa pangangalaga ng kalusugan.   

Paghuhusayin din ng Prop B ang Center upang makayanan nito ang mga lindol.  Pahihintulutan tayo nito na paramihin ang bilang ng mga kuwarto para sa medikal na pag-eeksamen, kuwarto para sa pakikipagkonsultasyon ukol sa benavioral health o kalusugan ng pag-uugali, at mga lugar para sa pagbibigay ng serbisyo sa ngipin, at nang sa gayon, mas mahusay na matugunan ang mga pangangailangan ng ating komunidad. At matutulungan tayo nito na magpatupad ng state-of-the-art (mayroong pinakabagong mga ideya at katangian) na mga sistema para sa kalidad ng hangin at bentilasyon, at nang matiyak ang pagkakaroon ng ligtas at malusog na kapaligiran para sa lahat. 

Napakahahalaga ng mga pagpapahusay na ito upang mapanatili ang kalusugan at kagalingan ng Asyano Amerikano na mga komunidad ng San Francisco sa ilalim ng isang komprehensibong lugar na may iba’t ibang henerasyon.  

Pakiboto ang OO sa Prop B upang matiyak na patuloy tayong makapagbibigay ng napakahahalagang mga serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan sa ating Asyano Amerikano at imigranteng mga komunidad na may mga pagkakaiba-iba para sa mga darating na henerasyon, nang walang bagong mga buwis!

Dr. Sunny Pak, Dating Direktor, Chinatown Public Health Center  

Dr. Albert Yu, Dating Direktor, Chinatown Public Health Center 

Annie Chung, Presidente, Self-Help for the Elderly (Pagtulong sa Sarili ng Matatanda) 

Kent Woo, Ehekutibong Direktor, NICOS Chinese Health Coalition (NICOS na Koalisyon para sa Kalusugan ng mga Tsino) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

4

 

SINUSUPORTAHAN NG PROP B ANG KALUSUGAN NG ATING QUEER NA KOMUNIDAD  

Makatutulong ang Prop B upang maipagpatuloy ng City Clinic (Klinika ng Lungsod) ang napakahalagang papel nito sa paglilingkod sa kalusugan ng queer (tumutukoy sa mga bakla, lesbiana, bisexual, at transgender) na komunidad, kung kaya’t mapipigilan at mapamamahalaan ang mabilis na pagkalat ng sakit, at mababawasan ang bilang ng mga STI.  

Sa San Francisco, hindi kailanman naging ganito kahalaga ang ating pananangutan sa kalusugan ng publiko. Magkakaloob ang Prop B ng kailangang-kailangang pondo upang mapagbuti at mapalawak ang imprastruktura para sa pampubliking kaligtasan, kung kaya’t matiityak na patuloy nating mapoprotektahan at mapaglilingkuran ang bawat residente ng ating lungsod.  

Tuntungang-bato ng ganitong pagsusumikap ang San Francisco City Clinic, na pambansang modelo para sa mga serbisyo sa seksuwal na kalusugan at pandugtong sa buhay para sa ating queer na komunidad. Sa loob ng mahigit 100 taon, nakapaghatid na ang City Clinic ng may malasakit at nakasentro sa pasyenteng pangangalaga, na naghahandog ng mga pamamaraang kakaunti ang hadlang upang makakuha ng pagte-testing para sa HIV, pag-eeksamen at paggamot para sa STI, at mga serbisyo upang makaiwas sa sakit. Nasa harapan ito ng mapaghawan ng landas na mga pag-aaral at gumanap na ito ng napakahalagang papel sa pagtugon ng San Francisco sa mga krisis sa pampublikong kalusugan, tulad ng mabilis na pagkalat ng mpox noong 2022.  

Bagamat mayroon itong kritikal na papel, kasalukuyang pinatatakbo ang City Clinic mula sa halos 100 taong gulang nang napanibagong dating firehouse o gusali ng mga bumbero, at hindi na ito nakatutugon sa mga pangangailangan ng mga kawani o ng mga pasyente. Kulang ang gusali sa sapat na espasyo, wastong bentilasyon, at pagsunod sa batas ukol sa ADA, kung kaya’t nakokompromiso ang kalidad at kaligtasan sa pangangalaga.  

Maglalaan ang Prop B ng $28 milyon upang makakuha ng bagong pasilidad para sa City Clinic, kaya’t mapapanibago ito tungo sa pagiging moderno at kompleto ang mga kagamitan na sentrong pangkalusugan. Ang pamumuhunang ito ay: 

  • Magtataas sa kapasidad para sa pagte-testing sa laboratoryo sa lugar mismo, kung kaya’t matitiyak ang mas mabilis at mas wastong mga resulta para sa mga pasyente.
  • Magkakaloob ng mga pasilidad na sumusunod sa batas ukol sa ADA at nang makalikha ng kapaligirang magiliw na tumatanggap at nagsasama sa lahat. 
  • Magpapatupad ng state-of-the-art na mga sistema para sa kalidad ng hangin at bentilasyon upang maprotektahan ang mga pasyente at kawani mula sa mga sakit na nakukuha mula sa hangin. 

Ang mahalaga rito, ang Prop B ay panukalang-batas na may responsableng paghawak sa pinansiya na HINDI magtataas ng buwis at mataas ang mga pamantayan sa pagiging bukas  sa pagsisiyasat at pagpapanagot, kasama na ang independiyente na taunang pagrerebyu, pag-o-audit, at pag-uulat sa Citizens General Obligation Oversight Committee.  

Bumoto ng OO sa Prop B. 

Senador Scott Wiener 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

5

 

Samahan ang Friends of Harvey Milk Plaza (Mga Kaibigan ng Harvey Milk Plaza) sa Pagtatayo ng Masiglang Espasyo para sa Komunidad sa pamamagitan ng Prop B

Maghahatid ang Prop B ng $25 milyon upang muling maitayo ang Harvey Milk Plaza sa Castro Muni Station, na matalinong pamumuhunan sa masigla, mas nagagamit ng lahat, at mas ligtas na lugar para sa pagsasama-sama, na may bagong berdeng espasyo, mga mauupuan, at sentral na plaza sa Castro at Market. Si Harvey Milk ay embahador para sa San Francisco sa buong mundo, at karapat-dapat siya sa pagkakaroon ng isa sa pinakamahuhusay sa mundo na sibikong espasyo na magpaparangal sa kanyang pamana at magbibigay ng inspirasyon sa kanyang mensahe ukol sa katarungang panlipunan, pagsasama sa lahat, at pag-asa.  

Isa itong minsan lamang sa buong buhay na pagkakataong gumawa ng kauna-unahan na malaking memorial o paggunita sa LGBTQ+ na indibidwal sa makasaysayang sentro ng progresibong panlipunan na pagkilos, sa pamamagitan ng pagboto ng Oo sa Prop B.  

Alamin pa ang tungkol dito sa harveymilkplaza.org.

Friends of Harvey Milk Plaza

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

6

 

SINUSUPORTAHAN NG MGA DEMOKRATANG LIDER ANG PROP B PARA SA MGA PAGBABAGO UPANG HIGIT NA MAGING LIGTAS SA LINDOL ANG MGA PASILIDAD PARA SA PAMPUBLIKONG KALUSUGAN AT MAPALAWAK ANG MGA SHELTER PARA SA MGA PAMILYANG WALANG TAHANAN 

Bilang mga lider ng Democratic Party (Partido Demokratiko) at may pananagutang mga nag-aadbokasiya para sa mas mahusay na San Francisco, naniniwala kami na napakahalaga ng Prop B sa pagtugon sa pinakamaiigting na problema ng ating lungsod. Itinutulak tayo ng magkakapareho nating mga pinahahalagahan na suportahan ang panukalang-batas na ito ukol sa bond para sa potensiyal nitong maging komprehensibo at nakapagpapanibago.  

  • Popondohan ng Prop B ang napakahahalagang pagpapahusay sa ating mga pasilidad para sa pampublikong kalusugan, kasama na ang SF General at Laguna Honda Hospital, kung kaya’t titiyak na ligtas, nagagamit, at may mga kasangkapan ang mga ito upang mapaglingkuran ang lahat ng residente, lalo na ang ating pinakabulnerableng mga komunidad. 
  • Magdaragdag ang Prop B ng mga Shelter o Masisilungan at Pabahay para sa mga Pamilyang Walang Tahanan, kung kaya’t makapagbibigay ng mahigit 2,300 bagong mga yunit ng pabahay para sa mga pamilyang may mga anak, o buntis na indibidwal na may tunguhing wakasan ang kawalan ng tahanan ng mga pamilya. 
  • Gagawa ang Prop B ng napakahahalagang pagpapahusay para sa kaligtasan sa mga kalye, kung kaya’t makalilikha ng ligtas na mga komunidad para sa lahat.
  • Mamumuhunan ang Prop B sa paglikha ng masisiglang pampublikong espasyo na pangangalagaan ang mga koneksiyon sa komunidad at kasiglahan ng ekonomiya.

Sa pamamagitan ng pagpapabuti sa pampublikong kalusugan ng lungsod at sa mga imprastruktura ng pampublikong espasyo, hindi lamang natin matutugunan ang kagyat na mga pangangailangan, kundi makapagtatayo rin tayo ng pundasyon para sa matatag at maunlad na San Francisco.  

Pangwakas, HINDI magtataas ang Prop B ng mga porsiyento sa amilyar dahil polisiya ng Lungsod na iretiro ang lumang mga bond bago maglabas ng bago, kung kaya’t mapananatiling pareho ang porsiyento ng buwis. 

Hinihikayat namin kayo ng bumoto ng OO sa Prop B. 

Vallie Brown, Dating Superbisor 

Carrie Barnes, Pangalawang Tagapangulo, San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco)

Emma Heiken Hare, Pangalawang Tagapangulo, San Francisco Democratic Party

Lanier Coles, Direktor, San Francisco Democratic Party

Peter Gallotta, Miyembro, San Francisco Democratic Party

Lily Ho, Miyembro, San Francisco Democratic Party 

Bilal Mahmood, Miyembro, San Francisco Democratic Party

Marjan Philhour, Miyembro, San Francisco Democratic Party

Jade Tu, Miyembro, San Francisco Democratic Party 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

7

 

Sinusuportahan ng Maliliit na Negosyo ang Prop B

Bilang gulugod ng ating lokal na ekonomiya, umuunlad ang maliliit na negosyo sa mga komunidad na masisigla, ligtas, at napapanatili sa maayos na kondisyon. Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mahahalagang imprastruktura at pampublikong mga espasyo, susuportahan ng Prop B ang kapaligiran kung saan may mga operasyon ang mga negosyo, kung kaya’t matitiyak ang maunlad na pangkomersiyong lugar sa darating na mga taon. 

Umaasa ang maliliit na negosyo sa mga kalyeng napananatili nang maayos, madaling magamit na mga pampublikong espasyo, at ligtas na kapaligiran upang makahikayat ng mga kostumer at makapagbigay ng natatangi sa husay na serbisyo. Mamumuhunan ang Prop B sa mga pagpapahusay para sa kaligtasan ng mga kalye, at nang matiyak na ligtas na makapupunta sa iba’t ibang lugar ang mga naglalakad, nagbibisikleta, at nagmamaneho. Hindi lamang mapoprotektahan ng mga pagpapahusay na ito ang ating komunidad kundi makahihikayat pa ng mas maraming paglalakad, na napakahalaga para sa lokal na mga negosyo. 

Bukod rito, popondohan ng Prop B ang napakahahalagang pagkukumpuni at pagpapabuti sa ating mga pampublikong espasyo, kasama na ang mga parke, plaza, at komersiyal na mga koridor o nakatakdang mga lugar. Gagawin ng mga pamumuhunang ito na mas kaakit-akit at malugod na tumatanggap sa lahat ang ating mga komunidad, kung kaya’t mahihikayat kapwa ang mga residente at bisita.  

Bibigyang-prayoridad rin ng bond na ito ang pagpapahusay para sa kaligtasan at kasiglahan ng pampublikong mga espasyo, kasama na ang Powell Street at ang kalapit na ikutan ng mga cable car, at ang Harvey Milk Plaza. Sa pamamagitan ng paggawa sa mga lugar na ito na mas kaakit-akit at mas madaling puntahan, maitutulak ng Prop B ang pagbangon ng ating downtown at komersiyal na mga distrito.  

Stratehikong pamumuhunan ang Prop B para sa kinabukasan ng maliliit na negosyo ng San Francisco. Tinutugunan nito ang agarang mga pangangailangan para sa pagpapahusay sa mga imprastruktura habang inilalatag ang batayang gawain para sa pangmatagalang pag-unlad at katatagan ng ekonomiya.  

May suporta ang Prop B ng mga negosyo dahil wala itong ipinapataw na bagong mga buwis at may mahigpit na pangangasiwa at pagpapanagot sa pinansiya.  

San Francisco Council of District Merchants Associations (Konsesho ng mga Asosasyon ng mga Negosyante ng Distrito ng San Francisco) 

Castro Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante ng Castro) 

California Nightlife Association (Asosasyon para sa Nightlife ng California) 

Polk District Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Distrito ng Polk)

Stephen Cornell, Dating Presidente, Small Business Commission (Komisyon para sa Maliliit na Negosyo)

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

8

 

OO sa Prop B upang masuportahan ang pagbangon ng ating downtown at ang pag-unlad ng ekonomiya.  

Napakahalagang pamumuhunan ang Prop B sa kinabukasan ng ekonomiya ng San Francisco, dahil susuportahan nito ang pagbangon ng downtown, lilikha ng mga trabaho, at palalakasin ang turismo. Pananatilihin ng napakahahalagang pamumuhunan na ito sa imprastruktura at pampublikong mga espasyo ang katayuan ng San Francisco bilang isa sa mga destinasyong pinakamahuhusay sa mundo para sa komersiyo at turismo. 

Sinusuportahan ng Prop B ang pagbangon ng ating downtown nang hindi nagtataas ng buwis! 

Popondohan ng Prop B ang napakahahalagang pagpapabuti sa kaligtasan ng mga kalye, kung kaya’t magiging mas ligtas ang ating mga kalye para sa lahat at mapangangalagaan ang pagkakaroon ng lungsod na mas masigla at mas napupuntahan ang iba’t ibang bahagi. Makahihikayat ang mga pagpapahusay na ito sa mas maraming indibidwal na bumisita at gumugol ng panahon sa ating mga komunidad, kung kaya’t direktang masusuportahan ang lokal na mga negosyo at matutulak ang pag-unlad ng ekonomiya.  

Susuportahan din ng Prop B ang mga pagsusumikap para sa pagbangon sa pamamagitan ng paggawa sa komersiyal na mga corridor na mas nakapanghihikayat.  Makatutulong ang pinagandang mga pampublikong espasyo at pinahusay na imprastruktura upang maibalik ang mga negosyo at turista, kung kaya’t makapag-aambag sa maunlad na ekonomiya sa downtown. Lalo pang mahalaga ito habang patuloy tayong bumabangon mula sa epekto sa ekonomiya ng pandemyang COVID-19.  

Kinakatawan ng Prop B ang stratehikong pamumuhunan sa ekonomikong kinabukasan ng San Francisco nang hindi nagtataas ng buwis, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kinakailangang mga kasangkapan upang masuportahan ang pag-unlad ng mga negosyo, makaakit ng mga turista, at mapaghusay ang pangkalahatang kalidad ng buhay para sa mga residente at bisita.  

San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

9

 

Bumoto ng OO sa Prop B upang masuportahan ang kalusugan, kaligtasan, at kasiglahan ng ating LGBTQ+ na komunidad at lahat ng taga-San Francisco. 

Ang Prop B ay pamumuhunan sa mga LGBTQ+ na komunidad sa ating lungsod. Heto ang mga dahilan kung bakit mahalaga ito:  

Sa ilalim ng Prop B, Ililipat ng lugar at palalawakin ang City Clinic, kung saan umaasa ang marami sa ating kabataan at residenteng mababa ang kita para sa pag-iwas at paggamot sa STI. Pagbubutihin ng bagong pasilidad na ito ang mga serbisyo, magkakaloob ng mas mabilis na resulta mula sa laboratoryo, at lilikha ng mas inklusibong kapaligiran para sa lahat. Sa pamamagitan ng Prop B, magagarantiya natin ang mga serbisyong ito sa mga darating na taon. 

Bukod rito, magpapanibago ang Harvey Milk Plaza tungo sa pagiging ligtas at mas masiglang espasyo na nagpaparangal sa ating kasaysayan at nagsisilbi bilang mahalagang lugar para sa mga pagtitipon. Hindi lamang ukol sa pagpapaganda ang renobasyon na ito; tungkol ito sa pangangalaga ng espasyo kung saan nararamdaman ng lahat ng malugod silang tinatanggap at ligtas.  

Tataasan din ng Prop B ang kapasidad ng mga shelter at pabahay na para sa mga pamilyang walang tahanan, kung kaya’t matitiyak na may ligtas na matitigilan ang ating pinakabulnerableng mga residente. Bilang Lungsod na mapagkanlong, lalo na sa kabataang queer, nakaayon ito sa pagpapahalaga ng lungsod sa pagdamay at pagsasama sa lahat.  

Higit pa sa pamumuhunan sa imprastruktura ang Prop B. Tungkol ito sa pagtatayo ng lungsod kung saan may oportunidad ang lahat, sinuman sila, na magkaroon ng malusog, ligtas, at may kabuluhan at layunin na buhay.   

OO sa Prop B. 

Alice B. Toklas LGBTQ Democratic Club (Alice B. Toklas na LGBTQ na Samahang Demokratiko) 

Harvey Milk LGBTQ Democratic Club (Harvey Milk na LGBtQ na Samahang Demokratiko) 

Senador Scott Wiener 

Bevan Dufty, Direktor ng Lupon ng BART  

Superbisor Matt Dorsey 

Superbisor Joel Engardio 

Superbisor Rafael Mandelman 

Honey Mahogany, Panghabambuhay na Tagapagsalita, San Francisco Democratic Party 

Debra Walker, Artista

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

10

 

Napakahalaga ng Prop B sa pagprotekta at pagpapahusay ng ating pampublikong kalusugan at imprastruktura para sa kaligtasan nang hindi nagtataas ng buwis.  

Mamumuhunan ang Prop B ng $205 milyon tungo sa ating imprastruktura para sa pampublikong kalusugan, at mga pamumuhunan ito na hindi lamang makapagliligtas ng buhay kundi makapagpapatiyak na makakukuha ang bawat residente ng pinakamabuting pangangalaga sa kalusugan na maaaring makuha. Magkakaloob ang Prop B ng napakahahalagang pagpapahusay sa:  

Zuckerberg San Francisco General Hospital, kung kaya;t matitiyak na mananatili itong pasilidad na state-of-the-art o mayroong pinakabagong mga ideya at katangian na makahahawak ng mga emergency, at makapagbibigay ng pinakamataas ang antas na pangangalaga.  

Laguna Honda Hospital, ang pinakamalaki sa bansa na pasilidad sa pangangalaga na pampublikong pinatatakbo, na tatanggap ng kailangang-kailangan na mga renobasyon upang matugunan ang pederal at pang-estadong mga pamantayan. 

Dodoblehin ang kapasidad ng Psychiatric Emergency Services (Mga Saykayatrikong Pang-emergency na mga Serbisyo) ng Zuckenberg San Francisco General Hospital, kung kaya’t darami ang mga pamamaraan upang makakuha ng kinakailangan pangangalaga sa kalusugan ng isip.  

Muling ididisenyo ang mga interseksiyong matataas ang panganib, sesementuhan muli ang mga kalye, at pagagandahin ang pampublikong mga espasyo. Mangangahulugan ito ng mas ligtas na mga kalye para sa mga naglalakad, nagibisikleta, at nagmamaneho, pagbabawas ng mga aksidente, at paggawa sa ating lungsod na madaling mapuntahan ang iba’t ibang lugar.  

Lilikha ang Prop B ng libo-libong trabaho at pasisiglahin ang ating lokal na ekonomiya nang hindi nagtataas ng buwis. Ang muling pagpapasigla ng downtown at Union Square, pinasiglang pampublikong mga espasyo at mas ligtas na mga kalye ay makahihikayat ng mas maraming bisita at mapalalakas ang ating industriya ng turismo, na napakahalaga sa pagbangon ng ating ekonomiya matapos ang COVID-19. 

Titiyakin din ng Prop B na natutugunan ng ating mga pasilidad ang modernong mga pamantayan para sa kapaligiran. Halimbawa, dahil sa mga renobasyon sa Chinatown Public Health Center (Sentro ng Pampublikong Kalusugan sa Chinatown), ito ang magiging gusali na lubusang gumagamit ng koryente, kung kaya’t nagtatakda ng katwiran sa mga susunod pang napananatiling pag-unlad sa kabuuan ng lungsod.  

Bumoto ng OO sa Prop B upang masuportahan ang mas malusog, mas ligtas, at mas masiglang San Francisco para sa lahat, nang hindi nagtataas ng buwis! 

Senador Scott Wiener 

Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng Estado California Malia Cohen 

Tagatasa ng San Francisco Joaquín Torres 

Abugado ng Distrito Brooke Jenkins 

Bevan Dufty, Direktor ng Lupon ng BART 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Healthy, Vibrant SF; Oo sa B.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco General Hospital Foundation, 2. DeSilva Gates Construction, 3. Joseph Grubb.

 

11

 

Tumulong sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng San Francisco sa pamamagitan ng paggawang aktibo ng pampublikong mga espasyo 

Mula sa kagitla-gitla at mala-pistang mapagpapasyalan sa Powell Street tungo sa nagbibigay-inspirasyon na Harvey Milk Plaza, panahon na upang ipakita sa mundo na ang San Francisco ay nasa boom loop o lalo pang nagkakaroon ng positibong kahihinatnan dahil sa bagong pampublikong pamumuhunan sa ating mga itinatangi na sibikong lugar. Mapaghuhusay natin ang ating pisikal, panlipunan, at pangkomunidad na kalusugan sa pamamagitan ng nakatuon na pampublikong mga pamumuhunan sa ating pampublikong mga espasyo at pasilidad na ginagamit ng marami, kung kaya’t napagsasama-sama ang ating mga populasyong may mga pagkakaiba-iba. 

Samahan ang inyong kapwa mga taga-San Francisco sa pamamagitan ng pagboto ng Oo sa Prop B at ipadala ang mensaheng ito: Nasa kinabukasan natin ang pinakamagagandang araw ng San Francisco.  

Jim Chappell, Dating Direktor, SPUR*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Jim Chappell.

1

Sabihin sa City Hall na karapat-dapat ang mga residente sa pananagutan at mga resulta mula sa gobyerno ng Lungsod bago tayo magbigay ng awtorisasyon sa daan-daang milyon na mga dolyar sa mas marami pang paggasta ng gobyerno. Bumoto ng Hindi sa Prop B.

Nito lamang nakaraang sampung taon, inaprubahan na ng mga botante ang mahigit sa $5 Bilyong dolyar na paggasta mula sa bond. Gayon pa man, nasa maling landas ang Lungsod, at hindi tayo nakakakita ng mga resulta mula sa City Hall. 

Sa kabila ng napakalaking paggasta, naging krisis na hindi na mapamahalaan ang kawalan ng tahanan, napakagulo ng City College (Kolehiyo ng Lungsod), bumababa na ang kahusayan ng School District (Distritong Pampaaralan), naihahatid ang mga proyekto sa transportasyon nang huli ng ilang taon at daan-daang milyong dolyar na lampas sa badyet, at hindi na gumagana ang ating imprastruktura—at naganap ang lahat ng ito sa kabila ng paglaki ng badyet ng Lungsod tungo sa halos $16 Bilyon taon-taon. 

Bagamat may badyet ito na mas malaki kaysa sa karamihan sa mga estado, humaharap na ang San Francisco ng nakaaalarmang kakulangan sa badyet na halos $800 Milyong dolyar. Tiyak na hindi tamang panahon ang kasalukuyan upang aprubahan ang $390 Milyong dolyar para sa dagdag na paggasta ng gobyerno habang ang naghihirap ay ang mga nagbabayad ng buwis. 

At bagamat sasabihin sa inyo ng mga may-panukala na hindi magtataas ng buwis ang Prop B, hindi nila sasabihin sa inyo na sa katunayan, bababa ang porsiyento ng inyong buwis kapag nabigo ang Prop B.

Panahon nang sabihin ng mga botante sa Lungsod na karapat-dapat tayo sa pagkakaroon ng pananagutan, mga resulta, at responsibilidad sa pinansiya ng gobyerno ng Lungsod bago tayo mag-apruba ng daan-daang milyong dolyar para sa karagdagang paggasta.

Hindi gumana sa nakaraan ang pagtatapon ng pera sa ating mga problema at hindi ito gagana ngayon.

Magpadala ng mensahe sa City Hall. Kailangan ng mga residente na maayos na gumana ang gobyerno ng lungsod at gumasta nang naaayon sa makakayanan. 

Bumoto ng Hindi sa Prop B.

San Francisco Apartment Association (Asosasyon para sa mga Nagpapaupa sa San Francisco)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Apartment Association Political Action Committee (Komite para sa Politikal na Aksiyon). 

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. West Coast Property Management & Maintenance Company, 2. Geary Real Estate Inc., 3. SkylinePMG, Inc.