Mga Benepisyo sa Pagreretiro ng mga Bumbero
Dapat bang amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang mapalitan ang paraan ng pagkalkula ng mga benepisyo sa pensiyon ng mga miyembro ng Fire Department (Departamento para sa Pamamahala sa Sunog) na na-empleyo noong Enero 7, 2012 o bago ang petsang ito, sa pamamagitan ng pagpapababa sa edad na makatatanggap ang mga miyembrong ito ng pinakamataas na pensiyon mula edad 58 tungo sa 55, at paggawang ganito rin ang mga benepisyo ng mga miyembrong na-empleyo bago ang Enero 7, 2012?
Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.
Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
Kung Ano Ito Ngayon:
Nagkakaloob ang Lungsod sa mga empleyado nito ng benepisyo ng pensiyon sa pamamagitan ng San Francisco Employees’ Retirement System (Sistema sa Pagreretiro ng mga Empleyado sa San Francisco, SFERS). Nakatatanggap ang mga empleyadong natutugunan ang mga kinakailangang nauukol sa edad at serbisyo ng mga bayad na pensiyon sa panahon ng pagreretiro. Kuwalipikado na ang mga miyembro ng Fire Department na magretiro sa edad na 50 kung mayroon na silang hindi bababa sa limang taon ng credit para sa pagseserbisyo sa Lungsod.
Sa pangkalahatan, tumataas ang pensiyon ng miyembro batay sa edad, suweldo, at bilang ng mga taon ng pagtatrabaho. Ang pensiyon ay porsiyento ng pinal na suweldo ng miyembro sa panahon ng pagreretiro. Kinakalkula ng SFERS ang porsiyentong ito batay sa edad ng miyembro sa panahon ng pagreretiro at sa bilang ng mga taon ng pagseserbisyo sa Lungsod. Walang miyembro ng Fire Department ang maaaring makatanggap ng pensiyon na mahigit sa 90% ng kanyang pinal na suweldo.
Maaaring maabot ng mga miyembro ng Fire Department na naempleyo bago ang Enero 7, 2012 ang 90% na pinakamataas nang pinahihintulutang porsiyento para sa kanilang pensiyon sa edad na 55. Ang mga miyembrong na-empleyo noong Enero 7, 2012 o matapos ang petsang ito ay maaaring maabot ang pinakamataas nang pinahihintulutan makalipas ang tatlong taon, sa edad na 58.
Ang Mungkahi:
Aamyendahan ng Proposisyon H ang Tsarter upang mabago ang mga benepisyo sa pensiyon ng mga miyembro ng Fire Department na na-empleyo noong Enero 7, 2012 o matapos ang petsang ito. Bababaan ng Proposisyon H mula 58 tungo sa 55 ang edad kung saan maaari nang makuha ng mga miyembrong ito ang pinakamataas na pensiyon batay sa edad. Gagawing magkapareho ng mga pagbabagong ito ang mga benepisyo sa pensiyon ng mga miyembrong na-empleyo noong Enero 7, 2012 o matapos ang petsang ito at ang mga benepisyo ng mga miyembro na na-empleyo bago ang Enero 7, 2012.
Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong amyendahan ang Tsarter upang mapalitan ang paraan ng pagkalkula ng mga benepisyo sa pensiyon ng mga miyembro ng Fire Department na na-empleyo noong Enero 7, 2012 o matapos ang petsang ito, sa pamamagitan ng pagpapababa sa edad na makatatanggap ang mga miyembrong ito ng pinakamataas na pensiyon mula 58 tungo sa 55, at paggawang kapareho ito ng mga benepisyo ng mga miyembrong na-empleyo bago ang Enero 7, 2012.
Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.
Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "H"
Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon H:
Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ng mga botante ang iminumungkahing pag-amyenda sa Tsarter, magkakaroon ito ng malaking epekto sa gastos ng gobyerno. Batay sa kasalukuyang actuarial, o gumagamit ng istatistika, na mga ipinagpapalagay at polisiya ng Sistema ng Pagreretiro, tataasan ng pag-amyenda ang gastos ng Lungsod nang nagsisimula sa humigit-kumulang $3.7 milyon sa fiscal year (taon ayon sa pagpaplano para sa badyet) 2025–26 at tataas ito taon-taon hanggang sa fiscal year 2040–2041.
Iaayon ng mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ang mga pagkalkula sa mga benepisyo sa pagreretiro para sa mga naging bumbero matapos ang Enero 7, 2012 sa mga naging bumbero bago ang petsang ito. Espesipikong nakasaad sa pag-amyenda na magiging kuwalipikado ang mga na-empleyo pagkatapos ng Enero 7, 2012 para sa mas matataas na benepisyo sa mas batang edad kaysa sa kasalukuyang mga patakaran. Bababaan ng pagamyenda ang edad ng pagreretiro kung saan makatatanggap ang mga bumbero ng pinakamataas nang maaaring makuhang pensiyon mula 58 tungo sa 55 para sa cohort o magkakasama sa pangkat na ito ng mga bumbero. Para sa konteksto, sa mga bumbero na na-empleyo matapos ang Enero 7, 2012, kasalukuyang may humigit-kumulang 4% (humigit-kumulang 50 bumbero) ang mas matanda sa 50 taong gulang.
Ang tinatayang gastos sa unang taon ay humigit-kumulang $3.7 milyon, kung saan tataas ang gastos hanggang sa taon 16 dahil sa mas matataas na kontribusyon ng taga-empleyo para sa pagreretiro na babayaran ng Lungsod. Hindi kasama sa gastos na ito ang maaaring pangangailangan na mag-empleyo ng mas maraming bagong bumbero habang may bagong panghikayat sa mas matatandang bumbero na magretiro nang mas maaga. Para sa konteksto, ang kasalukuyang gastos upang magempleyo at magsanay ng bagong bumbero ay humigit-kumulang $115,000, kasama na ang gastos para sa akademya, pagsisiyasat sa pinagmulan at medikal na pagsusuri, personal na mga kagamitang pamproteksiyon, at mga uniporme.
Babaguhin ng pag-amyenda sa Tsarter ang naaprubahan na ng botante na mga pag-amyenda sa Tsarter mula Hunyo 2010 at Nobyembre 2011 na nauukol sa pagreporma sa mga pensiyon.
Kung Paano Napunta sa Balota ang "H"
Noong Hulyo 30, 2024, bumoto ang Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ng 10 sa 0 upang mailagay ang Proposisyon H sa balota. Bumoto ang mga Superbisor ayon sa sumusunod:
Oo: Chan, Dorsey, Engardio, Mandelman, Melgar, Peskin, Preston, Ronen, Safai, Stefani.
Hindi: Wala.
Pinahintulutan ang Pagliban: Walton.
Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
Proponent’s Argument in Favor of Proposition H
Isa itong katunayan: Sa mga bumbero, kanser ang pangunahing dahilan ng pagkamatay nang dahil sa trabaho.14% na mas mataas ang panganib sa mga bumbero na ikamatay ang kanser kung ihahambing sa pangkalahatang populasyon. Magmula pa noong 2006, mahigit 300 aktibo at retiradong bumbero na ng San Francisco ang namatay nang dahil sa kanser. Mahigit 160 na ang nasuring may kanser nitong nakaraang anim na taon. Nagawa ang karamihan sa mga pagsusuri sa mga bumbero na may edad na mahigit 50, kung kaya’t naging malinaw na mas tumataas ang panganib habang tumatanda.
Ang pagiging bumbero ang isa sa mga propesyong pinakamapanganib at pinakamalaki ang hinihingi sa katawan at isipan. Ang pangaraw-araw na hinihingi ng trabaho, kasama na ang mapanganib na pagkakalantad sa PFAS (Forever Chemicals o Pangmatagalang Kemikal) at nakalalasong kemikal na sangkap, usok, at nalalanghap na sangkap, ay nagdudulot ng matinding hirap sa mga bumbero, lalo na iyong nagtatrabaho hanggang sa pagreretiro sa edad na 58. Nagdaragdag ang matagalang pagkakalantad sa mga kemikal sa mga problema sa kalusugan ng isip, problema sa sakit sa puso, hindi gumagaling na mga kondisyon sa kalusugan, at may kaugnayan sa trabahong mga kanser, na lumalala habang tumatanda at naaapektuhan ang buhay ng mga bumbero at ng kanilang mga pamilya.
Pahihintulutan ng Prop H ang mga bumbero ng San Francisco na mabawasan ang panganib na magkaroon ng kanser sa pamamagitan ng pagreretiro sa edad na 55.
Sa kasalukuyan, kinakaharap ng mga bumbero ng San Francisco ang kawalang-katarungan sa pagkakapantay-pantay sa mga edad ng pagreretiro. Ang mga bumberong na-empleyo bago ang 2012 ay maaaring magretiro sa edad na 55 samantalang iyong na-empleyo matapos nito ay kailangang maghintay hanggang sa edad na 58. Gagawing estandardisado ng Prop H ang edad ng pagreretiro para sa lahat ng bumbero, kung kaya’t matitiyak ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng gumagawa ng magkakaparehong trabahong may banta sa buhay.
Makatutulong din ang maagang pagreretiro upang mabawasan ang tumataas na gastos sa workers’ compensation (seguro sa mga manggagawang napinsala sa trabaho) na itinutulak ng mga problemang hindi gumagaling at pinsala sa katawan ng mga bumbero, kung kaya’t malilibre ang mga rekurso ng lungsod, at sa gayon, magkakaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay ang lahat ng bumbero.
Panahon na upang iligtas ang buhay ng mga bumberong nagliligtas sa mga buhay sa ating komunidad araw-araw. Ang Prop H ay napakahalagang hakbang tungo sa pagprotekta sa ating mga bumbero mula sa kanser at sa paghahatid ng patas at may katarungan sa pagkakapantay-pantay na mga benepisyo para sa lahat ng pinakamatatapang sa San Francisco.
Superbisor Catherine Stefani
Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin
Superbisor Connie Chan
Superbisor Matt Dorsey
Superbisor Joel Engardio
Supervisor Myrna Melgar
Superbisor Ahsha Safai
San Francisco Firefighters (Mga Bumbero ng San Francisco) Lokal 798
Kalihim Adam Wood
Rebuttal to Proponent’s Argument in Favor of Proposition H
Maraming taon nang alam ng marami ang mas mataas na panganib na magkakanser ang mga bumbero, na siyang isinasaad ng argumento ng mga may-panukala sa Proposisyon H, pero nabibigo itong makapagbigay ng katwiran ukol sa pagkakaloob sa kanila ng mas matataas na pensiyon samantalang mas mataas na ang bayad sa kanila kung ihahambing sa mga kasamahan.
Ang mga bumbero ng San Francisco ang may pinakamataas na bayad sa Bay Area, at nagtatrabaho ng pinakakaunting bilang ng oras, ayon sa survey noong 2023 sa 13 hurisdiksiyon kung saan ang taunang suweldo ng karaniwang bumbero ay $127,654, kung ihahambing sa $136,656 sa San Francisco.
Kanser ang ikalawang pangunahing dahilan ng pagkamatay sa Estados Unidos, kung kaya’t malinaw na hindi lahat ng kanser ng kasalukuyan o dating bumbero ay may kinalaman sa trabaho. Ayon sa pambansang datos, 4% lamang ng mga insidente kung saan natatawag ang mga bumbero ang may kaugnayan sa sunog; at medikal na emergency ang karamihan.
Ang pahayag na “kailangang maghintay hanggang sa edad na 58 ang mga na-empleyo” upang makapagretiro ay mapanlinlang, na siya nang pinakamabuting masasabi ukol dito. Malinaw na maaaring makapagretiro ang mga bumbero kung pipiliin nila ito at walang bagay na hindi makatarungan ukol sa kasalukuyang mga petsa na kinakailangan upang maging kuwalipikado sa pagreretiro. Ipinagbigayalam sa mga na-empleyo noong 2012 o matapos ang taon na ito ang tungkol sa mga patakaran sa pensiyon na ipinatutupad sa kasalukuyan.
Itinutulak ng mga Superbisor na naghahatid ng mga pabor para sa makapangyarihang unyon ng mga bumbero ang panukalang-batas na lilikha ng higit na kawalang katarungan. Hahantong ang ganitong pagsubok na mapawalang-bisa ang mahalagang repormang ipinasa na ng mga botante sa pagkakaroon ng mas hindi mapanatiling sistema ng mga pensiyon, kung kaya’t maisasapanganib ang pensiyon ng mga magreretiro sa hinaharap at tataas ang pasaning mga buwis sa kasalukuyan at sa kinabukasan.
Mahal ng lahat ang mga bumbero, pero walang dahilan upang hindi sila maisama sa mga patakaran sa pagreretiro na sumasakop sa lahat ng empleyado ng lungsod. Ang Proposisyon H ay maling paglilingkod sa mga manggagawa sa hinaharap at sa publiko. Bumoto ng Hindi.
Libertarian Party of San Francisco (Partido Libertaryan ng San Francisco)
LPSF.org
Opponent's Argument Against Proposition H
May mapanganib na mga trabaho at mahahabang oras ng paglilingkod ang mga bumbero. Kapag isinasapanganib nila ang kanilang sarili upang makatulong sa iba, tunay silang mga bayani. Boluntaryo nilang pinili ang larangan ng karera na ito kahit na may mga panganib.
Ipinagbigay-alam din sa mga bumbero ng San Francisco na na-empleyo matapos ang Enero 6, 2012 ang tungkol sa may buong pensiyon na pagreretiro sa edad na 58 (dati itong 55). Kinailangan ang pagbabago sa edad ng pagkuha ng pensiyon dahil sa deka-dekada na maling pamamahala sa pinansiya ng gobyerno ng lungsod. Sa pamamagitan ng pagtataas ng porsiyento ng kontribusyon ng mga empleyado para sa mga na-empleyo matapos ang petsang ito, pinoprotektahan ng mga botante ang pensiyon ng mga bumbero. Kailangang bawasan ang mga gastos. Naiwasan ng San Francisco ang pagiging bangkarote noong 2008 hanggang 2012 na bust cycle o panahong may siklo ng pagbagsak ng ekonomiya. May ibang lungsod sa California na hindi gayon kasuwerte – dumanas ang estado ng dalawa o higit pang pagkabangkarote ng mga munisipyo.
Ngayon, naghaharap ang mga politiko ng panukalang-batas sa balota upang ipawalang-bisa ang maingat na aksiyon ng mga botante. Bakit? Isinasaad ng panukalang-batas sa balota na "malaki na ang inunlad ng tinatayang pinansiyal na hinaharap ng San Francisco Employees Retirement System.” Maaaring totoo ito sa boom cycle o panahon ng malaking pag-unlad ng ekonomiya, pero mukhang may kakulangan sa pagpaplano para sa susunod na pagbagsak ng ekonomiya. Hindi matatapos ang mga siklong boom/bust o pag-unlad/pagbagsak habang nakikialam ang gobyerno sa sistema ng pananalapi, na pumipigil sa pagkakaroon ng natural na mga pagwawasto sa merkado. Katulad rin ito ng patakarang “no burn o walang pagsusunog” sa pamamahala ng kagubatan na nagpapaigting sa panganib ng mapangwasak na sunog sa kadulu-duluhan.
Bumoto tayo ng hindi sa panukalang-batas na ito sa balota at magkaroon tayo ng aktibong gobyerno ng lungsod na pinoprotektahan ang sarili laban sa pagkabangkarote sa kinabukasan habang hindi tinataasan ang pasaning buwis ng mga mamamayan nito. Mas mabuti pang magsiyasat ng mga pamamaraan upang maprotektahan ang mga bumbero at gantimpalaan sila para sa bayaning pagseserbisyo na hindi magtataas ng hindi mapananatili sa hinaharap na mga obligasyon sa paggasta.
Bumoto ng HINDI sa Proposisyon H.
Libertarian Party of San Francisco (Partido Libertaryan ng San Francisco)
LPSF.org
Rebuttal to Opponent’s Argument Against Proposition H
Kahiya-hiya ang naniniwala ng labis sa kanilang ideolohiya na Partido Libertaryan — o sinuman — na nagmumungkahing “pinili” ng mga bumbero na magkaroon ng kanser o mamatay nang dahil sa kanser.
Pinili ng mga bumbero ang kanilang karera nang may malay na maaari nilang isapanganib ang kanilang buhay upang mailigtas ang ibang tao. Hindi nila alam na humaharap din sila sa panganib ng kanser nang dahil sa trabaho, na makapagpapaikli ng kanilang buhay o na susundan sila ng panganib na ito makalipas ang mahabang panahon matapos makapagretiro.
Nitong nakaraang ilang taon, may lumabas nang napakahahalaga na bagong pag-aaral kung saan napatunayan na humaharap ang mga bumbero sa napakatataas na porsiyento ng posibilidad na magkaroon ng kanser batay sa haba ng pagtatrabaho sa mapagbanta sa buhay na gawain.
Katunayan: Kanser ang pangunahing dahilan ng kamatayang dahil sa trabaho sa hanay ng mga bumbero, kung saan partikular na bulnerable ang higit pa sa 50 ang edad. May 14% mas mataas na panganib ang mga bumbero na ikamatay ang kanser kung ihahambing sa ating lahat.
Pinupuwersa sila ng kasalukuyang edad ng pagreretiro na patuloy na magtrabaho sa mapanganib na mga kondisyon, kung kaya’t tumataas ang panganib na magkaroon sila ng kanser at iba pang hindi gumagaling na problema sa kalusugan.
Katunayan: Sa kasalukuyan, humaharap ang mga bumbero ng San Francisco sa kawalang-katarungan sa pagkakapantay-pantay sa mga edad ng pagreretiro. Ang mga bumberong na-empleyo bago ang 2012 ay maaaring magretiro sa edad na 55 samantalang iyong na-empleyo matapos nito ay kailangang maghintay hanggang sa edad na 58.
Muling gagawing estandardisado ng Prop H ang edad ng pagreretiro para sa lahat ng bumbero, kung kaya’t matitiyak ang pagkakapantay pantay ng lahat ng gumagawa ng magkakaparehong trabaho na may banta sa buhay.
Praktikal na solusyon ang Prop H na makatutulong sa bawat bumbero na mabawasan ang panganib na magkakanser sa pamamagitan ng pagreretiro batay sa 2012 na limitasyon sa edad, kung kaya't malilimitahan ang kanilang pagkakalantad sa mapanganib na mga kemikal na sangkap.
Ito na ang ating pagkakataon na magpakabayani para sa mga bayani na pumoprotekta sa mga pamilya ng San Francisco.
Bumoto ng Oo sa Prop H.
Superbisor Catherine Stefani
Superbisor Connie Chan
Paid Arguments in Favor of Proposition H
1
Bilang bumbero ng SFPD na nakaalpas na sa kanser, alam ko mismo na nagkakaroon ng kanser ang mga bumbero nang 2-3X na mas madalas kaysa sa lahat ng iba pa. Ito ay dahil mas malaki ang hinihingi sa katawan at isap ng pagiging bumbero—mapanganib ito sa mga paraang hindi nakikita ng karamihan ng mga tao. Tumatakbo kami papasok sa nasusunog na mga gusali, at sa pagdaan ng panahon, naiipon sa aming katawan ang araw-araw na pagkakalantad sa nakalalasong carcinogen tulad ng usok, singaw, at mapanganib na materyales, kung kaya’t madalas na humahantong ito sa banta sa buhay na mga sakit, kasama na ang kanser.
Sa mga bumbero, kanser ang pangunahing dahilan ng pagkamatay nang dahil sa trabaho. Magmula pa noong 2006, mahigit 300 aktibo at retiradong bumbero na ng San Francisco ang namatay nang dahil sa kanser. Mahigit 160 na ang nasuring may kanser sa aking mga kasamahan sa SFPD nito lamang nakaraan na anim na taon. Nangyayari ang karamihan sa mga pagsusuring ito matapos ang edad 50, na nagpapatampok kung paano tumataas ang aming panganib habang mas tumatagal kami sa trabaho.
Makapagliligtas ng buhay ang Prop H. Pahihintulutan nito ang mga bumbero na bawasan ang kanilang pagkakalantad sa nakamamatay na panganib na ito sa pamamagitan ng pagreretiro sa edad na 55.
Sa kasalukuyan, mapanganib ang kawalang-katarungan ng sistema—makapagreretiro ang mga na-empleyo bago ang 2012 sa edad na 55, habang kailangang maghintay hanggang sa maging 58 ang mga na-empleyo pagkatapos nito. Iwawasto ng Prop H ang kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay na ito, kung kaya’t matitiyak na magkakaroon tayong lahat ng oportunidad na protektahan ang ating kalusugan.
Sa pamamagitan ng pagbabalik sa edad ng pagreretiro tungo sa antas noong 2012, mababawasan natin ang pagtataas ng gastos sa workers’ compensation (seguro sa mga manggagawang napinsala sa trabaho), kung kaya’t malilibre ang mga rekurso at magagawang makatarungan sa lahat ang edad ng pagreretiro.
Makatutulong ang Prop H upang maligtas ang buhay ng mga bumbero na isinasapanganib ang lahat araw-araw upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad. Pakiboto ang Oo sa H at iligtas ang buhay ng mga bumbero.
John Maguire
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Yes on H for Firefighter Health and Safety (Oo sa H para sa Kalusugan at Kaligtasan ng mga Bumbero), SF Firefighters (Mga Bumbero ng SF) Lokal 798.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. San Francisco Fire Fighters Lokal 798 United Firefighters of Los Angeles City (Nagkakaisang mga Bumbero ng Lungsod ng Los Angeles) Lokal 112 - Issues Committee (Komite para sa mga Usapin), 3. San Francisco Firefighters Lokal 798 - General Fund (Pangkalahatang Pondo).
2
Bilang matagal nang mga taga-San Francisco, lubha kaming nag-aalala ukol sa kalusugan at kaligtasan ng ating mga bumbero.
Nitong nakaraang ilang taon, may lumabas nang bagong mga pag-aaral kung saan napatunayan na humaharap ang mga bumbero sa napakatataas na porsiyento ng posibilidad na magkaroon ng kanser batay sa haba ng pagtatrabaho sa mapagbanta sa buhay na gawain. Hindi lamang sila humaharap sa sunog—nalalantad din sila sa PFAS (Forever Chemicals o Panghabambuhay na mga Kemikal), nakalalasong kemikal, usok, at singaw. Kanser ang nangungunang dahilan ng pagkamatay nang dahil sa trabaho sa mga bumbero, na humaharap nang14% mas mataas ng panganib mula sa sakit kaysa sa pangkalahatang populasyon.
Magmula noong 2006, mahigit 300 aktibo at retiradong bumbero na ng San Francisco ang nawalan ng buhay nang dahil sa kanser. Mahigit 160 bumbero na ang nasuring may kanser nito lamang nakaraan na anim na taon. Malaking bilang ng mga pagsusuring ito ang nagawa sa mga bumberong mahigit 50 taong gulang, kung kaya’t mas naitampok ang mas matitinding panganib na kinakaharap nila habang mas matagal silang nananatili sa trabaho.
Makapagliligtas ang Prop H ng buhay ng mga bumbero sa pamamagitan ng pag-aayon sa edad ng pagreretiro pabalik sa naaprubahan na ng botante noong 2012 na edad ng pagreretiro na 55.
Bukod rito, may hindi makatarungang agwat sa mga edad ng pagreretiro sa mga bumbero -- maaari nang magretiro ang na-empleyo bago ang 2012 sa edad na 55, pero kailangang maghintay hanggang sa edad na 58 ang mga na-empleyo pagkatapos nito. Iwawasto ng Prop H ang kawalang-katarungang ito sa pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng paggawang estandardisado ng edad ng pagreretiro, kung kaya’t matitiyak na magkakaroon ng magkakaparehong oportunidad ang lahat ng bumbero upang maprotektahan ang kanilang kalusugan.
Napakahalaga ng Prop H sa pagbabantay sa kalusugan ng ating mga bumbero, at poprotektahan sila nito mula sa higit na pagkakalantad sa mga kemikal na nagdudulot ng kanser, at matitiyak na makatatanggap sila ng makatwiran at may katarungan sa pagkakapantay-pantay na mga benepisyo sa pagreretiro na karapat-dapat sa kanila.
Sa Nobyembre 5, bumoto ng Oo sa H.
Fiona Ma, Tesorero ng Estado ng California*
Alan Wong, Presidente ng City College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Lungsod)*
Stanley Lee, Presidente ng Asian Firefighters Association (Asosasyon ng mga Asyanong Bumbero)*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Yes on H for Firefighter Health and Safety, SF Firefighters Lokal 798.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco Fire Fighters Lokal 798 United Firefighters of Los Angeles City Lokal 112 - Issues Committee, 3. San Francisco Firefighters Lokal 798 - General Fund.
3
Bilang dating Doktor ng Fire Department (Departamento para sa Pamamahala ng Sunog), nasaksihan ko na ang nakawawasak na epekto na mayroon ang kanser sa mga bumbero ng SF at sa kanilang mga pamilya. Matagal nang napatunayan ang katotohanan o fact na ang kanser ang pangunahing dahilan ng pagkamatay nang dahil sa trabaho sa hanay ng pinakamatatapang sa SF. Namamatay ang mga bumbero nang dahil sa kanser nang 14% na mas mataas ang bilang kaysa sa pangkalahatang populasyon, at malaking bahagi nito ay dahil sa kanilang paulit-ulit na pagkakalantad sa nakalalasong mga kemikal, usok, at mapanganib na sangkap na tulad ng PFAS (forever chemicals). Magmula noong 2006, mahigit 300 aktibo at retirado nang bumbero ng SF ang namatay nang dahil sa kanser, kung saan mahigit sa 160 bumbero ang nasuri na may nakamamatay na sakit na ito nito lamang nakaraang anim na taon. Naganap ang malaking bahagi ng mga pagsusuring ito matapos ang edad 50, kung kaya’t naidiin ang mas mataas na panganib na kinakaharap ng tumatanda nang bumbero,
Ang pagiging bumbero ang isa sa pinakamahirap sa katawan at isip na propesyon sa mundo. Inilalagay ng pang-araw-araw na hinihingi ng trabaho, na may kasama pang matagalang pagkakalantad sa nakalalasong carcinogen, ang mga bumbero sa mas mataas na panganib sa iba pang sakit tulad ng mga problema sa kalusugan ng isip, problema sa puso, at hindi gumagaling na mga kondisyon ng kalusugan. Lumalala ang mga problemang ito sa pagtanda, kung kaya’t kailangang-kailangan na nating gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga nagpoprotekta sa atin.
Ano ang pangunahing punto? Makapagliligtas ang Prop H ng mga buhay sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga bumbero ng San Francisco na mabawasan ang panganib na magkaroon ng kanser dahil makapagreretiro sila sa edad na 55 sa halip na sa edad 58.
Tinutugunan din ng Prop H ang malaking kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay sa kasalukuyang sistema kung saan maaari nang magretiro ang mga na-empleyo bago ang 2012 sa edad na 55, samantalang kailangang maghintay ang mga naempleyo pagkatapos nito hanggang sa umabot sila sa edad 58. Sa pamamagitan ng paggawang estandardisado ng edad ng pagreretiro, titiyakin ng Prop H ang pagiging patas sa lahat ng bumbero, anuman ang petsa ng kanilang pagkaka-empleyo.
Ang pagsuporta sa Prop H ay tungkol sa pagliligtas ng buhay at pagwawasto sa mali sa kasalukuyang sistema. Babawasan ng mas maagang pagreretiro ang pangmatagalang panganib sa kalusugan na kinakaharap ng mga bumbero, mapipigilan ang tumataas na gastos sa workers’ compensation, at matitiyak ang katarungan sa pagkakapantay sa lahat ukol sa edad ng pagreretiro.
Inuudyukan ko kayong bumoto ng Oo sa Prop at maging bayani para sa mga bayani ng SF.
Jennifer Brokaw, MD
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Yes on H for Firefighter Health and Safety, SF Firefighters Lokal 798.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. San Francisco Fire Fighters Lokal 798 United Firefighters of Los Angeles City Lokal 112 - Issues Committee, 3. San Francisco Firefighters Lokal 798 - General Fund.
Paid Arguments Against Proposition H
Walang Isinumiteng May Bayad na Argumento na Laban sa Proposisyon H
Legal Text
Proposition “Retirement Benefits for Firefighters”
Describing and setting forth a proposal to the voters at an election to be held on November 5, 2024, to amend the Charter of the City and County of San Francisco to change the age factor percentage for benefit calculations such that persons who have or will become members of the Fire Department on and after January 7, 2012 reach a higher age factor percentage at earlier ages and lower from 58 to 55 the retirement age at which persons who have or will become members of the Fire Department on and after January 7, 2012 reach the highest age factor percentage.
Section 1. Findings.
(b) Proposition C amended the Charter to increase pension contribution rates for employees hired on and after January 7, 2012. In addition, it raised the retirement ages for which members of the Fire Department hired on and after January 7, 2012 receive the highest percentage for each year of credited service for retirement benefit calculations and raised the age at which employees reach the highest percentage from age 55 to 58.
(c) In the more than 12 years since this pension reform, the financial outlook of the San Francisco Employees’ Retirement System has improved significantly.
(d) Members of the Fire Department uniquely face both short- and long-term health
complications as a result of their occupation. The City relies on our firefighters to be the first responders to a plethora of dangerous circumstances, most notably active fires but also many other instances of trauma or tragedy. Beyond these immediate high-risk threats, the conditions that City firefighters endure have demonstrably increased their risk of adverse long-term health impacts. According to the San Francisco Firefighters Cancer Prevention Foundation, San Francisco’s female firefighters have a rate of breast cancer that is six times higher than the national average, and over the past 20 years, the Fire Department has lost more than 300 firefighters to cancer. Furthermore, national research shows that firefighters experience higher rates of behavioral health issues than the general public. According to the International Association of Fire Fighters, 20% of firefighters and paramedics meet the criteria for post-traumatic stress at some point during their careers, while the National Fallen Firefighters Foundation reports that the suicide rate for firefighters is higher than the rate for the general public.
(e) Additionally, the Fire Department has few positions that are not directly in the field, meaning that members of the Fire Department are asked to enter active fires and other dangerous circumstances regardless of their age. In 2024, only approximately 180 out of 1800 positions in the San Francisco Fire Department are not “in the field” or on frontline service delivery, and these jobs are dependent on promotions, not seniority of employee tenure. As a result, the risk of severe injury and health complications is further heightened for members of the Fire Department over age 55, as demonstrated by data from the Department of Human Resources that show a positive correlation between increased age, number of injuries, and workers’
compensation claim costs.
(f) This Charter amendment aims to recognize the distinctive and brave work of the members of the Fire Department and to lessen the adverse health impacts firefighters experience. By allowing members of the Fire Department to retire with up to 90% of their final compensation at age 55 while maintaining the increased contribution rates for employees imposed by Proposition C in 2011, the City simultaneously accomplishes these important goals. In doing so, the City ensures that our firefighters can enter retirement with financial security without facing an additional three years of potential health risks.
Section 2. The Board of Supervisors hereby submits to the qualified voters of the City and County, at an election to be held on November 5, 2024, a proposal to amend the Charter of the City and County by revising Sections A8.604, A8.604-1, and A8.604-2, and adding Section A8.604-17, to read as follows:
NOTE: Unchanged Charter text and uncodified text are in plain font.
Additions are single-underline italics Times New Roman font.
Deletions are strike-through italics Times New Roman font.
Asterisks (* * * *) indicate the omission of unchanged Charter subsections.
A8.604 MEMBERS OF THE FIRE DEPARTMENT ON AND AFTER JANUARY 7, 2012
Persons who become members of the fire department, as defined in Section A8.604-1, on and after January 7, 2012, shall be members of the Retirement System subject to the provisions of Sections A8.604 through A8.604-176 in addition to such other applicable provisions of this Charter, including but not limited to Sections 12.100 and A8.500.
A8.604-1 DEFINITIONS
The following words and phrases as used in this Section, Section A8.604, and Sections A8.604-2 through A8.604-176, unless a different meaning is plainly required by the context, shall have the following meanings:
"Retirement allowance," "death allowance," or "allowance," shall mean equal monthly payments, beginning to accrue upon the date of retirement, or upon the day following the date of death, as the case may be, and continuing for life unless a different term of payment is definitely provided by the context.
"Compensation," as distinguished from benefits under the Workers' Compensation laws of the State of California shall mean all remuneration whether in cash or by other allowances made by the City and County, for service qualifying for credit under this Section, but excluding remuneration for overtime and such other forms of compensation excluded by the Board of Supervisors pursuant to Section A8.500 of the Charter. Remuneration shall not mean new premiums or allowances first paid by the City and County after January 7, 2012, that exceed the rate of pay fixed for each classification for service qualifying for credit under this Section. For members with concurrent service in more than one position, "compensation" shall be limited to the first hours paid during any fiscal year equal to one full-time equivalent position. "Compensation" for any fiscal year shall not include remuneration that exceeds 75% of the limits set forth in Internal Revenue Code Section 401(a)(17) and as amended from time to time.
Subject to the requirements that it be payable in cash, and that overtime and new premiums or allowances first paid by the City and County after January 7, 2012 are excluded, "compensation" for pension purposes may be defined in a collective bargaining agreement.
"Compensation earnable" shall mean the compensation which would have been earned had the member received compensation without interruption throughout the period under consideration and at the rates of remuneration attached at that time to the ranks or positions held by him or her the member during such period, it being assumed that during any absence, he or she the member was in the rank or position held by him or her the member at the beginning of the absence, and that prior to becoming a member of the fire department, he or she the member was in the rank or position first held by him or her the member in such department.
"Benefit" shall include "allowance," "retirement allowance," "death allowance" and "death benefit."
"Final compensation" shall mean the average monthly compensation earned by a member during the higher of any three consecutive fiscal years of earnings or the thirty six consecutive months of earnings immediately prior to retirement.
For the purpose of Sections A8.604 through A8.604-176, the terms "member of the fire department," "member of the department," or "member" shall mean any member of the fire department employed on and after January 7, 2012, who was or shall be subject to the Charter provisions governing entrance requirements of members of the uniformed force of said department and said terms shall further mean persons employed on and after January 7, 2012, at an age not greater than the maximum age then prescribed for entrance into employment in said
uniformed force, to perform duties now performed under the titles of pilot of fireboats, or marine engineer of fireboats; provided, however, that said terms shall not include any person who has not satisfactorily completed such course of training as may be required by the fire department prior to assignment to active duty with said department.
“Qualified for service retirement," "qualification for service retirement," or "qualified as to age and service for retirement," as used in this Section and other Sections to which persons who are members under Section A8.604 are subject, shall mean completion of 25 years of service and attainment of age 50, said service to be computed under Section A8.604-10.
"Retirement System" or "system" shall mean San Francisco City and County Employees' Retirement System as created in Sections 12.100 and A8.500 of the Charter.
"Retirement Board" shall mean "Retirement Board" as created in Section 12.100 of the Charter.
"Charter" shall mean the Charter of the City and County of San Francisco.
* * * *
"Interest" shall mean interest at the rate adopted by the Retirement Board.
A8.604-2 SERVICE RETIREMENT
Any member of the fire department, who completes at least five years of service in the aggregate and attains the age of fifty (50) years, said service to be computed under Section A8.604-10, may retire for service at his or her the member’s option. A member retired after meeting the service and age requirements in the preceding sentence, shall receive a retirement allowance equal to the percent of final compensation (as defined in Section A8.604-1) set forth below opposite his or her the member’s age at retirement, taken to the preceding completed quarter year, for each year of service, as computed under Section A8.604-10:
|
Age at Retirement | Percent for Each Year of Credited Service |
50 50.25 |
2.400 2.430 |
50.5 | 2.460 |
50.75 | 2.490 |
51 | 2.520 |
51.25 | 2.550 |
51.5 | 2.580 |
51.75 | 2.610 |
52 | 2.640 |
52.25 | 2.670 |
52.5 | 2.700 |
52.75 | 2.730 |
53 | 2.760 |
53.25 | 2.790 |
53.5 | 2.820 |
53.75 | 2.850 |
54 | 2.880 |
54.25 | 2.910 |
54.5 | 2.940 |
54.75 | 2.970 |
55+ | 3.000 |
In no event shall a member’s initial retirement allowance exceed 90%ninety percent of his or her the member’s average final compensation.
A8.604-17 APPLICABILITY
The amendment to Sections A8.604-1 and A8-604-2, effective January 1, 2025, shall not apply to any member of the Retirement System who separated from service, retired, or died before that date, or to that member’s continuant.