M

Mga Pagbabago sa mga Business Tax (Buwis sa Pagnenegosyo)

Dapat bang permanenteng baguhin ng Lungsod ang mga buwis na kinokolekta nito mula sa mga negosyo, kasama na ang mga sumusunod: pagbabago ng mga porsiyento ng taunang buwis sa gross receipts tungo sa mga porsiyentong nasa pagitan ng 0.1% at 3.716%, mga porsiyento ng buwis sa gross receipts para sa kawalan ng tahanan tungo sa mga porsiyento na nasa pagitan ng 0.0162% at 1.64%, mga singil sa pagpaparehistro ng negosyo tungo sa halagang nasa pagitan ng $55 at $60,000, mga porsiyento ng buwis sa gross receipts para sa pagkakaroon ng mga ehekutibong labis-labis ang suweldo tungo sa mga porsiyentong nasa pagitan ng 0.02% at 0.129%, at mga porsiyento ng buwis sa administratibong opisina tungo sa porsiyentong nasa pagitan ng 2.97% at 3.694% ng gastos sa payroll (suweldo ng mga empleyado); pagtaas ng exemption o hindi pagkakasali sa buwis sa gross receipts para sa maliliit na negosyo; at pagbabago sa paraan ng pagkukuwenta ng Lungsod sa mga buwis na ito; upang magkaroon ng tinatayang taunan na kitang $50 milyon kapag lubusan nang naipatupad ito?

 

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

Kung Ano Ito Ngayon:

Kumokolekta ang Lungsod ng iba’t ibang buwis sa pagnenegosyo taon-taon, kasama na ang:

  • Buwis sa gross receipts (kabuuang kita) na porsiyento ng gross receipts ng negosyo sa San Francisco. Depende sa uri ng negosyo, kinakalkula ng Lungsod ang gross receipts ng negosyo sa San Francisco batay sa mga benta sa San Francisco, gastos sa payroll para sa mga empleyadong nagtatrabaho roon, o sa dalawang ito. Nasa saklaw ang porsiyento ng mula 0.053% at 1.008% at nakatakda itong tumaas sa darating na mga taon. Nakabatay ang mga porsiyento sa uri ng negosyo, at ipinapataw ang mas matataas na porsiyento habang nagkakaroon ng mas malaking gross receipts ang negosyo. Para sa 2024, karamihan sa maliliit na negosyong may gross receipts na hanggang $2.25 milyon ay hindi kasama sa patakaran.
  • Ang buwis sa gross receipts na para sa kawalan ng tahanan ay karagdagang buwis sa mga aktibidad ng negosyo na may gross receipts sa San Francisco na mahigit sa $50 milyon. Nasa saklaw na mula 0.175% hanggang 0.69% ang mga porsiyento.
  • Ang buwis sa gross receipts dahil sa pagkakaroon ng ehekutibong labis-labis ang suweldo na karagdagang buwis sa mga negosyo na binabayaran ang kanilang pinakamataas ang suweldo na tagapamahalang empleyado ng lubusang mas mataas kaysa sa panggitnang suweldo na ibinabayad sa kanilang mga empleyado sa San Francisco. Ang mga porsiyento ay nasa pagitan ng 0.1% at 0.6%.
  • Ang singil sa pagpaparehistro ng negosyo na karagdagang buwis. Para sa karamihan ng negosyo, kasalukuyang nasa pagitan ng $47 at $45,150 ang singil, na nakabatay sa uri ng negosyo at halaga ng gross receipts.
  • Ang administrative office tax (buwis sa administratibong opisina) sa mga gastos sa payroll na binabayaran ng ilang malalaking negosyo sa halip ng iba pang buwis sa pagnenegosyo na ito. Ang pinagsamang mga porsiyento sa 2024 ay nasa saklaw na mula 3.04% hanggang 5.44%, at sa 2025 nakatakdang magkaroon ang mga ito ng saklaw na mula 3.11% hanggang 5.51%. Kasalukuyang nasa saklaw ng mula $19,682 hanggang $45,928 ang singil sa pagpaparehistro sa mga negosyong ito.

Nililimitahan ng batas ng Estado ang kabuuang halaga ng kita na maaaring gastahin taon-taon ng Lungsod. Maaaring aprubahan ng mga botante ang pagtaas sa limitasyon ng maaaring gastahin nang hanggang sa apat na taon.

Ang Mungkahi:

Papalitan ng mungkahing panukalang-batas ang mga buwis sa pagnenegosyo ng Lungsod upang:

  • Para sa buwis sa gross receipts:
    • hindi na isama ang karamihan sa maliliit na negosyo na may gross receipts na hanggang $5 milyon (tumaas nang dahil sa inflation o pagtaas ng bilihin).
    • bawasan ang bilang ng mga uri ng negosyo mula sa 14 tungo sa pito;
    • kalkulahin ang gross receipts sa San Francisco nang mas nakabatay sa benta at hindi nakabatay sa mga gastos sa payroll, na depende sa uri ng negosyo;
    • palitan ang mga porsiyento tungo sa pagiging nasa pagitan ng 0.1% at 3.716%; at
  • Ipatupad ang buwis sa gross receipts na para sa kawalan ng tahanan sa mga aktibidad sa pagnenegosyo na may gross receipts sa San Francisco na mahigit $25 milyon, sa mga porsiyento nasa pagitan ng 0.162% at 1.64%.
  • Palitan kung paano kinakalkula ng Lungsod ang buwis sa gross receipts para sa ehekutibong labis-labis ang natanggap na bayad, pagpasyahan kung sino ang magbabayad ng gayong buwis, at itakda ang mga porsiyento na nasa pagitan ng 0.02% at 0.129%.
  • Iayon ang mga singil sa pagpaparehistro ng negosyo tungo sa pagiging nasa pagitan ng $55 at $60,000 (tumaas nang dahil sa pagtaas ng bilihin).
  • Iayon ang mga porsiyento ng administrative office tax para sa ilang malalaking negosyo tungo sa saklaw na mula 2.97% hanggang 3.694%, at iayon ang mga singil sa pagpaparehistro ng negosyo para sa mga negosyong ito tungo sa pagiging nasa pagitan ng $500 at $35,000 (tumaas nang dahil sa pagtaas ng bilihin).
  • Magsagawa ng administratibong mga pagbabago sa mga buwis sa pagnenegosyo ng Lungsod.

Patuloy na popondohan ng buwis sa gross receipts para sa kawalan ng tahanan ang pagpigil sa kawalan ng tahanan at mga serbisyo para sa mga indibidwal na nakararanas ng kawalan ng tahanan.

Gagamitin ng Lungsod ang iba pang buwis na nabanggit sa itaas para sa pangkalahatang mga layunin ng gobyerno.

Ipatutupad ang lahat ng buwis na ito nang walang tiyak na pagtatapos hanggang sa mapawalang-bisa ang batas.

Itataas din ng mungkahing ito ang limitasyon sa paggasta ng Lungsod sa loob ng apat na taon.

Kapag ipinasa ang Proposisyon M nang mas marami ang boto kaysa sa Proposisyon L, hindi magkakaroon ng legal na epekto ang Proposisyon L.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong baguhin ang sumusunod na mga buwis na kinokolekta ng Lungsod sa mga negosyo: ang buwis sa gross receipts, ang buwis sa gross receipts para sa kawalan ng tahanan; ang buwis sa gross receipts para sa pagkakaroon ng mga ehekutibong labis-labis ang suweldo, ang buwis sa administratibong opisina, at ang mga singil para sa pagpaparehistro ng negosyo.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong palitan ang mga buwis sa pagnenegosyo ng Lungsod.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "M"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon M:

Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ng mga botante ang mungkahing ordinansa, magkakaroon ito ng sumusunod na mga epekto sa kita sa buwis sa pagnenegosyo. Sa loob ng unang tatlong fiscal year (taon ayon sa pagpaplano para sa badyet), sa pagitan ng fiscal year 2024–25 at FY 2026–27, inaasahan na babawasan ng panukalang batas ang kita nang humigit-kumulang $40 milyon taon-taon. Bagamat walang katiyakan, maaaring mas maliit ang inaasahang kabawasan sa kita kung makatutulong ang panukalang-batas sa Lungsod na mabawasan ang mga reserbang pera na para sa pagtatalunang buwis sa hinaharap. Simula sa 2027, makakakuha ang nakatakdang pagtataas ng porsiyento ng positibong kita na humigit-kumulang $50 milyon taon-taon sa FY 2028–29 at matapos ang taon na ito. Pagsapit ng FY 2029–30, ang kabuuang positibong kita na magreresulta mula sa pagtataas ng porsiyento ay makapagbabalanse sa bumabang kita sa unang tatlong taon, kung kaya’t ang kabuuang halaga ng kita sa buwis sa pagnenegosyo sa loob ng panahong ito ay maihahambing sa kasalukuyang batas. Matapos ang FY 2029–30, inaasahan na patuloy na magdudulot ang ordinansa ng pagkakaroon ng karagdagang kita na humigit-kumulang $50 milyon taon-taon. Ipinagpapalagay ng tinatayang epekto sa kita na nasa itaas ang pagkabawas sa singil sa paglilisensiya ng mga negosyo na $10 milyon taon-taon, na imumungkahi sa susunod na lehislasyon.

Aamyendahan ng mungkahing ordinansa ang kasalukuyang Business and Tax Regulation Code (Kodigo ukol sa mga Regulasyon sa Pagnenegosyo at Pagbubuwis) ng Lungsod sa ilang mahahalagang larangan:

  • Tataasan ang eksempsiyon o hindi pagkakasama ng maliit na negosyo mula sa buwis sa gross receipts mula sa $2.25 milyon tungo sa $5.0 milyon,
  • Pagsasamahin ang bilang ng mga tax schedule (form na isinusumite) mula sa 14 na kategorya ng mga aktibidad sa pagnenegosyo tungo sa 7 kategorya ng mga aktibidad sa pagnenegosyo para sa buwis sa gross receipts at buwis sa gross receipts para sa kawalan ng tahanan,
  • Iaayon ang porsiyento ng mga buwis na nauukol sa gross receipts, gross receipts para sa kawalan ng tahanan, administratibong opisina, at ehekutibong labis-labis ang suweldo sa 2025, at itataas ang porsiyento ng mga buwis sa gross receipts, administratibong opisina, at ehekutibong labis-labis ang suweldo na buwis sa gross receipts sa 2027 at 2028; ang kasalukuyang nakatakdang pagtaas ng porsiyento ng buwis matapos ang 2024 ay hindi magaganap sa ilalim ng mungkahing ito,
  • Ililipat ang kalkulasyon ng Lungsod sa gross receipts ng San Francisco para sa karamihan ng mga aktibidad sa pagnenegosyo mula sa mga gastos sa payroll tungo sa benta; kung saan ang natatanging eksepsiyon ay ang mga aktibidad sa pagnenegosyo na ang kalkulasyon ng gross receipts sa San Francisco ay lubusan nang nakabatay sa benta,
  • Itatakda sa Office of the Treasurer and Tax Collector (Opisina ng Tesorero at Tagakolekta ng Buwis) upang magtakda ng proseso ng abanteng pagpapasya at nang makapagbigay ng nakasulat na gabay sa mga nagbabayad ng buwis at gagawa ng iba pang pagbabago sa pagpapatupad ng mga patakaran,
  • Lilikha ng bagong mga tax credit (pagbabawas ng babayarang buwis) para sa mga negosyong nagbabayad ng stadium operator admission taxes (buwis sa mga nagpapatakbo ng mga atletikong labanan at iba pang gawain sa mga stadium), mga nagtitingi ng groseri, at bagong mga umuupa sa ilang katatayo pa lamang na mga gusali,
  • Gagawa ng mga pagbabago sa mga singil para sa pagpaparehistro ng negosyo.

Bukod rito, itatakda ng ordinansa na mag-ulat ang Controller sa epekto ng iba’t ibang pagbabago na gagawin ng inisyatibang ito sa Setyembre 2026 at Setyembre 2027.

Maaaring malaki ang maging pagkakaiba-iba ng mga buwis sa pagnenegosyo batay sa mga kondisyon ng ekonomiya, at maaring hindi mahulaan ng kasalukuyang mga pagtataya ang mga kita sa hinaharap.

Kung Paano Napunta sa Balota ang "M"

Noong Hulyo 8, 2024, pinagtibay ng Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) na may sapat na bilang ng may bisang lagda ang inisyatibang petisyon na humihiling sa paglalagay sa Proposisyon M sa balota upang maging kuwalipikado ang panukalang-batas para sa balota.

Kinailangan ng 10,029 lagda upang makapaglagay ng inisyatibang ordinansa sa balota. Katumbas ang bilang na ito ng 2% ng rehistradong botante sa panahong nalathala ang "Notice of Intent to Circulate Petition (Abiso ukol sa Intensiyong Palaganapin ang Petisyon)." Ipinakita ng ala-suwerteng pagsusuri sa mga lagda na isinumite ng mga may-panukala sa inisyatibang petisyon bago ang huling araw ng pagsusumite na Hulyo 8, 2024 na higit pa ang kabuuang bilang ng may bisang lagda kaysa sa itinatakdang bilang.

 

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.

Tulungan ang Maliliit na Negosyo ng SF na Umunlad, Muling Pasiglahin ang Ekonomiya ng San Francisco — Bumoto ng Oo sa M!

Kasalukuyang hindi pinahihintulutan ng istruktura sa pagbubuwis sa San Francisco ang pag-unlad ng ating mga lokal na negosyo. Nakita na natin ang pagsasara ng marami sa ating maliliit na negosyo, lalo na ang mga restawran at tindahan.

Naghahandog ang Proposisyon M ng napakahalagang ginhawa sa pagbabayad ng buwis upang matulungan ang mahigit sa 2,700 maliliit na negosyo sa pamamagitan ng lubusang pagtatanggal sa kanilang mga buwis. Mapipigilan din nito ang ating pinakamalalaking taga-empleyo sa pag-alis sa lungsod, dahil maaayos ang mga buwis na pinarusahan sila sa nakaraang panahon nang dahil may mga empleyado sila sa opisina at kasama ito sa mga dahilan kung bakit nagkaroon ng ngayon pa lamang naitatalang bilang ng bakanteng mga opisina sa downtown.

Malaki rin ang maibabawas ng Proposisyon M sa mga singil sa paglilisensiya ng mga negosyong restawran, hotel, lugar para sa sining, at mga tindahan sa komunidad. Mahigit 90% ng ating lokal na mga restawran ang magkakaroon ng mas mabababang pasaning buwis, kung saan 88% ang hindi na kailangang magbayad ng buwis sa pagnenegosyo. Pahihintulutan ng mas mabababang buwis ang pagunlad ng ating mga negosyo sa komunidad.

Pasisimplehin ng Proposisyon M ang kasalukuyan nating sistema sa pagbubuwis, kung kaya’t mas magiging nahuhulaan ito para sa mga may-ari ng negosyo at para sa Lungsod. Makatutulong ito upang mapanatili ang napakahahalagang serbisyo habang nagtatrabaho tungo sa pagkakaroon ng mas masigla, malinis, at ligtas na downtown.

Sa kasalukuyan, ang San Francisco ay may ilan sa pinakamatataas na porsiyento ng buwis sa pagnenegosyo sa bansa, kung kaya’t napaparusahan kapwa ang maliliit at malalaking negosyo sa kanilang patuloy na pagkakaroon ng mga operasyon dito.

Bababaan ng Proposisyon M ang mga buwis at dahil sa paggawa nito, makalilikha ito ng mas mabuting kapaligiran para sa mga pamumuhunan at pag-unlad sa hinaharap. Ito ay isang aktibong hakbang tungo sa pagtulong sa ating ekonomiya at pagtitiyak na magpapatuloy ang San Francisco bilang lugar ng inobasyon at oportunidad.

Ang pinagkaisahang panukalang-batas na ito ay may malawakang suporta mula sa lokal na maliliit na negosyo, mga nag-aadbokasiya, progresibo, nasa gitna ang mga pananaw o moderates, at mga lider ng lungsod sa iba’t ibang hanay ng mga politikal na pananaw. Samahan kami sa pagboto ng oo sa Proposisyon M para sa ating maliliit na negosyo at sa kinabukasan ng ating lungsod. Sama-sama nating muling pasiglahin ang San Francisco. Alamin pa ang tungkol dito sa revitalizesf.com.

Laurie Thomas, Golden Gate Restaurant Association (Asosasyon ng mga Restawran sa Golden Gate)

Masood Samereie, San Francisco Council of District Merchants (Konseho ng mga Negosyante sa Distrito ng San Francisco)

Rodney Fong, Presidente, San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco)

Alex Bastian, Hotel Council of San Francisco (Konseho ng mga Otel sa San Francisco)

Larry Mazzola Jr., San Francisco Building and Construction Trades Council (Konseho para sa Pagtatayo ng mga Gusali at Pangangalakal sa San Francisco)

Mary Jung, Dating Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco)

Nasa Proposisyon M na ng lahat ng katangian maliban na lamang sa pagkakaroon ng magandang intensiyon o pagiging mabuti sa maliliit na negosyo. Nilikha ito ng koalisyon ng mga may espesyal na interes at mga politiko, at inililipat ng panukalang-batas ang pasaning buwis sa mga paraan na kapwa hindi makatarungan at hindi episyente, at ikasasama ng nagtatrabahong mga taga-San Francisco at ng mas malawak na komunidad ng mga nagnenegosyo.

Ipinahahayag ng mga may-panukala na bababaan at pasisimplehin ng Proposisyon M ang mga buwis. Ang totoo, nasa proposisyon na ang lahat ng katangian maliban na lamang sa kawalan ng pagkiling sa usapin ng pagbubuwis. Ang Proposisyon M ay pinaghahalo-halong resulta ng napakapangit na mga patagong kasunduan sa pagitan ng mga indibidwal na may mga konseksiyon sa City Hall, mga lobbyist (binabayaran upang maimpluwensiyahan ang mga mambabatas) ng mga negosyo, at mga unyon sa paggawa, na babawasan ang kanilang mga pasanin, habang kumukuha ng mas matataas at mas mapang-aping mga buwis para sa hayok na City Hall.

Lilikha ang Proposisyon M ng mga panalo at talunan sa mga industriya— may ilang haharap sa kagitla-gitlang pagtataas ng buwis, lalo na iyong mas mababa lang nang kaunti sa pinakamatataas na antas. Dapat ding pansinin na makikita ng mga kompanyang nasa biotech na tataas ang kanilang pasaning buwis nang 68%. Nangangahulugan ang Proposisyon M ng mas mataas na lokal na pagkamahal ng mga bilihin, pagtatapyas ng mga trabaho, at pag-alis ng mga nag-eempleyo sa San Francisco.

Hindi talaga ito pagrereporma sa buwis na malawak ang saklaw. Ang Proposisyon M ay malagkit na pukyutan o malaking mapagkukunan ng pera ng mga may espesyal na interes, at mapagbanta ito sa pag-unlad at sa mga trabaho.

Sa halip na suportahan ang may lamat na panukalang-batas na ito, ibaling natin ang ating atensiyon sa komprehensibo at pinamumunuan ng mga mamamayan na mga reporma sa pagbubuwis at paggasta sa 2025, na tunay na makasusuporta sa umuunlad na mga negosyo at mapananatiling ekonomiya sa hinaharap. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon M.

Larry Marso, Esq.

Nagpapakilala ang Proposisyon M ng bagong mga porsiyento sa pagbubuwis na dramatikong magpapalaki sa pasanin ng maraming negosyo sa San Francisco. Bagamat may ilang maliliit na negosyo na maaaring makakita ng kakaunting pagbabago, may iba pa—lalo na iyong katamtaman ang laki at malalaking kompanyang nag-eempleyo ang haharap sa doble o kuwadruple pa ngang mga porsiyento sa buwis.

Hindi lamang ito “tweak o maliit na pagbabago,” kundi malaking pagtataas ng buwis na posibleng malaki ang magawang pagbabago sa pinansiyal na kinabukasan ng pangunahing mga kompanya. Ipinahahayag ng mga may-panukala na “revenue neutral o walang kinikilingan sa usapin ng pagbubuwis” ang panukalang-batas. Hindi sumasang-ayon dito ang Tagapamahala ng Pinansiya: isa itong $50 milyon/taon na pagtataas ng buwis. Malaking bahagi ng pasanin ang ililipat nito sa mga negosyo na naghihirap pa rin bunga ng pagbagsak ng ekonomiya sa San Francisco nang dahil sa COVID. Dahil sa malaking pagtataas ng buwis na ito, mapipilitan ang mga kompanya na magbawas ng pamumuhan, magtanggal sa trabaho, at sa kabuuan, muling pagisipan ang pagkakaroon ng mga operasyon sa San Francisco.

May mas mabuting paraan sa pagrereporma ng ating sistema ng pagbubuwis sa mga negosyo. Bilang indibidwal na nakapagsulat na ng panukalang-batas sa balota, alam ko na maaaring malampasan ng pamumunuan ng mga mamamayan na inisyatiba sa 2025 ang hayok na mga politiko ng City Hall at nang makalikha ng makatarungan at malawak ang batayang istruktura ng pagbubuwis na naghihikayat sa pag-unlad ng mga negosyo sa halip na nagpaparusa sa mga ito. Samasama tayong makapagsasabatas ng mga reporma sa pagbubuwis at paggasta sa 2025 kung saan mas magiging episyente ang gobyerno, mapapasimple ang kodigo sa buwis, at magagawang mas kahikahikayat na lugar ang San Francisco sa mga negosyo na iba’t iba ang sukat.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon M at samahan ako sa pagsuporta ng tunay at itinutulak ng mga mamamayan na pagrereporma sa 2025, kung saan nakikinabang ang lahat sa San Francisco.

Larry Marso

Si G. Marso ay ehekutibo sa teknolohiya, tagapayo ukol sa M&A, at abugado. Bilang matatag na nag-aadbokasiya para sa responsibilidad sa pinansiyal na mga usapin, nag awtor ng panukalang-batas sa balota upang magkaroon ng mga regulasyon sa navigation/linkage centers (mga sentrong tumutulong sa walang tahanan o may problema sa paggamit ng droga at iba ang sangkap), nakipagtunggali laban sa korupsiyon at panlilinlang sa ating mga politikal na partido at nonprofit, at miyembro at dating ehekutibo ng lokal na komite ng Republican Party (Partido Republikano), naghandog siya ng may prinsipyong pagtutol.

Itigil ang Malaking Panlilinlang sa mga botante ng San Francisco! bisitahin ang: https://bigfraud.com

Larry S. Marso

KONTRA-ARGUMENTO SA ARGUMENTO NA LABAN SA PROPOSISYON M

Kailangan ng Maliliit na Negosyo ng San Francisco ang Proposisyon M. Mangyaring Bumoto ng Oo!

Ang ating maliliit na negosyo ang pulso ng San Francisco, at kinakatawan ng mga ito ang lahat ng dahilan kung bakit masigla, may pagkakaiba-iba, at natatangi ang ating lungsod. Gayon pa man, nasa krisis na ang mga negosyo sa ating mga komunidad at kailangan natin ang Proposisyon M. Magmula noong pandemya, marami nang maliliit na negosyo ang nagsara ng kanilang mga pinto, habang nahirapan naman ang iba na manatiling buhay, dahil pasan-pasan nila ang nakapangwawakas na istruktura sa pa bubuwis ng lungsod.

Kung wala ang Proposisyon M, lubusang tataas ang mga buwis sa maliliit na negosyo. Nakatakdang tumaas ang mga buwis, at bilang mga kinatawan ng maliliit na negosyo sa kabuuan ng San Francisco, may kumpiyansiya naming masasabi na marami sa aming komunidad ng maliliit na negosyo ang hindi mananatiling buhay.

Naghahandog ang Proposisyon M ng lifeline o makakapitan para mabuhay. Makatutulong ito upang manatiling buhay at umuunlad ang ating mga negosyo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng agad na ginhawa sa pagbabayad ng buwis sa mahigit 2,700 maliliit na negosyo. Pahihintulutan nito ang hindi pagkakasama ng mga negosyong ito sa pagbabayad ng mga buwis sa lungsod at tatanggalin ang $10 milyon sa mga singil sa pagkuha ng permit at pagpapalisensiya. Babawasan o tatanggalin din nito ang buwis sa 90% ng mga restawran.

Gagawing mas simple ng Proposisyon M ang istruktura ng pagbubuwis sa mga negosyo, babawasan ang buwis sa mga payroll (suweldo ng mga empleyado) upang mahikayat ang mas malalaking taga-empleyo na manatili rito at mas pantay na mapaghahati-hati ang pasaning buwis upang magkaroon ng pinansiyal na katatagan sa pagsuporta sa kritikal na mga serbisyo ng lungsod. Hindi lamang ito pansamantalang pagaayos; napakahalagang hakbang nito tungo sa muling pagpapasigla sa ating ekonomiya at pagpepreserba sa natatanging karakter ng ating mga komunidad.

Bumoto ng OO sa Proposisyon M upang matulungan ang maliliit na negosyo na dahilan ng pagiging dakila ng San Francisco.

Haight Ashbury Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Haight Ashbury)

Polk District Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Distrito ng Polk)

North Beach Business Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa North Beach)

Mission Creek Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Mission Creek)

1

Muling pasiglahin ang ating Lungsod at Bumoto ng Oo sa Prop M!

Ang San Francisco, na matagal nang itinatanghal bilang sentro ng inobasyon at komersiyo, ay nakikipaghamok pa rin sa mga epekto ng pandemya sa ekonomiya. Nahihirapan ang maliliit na negosyong makabangon at nagdurusa na ang ating downtown. Ang Proposisyon M ay hindi lamang pagbabago ng polisiya — pandugtong ito ng buhay para sa libo-libong negosyo na nasa bingit na ng pagsasara. Ang pagpasa sa Proposisyon ay lilikha ng pagbabago sa mga sektor na tulad ng pangangalaga ng kalusugan, sining, entertainment o paglilibang, manupaktura, at cleantech o teknolohiyang mabuti para sa kapaligiran, kung kaya’t matitiyak na mananatili ang San Francisco na inobatibo at dinamikong lugar na matitirahan at mapagtatrabahuhan. Magsisimula nang muli ang naantalang pagtataas ng buwis sa 2025 kapag hindi naipasa ang Proposisyon M. Hindi na natin kaya pang lalong dagdagan ang pasanin ng ating lokal na mga negosyo. Tumulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng San Francisco sa pamamagitan ng pagboto ng Oo sa Proposisyon M. Revitalizesf.com

Mayor London Breed

Presidente ng Lupon Aaron Peskin

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Catherine Stefani

Superbisor Ahsha Safai

Superbisor Myrna Melgar

Superbisor Connie Chan

Tagatasa-Tagatala Joaquín Torres

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco (Muling Pasiglahin ang San Francisco).

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco (Konseho ng mga Otel sa San Francisco).

 

2

Suportahan ang Proposisyon M: Ang Napakahalagang Batas para sa Maliliit na Negosyo

Bilang mga kinatawan ng lokal na mga konseho ng mga mangangalakal, sinusuportahan namin ang Proposisyon M. Napakahalaga ng importanteng panukalang-batas na ito para sa buhay at kasaganaan ng daan-daang maliliit na negosyong kinakatawan namin. Magmula noong pandemya, ang aming mga miyembro—na sumasaklaw sa mga tindahan, hospitalidad, at marami pang iba—ay humarap na sa hindi pa nagaganap kailanman na mga hamon. Sa pamamagitan ng pagbabawas ng pasaning buwis sa mga industriyang ito, direkta nating masusuportahan ang kanilang kakayahan na makabangon at mamayagpag matapos ang pandemya. Higit pa sa agad na pagbabawas sa buwis, gagawin ding mas simple ng panukalang-batas na ito ang istruktura ng business tax (buwis sa pagnenegosyo) ng San Francisco), kung kaya’t mas madaling mapagdadaanan ang mga proseso nito ng mga negosyo at matitiyak ang pangmatagalang panahon na katatagan ng ekonomiya. Kung wala ang panukalang-batas na ito, mapipigilan ng tataas na mga buwis sa 2025 ang mga pagsusumikap na makabangon at ang pag-unlad ng ekonomiya. Bumoto ng Oo sa Proposisyon M upang makapagsanggalang para sa kinabukasan ng masiglang komunidad ng maliliit na negosyo ng San Francisco! RevitalizeSF.com.

San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco)

Hispanic Chambers of Commerce of San Francisco (Hispanikong Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco)

San Francisco Filipino American Chamber of Commerce (Filipino Amerikanong Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco)

San Francisco African American Chamber of Commerce (Aprikano Amerikanong Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

3

Iligtas ang Maliliit na Negosyo ng San Francisco - Bumoto ng OO sa M

Matagal nang ilaw ng inobasyon, kultura, at pagnenegosyo ang San Francisco, pero malapit nang bumagsak ang ating maliliit na negosyo. Ang walang katapusang pagkakaipit dahil sa matataas na business tax at gastos sa mga operasyon, na pinalala pa ng pandemya, ay nagdulot ng kapanglawan sa dating masisigla nating mga komunidad. Ang Prop M ang ating matatanganan tungo sa pagbangon, dahil naghahandog ito ng napakahalagang pagbabawas ng buwis sa mahigit 2,700 maliliit na negosyo. Kung wala ang napakahalagang panukalang-batas na ito, isasapanganib ng mas mataas na pasaning buwis simula Enero 2025 ang muling paglakas ng ekonomiya ng ating lungsod. Sa pamamagitan ng hindi pagsasama sa mga negosyo sa nagdudulot ng hirap na mga business tax ng lungsod at sa pagtatanggal sa mahigit $10 milyon sa mga singil sa pagkuha ng permit at pagpapalisensiya, muli nating mabubuhay ang masisiglang harapan ng tindahan, komportableng mga makakainan, at natatanging mga tindahan sa komunidad na nagbibigay-depinisyon sa San Francisco. Ipasa ang Prop M at iligtas ang ating maliliit na negosyo! RevitalizeSF.com.

Golden Gate Restaurant Association (Asosasyon ng mga Restawran sa Golden Gate)

San Francisco Council of District Merchants (Konseho ng mga Negosyante sa Distrito ng San Francisco) 

California Nightlife Association (Asosasyon para sa Nightlife ng California)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

4

Suportahan ang Proposisyon M para sa Demokratikong Pangako na Magkakaroon ng Katarungan sa Pagkakapantay-pantay sa Ekonomiya at Kagalingan ng Komunidad

Bilang mga lider ng Democratic Party (Partido Demokratiko), hinihikayat namin ang bawat taga-San Francisco na suportahan ang Proposisyon M. Hindi lamang tungkol sa pagrereporma sa buwis ang panukalang-batas na ito; isa rin itong muling pagpapahayag ng paniniwala sa ating batayang mga Demokratikong pagpapahalaga sa pagiging patas, ekonomikong oportunidad, at kagalingan ng komunidad. Humaharap na ang maliliit na negosyo ng ating lungsod na hindi pa napapantayang mga hamon magmula noong pandemya. Sa pamamagitan ng pagpapasimple sa sistema ng pagbubuwis at sa pagbabawas ng mga buwis sa napakahahalagang negosyong ito, titiyakin ng Proposisyon M na uunlad ang mga negosyo na iba’t iba ang laki.  Kinakatawan ng proposisyon na ito ang ating pananagutan sa pangangalaga sa paglikha ng mga trabaho at katatagan ng ekonomiya—na mahahalagang bahagi ng makatarungang pagbangon matapos ang pandemya. Higit pa sa pagboto para sa pagrereporma sa pagbubuwis ang pagsuporta sa Proposisyon M; isa itong boto para sa katarungan sa pagkakapantay-pantay at kasaganaan sa ating minamahal na lungsod.  RevitalizeSF.com.

Mary Jung, Dating Tagapangulo, San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco)*

Emma Heiken, Pangalawang Tagapangulo San Francisco Democratic County Central Committee (Komite Sentral ng County ng Partido Demokratiko ng San Francisco)*

Trevor Chandler, Miyembro, San Francisco Democratic County Central Committee*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

5

Bilang dating City Controller (Tagapamahala ng Pinansiya ng Lungsod), matatag akong sumusuporta sa Proposisyon M. 

Kapwa humaharap na ang mga negosyo ng San Francisco, na malalaki at malilit, sa hindi pa nangyayari kailanman na mga hamon magmula noong pandemya. Layunin ng Proposisyon M na magkaroon ng positibong pagbabago sa lungsod sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kailangang-kailangan na pagbabawas ng buwis sa mahigit 2,700 maliliit na negosyo at pagtatanggal sa milyon-milyon sa mga singil sa pagkuha ng permit at pagpapalisensiya. Isaalang-alang ninyo ang pulso at kasiglahan ng ating lungsod—ang pagtibok ng puso na idudulot ng maliliit na negogosyo sa pamamagitan ng lokal na pag-eempleyo, pagpapalahok sa kominidad, at natatanging mga handog. Kung walang interbensiyon, nakatakdang tumaas ang mga buwis sa maliliit na negosyo pagsapit ng Enero 2025, kung kaya’t mas lalo pang mahihirapan ang pagbangon ng ekonomiya at mapipinsala ang nagbibigay-buhay sa mga komunidad ng San Francisco.  Naipakita na ng pandemya ang ating kahinaan pagdating ng mga pagsubok, ngunit kung sama-sama, makapagtatayo tayo ng malakas at matatag na San Francisco.  Bumoto ng Oo sa Prop M! RevitalizeSF.com.

Ed Harrington, Dating City Controller

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

6

Suportahan ang Proposisyon M: Progresibong Bisyon para sa San Francisco na Nagsasama sa Lahat at May Katarungan sa Pagkakapantay-pantay

Bilang progresibong mga lider, tumitindig kami na matibay ang pagsuporta sa Proposisyon M. Magmula noong pandemya, hindi na mabilang ang maliliit na negosyo sa San Francisco na nahihirapan na, kung kaya’t naapektuhan hindi lamang ang kabuhayan ng mga may-ari ng negosyo kundi pati na rin ang sigla at pagkakaroon ng mga pagkakaiba-iba sa ating minamahal na lungsod. Ang Proposisyon M ang ating oportunidad upang mabawasan ang mabibigat na buwis at mapasimple ang sistema ng pagbubuwis sa mga negosyo, kung kaya’t makapagbibigay ito ng kailangang-kailangang ginhawa sa pinakanangangailangan nito. Sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga regressive tax (bumababa ang porsiyento ng buwis habang lumalaki ang kita), titiyakin ng Proposisyon M na makikinabang sa pag-unlad ng ekonomiya ng lungsod ang mga negosyo, anuman ang laki. Napakahalaga ng panukalang-batas na ito upang magawang patas ang laban, maitaguyod ang katatagan ng komunidad, at masuportahan ang progresibong mga pinahahalagahan, tulad ng katarungang panlipunan at at katarungan sa pagkakapantay-pantay sa ekonomiya. Bumoto ng Oo sa Proposisyon upang makalikha ng mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat! RevitalizeSF.com.

Superbisor Aaron Peskin

Superbisor Connie Chan

Norman Yee, dating Presidente, Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor)

Small Business Forward (Abante Maliit na Negosyo)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

7

Iligtas ang Napakahahalagang Serbisyo para sa mga Walang Tahanan – Bumoto ng Oo sa Proposisyon M! 

Ang kawalan ng tahanan ang isa na sa pinakamaiigting na usapin na kinakaharap ng ating minamahal na lungsod. Ang Proposisyon M ang ating oportunidad na protektahan ang napakahalagang pondo para sa mga serbisyong para sa walang tahanan. Sa panahon matapos ang pandemya, umaasa tayo sa mas maliit na bilang ng mga kompanya sa pagbabayad tungo sa pondo para sa mga walang tahanan. Upang maiwasan ang malaking pagkawala ng kita sakaling pumunta sa ibang lugar ang mga kompanyang ito, naghahandog ang Proposisyon M ng solusyon: sa pamamagitan ng pagrereporma sa ating istruktura ng pagbubuwis, mapalalawak natin ang ating tax base (kabuuang pag-aari na puwedeng mabuwisan) at makapagbigay ng katatagan para sa mahahalagang serbisyo ng lungsod. Napakahalaga ng pondong ito, na nagmumula sa komunidad ng mga negosyo, sa pagpapanatiling may tahanan ang libo-libong taga-San Francisco. Bumoto ng Oo sa Proposisyon M! RevitalizeSF.com.

Sharky Laguana, Homelessness Oversight Coalition (Koalisyon para sa Pangangasiwa sa Kawalan ng Tahanan)*

San Francisco Coalition on Homelessness (Koalisyon ukol sa Kawalan ng Tahanan sa San Francisco)

Christin Evans, Pangalawang Tagapangulo, Homelessness Oversight Commission*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco. 

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

8

Mahalaga ang Proposisyon M para sa Industriya ng Hospitalidad ng San Francisco

Bilang mga kinatawan ng industriya ng hospitalidad ng San Francisco, mariin naming sinusuportahan ang Proposisyon M. Ang mga otel, restawran, at mga tagabigay ng serbisyo ang bumubuo sa gulugod ng masiglang ekonomiya sa turismo ng San Francisco, at malugod na tumatanggap ito ng milyon-milyong bisita taon-taon. Naiwan ng pandemya ang marami sa atin na walang panimbang at nasa gilid na ng pagbagsak ang pinansiyal na kalagayan. Naghaharap ang Proposisyon M ng kailangang-kailangan na ginhawa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng labis-labis na buwis at pagpapasimple sa ating sistema ng pagbubuwis, kung kaya’t makakabangon at makauunlad ang ating mga negosyo. Kung wala ang panukalang-batas na ito, nagbabanta na ang nalalapit na pagtataas ng mga buwis sa 2025 na lubusang mapipigilan ang ating kapasidad na mapaglingkuran ang mga bisita at mapanatili ang mga trabaho. Dapat masuportahan ang Proposisyon M upang mapanatili ang kailangang-kailangang papel ng industriya ng hospitalidad sa pagkakahabi ng ekonomiya at kultura ng san Francisco. Bumoto ng Oo sa Proposisyon M para sa mas malakas at matatag na sektor ng hospitalidad! RevitalizeSF.com.

Alex Bastian, Presidente at CEO, Hotel Council of San Francisco 

Tony Roumph, Miyembro ng Lupon, Hotel Council of San Francisco

Golden Gate Restaurant Association 

California Nightlife Association 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

9

Suportahan ang Proposisyon M: Ang Susi tungo sa Muling Pagpapasigla sa Downtown ng San Francisco 

Ang downtown ng San Francisco ang puso ng ekonomiya ng ating lungsod, pero nakapipinsala pa rin ang nananatiling mga epekto ng pandemya. Maraming negosyo ang nagsara na ng kanilang mga pintuan, at bumababa na ang foot traffic o bilang ng mga naglalakad. Kailangang muli nating bigyan ng bagong buhay ang ating batayang mga negosyo. Ang Proposisyon M ang susi sa ating pagbangon, dahil naghahandog ito ng napakahalagang ginhawa sa pagbabayad ng buwis at pasisimplehin nito ang ating komplikadong kodigo sa pagbubuwis. Sa pamamagitan ng pagbabawas sa pasaning buwis kapwa ng maliliit at malalaking negosyo, mabibigyan ng insentiba ng panukalang-batas na ito ang mga negosyo upang bumalik sa lugar ng downtown. Ibabalik ng Proposisyon M ang kaslglahan sa ating mga kalye, magsasanhi ng paglikha ng mga trabaho, at paghuhusayin ang pangkalahatang kalusugan ng ekonomiya ng ating lungsod. Bumoto para sa Proposisyon M upang muling mapasigla ang ating Pinansiyal na Distrito at ang komunidad ng mga negosyo sa downtown! RevitalizeSF.com. 

Hotel Council of San Francisco. 

Golden Gate Restaurant Association 

Mga May-ari at Tagapamahala ng mga Gusali sa San Francisco 

San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

10

Bilang mga Tsino na may-ari ng negosyo sa San Francisco, mahigpit naming sinusuportahan ang Proposisyon M. 

Nag-iwan ang COVID-19 ng nananatiling marka sa komunidad ng maliliit na negosyo sa San Francisco. Dahil nahihirapan ang mga ito na manatiling buhay sa gitna ng tumataas na gastos sa mga operasyon at nabawasan nang mga naglalakad na kostumer, marami ang permanente nang nagsara ng kanilang mga pintuan. Lubusang hindi isasama ng proposisyong ito ang mahigit 2,700 maliliit na negosyo sa pagbabayad ng business tax sa lungsod, kung kaya’t mapagkakalooban sila ng pinansiyal na o espasyo para makahinga, at nang manatiling buhay at umuunlad. Bukod rito, tatanggalin nito ang mahigit $10 milyon sa singil sa paglilisensiya para sa mga restawran, otel, sining, at tindahan sa komunidad, kung kaya’t makahihikayat ng bagong mga pamumuhunan at mapasisigla ang ating mga komunidad. Napakahalaga ng pagboto ng Oo sa Proposisyon M para sa muling pagpapasigla sa San Francisco at sa pagtitiyak ng masaganang kinabukasan para sa lahatng negosyo. RevitalizeSF.com.

Cynthia Huie, On Waverly*

Cyn Wang, Wang Insurance*

Tane O. Chan, Wok Shop*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

11

Napakahalaging Pampalakas ng Latinong mga Negisyo sa San Francisco ng Proposisyon M 

Magmula noong pandemya, marami sa atin ang nahirapan nang panatilihing bukas ang ating mga pintuan. Naghahandog ang panukalang-batas na ito ng naka-target na ginhawa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga buwis para sa maliliit na negosyo, kasama na ang ating minamahal na mga restawran at tindahan sa komunidad. Para sa maraming restawran, otel, at tindahan sa komunidad, maaaring mangahulugan ang pagtatanggal sa mahigit $10 milyon sa singil sa pagpapalisensiya ng pagkakaiba sa pagitan ng pananatiling bukas at permanente nang pagsasara ng mga pintuan. Pasisimplehin ng Proposisyon M ang sistema ng pagbubuwis, kung kaya’t magkakaloob ito ng kakayahan sa paggawa ng mga prediksiyon at katatagan, na napakahahalaga para sa pananatili nating buhay at umuunlad. Kung wala ito, mapagbabantaan ng tataas na buwis sa 2025 ang mga negosyo ng ating komunidad. Kailangan natin ang repormang ito upang muling mapasigla ang ating lungsod at matiyak ang maningning na kinabukasan para sa mga Latinong may-ari ng negosyo. Bumoto ng Oo sa Proposisyon M!

Denise Gonzalez, Luz de Luna*

Jonathan Hernandez, Latin American Barbers (Mga Barberong Latino Amerikano)*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

12

Oo sa Proposisyon M: Pagbibigay ng Lakas sa mga Negosyong LGBTQ 

Nasa panganib na ang natatangi at masiglang komunidad ng maliliit na negosyo ng San Francisco ng ating komunidad, at ang Proposisyon ang pandugtong sa buhay na kailangang-kailangan natin. Humarap na sa hindi pa nararansan kailanman na mga hamon ang mga negosyong LGBTQ sa lungsod magmula noong pandemya, at marami ang malapit nang magsara. Hindi luho ang eksempsiyon o pagkakasali sa buwis, kinakailangan ito upang matiyak na mananatiling buhay at makauunlad ang mga negosyong ito, na bahalagang bahagi ng San Francisco. Sa pamamagitan ng pagpapasimple sa sistema ng pagbubuwis at sa pagpapalawak ng pagbabawas ng buwis ng maliliit na negosyo, titiyakin ng Proposisyon M ang katatagan at pag-unlad ng mga negosyong kumakatawan sa diwa ng ating mga komunidad na may mga pagkakaiba-iba. Kung wala ang panukalang-batas na ito, siguradong tataas ang buwis ng maliliit na negosyo sa susunod na taon, at suntok ito na maaaring hindi malampasan ng marami. Bumoto ng Oo sa Proposisyon M upang masuportahan ang mga negosyong LGBTQ at ang San Francisco na nagsasama sa lahat. RevitalizeSF.com.

Christin Evans, Booksmith*

Alice B. Toklas LGBTQ Democratic Club (Alice B, Toklas na Samahang Demokratiko na LGBTQ 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

13

Bumoto ng OO sa M at Muling Pasiglahin ang ating Lungsod  

Nag-iwan ang COVID-19 ng nagtatagal na marka sa San Francisco, kung kaya’t napabago nito ang masiglang downtown tungo sa pagiging shadow of it’s former self o lubhang mas mahina kaysa sa dating sarili. Pinakamarami ngayon kaysa sa anumang panahon ang bakanteng mga opisina, at ang pinakamamahal na landmark o palatandaan tulad ng Union Square ay nawawalan na ng kanilang alindog habang papasara na ang mga tindahan. Malinaw ang solusyon: kailangang-kailangan natin na muling pasiglahin ang pinakaubod ng ating lungsod at nang makahikayat at makapagpanatili ng mga negosyo, at ang Proposisyon N ang landas sa pagsulong.  Makahihikayat ang Proposisyon N ng mga sektor sa ekonomiya na may mga pagkakaiba-iba pabalik sa lungsod, dahil mabibiyayayaan ang mga kompanya para sa pagpapanatili at paglikha ng mga trabaho sa San Francisco. Isipin na lamang ninyo ang pagiging masigla at maingay muli ng downtown, kung saan puno ng mga empleyado ang mga gusali ng mga opisina, dumudumog ang mga turista sa mga otel, at sinusuportahan ng mga tagarito ang paborito nilang mga lugar para sa sining at paglilibang. Bumoto ng OO sa Proposisyon N at bigyan ng bagong buhay ang ating minamahal na lungsod! RevitalizeSF.com.

San Francisco Building and Trades Council (Konseho para sa Pagtatayo ng mga Gusali at Pangangalakal sa San Francisco) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

14

Suportahan ang Proposisyon M para sa Industriya ng Paglilibang ng San Francisco 

Ang ating mga bar, nightclub, teatro, at iba pang lugar para sa paglilibang ang mga pundasyon ng kultural at panlipunang buhay ng San Francisco. Mula sa masiglang buhay sa gabi ng Mission District hanggang sa pinakabago ang estilong mga palabas sa mga teatro ng SOMA, nagdadala ang mga lugar na ito ng tagapagtangkilik sa mga negosyo sa ating komunidad at nagpapasok sa ating lungsod ng natatanging diwa nito.  Magmula noong pandemya, maraming lugar ang nakipaghamok na upang manatiling buhay, dahil hindi nila makayanan ang hirap ng ekonomiya. Naghaharap ang Proposisyon M ng napakahalagang ginhawa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng pabigat na buwis at pagpapasimple sa ating sistema ng pagbubuwis, kung kaya’t makababangon at makauunlad ang ating mga negosyo. Kung wala ang panukalang-batas na ito, pupuwersahin ng mga pagtataas ng buwis na nakatakda sa 2025 ang maraming lugar na permanenteng magsara, kung kaya’t lalo pang mapanghihina ang pangkulurang kalagayan ng ating lungsod. Suportahan ang industriya ng paglilipag sa San Francisco at bumoto ng Oo sa Proposisyon M! RevitalizeSF.com. 

California Nightlife Association 

Cyn Wang, Bise Presidente of San Francisco Entertainment Commission (Komisyon para sa Paglilibang ng San Francisco)*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

15

Protektahan ang mga Negosyo sa Komunidad at Bumoto ng OO sa M 

Ang puso at kaluluwa ng San Francisco ay nasa maliliit na negosyo na nakahanay sa ating mga kalye at bumubuo sa ating mga komunidad. Gayon pa man, nahirapan na ang maliliit na negosyong ito na mapanatiling bukas ang kanilang mga pintuan magmula noong pandemya. Bilang matapang na taga-protekta ng ating mga komunidad, kinikilala ko kung gaano kahalaga na masuportahan ang maliliit na negosyo na bumubuo sa gulugod ng ating lokal na mga komunidad. Naghahandog ang Proposisyong M na ilaw ng pag-asa sa pamamagitan ng malaking pagbabawas nito sa pinansiyal na pasanin ng ating minamahal na mga lokal na estabilisamyento. Kung wala ang Proposisyon M, haharap ang maliliit na negosyong ito ng nalalapit nang pagtataas ng buwis simula Enero 2025, kung kaya’t maisasapanganib ang pagbangon ng ekonomiya ng ating lungsod sa panahong nagkakaroon na ito ng lakas. Susing bahagi ang Proposisyon M ng muling pagtatayo sa San Francisco, hindi lamang para sa iilan, kundi para sa lahat. RevitalizeSF.com.

Aaron Peskin, Presidente, Board of Supervisors*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

16

Bumoto ng Oo sa Prop M - Ang Pandugtong-buhay para sa Pagbangon ng Ekonomiya ng San Francisco 

Nasa sangandaan na ang ating minamahal na San Francisco. Magmula noong pandemya, nakita na ng ating masiglang lungsod ang pagsasara ng maliliit nitong mga negosyo, at ang pag-alis ng malalaking taga-empleyo, kung kaya’t naiwan tayong bulnerable sa hindi inaasahang mga pangyayaring nakaaapekto sa ekonomiya at nagbabanta sa katatagan ng napakahahalagang mga serbisyo ng lungsod. Isipin na lamang ninyo ang San Francisco kung saan umuunlad ang maliliit na negosyo, kung saan namamayagpag ang mga restawran at mga lugar para sa sining, at kung saan hindi umaasa ang katatagan ng lungsod sa iilang malalaking kompanya. Layunin ng Proposisyon M na gawing realidad ang bisyon na ito sa pamamagitan ng hindi pagsasama sa 2,700 maliliit na negosyo mula sa mga business tax, at pagtatanggal sa $10 milyon sa mga singil para sa pagkuha ng permit at pagpapalisensiya. Babawasan din ng panukalang ito ang mga payroll tax (buwis sa suweldo ng mga empleyado) at nang mabigyan ng panghikayat ang mga kompanya na pabalikin ang mga empleyado.  Para sa kapakanan ng ating komunidad at ng ating kinabukasan, samahan kami upang makagawa ng malaking pagbabago sa pag-unlad ng ating lungsod at bumoto ng Oo sa Proposisyon M! RevitalizeSF.com. 

GrowSF 

TogetherSF 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

17

Bumoto ng Oo sa Proposisyon M upang Muling Pasiglahin ang Maliliit na Negosyo ng San Francisco! 

Hindi lamang pagrereporma sa buwis ang Proposisyon M; pandugtong-buhay ito sa ating lokal na mga negosyo. Bilang superbisor sa loob ng dalawang termino, at kandidato para maging mayor na may direktang karanasan sa pagpapatakbo ng maliit na negosyo, naiintindihan ko ang kagyat na pangangailangan na suportahan ang ating lokal na mga negosyo. Kung walang agad na interbensiyon, tataas ang mga buwis sa maliliit na negosyo sa Enero 2025, kung kaya’t lalo pang mapipigilan ang pagbangon ng ating ekonomiya. Sa ilalim ng Proposisyon M, makakakita ang mahigit 90% ng mga restawran ng pagkabawas sa mga buwis, kung saan 88% ang hindi na magbabayad ng anumang business tax. Gagantimpalaan din nito ang mga kompanya para sa pagpapanatili ng mga empleyado sa San Francisco, kung kaya’t maibabalik ang mga tao sa downtown, at makapag-aambag sa ating lokal na ekonomiya. May kapangyarihan tayo upang makalikha ng lungsod na mas may katarungan sa pagkakapantay-pantay at mas masigla—samahan ako at bumoto ng OO sa Proposisyon M! RevitalizeSF.com.

Superbisor Ahsha Safai

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

18

Bumoto ng OO sa Prop M para sa Masiglang San Francisco! 

Magsama-sama tayo upang suportahan ang Proposisyon M at lumikha ng masiglang San Francisco kung saan buhay na buhay ang mga komunidad, ikinasasabik ng mga turistang naririto sila sa lungsod, at may downtown na maingay dahil sa mga aktibidad araw-araw. Panahon na upang gumawa ng malaking pagbabago sa pag-unlad ng ekonomiya ng San Francisco, para kapwa sa malalaki at maliliit na negosyo. Bilang taga-San Francisco na dito ipinanganak at lumaki, nakita ko mismo kung paanong humarap ang maliliit na negosyo, na siya puso ng ating mga komunidad, ng hindi pa nararanasan kailanman na mga hamon nang dahil sa pandemya. Iyan ang dahilan kung bakit ko sinusuportahan ang Proposisyon M - at nang hindi maisama ang karagdagang 2,700 maliliit na negosyo mula sa mga business tax, mahikayat ang mga taga-empleyo na ibalik ang mga tao sa mga opisina, at maisulong ang mga sektor tulad ng pangangalaga sa kalusugan, hospitalidad, sining, paglilibang, manupaktura, at teknolohiyang mabuti sa kapaligiran. Bumoto ng OO sa Prop M para sa maunlad na kinabukasan para sa San Francisco! RevitalizeSF.com. 

Mark Farrell, Dating Mayor at Superbisor ng San Francisco  

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

19

Maging tapat tayo - gumawa na ang City Hall ng mga pangako sa nakaraan sa maliliit na negosyo at hindi natupad ang mga pangakong ito. Sa halip na makatanggap ng suportang kinakailangan nila, napigilan ang ating mga negosyante ng masalimuot na burukrasya at naiwan sa harapan ng kawalan ng tahanan, pagbebenta ng droga, at krisis sa kalusugan ng isip. Ang Prop M ang ating pagkakataon upang makapagbigay ng tunay na pagtulak sa maliliit na negosyo at pasimulan ang pag-unlad ng mabagal na pagbangon ng ating ekonomiya.  

Isa akong natibo ng San Francisco at ama na ikinararangal ang aking dalawang anak na nasa edad na ng pagpasok sa paaralan, at gusto kong makabuo ng kinabukasan para sa ating lungsod na ikararangal nila.  

Gagawan ng bagong istruktura ng Prop M ang ating mga business tax upang maging mas makatwiran at may katarungan sa pagkakapantay-pantay, sa pamamagitan ng pagbabawas o pagtatanggal ng pasaning buwis sa maliliit na negosyo habang tinatayak na mas matatag ang kita mula sa buwis ng ating lungsod. Lubos na umaasa ang kasalukuyang istruktura ng pagbubuwis sa iilang kompanya lamang, na nagsasapanganib sa mga pondo para sa mga serbisyo ng lungsod sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya at nabibigo sa pagbibigay ng suporta sa maliliit na negosyo, inobasyon, at paglikha ng mga trabaho.  

Hindi ito tungkol lamang sa pag-aayos ng problema na nilikha ng City Hall, tungkol ito sa pagtulak upang makaabante ang San Francisco. Sa pamamagitan ng paggawang mas madali sa maliliit na negosyo na magkaroon ng mga operasyon at umunlad, pasisimulan ng Prop M ang pagbangon na kailangang-kailangan natin, kung kaya’t maibabalik ang mga trabaho, kasiglahan, at katatagan ng ekonomiya sa ating mga kalye.

Huwag lang tayong mangusap tungkol sa mga solusyon-ipatupad natin ang mga ito. Bumoto ng Oo sa Prop M at tumulong sa pagklikha ng San Francisco kung saan maaaring umunlad ang maliliit na negosyo, kung saan makatwiran at matatag ang ating sistema ng pagbubuwis, at kung saan maaari tayong gumawa ng tunay na mga hakbang upang matugunan ang mga hamon na kinakaharap natin nang magkakasama.  RevitalizeSF.com. 

Daniel Lurie, Ehekutibo sa Non-profit  

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

 

20

Bumoto ng Oo sa Prop M para sa Pagbangon ng Ekonomiya ng San Francisco.

Bilang ika-45 Mayor ng San Francisco, ginabayan ko ang lungsod sa pinakamalaking krisis sa pampublikong kalusugan sa loob ng isang siglo. Bagamat malayo na ang narating ng ating lungsod, nahihirapan pa rin ang maliliit na negosyo sa pagbangon. Hinihikayat ko kayong samahan ako sa pagsuporta sa Proposisyon M, na napakahalagang panukalang-batas na tutulong sa pagbangon na ating mga negosyo sa komunidad. Sa pamamagitan ng paghihikayat at pagpapanatili ng mga negosyong iba’t iba ang laki, lilikha ang Proposisyon M ng mas dinamiko at matatag na ekonomiya. Kailangan patuloy tayo bumuo ng napananatiling kapaligiran kung saan maaaring umunlad ang mga negosyo, makapag-ambag sa paglikha ng mga trabaho, at mapabuti ang kalidad ng buhay para sa lahat ng residente. Sa pamamagitan ng pagpapatatag sa ating pang-ekonomiyang tuntungan, matitiyak natin ang kalusugan sa pinansiya ng lungsod sa kinabukasan. Bumoto ng Oo sa Proposisyon upang matiyak ang mas maunlad na kinabukasan para sa lahat! RevitalizeSF.com.

Mayor London Breed

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Revitalize San Francisco.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Google, 2. Airbnb, 3. Hotel Council of San Francisco.

Walang Isinumiteng May Bayad na Argumento na Laban sa Proposisyon M