I

Mga Benepisyo sa Pagreretiro ng mga Nars at Operator ng 911

Dapat bang amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang mapahintulutan ang rehistradong mga nars na miyembro ng San Francisco Employees’ Retirement System (Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng San Francisco) at natutugunan ang ilang itinatakda upang makabili ng mga credit tungo sa kanilang kabuuang pampensiyon na mga taon ng pagseserbisyo para sa panahon kung saan dati silang nagtrabaho bilang per diem (kada araw ang bayad) na mga nars, at mapahintulutan ang mga dispatser ng 911, superbisor, at tagapag-ugnay na taasan ang kanilang mga benepisyo sa pensiyon sa pamamagitan ng pagsali sa SFERS Miscellaneous Safety Plan (SFERS na Planong Pangkaligtasan na may Iba't Ibang Gamit) para sa panahon ng pagtatrabaho simula sa Enero 2025?

 

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

Kung Ano Ito Ngayon:

Nagkakaloob ang Lungsod sa mga empleyado nito ng benepisyo ng pensiyon sa pamamagitan ng Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng San Francisco (SFERS).

Pinagpapasyahan ng SFERS ang bayad na pensiyon na natatanggap ng retirado sa ilalim ng bawat plano sa pamamagitan ng kalkulasyong nakabatay sa pinal na suweldo, mga taon ng pagseserbisyo, at edad sa panahon ng pagreretiro. Nag-iiba-iba ang kalkulasyon na ito batay sa mga plano.

Naghahandog ang SFERS ng iba’t ibang plano para sa mga empleyado batay sa uri ng trabaho, kasama na ang:

  • Miscellaneous Plans (Mga Planong Iba’t iba ang Gamit) para sa mga dispatser ng 911 at kanilang mga superbisor at tagapag-ugnay, pati na rin sa karamihan ng iba pang empleyado ng Lungsod;
  • Safety Plans (Plano para sa mga nasa Gawaing Pangkaligtasan) para sa unipormadong mga empleyado ng Police Department (Departamento ng Pulisya) at Fire Department (Departamento para sa Pamamahala ng Sunog); at
  • Ang Miscellaneous Safety Plan (Planong Pangkaligtasan na may Iba't Ibang Gamit) para sa ilang probation officers (opisyal para sa pamamahala ng mga panahon ng pagsubok), mga imbestigador ng Abugado ng Distrito, at juvenile court counselors (mga tagapayo sa hukuman para sa menor de edad).

Sa pangkalahatan, tumatanggap ang mga retirado ng mas malalaking benepisyo sa pensiyon sa ilalim ng mga Plano para sa mga nasa Gawaing Pangkaligtasan at ng Planong Pangkaligtasan na may Iba't Ibang Gamit kaysa sa natatanggap sa ilalim ng mga Planong Iba’t iba ang Gamit. Bagamat may klasipikasyon ang mga dispatser ng 911 bilang mga First Reponder (Unang Tumutugon) sa California, hindi sila tumatanggap ng mga pensiyon sa pagreretiro na nasa antas ng Gawaing Pangkaligtasan.

Nagbibigay ng porsiyento ng kanilang suweldo ang mga empleyado ng Lungsod tungo sa mga benepisyo sa pagreretiro. Sa ilang pagkakataon, maaari ding bumili ang mga empleyado ng credit para sa pagseserbisyo upang tumaas ang kanilang mga benepisyo sa pagreretiro.

Ang "per diem na nars" ay Rehistradong Nars na ineempleyo ng Lungsod sa paminsan-minsan at pansamantalang katayuan. Magmula noong 1988, hindi na naging miyembro ang per diem na mga nars ng SFERS at hindi sila nakatatanggap ng anumang credit sa pagseserbisyo na nauukol sa pensiyon para sa mga oras na nagtatrabaho sila nang may per diem na katayuan.

Ang Mungkahi:

Pahihintulutan ng Proposisyon I ang kuwalipikadong mga Rehistradong Nars na bumili ng credit sa pagseserbisyo para sa mga oras na nagtrabaho sila nang may per diem na katayuan. Ang mga Rehistradong Nars na miyembro na o magiging miyembro ng SFERS at nakapagtrabaho na ng karaniwang bilang na 32 oras o higit pa kada linggo sa loob ng hindi bababa sa isang taon ay maaari nang bumili ng hanggang sa tatlong taon ng credit sa pagseserbisyo para sa oras na dati silang nagtrabaho bilang per diem na nars para sa Lungsod bago sila naging miyembro ng SFERS. 

Ililipat din ng Proposisyon I ang mga dispatser, superbisor, at tagapag-ugnay ng 911 mula sa Planong Iba’t iba ang Gamit tungo sa Planong Pangkaligtasan na may Iba't Ibang Gamit para sa bayad na matatanggap ng mga empleyadong ito sa Enero 4, 2025 at matapos ang petsang ito. Bilang mga miyembro ng Planong Pangkaligtasan na may Iba't Ibang Gamit, itatakda sa mga empleyadong ito na magbayad ng mas mataas na halaga tungo sa plano para sa pensiyon at makatatanggap sila ng mas mataas na benebisyo sa pensiyon sa panahon ng pagreretiro.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong mapahintulutan ang mga Rehistradong Nars na miyembro ng Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng San Francisco at natutugunan ang ilang itinatakda upang makabili ng mga credit tungo sa kanilang kabuuang pampensiyon na mga taon ng pagseserbisyo para sa panahon kung saan dati silang nagtrabaho bilang per diem na mga nars, at mapahintulutan ang mga dispatser, superbisor, at tagapag-ugnay ng 911 na taasan ang kanilang mga benepisyo sa pensiyon sa pamamagitan ng pagsali sa Planong Pangkaligtasan na may Iba't Ibang Gamit ng SFERS para sa panahon ng pagtatrabaho simula sa Enero 2025.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "I"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon I:

Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ng mga botante ang iminumungkahing pag-amyenda sa Tsarter, magkakaroon ito ng malaking epekto sa gastos ng gobyerno. Batay sa kasalukuyang actuarial, o gumagamit ng istatistika, na mga ipinagpapalagay at polisiya ng Sistema ng Pagreretiro, ang pag-amyenda ay magreresulta sa mas mataas na gastos para sa Lungsod, mula humigit-kumulang $3.8 milyon hanggang humigit-kumulang $6.7 milyon sa unang taon, kung saan tumataas ang taunang gastos sa pagdaan ng panahon.

Pagkakaroon ng Credit ng Per Diem na mga Nars sa Sistema ng Pagreretiro

Pahihintulutan ng pag-amyenda ng Tsarter ang mga rehistradong nars na may klasipikasyon ng trabaho na kuwalipikado sa SFERS upang makabili ng hanggang sa tatlong taon ng credit sa pagseserbisyo para sa panahong ginugol nila bilang per diem na nars at magagamit nila ito sa pagreretiro. Sa kasalukuyan, hindi kuwalipikado ang panahon kung kailan nagtrabaho sila bilang per diem na nars upang makakuha ng credit sa serbisyo para sa pagreretiro. Upang magkaroon ng konteksto, noong Hulyo 1, 2023, mayroon nang 1,400 rehistradong nars na aktibong nagtatrabaho para sa Lungsod na kuwalipikado nang bumili ng per diem na credit para sa pagseserbisyo. Babayaran ng indibidwal na empleyado ang halagang kailangan para sa pabalik na pagbili ng mga taon ng pagseserbisyo na ito. Hindi pahihintulutan ng pag-amyenda ang panahon ng pagtatrabaho bilang per diem na nars sa pagtatakda ng mas maagang petsa ng pagiging miyembro sa SFERS.

Nakabatay ang tinataya na taunang halaga ng mas mataas na gastos ng Lungsod para sa pagreretiro sa bilang ng mga indibidwal na pabalik na bibilhin ang kanilang dating credit sa serbisyo, at maaaring nasa saklaw ito ng humigit-kumulang $1.5 milyon hanggang humigit-kumulang $4.4 milyon kada taon dahil sa mas mataas na mga kontribusyon para sa pagreretiro ng Lungsod.

Mga Kawani ng Komunikasyon para sa Pampublikong Kaligtasan

Ililipat ng mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ang mga dispatser ng 911, kasama na ang mga superbisor at tagapagugnay, mula sa miscellaneous retirement plans (iba't ibang plano sa pagreretiro) tungo sa miscellaneous safety retirement plan (iba't ibang plano sa pagreretiro sa mga indibidwal na nagtatrabaho para sa kaligtasan). Itatakda ng pag-amyenda ang pagbibigay ng credit sa panahong gugugulin sa pagtatrabaho ng mga dispatser ng 911 matapos ang Enero 4, 2025 tungo sa kanilang miscellaneous safety retirement plans.

Ang tinataya na taunang gastos ng Lungsod ay humigitkumulang $2.3 milyon simula sa FY 2025–26, na para sa mas mataas na kontribusyon sa pagreretiro, at tataas ito taon-taon habang tumataas ang halaga ng apektadong payroll (listahan ng mga empleyado at suweldo). Para sa konteksto, may humigitkumulang 175 dispatser ng 911 (kasama na ang mga superbisor at tagapag-ugnay) na nagtatrabaho para sa Lungsod.

Sa hangganan na hinihikayat ng mungkahing pag-amyenda ang kasalukuyan nang dispatser ng 911 na magtrabaho ng dagdag na mga taon, maaaring mapagpaliban o mabawasan ng Lungsod ang halaga upang makapag-empleyo ng bagong mga dispatser ng 911 – pero halaga ito na hindi maaaring mahulaan sa ngayon. Para sa konteksto, nagkakahalaga ang pagsasanay at pageempleyo ng isang bagong dispatser ng 911 ng nasa pagitan ng humigit-kumulang $225,000 at $235,000.

Kung Paano Napunta sa Balota ang "I"

Noong Hulyo 23, 2024, bumoto ang Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ng 11 sa 0 upang mailagay ang Proposisyon I sa balota. Bumoto ang mga Superbisor ayon sa sumusunod:

Oo: Chan, Dorsey, Engardio, Mandelman, Melgar, Peskin, Preston, Ronen, Safai, Stefani, Walton.

Hindi: Wala.

 

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.

Humaharap ang San Francisco sa malaking kakulangan sa mga dispatser ng 9-1-1 at mga Rehistradong Nars.

Paghuhusayin ng Prop I ang pagrerekrut at pagpapanatili ng napakahahalagang mga First Responder (Unang Tumutugon) na ito, kung kaya’t mababawasan ang hirap sa mga nagbabayad ng buwis na idinudulot ng kakulangan sa pag-eempleyo at labis-labis na pag-oovertime.

Napakahalaga ng Prop I upang mapunan ang kakulangan sa mga kawani para sa 9-1-1.

Mayroong 20% na kakulangan sa mga kawani ang San Francisco sa ating 9-1-1 na sistema ng pagpapadala ng tulong. Nagtatrabaho ang mga dispatser ng hindi mapananatiling takdang oras ng pagtatrabaho na 15-18 oras. Pagod na sila at malapit nang humantong sa hangganan ng makakayanan.

Upang maging makatarungan sa pagtrato sa mga dispatser at sa gayon ay manatili sila sa trabaho, at upang makahikayat ng bagong mga dispatser na may pinakamataas na kalidad, kailangan nating magkaloob ng mga benepisyo sa pagreretiro sa mga dispatser na kapareho ng tinatanggap ng iba pang empleyado para sa pampublikong kaligtasan.

May klasipikasyon ang mga Dispatser bilang mga Unang Tumutugon, pero hindi sila tumatanggap ng parehong mga benepisyo sa pagreretiro na mayroon ang safety plan (plano para sa mga nasa gawaing pangkaligtasan). Kailangang magbago ito. Sa pamamagitan ng Prop I, magagawa ito.

Napakahalaga ng Prop I upang mapunan ang kakulangan sa mga nars.

Hindi rin mas mabuti ang kalagayan ng ating mga Rehistradong Nars. Nag-eempleyo ang San Francisco ng libo-libong RN bilang mga pampublikong tagabigay ng serbisyo, pero daan-daang posisyon ang hindi napupunan. Pagod na pagod na ang mga RN, kung kaya’t umaalis sila sa Lungsod para magtrabaho sa pribadong mga ospital.

Upang mabilis na mapagtrabaho ang mga RN, nag-eempleyo ang Lungsod ng pansamantala at nagbibiyaheng mga nars sa pamamagitan ng mga korporasyong kontratista–kung kaya’t gumagasta ang mga nagbabayad ng buwis ng 14% karagdang gastos. Gayon pa man, ang mga Nars lamang ang mga empleyado ng Lungsod na hindi pinahihintulutan na bumili pabalik ng panahon para sa pensiyon matapos maging permanenteng mga empleyado.

Aayusin ng Prop I ang malulusutang sitwasyon na ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa pansamantalang mga RN ng pagkakataon na makasama sa hanay ng ating full-time na mga nars, na may mga opsiyon para sa panahong natrabaho na sa pensiyon, kung kaya’t makatitipid ang mga nagbabayad ng buwis ng 14%.

Ang Prop I ay tripleng panalo para sa badyet, mga nagbabayad ng buwis, at kaligtasan ng San Francisco.

Magkakaloob ang Prop I sa pang-emergency na mga dispatser at nars ng San Francisco ng mga benepisyong karapat-dapat sa kanila, kung kaya’t mapananatili natin ang ating may dedikasyon na mga propesyonal sa pampublikong kaligtasan, makapaghihikayat ng bagong mga talento, at mapaghuhusay ang pang-emergency na mga serbisyo ng lungsod.

Samahan ang mga dispatser ng 911, nars, ang Service Employees International Union (Internasyonal na Unyon ng mga Empleyadong Nagbibigay-Serbisyo) Lokal 1021, at ang mga nag-aadbokasiya para sa pampublikong kaligtasan at bumoto ng OO sa I.

Superbisor Ahsha Safai

Superbisor Myrna Melgar

Superbisor Dean Preston

Superbisor Shamann Walton

Superbisor Connie Chan

Superbisor Matt Dorsey

Superbisor Aaron Peskin

Superbisor Catherine Stefani

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Joel Engardio

Service Employees International Union Lokal 1021

Kung mayroon kayong $790 milyon na kakulangan sa badyet, na tulad na mayroon ang gobyerno ng lungsod ng San Francisco ngayong taon na ito, panahon na para sa paghihigpit ng sinturon, hindi ng higit na paggasta.

Gayon pa man, sa halip na responsableng kumilos, pinuno ng mga miyembro ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ng San Francisco ang ating balota ng mga panukalang-batas, na sa mga salita ng lupon ng mga editor ng San Francisco Chronicle ay “magbibigay ng bagong mga benepisyo sa pensiyon na milyon-milyon ang halaga, na para bang Tic Tacs ito.”

Isa sa mga panukalang-batas na ito ang Proposisyon I ni Superbisor Asha Safai. Hindi magandang hitsura para sa indibidwal na tumatakbo upang maging mayor ang pagsuko sa mga hinihingi ng makapangyarihang mga unyon ng mga empleyado.

May lumolobo nang gobyerno ang lungsod ng San Francisco, kung saan may 60 departamento at mahigit sa 34,000 empleyado. At malamang na mababa pa ang pagtatantiyang naisaad na ito kung ihahambing sa tunay na saklaw ng lokal na gobyerno, dahil ayon sa ulat kamakailan ng Civil Grand Jury (Pinakamataas na Hukumang Sibil), nagpapanatili rin ito ng mga kontrata sa mahigit 600 non-profit.

Kung totoong hindi makahikayat ang mga departamento ng lungsod ng sapat na rehistradong nars o operator ng 911, marahil bahagi ng problema ay napakarami nang potensiyal na mga empleyado na nagtatrabaho na para sa gobyerno sa mga kapasidad na mas hindi kinakailangan?

Hindi maaaring bayaran ng gobyerno ang mga empleyado nito nang palaki nang palaki, habang patuloy na pinalalawak ang kanilang bilang. Patuloy na bibigat lamang ang pasanin ng natitirang mga nagbabayad ng buwis sa lungsod, kasama na kapwa ang mga residente at negosyo, at magiging lalo at lalo pang hindi mapananatili ang ganito.

Panahon na upang itigil ang kabaliwang ito.

Bumoto ng HINDI sa Prop. I.

Starchild

Libertarian Party of San Francisco (Partido Libertaryan ng San Francisco)

LPSF.org

Kasama sa hindi karaniwan ang dami na panukalang-batas sa balota na nasa ating harapan ngayong Nobyembre ang ilan na lumusong na sa mahirap maintindihang mundo ng sistema sa pagbibigay ng pensiyon sa mga pampublikong empleyado. Resulta ito ng kasakiman ng gobyerno.

Iminumungkahi ng Proposisyon I ang mga pag-amyenda sa tsarter upang mapalawak ang mga benepisyo sa pensiyon para sa dalawang pangkat ng mga pampublikong empleyado na nagdusa nang dahil sa pambansang kakulangan sa kawanihan ng mga “unang tumutugon” magmula noong pandemya — mga rehistradong nars at mga kawani para sa pakikipagkomunikasyon ukol sa pampublikong kaligtasan na nagpapatakbo sa pang-emergency na linyang 911.

Pahihintulutan nito ang “per diem (kada araw ang bayad)" na mga rehistradong nars ng Lungsod, na kung baga, iyong kasalukuyan o noong nakaraan ay piniling magtrabaho nang nag-iiba-iba ang iskedyul bilang temps o pansamantalang empleyado (walang benepisyo ng pensiyon), upang maging full-time na nars para sa Lungsod (may mga
benepisyo ng pensiyon). Bibigyan din sila nito ng karapatan na retroactive (maipatutupad para sa panahong bago ang patakaran) na bumili (nang may kita) ng hanggang sa tatlong taon ng benepisyo para sa pensiyon para sa panahong nagtrabaho sila nang may katayuang “per diem.” Tama ang itinalang gastos ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya), kung saan nakasaad na ang karapatang bumili ng tatlong taon ng nakaraang credit sa pagseserbisyo ay mula sa $1.5 milyon hanggang $4.4 milyon, kung isasaalang-alang ang kawalang katiyakan ukol sa bilang ng mga nars na gagawin ito. Gayon pa man, kasalukuyang isinasaad ng isang popular na website na ang panggitnang bayad para sa rehistradong nars sa San Francisco ay $147,104 kada taon (85% na mas mataas kaysa sa pambansang karaniwang halaga, at ang idinadahilan sa mataas na suweldo ay ang mataas na halaga sa pamumuhay at matibay na unyon).

Papalitan din ng Proposisyon I ang plano sa pensiyon para sa mga dispatser ng 911 na tumutugon sa mga emergency ng Lungsod, mula sa kasalukuyang plano tungo sa mas mataas ang bayad na ginagamit para sa mga bumbero at pulis. Ang nakasaad na layunin ay ang pagtugon sa kasalukuyang porsiyento ng bakanteng posisyon na 20-25% sa mga dispatser at mas mataas na bilang ng mga tawag kung ihahambing sa mga antas bago ang pandemya. Gayon pa man, nasa proseso na ang mas mahuhusay na programa para sa pagsasanay.

Mukhang ang idinadahilan ay ang pagiging mga serbisyong pang-emergency ng lahat ng ito, kahit na ang mga panganib na kinakaharap sa mga sunog at baril ay hindi kapareho ng mga kinakaharap sa pagsagot sa telepono.

Iwasan ang pagkakalat ng anumang ukol sa mga "unang tumutugon" na magdudulot ng pagpapanic. Basta’t magsabi ng HINDI.

LIBERTARIAN PARTY OF SAN FRANCISCO (PARTIDO LIBERTARYAN NG SAN FRANCISCO)

LPSF.org

Ang Prop I ay tripleng panalo at nakabatay sa sentido komun na solusyon para sa badyet, mga nagbabayad ng buwis, at kaligtasan ng San Francisco.

Magkakaloob ang Prop I sa mga dispatser ng 9-1-1 at nars ng San Francisco ng mga benepisyong pensiyon na karapat-dapat sa kanila, kung kaya’t mapananatili natin ang ating may dedikasyon na mga propesyonal sa pampublikong kaligtasan, makapaghihikayat ng bagong mga talento, at mapaghuhusay ang pang-emergency na mga serbisyo ng ating Lungsod.

Nasa unahan ng pagtugon sa krisis sa kalusugan ng San Francisco ang mga Rehistradong Nars na nasa mga pampublikong ospital ng ating Lungsod. Mahal nila ang kanilang mga trabaho. Gayon pa man, inaantala ng mahirap na proseso ng Lungsod sa pag-eempleyo ang pagkakahirang sa pansamantalang per diem na mga nars bilang full-time na mga Rehistradong Nars, kung kaya’t napalalala ang ating krisis sa kawanihan. Nawawala sa atin ang lubos na may pagsasanay na mga nars taon-taon papunta sa pribadong mga ospital, na nakapag-aalok ng mas matataas na suweldo, mas mabubuting benepisyo, at higit na suporta.

Iyan ang dahilan kung bakit kailangan natin ang Prop I.

Pahihintulutan ng Prop I ang temp (pansamantalang manggagawa) na mga nars na bumili ng hanggang sa tatlong taon ng credit sa pagseserbisyo para sa pagreretiro, para sa panahon na ginugol nila sa pagtatrabaho para sa Lungsod, mapupunan ang bakanteng mga posisyon ng nars, at makahihikayat at makapagpapanatili ng may dedikasyong mga propesyonal na nagkakaloob ng mataas ang kalidad na pangangalaga sa mga pasyente sa Zuckerberg San Francisco General at iba pang ospital ng Lungsod.

Pararangalan ng Prop I sa wakas ang serbisyo ng mga dispatser ng 9-1-1 upang matiyak na makatatanggap sila ng pareho at pinaghusay na mga benepisyo sa pagreretiro na katulad ng iba pang propesyonal sa pampublikong kaligtasan. Isa itong solusyong nakabatay sa sentido komun upang mahikayat ang hanay ng mga nagtatrabaho na kailangan natin upang mapaghusay ang pagtugon sa emergency ng 9-1-1.

Utang natin sa ating mga nars, operator ng 9-1-1, at lahat ng taga-San Francisco na ipasa ang Prop I, at nang maayos natin ang mga kakulangan para sa pampublikong kaligtasan at magawa nating mas ligtas ang lungsod para sa ating lahat.

Bumoto ng OO sa Prop I.

Superbisor Ahsha Safai

1

Nasa harapan ng bawat krisis na kinakaharap ng ating Lungsod ang mga Rehistradong Nars na nagtatrabaho para sa Department of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan) ng San Francisco. 

Sa Antas 1 ng trauma center, wala kaming tinatanggihan. Dumarating nang 24 oras sa isang araw ang mga biktima ng karahasan, seksuwal na pag-atake, atake sa puso, stroke, at madalas na aksidente ng naglalakad-laban-sa-kotse/scooter. Nagkakaloob din kami ng pangangalaga sa kalusugan, mga serbisyo para sa kalusugan ng isip, at paggamot sa sakit sa droga sa pinakabulnerableng mga populasyon ng Lungsod.  Nailigtas kamakailan ang Laguna Honda Hospital, ang pinakamalaking pasilidad para sa skilled nursing (may kakayahang pangangalaga) sa bansa, mula sa pagsasara salamat sa dedikasyon ng aming mga kawani. 

Sa kabila nito, nahihirapan na kaming makapagrekrut at makapagpanatili ng napakahuhusay na mga nars. Nagdudulot na ng pagkaantala nang daan-daang araw ang may lamat nang proseso sa pag-eempleyo ng Lunsod upang makapag-empleyo ng nars tungo sa permanenteng papel. Tinatanggihan ang mga nars na naghahanap ng full-time na posisyon at inaalok sila ng pansamantala at exempt (hindi kasama) na mga trabahong per diem (kada araw ang bayad), na walang benepisyo, pensiyon, o may bayad na panahon ng pagliban. Kapag sa wakas ay nakakakuha ang nars ng permanenteng posiyon, nawawalan siya ng credit sa pagreretiro para sa kanyang per diem na serbisyo. 

Pahihintulutan ng Proposisyon I ang permanenteng mga nars na bilhin pabalik ang hanggang sa tatlong taon ng credit sa pensiyon para sa kanilang serbisyo bilang per diem na nars, kung kaya’t mauudyukan silang manatili at makahihikayat ng wastong pag-eempleyo sa simula pa lamang. 

Mas mahalaga rito, iwawasto ng pag-amyenda ang kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay. Ang mga nars, na kababaihan ang mayorya, ang tanging klasipikasyon ng mga manggagawa ng Lungsod na hindi nakabibili pabalik ng panahon para sa pensiyon. Sa pamamagitan ng pagpapalawak sa karapatang ito, makahihikayat ang pag-amyenda ng pangmatagalang pananagutan sa pampublikong mga ospital at klinika ng San Francisco. 

Hinihiling sa inyo ng mga nars na nagpoprotekta sa atin na bumoto ng OO sa Proposisyon I.

Heather Bollinger, RN 

SEIU Lokal 1021 RN na Presidente ng Tsapter 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Improve Emergency Response Times, Yes on I (Pagpapahusay sa mga Panahon ng Pagtugon sa Emergency, Oo sa I).

Walang Isinumiteng May Bayad na Argumento na Laban sa Proposisyon I