Paglikha ng Task Force (Espesyal na Pangkat) upang Makapagrekomenda ng Pagbabago, Pagtatanggal, o Pagsasama ng mga Komisyon ng Lungsod
Dapat bang amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang makalikha ng Task Force na may awtoridad na gumawa ng mga rekomendasyon bago sumapit ang Pebrero 1, 2026, ukol sa mga paraan na maaaring gamitin ng Lungsod sa pagbabago, pagtatanggal, o pagsasama ng mga komisyon, at sa gayon, mapaghusay ang pamamahala sa gobyerno ng Lungsod; makapagtakda ng pinansiyal na ulat ukol sa mga komisyon ng Lungsod; at makapagbigay ng awtoridad sa Task Force na magharap ng mga ordinansa para sa pagpapatupad ng mga rekomendasyon, at kung kinakailangan, maipagawa sa City Attorney (Abugado ng Lungsod) ang pa susulat ng burador para sa mga amyenda sa Tsarter na isusumite sa mga botante sa eleksyon sa hinaharap?
Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.
Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
Kung Ano Ito Ngayon:
Kasalukuyang may 130 lupon, komisyon, at tagapayong pangkat (Commissions o mga Komisyon) ang Lungsod, at gumagawa ang mga ito ng mga polisiya at iba pang pagpapasya para sa Lungsod o nagkakaloob ng hindi kinakailangang sunding payo sa mga opisyal at departamento ng Lungsod. Karamihan sa mga komisyon ng Lungsod na nalikha sa pamamagitan ng ordinansa ay walang awtoridad upang makagawa ng mga pagpapasya para sa Lungsod at sa halip, nagkakaloob ang mga ito ng hindi kinakailangang sundin na payo sa mga departamento at opisyal ng Lungsod.
May awtoridad ang mga miyembro ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor, Board o Lupon), ang Mayor, at ang mga departamento ng Lungsod na magharap ng ordinansa, na kailangang maaprubahan ng mayorya ng Lupon. May awtoridad ang Mayor na i-veto o hindi ito pagtibayin. Maaari ding magapruba ang mga botante ng ordinansa at itakda ang kanilang pag-apruba para sa anumang pagbabago sa ordinansang naaprubahan na ng mga botante.
Itinatatag naman ang iba pang komisyon batay sa pag-amyenda sa Tsarter. Ang mga botante lamang ang maaaring mag-amyenda sa Tsarter. Pinangangasiwaan ng karamihan sa mga komisyong ito na nakabatay sa Tsarter ang mga departamento ng Lungsod at may awtoridad ang mga ito na magtakda ng mga polisiya ng Lungsod at gumawa ng dapat ipatupad na mga pagpapasya.
Ang Mungkahi:
Ang Proposisyon E ay pag-amyenda sa Tsarter na lilikha ng Commission Streamlining Task Force (Pangkat para sa Espesyal na Gawain upang Mabago ang mga Komisyon, Task Force o Espesyal na Pangkat) at nang marepaso ang istruktura ng mga komisyon ng Lungsod at magrekomenda, bago sumapit ang Pebrero 1, 2026, sa Mayor at sa Lupon kung paano mababago, matatanggal, o mapagsasama ang mga komisyon at sa gayon, mapaghusay ang pamamahala sa gobyerno ng Lungsod.
Kasama sa Task Force ang limang miyembro:
- ang Administrador ng Lungsod o ang itinalagang empleyado ng kanilang departamento;
- ang Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng Lungsod o ang itinalagang empleyado ng kanilang departamento;
- ang Abugado ng Lungsod o ang itinalagang empleyado ng kanilang departamento;
- ang kinatawan ng organisadong paggawa sa pampublikong sektor na itinalaga ng Presidente ng Lupon; at
- ang indibidwal na may kakayahan sa bukas at may pananagutang gobyerno at itinalaga ng Mayor.
Itatakda rin ng Proposisyon E sa Budget at Legislative Analyst (Tagasuri ng Badyet at Batas) ng Lupon na maghanda ng ulat kung magkano ang ginagastos ng Lungsod sa pagsuporta sa bawat kasalukuyang komisyon at kung ano ang halaga na matitipid nito sakaling may ilang komisyon na tatanggalin o pagsasamahin.
Bibigyan ng awtorisasyon ng Proposisyon E ang Task Force na ipatupad ang mga rekomendasyon nito sa mga sumusunod na paraan:
- Kapag nagrekomenda ang Task Force ng mga pagbabago sa mga komisyon na naitatag batay sa ordinansa, maaaring magharap ang Task Force ng mga ordinansa upang magawa ang mga pagbabagong ito.
- Magkakabisa ang anumang ordinansa na ihaharap ng Task Force 90 araw matapos ang paghaharap, maliban na lamang kung iwawaksi ito ng Lupon sa pamamagitan ng botong supermajority (botong mas malaki sa mahigit sa kalahati, tulad ng 2/3 o 3/5) ng hindi bababa sa walong miyembro.
- Kapag nagrekomenda ang Task Force ng mga pagbabago sa mga komisyon na itinatag sa pamamagitan ng ordinansang inaprubahan ng mga botante, maaaring mangailangan din ang mga pagbabagong ito ng pag-apruba sa eleksyon sa hinaharap bago maipatupad ng Lungsod ang mga pagbabagong ito.
- Kapag nagrekomenda ang Task Force ng mga pagbabago sa mga komisyon na naitatag batay sa pag-amyenda sa Tsarter, itatakda sa Abugado ng Lungsod na maghanda ng pag-amyenda sa Tsarter na nagpapatupad ng mga rekomendasyong ito, at nang maisaalang-alang ng Lupon ang paglalagay sa mga ito sa balota para sa eleksyon sa hinaharap.
Magwawakas ang Task Force 24 buwan matapos ang unang pulong nito.
Kapag ipinasa ang Proposisyon E nang mas marami ang boto kaysa sa Proposisyon D, hindi magkakaroon ng legal na epekto ang Proposisyon D.
Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong lumikha ng Task Force na may awtoridad na gumawa ng mga rekomendasyon bago sumapit ang Pebrero 1, 2026, ukol sa mga paraan na maaaring gamitin ng Lungsod sa pagbabago, pagtatanggal, o pagsasama ng mga komisyon, at sa gayon, mapaghusay ang pamamahala sa gobyerno ng Lungsod; magtakda ng pinansiyal na ulat ukol sa mga komisyon ng Lungsod; at magkaloob ng awtoridad sa Task Force na magharap ng mga ordinansa para sa pagpapatupad ng mga rekomendasyon nito, at kung kinakailangan, maipagawa sa Abugado ng Lungsod ang pagsusulat ng burador para sa mga amyenda sa Tsarter na isusumite sa mga botante sa eleksyon sa hinaharap.
Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.
Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "E"
Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon E:
Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ng mga botante ang iminumungkahing pag-amyenda sa Tsarter, magkakaroon ito ng kakaunting epekto sa gastos ng gobyerno. Sa hangganang magrekomenda ang Task Force ng mga pagbabago sa naririyan nang mga Komisyon, maaaring mabawasan ang gastos ng gobyerno batay sa mga pagpapasya sa hinaharap na gagawin ng Board of Supervisors o ng mga botante.
Magtatatag ang mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ng may limang miyembrong Pangkat para sa Espesyal na Gawain upang Mabago ang mga Komisyon na gagawa ng mga rekomendasyon sa Mayor at sa Board of Supervisors ukol sa pagbabago, pagtatanggal, o pagsasama sa mga itinalagang lupon at komisyon ng Lungsod.
May ilang itinatalagang lupon at komisyon na nagbabayad ng stipend (bayad o suweldo) sa mga komisyoner na nakabatay sa kada pulong at may halagang mula $25 hanggang $500 kada pulong, samantalang binabayaran naman ang ilang komisyoner ng nasa pagitan ng $100 at $500 kada buwan. Hindi lahat ng komisyoner ay tumatanggap ng stipend. Upang magkaroon ng konteksto, noong FY 2022–23, nagbayad ang Lungsod ng humigit-kumulang $350,000 para sa mga stipend at benepisyo sa kalusugan para sa 180 komisyoner.
Bukod sa stipend ng mga komisyoner at seguro sa kalusugan, nangangailangan din ang mga komisyon ng oras ng mga kawani na mula sa mga empleyado ng Lungsod na nagkakaloob ng suporta sa mga operasyon ng mga komisyon at naghahanda ng mga materyales upang makapagharap ng impormasyon sa mga pagdinig. Bababa ang dami ng kinakailangang oras mula sa mga kawaning nagbibigay ng suporta sa mga komisyon kapag binago, tinanggal, o pinagsama ng Lungsod ang mga komisyon – kung kaya’t malilibre ang mga kawani upang matrabaho nila ang iba pang gawain ng gobyerno, bagamat hindi pa mapag-alaman ang antas nito sa ngayon. Sa hangganang mag-eempleyo ang Lungsod ng karagdagang mga kawani upang patakbuhin ang Pangkat para sa Espesyal na Gawain upang Mabago ang mga Komisyon, maaaring tumaas ang gastos ng gobyerno.
Kung Paano Napunta sa Balota ang "E"
Noong Hulyo 23, 2024, bumoto ang Board of Supervisors ng 7 sa 4 upang mailagay ang Proposisyon E sa balota. Bumoto ang mga Superbisor ayon sa sumusunod:
Oo: Chan, Mandelman, Peskin, Preston, Ronen, Safai, Walton.
Hindi: Dorsey, Engardio, Melgar, Stefani.
Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan.
Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
Proponent’s Argument in Favor of Proposition E
Mayroong dalawang Pag-amyenda sa Tsarter na magbabago sa sistema ng mga komisyon ng San Francisco. Bumoto ng Oo sa E upang mareporma ang ating mga komisyon sa tamang paraan:
- Nabuo ito nang kasama ang publiko, kung saan may opinyon ang mga mamamayan at buong mga pampublikong pagdinig
- Inilagay ito sa balota sa pamamagitan ng pagboto ng publiko matapos ang bukas na debate at pagrerepaso
- Pananatilihin nito ang Arts, Library, Health, Small Business (Sining, Aklatan, Kalusugan, Maliit na Negosyo) at iba pang napakahahalaga at nakabatay sa tsarter na mga komisyon na nagpapahusay sa mga serbisyo ng lungsod at nagkakaloob ng epektibong pangangasiwa at pagpapanagot
- Titiyakin ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa mga polisiyang nauukol sa pag-asal ng mga pulis
- Pananatilihin nito ang checks and balances (mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan ng indibidwal o entidad) sa Tsarter ng Lungsod
- Bibigyan nito ng kapangyarihan ang mga botante upang mapanatili ang pangangasiwa sa gobyerno at pagpapanagot dito, at nang mapagpasyahan ang naaangkop na bilang at gawain ng mga komisyon
- Pananatilihin at pagbubutihin nito ang sunshine (pagtitiyak na bukas ang mga pampublikong rekord at pulong), pagiging bukas sa pagsisiyasat, at kabukasan ng gobyerno ng lungsod
- Hahayaan nito ang mga botante na magpasya ukol sa istruktura ng gobyerno ng ating lungsod sa hinaharap
Bukod rito, may maling paraan sa pagrereporma sa ating mga komisyon, at ito ay sa pamamagitan ng Prop D, na palihim na nasulat nang wala kahit isang pampublikong pagdinig.
Gagamit ng meat ax o napakalalang mga hakbang ang Prop D sa gobyerno ng ating lungsod. Tatanggalin nito nang walang cost-benefit analysis (pagsusuri sa gastos at mga pakinabang) ang mahahalaga at epektibong mga komisyong tulad ng mga Komisyon sa Sining, Aklatan, Kalusugan, Kabataan, Maliit na Negosyo, at Kapaligiran. Tatanggalin nito ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa mga polisiyang nauukol sa pag-asal ng mga pulis, tulad ng paggamit ng nakamamatay na karahasan, magtatakda ng hindi makatwirang hangganan sa bilang ng mga komisyon na poposasan ang mga henerasyon sa hinaharap, at ilalagay ang gawain ng gobyerno ng ating lungsod pabalik sa tagong mga lugar, kung kaya’t mas hindi magkakaroon ng kabukasan sa pagsisiyasat at pagpapanagot, at makalilikha ng mga pinagsisimulan ng pang-aabuso at korupsiyon.
Pakisamahan kami sa pagboto ng Oo sa E at ng Hindi sa D.
Coalition of San Francisco Neighborhoods (Koalisyon para sa mga Komunidad ng San Francisco)
San Francisco League of Conservation Voters (Liga ng mga Botante ng California para sa Konserbasyon)
San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco)
Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman)
United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)
Small Business Forward (Abante Maliit na Negosyo)
San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)
Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)
Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin
Miyembro ng Asembleya Phil Ting Mayor Art Agnos (retirado)
Senador ng Estado Mark Leno (retirado)
Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano (retirado)
Superbisor Sophie Maxwell (retirado)
Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng San Francisco Ed Harrington (retirado)
Hukom Ellen Chaitin (retirado)
Rebuttal to Proponent’s Argument in Favor of Proposition E
Gusto ng mga may-panukala ng Proposisyon E na maniwala kayong pananatilihin nito ang “pangangasiwa ng mga mamamayan” at ang “napakahahalagang mga komisyon.” Pero ang katotohanan nito, ikinakandado ng Proposisyon E ang lumobo nang burukrasya na nakapagpalumpo sa San Francisco sa loob ng maraming taon.
Ikinakatwiran nila na nalikha ang Proposisyon E nang “bukas sa pagsisiyasat,” pero itinatago ang katunayan na pananatilihin nito ang mahigit sa 100 komisyon—kung saan marami ang magkasalikop, naglulustay ng mga rekurso, at nagpapahina sa epektibong pamamahala. Nanggagatong sila upang magkaroon ng takot sa pagbabago at nang sa gayon, makapagtayo ng pader na poprotekta sa piling mga burukrata ng San Francisco.
Ang alternatibong Proposisyon D ang panukalang-batas na magtatanggal sa red tape (labis-labis na mga patakaran) at gagawing mas episyente ang San Francisco. Oo, babawasan nito ang mga komisyon, pero iyon lamang nag-uulit ng gawain o hindi na kinakailangan. Pagtitibayin ng Proposisyon D ang pagiging bukas sa pagsisiyasat sa pamamagitan ng pagtutuon sa mga rekurso kung saan pinakakailangan ang mga ito.
Bakit hindi sila maging tapat? Pinapaboran ng Proposisyon E ang mga komisyon na nagsisilbi bilang burukratikong mga hadlang, pumipigil sa pag-unlad, at naglulustay ng pera mula sa mga nagbabayad ng buwis. Karapat-dapat ang San Francisco ng higit pa sa walang kabuluhang mga pag-aaral at pagkakaantala.
Bumoto ng HINDI sa Proposisyon E at suportahan ang totoong reporma sa pamamagitan ng Proposisyon D.
Larry Marso, Esq.
Opponent's Argument Against Proposition E
Ang Proposisyon E ang pagsubok ni Superbisor Aaron Peskin na masabotahe ang mas malakas na Proposisyon D—ang tunay na pagreporma sa mga komisyon sa San Francisco.
Nagmumungkahi si Peskin ng mahina at nabawasan na ang lakas na pamamaraan upang matugunan ang labis nang lumaking istruktura ng mga komisyon ng lungsod. Ngunit ang tunay na layunin nito ay ang mahinto ang pagkakaroon ng makabuluhang pagbabago.
Isa lamang ang maaaring manaig, at ang Proposisyon D ang malinaw na dapat piliin.
Pananatilihin ng Proposisyon E ang status quo o kalakaran. Lilikha ito ng walang katapusang “mga task force (espesyal na pangkat)” at “mga pagaaral” na wala namang magagawa kundi ang magdulot ng pagkaantala. Samantala, patuloy na nasasakal na ang San Francisco ng burukrasya, dahil mayroon itong mahigit sa 100 komisyon na magkakasalikop ang gawain at naglulustay ng mga rekurso.
Bigo ang Proposisyon E na mabawasan ang bilang ng mga komisyon o matanggal ang mga hindi na kailangan o nag-uulit lamang ng trabaho. Sa halip, magpapatong pa ito ng burukrasya. Intensiyonal na pagsubok ito na panatilihing lumolobo at walang pananagutan ang gobyerno.
Hindi na kailangan ng San Francisco ng karagdagang mga task force o komite. Ang Proposisyon E ay “poison pill o pildoras na may lason” na dinisenyo upang matalo ang Proposisyon D, at nang sa gayon, walang makabuluhang bagay ang magagawa.
Karapat-dapat ang San Francisco na magkaroon ng gobyernong mas makitid, mas bukas sa pagsisiyat, at mas may pananagutan. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon E at mahigipit na humiling ng tunay na reporma.
Larry Marso
Si G. Marso ay ehekutibo sa teknolohiya, tagapayo ukol sa M&A, at abugado. Bilang matatag na nag-aadbokasiya para sa responsibilidad sa pinansiyal na mga usapin, nag-awtor ng panukalang-batas sa balota upang magkaroon ng mga regulasyon sa navigation/linkage centers (mga sentrong tumutulong sa walang tahanan o may problema sa paggamit ng droga at iba ang sangkap), nakipagtunggali laban sa korupsiyon at panlilinlang sa ating mga politikal na partido at nonprofit, at miyembro at dating ehekutibo ng lokal na komite ng Republican Party (Partido Republikano), naghandog siya ng may prinsipyong pagtutol.
Itigil ang Malaking Panlilinlang sa mga botante ng San Francisco! Bisitahin ang: https://bigfraud.com
Larry S. Marso
Rebuttal to Opponent’s Argument Against Proposition E
Kailangan ng San Francisco ng tamang uri ng reporma. Bumoto ng Hindi sa D at ng Oo sa E.
Sinulat ang Prop D ng iisang organisasyon na bago sa lungsod at pinopondohan ng taga-labas na bilyonaryong may napakakonserbatibong programa. Kailangan ng meat ax o napakalalang mga hakbang upang maisulong ng gobyerno ng ating lungsod ang sariling nitong politikal na adyenda:
BUBUWAGIN ng Prop D ang napakahahalaga at epektibong Arts, Library, Health, Youth, Environment and Women's Commissions (Mga Komisyon para sa Sining, Aklatan, Kalusugan, Kabataan, Kapaligiran, at Kababaihan).
WAWASAKIN ng Prop D ang pangangasiwa ng mga sibilyan sa mga polisiya ng departamento ng pulisya, tulad ng paggamit ng nakamamatay na karahasan.
BABAWASAN ng Prop D ang ating Amerikanong sistema ng checks and balances (mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan ng indibidwal o entidad) kung kaya’t mabibigyan ang mga Mayor sa hinaharap ng hindi nababantayang kapangyarihan — at pag-agaw nito mula sa mga botante.
May mas mabuting paraan. Bumoto ng Oo sa E upang mapasimple ang gobyerno ng lungsod habang pinananatiling may kontrol ang mga botante. Ipag-uutos ng Oo sa E ang pampublikong pagrerepaso, na may pagsusuri ng mga gastos at pakinabang ng bawat komisyon ng San Francisco, at nang mapagpasyahan kung paano magkakaroon ng pagsasama-sama at mapasisimple ang gobyerno ng lungsod habang pinananatili ang pakikilahok ng mga mamamayan.
Huwag ilagay ang gobyerno pabalik sa tagong mga lugar at huwag lumikha ng bagong mga lunan na mapagsisimulan ng pang-aabuso at korupsiyon.
Samahan kami at bumoto ng Hindi sa D at ng Oo sa E.
Coalition of San Francisco Neighborhoods (Koalisyon para sa mga Komunidad ng San Francisco)
San Francisco League of Conservation Voters (Liga ng mga Botante ng California para sa Konserbasyon)
San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco)
Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman)
United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)
Small Business Forward (Abante Maliit na Negosyo)
San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)
Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)
Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin
Mayor Art Agnos (retirado)
Senador ng Estado Mark Leno (retirado)
Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano (retirado)
Superbisor Sophie Maxwell (retirado)
Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng San Francisco Ed Harrington (retirado)
Hukom Ellen Chaitin (retirado)
Paid Arguments in Favor of Proposition E
1
OO SA PROP E
BUMOTO NG OO PARA SA DEMOKRASYANG BUKAS SA PAGSISIYASAT AT HINDI SA GOBYERNONG PALIHIM
Kaiba sa meat axe o may napakalalang mga hakbang na Proposisyon D na papatay sa gobyernong bukas sa pagsisiyasat at sa pangangasiwa ng publiko sa napakahahalagang departamento ng Lungsod, gaya ng Public Health Commission (Komisyon sa Pampublikong Kalusugan) at Human Rights Commission (Komisyon sa mga Karapatang Pantao), maingat na gagawan ng ebalwasyon ng Proposisyon E ang lahat ng pangkat para sa pangangasiwa ng lungsod, at nang sa gayon ay mapagpasyahan kung alin ang talagang kinakailangan at kung paano magagawang mas episyente ang mga ito.
OO SA E. PANATILIHIN NATIN ANG GOBYERNONG BUKAS SA PAGSISIYASAT SA CITY HALL!
Build Affordable Faster California (Mas Mabilis na Magtayo ng Abot-kayang Pabahay California)
John Elberling
Peter Stevens
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Tenants and Owners Development Corporation (TODCO).
2
Nagsasabi ang Maliliit na Negosyo ng Oo sa E, Hindi sa D!
Bilang mga may-ari ng maliliit na negosyo, mahigpit naming sinusuportahan ang pamumuno ng Small Business Commission (Komisyon para sa Maliliit na Negosyo) sa pagbabawas ng labis-labis na mga patakaran at paggawang mas madali na magbukas at magpatakbo ng aming mga tindahan. Lubos naming tinututulan ang Prop D dahil TATANGGALIN nito ang Small Business Commission at gagawing mas mahirap para sa naghihingalong mga negosyo na manatiling buhay. Sinusuportahan namin ang Oo sa E dahil pananatilihin nito ang Small Business Commission sa ating Tsarter, kung kaya’t mapananatili ang papel nito bilang independiyenteng boses para sa lahat ng maliliit na negosyo. Sumasang-ayon ang mga may-ari ng maliliit na negosyo: Oo sa E, Hindi sa D!
Small Business Forward (Abante Maliliit na Negosyo)
El Rio
Booksmith
Mercury Cafe
VERA Skin Studio
No Shop
Happy House
Gravel & Gold
Bottle Bacchanal
Day Moon
Yo También Cantina
Stephen Cornell, Dating Presidente, Small Business Commission
David Heller, Geary Blvd. Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante ng Geary Mlvd)*
Sang Baek Kim, Geary Blvd. Merchants Association*
Daniel Macchiarini, North Beach Business Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa North Beach)
Henry Karnilowicz, SOMA Business Association (Asosasyon ng mga Negosyo sa SOMA)*
Bill Barnickel, Outer Sunset Merchant and Professional Association (Asosasyon ng mga Negosyante at Propesyonal sa Outer Sunset)*
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business (Koalisyon ng Maliliit na Negosyo), mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
3
Huwang wasakin ang Arts Commission (Komisyon sa Sining). Oo sa E, Hindi sa D.
Napakahalaga ng masiglang komunidad sa sining ng San Francisco sa identidad at ekonomiya ng ating lungsod. Itinutulak ng Arts Commission (SFAC) ang tagumpay na ito sa pamamagitan sa pagtitiyak ng pondo mula sa estado at pederal na gobyerno at pagkakaloob ng napakahahalagang grant (tulong-pinansiyal) at rekurso sa mga artista, organisasyon sa sining, at proyekto sa komunidad, habang tinitiyak din na natutugunan ng bagong mga pampublikong gusali at espasyo ang matataas na pamantayan sa pagdidisenyo at estetikong kalidad. Pananatilihin ng suporta nito ang lokal na ecosystem o sistema ng pamumuhay sa sining sa pamamagitan ng pagbibigay ng enerhiya sa paglikha ng trabaho sa mga malikhaing sektor at kaugnay na mga industriya, kung kaya’t mas mapagaganda ang pampublikong mga espasyo, at magagawang natatamasa ng lahat ang pagpoprograma sa sining. Dahil mahalaga sa pagbangon ng ekonomiya ng San Francisco ang sining at kultura, napakahalaga ngayon, kaysa anumang iba pang panahon, ang papel ng SFAC. Nakahihikayat ang pamumuhunan ng SFAC sa sining sa milyon-milyong bisita na pumupunta rito upang maranasan ang natatanging kultural na likha na naihahandog ng ating lungsod, kung kaya’t nagkakaroon ng malalaking pagbabalik sa ekonomiya. Pananatilihin ng pag-oo sa E ang SFAC bilang pangunahing puwersa para sa sining, kultura, at katarungan sa pagkakapantay-pantay. Bubuwagin ng Prop D ang SFAC sa pamamagitan ng pagtatanggal dito sa Tsarter, kung kaya’t mawawala ang kapangyarihan nito na pangasiwaan ang pagpopondo sa sining, at pagtataguyod sa katarungan sa pagkakapantay at mga pamamaraan sa paggamit. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
Community Arts Stabilization Trust ((Organisasyon para sa Pagpapatatag ng Sining sa Komunidad, CAST)
Chinatown Media and Arts Collaborative (Kolaborasyon para sa Media at Sining sa Chinatown)
Arts for a Better Bay Area (Sining para sa mas Mahusay na Bay Area)
SOMArts
111 Minna Gallery
Jon Moscone, Konsultant sa Sining
Deborah Cullian, Dating CEO
Joaquin Torres, Tagatasa-Tagatala ng SF*
Joen Madonna, Ehekutibong Direktor*
Julie Phelps, Ehekutibong Direktor*
Raquel Redondiez, Direktor*
Mabel Teng, Dating Superbisor
Patrick Johnston, Dating Presidente ng Arts Commission
Dorka Keehn, Dating Komisyoner para sa Sining
Roberto Ordeñana, Dating Komisyoner para sa Sining
Lex Leifheit, Dating Kawani ng Arts Commission
Ani Rivera, Dating Komisyoner para sa Pelikula*
Joanne Lee, Ehekutibong Direktor*
Ed Decker, Direktor sa Sining
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
4
Panatilihin ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa pag-asal ng mga pulis: Oo sa E, Hindi sa D
Gumaganap ang Police Commission (Komisyon ng Pulisya) ng napakahalagang papel sa pagtiyak na may kabukasan sa pagsisiyasat at pananagutan ang ating departamento ng pulisya. Wawasakin ng Prop D ang Police Commission at tatanggalin ang lahat ng pangangasiwa ng mga mamamayan ukol sa mga polisiya sa pag-asal ng mga pulis, kasama na ang paggamit ng nakamamatay na karahasan, kung kailan dapat gamitin ang mga kamera sa katawan, at ang proseso sa pagkuha at pagpapatupad ng search warrant (kautusang magsiyasat). Nagsumite kamakailan ang Police Department (Departamento ng Pulisya), nang may pangangasiwa at gabay ng Police Commission, ng 272 reporma upang matugunan ang mga rekomendasyon ng Department of Justice (Departamento ng Katarungan). Huwag tayong umatras sa pagrereporma sa pagpapatupad sa batas at sa mga pananagutan. Oo sa E, Hindi sa D!
ACLU Northern California (ACLU Hilagang California)
Hukom Ellen Chaitin (retirado)
Hukom Julie Tang, (retirado)
Mano Raju, Pampublikong Tagapagtanggol*
Paul Melbostad, Dating Presidente ng San Francisco Ethics Commission (Komisyon ng San Francisco para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo)
Jesus G. Yañez Komisyoner ng San Francisco Police Dept.*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
5
Karapat-dapat ang mga bata, kabataan, at pamilya na magkaroon ng boses sa gobyerno: Oo sa E, Hindi sa D
Bumoto ng OO sa Prop E dahil makapagpapagana ito ng bukas at pampublikong proseso upang mapasimple ang mga komisyon habang hindi isinasakripisyo ang mga karapatan ng mga bata, kabataan, at pamilya. Ang kabataan ang bumubuo sa 13.7% ng populasyon ng San Francisco at kailangang magkaroon sila ng boses sa ating demokrasya. Karapat-dapat ang kabataan at mga pamilya na magkaroon ng upuan sa hapag upang makapaghubog ng mga polisiya na makaaapekto sa kanilang kinabukasan.
Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
Coleman Advocates for Children & Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman)
SF Childcare Policy and Advisory Council (Konseho para sa mga Polisiya at Pagpapayo ukol sa Pangangalaga ng Bata ng SF)
United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)
Mission Graduates (Organisasyon para sa Edukasyon sa Mission)
Bise Presidente ng School Board Matt Alexander
Katiwala ng Community College (Kolehiyo ng Komunidad) Susan Solomon
Margaret Brodkin, Dating Direktor, Dept. of Children, Youth and Their Families
Douglas Styles, CEO Huckleberry Youth Programs (Huckleberry na mga Programang Pangkabataan)*
Kevin Hickey, Pinunong Opisyal ng Programa na New Door Ventures*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Yensing Sihapanya.
6
Hindi ngayon ang panahon upang buwagin ang Commission on the Status of Women (Komisyon ukol sa Katayuan ng Kababaihan): Oo sa E, Hindi sa D
Sa kabuuan ng bansa, ipinagbawal na ang aborsiyon at inatake na ng mga nasa kanan na Republikanong MAGA ang pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan dahil nilalayon nilang tanggalin ang pondo ng mahahalagang organisasyong para sa pangangalaga ng kalusugan, na tulad ng Planned Parenthood (Pagpaplano para sa Pagiging Magulang). Maling panahon ito para umatras ang San Francisco ukol sa pantay na mga karapatan para sa kababaihan sa pamamagitan ng ating matagal nang nakatatag na Commission on the Status of Women. Mapananatili ng pag-oo sa E ang napakahalagang komisyon na ito na naglilingkod bilang tagabantay ng lungsod para sa may proporsiyong representasyon ng mga kasarian Sumasama ang Prop E sa pakikipagtunggali ng mga nasa kanan laban sa kababaihan, upang malansag ang Commission on the Status of Women at pahinain ang laban para sa mga karapatan ng kababaihan dito sa San Francisco. Oo sa E, Hindi sa D!
Sophia Andary, Commission on the Status of Women*
Katiwala ng Community College Susan Solomon
Superbisor Connie Chan
Dating Superbisor Sandra Lee Fewer
Esther Marks, Dating Komisyoner sa Pagpaplano*
Jackie Fielder, Nag-aadobokasiya para sa Komunidad
Hene Kelly, Lider ng Democratic Party (Partido Demokratiko)
Sandra Mori, Lider ng Komunidad ng Japantown
Meagan Levitan, dating Komisyoner ng Recreation and Parks (Paglilibang at mga Parke)
Maria Marily Mondejar CEO ng Filipina Women's Network (Ugnayan ng Kababaihang Filipina)*
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business. mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
7
Iligtas ang mga boses sa ating komunidad! Oo sa E, Hindi sa D.
Ang mga Komisyon ang pangunahing daan sa San Francisco para sa paglahok ng publiko, pangangasiwa, at pagpapanagot. Nagkakaloob ang mga ito ng checks and balances o mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan sa gobyerno, pakikilahok ng mga mamamayan, at pagiging bukas sa pagsisiyasat. Aktibong lumalahok sa mga Komisyon ang mga pangkat sa komunidad upang makatulong sa paggabay sa mga polisiya ng lungsod ukol sa mga problema sa kani-kanilang komunidad. Pananatilihin ng pag-oo sa E ang mga komisyon na napakahahalaga sa ating mga komunidad tulad ng Library Commission (Komisyon para sa Aklatan, ng Historic Preservation Commission (Komisyon para sa Preserbasyon ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar) at ng Small Business Commission (Komisyon para sa Maliliit na Negosyo). Bubuwagin ng Proposisyon D ang mga aprubado ng botante na mga komisyong ito at bibigyan ang Mayor ng hindi napipigilang kapangyarihan sa bawat aspeto ng gobyerno at mga polisiya ng lungsod-tulad ng muling pagsosona- sa ating mga komunidad nang walang makabuluhang pakikisangkot ng publiko sa istruktura ng Komisyon. Mangyaring bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D at panatilihin ang mga karapatan ng mga mamamayan ng komunidad sa paglahok sa mga polisiyang nakaaapekto sa ating mga komunidad.
Coalition of San Francisco Neighborhoods (Koalisyon ng mga Komunidad ng San Francisco)
Neighborhoods United SF (Nagkakaisang mga Komunidad ng SF)
Planning Association for the Richmond (Asosasyon para sa Pagpaplano sa Richmond)
Telegraph Hill Dwellers (Mga Nakatira sa Telegraph Hill)
Haight Ashbury Neighborhood Council (Konseho ng Kominidad na Haight Ashbury)
Richard Grosboll, Lider sa North Beach
David Osgood, Presidente, Rincon Point Neighbors Association (Asosasyon ng mga Magkakapitbahay sa Rincon Point)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Samll Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
8
HUWAG BUWAGIN ANG DEKA-DEKADANG TRABAHO
Tayong kumikilala sa kahalagahan ng mga tagapangasiwang pangkat na nagbibigay ng proteksiyon sa ating pinakabulnerableng kabataan sa juvenile justice system o sistema ng pagbubigay-katarungan sa mga menor de edad ay naniniwala na may tamang paraan at maling paraan ng pagpapasya kung aling mga komisyon ang gumagana at kung paano mapaghuhusay ang sistema ng mga komisyon.
Pag-aralan natin ang usapin bago tayo gumawa ng mga desisyon na maaaring makasira sa deka-dekadang pagtatrabaho ng mga taga-San Francisco upang mapaghusay ang ang ating lungsod. Bumoto ng Oo sa E.
Doug Styles, CEO, Huckleberry Youth Programs*
Reverend Dawn Stueckle, Ehekutibong Direktor, Sunset Youth Services (Mga Serbisyo sa Kabataan sa Sunset)
Margaret Brodkin, Komisyoner para sa Panahon ng Pagsubok ng Menor de Edad*
Dinky Enteen, Katuwang na Direktor, Center on Juvenile and Criminal Justice (Sentro para sa Katarungan sa mga Menor de Edad at Sistema para sa Pagpapatupad at Pagpapanagot sa Batas)
Julie Traun, Direktor, Indigent Defense Administration (Pangangasiwa sa Pagtatanggol sa mga Nangangailangan), Bar Association of San Francisco (Asosasyon ng mga Abugado ng San Francisco)*
Richard Ybarra, CEO Mission Neighborhood Centers Inspiring Success (Mga Sentro ng Komunidad na Nagbibigay ng Inspirasyon sa Pagkamit ng Tagumpay sa Mission)*
Manuel Rodriguez, Komisyoner para sa Panahon ng Pagsubok ng Menor de Edad*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Margaret Brodkin.
9
Oo sa E: malinaw na dapat piliin para sa mas epektibong gobyerno ng lungsod.
Ipag-uutos ng pag-oo sa E ang pagkakaroon ng independiyente at komprehensibong pagsusuri ng mga gastos at pakinabang ng bawat komisyon ng San Francisco, at nang mapagpasyahan kung paano natin mapasisimple ang gobyerno habang nagpapanatili ng kabukasan sa pagsisiyasat, pagpapanagot, at pagiging epektibo. Pagkatapos, hahayaan nito ang mga botanteng magpasya ukol sa pinal na plano sa pampublikog eleksyon. Bumoto ng Oo sa E!
San Francisco Rising Action Fund (Pondo para sa Pagtaas ng Aksiyon sa San Francisco)
Superbisor Rafael Mandelman
Dating Mayor Art Agnos
Dating Senador ng Estado Mark Leno
Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano
Miyembro ng Asembleya Phil Ting
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
10
Oo sa E, Hindi sa D: ang tamang lunas para sa pangangalaga sa kalusugan ng San Francisco!
Ang pangangasiwa ng publiko sa Dept of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan) ay usapin ng buhay at kamatayan. Pinagbabantaan ng Prop D ang kalidad ng ating mga ospital, at ang mga serbisyong pang-emergency at para sa kalusugan ng isip sa pamamagitan ng PAGTATANGGAL sa Health Commission (Komisyon para sa Kalusugan). Kung walang Health Commission, mapatatahimik ang mahahalagang boses ng mga eksperto sa medisina, doktor, at pasyente. Pananatilihin ng pag-oo sa E ang Health Commission sa Tsarter at nang makapagbigay ito ng pangangaiswa ng mga mamamayan at magkaroon ng kabukasan sa pagsisiyasat para sa ating mga ospital, pang-emergency na medikal na serbisyo, at iba pang serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan. Makapagliligtas ito ng buhay. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
National Union of Health Care Workers (Pambansang Unuon ng mga Manggangawa para sa Pangangalaga ng Kalusugan, NUHW)
San Francisco Human Services Network (Ugnayan para sa Pantaong mga Serbisyo ng San Francisco)
Anni Chung, Self-Help for the Elderly (Pagtulong sa Sarili ng Matatanda)*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
11
Ikinararangal ng mga unyon sa paggawa ng San Francisco na i-endoso ang Oo sa E, Hindi sa D.
Mahigpit na tinututulan ng San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco), na kumakatawan sa libo-libong manggagawa ng San Francisco ang Prop D at sinusuportahan ang pag-Oo sa E. Ang Prop D ay laban sa Demokrasyang pagsusumikap na dinisenyo upang patahimikin ang mga boses ng pang-araw-araw na mga manggagawa at mamamayan. Ang pag-oo sa E ang lubusang napag-isipan at responsableng paraan upang maging higit na epektibo ang gobyerno ng lungsod. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
San Francisco Labor Council
United Educators of San Francisco
LiUNA Laborers (Mga Manggagawa ng LiUNA) Lokal 261
National Union of Healthcare Workers (NUHW)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
12
Makipagtunggali sa diskriminasyon laban sa Asyano at imigranteng mga komunidad. Oo sa E, Hindi sa D.
Tahanang santuwaryo ang San Francisco sa may mga pagkakaiba-ibang populasyon ng mga Asyano Amerikano, na madalas na pinalalaki ng imigranteng mga pamilya o na mga imigrante mismo. Sa panahong ito ng diskriminasyon, kailangan nating bigyan ng lakas ang mga komunidad ng mga imigrante — hindi pahinain ang mga ito. Ipagpapatuloy ng pag-Oo sa E ang pagkakaloob ng sibikong pakikilahok para sa imigranteng mga pamilya at bibigyang lakas ang mga imigrante laban sa karahasang dahil sa lahi sa pamamagitan ng Immigrant Rights Commission (Komisyon para sa mga Kaparapatan ng mga Imigrante). Lubusang tatanggalin ng Prop D ang komisyong ito, kasama ang iba pang komisyon na humaharap sa diskriminasyon at kawalanng katarungan sa pagkakapantay-pantay ng mga lahi. Oo sa E, Hindi sa D!
Chinese for Affirmative Action (Mga Tsino para sa Pag-aksiyong Pabor sa mga Nakararanas ng Diskriminasyon)
Raquel Redondiez, Direktor ng SOMA Pilipinas*
Chinatown Media and Arts Collaborative (Kolaborasyon para sa Media at Sining sa Chinatown)
Anni Chung, Self-Help for the Elderly (Pagtulong sa Sarili ng Matatanda)*
Superbisor Connie Chan
Dating Superbisor Norman Yee
Dating Superbisor Sandra Lee
Dating Superbisor Mabel Teng
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
13
Malinaw na pagpili para sa mga Demokrata: Oo sa E, Hindi sa D
Sa pambansang antas, ang Project 2025 ay proyektong MAGA upang mabuwag ang demokrasya. Dito sa San Francisco, humaharap tayo sa katulad na marahas na pagpapasya. Ang pag-Oo sa E, na demokratikong panukalang-batas para sa pagpapasimple, ay magpapanatili sa aprubado ng mga botante at mahahalagang komisyon na nagbibigay sa ordinaryong mga mamamayan ng kapangyarihan na pananagutin ang gobyerno para sa mga resulta. Bubuwagin ng Prop D, na panukalang batas ng Together SF, ang ating aprubado ng mga botante na Tsarter ng Lungsod. Palihim itong naisulat nang walang kahit isang pampublikong pagdinig, pinondohan ng mga Republikanong nasa kanan, at ilalagay muli ang gobyerno ng lungsod sa mga kamay ng mga gumagawa ng mga kasunduan nang palihim at nang hindi maabot ng karamihan sa mga taga-San Francisco. Sa panahon kung kailan lubhang napakaraming dark money o politikal na paggasta ng mga non-profit sa politika at pagbibigay ng maling impormasyon sa mga botante, napakahahalagang kasangkapan ng independiyenteng mga komisyon upang mabigyang-lakas ang mga taga-San Francisco na makalahok sa demokrasya. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
Superbisor Shamann Walton
Superbisor Rafael Mandelman
Superbisor Dean Preston
Superbisor Connie Chan
Presidente ng BART Board (Lupon ng BART) Bevan Dufty
Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano
Pangalawang Tagapangulo ng California Democratic Party David Campos*
Dating Superbisor John Avalos
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
14
Pasulong, hindi paurong, sa pagtugon sa kawalan ng tahanan. Oo sa E, Hindi sa D.
May badyet ang Department of Homelessness and Supportive Housing (Departamento para sa Kawalan ng Tahanan at Pabahay na Nagbibigay ng Suporta) na mahigit $600 milyon taon-taon. Gayon pa man hanggang noong 2023, WALANG pangangasiwa o pagpapanagot dito. NILIKHA NG MGA BOTANTE ang Homeless Oversight Commission (Komisyon para sa Pangangasiwa ng mga Walang Tahanan) noong 2022 upang magkaloob ng pangangasiwa, makakuha ng mga pag-o-audit, makapagtakda ng mga pamantayan sa pagganap, at matasa ang pagiging epektibo. Tatanggalin ng Prop D ang komisyon dalawang taon lamang matapos malikha ito at ilalagay ang pamamahala sa ating napakahahalagang mga programa para sa kawalan ng tahanan pabalik sa kadiliman. Pananatilihin ng pag-Oo sa E ang napakahalagang komisyon na ito sa ating tsarter habang nagpapasimula ng pampublikong proseso upang magawang mas epektibo ito at ang iba pang komisyon. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
Hospitality House (Tahanan para sa Hospitalidad)
Housing Service Network (Ugnayan para sa Pagbibigay-Serbisyo sa Pabahay)
Whit Guerrero, Komisyoner para sa Homeless Oversight *
Catherine Jane Ross, Miyembro ng Shelter Monitor Committee (Komite para sa Pagsubaybay sa mga Masisilungan)*
Roma P. Guy, Nag-aabokasiya para sa Katarungang Panlipunan
Danielle McVay, Local Homeless Coordinating Board (Lokal na Tagapag-ugnay na Lupon para sa Walang Tahanan)
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
15
Huwag tanggalin ang paglilibang sa San Francisco, na susi sa muling pagpapasigla. Oo sa E, Hindi sa D!
Ang entertainment o paglilibang, live na musika, at mga pistahan sa kalye sa downtown at sa ating mga komunidad ang mga susi tungo sa muling pagpapasigla sa ating lungsod. Responsibilidad ng Entertainment Commission (Komisyon para sa Paglilibang) ang pagtatakda ng mga polisiya at pagsusuri at pag-aapruba sa mga permit para sa mga lugar ng live na entertainment, musika sa gabi, at mga pistahan sa kalye, pagtitipon sa labas ng gusali at pinalakas ang tunog na musika. Maaaring humarap ang mga mamamayan at magkakapit-bahay sa Komisyon upang magpahayag ng suporta o ng pag-aalala ukol sa pagkakaloob ng permit sa mga aktibidad na ito sa kanilang komunidad.
TATANGGALIN ng Prop D ang mahalagang komusyon na ito na siyang daan para sa pampublikong pagsusuri at pag-apruba ng paglilibang sa San Francisco. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
El Rio
Lexington Club
Bar Part Time
Mothership
Lion's Den Bar and Lounge
Barbarossa Lounge
Jolene's Bar
Steven Lee, Dating Komisyoner sa Paglilibang
Stephen Torres, Dating Komisyoner sa Paglilibang
Laura Thomas, Komisyoner sa Paglilibang*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
16
Suportahan ang Dignity Fund (Pondo para sa Dignidad). Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
Nabuo ang Dignity Fund nang kasama ang pakikilahok ng nag-aadbokasiyang mga komunidad at nakakuha ito ng mahigit sa 110 pag-eendoso ng mga organisasyon. Nakakuha ito ng matatag at masiglang pagsuporta sa ballot box o mga eleksyon. Mahalagang katangian nito ang pagkakasama ng Dignity Fund Oversight and Advisory Board (Lupon para sa Pangangasiwa at Pagpapayo para sa Dignity Fund). Sa pagdaan ng mga taon, natiyak ng pangkat na ito ang pagiging bukas sa pagsisiyasat at pagkuha ng opinyon ng mga stakeholder o may interes sa proseso ng itinatakda ng batas na mga desisyon sa pagpaplano at pagpopondo. Tatanggalin ng panukalang-batas ng Together SF ang pangkat na ito mula sa Tsarter, kasama ang iba pang mahahalagang pangkat para sa paggawa ng mga polisiya na importante sa mga mas nakatatanda, mga indibidwal na may kapansanan - ang Health Commission, ang Human Rights Commission, ang Library, at marami pang iba. Hinihikayat namin kayong bumoto ng Oo sa E at Hindi sa D!
Marie Jobling, Kasamang Tagapangulo, Dignity Fund Coalition
Tony Fazio, kasamang awtor ng ordinansa ukol sa Dignity Fund *
Sandra Mori, miyembro, Dignity Fund Coalition*
Ramona Davies, miyembro, Dignity Fund Coalition*
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
17
Protektahan ang ating kapaligiran. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
Ngayong 2024, pinangalanan ang San Francisco na The Cleanest Energy City in America (Ang Lungsod sa Amerika na Pinakamahusay sa Kapaligiran ang Paggamit ng Enerhiya) dahil sa kahusayan nito sa enerhiya at sa pagbabawas sa greenhouse gas emissions (sumisingaw na nakalalasong sangkap), na bumaba na nang 48% magmula noong 1990. Nalikha ang Environment Commission ng mga botante noong 1995 at nagkakaloob ito ng pangangasiwa at nagpapatibay sa mga regulasyon ukol sa mga usapin sa kapaligiran tulad ng pagbabawas ng basura at nakalalasong sangkap, mga gusaling green o mabuti sa kapaligiran, mga gubat sa lungsod, pagtatapon ng hindi nagamit ng gamot, paggamit sa pestisidyo, mga gawain para mga negosyong green o mabuti sa kapaligiran, at marami pang ibang programa na nauukol sa pagbabago ng klima at pinatatakbo ng Department of the Environment (Departamento para sa Kapaligiran). Naaapektuhan ng mga usaping ito ang lahat ng taga-San Francisco sa bawat komunidad na maaaring direktang magpahayag ng kanilang inaalala at rekomendasyon sa Environment Commission. Tatanggalin ng Prop D ang Environment Commission at malala ang magiging pinsala nito sa mga pagsusumikap ng ating lungsod upang mapreserba ang kapaligiran. Maprereserba ito ng pag-Oo sa E.
Huwag itapon ang ating reputasyon bilang pinakamahusay na lungsod sa Amerika sa pakikipaghamok sa pagbabago sa klima. BUMOTO ng Oo sa E AT ng Hindi sa D!
San Francisco League of Conservation Voters (Liga ng mga Botante para sa Konserbasyon)
Sarah Wan, Commission on the Environment*
Johanna Wald, Dating nasa Commission on the Environment
Jackie Fielder, Nag-aadobokasiya para sa Klima
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
18
Iligtas ang Historic Preservation Commission (Komisyon para sa Preserbasyon ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar). Oo sa E, Hindi sa D.
Ang ating arkitektural, makasaysayan, at kultural na pamana ang siyang dahilan ng pagiging natatangi at kamang-manghang lungsod ng San Francisco. Nilikha ang Historic Preservation Commission ng mga botante noong 2008 upang magabayan ang lungsod sa pagprepreserba sa makasaysayang mga istruktura at lugar habang tinitiyak na ginagamit ang preserbasyon bilang kasangkapan upang magtaguyod ng pag-unlad, muling pagpapasigla, at pagkilala sa ating mga komunidad na may mga pagkakaiba-iba.
Itinatalaga ng Mayor ang Komisyon, at binubuo ito ng mga mamamayan na may kaalaman sa kasaysayan, arkitektura, kasiningan, at kultural na mga tradisyon ng Lungsod. Nagrerekomenda ang Komisyon ng mga gusali at lugar na may historikal o kultural na kabuluhan sa pamana ng San Francisco at nang maitalaga ang mga ito ng Board of Supervisors. Kapag naitalaga na ang mga ito, tumutulong ang Komisyon upang magawan ng regulasyon ang mga rekurso sa pagrerebyu ng mga permit at sa proseso ng pagbibigay ng titulo at nang maprotektahan an ating pamana.
Napakahalaga ng pagprotekta sa espesyal na mga lugar ng San Francisco para iwan natin sa kapalaran. Panatilihin ang Komisyon na nagpepreserba sa pamana ng San Francisco. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!
San Francisco Heritage (Pamana ng San Francisco)
Hisashi Sugaya, Dating Komisyoner para sa Pagpepereserba ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar
David Wessel, Dating Komisyoner para sa Pagpepereserba ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar
Courtney Damkoger, Dating Komisyoner para sa Pagpepereserba ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar
Propesor Robert Cherny, dating miyembro, Landmarks Board (Lupon para sa Mahahalagang Palatandaan)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.
Paid Arguments Against Proposition E
1
Kulang ang panukalang-batas na ito sa mga pananggalang upang mapanagot ang hindi inihalal na mga komisyoner, kahit na may ilang komisyoner na nagsagawa na mga pag-asal na may kasangkot na korupsiyon at kawalan ng prinsipyo.
Hindi katanggap-tanggap ang ganitong kakulangan ng pangangasiwa. Kailangan natin ng tunay na pagpapanagot para sa hindi inihalal na mga komisyoner at gobyerno.
Sa halip, lilikha ang panukalang-batas na ito ng task force (pangkat para sa espesyal na gawain) na ang karamihan ng bumubuo ay hindi inihalal na mga burukrata ng Lungsod, na makalilikha ng batas na babaguhin ang batayang istruktura ng ating gobyerno nang walang opinyon ng mga residente.
Garapalang hindi demokratiko ito! Talaga bang mapagkakatiwalaan natin ang mga burukrata na bawasan ang burukrasya sa gobyerno?
Huwag palinlang. Bumoto ng HINDI sa Prop E.
Cyn Wang
Bise Presidente, SF Entertainment Commission*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
2
Ang pag-amyenda sa tsarter na ito ay palihim na pagsubok ng kasalukuyang mga miyembro at liderato ng Board of Supervisors upang mapanatili ang pinakamalaking posibleng pagkontrol nila, sa pamamagitan ng pag-iwas sa kagustuhan ng mga botante sa kasalukuyang eleksiyon gamit ang iba;t ibang paraan.
Tingnan natin ang ilang detalye ng mga iminumungkahi ng panukalang-batas na ito, at nang makita kung paano nito nilalansi ang mga botante upang hindi mapahintulutan na magkaroon ng representasyon ang kanilang iba pang desisyon sa eleksyong ito.
Magkakaroon ang kasalukuyang Presidente ng Board of Supervisors ng kapangyarihan upang magtalaga sa mga posisyon - kahit na mahigit sa kalahati sa mga Superbisor ang nasa balota sa Nobyembre, at mayroon nang garantiya na mapapalitan sa susunod na taon ang kasalukuyang Presidente ng Board of Supervisors. Mahahadlangan ang kagustuhan ng mga botante - ang mga bagong Superbisor na mahahalal sa katungkulan sa eleksyong ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa pagpapasya!
Maaaring imungkahi ng itatalagang mga miyembro ng bagong komisyong ito ang lehislasyon, na maaari lamang maharangan sa pamamagitan ng pagboto ng Board of Supervisors. Mahahadlangan ang kagustuhan ng mga botante - sinuman ang mapipiling mayor sa eleksyon na ito ay walang anumang kapangyarihan na harangin o baguhin ang lehislasyon ng bagong komisyon na ito!
Ipinakilala lamang ang Prop E matapos maisumite ang Prop D sa balota ng mga botante. Kapag maipasa ang Prop E nang mas marami ang boto, lubusang mapapawalang-bisa ang Prop D: kahit na maipasa ang Prop D nang mas marami ang boto kaysa sa Prop E, ipatutupad pa rin ang Prop E sa pinakamalaking saklaw na pinahihintulutan ng batas. Mahahadlangan ang kagustuhan ng mga botante - kahit na magkaroon ang Prop D ng mas maraming boto, maaari pa ring pangibabawan ito ng Prop E!
Ang panukalang-batas na ito ay mapang-uyam na pagsubok na agawin ang lumalaking pagkakaisa sa paniniwala na nangangailangan ang San Francisco ng awtentikong pagrereporma sa mga komisyon nito.
Huwag hayaan ang City Hall na lokohin kayo. Bumoto ng hindi sa panlolokong panukalang-batas na ito!
Patrick Wolff
Tagapagtatag, Families for San Francisco (Mga Pamilya para sa San Francisco)
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
3
Napakasamang panukalang-batas ito na magdudulot ng hindi inaasahang mga kahihinatnan. Lilikha ang panukalang-batas na ito ng hindi inihalal na “Commission on Commissions (Komisyon ukol sa mga Komisyon)” na may kapangyarihan na gumawa ng mga batas nang walang opinyon mula sa mga indibidwal na maaapektuhan ng mga batas na ito.
Gagawin ng panukalang-batas na ito na mas hindi bukas sa pagsisiyasat ang City Hall, at mas hindi demokratiko. Ang huling bagay na kailangan natin ay ang hindi inihalal na mga burukrata na lilikha ng mga batas para sa lahat ng iba pang tulad natin sa pamamagitan ng patagong mga paraan.
Bumoto ng Hindi sa mapanlinlang na panukalang-batas na ito.
Lily Ho
Tagapagtatag, Delta Chinatown Initiative (Delta Chinatown na Inisyatiba)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
4
Talagang hindi na gumagana ang gobyerno ng Lungsod ng San Francisco. Mayroon tayong isa sa pinakamalalaking badyet ng lungsod sa bansa, pero lumiit na ang populasyon sa ating lungsod at nabigyan tayo ng pagtatasa bilang lungsod na pinakamasama ang pamamalakad sa Estados Unidos.
Dahil dito, bakit natin pagkakatiwalaan ang mga indibidwal na nagdala sa atin sa kaguluhang ito para ayusin ito?
Huwag magpaloko sa napakamapanlinlang na panukalang-batas na ito na inakda ng politikong ang pangunahing trabaho ay tumakbo para sa katungkulan, at nakikinabang sa kasalukuyang kalagayan.
Walang anumang pananggalang ang panukalang-batas na ito upang papanagutin ang hindi inihalal na mga komisyoner kahit na dalawa o higit pang komisyoner ang nagsasagawa ng pag-asal na may korupsiyon at walang prinsipyo.
Ang kahindik-hindik rito, lilikha ang panukalang-batas na ito ng hindi inihalal na komisyon na may kapangyarihang gumawa ng mga batas nang walang opinyon ng publiko. Lubusang hindi ito demoratiko at kukunin nito ang kapangyarihan mula sa mga botante sa pagpapasya kung paano dapat ireporma ang gobyerno ng Lungsod.
Hindi mapagkakatiwalaan ang City Hall na ayusin ang sarili nito. Huwag maniwala sa mapanlinlang na panukalang-batas na ito.
Bumoto ng Hindi sa Panukalang-batas E.
Lucy Junus
Bise Presidente, Inner Mission Neighborhood Association (Asosasyon ng Komunidad ng Inner Mission)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
5
Hindi demokratiko ang paglikha ng hindi inihalal na komisyon na may kapangyarihan na gumawa ng mga batas nang walang opinyon ng publiko. Kukunin ng panukalang-batas na ito ang kapangyarihan mula sa mga botante sa pagpapasya kung paano dapat ireporma ang gobyerno ng Lungsod.
Lubusang mali ang paraang ito sa pagbabago ng ating gobyerno. Gusto nating mga residente na kunin ang kapangyarihan mula sa hindi inihalal na mga burukrata at hindi sila bigyan ng karagdagang kapangyarihan.
Huwag maniwala sa huwad na panukalang-batas na ito. Bumoto ng Hindi sa Prop E!
Cedric Akbar
Kasamang Tagapagtatag, Positive Directions Equals Change (Katumbas ng Positibong Direkiyon ang Pagbabago)
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
6
Bagamat mayroon tayong isa sa pinakamalalaking badyet sa Lungsod sa bansa, binigyan ng marka ang San Francisco bilang isa sa mga lungsod na pinakamasama ang pagpapatakbo sa Estados Unidos. Binibigo na tayo ng ating gobyerno.
Kaya bakit natin pagkakatiwalaan ang parehong mga indbidwal na nagsanhi ng kaguluhang ito upang ayusin ito?
Nilikha ang panukalang-batas na ito ng mga politikong nakinabang sa kalakaran bilang mapang-uyam na pagsubok na linlangin tayong mga residente na gusto ng tunay na pagbabago sa gobyerno.
Walang gagawin ang panukalang-batas na ito upang mapanagot ang hindi inihalal na mga komisyoner para sa kanilang pag-asal na may korupsiyon. Wala ring gagawin ang panukalang-batas na ito upang malimitahan ang kapangyarihan ng hindi inihalal na mga komisyoner sa palihim na paggawa ng desisyon sa mga polisiyang nauukol sa mga usaping tulad ng pampublikong kaligtasan nang walang opinyon ng mga residente.
Huwag magpaloko sa bigong liderato. Bumoto ng Hindi sa Prop E.
Marjan Philhour
Nag-aadbokasiya para sa Maliliit na Negosyo at para sa Komunidad
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
7
Nilikha ang napakamapanlinlang na panukalang-batas na ito ng politikong ang pangunahing trabaho ay pagtakbo para sa katungkulan at nakikinabang mula sa kalakaran. Hindi ito naghahandog ng anumang tunay na solusyon, at sa halip, ipagpapatuloy pa nito ang kasalukuyang mga problema sa ating gobyerno ng lungsod.
Hindi lilikha ang panukalang-batas na ito ng anumang mekanismo upang mapanagot ang hindi inihalal na mga komisyoner. Sa katunayan, lilikha ang panukalang-batas na ito ng hndi inihalal na komisyon na makalilikha ng mga batas upang mabago ang istruktura ng ating gobyerno nang kakaunti o walang opinyon mula sa ating mga residente.
Mali ito.
Huwag maniwala sa panloloko ng City Hall. Bumoto ng Hindi sa Prop E!
Chinese American Democratic Club (Tsino Amerikano na Samahang Demokratiko)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
8
Talagang hindi na gumagana ang gobyerno ng Lungsod ng San Francisco. Mayroon tayong isa sa pinakamalalaking badyet ng lungsod sa bansa, pero lumiit na ang populasyon sa ating lungsod at nabigyan tayo ng pagtatasa bilang lungsod na pinakamasama ang pamamalakad sa Estados Unidos.
Dahil dito, bakit natin pagkakatiwalaan ang mga indibidwal na nagdala sa atin sa kaguluhang ito para ayusin ito?
Huwag magpaloko sa napakamapanlinlang na panukalang-batas na ito na inakda ng politikong ang pangunahing trabaho ay tumakbo para sa katungkulan, at nakikinabang sa kalakaran.
Walang anumang pananggalang ang panukalang-batas na ito upang papanagutin ang hindi inihalal na mga komisyoner kahit na dalawa o higit pang komisyoner ang nagsasagawa ng pag-asal na may korupsiyon at walang prinsipyo.
Ang kahindik-hindik rito, lilikha ang panukalang-batas na ito ng hindi inihalal na komisyon na may kapangyarihang gumawa ng mga batas nang walang opinyon ng publiko. Lubusang hindi ito demoratiko at kukunin nito ang kapangyarihan mula sa mga botante sa pagpapasya kung paano dapat ireporma ang gobyerno ng Lungsod.
Hindi mapagkakatiwalaan ang City Hall na ayusin ang sarili nito. Huwag maniwala sa mapanlinlang na panukalang-batas na ito.
Bumoto ng Hindi sa Prop E!
Parag Gupta
Miyembro, SF Democratic County Central Committee (Komite Sentral ng mga Demokratiko sa County ng SF)
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
9
Kailangan ng San Francisco ng tunay na lubusang pagbabago sa istruktura ng mga komisyon nito upang makabalik sa tamang landas. Gayon pa man, hindi nagkakaloob ang panukalang-batas na ito ng kinakailangang mga pagbabago at naglilingkod lamang ito upang mapanatili ang kasalukuyang hindi na gumaganang sistema.
Walang garantiya ang panukalang-batas na ito na tunay nitong mababawasan ang bilang ng mga komisyon na mayroon ang San Francisco. Wala ring gagawin ang panukalang-batas na ito upang mapanagot ang hindi inihalal at walang prinsipyong mga komisyoner.
Isa na naman itong pekeng “solusyon” mula sa parehong mga politiko na nagsanhi sa kagulungan ito noon pa man.
Huwag magpaloko. Bumoto ng hindi sa panukalang-batas na ito.
Lanier Coles
Miyembro ng San Francisco Democratic County Central Committee*
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
10
Nalikha ang napakamapanlinlang na panukalang-batas na ito sa pamamagitan ng patagong mga kasunduan sa City Hall.
Lilikha ang panukalang-batas na ito ng hindi inihalal na “Commission on Commissions” na may hindi pa nangyayari kailanman na pagkakaroon ng kapangyarihan upang makalikha ng mga batas nang walang opinyon mula sa mga residente. Bukod rito, walang anuman sa panukalang-batas na ito na lilikha ng pananagutan para sa hindi inihalal na mga komisyoner, at marami sa kanila ang nahuli na sa mga iskandalong nauukol sa korupsiyon sa nakaraan.
Huwag maniwala sa hindi demokaratiko at mapanlinlang na panukalang-batas na ito. Bumoto ng HINDI sa Prop E.
Jade Tu
Miyembro, SF Democratic County Central Committee*
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.
Legal Text
Proposition “Creating a Task Force to Recommend Changing, Eliminating or Combining City Commissions”
Describing and setting forth a proposal to the voters at an election to be held on November 5, 2024, to amend the Charter of the City and County of San Francisco to establish the Commission Streamlining Task Force charged with making recommendations to the Mayor and the Board of Supervisors about ways to modify, eliminate, or combine the City’s appointive boards and commissions to improve the administration of City government; require the City Attorney to prepare a Charter Amendment to implement the Task Force’s recommendations relating to Charter commissions, for consideration by the Board of Supervisors; and authorize the Task Force to introduce an ordinance to effectuate its recommendations relating to appointive boards and commissions codified in the Municipal Code, which ordinance shall go into effect within 90 days unless rejected by a two-thirds vote of the Board of Supervisors.
SECTION 1. FINDINGS.
(a) The City and County of San Francisco has long been a place that values public service, creativity, political activism, and civic engagement. And the City’s system of participatory government reflects those values. San Francisco is led not only by elected officials and professional City staff, but also by hundreds of City residents who volunteer their time to serve on City boards and commissions (together referred to in this Section as “commissions”), such as the Planning Commission, the Disability and Aging Services Commission, and the Human Rights Commission.
(b) San Francisco’s commissions leverage the perspectives, lived experiences, and expertise of the City’s residents, and ensure that important policy decisions are not made behind closed doors by a powerful few, but through a public and participatory process that is informed by the very people whom those decisions will impact.
(c) San Francisco’s commissions have been in existence as long as the City has had a Charter. The first commission – the Police Commission – was established in 1878, followed by the Civil Service Commission in 1900, and the Public Utilities Commission in 1932. Since then, the voters have amended the City Charter numerous times to establish policy and oversight bodies that have helped shape city policies and programs.
(d) In addition to providing policy guidance, many commissions perform essential government functions that are required by law. For example, the Historic Preservation Commission acts as the City’s local historic preservation review commission for the purposes of the federal Certified Local Government Program; the Health Commission serves as the governing body of General Hospital and Laguna Honda Hospital; the Board of Appeals affords due process to permit applicants wishing to appeal a permit decision; and the Building Inspection Commission helps to craft and enforce the safety standards of the Building Code. These and other functions performed by commissions cannot be summarily eliminated without creating significant uncertainty and disorder.
(e) Currently, there are over 100 commissions that perform work on behalf of the City or provide non-binding guidance to City officials and departments. Many of these bodies have existed for decades, without review or evaluation of their efficacy, or updates to maximize their utility. Some commissions have fulfilled their original mandate; some have outlived their useful purpose; and others perform work that duplicates the efforts of other City bodies. As the City enters a period in which it will have to make difficult budget choices, it is time to undertake a comprehensive, evidence-based review of the City’s commissions to identify those bodies that add value to the City, those that can be consolidated, streamlined, or improved, and those whose time has passed.
(f) This measure establishes a clear pathway for that review, starting with a study conducted by the Budget and Legislative Analyst of the annual financial cost of supporting the City’s commissions. The measure will also establish a Task Force of experts in City management and operations. This Task Force will not only have the authority to make recommendations to the Mayor and Board of Supervisors about how to change the current commission system, but will also have the power to introduce legislation to effectuate those recommendations. Recommendations could include changes to the structure, staffing, and meeting requirements of individual commissions, with the goal of improving the commissions’ efficacy.
(g) This measure’s creation of an expert Task Force to analyze and make recommendations to optimize the number, functions, and structure of City commissions, is consistent with recommendations from the 2023-2024 Civil Grand Jury Report, entitled “Commission Impossible,” as well as the Rose Institute of State and Local Government’s “Re-Assessing San Francisco’s Government Design,” which concluded it is not possible to determine the optimal number of City commissions without an exhaustive review, and encouraged the City to “[c]onsider a system-wide evaluation of the City’s commission system” as its main recommendation.
(h) Making significant changes to a system of government is no easy feat. And it cannot be done effectively by establishing arbitrary limits on the number of citizen-led commissions. But it is time for San Francisco to make tough choices, which requires looking at which parts of our current system of government work, and which don’t. This measure provides a roadmap for that inquiry, and an expedited path to effective change.
SECTION 2. CHARTER AMENDMENT.
The Board of Supervisors hereby submits to the qualified voters of the City and County, at an election to be held on November 5, 2024, a proposal to amend the Charter of the City and County, to read as follows:
NOTE: Unchanged Charter text is in plain font.
Additions are single-underline italics Times New Roman font.
Deletions are strike-through italics Times New Roman font.
Asterisks (* * * *) indicate the omission of unchanged Charter subsections.
SEC. 2.105. ORDINANCES AND RESOLUTIONS.
The Board of Supervisors shall meet and transact its business according to rules which it shall adopt.
The Board of Supervisors shall act only by written ordinance or resolution, except that it may act by motion on matters over which the Board of Supervisors has exclusive jurisdiction. All legislative acts shall be by ordinance. An ordinance or resolution may be introduced before the Board of Supervisors by a member of the Board, a committee of the Board or, the Mayor, or the Commission Streamlining Task Force subject to the limitations set forth in Section 4.100.1, and shall be referred to and reported upon by an appropriate committee of the Board. An ordinance or resolution may be prepared in committee and reported out to the full Board for action, consistent with the public notice laws of the City. Except as otherwise provided in this Charter, passage of an ordinance or a resolution shall require the affirmative vote of a majority of the members of the Board.
* * * *
SEC. 4.100. GENERAL.
In addition to the office of the Mayor, the executive branch of the City and County shall be composed of departments, appointive boards, commissions, and other units of government that perform the sovereign powers of the City and County. To the extent law permits, each appointive board, commission, or other unit of government of the City and County established by State or Federal law shall be subject to the provisions of this Article IV and this Charter.
SEC. 4.100.1. COMMISSION STREAMLINING TASK FORCE.
(a) Establishment of the Task Force. By no later than February 1, 2025, a Commission Streamlining Task Force (“Streamlining Task Force”) shall be convened for the purpose of advising the Mayor and the Board of Supervisors on ways to eliminate, consolidate, or limit the powers and duties of appointive boards and commissions for the more effective, efficient, and economical administration of City and County government, and introducing one or more ordinances to effectuate its recommendations. The Streamlining Task Force shall have the powers and duties set forth herein, and shall expire by operation of law 24 months after its first meeting.
The City Administrator shall provide administrative support to the Streamlining Task Force. The Controller and the City Administrator shall provide professional and technical assistance to the Streamlining Task Force. All City and County officials, departments, and other agencies, and all appointive boards and commissions, shall cooperate with the Streamlining Task Force as it performs its responsibilities under this Section 4.100.1.
For purposes of this Section 4.100.1, an “appointive board” or “commission” includes any body that meets the definition of a “legislative body,” under California Government Code § 54952, whether denominated a “board,” “commission,” “council,” “committee,” “task force,” “advisory body,” or otherwise.
(b) Composition of the Streamlining Task Force. The Streamlining Task Force shall consist of five members. Seat 1 shall be held by the City Administrator or the City Administrator’s designee, who must be an employee of the Office of the City Administrator. Seat 2 shall be held by the Controller or the Controller’s designee, who must be an employee of the Office of the Controller. Seat 3 shall be held by the City Attorney or the City Attorney’s designee, who must be an employee of the Office of the City Attorney. Seat 4 shall be held by a representative of organized labor representing the public sector, appointed by the President of the Board of Supervisors. Seat 5 shall be held by an individual with expertise in open and accountable government, appointed by the Mayor. The Mayor’s appointment shall not be subject to rejection by the Board of Supervisors under Charter Section 3.100(18). Members in seats 4 and 5 shall serve at the pleasure of their appointing authority.
(c) Budget and Legislative Analyst Report. The Streamlining Task Force shall undertake a comprehensive review of the City and County’s appointive boards and commissions, including those created by voter-approved ordinance. To inform that review, by no later than September 1, 2025, the Budget and Legislative Analyst shall prepare and submit to the Streamlining Task Force, the Mayor, and the Clerk of the Board of Supervisors a report that assesses for each appointive board or commission established in the Charter (1) the annual financial cost to the City to operate the body, including but not limited to the costs of City staff time spent to support, brief, meet with, develop materials for, or otherwise enable the functioning of the body; and (2) the projected financial impact of eliminating the appointive board or commission, or consolidating it with another body. The report shall also include an estimate of the average annual financial cost to the City of operating an appointive board or commission that is established by ordinance for the purpose of providing non-binding advice to City officials on a given topic.
(d) Streamlining Task Force Report and Recommendations. By no later than February 1, 2026, the Streamlining Task Force shall prepare and submit to the Mayor and the Clerk of the Board of Supervisors a report containing the Streamlining Task Force’s recommendations as to which existing appointive boards and commissions, if any, should be eliminated in their entirety, consolidated, revised to limit their powers and/or duties, or revised to expand their powers and/or duties as a result of a consolidation.
For each recommendation made pursuant to this subsection (d), the Streamlining Task Force shall provide a rationale; analyze whether any function(s) performed by the appointive board or commission that is recommended to be eliminated, consolidated, or revised are required by law or essential to the effective operation of City and County government; and identify the City and County officers, departments, or other units of government that could assume responsibility for any legally required or essential function(s).
(e) Effectuation of Recommendations.
By no later than March 1, 2026, the City Attorney shall prepare a draft Charter Amendment to implement the Streamlining Task Force’s recommendations relating to commissions established in the Charter, and shall submit such draft to the Clerk of the Board of Supervisors. By no later than April 1, 2026, the Streamlining Task Force’s report and recommendations and the draft Charter Amendment shall be the subject of a hearing before the Board of Supervisors. Any Supervisors(s) wishing to seek voter approval of the draft Charter Amendment, or a modified version thereof, shall be required to introduce the Charter Amendment for consideration by the Board of Supervisors, consistent with the process and deadlines set forth in the Municipal Elections Code and the Board’s Rules of Order at that time.
During its tenure, the Streamlining Task Force shall have the authority to introduce one or more ordinances to effectuate its recommendations relating to the elimination, consolidation, or revision of any appointive board or commission established by ordinance, other than any appointive board or commission that was established or amended by the adoption of an ordinance approved by the voters and cannot be amended or rescinded without voter approval. Such ordinance(s) shall go into effect 90 days after the date of introduction unless before the expiration of the 90-day period two-thirds of all members of the Board of Supervisors vote to disapprove the ordinance.
(f) Expiration. This Section 4.100.1 shall expire by operation of law on January 31, 2027, and the City Attorney shall cause it to be removed the Charter thereafter.
If any provision of this measure, or part thereof is for any reason held to be invalid or unconstitutional, the remaining provisions shall not be affected, but shall remain in full force and effect, and to this end the provisions of this measure are severable. The voters declare that this measure, and each section, sub-section, sentence, clause, phrase, part, or portion thereof, would have been adopted or passed irrespective of the fact that any one or more sections, sub-sections, sentences, clauses, phrases, part, or portion is found to be invalid. If any provision of this measure is held invalid as applied to any person or circumstance, such invalidity does not affect any application of this measure that can be given effect without the invalid application.
SECTION 4. CONFLICTING BALLOT MEASURES.
This measure is intended as the voters’ only decision in this election on the composition of City appointive boards and commissions. In the event that this measure and another measure or measures relating to the structure and powers of appointive commissions and advisory bodies shall appear on the same municipal election ballot, the provisions of such other measures shall be deemed to be in conflict with this measure. In the event that this measure shall receive a greater number of affirmative votes, the provisions of this measure shall prevail in their entirety, and each and every provision of the other measure or measures that conflict, in whole or in part, with this measure shall be null and void in their entirety. In the event that the other measure or measures shall receive a greater number of affirmative votes than this measure, the provisions of this measure shall take effect to the maximum extent permitted by law.