D

Mga Komisyon ng Lungsod at Awtoridad ng Mayor (Punong-Bayan)

Dapat bang amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang malimitahan ang kabuuang bilang ng mga komisyon na maaaring magkaroon ang Lungsod nang hanggang sa 65, kung saan pananatilihin ang ilang komisyon na gumagawa ng mga pagpapasya at binubuwag ang iba pa maliban na lamang kung kapalit nito, ipagpapatuloy ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ang alinman sa mga ito bilang tagapayong pangkat; pagkalooban ang Mayor na nag-iisang awtoridad na magtalaga at magtanggal ng pinuno sa mga departamento ng Lungsod; at bigyan ang Police Chief (Hepe ng Pulisya) ng nag-iisang awtoridad na magpatibay ng mga patakaran para sa pamamahala sa pag-asal ng mga pulis?

 

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

Kung Ano Ito Ngayon:

Kasalukuyang may 130 itinalagang lupon, komisyon, at tagapayong pangkat (mga komisyon) ang Lungsod. Sa 130 komisyong ito, 44 ang itinatag batay sa Tsarter at maaari lamang mabago ng mga botante. Ang natitirang mga komisyon ay nalikha sa pamamagitan ng ordinansa at karaniwan nang maaaring maamyendahan o matanggal sa pamamagitan ng aksiyon ng Board of Supervisors (Board o Lupon). Sa ilalim ng kasalukuyang batas:

  • Walang limitasyon sa bilang ng mga komisyon na maaaring magkaroon ang Lungsod.
  • May awtoridad ang marami sa mga komisyon na gumawa ng mga desisyon. Ang iba naman ay para lamang sa pagpapayo. May ilang nagpapasya ukol sa mga apela at iba pang administratibong gawain.
  • May ilang komisyon na nangangasiwa at nagtatakda ng mga polisiya para sa mga departamento ng Lungsod. Sa pangkalahatan, nagmumungkahi ang mga komisyong ito ng mga kandidato upang maglingkod bilang pinuno ng departamento. May awtoridad ang Mayor na magtalaga ng pinuno ng departamento na mula lamang sa mga kandidato na imumungkahi ng komisyon. Sa pangkalahatan, ang komisyon lamang ang may awtoridad na tanggalin ang pinuno ng departamento.
  •  Para sa maraming komisyon, nagtatalaga ang Mayor ng hindi bababa sa mayorya ng mga miyembro nito at itinatalaga naman ng Lupon ang natitirang mga miyembro. Sa pangkalahatan, dapat dumaan ang mga itinalaga ng Mayor sa kumpirmasyon o pagtanggi ng Lupon.
  • Maaari lamang tanggalin ng Mayor at ng Lupon ang mga miyembro mula sa ilang komisyon kung may opisyal na maling pag-asal.
  • Binabayaran ng Lungsod ang mga miyembro ng ilang komisyon.
  • Nagkakaloob ang Lungsod sa mga miyembro ng ilang komisyon ng mga benepisyo para sa pangangalaga ng kalusugan.
  • Pinagtitibay ng Police Commission (Komisyon ng Pulisya) ang mga patakarang nauukol sa pamamahala sa pag-asal ng mga pulis.

Ang Mungkahi:

Magsasagawa ang panukalang-batas ng mga pagbabagong ito sa Tsarter ng Lungsod:

  • Lilimitahan ang Lungsod sa pagkakaroon ng kabuuang bilang na 65 komisyon.
  • Pananatilihin nito ang 20 komisyong nakabatay sa Tsarter, kasama na ang Police, Fire, Recreation and Park, Municipal Transportation Agency, Public Utilities and Ethics (Pulisya, Pamamahala sa Sunog, Paglilibang at Parke, Ahensiya para sa Munisipal na Transportasyon, Pampublikong Serbisyo sa Koryente, Gas at Tubig, at Pagkakaroon ng Prinsipyo) at ang mga nangangasiwa sa mga benepisyo para sa pangangalaga ng kalusugan at pagreretiro ng mga empleyado. Pahihintulutan din ng panukalang-batas na ito ang Lungsod na panatilihin ang mga komisyon na itinatakda ng pederal o pang-estadong batas.
  • Tatanggalin ang 24 komisyong nakabatay sa Tsarter, kasama na ang Public Health, Library, Human Rights, Human Services, Arts, Environment, Small Business, and Juvenile Probation (Pampublikong Kalusugan, Aklatan, Karapatang Pantao, Serbisyong Pantao, Sining, Kapaligiran, Maliit na Negosyo, at Probasyon ng Menor de Edad), na mapapasailalim sa muling pagbibigay ng awtorisasyon o pagbabago ng istruktura ng Lungsod sa loob ng limitasyon na 65 komisyon. Sa ibang panahon, maaaring muling itatag ng Lupon ang mga pangkat na ito bilang mga tagapayong komisyon sa pamamagitan ng ordinansa.
  • Magtatatag ng task force (pangkat para sa espesyal na gawain) na may limang miyembro at magrerekomenda ito sa loob ng siyam na buwan kung aling mga komisyon ang muling bibigyan ng awtorisasyon o babaguhin ang istruktura o bubuwagin upang mapanatili ang limitasyon na 65 komisyon. Itatalaga ang task force na ito ng Mayor, ng Presidente ng Lupon, ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya), ng Administrador ng Lungsod, at ng Abugado ng Lungsod.
  • Maaaring muling bigyan ng Lupon ng awtorisasyon o palitan ang istruktura ng mga komisyong ito sa loob ng takdang panahon na 16 buwan matapos ang petsa ng pagpapatupad ng panukalang-batas, at nang sa gayon ay maiwasan ang pagbubuwag sa mga ito. Sa ibang panahon, maaaring muling magtatag at lumikha ang Lupon ng bagong mga komisyon, na masasakop ng limitasyon sa kabuuang bilang na 65 komisyon.
  • Itatakda na anumang komisyon na muling bibigyan ng awtorisasyon, babaguhin ang istruktura, o lilikhain ng Lupon ay maaari lamang magpayo sa Lupon at sa Mayor, at hindi magkakaroon ang mga ito ng awtoridad na gumawa ng mga pagpapasya, maliban na lamang kung ipag-uutos ng pang-estado o pederal na batas. Ililipat ang awtoridad sa paggawa ng mga pasya mula sa mga komisyoner tungo sa pinuno ng mga departamento. Ililipat naman ang awtoridad sa pagpapasya ukol sa mga apela at iba pang gawain sa mga hearing officer (mga opisyal para sa mga pagdinig).
  • Pahihintulutan ang Mayor na magtalaga, nang walang pagrerepaso ng Lupon, ng hindi bababa sa dalawa sa tatlong bahagi (two-third) ng mga miyembro ng muling nabigyan ng awtorisasyon, nabago ang istruktura, o bagong mga komisyon, at ilang napanatiling komisyon. Magkakaroon ng awtoridad ang Lupon na magtalaga ng hanggang isa sa tatlong bahagi (one-third) ng mga miyembro ng mga komisyong ito. Maaaring tanggalin ng Lupon at ng Mayor ang mga miyembrong itinalaga nila batay sa anumang dahilang nakasaad sa batas.

Ang Proposisyon D ay:

  • Magbabawal sa Lungsod sa pagbabayad sa mga komisyoner o pagkakaloob sa kanila ng mga benepisyo para sa pangangalaga ng kalusugan.
  • Magbibigay sa Mayor ng nag-iisang awtoridad na magtalaga at magtanggal ng karamihan sa pinuno ng mga departamento ng Lungsod.
  • Magbibigay sa Hepe ng Pulisya ng nag-iisang awtoridad na magpatibay ng mga patakaran sa pamamahala ng pag-asal ng mga pulis. Mananatili sa Komisyon ng Pulisya ang awtoridad na disiplinahin ang mga pulis at mananatili ang pangangasiwa nito sa Department of Police Accountability (Departamento para sa Pagpapanagot sa Pulisya).

Kapag ipinasa ang Proposisyon D nang mas marami ang boto kaysa sa Proposisyon E, hindi magkakaroon ng legal na epekto ang Proposisyon E.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "OO": Kapag bumoto kayo ng "oo," gusto ninyong malimitahan ang kabuuang bilang ng mga komisyon na maaaring magkaroon ang Lungsod nang hanggang sa 65, pagkalooban ang Mayor na nag-iisang awtoridad na magtalaga at magtanggal ng pinuno sa mga departamento ng Lungsod, at bigyan ang Hepe ng Pulisya ng nag-iisang awtoridad na magpatibay ng mga patakaran para sa pamamahala sa pag-asal ng mga pulis.

Ang Ibig Sabihin ng Botong "HINDI": Kapag bumoto kayo ng "hindi," ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "D"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Greg Wagner ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon D:

Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ang mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ng mga botante, magdudulot ito ng katamtamang pagtitipid na mula sa $350,000 hanggang $630,000 taon-taon mula sa gastos sa stipend (bayad o suweldo) at benepisyo para sa kalusugan. Posibleng magkaroon ng karagdagang pagtitipid mula sa mas mababang gastos sa administratibong gawain o mga kawani habang bumababa ang bilang ng mga komisyon, bagamat hindi pa matataya ang antas nito sa ngayon.

Lilimitahan ng mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ang Lungsod na magkaroon ng kabuuang bilang na 65 komisyon. Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 125 komisyon ang may mga operasyon sa Lungsod, kung saan may ilang komisyon na itinatag batay sa Tsarter ng Lungsod, samantalang itinatag naman ang iba batay sa ordinansa o iba pang awtoridad. Bubuwagin ng pag-amyenda ang humigit-kumulang 27 komisyon mula sa Tsarter ng Lungsod, samantalang pananatilihin ang iba pang 22 komisyon na nakabatay sa Tsarter. Kailangang magtanggal ang Lungsod ng kabuuang bilang na humigit-kumulang 60 komisyon mula sa kung anong kombinasyon ng mga batay sa Tsarter at iba pang pinagmulan upang matugunan ang limitasyon na 65 komisyon. Magtatatag ang mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ng Commission Streamlining Task Force (Pangkat para sa Espesyal na Gawain upang Mabago ang mga Komisyon) na gagawa ng mga rekomendasyon sa Mayor at sa Board of Supervisors ukol sa pagbabago, pagtatanggal, o pagsasama sa mga itinalagang lupon at komisyon ng Lungsod, na nasa loob ng limitasyon na 65 komisyon. Itatalaga ang Task Force ng mga opisyal ng Lungsod at magkakaroon ito ng awtoridad na mag-empleyo ng mga kawani at konsultant at tumanggap ng suporta mula sa Abugado ng Lungsod at sa Administrador ng Lungsod, ayon sa kinakailangan.

Isasagawa ang lahat ng gawain sa pagpapasya ng natanggal nang komisyon ng mga opisyal para sa pagdinig o ng Administrative Law Judge (Hukom para sa Administratibong Batas). Upang magkaroon ng konteksto, maaaring magkaroon ito ng gastos na nasa pagitan ng $450 at $2,000 kada pagdinig.

Ipagbabawal sa Lungsod ng pag-amyenda sa Tsarter ang pagbabayad sa mga miyembro ng mga komisyong ito o ang pagkakaloob sa kanila ng mga benepisyo para sa pangangalaga ng kalusugan. May ilang itinatalagang lupon at komisyon na nagbabayad sa mga komisyoner ng stipend na nakabatay sa kada pulong at may halagang mula $25 hanggang $500 kada pulong, samantalang binabayaran naman ang ilang komisyoner ng nasa pagitan ng $100 at $500 kada buwan. Hindi lahat ng komisyoner ay tumatanggap ng stipend. Upang magkaroon ng konteksto, noong FY 2022–23, nagbayad ang Lungsod ng humigit-kumulang $350,000 para sa mga stipend at benepisyo sa kalusugan para sa 180 komisyoner sa kabuuan ng lungsod. Maaaring magkaroon ang mga gastos na ito ng saklaw na humigit-kumulang $630,000 kung mas maraming katungkulan sa komisyon ang napunan at kung mas madalas na nagpulong ang mga komisyon. Magreresulta ang mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ng pagtitipid sa gastos na nasa saklaw ng humigit-kumulang $350,000 hanggang $630,000 taon-taon.

Bukod sa stipend ng mga komisyoner at seguro sa kalusugan, nangangailangan din ang mga komisyon ng oras ng mga kawani na mula sa mga empleyado ng Lungsod at nagkakaloob sila ng suporta sa mga operasyon ng mga komisyon at naghahanda ng mga materyales upang makapagharap ng impormasyon sa mga pagdinig. Bababa ang dami ng kinakailangang oras mula sa mga kawaning nagbibigay ng suporta sa mga komisyon habang binabago, tinatanggal, o pinagsasama ng Lungsod ang mga komisyon – kung kaya’t malilibre ang mga kawani upang matrabaho ang iba pang gawain ng gobyerno, bagamat hindi pa mapag-alaman ang antas nito sa ngayon. Sa hangganang mageempleyo ang Lungsod ng karagdagang mga kawani upang patakbuhin ang Pangkat para sa Espesyal na Gawain upang Mabago ang mga Komisyon, maaaring tumaas ang gastos ng gobyerno.

Ang karaniwang taunan na gastos sa mga operasyon ng 27 komisyon na matatanggal mula sa Tsarter ay humigit-kumulang $85,000 kada komisyon. Kasama sa mga gastos na ito sa operasyon ang mga stipend, benepisyo sa kalusugan, ilang gastos sa mga kawani, gastos sa mga operasyon, at iba pang gastos para sa iba’t ibang gamit. Kung hindi irerekomenda ng Task Force ang lahat ng 27 komisyon na natanggal mula sa Tsarter upang masali sa limitasyon na 65 komisyon at lubusang matanggal na ang mga ito, ang kabuuang matitipid ay humigitkumulang $2.3 milyon. Nakabatay ang kabuuang antas ng pagtitipid sa mga komisyon na irerekomenda ng Task Force na matanggal upang makasunod sa limitasyon na 65 komisyon. Ilan sa 27 komisyon na ito ay may mga kawani na full-time na empleyado at may karaniwang bilang na 1.5 empleyado, samantalang mayroon namang komisyon na ang kawanihan ay mga empleyadong hinahati ang kanilang panahon sa pagitan ng komisyon at iba pang responsibilidad, at ang mga ito ay may karaniwang bilang na .6 empleyado.

Kung Paano Napunta sa Balota ang "D"

Noong Hulyo 19, 2024, pinagtibay ng Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) na may sapat na bilang ng may bisang lagda ang inisyatibang petisyon na humihiling sa paglalagay sa Proposisyon D sa balota upang maging kuwalipikado ang panukalangbatas para sa balota.

Kinakailangan ng 50,012 lagda upang makapaglagay ng inisyatibang Charter Amendment (Pag-amyenda sa Tsarter) sa balota. Katumbas ang bilang na ito ng 10% ng rehistradong botante sa panahong nalathala ang “Notice of Intent to Circulate Petition (Abiso ukol sa Intensiyong Palaganapin ang Petisyon).” Ipinakita ng alasuwerteng pagsusuri sa mga lagda na isinumite ng mga may-panukala sa inisyatibang petisyon bago ang huling araw ng pagsusumite na Hulyo 8, 2024 na higit pa ang kabuuang bilang ng may bisang lagda kaysa sa itinatakdang bilang.

 

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.

Kailangan na ng San Francisco ng pagbabago.

Bumoto ng Oo sa Proposisyon D upang malabanan ang korupsiyon at makalikha ng gobyernong mas may pananagutan at mas episyente.

Hindi na gumagana ang ating gobyerno at nabigo na itong malutas ang mga hamon na kinakaharap ng San Francisco, mula sa mga merkado ng droga sa labas ng mga gusali hanggang sa kawalan ng tahanan. Isang pangunahing dahilan kung bakit nagkaganito ay ang nakatagong sapin-sapin na burukrasya at lumobo nang sistema ng mga komisyon.

May katawa-tawang bilang ng mga komisyon ang Lungsod. May humigitkumulang 130 komisyon at mahigit sa 1,200 komisyoner kahit na ang mga lungsod na tulad ng Los Angeles at San Diego ay mas mababa pa sa 50 komisyon ang bawat isa. Pag-uulit lamang, mapaglustay, at hindi epektibo ang marami sa ating mga komisyon. Heto ang ilang halimbawa:

Limang magkakahiwalay na komisyon na may kaugnayan sa kawalan ng tahanan ang nabigong mabawasan ang kawalan ng tahanan.

Anim na komisyon ang may kaugnayan sa Public Health Department (Departamento ng Pampublikong Kalusugan), pero mayroon pa rin tayong malalang krisis sa fentanyl.

Dalawang komisyon ang nangangasiwa sa ating Public Works Department (Departamento ng mga Pampublikong Gawain). Isa sa mga ito ang nalikha upang pangasiwaan ang departamento na hindi na pinanatili

Marami sa hindi inihalal na komisyon ang nakagagawa ng malalaking pagpasya sa polisiya sa tagong paraan. Gayon pa man, hindi kuwalipikado ang marami sa mga komisyoner at ginamit nila ang kanilang mga posisyon para sa sariling interes. Kasama sa ilang halimbawa ng korupsiyon at kawalan ng kakayahan ang mga sumusunod:

Hindi pagdalo ng mga komisyoner sa pulong, pagdating nang hindi handa, at sa ilang kaso, pagtulog sa panahon ng pagpupulong ng komisyon.

May dating Planning Commissioner (Komisyoner sa Pagpaplano) na tumanggap ng daan-daang libong dolyar mula sa mga developer na humihingi ng pag-apruba ng permit.

Mga kawani ng Lungsod na literal na nagharap ng kuwartong may bakanteng mga upuan para sa Sheriff’s Department Oversight Board (Lupon ng mga Nangangasiwa sa Departamento ng Sheriff).

Nabigo ang Human Services Commission (Komisyon ng mga Serbisyong Pantao) na papanagutin ang Human Services Agency (Ahensiya para sa mga Serbisyong Pantao) sa pagtatala ng kinahinatnan ng $2.5 milyon na gift cards, kung saan may ilan na mahiwaga ang pagkawala.

Kailangan na nating palitan ang ating sistema ng mga komisyon at bawasan ang bilang ng mga ito. Upang makalikha ng mas may pananagutan at episyenteng gobyerno, iboto ang Proposisyon D.

Kanishka Cheng 

CEO, TogetherSF Action

Huwag magpalinlang sa mga katunggaling Republikano. Ang Oo sa E ang tamang reporma para sa San Francisco!

Malinaw, simple, at epektibo ang Oo sa E:

  1. Magsasagawa ng independiyenteng cost-benefit analysis (pagsusuri sa gastos at mga pakinabang) ng bawat komisyon ng San Francisco
  2. Magdaraos ng mga pampublikong pagdinig at bubuo ng plano upang mapagsama, matanggal, at muling maorganisa ang mga ito at nang maging mas epektibo
  3. Ihaharap ang plano sa mga botante sa Nobyembre ng 2026 upang hayaan sa mga botante ang pagpapasya

Ito ang tamang paraan ng pagrereporma sa gobyerno.

Ang Prop D, na alternatibong sinusuportahan ng mga Republikano, ay may pamamaraang mapanira. Lubusang tatanggalin ng D ang Arts, Library, Health, Youth, Small Business and Environment Commissions (Mga Komisyon sa Sining, Aklatan, Kalusugan, Kabataan, Maliit na Negosyo, at Kapaligiran). Bubuwagin ng D ang pangangasiwa ng mamamayan sa mga polisiyang nauukol sa pag-asal ng mga pulis. Bibigyan ng D ang mga Mayor sa hinaharap ng hindi nababantayang kapangyarihan. Kukunin ng D ang kapangyarihan mula sa karaniwang mga taga-San Francisco. Ilalagay ng D ang gobyerno pabalik sa tagong mga lugar, kung saan maaaring magkaroon ng pang-aabuso at korupsiyon.

Kami ay mga pangkat sa komunidad, tagapagtaguyod ng kapaligiran, lider ng unyon, nag-aadbokasiya para sa mga bata at kabataan, edukador, may-ari ng maliliit na negosyo, nag-aadbokasiya para sa abot-kayang pabahay, at lider ng lungsod na naniniwala na naririto ang gobyerno upang paglingkuran ang mga mamamayan, at hindi ang espesyal na mga interes.

Pakisamahan kami sa pagboto ng Oo sa E at ng Hindi sa D.

Coalition of San Francisco Neighborhoods (Koalisyon para sa mga Komunidad ng San Francisco)

San Francisco League of Conservation Voters (Liga ng mga Botante ng California para sa Konserbasyon)

San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco)

Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman)

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)

Small Business Forward (Abante Maliit na Negosyo)

San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)

Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)

Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin

Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano (retirado)

Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng San Francisco Ed Harrington (retirado)

Hukom Ellen Chaitin (retirado)

Ipinahahayag ng Prop D na gagawin nitong mas epektibo ang gobyerno, pero sa katunayan, gagawa ito ng malaking pagbabawas sa pangangasiwa at pagpapanagot ng publiko.

  • Pasikreto itong isinulat, nang walang pampublikong pagdinig o opinyon mula sa publiko
  • Pinopondohan ito ng mga bilyonaryo, kung saan nagkakaloob ng mapanlinlang na impormasyon ang binayarang mga nangalap ng petisyon
  • Tatanggalin nito ang Arts, Library, Health, Youth, Environment (Sining, Aklatan, Kalusugan, Kabataan, Kapaligiran) at 19 iba pang komisyon na naaprubahan na ng mga botante, kung kaya’t mapapahina ang mahahalagang serbisyo ng lungsod
  • Wawakasan nito ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa mga polisiyang nauukol sa pag-asal ng pulisya kasama na ang paggamit ng nakamamatay na karahasan
  • Babawasan nito ang checks and balances (mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan ng indibidwal o entidad) sa gobyerno ng lungsod
  • Bibigyan nito ang mga Mayor sa hinaharap ng halos hindi na mababantayang pagkontrol, kung kaya’t malilipat ang kapangyarihan mula sa mga botante
  • Babawasan nito ang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtatakda ng hindi nakabatay sa katwirang limitasyon sa mga komisyon
  • Ilalagay nito ang gobyerno ng lungsod pabalik sa tagong mga lugar, kung kaya’t lilikha ng bagong mga lunan na mapagsisimulan ng korupsiyon
  • Bibigyan nito ng kapangyarihan ang limang walang pananagutang komisyoner na magpasya ukol sa kinabukasan ng gobyerno ng San Francisco

Gagamit ang Prop D ng meat ax o napakalalang mga hakbang sa pagbuwag ng dose-dosenang komisyon na naghahatid ng partisipasyon ng publiko, pangangasiwa at pananagutan, checks at balances sa gobyerno, pagpapalahok sa mga mamamayan, at kabukasan sa pagsisiyasat.

May mas mabuting paraan upang mapasimple ang ating mga komisyon: Oo sa E. Ipag-uutos nito ang pagkakaroon ng independiyente at pampublikong pagsusuri ng gastos at pakinabang ng bawat komisyon ng San Francisco. Matapos ang pagrerepasong ito, pagtitibayin ng Board (Lupon) ang mga rekomendasyong nauukol sa pagtatanggal, pagsasama, at pagpapasimple sa mga komisyong mas mabababa ang antas. Ilalagay sa balota sa Nobyembre 2026 ang mga rekomendasyon para sa mga reporma ng mga komisyong nasa Tsarter at nang makapagpasya ang mga botante.

Pakisamahan kami sa pagboto ng Oo sa E at ng Hindi sa D.

Coalition for San Francisco Neighborhoods (Koalisyon para sa mga Komunidad ng San Francisco)

San Francisco League of Conservation Voters (Liga ng mga Botante ng California para sa Konserbasyon)

San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco)

Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman)

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)

Small Business Forward (Abante Maliit na Negosyo)

San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)

Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)

Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) Aaron Peskin

Miyembro ng Asembleya Phil Ting

Mayor Art Agnos (retirado)

Senador ng Estado Mark Leno (retirado)

Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano (retirado)

Superbisor Sophie Maxwell (retirado)

Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng San Francisco Ed Harrington (retirado)

Hukom Ellen Chaitin (retirado)

Hindi na sorpresa ang tahasang pagsisinungaling ng mga politikong nakinabang mula sa may lamat nang kasalukuyang sitwasyon ukol sa Prop D, na panukalang-batas laban sa korupsiyon at nagtataguyod sa mabuting gobyerno, at magrereporma sa sistemang pinakinabangan nila sa loob ng maraming taon.

Heto ang mga katunayan ukol sa Prop D:

Nasulat ito nang may kolaborasyon sa think-tank (pangkat ng mga espesyalista) ng Rose Institute at kumuha ito ng mga opinyon mula sa paggawa, mga pangkat sa komunidad, at mga residente.

Ito lamang ang panukalang-batas ng gobyerno ukol sa reporma na inilagay sa balota ng mga botante at hindi ng mga insider (maraming koneksiyon sa politika) ng City Hall.

Hindi ito magtatanggal ng anumang komisyon. Lilikha ito ng independiyenteng task force (pangkat para sa espesyal na gawain) upang magsagawa ng komprehensibo at pampublikong pagrerepaso ng 130 komisyon ng San Francisco.

Titiyakin nito ang pangangasiwa ng mga sibilyan sa pulisya. Pangangasiwaan ng Police Commission (Komisyon ng Pulisya) ang mga kaso ng pagdidisiplina sa mga pulis at pangangasiwaan din ang Department of Police Accountability (Departamento para sa Pagpapanagot sa Pulisya).

Pagtitibayin nito ang checks and balances sa pamamagitan ng pagtitiyak na ang halal na mga opisyal, at hindi ang hindi inihalal na mga komisyoner, ang may responsibilidad para sa pamamahala sa mga departamento ng Lungsod.

Pahihintulutan nito ang direktang pagtatanggal ng hindi inihalal na mga komisyoner batay sa mga kilos at gawaing may korupsiyon.

Tingnan ang pagkakaiba nito sa Prop E na sinulat sa mga tagong bahagi ng City Hall ng mga politikong ang pangunahing trabaho ay pagtakbo para sa katungkulan at walang anumang probisyon upang papanagutin ang hindi inihalal na mga komisyoner.

Ang pinakanakababagabag dito, bibigyan ng Prop E ang hindi inihalal na “komisyon para sa mga komisyon, na binubuo ng mga burukrata ng Lungsod, ng kapangyarihan na magharap ng mga batas na makapagpapabago sa ating gobyerno. Taliwas sa kanilang ipinahayag, kukunin ng Prop E ang kapangyarihan mula sa mga botante sa pagrereporma sa kanilang gobyerno.

Huwag magpaloko! Kailangan natin ng tunay na repormang pamumunuan ng mga residente at hindi ng mga politikong ang pangunahing trabaho ay pagtakbo para sa katungkulan.

Oo sa D para sa Walang Pag-aalinlangang Pagbabago at Hindi sa E na para sa Hungkag na mga Pangako.

KANISHKA CHENG

CEO, TOGETHERSF ACTION

1

Patuloy na pangunahing inaalala ng mga residente ang kaligtasan ng publiko, pero sa kasamaang palad, ang Police Commission (Komisyon ng Pulisya), na komisyong itinalaga upang pangasiwaan ang ating departamento ng pulisya at may kapangyarihang magpasya ukol sa mga polisiya ng SFPD, ay hindi tumutugma sa mga pangangailangan ng mga residente. 

Nagpapakita ang kasalukuyang hindi inihalal na Police Commission ng kakulangan sa pananagutan sa pampublikong kaligtasan at tuloy-tuloy na sinisikap nitong limitahan ang kakayahan ng SFPD na magpatupad ng batas. Humaharap ang SFPD sa matinding kakulangan sa mga kawani pero hindi pa nakabubuo hanggang ngayon ang Komisyon ng pormal na plano upang matugunan ang krisis. Bukod rito, nagpasa na ang Komisyon ng mga polisiya na naglilmita sa kakayahan ng SFPD na makilahok sa aktibong constitutional policing o pagpupulis nang alinsunod sa konstitusyon.  

Kahot na bumoto na ang mga residente ng SF upang iwaksi ang wala sa katwirang mga polisiya ng Komisyon, naging mabagal ang hindi halal na Police Commission sa pagpapatupad ng kagustuhan ng mga botante. Nitong nakaraang Marso, inaprubahan na ng mga residente ang Prop E upang mareporma ang mga polisiya ng SFPD, pero paulit-ulit na nagkansela ng mga pulong ang Komisyon at hindi nito sinimulang baguhin ang mga polisiya ng SFPD upang makaayon sa mga pagbabagong nasa Prop E hanggang nitong Hulyo.  

Kailangang mareporma ang hindi inihalal na Police Commission upang marespeto ang kapasyahan ng mga botante at aktuwal na mabigyan ng prayoridad ang kagustuhan ng mga residente para sa pampublikong kaligtasan. Lilikha ang panukalang-batas na ito ng pananagutan para sa Police Commission sa pamamahagitan ng paglalagay ng mga restriksiyon sa kakayahan ng Komisyon na magpasya ukol sa mga polisiya ng SFPD at sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa direktang pagtatanggal ng hindi inihalal na mga Komisyoner ng Pulisya. Pinananatili naman ng panukalang-batas na ito ang mahahalagang gawain ng Komisyon sa pangangasiwa ng mga sibilyan at ang Komisyon pa rin ang hahawak sa mga kasong nauukol sa pagdidisiplina ng mga pulis ng SFPD at mangangasiwa sa Pagpapanagot sa Department of Police. 

Bumoto para sa panukalang-batas na ito para mas mapananagot ang Police Commission at para makatuon ito sa kaligtasan ng publiko.   

Thomas Mazzucco 

Dating Komisyoner ng Pulisya  

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito:: TOGETHERSF ACTION.

 

2

 

Mayroong labis-labis ang daming mga komisyon ang San Francisco na may bilang na humigit-kumulang 130 at mahigit 1,200 komisyoner. Lubhang napakarami nito kung ihahambing sa mga katulad na lungsod na may mas malalaking populasyon kaysa sa San Francisco, tulad ng Los Angeles at San Diego. Bukod rito, marami sa mga komisyong ito ang pag-uulit lamang at/o naghahatid ng wala namang nakikitang halaga sa publiko. Heto ang ilan lamang na halimbawa. 

Orihinal na nalikha ang Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye) para sa departamento na hindi pa nalilikha. Sa kasalukuyan, mayroong dalawang komisyon na nangangasiwa sa trabaho ng Department of Public Works (Departamento ng mga Pampublikong Gawain): ang Sanitation and Streets pati na rin ang Public Works Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Gawain). 

7 komisyon ang may kaugnayan sa Public Utilities Commission (Komisyon para sa Pampublikong Serbisyo).  

6 komisyon ang may kaugnayan sa Public Health Department (Departamento ng Pampublikong Kalusugan). 

5 komisyon ang may kaugnayan sa kawalan ng tahanan, pero wala pa ring pag-unlad sa sitwasyon ng kawalan ng tahanan sa Lungsod.  

Ang resulta ng napakarami at magkakasalikop na mga komisyon ay ang paggugol ng napakalaking oras ng mga kawani ng Lungsod sa paglilingkod sa mga pangkat na ito.  Napag-alaman sa ulat ng Civil Grand Jury (Pinakamataas na Hukumang Sibil) na maaaring gumugol ang mga kawani ng Lungsod ng hanggang sa 10% ng kanilang oras sa paglilingkod sa mga komisyong ito. Umaabot ito sa libo-libong oras ng panahon ng mga kawani na maaari na sanang mas nahusay na nagugol sa direktang paglilingkod sa mga residente. 

Panahon na para sa mga repormang nakabatay sa sentido komun sa ating sistema ng mga komisyon. Iboto ang panukalang-batas na ito upang mapagsama at mabawasan ang bilang ng mga komisyon na mayroon ang San Francisco upang makapagtuon ang ating gobyerno ng Lungsod sa mga residente at hindi sa hindi kinakailangang burukrasya.  

Abigail Porth 

Dating Komisyoner para sa mga Karapatang Pantao   

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

3

 

Talagang hindi na gumagana ang gobyerno ng Lungsod ng San Francisco. Mayroon tayong isa sa pinakamalalaking badyet ng lungsod sa bansa, pero lumiit na ang populasyon sa ating lungsod at nabigyan tayo ng pagtatasa bilang lungsod na pinakamasama ang pamamalakad sa Estados Unidos. Kailangan na nating lubusang palitan ang lumobo nang istruktura ng mga komisyon ng lungsod upang mapabalik ang bagay-bagay sa tamang landas.  

Ang San Francisco ang isa sa mga lungsod na may pinakamaraming bilang ng mga komisyon ng lungsod sa bansang ito - 130 komisyon ng lungsod. Mayroon lamang 49 ang Los Angeles. Sa ngayon, tayo na ang pinakaburukratikong lungsod sa bansa, na may pinakamalaking bilang ng mga komisyon ng lungsod per capita (bilang kung ihahambing sa bilang ng mga indibidwal sa lungsod). 

Panahon na upang tanggalin ang nag-uulit na burukrasya upang makapagtuon ang ating gobyerno sa mga problemang pinahahalagahan ng ating mga residente, mula sa pagtugon sa pagbebenta ng droga sa labas ng mga gusali hanggang sa kawalan ng tahanan.

Bumoto para sa Panukalang-batas D upang marepormas ang ating sistema ng mga komisyon at makalikha ng gobyernong gumagana para sa inyo at hindi burukrasya.  

Cyn Wang

Bise Presidente, SF Entertainment Commission (Komisyon para sa Paglilibang ng SF)*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

4

 

Hindi lang talaga katanggap-tanggap ang kasalukuyang kalagayan sa City Hall.  Inirekomenda ng independiyenteng Civil Grand Jury ngayong taon na ito na “nangangailangan” ang sistema ng mga komisyon ng “malaking pagrereporma, kung saan kasama na ang pagkakaroon ng mas kaunting komisyon at sentralisadong pangangasiwa.” 

Iniulat nila na “naging lubhang politikal na ang proseso ng pagtatalaga ng mga komisyoner” at napag-alaman pa nga na may ilang komisyoner na natutulog sa mga pulong, at umabot sa 20% ng mga pulong ng mga komisyon ang nakansela.  

Hindi ito katanggap-tanggap. Panahon na para sa tunay na reporma. Iboto ang panukalang-batas na ito upang mareporma ang sistema ng mga komisyon.  

Jane Natoli

Komisyoner para sa Airport ng SF*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

5

 

Pagdating sa pagharap sa kawalan ng tahanan, puro salita ang ating gobyerno ng Lungsod pero walang gawa. Gusto ba ninyong malaman kung bakit?

Mayroon tayong 5 magkakaibang komisyon na may kinalaman lahat sa kawalan ng tahanan. Napakaraming kusinero at kusinera sa kusina. May saklaw ang mga komisyong ito na mula sa pinakahindi epektibo, na siya nang pinakamabuting kalagayan, tungo sa aktibong pinalalala pa ang ating sitwasyon ng kawalan ng tahanan. 

May ilang miyembro ng isang komisyon lna konektado sa kontrobersiyal na non-profit na Coalition on Homelessness (Koalisyon ukol sa Kawalan ng Tahanan) na hinabla ang Lungsod upang maiwasan ang pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagkakampo sa pampublikong lugar, kung kaya’t nakadagdag ito sa krisis sa mga pagkakampo.  

Nagkaroon na ng dalawa o higit pang iskandalo kung saan kasangkot ang mga non-profit para sa mga walang tahanan, tulad ng Providence Foundation at United Council of Human Services (Nagkakaisang Konseho ng mga Serbisyong Pantao) sa maling paggasta ng pera habang nasa ilalim ng iba’t ibang komisyon na ito. 

Kahit milyong-milyong dolyar na ang inilaki ng paggasta at nakalikha na ng Homelessness Oversight Commission (Komisyon para sa Pangangasiwa ng Kawalan ng Tahanan) noong 2022, sa katunayan ay tumaas pa ang kawalan ng tahanan nang 7% sa pagitan ng 2022 at 2024.  

Panahon nang tanggalin ang nag-uulit ng gawain na mga komisyon at pagsamahin ang 5 komisyon na mayroon tayo at nang sa gayon, nakatuon tayo sa aktuwal na paglutas ng problema, sa halip na walang katapusang pinag-uusapan ito.  

Iboto ang panukalang-batas na ito upang mapaghusay ang ating pagtugon sa kawalan ng tahanan. Iboto ang panukalang-batas na ito upang mapabalik ang San Francisco sa tamang landas.  

Lucy Junus 

Bise Presidente, Inner Mission Neighborhood Association (Asosasyon ng Komunidad ng Inner Mission) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action

 

6

 

Mayroon tayong limang magkakaibang komisyon at lupon na pawang pinangangasiwaan ang polisiya ukol sa kawalan ng tahanan, habang higit namang nagkaroon ng kawalan ng tahanan sa ating lungsod. Masyadong maraming satsat, at walang pagkilos. 

Ipagsasama ng panukalang-batas ang mga komisyong nauukol sa kawalan ng tahanan at nang sa gayon, makapagtuon tayo sa tunay na paglutas sa problema. 

Panahon na para sa pagpapanagot at pagkilos. Iboto ang Panukalang-batas upang matugunan ang ating krisis sa kawalan ng tahanan. 

Francesca Pastine

Presidente, Inner Mission Neighborhood Association

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

7

 

Walang gobyernong perpekto. Hindi inaasahan ninuman na maging perpekto ito pero kailangang mayroon itong pagtitiwala ng publiko at mapanatili ang pagtitiwalang ito.  Isang dahilan para mawala ang pagtitiwalang ito ay kapag lumolobo ang mga gobyerno nang dahil sa hindi kinakailangang pag-uulit ng gawain. Isang halimbwa nito ay ang sistema ng mga komisyon ng San Francisco 

Mayroong humigit-kumulang sa 130 komisyon ng lungsod ang San Francisco, na higit pa sa katulad na mga lungsod nito na may mas malalaking populasyon, tulad ng San Diego at Los Angles. Marami sa mga komisyong ito, na hindi inihalal ang mga miyembro, ay mayroon ding kapangyarihan upang pagpasyahan ang polisiya para sa mga departamento ng Lungsod at palitan ang matataas na opisyal ng Lungsod nang patago at nang walang pagsusuri ng publiko.  

Humantong na ang kawalang kabukasan sa pagsisiyasat at kakulangan sa kamalayan ng publiko ukol sa sistema ng mga komisyon sa pagkakaroon ng korupsiyon at walang prinsipyong.pag-asal. Sa nakaraang panahon, ginamit na ng mga komisyoner ang kanilang mga posisyon upang magpayaman at lumahok sa pagbebenta ng impluwensiya habang naghihirap ang publiko. Kasama sa ilang halimbawa ang:

Pagsubok ng ilang miyembro ng Graffiti Advisory Board (Tagapayong Lupon ukol sa Bandalismo sa mga Pader at Dingding) na ibenta ang kanilang mga serbisyo sa mga indibidwal na nagrereklamo ukol sa graffiti. 

May dating Komisyoner sa Pagpaplano na tumanggap ng daan-daang libong dolyar mula sa mga developer na humihingi ng pag-apruba ng permit mula sa Planning Commission (Komisyon sa Pagpaplano). 

May dating Komisyoner sa Eleksyon na sinubukang gamitin ang kanyang posisyon upang hindi patas na makakuha ng full-time na trabaho bilang sekretarya ng komisyon.

Panahon na upang papanagutin ang mga komisyoner at linisin ang sistema ng mga komisyon. Gagawa ng mga reporma ang panukalang-batas na ito sa ating sistema ng mga komisyon sa pamamagitan ng pagbabawas sa kapangyarihan ng hindi inihalal na mga komisyoner, kung kaya’t malilimitahan ang anumang may kasalungat na mga interes sa pag-impluwensiya sa polisiya ng gobyerno. Magtatakda rin ang panukalang-batas na ito ng mga mekanismo upang direktang mapanagot ang mga komisyoner, kung kaya’t matiityak na kapag nagsagawa ang mga komisyoner ng mga pag-asal na walang prinsipyo, maaari silang agad na matanggal. 

Iboto ang panukalang-batas na ito upang malimitahan ang korupsiyon sa gobyerno at mapasimulan ang proseso ng pagiging higit na bukas sa pagsisiyasat at may pananagutan ng gobyerno ng San Francisco. 

Ray O'Connor

Kapitan, Kansas Street Neighborhood Association (Asosasyon ng Komunidad ng Kansas Street), Potrero Hill* 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

8

 

Kamangha-manghang lugar ang San Francisco na puno sa matatalino at may motibasyong mga indibidwal. Kailangang salaminin ito ng ating gobyerno. Kailangang suportahan nito ang inobasyon at pagiging malikhain at magkaloob ng plataporma upang magtagumpay ang ating mga mamamayan. Kailangang bigyan nito ang ating mga opisyal ng kapangyarihang mag-empleyo at magtanggal sa trabaho at gumawa ng mga pagpapasya sa palaging nagbabagong lungsod, at pinakamahalaga rito, kailangang papanagutin natin ang ating INIHALAL na mga opisyal kung hindi nila ginagawa ang kanilang mga trabaho. 

Kung gusto ninyong bumangon ang ating lungsod, kailangang higit na maging episyente ang ating lungsod at mas responsable ang ating mga ldier.  

Napakagandang mapagsisimulan ang pagbabawas sa napakalaking bilang ng mga komisyon na puno ng hindi inihalal na mga burukrata. Napakarami nang red tape o labis-labis na mga patakaran na nagiging sagabal sa maliliit na negosyo at naipit na ako nito sa maraming pagkakataon. Upang tunay na magkaroon ng mga pagbabago sa SF, kailangang tumakbo ang ating lungsod nang mas kaunti ang burukrasya at pahintulutan ang ating inihalal na mga opisyal na gumawa ng mga pagbabago nang hindi umaasa sa walang katapusang mga komisyon na gumawa ng desisyon para sa kanila. Hindi tatanggalin ng panukalang-batas na ito ang mahahalagang pangkat para sa kaligtasan at pananagutan pero pupuwersahin nito ang lungsod na gawing mas kaunti ang mahigit 130 komisyon tungo sa mga komisyong kailangan talaga natin laban sa mga komisyong puno ng mga payback o pagbabalik ng pinamuhunan para sa mga indibidwal na maraming koneksiyon sa politika.  

Dahil humihigpit na ang ating bagong badyet, kailangan nating matiyak na nakatuon ang mga rekurso sa mahahalagang problema ng Lungsod - at hindi nalulusaw sa pamamagitan ng nakapaketeng benepisyo para sa mga burukrata, at hindi rin natatali sa walang katapusang pagsusuri ng walang katapusang mga komisyon.  

Nagbibigay ang panukalang-batas na ito kapwa sa publiko at sa lungsod ng mga kasangkapan upang maharap ang mga hamon at magawa ang mga bagay-bagay. Bilang may-ari ng maliit na negosyo at panghabambuhay na residente ng SF, alam kong mas mabuti kaysa rito ang kaya nating magawa.  

Pakiboto ang OO sa D. 

Max Young 

May-ari ng Maliliit na Negosyo at Nag-aadbokasiya 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action

 

9

 

Karapatang sibil ang kaligtasan, at karapatan itong hindi ipinatutupad ng ating hindi inihalal na Police Commission. 

Kahit humaharap na sa malalang kakulangan sa mga kawaning pulis, hindi pa nakapagpapatibay ang Komisyon ng plano upang malutas ang problema. 

Bagamat mahigit sa karaniwan ang dami ng krimen laban sa ari-arian, nagpasa ang Komisyon ng mga polisiya na naglilimita sa kakayahan ng mga pulis upang tugunan ang krimen at mahuli ang mga kriminal. 

Bagamat bumoto na ang mga residente upang mareporma ang mga polisiya ng SFPD nitong nakaraang Marso, inantala ng Komisyon ang pagpapatupad sa mga pagbabago hanggang sa nakaraang Hulyo.  

Karapat-dapat ang bawat taga-San Francsico na magkaroon ng kaligtasan. Panahon na para sa pagbabago. 

Bumoto para sa Prop D para sa Police Commission na nakatuon sa pampublikong kaligtasan.  

Marjan Philhour 

Nag-aadbokasiya para sa Maliliit na Negosyo at mga Komunidad

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action

 

10

 

Mayroon tayong 5 magkakahiwalay na komisyon na may kaugnayan sa mga bata, at nakalilikha ito ng pagkalito, pag-uulit ng gawain, at kakulangan sa pananagutan pagdating sa mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa mga bata para sa mga pamilya sa San Francisco. 

Bawasan natin ang ganitong pag-uulit ng mga gawain upang makapagtuon ang gobyerno ng ating Lugnsod sa epektibong pagkakaloob ng mga serbisyo sa mga bata para sa ating mga pamilya sa halip na hindi kinakailangang burukrasya.  

Iboto ang panukalang-batas na ito para sa mas mahuhusay na serbisyo sa mga bata para sa ating mga pamilya.  

Rex Ridgeway 

Nag-aadbokasiya para sa Pampublikong Edukasyon  

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

11

 

Nakikita ito ng lahat - may malawakang krisis ang San Francisco sa kawalan ng tahanan sa mga kalye. Bagamat dumaan na ang mga taon at milyong-milyong dolyar na ang nagasta, bigo pa rin ang ating lokal na gobyerno na malutas ang problema.  Talaga lang hindi naka-istruktura ang ating gobyerno upang malutas ang problema.

Mayroon tayong 5 magkakahiwalay na komisyon na may kaugnayan sa kawalan ng tahanan pero bigo ang lahat ng komisyong ito upang mapaghusay ang mga kondisyon at nabigo rin silang papanagutin ang mga nonprofit na para sa mga walang tahanan.  Heto ang ilan lamang na halimbawa: 

Ang Homeless Oversight Commission (Komisyon para sa Pangangasiwa ng Kawalan ng Tahanan), ay nalikha noong 2022, pero sa katunayan, sa pagitan ng 2022 at 2024, ay tumaas nang 7% ang kabuuang kawalan ng tahanan sa kabila ng mas malaking paggasta.  

Ilang miyembro ng Our City, Our Home Oversight Committee (Komite para sa Pangangasiwa na Ang Ating Lungsod, Ang Ating Tahanan), na isa pang komisyon para sa kawalan ng tahanan, ang konektado sa Coalition on Homelessness, na non-profit na may kaso sa hukuman laban sa Lungsod kung kaya’t napigilan ang pagpapatupad ng mga batas ukol sa pagkakampo sa pampublikong lugar.  

Mayroong dalawa o higit pang iskandalo kung saan kasangkot ang mga non-profit para sa walang tahanan, na katulad ng United Council of Human Services at Providence Foundation, dahil sa maling paggasta ng mga dolyar na mula sa mga nagbabayad ng buwis.

Nabigo ang ating kasalukuyang sistema ng mga komisyon na harapin ang krisis sa kawalan ng tahanan at may ilang paraan na sa katunayan, ay nakapagpalala pa rito.  Kailangan natin ng pananagutan at kabukasan sa pagsisiyasat. 

Para sa mas mahusay na resulta sa kawalan ng tahanan, iboto ang panukalang-batas na ito na babawasan ang bilang ng mga komisyong nag-uulit ng mga gawain at magtatakda ng pananagutan sa mga komisyoner.  

Cedric Akbar 

Kasamang Tagapagtatag, Positive Directions Equals Change (Katumbas ng Positibong mga Direksiyon ang Pagbabago) 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

12

 

Nabigo ang mga Komisyon ng Lungsod sa pagpigil sa korupsiyon, at sa ilang kaso ay nahikayat pa ito. Nasa ibaba ang ilan lamang halimbawa:  

Nabigo ang Human Services Commission (Komisyon ng mga Serbisyong Pantao) na papanagutin ang Department of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalusugan) sa pagtatala ng kinahinatnan ng $500,000 halaga ng gift cards, kung saan may ilan na mahiwaga ang pagkawala. 

Nabigo ang Human Services Commission na papanagutin ang SF Human Services Agency (Ahensiya para sa mga Serbisyong Pantao ng SF) sa pagtatala ng kinahinatnan ng $2.5 milyon na gift cards.

Naging pugad na ng korupsiyon ang Building Inspections Department (Departamento ng Pag-iinspeksiyon sa mga Gusali) sa ilalim ng Building Inspections Commission (Komisyon sa Pag-iinspeksiyon sa mga Gusali), kung saan humaharap ang dalawang opisyal ng departamento ng mga kaso sa hukuman dahil sa labag sa batas na panlilinlang, at pinuno ng departamento na nagbitiw sa tungkulin dahil sa bintang na korupsiyon, at dating komisyoner na nakakulong nang may 30 buwan na sentensiya dahil sa panlilinlang na may kaugnayan sa Pag-iinspeksiyon sa mga Gusali.  

Panahon na upang magkaroon ng mga reporma at labana  ang korupsiyon sa sistema ng mga komisyon. Bumoto para sa panukalang-batas D at nang mareporma ang ating may korupsiyong sistema ng mga komisyon.  

Jade Tu 

Miyekbro, San Francisco Democratic County Central Committee (Komite Sentral ng Partido Demokratiko sa San Francisco County)

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

13

 

Ang San Francisco ay isa sa malalaking lungsod sa Estados Unidos na may pinakakaunting bilang ng mga bata. Bilang lungsod na ipinagkakapuri ang pagkakaroon ng mga pagkakaiba-iba at ang magiliw na pagtanggap sa lahat, kailangang maging mas magiliw tayo sa pagtanggap sa mga pamilya.  

Tungo sa layuning ito, kailangan natin ng gobyerno ng Lungsod na nagkakaloob ng epektibong mga serbisyo sa mga bata. Sa kasamaang palad, lubhang napakaraming red tape o labis-labis ang mga patakaran ng ating gobyerno. 

Mayroon tayong 5 magkakahiwalay na komisyon na may kaugnayan sa mga serbisyo sa mga bata, na lumilikha ng pagkalito at labis-labis na burukrasya. Bukod rito, ayon sa independiyenteng ulat ng Civil Grand Jury, gumagasta ang mga Kawani ng Lungsod ng hanggang sa 10% ng kanilang panahon sa pagbibigay ng serbisyo sa mga komisyon. 

Kaya natin at dapat tayong gumawa ng mas mabuti para sa ating mga anak at sa mga pamilya.  

Kailangang nating ireporma ang sistema.  

Bumoto para sa Prop D upang mabawasan ang nag-uulit ng mga gawain na mga komisyon para sa gobyerno na magtutuon sa tunay na paghahatid ng epektibong mga serbisyo sa mga bata sa halip na pagkakaroon ng labis-labis na mga patakaran.  

Parag Gupta 

San Francisco Democratic County Central Committee 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

14

 

Humaharap ang San Francisco sa napakaraming hamon at sa kasamaang palad, hindi naka-istruktura ang ating gobyerno upang malutas ang mga ito. Lumikha na ang ating labis-labis ang bilang na halos 130 komisyon ng hindi mahusay at hindi epektibong gobyerno na gumugugol ng napakahabang panahon sa paglilingkod sa burukrasya at hindi sapat na panahon sa tunay na paglilingkod sa mga residente. 

Bukod rito, marami sa mahigit 1,200 komisyoner ay hindi inihalal at gumagawa sila ng malaki ang epektong mga desisyon ukol sa polisiya nang patago at nang walang opinyon mula sa mga botante o sa inihalal na mga lider. Isa itong hindi demokratiko at hindi bukas sa pagsisiyasat na anyo ng gobyerno na pumapabor sa mga crony o kasabwat at mga indibdiwal na marami ang koneksiyon sa politika sa halip na paboran ang publiko. 

Pangwakas, ang bilang at bilang pa lamang ng hindi inihalal na mga komisyon at ang kapangyarihan ng mga ito ay lumilikha ng pagkalito at kakulangan sa pananagutan sa gobyerno ng lungsod. Masyadong madalas nang pinipigilan ng hindi inihalal na mga komisyon ang mga proseso ng gobyerno at nagtuturuan ang mga inihalal na opisyal at sinisisi ang mga komisyon sa kawalan ng pag-unlad. Kailangan nating gumawa ng mga reporma at pigilan ang mga komisyon at nang makalikha tayo ng gobyernong higit na may pananagutan. 

Upang makaabante ang San Francisco at malutas ang mga problemang kinakaharap natin ngayon, hinihikayat namin kayong iboto ang kailangang-kailangan na panukalang-batas na ito na nauukol sa pagrereporma ng mga komisyon para sa pagkakaroon ng mabuting gobyerno.Gagawing mas simple ng panukalang-batas na ito ang ating sistema ng mga komisyon at kukunin ang kapangyarihan mula sa hindi inihalal na mga komisyoner. Lilikha ito ng napananagot at bukas sa pagsisiyasat na gobyerno ng lungsod na karapat-dapat sa mga mamamayan. 

Lanier Coles 

Miyembro ng San Francisco Democratic Central Committee*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

15

 

“Pinapaboran ng mga papeles ang makapangyarihan,” at lumikha na ang katawa-tawang dami ng mga komisyon ng Lungsod ng San Francisco ng kabundok na mga papeles na hindi na kayang masundan ang pagpoproseso ng pang-araw-araw na mga mamamayan. Ang City Hall ay hindi lang dapat nagagamit ng mga may kakayahang magbayad, ito ay sa ating lahat. 

Dahil mayroon tayong humigit-kumulang 130 komisyon at mahigit sa 1,200 komisyoner, higit na marami ang mga komisyon sa ating Lungsod kaysa sa mga komisyon ng mga lungsod na mas malalaki ang populasyon kaysa sa atin - ang San Diego na may populasyon na halos 1.4 milyon ay mayroon lamang 49 komisyon ng Lungsod.  

Lumilikha rin ang mga komisyong ito ng malaking pagsasayang sa ating gobyerno.  Heto lamang ang dalawang halimbawa kung paano ito nangyayari: 

20% ng mga pulong ng mga komisyon ang nakansela noon lamang 2023, kung kaya’t naaksaya ang oras ng mga kawani ng Lungsod na naghanda para sa mga ito.  

Gumugugol ang mga Kawani ng Lungsod na hanggang sa 10% ng kanilang panahon sa paglilingkod sa mga komisyon na libo-libong naaaksayang oras.  

Panahon na upang mareporma ang may lamat na sistemang ito. Kailangan natin ng gobyerno na nakatuon sa ating mga residente sa halip na sa hindi naman nakikitang mga indibdiwal na marami ang koneksiyon sa City Hall.  

Bumoto para sa Panukalang-batas D para sa gobyernong gumagana para sa inyo.  

Trevor Chandler 

Miyembro, San Francisco Democratic County Central Committee*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

16

 

Nahihirapan na ang gobyerno ng San Francisco dahil hindi na ito gumagana, na partikular na malinaw sa krisis sa fentanyl at sa mabagal na pagbangon ng ekonomiya.  Isang mahalagang dahilan nito ay ang lumobo nang sistema ng mga komisyon. 

Mayroong humigit-kumulang sa 130 komisyon ng lungsod ang San Francisco, na higit pa sa mas malalaking lungsod na tulad ng San Diego at Los Angeles. Maraming komisyoner ang hindi halal at maaari silang magtakda ng mga polisiya para sa mga departamento ng Lungsod at palitan ang punong mga opisyal nang walang pangangasiwa ng publiko. Ang ganitong kakulangan sa bukas na pagsisiyasat ang dahilan kung bakit naging pugad na ng korupsiyon at walang prinsipyong pag-asal ang mga komisyon. May ilang komisyoner ang nagsamantala sa kanilang mga posisyon para sa personal na ganansiya at impluwensiya. Kasama sa ilang halimbawa ang mga sumusunod: 

Ang mga miyembro ng Graffiti Advisory Board na sinubukang ibenta ang kanilang mga serbisyo sa paglilinis ng graffiti sa mga nagrereklamo. 

Ang dating Komisyoner sa Pagpaplano na tumanggap ng malalaking halaga mula sa mga developer na humihiling ng pag-apruba sa mga permit. 

Ang dating Komisyoner sa Eleksyon na sinusubukang magkaroon ng trabaho bilang sekretarya ng komisyon sa pamamagitan ng kanyang posisyon.  

Napakahalaga ng pagrereporma sa sistema ng mga komisyon. Layunin ng panukalang-batas na ito na bawasan ang kapangyarihan ng hindi halal na mga komisyoner, at nang malimitahan ang kanilang kakayahan na labis-labis na maimpluwensiyahan ang mga polisiya ng gobyerno. Maglalatag din ito ng mga mekanismo upang mapanagot ang mga komisyoner, kung kaya’t matitiyak ang mabilis na pagtatanggal nang dahil sa maling pag-asal.  

Iboto ang panukalang-batas na ito upang malimitahan ang korupsiyon sa gobyerno at mapangalagaan ang mas bukas sa pagsisiyasat at napananagot na gobyerno! 

Chinese American Democratic Club (Tsino Amerikano na Samahang Demokratiko) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

17

 

Patuloy na nahihirapan ang San Francisco dahil sa krisis sa pabahay na itinutulak ng kakulangan sa pabahay. Bilang kinatawan ng buong lungsod, mukhang pro-housing o kiling sa pabahay ang Mayor. Sa kasamaang palad, lubusang mapatitigil ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ang pro-housing na layunin ng Mayor dahil hindi lamang sila makakapagtalaga ng sariling mga miyembro sa mga komisyon, kundi matatanggihan pa ang mga itatalaga ng Mayor.  Ito rin ang Board of Supervisors na: 

Humarang sa 495 tahanan sa 469 Stevenson Street noong 2021, kahit na hindi mawawalan ng tinitirhang lugar ang sinuman, at makapagbibigay ito ng abot-kayang mga tahanan sa matatandang mabababa ang kita.  

Sumabotahe sa panukalang-batas na Proposisyon D na pro-housing noong 2022, na humihikayat at nagpapasimple sa bagong pabahay, sa pamamagitan ng pag-awtor sa kakompetensiyang panukalang-batas, ang Proposisyon E.  

Nagtaas ng mga buwis sa bagong pabahay, kung kaya’t mas mahirap nang magtayo ng pabahay nang dahil sa Proposisyon I noong 2020. 

Ang Board of Supervisors, na nakialam upang maharangan at maantala ang sampu-sampung libong bahay ay lubhang napakalaki ng papel sa pagpapasya ukol sa pabahay sa San Francisco. Kung gusto ninyong seryosong matugunan ang ating krisis sa pabahay, kailangan nating ayusin ang Planning Commission (Komisyon sa Pagpaplano). 

Bumoto ng OO sa D upang mareporma ang ating mga komisyon ng lungsod at nang sa gayon, makapagtuon sila sa paglutas sa ating krisis sa pabahay, at hindi na pahabaan pa ito.  

YIMBY Action

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

18

 

Ang kasalukuyang hindi inihalal na Police Commission ang pangunahing pinagmumulan ng mga problema ng San Francisco sa pampublikong kaligtasan. 

Sa kabila ng matinding krisis sa kawanihan ng San Francisco, at paulit-ulit na mga babala, hindi binigyang-prayoridad ng Komisyon ang pormal na plano para sa pagtugon sa problema at hindi nabuo ito.  

Binigyang-prayoridad ng Police Commission ang ideolohiya sa halip na ang kaligtasan ng publiko at nagpasa ito ng mga polisiya upang malagyan ng mga restriksiyon ang kakayahan ng SFPD na magpatupad ng batas, tulad ng paglilimita sa paghabol sa mga sasakyan at mga paghinto ng trapiko.  

Kahit na pinawalang-bisa na ng mga botante ang mga polisiya ng hindi inihalal na mga Komisyon, napakabagal pa rin ng Komisyon sa pagpapatupad ng mga pagbabagong pinagtibay na ng mga botante. Ipinasa ng mga botante ang Prop E noon pang Marso ng taon na ito upang mareporma ang mga polisiya ng SFPD, pero hindi nagsimula ang Police Commission sa pagbabago ng mga polisiyang ito hanggang sa nakaraang Hulyo..  

Kung gusto natin ng pampublikong kaligtasan, kailangan nating ayusin ang Police Commission. Kailangan natin ng pulisya na nananagot sa publiko at hindi ang hindi inihalal na komisyon.  

Bumoto para sa panukalang-batas na ito para sa mas mahusay na pampublikong kaligtasan.  

Stop Crime Action (Pag-aksiyon para Matigil ang Krimen) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

19

 

$200,000 at mahigit sa 2 taon. Iyan ang panahon at pera na kinailangan ng may-ari ng maliit na negosyo upang makadaan sa mga proseso ng burukrasya ng Lungsod at masubukan ang pagbubukas ng tindahan ng ice cream. Sa kabila ng oras at perang ito, hindi pa rin makayanan ng may-aring maliit na negosyo ang hindi gumaganang burukrasya ng lungsod.  

Kailangang mas mabuti rito ang magawa natin para sa ating maliliit na negosyo.  Bahagi ang maliliit na negosyo ng pagkakahabi ng ating komunidad at nakatutulong ito upang magawa ang San Francisco na Lungsod na minamahal at itinatangi natin. 

Panahon nang tulungan natin ang ating maliliit na negosyo na magtagumpay. Kailangan nating bawasan ang burukrasyon upang magkaroon tayo ng gobyerno ng Lungsod na sinusuportahan ang ating maliliit na negosyo sa halip na nagtatrabaho laban sa mga ito. 

Bumoto para sa Panukalang-batas D upang mapasimple ang burukrasya ng Lungsod at matulungan ang ating maliliit na negosyong magtagumpay.  

San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa San Francisco) 

totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

20

 

Mahalagang bahagi ang maliliit na negosyo ng pagkakahabi ng ating komunidad at nakatutulong ito upang magawa ang San Francisco na Lungsod na minamahal natin. . Samahan kami sa pagsuporta sa panukalang-batas na itong nakabatay sa sentido komun upang maibalik ang pananagutan para sa ating halal na mga opisyal ng lungsod at mapasimple ang proseso ng paggawa ng mga desisyon sa City Hall. Babawasan din ng panukalang-batas na ito ang bilang ng magkakasalikop at nag-uulit ng gawain ng mga komisyon ng lungsod at nang mas hindi nakatuon ang City Hall sa burukrasya at mas nakatuon sa mga kahihinatnan para sa ating mga residente at sa ating komunidad ng mga negosyo. 

Bumoto para sa oanukalang-batas na ito upang mapasimple ang burukrasya ng Lungsod at matulungan ang ating maliliit na negosyo na umunlad.  

Laurie Thomas 

Ehekutibong Direktor, Golden Gate Restaurant Association (Asosasyon ng mga Restawran sa Golden Gate) 

totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

 

21

 

Kailangan natin ng mas mahusay na pampublikong kaligtasan. Sa kasamaang palad, mayroon tayong hindi inihalal na pangkat, ang Police Commission, na nagpapasya ukol sa mga polisiya ng pulisya nang patago at nang halos walang pagsipat ng karamihan sa mga residente.  

Binigyang-prayoridad ng hindi inihalal na komisyon ang ideyolohiya nang higit sa kalusugan ng publiko. May kasalukuyang komisyoner na nagsaad ng kanyang pagtutol sa pagpapanagot sa mga nagbebenta ng droga sa pamamagitan ng pag-aresto sa kanila. May isa pang dating komisyoner na nagmungkahi na dapat pahintulutan ang mga tin-edyer na magkaroon ng baril para sa “pagtatanggol sa sarili.” 

Hindi ito ang klase ng mga indibidwal na dapat gumagawa ng pasya sa mga polisiyang nauukol sa pampublikong kaligtasan ng lungsod.  

Kailangang papanagutin natin ang hindi inihalal na Police Commission at gumawa ng mga reporma rito kung gusto natijn ng mas mabuting pampublikong kaligtasan para sa lahat ng residente.  

Richmond Dragon League 

totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TOGETHERSF ACTION.

 

22

 

Maraming komisyon ang walang anumang pananagutan at masamang pagrekord ng pagdalo sa mga pulong. 

Sa kasalukuyang pulong ng Sheriff Department Oversight Board (Lupon para sa Pangangasiwa ng Departamento ng Sheriff) ,wala ni isang komisyoner na dumalo kung kaya’t napilitan ang mga kawani ng departamento na magbigay ng ulat sa bakanteng kuwarto. Iisa lamang ang dumalo para sa bawat isa sa tatlong pinaka-unang mga pulong nila para sa paghingi ng opinyon ng komunidad. 

Napag-alaman ng ulat ng independiyenteng Civil Grand Jury na noong 2023 lamang, humigit-kumulang 20% sa mga pulong ng mga komisyon ang nakansela, kung kaya’t nag-aksaya ng oras ang mga kawani ng Lungsod sa paghahanda sa mga ito.  

Panahon na upang papanagutin ang mapag-aksaya at tagong sistema na ito. Bumoto para sa panukalang-batas D at nang mareporma ang mga komisyon ng lungsod.  

Bay Area New Liberals (Bagong mga Liberal ng Bay Area) 

totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: TogetherSF Action.

1

Hinihikayat kayo ng Bar Association of San Francisco (Asosasyon ng mga Abugado ng San Francisco), na pinakamalaking legal na organisasyon sa Hilagang California, na BUMOTO NG HINDI sa Proposisyon D. May katwiran ang pagkakaroon ng higit na kahusayan sa pamamagitan ng pagpapababa sa bilang ng mga komisyon ng Lungsod, pero magtatakda ang Proposisyon D ng walang batayang pinakamataas nang bilang na 65 Komisyon, at magtatanggal ng 24 kasalukuyang komisyon na nakabatay sa Tsarter, kung kaya’t maaaring magresulta ito sa dramatiko at hindi mahuhulaang mga pagbabago sa gobyerno ng lungsod ng San Francisco. 

Mapipigilan ng Proposisyon D ang maayos na pangangasiwa ng Police Commission at tatanggalin ang Department on the Status of Women (Departamentong Nauukol sa Katayuan ng Kababaihan) at ang Juvenile Probation Commission (Komisyon para sa Panahon ng Pagsubok ng mga Menor de Edad), na nangangalaga sa pagpapanagot ng mga mamamayan sa mahahalagang gawain ng Lungsod. Binabanggit namin ang mga ito dahil regular na nakikipag-ugnay ang BASF sa tatlong ito. Sa simpleng pananalite, mahalagang paraan ang independiyenteng mga komisyo upang makapagbigay ng opinyon ang publiko sa napakahahalagang pagpapasya sa paggawa ng mga polisiya. 

Isang halimbawa nito ang Police Commission na naging napaka-epektibo, kung kaya’t nagkaroon ng mga polisiya ukol sa pinakamahuhusay na gawain sa buong bansa sa pamamagitan ng pakikipagkolaborasyon sa SFPD. Kung aaprubahan ng mga botante, mabubutasan ng Proposisyon D ang pangangasiwa ng Police Commission sa SFPD at matatanggal ang matagal nang kapangyarihan ng Police Commission na magsesante ng Hepe ng Pulisya. Kapag ipinasa ang Proposisyon D, magbibigay ito sa Hepe ng nag-iisang awtoridad na magtakda ng mga patakaran para sa mga pulis, kung kaya’t matatanggal ang pagrerepormang may kolaborasyon, pagpapanagot, pagiging bukas sa pagsisiyasat, racial justice o katarungan sa pagkakapantay-pantay ng mga lahi, at maaaring mapagbantaan ang kaligtasan ng publiko. 

Kinilala na ng U.S. Department of Justice (Departamento ng Katarungan ng Estados Unidos), California Department of Justice (Departamento ng Katarungan ng California), at ng Court of Appeals (Hukuman para sa mga Apela) ang napakahalagang papel ng Police Commission sa pagpapamoderno at pagrereporma sa SFPD, kung kaya’t nabawasan ang labis-labis na paggamit ng dahas at may pagkiling na pagpupulis, at natiyak na sumusunod ang SFPD sa batas. Pangunahing mga prayoridad ng Police Commision ang pampublikong kaligtasan at pagsunod ng gawain ng pagpupulis sa konstitusyon; nakatutulong ang kanilang papel bilang may impormasyong tagabantay upang matiyak sa lungsod ang pagkakaroon ng mas tumutugon at propesyonal na pulisya. 

PARA SA MAAYOS NA PANGANGASIWA SA GOBYERNO NG LUNgSOD AT PARA SA PAMPUBLIKONG KALIGTASAN, HINIHIKAYAT KAYO NG BASF NA BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON D. 

Ang Bar Association of San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Bar Association of San Francisco.

 

2

Nagsasabi ang Maliliit na Negosyo ng Oo sa E, Hindi sa D! 

Bilang mga may-ari ng maliliit na negosyo, mahigpit naming sinusuportahan ang pamumuno ng Small Business Commission (Komisyon para sa Maliliit na Negosyo) sa pagbabawas ng labis-labis na mga patakaran at paggawang mas madali na magbukas at magpatakbo ng aming mga tindahan. Lubos naming tinututulan ang Prop D dahil TATANGGALIN nito ang Small Business Commission at gagawing mas mahirap para sa naghihingalong mga negosyo na manatiling buhay. Sinusuportahan namin ang Oo sa E dahil pananatilihin nito ang Samall Business Commission sa ating Tsarter, kung kaya’t mapananatili ang papel nito bilang independiyenteng boses para sa lahat ng maliliit na negosyo. Sumasang-ayon ang mga may-ari ng maliliit na negosyo: Oo sa E, Hindi sa D! 

Small Business Forward

Booksmith

Mercury Cafe

VERA Skin Studio

No Shop

Happy House

Gravel & Gold

Bottle Bacchanal

Day Moon

Yo También Cantina

Stephen Cornell, Dating Presidente, Small Business Commission

David Heller, Geary Blvd. Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante ng Geary Mlvd)*

Sang Baek Kim, Geary Blvd. Merchants Association*

Daniel Macchiarini, North Beach Business Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa North Beach)

Henry Karnilowicz, SOMA Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa SOMA)*

Bill Barnickel, Outer Sunset Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Outer Sunset)*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Samll Business (Koalisyon ng Maliliit na Negosyo), mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin. 

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

3

 

Huwag wasakin ang Arts Commission (Komisyon sa Sining). Oo sa E, Hindi sa D.  

Napakahalaga ng masiglang komunidad sa sining ng San Francisco sa identidad at ekonomiya ng ating lungsod. Itinutulak ng Arts Commission (SFAC) ang tagumpay na ito sa pamamagitan sa pagtitiyak ng pondo mula sa estado at pederal na gobyerno at pagkakaloob ng napakahahalagang grant at rekurso sa mga artista, organisasyon sa sining at proyekto sa komunidad habang tinitiyak din na natutugunan ng bagong mga pampublikong gusali at espasyo ang matataas na pamantayan sa pagdidisenyo at estetikong kalidad. Pananatilihin ng suporta nito ang lokal na ecosystem o sistema ng pamumuhay sa sining sa pamamagitan ng pagbibigay ng enerhiya sa paglikha ng trabaho sa mga malikhaing sektor at kaugnay na mga industriya, kung kaya’t mas mapagaganda ang pampublikong mga espasyo, at magagawang natatamas ng lahat ang pagpoprograma sa sining. Dahil mahalaga sa pagbangon ng ekonomiya ng San Francisco ang sining at kultura, napakahalaga ngayon kaysa anumang iba pang panahon ang papel ng SFAC. Nakahihikayat ang pamumuhunan ng SFAC sa sining sa milyon-milyong bisita na pumupunta rito upang maranasan ang natatanging kultural na likha na naihahandog ng ating lungsod, kung kaya’t nagkakaroon ng malalaking pagbabalik sa ekonomiya. Pananatilihin ng pag-oo sa E ang SFAC bilang pangunahing puwersa para sa sining, kultura, at katarungan sa pagkakapantay-pantay. Bubuwagin ng Prop D ang SFAC sa pamamagitan ng pagtatanggal dito sa Tsarter, kung kaya’t mawawala ang kapangyarihan nito na pangasiwaan ang pagpopondo sa sining, at pagtataguyod sa kararungan sa pagkakapantay at mga pamamaraan sa paggamit. Bumoto ng Oo sa Prop E, Hindi sa D! 

Community Arts Stabilization Trust (Organisasyon para sa Pagpapatatag ng Sining sa Komunidad, CAST) 

Chinatown Media and ArtsCollaborative (Kolaborasyon para sa Media at Sining sa Chinatown) 

Arts for a Better Bay Area (Sining para sa mas Mahusay na Bay Area) 

SOMArts

111 Minna Gallery 

Jon Moscone, Konsultant sa Sining 

Deborah Cullinan, Dating CEO, Yerba Buena Center for the Arts (Sentro para sa Sining ng Yerba Buena, YBCA) 

Joaquin Torres, Tagatasa-Tagatala ng SF* 

Joen Madonna, Ehekutibong Direktor, ArtSpan*

Julie Phelps, Artista at Ehukutibong Direktor ng  CounterPulse* 

Raquel Redondiez, Ehekutibong Direktor, SOMA Pilipinas* 

Mabel Teng, Dating Superbisor 

Patrick Johnston, Dating Presidente ng Arts Commission 

Dorka Keehn, Dating Komisyoner para sa sa Sining  

Roberto Ordeñana, Dating Komisyoner para sa sa Sining  

Lex Leifheit, Dating Kawani ng Arts Commission  

Ani Rivera, Dating Komisyoner para sa Pelikula* 

Ed Decker, Direktor sa Sining  

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Samll Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

4

 

Huwag tanggalin ang pangangasiwa ng publiko sa mga aklatan ng San Francisco.  Oo sa E, Hindi sa D.

Nalikha ang Library Commission (Komisyon para sa mga Aklatan) nang pinagtibay ng mga botante ang Tsarter ng Lungsod noong 1932. Sa ilalim ng Proposisyon D, tatanggalin ito at eksklusibong ibibigay ang mga tungkulin sa mga kawani ng aklatan. Maaaring itakda ang bilang a tlugar ng mga sangay na aklatan sa mga komunidad, ang kanilang mga oras ng pagbubukas at mga badyet, at ang mga polisiya at prayoridad na namamahala sa kanilang mga operasyon nang walang pakinabang ng paglahok ng publiko. Pagkakamali ito.  

Bilang mga lider ng aklatan, alam namin na nagkaloob ang komisyon ng epektibong pamumuno, pangangasiwa, at gabay kung kaya’t nagawa ang San Francisco Public Library na isa sa pinakamahuhusay sa bansa. Tiniyak nito na na lubusang naisaalang-alang ang mga inaalala at interes ng mga tumatangkilik sa aklatan bago gumawa ng mahahalagang desisyon. Dapat itong panatilihin. Bumoto ng Hindi sa D. 

Jarrie Bolander, Komisyoner ng Aklatan*

Charles Higueras, Dating Presidente ng Library Commission 

Steve Coulter, Dating Presidente ng Library Commission 

Jim Herlihy, Dating Komisyoner para sa sa Sining 

Fran Streets, Dating Komisyoner ng Aklatan

Donna Miller Casey, Dating Komisyoner ng Aklatan

Dale Carlson, Dating Komisyoner ng Aklatan

Marie Ciepiela, Dating Ehekutibong Direktor, Friends of the Library (Mga Kaibigan ng Aklatan)

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Dale Carlson.

 

5

 

Panatilihin ang pangangasiwa ng mga mamamayan sa pag-asal ng mga pulis. Oo sa E, Hindi sa D

Gumaganap ang Police Commission ng napakahalagang papel sa pagtiyak na may kabukasan sa pagsisiyasat at pananagutan ang ating departamento ng pulisya.  Wawasakin ng Prop D ang Police Commission at tatanggalin ang lahat ng pangangasiwa ng mga mamamayan ukol sa mga polisiya sa pag-asal ng mga pulis, kasama na ang naggamit ng nakamamatay na karahasan, kung kailan dapat gamitin ang mga kamera sa katawan, at ang proseso sa pagkuha at pagpapatupad ng search warrant (kautusang magsiyasat). Nagsumite kamakailan ang Police Department, nang may pangangasiwa at gabay ng Police Commission, ng 272 reporma upang matugunan ang mga rekomendasyon ng Department of Justice (Departamento ng Katarungan) Huwag tayong umatras sa pagrereporma sa pagpapatupad sa batas at sa mga pananagutan. Oo sa E, Hindi sa D!

American Civil Liberties Union (Amerikanong Unyon para sa mga Karapatang Sibil, ACLU) ng Hilagang California

Hukom Ellen Chaitin (retirado)

Hukom Julie Tang, (retirado) 

Mano Raju, Pampublikong Tagapagtanggol*

Dating Presidente ng Ethics Commission (Komisyon para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo) Paul Melbostad 

Jesus G. Yañez Komisyoner ng San Francisco Police Dept. *

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oosa E. Coalition of Samll Business (Koalisyon ng Maliliit na Negosyo), mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

6

 

Karapat-dapat ang mga bata, , at pamilya na magkaroon ng boses sa gobyerno. Oo sa E, Hindi sa D 

Bumoto ng HINDI sa Prop D dahil PINATATAHIMIK nito ang boses ng mga magulang, kabataan, at edukador sa mahahalagang usapin na nakaaapekto sa mga bata at pamilya. Tatanggalin ng Prop D ang Library Commission, Youth Commission, Juvenile Probation Commission, Our Children, Our Families Council, at ang Children Youth and Families Advisory Committee (Tagapayong Komite para sa mga Bata, Kabataan, at Pamilya). Maling direktsiyon ito para sa San Francisco. 

Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman)

SF Childcare Policy and Advisory Council (Konseho para sa mga Polisiya at Pagpapayo ukol sa Pangangalaga ng Bata ng SF) 

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)

Mission Graduates (Organisasyon para sa Edukasyon sa Mission)

Bise Presidente ng School Board (Lupon ng mga Paaralan) Matt Alexander

Katiwala ng Community College (Kolehiyo ng Komunidad) Susan Solomon

Margaret Brodkin, Dating Direktor, Dept. of Children, Youth and Their Families

Douglas Styles, CEO Huckleberry Youth Programs (Huckleberry na mga Programang Pangkabataan)*

Kevin Hickey, Pinunong Opisyal ng Programa na New Door Ventures*

Michelle Cusano, ED Richmond Neighborhood Center (Sentro ng Komunidad ng Richmond)*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Yensing Sihapanya.

 

7

 

Hindi ngayon ang panahon upang buwagin ang Commission on the Status of Women (Komisyon ukol sa Katayuan ng Kababaihan): Hindi sa D.  

Sa kabuuang ng bansa, ipinagbawal na ang aborsiyon at inatake na ang pangangalaga sa kalusugan ng kababaihan ng mga nasa kanan na Republikanong MAGA, dahil nilalayon nilang tanggalin ang pondo ng  mahahalagang organisasyon para sa pangangalaga ng kalusugan, na tulad ng Planned Parenthood (Pagpaplano para sa Pagiging Magulang). Maling panahon ito para umatras ang San Francisco ukol sa pantay na mga karapatan para sa kababaihan sa pamamagitan ng ating matagal nang nakatatag na Commission on the Status of Women. Sumasali ang Prop D sa pakikipagtunggali ng mga nasa kanan laban sa kababaihan, upang malansag ang Commission on the Status of Women at pahinain ang laban para sa mga karapatan ng kababaihan dito sa San Francisco. Hindi sa D!

Sophia Andary, Commission on the Status of Women* 

Katiwala ng Community College Susan Solomon 

Superbisor Connie Chan 

Dating Superbisor Sandra Lee Fewer 

Caryl Ito, Dating Presidente, Commission on the Status of Women at Dating nasa  SFO Airport Commission (Komisyon para sa Paliparang SFO) 

Sonia Melara, Dating Direktor of the Department on the Status of Women at Dating Komisyoner ng Pulisya  

Esther Marks, Dating Komisyoner sa Pagpaplano  

Jackie Fielder, Nag-aadobokasiya para sa Komunidad 

Roma P. Guy, Nag-aabokasiya para sa Katarungang Panlipunan  

Hene Kelly, Lider ng Democratic Party (Partido Demokratiko) 

Sandra Mori, Lider ng Komunidad ng Japantown  

Meagan Levitan, dating Komisyoner ng  Recreation and Parks (Paglilibang at mga Parke) 

Maria Marily Mondejar CEO ng Filipina Women's Network (Ugnayan ng Kababaihang Filipina)*

Martha Knutzen 

Kate Favetti 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

8

 

HUWAG MAGPALOKO SA MGA PAGSUSUMIKAP NG MGA NASA KANANG BILYONARYO UPANG MANAKAW ANG DEMOKRASYA SA SAN FRANCISCO. 

BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON D 

Palihim na isinulat ang Proposisyon D at ipinaikot ito ng pangkat na pinopondohan ng mga bilyonaryo na may layuning makontrol kung paano pinamamahalaan ang ating gobyerno. 

Kumukuha ang Proposisyon D ng mga stratehiya sa Project 2025 (Proyekto 2025) ni Trump sa pamamagitan ng pagtatanggal sa 80% ng ating mga komisyon dahil maaaring maging independiyente ang mga ito sa Mayor. 

Gumagamit ang Proposisyon D ng meat-ax o napakalalang mga hakbang sa ating mga Komisyon na siyang pangunahing paraan na maaaring maimpluwensiyahan at mapanagot ng mga taga-San Francisco ang ating gobyerno. 

Binibigyan ng Proposesyon D ang Mayor ng kapangyarihan ng diktador na sasaklaw sa ating mga Komisyon sa pamamagitan ng pagtatanggal ng pagsusuri ng mga Superbisor sa mga itinatalagang indibidwal at pinahihintulutan nito ang Mayor na magtanggal ng mga itinalaga para sa anumang dahilan. 

Sa ilalaim ng Proposisyon D, tataas nang malaki ang gastos, at hindi magiging mas kaunti, dahil ang mga gawain ng lungsod na ipinatutupad ng boluntaryong komisyoner ngayon ay kailangan nang isagawa ng bagong mga empleyado ng lungsod.

Elitista ang Proposisyon D, kung kaya’t mapanghihinaan ng loob ang mga taga-San Francisco na mabababa ang kita sa pamamagitan ng pagtatanggal ng muling pagsasauli ng ibinayad nila sa mga ginastos habang nagboboluntaryo ng serbisyo. 

PROTEKTAHAN ANG ATING LUNGSOD MULA SA PANANAKOP SA SAN FRANCISCO NG MGA NASA KANAN 

BUMOTO NG HINDI SA RADIKAL NA PROPOSISYONG D

Doug Engmann

Calvin Welch

Dale Carlson

Sue Hestor

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Douglas Engmann.

 

9

 

Iligtas ang mga boses ng ating komunidad sa City Hall-Bumoto ng Hindi sa D 

Ang mga Komisyon ang pangunahing daan sa San Francisco para sa paglahok ng publiko, pangangasiwa, at pagpapanagot. Nagkakaloob ang mga ito ng checks and balances o mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan sa gobyerno, pakikilahok ng mga mamamayan, at pagiging bukas sa pagsisiyasat.  Aktibong lumalahok sa mga Komisyon ang mga pangkat sa komunidad upang makatulong sa paggabay sa mga polisiya ng lungsod ukol sa mga problema sa kani-kanilang mga komunidad. Lubusang liimitahan ng Proposisyon D ang ating pakikisangkot sa pamamagitan ng paglalansag sa aprubado ng mga botanteng komisyon na napakahahalaga sa ating mga komunidad, tulad ng Aklatan. Pagpepreserba sa Kasaysayan. Maliliit na Negosyo. Bibigyan ng Proposisyon D ang Mayor ng hindi napipigilang kapangyarihan sa bawat aspeto ng gobyerno at mga polisiya ng lungsod - tulad ng muling pagsosona - sa ating mga komunidad na walang makabuluhang pakikisangkot ng publiko sa istruktura ng Komisyon. Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon D at panatilihin ang mga karapatan ng mga mamamayan ng lungsod sa paglahok sa mga polisiyang nakaaapekto sa ating mga komunidad.  

Coalition of San Francisco Neighborhoods (Koalisyon ng mga Komunidad ng San Francisco) 

Neighborhoods United SF (Nagkakaisang mga Komunidad ng SF) 

Planning Association for the Richmond (Asosasyon para sa Pagpaplano sa Richmond) 

Telegraph Hill Dwellers (Mga Nakatira sa Telegraph Hill) 

Haight Ashbury Neighborhood Council (Konseho ng Kominidad na Haight Ashbury)

Richard Grosboll, Dating Komisyoner ng Lungsod

David Osgood, Rincon Point Neighbors Association (Asosasyon ng mga Magkakapitbahay sa Rincon Point) 

Michelle Cusano, ED Richmond Neighborhood Center (Sentrong Pangkomunidad ng Richmond) * 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Samll Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

10

 

PROTEKTAHAN ANG BULNERABLENG KABATAAN  

Ang kabataan sa sistema ng pagbibigay-katarungan sa mga menor de edad sa San Francisco ang pinakabulnerable at pinakahindi nakikitang mga indibidwal sa Lungsod.   Para sa kabataang ito, napakahalaga ng pangangasiwa at pagiging bukas sa pagsisiyasat.  

Hanggang sa nalikha ng lungsod ang Juvenile Probation Commission (Komisyon para sa Panahon ng Pagsubok ng mga Menor de Edad), walang naging paraan upang malaman kung kumusta na sila, at lalong hindi napigilan ang pang-aabuso sa kanila at hindi natiyak na nakukuha nila ang pangangalagang kinakailangan. 

Sa kasalukuyan, nagbibigay-liwanag ang Juvenile Probation Commission ukol sa kabataang ito — at napakahalaga nito upang mapanatili silang ligtas at upang mapanatiling ligtas ang komunidad. Bumoto ng Hindi sa D.  

Margaret Brodkin, Komisyoner para sa Panahon ng Pagsubok ng Menor de Edad* 

Doug Styles, CEO, Huckleberry Youth Programs* 

Reverend Dawn Stueckle, Ehekutibong Direktor, Sunset Youth Services (Mga Serbisyo sa Kabataan sa Sunset)

Toye Moses, African American Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal na Aprikano Amerikano)* 

Dinky Enteen, Katuwang na Direktor, Center on Juvenile and Criminal Justice (Sentro para sa Katarungan sa mga Menor de Edad at Sistema para sa Pagpapatupad at Pagpapanagot sa Batas) 

Julie Traun, Direktor, Indigent Defense Administration (Pangangasiwa sa Pagtatanggol sa mga Nangangailangan), Bar Association of San Francisco* 

Richard Ybarra, CEO Mission Neighborhood Centers Inspiring Success (Mga Sentro ng Komunidad na Nagbibigay ng Inspirasyon sa Pagkamit ng Tagumpay sa Mission)* 

Manuel Rodriguez, Komisyoner para sa Panahon ng Pagsubok ng Menor de Edad* 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Margaret Brodkin.

 

11

 

Oo sa E, Hindi sa D: malinaw na dapat piliin para sa mas epektibong gobyerno ng lugnsod.  

Ipinag-uutos ng Oo sa E ang pagkakaroon ng independiyente at komprehensibong pagsusuri ng mga gastos at pakinabang ng bawat komisyon ng San Francisco, at nang mapagpasyahan kung paano natin mapasisimple ang gobyerno habang nagpapanatili ng kabukasan sa pagsisiyasat, pagpapanagot, at pagiging epektibo. Pagkatapos nito, hahayaan nito ang mga botanteng magpasya ukol sa pinal na plano sa pampublikog eleksiyon.  

MAGTATANGGAL ang Prop D ng 20 Komisyong nakabatay sa Tsarter, kasama na ang  Arts, Library, Health, Youth, Small Business at Environment commissions (mga komisyon sa Sining, Aklatan, Kalusugan, Maliliit na Negosyo, at Kapaligiran) na napatunayan nang epektibo. Makaraan ito, pahihintulutan nito ang task force (pangkat na may espesyal na gawain) na may 5 miyembro na lubusang baguhin ang pagkakahubog ng gobyerno ng lungsod nang walang pagboto ng mga mamamayan.  Bumoto ng Oo sa Prop E, Hindi sa D! 

Dating Mayor Art Agnos 

Dating Senador ng Estado Mark Leno 

Miyembro ng Asembleya Phil Ting

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

12

 

Oo sa E, Hindi sa D: ang tamang lunas para sa pangangalaga sa kalusugan ng San Francisco 

Ang pangangasiwa ng publiko sa Dept of Public Health (Departamento ng Pampublikong Kalsuugan) ay usapin ng buhay at kamatayan. Pinagbabantaan ng Prop D ang kalidad ng ating mga ospital, at ang mga serbisyong pang-emergency at para sa kalusugan ng isip sa pamamagitan ng PAGTATANGGAL sa Health Commission (Komisyon para sa Kalusugan). Kung walang Health Commission, mapatatahimik ang mahahalagang boses ng mga eksperto sa medisina, doktor, at pasyente. Pananatilihin ng Oo sa E ang Health Commission sa Tsarter at nang makapagbigay ito ng pangangaiswa ng mga mamamayan at magkaroon ng kabukasan sa pagsisiyasat para sa ating mga ospital, pang-emergency na medikal an serbisyo, at iba pang serbisyo para sa pangangalaga ng kalusugan. Magligtas ng mga buhay. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D! 

National Union of Health Care Workers (Pambansang Unuon ng mga Manggangawa para sa Pangangalaga ng Kalusugan, NUHW) 

San Francisco Human Services Network (Ugnayan para sa Pantaong mga Serbisyo ng San Francisco) 

Anni Chung, Self-Help for the Elderly (Pagtulong sa Sarili ng Matatanda)* 

Kathryn Pulkownick, APRN, FNP-C

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

13

 

Ikinararangal ng mga unyon sa paggawa ng San Francisco na i-endoso ang Oo sa E, Hindi sa D.  

Mahigpit na tinututulan ng San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco), na kumakatawan sa libo-libong manggagawa ng San Francisco ang Prop D at sinusuportahan ang pag-oo sa E. Ang Prop D ay laban sa Demokratikong pagsusumikap na dinisenyo upang patahimikin ang mga boses ng pang-araw-araw na mga manggagawa at mamamayan. Ang pag-Oo sa E ang lubusang napag-isipan at responsableng paraan upang maging higit na epektibo ang gobyerno ng lungsod.  Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D! 

San Francisco Labor Council. 

United Educators of San Francisco 

LiUNA Lokal 261 

National Union of Healthcare Workers (NUHW) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

14

 

Malinaw na pagpili para sa mga Demokrata: Oo sa E, Hindi sa D

Sa pambansang antas, ang Project 2025 ay proyektong MAGA upang mabuwag ang demokrasya. Dito sa San Francisco, humaharap tayo sa katulad na marahas na pagpapasya. Ang pag-oo sa E, na demokratikong panukalang-batas para sa pagpapasimple, ay magpapanatili sa aprubado ng mga botante at mahahalagang komisyon na nagbibigay sa ordinaryong mga mamamayan ng kapangyarihan na pananagutin ang gobyerno para sa mga resulta. Bubuwagin ng Prop D, na panukalang batas ng Together SF, ang ating aprubado ng mga botante na Tsarter ng Lungsod.  Palihim itong naisulat nang walang kahit isang pampublikong pagdinig, pinondohan ng mga Republikanong nasa kanan, at ilalagay muli ang gobyerno ng lungsod sa mga kamay ng mga gumagawa ng mga kasunduan nang palihim at nang hindi maabot ng karamihan sa mga taga-San Francisco. Sa panahon kung kailan lubhang napakaraming dark money o politikal na paggasta ng mga non-profit sa politika at pagbibigay ng maling impormasyon sa mga botante, napakahahalagang kasangkapan ng independiyenteng mga komisyon upang mabigyang-lakas ang mga taga-San Francisco na makalahok sa demokrasya. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D!

Harvey Milk LGBTQ Democratic Club (Harvey Milk na Samahang Demokratiko na LGBTQ) 

Superbisor Shamann Walton 

Superbisor Dean Preston 

Superbisor Connie Chan 

Presidente ng BART Board (Lupon ng BART) Bevan Dufty

Pangalawang Tagapangulo* ng California Democratic Party David Campos

Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano 

Dating Superbisor John Avalos 

Zaki Shaheen, Political na Tagapag-organisa

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

15

 

Makipagtunggali sa diskriminasyon laban sa Asyano at imigranteng mga komunidad. Oo sa E, Hindi sa D.

Tahanang santuwaryo ang San Francisco sa may mga pagkakaiba-ibang populasyon ng mga Asyano Amerikano, na madalas na pinalalaki ng imigranteng mga pamilya o na mga imigrante mismo. Sa panahong ito ng diskriminasyon, kailangan nating bigyan ng lakas ang mga komunidad ng mga imigrante — hindi pahinain ang mga ito.  Ipagpapatuloy ng pag-Oo sa E ang pagkakaloob ng sibikong pakikilahok para sa imigranteng mga pamilya at bibigyang lakas ang mga imigrante laban sa karahasang dahil sa lahi sa pamamagitan ng Immigrant Rights Commission (Komisyon para sa mga Kaparapatan ng mga Imigrante). Lubusang tatanggalin ng Prop D ang komisyong ito, kasama ang iba pang komisyon na humaharap sa diskriminasyon at kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay ng mga lahi. Oo sa E, Hindi sa D!

Chinatown Media and Arts Collaborative (Kolaborasyon para sa Media at Sining sa Chinatown)

Chinese for Affirmative Action (Mga Tsino para sa Pag-aksiyong Pabor sa mga Nakararanas ng Diskriminasyon) 

Raquel Redondiez, Direktor ng SOMA Pilipinas* 

Anni Chung, Ehekutibong Direktor

Superbisor Connie Chan 

Dating Superbisor Norman Yee 

Sandra Lee Fewer, Dating Superbisor 

Dating Superbisor Mabel Teng 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

16

 

Pasulong, hindi paurong, sa pagtugon sa kawalan ng tahanan. Hindi sa D! 

May badyet ang Department of Homelessness and Supportive Housing (Departamento para sa Kawalan ng Tahanan at Pabahay na Nagbibigay ng Suporta) na mahigit $600 milyon taon-taon. Gayon pa man hanggang noong 2023, WALANG pangangasiwa o pagpapanagot dito. NILIKHA NG MGA BOTANTE ang Homeless Oversight Commission (Komisyon para sa Pangangasiwa ng mga Walang Tahanan) noong 2022 upang magkaloob ng pangangasiwa, makakuha ng mga pag-o-audit, makapagtakda ng mga pamantayan sa pagganap, at matasa ang pagiging epektibo. Tatanggalin ng Prop D ang komisyon dalawang taon lamang matapos malikha ito at ilalagay ang pamamahala sa ating napakahahalagang mga programa para sa kawalan ng tahanan pabalik sa kadiliman. Bumoto ng Hindi sa D! 

Our City Our Home Coalition 

SF Human Services Network (Ugnayan para sa mga Serbisyong Pantao ng SF) 

Jennifer Friedenbach, Ehekutibong Direktor,

Catherine Jane Ross, Miyembro ng Shelter Montor Committee (Komite para sa Pagsubaybay sa mga Masisilungan)* 

Danielle McVay, Local Homeless Coordinating Board (Lokal na Tagapag-ugnay na Lupon para sa Walang Tahanan) 

Roma Guy, Nag-aabokasiya para sa Katarungang Panlipunan 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

17

 

Protektahan ang mga boses sa komunidad. Bumoto ng HINDI sa D! 

Tatanggalin ng proposisyong ito ang mahahalagang komisyon ng lungsod at lilimitahan ang papel ng mananatiling mga komisyon bilang daan ng publiko para sa paglahok at pangangasiwa sa mga departamento ng Lungsod.  

Ang Planning Commission ang pangunahing pangkat na kumokontol sa laki at disenyo ng mga development sa ating mga komunidad. Sa kasalukuyan, ang Mayor ang nagtatalaga sa mayorya ng mga miyembro nito. Magdaragdag ang panukalang-batas na ito ng karagdagang mga itatalaga ng mayo at tatanggalin ang pagsusuri at pag-apruba ng publiko sa pamamagitan ng Board of Supervisors. Bilang mga komisyoner sa pagpaplano, lubos kaming nag-aalala na mapanghihina ng mungkahi ang loob ng mga indbidwal sa paglahok sa proseso ng pagpaplano at mapagbabantaan ang papel ng publiko sa paggawa ng mahahalagang mga desisyon sa pagpaplano.  

Kamakailang-kamakailan lamang, naging natatanging paraan ang komisyon para sa opinyon ng publiko ukol sa napakalaking upzoning o mga pagbabago sa klasipikasyon sa pagsosona, na nagsapanganib sa itinatanging karakter ng ating mga komunidad.   Huwag wasakin ang checks and balances o ang mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan ng mayor sa Planning Commission.   

Esther Marks, Dating Komisyoner sa Pagpaplano 

Doug Engmann, Dating Komisyoner sa Pagpaplano 

Hisashi Bill Sugaya, Dating Komisyoner sa Pagpaplano 

Dennis Richards, Dating Komisyoner sa Pagpaplano 

Dennis Antenore, Dating Komisyoner sa Pagpaplano 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

 

18

 

Huwag tanggalin ang paglilibang sa San Francisco, na susi sa muling pagpapasigla. Oo sa E, Hindi sa D! 

Ang entertainment o paglilibang, live na musika, at mga pistahan sa kalye sa downtown at sa ating mga komunidad ang mga susi tungo sa muling pagpapasigla sa ating lungsod. Responsibilidad ng Entertainment Commission (Komisyon para sa paglilibang) ang pagtatakda ng mga polisiya at pagsusuri at pag-aapruba sa mga permit para sa mga lugar ng live na entertainment, musika sa gabi, at mga pistahan sa kalye, pagtitipon sa labas ng gusali at pinalakas ang tunog na musika. Maaaring humarap ang mga mamamayan at magkakapit-bahay sa Komisyon upang magpahayag ng suporta o ng pag-aalala ukol sa pagkakaloob ng permit sa mga aktibidad na ito sa kanilang komunidad.  

TATANGGALIN ng Prop D ang mahalagang komisyon na ito na siyang daan para sa pampublikong pagsusuri at pag-apruba ng pagliliban sa San Francisco. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D! 

Lexington Club

Bar Part Time

Mothership

Lion's Den Bar and Lounge

Barbarossa Lounge 

Jolene's Bar

Steven Lee, Dating Komisyoner sa Paglilibang

Stephen Torres, Dating Komisyoner sa Paglilibang

Laura Thomas, Komisyoner sa Paglilibang* 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Samll Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

19

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon D

Suportahan ang Dignity Fund (Pondo para sa Dignidad) Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D! 

Nabuo ang Dignity Fund nang kasama ang pakikilahok ng nag-aadbokasiyang mga komunidad at nakakuha ito ng mahigit sa 110 pag-eendoso ng mga organisasyon.  Nakakuha ito ng matatag at masiglang pagsuporta sa ballot box o mga eleksyon.  Mahalagang katangian nito ang pagkakasama ng Dignity Fund Oversight and Advisory Board (Lupon para sa Pangangasiwa at Pagpapayo para sa Dignity Fund). Sa pagdaan ng mga taon, natiyak ng pangkat na ito ang pagiging bukas sa pagsisiyasat at pagkuha ng opinyon ng mga stakeholder o may interes sa proseso ng litinatakda ng batas na mga desisyon sa pagpaplano at pagpopondo. Tatanggalin ng panukalang-batas ng Together SF ang pangkat na ito mula sa Tsarter, kasama ang iba pang mahahalagang pangkat para sa paggawa ng mga polisiya na importante sa mga mas nakatatanda, mga indibidwal na may kapansanan - ang Health Commission (Komisyon sa Kalusugan), ang Human Rights Commission (Komisyon para sa mga Karapatang Pantao, ang Library, at marami pang iba. Hinihikayat namin kayong bumoto ng Oo sa E at Hindi sa D!

Marie Jobling, Kasamang Tagapangulo, Dignity Fund Coalition 

Tony Fazio, kasamang awtor ng ordinansa ukol sa Dignity Fund *

Sandra Mori, miyembro, Dignity Fund Coalition*

Ramona Davies, miyembro, Dignity Fund Coalition*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

20

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon D

Protektahan ang ating kapaligiran. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D! 

Ngayong 2024, pinangalanan ang San Francisco na The Cleanest Energy City in America (Ang Lungsod sa Amerika na Pinakamahusay sa Kapaligiran ang Paggamit ng Enerhiya) dahil sa kahusayan nito sa enerhiya at sa pagbabawas sa greenhouse gas emissions (sumingaw na nakalalasong sangkap), na bumaba nang 48% magmula noong 1990. Nalikha ang Environment Commission (Komisyon sa Kapaligiran) ng mga botante noong 1995 at nagkakaloob ito ng pangangasiwa at nagpapatibay sa mga regulasyon ukol sa mga usapin sa kapaligiran tulad ng pagbabawas ng basura at nakalalasong sangkap, mga gusaling green o mabuti sa kapaligiran, mga gubat sa lungsod, pagtatapon ng hindi nagamit ng gamot, paggamit sa pestisidyo, mga gawain para mga negosyong green o mabuti sa kapaligiran, at marami pang ibang programa na nauukol sa pagbabago ng klima at pinatatakbo ng Department of the Environment (Departamento para sa Kapaligiran). Naaapektuhan ng mga usaping ito ang lahat ng taga-San Francisco sa bawat komunidad na maaaring direktang magpahayag ng kanilang inaalala at rekomendasyon sa Environment Cimmission. Tatanggalin ng Prop D ang Environment Commission at malala ang magiging pinsala nito sa dajilang mga pagsusumikap ng ating lungsod upang mapreserba ang kapaligiran. Maprereserba ito ng pag-oo sa E.

Huwag itapon ang ating reputasyon bilang pinakamahusay na lungsod sa Amerika sa pakikipaghamok sa pagbabago sa klima. BUMOTO ng Oo sa E AT ng Hindi sa D! 

San Francisco League of Conservation Voters (Liga ng mga Botante para sa Konserbasyon) 

Johanna Wald, Dating nasa Commission on the Environment 

Sarah Wan, Commission on the Environment* 

Jackie Fielder, Nag-aadobokasiya para sa Klima 

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Samll Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

21

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon D

Iligtas ang Historic Preservation Commission (Komisyon para sa Preserbasyon ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar)* Oo sa E, Hindi sa D. 

Ang ating arkitektural, makasaysayan, at kultural na pamana ang siyang dahilan ng pagiging natangi at kamang-manghang lungsod ng San Francisco. Nilikha ang Historic Preservation Commission ng mga botante noong 2008 upang gabayan ang lungsod sa pagprepreserba sa makasaysayang mga istruktura at lugar habang tinitiyak na ginagamit ang preserbasyon bilang kasangkapan upang magtaguyod ng pag-unlad, muling pagpapasigla, at pagkilala sa ating mga komunidad na may mga pagkakaiba-iba.  

Itinatalaga ng Mayor ang Komisyon, at binubuo ito ng mga mamamayan na may kaalaman sa kasaysayan, arkitektura, kasiningan, at kultural na mga tradisyon ng Lungsod. Nagrerekomenda ang Komisyon ng mga gusali at lugar na may historikal o kultural na kabuluhan sa pamana ng San Francisco at nang maitalaga ang mga ito ng Board of Supervisors. Kapag naitalaga na ang mga ito, tumutulong ang Komisyon upang magawan ng regulasyon ang mga rekurso sa pagrerebyu ng mga permit at sa proseso ng pagbibigay ng titulo at nang maprotektahan ang pamana sa atin.  

Napakahalaga ng pagprotekta sa espesyal na mga lugar ng San Francisco para iwan natin sa kapalaran. Panatilihin ang Komisyon na nagpepreserba sa pamana ng San Francisco. Bumoto ng Oo sa E, Hindi sa D! 

San Francisco Heritage (Pamana ng San Francisco 

Hisashi Sugaya, Dating Komisyoner para sa Pagpepereserba ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar 

David Wessel, Dating Komisyoner para sa Pagpepereserba ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar 

Courtney Damkoger, Dating Komisyoner para sa Pagpepereserba ng Makasaysayang mga Istruktura at Lugar 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Totoong Reporma, Oo sa C, Hindi sa D, Oo sa E. Coalition of Small Business, mga Magkakapit-bahay, at si Aaron Peskin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Douglas Engmann, 2. Robert Anderson, 3. Christin Evans.

22

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon D

Bilang kasalukuyan at dating mga Komisyoner para sa Kabataan, hinihiling namin sa inyong bumoto ng HNDI sa Proposisyon D dahil tatanggalin nito ang mga kinatawan ng kabataan sa City Hall.  

Ang Youth Commission (Komisyon para sa Kabataan) ang natatanging boses ng kabataan sa City Hall. Magmula nang nilikha ito ng mga botante noong 1996, tuloy-tuloy nang nakipagtrabaho at nagpanagot ang Youth Commission sa mga politiko ukol sa mga pangangailangan ng kabataan. Nakapaghatid kami ng mga sumusunod.  

  • Libreng Muni para sa Lahat ng Kabataan
  • Pagpapanagot sa mga opisyal ng mga paaralan para sa kaligtasan ng mga estudyante. 
  • Pagpapalawak sa mga oras sa tag-araw at pagtatanggal sa mga singil nang dahil sa huling pagbabayad para sa kabataan sa mga aklatan
  • Pagtugon sa karahasang seksuwal sa mga paaralan. 
  • Pagpapalawak sa mga serbisyo sa kalusugan ng isip para sa kabataan.

Naging modelo ang ating Youth Commission para sa estado at sa bansa sa mga paraan ng pagpapalahok sa kabataan sa lokal na paggawa ng mga desisyon at naging lugar ito ng pagsasanay para sa mga lider ng ating lungsod sa kinabukasan.  

Isinasapanganib ng Proposisyon D ang buhay ng Youth Commission sa pamamagitan ng pagtatanggal dito mula sa Tsarter ng Lungsod at pagpapahintulot sa mga politiko na lubusang tanggalin ito.  

Protektahan ang kabataan sa pamamagitan ng pagboto ng HINDI.  

Kasalukuyan at Dating mga Komisyoner para sa Kabataan:*

Valentina Alioto-Pier 

Claire Amable 

Ewan Barker Plummer 

Natalie Gee 

Maureen Loftus

Vanessa Pimentel

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Margaret Brodkin.

23

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon D

BUMOTO NG HINDI SA PANG-AAGAW NA ITO NG KAPANGYARIHAN. 

Nagpapanggap ang mungkahing pag-amyenda na ito sa tsarter na pagbabawas sa burukrasya, pero sa katunayan, isa itong malaking pagpaparami sa kapangyarihan ng Mayor nang ang nadedehado ay ang mga Superbisor, ang inihalal na mga opisyal na pinakamalalapit sa mga botante. 

Binibigyang-diin ang bawat klase sa paaralan ukol sa sibika at kasaysayan ng Estados Unidos ang mahahalagang checks and balances o mga patakaran upang hindi maging lubusan ang kapangyarihan ng indibidwal o entidad sa gobyerno sa lahat ng antas, sa pederal na gobyerno man, sa estado, o sa lokal na gobyerno. Isa sa mga patakarang ito ang papel ng lehilatibong sangay sa mga pagtatalaga — kailangan ng mahahalagang pagtatalaga ang kumpirmasyon ng inihalal na mga kinatawan ng mga mamamayan.  

Tatanggalin ng mungkahing pag-amyenda na ito, sa Seksiyon 3.100, talata 8, ang mahalagang check and balance sa pamamagitan ng pagbibigay sa Mayor ng nag-iisang awtoridad sa mga pagtatalaga at pagtatanggal ng itinatakdang pag-apruba ng Board of Supervisors.

Bumoto ng Hindi sa Proposisyon D.

Robert W. Cherny, Emeritus o Panghabambuhay na Propesor ng Kasaysayan ng Estados Unidos, S.F. State Univ.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Robert W. Cherny.