E

Mga Polisiya at Patakaran ng Police Department (Departamento ng Pulisya)

Dapat bang pahintulutan ng Lungsod ang Police Department na magsagawa ng mga pulong sa komunidad bago mabago ng Police Commission (Komisyon ng Pulisya) ang mga polisiya sa pagpupulis, mabawasan ang mga itinatakda sa pagtatago ng mga rekord at pag-uulat para sa mga pulis, makapagtakda ng bagong mga polisiya sa mga pulis ukol sa pag-uulat ng mga insidente kung saan gumamit ng dahas at ukol sa paghabol sa mga sasakyan, mapahintulutan ang Police Department na gumamit ng mga drone at maglagay ng mga kamera para sa pagmamanman sa publiko nang walang karagdagang pag-apruba, at mapahintulutan ang Police Department na gumamit ng bagong teknolohiya sa pagmamanman, maliban na lamang kung hindi ito inaaprubahan ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor)?

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

Kung Ano Ito Ngayon: 

Ang Police Commission (Commission o Komisyon) ang nangangasiwa at nagpapatibay sa mga polisiya para sa San Francisco Police Department (SFPD). Ang Hepe ng Pulisya ang namamahala sa pang-araw-araw na mga operasyon ng SFPD. Maaari ding magpatibay ang Board of Supervisors o Lupon ng mga Superbisor (Board o Lupon) ng mga polisiya para sa SFPD, sa pamamagitan ng pagboto ng mayorya.  

Ang polisiyang napagtibay na ng Commission o ng Board ang nagbabalangkas at nagtatakda ng mga limitasyon kung paano dapat isagawa ng mga pulis ang kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng batas. 

Sa ilalim ng polisiya ng Commission ukol sa paggamit ng dahas, kailangang maghanda ang mga pulis ng nakasulat na ulat kapag gumamit sila ng baril, tumutok ng baril sa indibidwal, pinuwersa ang tumututol na suspek na maposasan, o gumamit ng dahas na maaaring magdulot ng sakit o pinsala. Kailangan ding irekord ng mga pulis ang kanilang paggamit ng dahas gamit ang mga kamerang isinusuot sa katawan. 

Sa ilalim ng polisiya ng Commission sa paghabol sa mga sasakyan, maaari lamang gumamit ang pulis ng sasakyan upang matugis ang indibidwal na tumatakas gamit ang sasakyan kung pinaghihinalaan ng pulis na nakagawa ang indibidwal ng marahas na krimen o kung naniniwala ang pulis na may agarang banta ang indibidwal sa kaligtasan ng publiko. 

Napagtibay na ng Board ang polisiyang ipinatutupad ukol sa pagkakaroon at paggamit ng teknolohiya sa pagmamanman ng SFPD at iba pang departamento ng Lungsod. Maaaring maglagay ang Lungsod ng mga kamera para sa pagmamanman sa publiko sa mga kalye, bangketa, at mga lugar na ginagamit ng lahat sa pampublikong pabahay kapag inaprubahan ito ng Commission, kung napagpasyahan nito na may malaking bilang ng krimen na nagaganap sa lugar. 

Bago makagamit o makakuha ang SFPD ng bagong teknolohiya sa pagmamanman, kailangan munang aprubahan ng Board ang paggamit nito. Hindi maaaring gumamit ang SFPD ng teknolohiya sa facial recognition o pagkilala sa mga mukha, maliban na lamang sa limitadong mga sitwasyon. 

Ang Mungkahi: 

Ang Proposisyon E ang ordinansang gagawa ng mga pagbabagong ito:

  • Bago gumawa ang Commission ng mga pagbabago sa polisiya ng SFPD, magkakaroon ng takdang panahon na 90 araw upang makapagsagawa ang SFPD ng isang pulong ng komunidad sa bawat estasyon ng pulis sa distrito, at nang sa gayon ay makakuha ng mga opinyon. Maaaring talikdan ng Hepe ng Pulisya ang prosesong ito. 
  • Kailangan munang bawasan ng Commission at ng SFPD ang paggawa at pagtatago ng mga rekord at pag-uulat sa hangganang pinahihintulutan ng batas, nang may layuning hindi gugugol ang mga pulis na nagpapatrolya nang hindi lalampas sa 20% ng kanilang oras sa trabaho sa administratibong gawain.
  • Itatakda lamang ang mga ulat ukol sa paggamit ng dahas kung pisikal na napinsala ang indibidwal ng paggamit ng dahas ng pulis o kung gumamit ang pulis ng baril o itinutok ito sa indibidwal. Sa iba pang kaso ng paggamit ng dahas, maaaring iulat ang insidente sa pamamagitan ng mga kamerang isinusuot sa katawan. 
  • Pahihintulutan lamang ang paghabol sa sasakyan kung may makatwirang hinala ang pulis na gumawa, gumagawa, o malamang na gagawa ang indibidwal ng mabigat na krimen o marahas na magaang krimen. 
  • May panahon hanggang Oktubre 1, 2024 ang Commission upang mapagtibay ang bagong mga polisiya na nakaayon sa panukalang-batas na ito. 
  • Maaaring gumamit ang SFPD ng mga drone para sa paghabol sa mga sasakyan at aktibong pag-iimbestiga sa mga krimen.  
  • Sa layuning mapaghusay pa ang kaligtasan ng publiko, maaaring bigyan ng awtorisasyon ng Hepe ng Pulisya ang paglalagay ng mga pampublikong kamera para sa pagmamanman, nang walang pag-apruba ng Commission, matapos magsagawa ng pulong sa komunidad.   
  • Maaaring may kasamang teknolohiya para sa pagkilala ng mukha ang mga drone at pampublikong kamera para sa pagmamanman sa publiko sa ilalim ng mga patakarang ito at hindi na mangangailangan pa ng pag-apruba ng Board. Maaaring gumamit ang SFPD ng iba pang teknolohiya sa pagmamanman kung magsusumite ito ng polisiya sa Board sa loob ng isang taon. Maaaring hindi aprubahan ng Board ang polisiyang ito. 
  • Hanggang Enero 1, 2027, kailangang aprubahan ng botong supermajority (botong mas malaki sa mahigit sa kalahati) ng Board ang anumang pagbabago sa bagong ordinansa na ito. Matapos ang petsang ito, maaari nang aprubahan ang mga pagbabago ng mayorya ng Board. 

Ang Ibig Sabihin ng Botong “OO”: Kapag bumoto kayo ng “oo,” gusto ninyong:

  • Pahintulutan ang SFPD na magsagawa ng mga pulong ng komunidad bago mabago ng Commission ang mga polisiya ng SFPD; 
  • Itakda sa Commission at sa SFPD na bawasan ang pagtatago ng rekord at pag-uulat ng mga pulis; 
  • Magkaroon ng bagong mga polisiya ukol sa pag-uulat ng mga pulis ng SFPD ng paggamit ng dahas at paghabol sa mga sasakyan at pahintulutan ang Commission na baguhin ang iba pang polisiya; 
  • Bigyan ng awtorisasyon ang SFPD na gumamit ng mga drone at maglagay ng mga kamera para sa pagmamanman nang walang pag-apruba ng Commission o ng Board, kasama na ang kagamitang may teknolohiya para sa pagkilala ng mukha; at 
  • Bigyan ng awtorisasyon ang SFPD na gumamit ng bagong tekonolohiya sa pagmamanman, maliban na lamang kung hindi ito aaprubahan ng Board. 

Ang Ibig Sabihin ng Botong “HINDI”: Kapag bumoto kayo ng “hindi,” ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "E"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Ben Rosenfield ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon E:

Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ng mga botante ang iminumungkahing inisyatibang ordinansa, hindi maaapektuhan nito kung ito lamang at sa katangian nito, ang gastos ng gobyerno. Batay sa mga pagpapasya ng San Francisco Police Department (SFPD) ukol sa mga operasyon, maaaring magkaroon ng pagtitipid sa gastos dahil sa mababawasan na administratibong mga tungkulin ng mga pulis, ngunit nasa antas ito na hindi pa natitiyak. 

Itatakda ng mungkahi na inisyatibang ordinansa na magbigay ang San Francisco Police Department (SFPD) ng abiso sa publiko at humingi ng opinyon ng komunidad ukol sa mungkahing mga pagbabago sa polisiya, sa pamamagitan ng isa o higit pang pulong ng komunidad sa bawat isa sa sampung estasyon ng distrito. 

Binabago ng mungkahi na inisyatibang ordinansa ang kasalukuyang mga polisiya ukol sa paggamit ng dahas at paghabol ng sasakyan ng SFPD at pahihintulutan nito ang mga kamerang isinusuot sa katawan at drone sa ilang sitwasyon. Kapag naaprubahan ang ordinansa, itatakda lamang sa mga pulis na gumawa ng nakasulat na ulat kung humantong ang paggamit ng dahas sa pinsala, reklamo ukol sa pagkakapinsala, o kung nagtutok ng baril sa indibidwal. Kung hindi naman, matutugunan na ang mga itinatakda sa pag-uulat ukol sa paggamit ng dahas sa pamamagitan ng kuha ng kamerang nasa katawan. 

Karagdagan dito, kapag naaprubahan ang ordinansa, babaguhin nito ang proseso ng paglalagay ng mga kamera para sa kaligtasan ng publiko. Maaaring magdulot ng higit na pangangailangan ng SFPD sa mga kagamitang panteknolohiya ang karagdagang pagdepende sa mga kamerang nakasuot sa katawan, kamera na para sa kaligtasan ng publiko, at drone. 

Kung Paano Napunta sa Balota ang "E”

Noong Nobyembre 20, 2023, nakatanggap ang Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) ng mungkahing ordinansa na nilagdaan ni Mayor Breed.

Pinahihintulutan ng Municipal Elections Code (Kodigo para sa Munisipal na Eleksyon) na maglagay ang Mayor ng ordinansa sa balota sa ganitong paraan.

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong “oo” para maipasa.

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan.Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.

BUMOTO NG OO SA E UPANG MAGAWANG MAS LIGTAS ANG SAN FRANCISCO 

Proposisyon E: Inilalagay ng Safer San Francisco (Mas Ligtas na San Francisco) ang ating pulis sa pinakamagandang posisyon para sa paglilingkod sa ating mga komunidad sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng mga kasangkapan at tuntunin na kailangan nila upang maipatupad ang mga batas, habang pinipigilan ang Police Commission (Komisyon ng Pulisya) sa pakikialam sa mga pagsusumikap para sa kaligtasan ng komunidad.   

Pagkakalooban ng Prop E ang mga pulis ng mga kasangkapan sa teknolohiya ng ika-21 siglo.  

Babaguhin ng Prop E ang mga polisiya ng lungsod upang mapahintulutan ang mga pulis na gumamit ng mga kamera na pag-aari ng publiko at ng mga drone na para sa kaligtasan ng publiko, at nang sa gayon, maiwasan, maimbestigahan, at malutas ang mga krimen. Sa ngayon, napipigilan ang mga pulis ng SFPD sa paggamit sa mga kasangkapang ito sa real-time (sa panahon mismo na nagaganap) upang makatulong sa pag-iwas at paglutas sa mga krimeng tulad ng pagnanakaw sa tindahan, pagnanakaw ng sasakyan, at panloloob sa mga kotse.   

Magkakaroon ng mas maraming pulis sa mga kalye nang dahil sa Prop E.  

Tatanggalin ng Prop E ang itinatakdang pag-uulit ng pag-uulat, kung kaya’t mababawasan ang panahon na nasa likod ng mesa ang mga pulis at ibabalik silang muli sa mga kalye. Sa maraming kaso, maaari nang gumamit ang mga pulis ng teknolohiya na tulad ng isinusuot sa katawan na mga kamera upang marekord ang impormasyon tungkol sa insidente, sa halip na pagsagot sa labis-labis na papeles, na pumipigil sa ating mga pulis sa pagpapatrolya sa kalye.  

Papalitan ng Prop E ang mga patakaran upang mas maraming pulis ang makahabol sa mga kriminal.   

Papalitan ng Prop E ang mga patakaran upang mapahintulutan ang mga pulis na aktibong tugisin ang mga pinagsususpetsahang gumawa ng mabibigat na krimen at mararahas na magagaang krimen, kasama na ang pagnanakaw sa tindahan, pagnanakaw ng sasakyan, at panloloob sa mga kotse, basta’t maisasagawa nang ligtas ang pagtugis. Sa ngayon, may restriksiyon ang mga pulis sa mga aksiyon na maaari nilang gawin.  

Pipigilan ng Prop E ang Police Commission sa paglalagay sa unahan ng ideolohiya bago ang kaligtasan ng komunidad.   

Pipigilan ng Prop E ang Police Commission sa pangangasiwa sa maliliit na detalye sa gawain ng Hepe ng Pulisya at titiyakin nito na anumang bagong mga polisiyang isasapuwesto ay hindi mangangailangan ng 20% ng kabuuang panahon na nasa tungkulin ang pulis para sa administratibong gawain. 

Bigyan natin ang ating mga pulis ng MGA KASANGKAPAN upang magawa ang kanilang mga trabaho gamit ang teknolohiya ng ika-21 siglo, at palitan ang mga PATAKARAN upang mas maraming pulis ang nasa kalye na pumipigil sa krimen at tumutugis sa mga kriminal.   

Bumoto ng OO sa Prop E.

Mayor London Breed 

Pahihinain ng Proposisyon E ang kakayahan ng komisyon ng pulisya na magkaloob ng independiyenteng pangangasiwa at pagpapanagot sa SFPD. Itinatalaga ang mga Komisyoner ng Pulisya ng Mayor at ng Board of Supervisors. Gagawing mas mahina ng Proposisyon E ang Police Commission.  

Mapanlinlang ang Proposisyon E. Tinatanggal nito ang naririyan nang mga gawing pangkaligtasan na dinisenyo upang maprotektahan tayo mula sa mapanganib na tekonolohiya at pang-aabuso ng pulisya. Nakapuwesto ang mga gawaing pangkaligtasan na ito dahil may mahabang kasaysayan ang SFPD ng maling pag-asal at diskriminasyon laban sa mga komunidad ng mga may kulay.  

Inililihis ng Proposisyon E ang publiko sa pamamagitan ng pagpapahiwatig na hindi nakagagamit ng teknolohiya sa kasalukuyan ang SFPD. Ang totoo nito, nakagagamit ang SFPD ng maraming teknolohiya kung mayroon silang mga patakaran para sa kaligtasan na naaprubahan na ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor).  

Tatanggalin ng Proposisyon E ang guardrails o nararapat na pagkilos at pahihintulutan ang mga pulis na gumamit ng mapanghimasok na teknolohiya sa pagmamanman — ­maging ng mga drone na nakaka-scan sa mukha ayon sa Abugado ng Lungsod - nang walang mga polisiya sa kaligtasan o pangangasiwa.  

Gagawing mas mahirap ng Proposisyon ang pagpapanagot sa mga pulis para sa paggamit ng lahi o etnisidad upang pagsuspetsahan ang indibidwal na gumawa ng krimen at paggamit ng dahas sa pamamagitan ng pagbabawas sa mahahalagang itinatakda sa pag-uulat. Karapat-dapat ang mga taga-San Francisco sa pagkakaroon ng mas maraming impormasyon tungkol sa maling pag-asal ng mga pulis, hindi ng mas kaunti.  

Ineendoso ng Proposisyon E ang mapanganib na pagtugis sa mga sasakyan para sa mga paglabag ng batas na mababa ang antas at hahantong ito sa pagkamatay ng mas maraming sibilyan.  

Tungkol sa pamumulitika ang Proposisyon E, at hindi sa kaligtasan ng publiko. Upang higit pang magkaroon ng kaligtasan sa komunidad, kailangang magtuon ang San Francisco sa mga solusyong nakabatay sa ebidensiya, tulad ng abot-kayang pabahay, pangangalaga sa kalusugan ng isip, at paggamot sa pang-aabuso sa droga.  

Higit pa sa mapangutyang Proposisyon na ito ang nararapat sa mga taga-San Francisco. Kailangang magmungkahi ang mga lider ng Lungsod ng tunay na mga stratehiya upang matugunan ang kaligtasan ng komunidad sa halip na magtulak ng hindi seryosong panukalang-batas sa balota na nagdadala sa atin nang paurong.  

BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON E

ACLU of Northern California (ACLU ng Hilagang California)

Walang pag-iingat na panukalang-batas ang Prop E na magtatapon sa napakahahalagang reporma na dinisenyo upang papanagutin ang pulisya at panatilihing ligtas ang mga indibidwal.

Isasapanganib ng Prop E ang mga naglalakad, nagbibisikleta, at iba pang inosenteng nanonood lamang ng pangyayari, pati na rin ang mga pulis mismo, sa pamamagitan ng pagbibigay ng awtorisasyon sa mabibilis na pagtugis sa mga sasakyan para sa mga krimeng mababa ang antas sa isa sa pinakasiksik na lungsod sa bansa. 

Tatanggalin ng Prop E ang napakahahalagang nararapat na pagkilos, pipigilan ang demokratikong pangangasiwa, at pahihinain ang mga patakarang pangkaligtasan na nagbibigay ng proteksiyon sa mga taga-San Francsico mula sa bago, hindi pa nasusubukan, at nakapanghihimasok na pagmamanman ng pulisya. Ayon sa City Attorney’s Office (Opisina ng Abugado ng Lungsod), pahihintulutan ng Prop E ang SFPD na gumamit ng mga drone na nagsa-scan ng mga mukha upang matugis ang mga indibidwal, kung kaya’t lilikha ito ng nakababagabag na kinabukasan kung saan sinuman sa San Francisco ay maaari nang matukoy at masubaybayan mula sa langit. 

Pahihintulutan ng Prop E ang SFPD na maitago ang mga insidenteng gumamit ng dahas sa pamamagitan ng paglilimita sa mga itinatakda sa pag-uulat, kahit na mayroong hindi katanggap-tanggap na mga pagkakaiba sa pagturing sa iba’t ibang lahi. Napag-alaman sa pagrerepaso ng datos ng SFPD na noong huling tatlong buwan ng 2022, 25 beses na mas malamang ang paggamit ng dahas ng departamento sa mga Itim na indibidwal kaysa sa mga puting indibidwal. Salungat ang pagsusumikap na itong bawasan ang mga itinatakda sa pag-uulat sa mga rekomendasyon ng U.S. Department of Justice (Departamento ng Katarungan ng Estados Unidos) na paghusayin at paramihin ng SFPD ang paggawa at pagtatago nito ng mga rekord sa mga insidente kung saan gumamit ng dahas. 

Pahihinain ng Prop E ang independiyenteng pangangasiwa sa pulisya sa pamamagitan ng pagtatali sa mga kamay ng Police Commission. Pag-uulit at pabigat ang proseso ng pakikilahok sa komunidad na itinatakda nito sa Commission, kung kaya’t epektibo nitong pinahihintulutan ang Hepe ng Pulisya na pigilan ang anumang pagbabago sa polisiya na tinututulan ng departamento. Sa pamamagitan ng pagpapahina sa awtoridad ng komisyon, bibigyan ng Prop E ang pulisya ng kapangyarihan na ipulis ang sarili, na malamang na magdudulot ng kapahamakan. 

Ang Prop E ay panukalang-batas na hindi napag-isipan nang mabuti at iresponsable at gagawin nitong mas hindi ligtas ang San Francisco. Dahil sa tuloy-tuloy na rekord ng SFPD ukol sa hindi magkakaparehong pagturing sa iba’t ibang lahi at dahil sa kasaysayan nito ng mga iskandalo, dapat hayaan ng mga botante ang Police Commission na ipatupad ang mandato nito ng pagkakaloob ng masigasig na pangangasiwa at pagpapanagot sa SFPD. 

Hinihikayat namin ang mga taga-San Francisco na bumoto ng HINDI sa Proposisyon E. 

ACLU of Northern California (ACLU ng Hilagang California)

Sinusuportahan ng mga katunggali ng Prop E ang kasalukuyang sitwasyon – isang sistema na nagpapahintulot sa mga kriminal na makaiwas sa pagdakip at makagawa ng mapangahas na mga krimen. 

Magsasagawa ang Prop E ng mga pagbabagong nakabatay sa common sense sa mga patakaran na dahilan kung bakit mahirap para sa mga pulis na labanan ang krimen at mang-aresto. 

Halimbawa, madaling tumakas mula sa lugar ng krimen sa ilalim ng mga patakaran ng Police Commission. Isasara ng Prop E ang mga butas sa batas at pahihintulutan ang mga pulis na ligtas na tugisin ang mga suspek na nagsagawa ng mabibigat na krimen. 

Kulang ang ating mga pulis ng batayang mga kasangkapan para sa pampublikong kaligtasan na ginagamit na ng ibang departamento ng pulisya sa Bay Area – tulad ng mga kamera para sa kaligtasan ng publiko sa mga lugar na mataas ang bilang ng krimen, at nang sa gayon, maiwasan ang krimen at mahuli sa akto ang mga kriminal. Bibigyan ng awtorisasyon ng Prop E ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ng ika-21 siglo upang mapigilan ang mga panloloob ng kotse at pagnanakaw sa tindahan, at makakakalap ang mga ito ng ebidensiya para sa taga-usig. Gumagamit na ang nakapaligid na mga county sa Bay Area ng mga kamera para sa kaligtasan ng publiko, na ang ibig sabihin kasalukuyang nahihikayat ang mga kriminal sa San Francisco kung saan alam nilang mas malamang na hindi sila mahuli. 

Labis-labis na ang bigat ng trabaho ng ating mga pulis dahil sa sobra-sobrang papeles, kung kaya’t gumugugol sila ng napakaraming panahon sa kanilang mesa sa pagsusulat ng mga ulat, sa halip na nagpapatrolya at nilalabanan ang krimen. Pahihintulutan ng Prop E ang mga pulis na maging mas mahusay sa pamamagitan ng mga pagbabagong nakabatay sa common sense, tulad ng pagpapahintulot sa nakunan ng body-cam na makatugon sa mga itinatakda sa pag-uulat. 

Naging aktibistang organisasyon na ang Police Commission ng San Francisco, at mas nakatuon na ito sa politikal na mga pahayag sa halip na makabuluhang pagbabalanse ng pangangasiwa at pampublikong kaligtasan. Titiyakin ng Prop E na magagawan ng pagsusuri ng komunidad at mga eksperto ang mga bagong tuntunin ng Komisyon, kung kaya’t mapagtutuunan ng mga pulis ang kanilang trabaho na pagpapanatili sa ating kaligtasan. 

Pinapagana pa ang kriminal na gawain ng kasalukuyang mga patakaran ng San Francsico. 

Tama na. Sobra na.

OO sa Prop E upang maging mas ligtas ang San Francisco.

Superbisor Matt Dorsey

Superbisor Joel Engardio

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Catherine Stefani

1

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG STOP CRIME ACTION (AKSIYON PARA MATIGIL ANG MGA KRIMEN) ANG PROP E

Naapektuhan ng pampublikong kaligtasan ang kalidad ng ating buhay – mula sa turismo hanggang sa pamimili hanggang sa paglalakad sa inyong komunudad. Kung hindi ninyo nararamdaman na ligtas kayo, hindi kayo makakikilos sa inyong araw nang hindi nag-aalala na may mangyayaring masama. 

Ginagawa na ng SFPD ang pinakamahusay nilang makakayanan, pero kailangan nila ng mas maraming tulong. Panahon na upang ibigay sa pulisya ang mga kasangkapang kailangan nila upang malabanan ang pagnanakaw sa mga tindhan, krimen sa ari-arian, at panloloob sa mga sasakyan. 

Tatanggalin ng Prop E, na Safer San Francisco (Mas Ligtas na San Francisco) ang napakaraming pasikot-sikot na pangangailangan na itinakda ng Police Commission (Komisyon ng Pulisya) at pahihintulutan ang commonsense na mga pagbabago na magpapahintulot sa SFPD na ligtas na tumugis ang mga kriminal at gumamit ng mas mahusay ang teknolohiya sa paglutas ng mga krimen.

Habang nakikipaghamok ang departmento dahil sa mga pagreretiro at pagkawala ng mga pulis, kailangan nating mapalabas ang kasalukuyan nating mga pulis sa SFPD mula sa likuran ng kanilang mga mesa at maibalik sila sa ating mga kalye nang nilalaban ang mga krimen. 

Gagawing mas simple ng Prop E, na Safer San Francisco, ang labis-labis na burukratikong mga pangangailangan at pahihintulutan ang mga pulis na gamitin ang kanilang isinusuot sa katawan na mga kamera upang marekord ang impormasyon ukol sa mga insidente, sa halip na puwersahin ang bawat tumutugon na pulis na magsumite ng nakasulat na ulat pagbalik sa estasyon. 

Kailangan nang tumigil ng Police Commission sa napakamabusising pangangasiwa sa ating mga pulis at pahintulutan silang gawin ang kanilang mga trabaho, at nang muling maramdaman ng mga nasa lungsod na ligtas na silang muli. 

Sa Marso 5, BUMOTO NG OO SA E. 

Stop Crime Action

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito:    Committee for a Safer San Francisco (Komite para sa Mas Ligtas na San Francisco) 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association (Asosasyon ng mga Pulis sa San Francisco) PAC.

2

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG MGA PULIS NG SAN FRANCISCO ANG PROP E

Sinusuportahan ang Prop ng mga Pulis ng San Francisco na may dedikasyon sa pagpapantiling ligtas ang ating lungsod. 

Pagkakalooban ng Prop E ang ating mga Pulis ng mga kasangkapan na kailangan nila upang magawa ang kanilang mga trabaho. Gumugugol ng napakaraming panahon ang ating mga pulis sa mga papeles, sa halip na nasa mga kalye at naglilingkod sa mga komunidad na sinumpaan naming poprotektahan. 

Titiyakin ng Prop E na may magagamit na teknolohiyang pang-ika-21 siglo ang ating mga pulis at nang magawa nila ang kanilang mga trabaho. Alam naming gumagamit din ang mga kriminal ng pinakabagong teknolohiya, kung kaya’t dapat may magamit ding ganito ang ating mga pulis. 

Titiyakin ng Prop E na hindi mapipigilan ang Police Department (Departamento ng Pulisya) ng politikal na mga aktibistang hindi interesado sa pampublikong kaligtasan.

Sa pamamagitan ng pagboto sa Prop E, maaaring suportahan ng ating mga residente ang naririnig natin araw-araw – na gusto ng ating mga residente na nasa mga kalye ang ating mga pulis at pinipigilan ang mga krimen at gumagawa ng mga pag-aaresto kapag may nangyayaring krimen. Nakakita na tayo ng pagbabago sa San Francisco, kung saan mas may pagtutuon na sa pampublikong kaligtasan at suporta para sa ating mga pulis sa paggawa ng kanilang mga trabaho. Panatlihin natin na sumusulong ang pag-unlad. 

Mabuti ang Prop E para sa pampublikong kaligtasan ng San Francisco. 

San Francisco Police Officers Association 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

3

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG MATATANDA ANG PROP E

Magmula noong simula ng pandemya, tumaas na ang mga krimen laban sa matatanda at may pakiramdam ang ating mga komunidad na mas hindi na tayo ligtas. 

Araw-araw, may kumakalat sa internet na bidyo na nagpapakita ng bagong marahas na pag-atake, o ng pagnanakaw sa lokal na negosyo.

Sawang-sawa na kami sa pagsaksi sa mga pag-atake at pagnanakaw. Pagod na kami na makita ang ating lokal na mga negosyanteng mawalan ng buong buhay nilang trinabaho. 

Pinakamahalaga rito, kailangan nating tiyakin na makapagbibiyahe ang matatanda nating kapit-bahay at ang mga indibidwal na may kapansanan sa kanilang mga komunidad nang hindi natatakot. 

Iyan ang dahilan kung bakit namin sinusuportahan ang Prop E.

  • Tatanggalin ng Prop E sa pagkakagapos ang mga kamay ng SFPD, at nang sa gayon, ligtas nilang matugis ang mga kriminal na gumagawa ng mga krimeng ito. 
  • Pahihintulutan ng Prop E ang higit na paggamit ng mga kamera at iba pang tekonolohiya na para sa pampublikong kaligtasan, at nang mapigilan ang mga krimen at mahuli sa akto ang mga magnanakaw at kriminal. 
  • Ibabalik ng Prop E ang ating mga pulis sa kalye sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanilang magsumite ng nakunan ng body camera para sa mga ulat ukol sa insidente, sa halip na nakaupo sa mesa at sinasagutan ang paulit-ulit na mga papeles. 
  • Titiyakin ng Prop E na titigil na ang Police Commission sa paglalagay sa ideolohiya bago ang kaligtasan ng komunidad, sa pamamagitan ng pag-uutos na hindi dapat lumampas sa 20% ng kabuuang panahong naka-duty ang pulis ang ginugugol sa administratibong papeles. 

Panaho nang magpadala ng mensahe na hindi na palalampasin pa ang mga krimen. 

BUMOTO NG OO SA E.  

Anni Chung, Presidente at CEO, Self-Help for the Elderly (Pagtulong sa Sarili ng Matatanda)*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

4

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG MALILIIT NA NEGOSYO ANG PROP E

Sinusuportahan ng mga may-ari ng Maliliit na Negosyo ang Prop E. Pagod na kami sa sapilitang pagpasok sa aming mga negosyo at sa paglalagay ng graffiti sa harapan ng aming mga tindahan. Gusto namin na magkaroon ng mas maraming nakikitang pulis sa ating mga komunidad. 

  • Mapalalakad ng Prop E ang mga pulis sa foot patrols (mga nagpapatolya sa paligid na mga pulis) sa ating mga koridor para sa pagnenegosyo, at hindi na sila uupo sa likod ng mesa habang sinasagutan ang walang katapusang bilang ng mga papeles. 
  • Titiyakin ng Prop E na may magagamit ang mga pulis na mga kasangkapan tulad ng kamera para sa pampublikong kaligtasan at nang matugunan ang pagnanakaw sa mga negosyo.
  • Tutulong ang Prop E sa pagpapasara sa mga merkado ng droga na sanhi kung bakit mahirap para sa mga nagpapatakbo ng maliliit na negosyo na magkaloob ng mga trabaho at makapaglingkod sa kanilang mga komunidad. 

Gusto ng mga may-ari ng maliliit na negosyo na maging protektado ang harapan ng aming mga tindahan, gusto naming maramdaman ng aming mga manggagawa na ligtas sila sa pagpunta sa trabaho at pag-uwi, at gusto ng aming mga kostumer na malugod silang tinatanggap sa ating mga komunidad. 

Titiyakin ng Prop E na uunahin ang pampublikong kaligtasan at na mas may proteksiyon ang ating maliliit na negosyo. Mabuti ang Prop E para sa ating maliliit na negosyo at mabuti rin para sa San Francisco. 

Bumoto ng Oo sa Prop E.

San Francisco Council of District Merchants (Konseho ng mga Negosyante sa Distrito ng San Francisco)

Ben Bleiman, SF Bar Owners Alliance (Alyansa ng mga May-ari ng Bar sa SF)

Sharky Laguna, Dating Presidente ng Small Business Commission (Komisyon para sa Maliliit na Negosyo)

Eva Lee, Tagapangulo, Chinatown Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Chinatown)*

Golden Gate Restaurant Association (Asosasyon ng mga Restawran sa Golden Gate)

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

5

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG MGA NEGOSYO SA DOWNTOWN ANG PROP E

Ang San Francsico ay magandang lungsod na humihikayat sa mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo, kapwa para sa pagnenegosyo at pagbabakasyon. Malapit na sa $9 bilyon sa isang taon ang paggasta noong 2023 sa turismo, kung kaya’t nasuportahan ang maliliit na negosyo, mga trabaho, at ang ating ekonomiya sa pangkalahatan. Sinusuportahan ng pondong ito ang mga parke, aklatan, naglilinis ng kalye, at lahat ng serbisyong ipinagkakaloob natin upang mapangalagaan ang mga nangangailangan. Upang patuloy na umunlad ang ating ekonomiya sa turismo, kailangang malaman ng mga tao na ligtas, malinis, at malugod na tumatanggap na lungsod ang San Francisco, 

Ipararamdam ng Prop E kapwa sa mga taga-San Francisco at sa mga bisita na ligtas sila at malugod na tinatanggap sa ating lungsod. Tutulong ang Prop E na matugunan ang pahirap na dulot ng panloloob sa mga sasakyan sa panturismong mga lugar, tulad ng Fisherman’s Wharf at ng Palace of Fine Arts. Bibigyan ng Prop E ang pulisya ng mas maraming kasangkapan upang maprotektahan ang ating mga bisita at hanay ng mga nagtatrabaho na naglilingkod sa ating mga hotel, ating mga restawran, at ating mga tindahan.

Maghahatid ang Prop E ng mensahe sa lahat na sineseryoso ng San Francisco ang kaligtasan at isa itong lungsod kung saan palagi nilang mararamdaman na ligtas sila. Maghahatid ang Prop E ng mensahe sa mga kapulungan na ligtas na lugar tayo para sa pagpaplano nila ng kanilang susunod na mga pagtitipon. Kapag nasa labas tayo at nagrerekrut ng mga negosyo at bisita, makatutulong ito sa atin na maihatid ang mensahe na ang San Francisco ay lungsod na inaasikaso ang kaligtasan. 

Karapat-dapat ang lungsod na world-class na magkaroon ng pampublikong kaligtasan na world-class. Bumoto ng oo sa Prop E.

Hotel Council of San Francisco (Konseho ng mga Hotel ng San Francisco)

Building Owners and Managers Association of San Francisco (Asosasyon ng mga May-ari ng Gusali at Tagapamahala sa San Francisco)

San Francisco Council of District Merchants (Konseho ng mga Negosyante sa Distrito ng San Francisco)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

6

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG MGA INIHALAL NA OPISYAL SA ESTADO AT LOKAL NA GOBYERNO ANG PROP E

Ang San Francisco ay world-class na lungsod na ikinararangal nating matawag na tahanan.  Sama-sama tayong mayroong deka-dekada ng pagseserbisyo na kumakatawan sa lungsod.  Dahil dito, personal tayong nasasaktan kapag nilalait ng pambansang media at mga kritiko ang San Francisco. 

Tulad ng iba pang malalaking lungsod, humaharap tayo sa mga hamon — na lalo pang pinalala ng pandemya. Sa kabila ng mga problemang ito, nananatiling malakas ang kalagayan ng ating lungsod. 

Gumagawa na ng pag-unlad ang San Francisco sa paglaban sa pagnanakaw sa mga tindahan, panloloob sa mga sasakyan, at pagnanakaw. Patuloy na bumababa ang dami ng krimen at nakikipagkolaborasyon na ang mga inihalal na opisyal na nasa bawat antas ng gobyerno sa mga tagapagpatupad ng batas, at nang makatukoy ng bagong mga paraan upang maging mas ligtas ang lungsod. 

Pero hindi tayo dapat sumuko ngayon. Kailangan ng mga pulis ng San Francisco ang lahat ng ating tulong upang maipagpatuloy ang pag-unlad na ito. Iyan ang dahilan kung bakit sinusuportahan namin ang Prop E sa balota sa Marso.

Mapagagamit ng Prop E sa mga pulis ng SFPD ang teknolohiya ng ika-21 siglo upang malabanan at malutas ang mga krimen, at mapapalitan nito ang mga patakaran upang mapahintulutan ang mga pulis na matugis ang mga suspek na gumawa ng mabibigat na krimen at mararahas na magagaang paglabag sa batas. 

Gagamit ang Prop E ng inobatibo at bagong mga paraan upang muling maipadala ang ating mga pulis sa mga kalye at gagawan ng mga reporma ang proseso ng Police Commission sa pag-apruba ng bagong mga polisiya para sa kaligtasan. 

Maging bahagi ng solusyon at samahan kami sa pagboto ng Oo sa Prop E ngayong Marso. 

Senador Scott Wiener

Abugado ng Distrito Brooke Jenkins

Tagatasa Joaquin Torres

Superbisor Matt Dorsey

Superbisor Joel Engardio

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Catherine Stefani

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

7

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

Mahigpit na Sinusuportahan ng mga AAPI na Lider at Organisasyong Pangkomunidad ang Prop E para sa Mas Ligtas na San Francisco

Sinusuportahan ng aming AAPI na komunidad ang masipag na nagtatrabahong mga pulis na ginagawa na ang pinakamahusay nilang magagawa upang maprotektahan ang mga residente at negosyo mula sa mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam at panloloob sa mga tindahan. Gayon pa man, kailangan ng mga pulis ng kakayahan na gumamit ng modernong mga kasangkapan upang mas mahusay tayong maprotektahan at makagugol ng mas maraming oras sa pagpapatrolya sa mga komunidad. 

Pahihintulutan ng Proposisyon E ang pagkakaroon ng mas maraming kamera para sa pampublikong kaligtasan sa mga lugar na mataas ang bilang ng krimen, at titiyakin nito na makakukuha ang pulisya ng footage o nakunan ng kamera sa panahon ding nangyayari ito, at sa gayon, maiwasan ang kriminal na aktibidad, mapigilan ang krimen, at makapagligtas ng mga buhay. Kapag mayroong agarang magagamit na kamera upang marekord ang isinasagawang pagnanakaw, mas malamang na magbunga ito ng pagkakahuli, pagkakaaresto, at pagsasakdal sa mga nagsagawa ng krimen. 

Pahihintulutan ng Prop E ang paggamit ng mga drone upang ligtas na maipahatid ang impormasyon tungkol sa lugar sa real time (panahon mismo na nagaganap) sa pulisya sa mga kaso kung saan tumatakas ang mga nagsagawa ng krimen sa lugar na pinangyarihan ng krimen. 

Ilalabas ng Prop E ang mga pulis mula sa likod ng kanilang mga mesa at sinasagutan ang labis-labis na mga papeles, at ilalagay sila pabalik sa mga kalye, nang nagpapatrolya sa ating mga komunidad at mga koridor ng pagnenegosyo. 

Nakakakita na tayo ng mga pagpapahusay sa kaligtasan ng publiko. Titiyakin ng Prop E na magpapatuloy ang mga pagpapahusay na ito at mararamdaman ng ating mga residente at negosyo na mas ligtas sila at ligtas na talaga sila. 

Vanita Louie, Lider ng AAPI

Brian Quan, Kandidato para sa SF DCCC

Cyn Wang, Komisyoner ng Entertainment*

Marjan Philhour, Kandidato para sa SF DCCC

Mike Chen, Kandidato para sa SF DCCC

Lily Ho, Lider ng AAPI

Jade Tu, Aktibista ng Stop Asian Hate (Itigil ang Pagkasuklam sa mga Asyano)

San Francisco Filipino American Democratic Club (Samahang Demokratiko ng mga Filipino Amerikano ng San Francisco)

Stand with Asian Americans (Tumindig nang Kasama ang mga Asyano Amerikano)

Stand With Asians (Tumindig nang Kasama ang mga Asyano)

Forrest Liu, Aktibista ng Stop Asian Hate (Itigil ang Pagkasuklam sa mga Asyano)

Eva Lee, Tagapangulo, Chinatown Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Chinatown)*

Steven Lee, Lider ng AAPI

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

8

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

OO SA PROP E PARA SA MAS LIGTAS NA MGA KOMUNIDAD 

Nitong nakaraang ilang taon, nasa harapan at sentro na ang papel ng mga tagapagpatupad ng batas. Mahaba pa ang daan na dapat nating tahakin upang muling magkaroon ng pagtitiwala sa pagitan ng komunidad na Aprikano Amerikano at ng pulisya. 

Gayon pa man, ang bagay na hindi na dapat pagtalunan pa ay ang katunayan na kailangan ng ating lipunan ng mas malakas na departamento ng pulisya upang mapanatiling ligtas ang lahat ng ating mga komunidad at residente. 

Nagkakaisa kaming tumitindig sa aming paniniwala na ang Prop E ang susunod na hakbang upang maging mas ligtas na lungsod ang San Francisco para sa lahat. 

Tatanggalin ng Prop E ang labis-labis na mga dapat sagutang papeles upang mas maraming pulis ang makapunta sa mga kalye, kung saan maaari silang magpatrolya sa mga komunidad at makabuo ng mas matitibay na relasyon sa loob ng ating komunidad.

Niyayakap ng Prop E ang bagong teknolohiya upang malabanan ang krimen, at nang makagamit ang mga pulis ng mga kasangkapan ng ika-21 siglo, tulad ng mga kamera para sa pampublikong kaligtasan at iba pang bagong kagamitan upang makagawa ng mga pag-aresto. 

Pahihintulutan ng Prop E ang mga pulis na tugisin ang mga suspek na nagnakaw sa tindahan, nanloob sa sasakyan, at gumawa ng iba pang krimeng batid ng marami at patuloy na nagbibigay ng black-eye o batik sa ating lugnsod.

Higit na pananagutin ng Prop E ang San Francisco Police Commission sa komunidad sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga patakaran at pag-uutos na kailangan munang masuri ang bagong mga polisiya ng pulisya ng komunidad, mga negosyante, at iba pang eksperto na nakaaalam sa mga epekto ng mga polisiya sa totoong mundo. 

Bumoto ng Oo sa Prop E.

Mayor London Breed

Abugado ng Distrito Brooke Jenkins

David Miles Jr., Tagapagtatag, Church of 8 Wheels

Meaghan Mitchell

Reverend Amos Brown

Cedric Akbar, Direktor, Positive Directions Equals Change (Katumbas ng Positibong mga Direksiyon ang Pagbabago)

Bayard Rustin Coalition (Koalisyong Bayard Rustin)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

9

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

Sinusuportahan ng mga Lider ng Komunidad ng LGBTQ ang Prop E

Nitong nakaraang ilang taon, inaatake na ang ating mga lokal na negosyong pag-aari ng LGBTQ, at LGBTQ na mga residente at komunidad. Mga tindahan mang nilolooban sa gabi, bintana ng sasakyan na binabasag sa liwanag ng araw, o ang mapangahas ng pagpasok sa ating mga garahe at tahanan, napagbantaan na ang ating pakiramdam ukol sa kaligtasan. 

Nasa balita kamakailan ang isang panaderya sa Castro dahil nilooban ito sa ikaanim na pagkakataon. Tama na. Sobra na.

Regular kaming nakikipagkita sa departamento ng pulisya at malinaw na kailangan nila ng mas maraming rekurso upang malabanan ang krimen. 

Iyan ang dahilan kung bakit hindi na kailangang pag-isipan pa ang pagboto ng OO sa Prop E. 

Ililibre sa ibang gawain ng Prop E ang mas maraming pulis upang makapagpatrolya sa lungsod.  Paano ito gagawin? Sa pamamagitan ng pagpapakaunti sa labis-labis ang dami na mga papeles na kailangang sagutan ng mga pulis kapag nagsusulat sila ng ulat. 

Bibigyan ng Prop E ang mga pulis ng higit na kalayaan upang ligtas na matugis ang mga suspek kapag nahuli ang mga ito sa akto ng paggawa ng krimen. 

Gagawing moderno ng Prop E ang ating departamento ng pulisya sa pamamagitan ng pagbibigay sa ating mga pulis ng pamamaraang makagamit ng bagong mga teknolohiya. 

At, ipag-uutos ng Prop E sa Police Commission na makipagkita muna sa mga negosyante, lider ng komunidad at eksperto sa pampublikong kaligtasan bago sila gumawa ng mga desisyon na direktang nakaaapekto sa ating kaligtasan. 

Malinaw ang dapat piliin. Bumoto ng OO sa E.

Alice B. Toklas LGBTQ Democratic Club (Alice B. Toklas na Samahang Demokratiko na LGBTQ)

Senador Scott Wiener

Superbisor Matt Dorsey

Superbisor Rafael Mandelman

Komisyoner Cyn Wang

Luis Zamora, Kandidato para sa SF DCCC*

Joe Sangirardi, Kandidato para sa SF DCCC

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

10

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

Ineendoso ng Democrats for Change (Mga Demokrata para sa Pagbabago) ng San Francisco ang Prop E

Bilang mga kandidatong tumatakbo para sa Democratic Central County Committe, nagtatrabaho kami upang mapabalik sa tamang landas ang ating lokal na Democratic Party sa pamamagitan ng pagtataguyod sa mga usaping tulad ng pampublikong kaligtasan na aktuwal na makalulutas sa mga problema ng ating lungsod. 

Sinusuportahan namin ang Prop E dahil napakahalaga ng panukalang-batas na itong magkakaloob sa mga pulis ng mga kasangkapan ng ika-21 siglo na kailangan nila, kasama na ang mga kamera at drone na para sa pampublikong kaligtasan, at nang sa gayon, epektibo nilang magawa ang kanilang trabaho at magawang ligtas ang ating lungsod. 

Humaharap na ang ating lungsod sa kakulangan ng halos 500 pulis, na nakasasagabal sa mga pagsusumikap na mapigilan ang krimen, madakip ang mga gumagawa ng krimen, at malutas ang mga krimen. 

Hindi maaaring nasa lahat ng lugar sa parehong panahon ang mga pulis, lalo na sa sitwasyon na kulang tayo sa mga pulis. Sa pagpapahintulot sa ating mga pulis na gumamit ng mga kamera at drone para sa pampublikong kaligtasan, naiaayon ang San Francisco sa iba pang lungsod sa kabuuan ng Bay Area, California, at sa mundo. 

Pahihintulutan ng Prop E ang paggamit ng commonsense na mga kasangkapan ng ika-21 siglo.  Huli na tayo sa panahon para sa pagbibigay sa pulisya ng mga kasangkapan na kailangan nila upang mapabalik ang ating lungsod sa tamang landas tungo sa Mas Ligtas na San Francisco. 

Samahan ang San Francisco Democrats for Change sa pagsuporta sa Prop E 

Distrito ng Asembleya 19

Marjan Philhour

Michela Alioto-Pier

Sara Barz

Mike Chen

Lanier Coles

Parag Gupta

Brian Quan

Catherine Stefani

Jade Tu

Distrito 17 ng Asembleya

Cedric Akbar

Carrie Elise Barnes

Trevor Chandler

Matt Dorsey

Michael Lai

Laurence Lem Lee

Lily Ho

Peter Lee

Joe Sangirardi

Nancy Tung

Luis Zamora

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

11

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG GROWSF ANG PROP E

Halos nagkakaisa ang lahat ng taga-San Francisco: gusto natin ng mas ligtas na lungsod na may mas epektibong pulisya. Nangangahulugan ito ng Police Department na taglay ang mga kasangkapang kailangan nito upang mas mahusay na makapagtrabaho, nang higit na bukas sa pagsisiyasat at higit na may pananagutan. Iyan ang gagawin ng Prop E. 

Hindi taglay ng SFPD ang kinakailangang mga kasangkapan o polisiya upang matugis ang mga suspek na tumatakas gamit ang sasakyan, pero aayusin ito ng Prop E. Masusundan na ng mga pulis ang ninakaw na mga sasakyan ang at mga suspek na katatapos lamang manloob sa nakaparadang mga kotse, at magkakaroon na sila ng opsiyon na gumamit ng mga drone upang matiyak na hindi makatatakas ang mabibilis na sasakyan. At ngayon, magagamit na ang footage ng bodycam kapag nagsusumite ng mga ulat para sa mga insidenteng gumamit ng dahas.  Magtatakda rin ang Prop E ng prosesong may pananagutan upang makagamit ng footage mula sa panseguridad na kamera, kasama na ang mga live stream (napanonood sa oras mismo na nagaganap) para doon lamang sa pinakamaiigting na sitwasyon. 

Mahalaga na may kasama ang bagong mga kasangkapan at polisiyang ito na wastong pangangasiwa upang matiyak na responsable ang magiging pagkilos ng SFPD. 

Lumikha tayo ng mas ligtas na San Francisco. Bumoto ng oo sa Prop E.

GrowSF

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

12

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

SINUSUPORTAHAN NG TOGETHER SF ACTION (MAGKAKASAMANG AKSIYON SA SF) ANG PROP E

Karapat-dapat ang bawat taga-San Francisco na magkaroon ng ligtas at gumaganang lungsod.  Sa halip na magtuon sa negatibong mga taliba at stereotype o karaniwang pagtingin sa ating lungsod, panahon na upang makilahok at gumanap ng papel sa kinabukasan nito. 

Pagkakalooban ng Prop E ang mga botante ng pagkakataon na maging bahagi ng solusyon at matugunan ang mga hamon sa pampublikong kaligtasan na kinakaharap ng lungsod. 

Kung gusto natin ng mas ligtas na mga kalye, kailangan natin ng mas maraming pulis na nagpapatrolya sa ating mga kalye. Gagamit ang Prop E ng matalinong pamamaraan upang muling mabigyan ng bagong gawain ang mga pulis, at sa gayon nagpapatrolya sila, sa halip na nasa likod ng mesa. 

Kung gusto natin ng mas kaunting panloloob sa mga sasakyan, kailangan ng pulisya ng mas mahuhusay na polisiya upang makagawa ng mga pag-aaresto. Gagawan ng mga reporma ng Prop E ang kasalukuyang mga patakaran upang mapahintulutan ang SFPD na ligtas na matugis ang mga indibidwal na pinagsususpetsahang nakagawa ng mabibigat na krimen at mararahas na malilit na paglabag sa batas, tulad ng pagnanakaw sa tindahan, pagnanakaw ng sasakyan, at panloloob sa sasakyan. 

Kung gusto natin na maging mas mahusay ang mga pulis, kailangan nila ng pinakabago at state-of-the-art o makabago na kasangkapan upang magawa ito. Babaguhin ng Prop E ang polisiya ng lungsod upang mapahintulutan ang mga pulis na gumamit ng mga kamera at drone para sa pagmamanman at nang sa gayon, maiwasan, maimbestigahan, at malutas ang mga krimen.

Kung gusto natin ng mga polisiya ng lungsod na gagawing mas ligtas ang ating mga komunidad, kailangan nating puwersahin ang Police Commission na magtuon sa kung ano ang mahalaga sa karaniwang mga residente. Gagawin iyan ng Prop E.

Bumoto ng Oo sa Prop E.

TogetherSF Action

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

13

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

Mahigpit naming sinusuportahan ang panukalang-batas na ito. Magkakaloob ito sa SFPD ng mga kasangkapang kailangan nito upang mapanatiling ligtas ang publiko, maiayon ang mga polisiya ng SFPD sa napatunayan na sa ibang lungsod na nakapagpapababa sa krimen nang walang hindi naaangkop na paggamit ng dahas, at malilimitahan nito ang kapangyarihan ng hindi inihalal at laban sa pulis na mga burukrata. 

The Briones Society (Organisayong Briones)

Jay Donde

Bill Jackson 

Tom Rapkoch 

David Cuadro 

Jennie Feldman 

Christian Foster 

Martha Ehmann Conte

Chris Lewis 

Jan Diamond 

Jennifer Yan 

Peter Elden 

Jamie Wong 

Page Chamberlain 

Bill Shireman 

Grazia Monares

Josh Wolff 

Nick Berg 

Deah Williams

Jason Clark 

Jeremiah Boehner

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: The Briones Society

14

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

Sinusuportahan ng mga Pamilya sa Westside ang Proposisyon E 

Bilang may pag-aalalang mga residente ng Westside, mahigpit namin kayong hinihikayat na bumoto ng OO sa Prop E. 

Sa loob ng nakaraang ilang taon, hindi na makontrol ang krimen sa Sunset at Richmond. Kulang sa mga kawani ang ating departamento ng pulisya at natatalo sila sa pagmamaniobra ng mga kriminal. Araw-araw nang nagaganap ang panloloob sa mga garahe at pambabasag sa bintana ng mga sasakyan.

Kailangang bigyan natin ang pulisya ng mga kasangkapan na kailangan nila upang makagawa ng mga pag-aresto, mapigil ang mapangahas na pagnanakaw, at magawang ligtas muli ang ating mga komunidad. 

Iyan mismo ang gagawin ng Prop E. Tatanggilin nito ang red-tape o labis-labis na mga patakaran na pinananatili ang mga pulis sa likod ng mesa, sa halip na nagpapatrolya sa ating mga komundiad. 

Pahihintulutan ng Prop E ang mga pulis na tugisin ang mga kriminal kapag nahuli ang mga ito sa akto. 

Gagawing naaayon sa kasalukuyan ng Prop E ang teknolohiya ng departamento upang matiyak na makagagamit ang ating mga pulis ng mga kasangkapan ng ika-21 siglo upang malabanan ang krimen, tulad ng mga kamera at drone para sa pampublikong kaligtasan. 

Nagawa na ng mga aktibistang nasa Police Commission na maging kasukdu-sukdulan ang ating mga polisiya ukol sa pampublikong kaligtasan. 

Kukunin ng Prop E ang ilan sa kanilang pagkontrol at titiyakin na sa halip, gagawin ang mga desisyon matapos muna ang pakikilahok sa mga negosyante, lider ng komunidad, at mga ekspertong tulad ng retiradong mga pulis — mga indibdiwal na nakauunawa sa mga epekto ng mga desisyong ito. 

Upang magawang ligtas ang Westside, simple lamang ang desisyon. 

BUMOTO NG OO SA E. 

Westside Family Democratic Club (Pamilya Westside na Samahang Demokratiko)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Committee for a Safer San Francisco 2024.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Ronald Conway, 2. Chris Larsen, 3. San Francisco Police Officers Association PAC.

15

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon E

OO sa E 

Nalimitahan na ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ang SFPD sa paggamit ng modernong teknolohiyang tulad ng facial recognition o pagkilala sa mukha at mga drone.  Lubhang napakadalas na napipigilan ang mga pulis ng hindi naman kinakailangan na mga papeles. Maghahatid ang Proposisyon E ng common sense na mga repormang kinakailangan upang mapahintulutan ang SFPD na epektibong magawa ang kanilang mga trabaho at mapahintulutan ang pangangasiwa ng publiko sa Police Commission.

San Francisco Republican Party (Partido Republikano ng San Francisco) 

John Dennis,Tagapangulo; Miyembro ng Lupon ng CAGOP 

Joseph Bleckman, Pangalawang Tagapangulo para sa Espesyal na mga Pagtitipon 

Lisa Remmer, Pangalawang Tagapangulo para sa Politikal na mga Usapin 

Yvette Corkrean, Pangalawang Tagapangulo para sa mga Boluntaryong mga Aktibidad; Inendoso ng SFGOP at CAGOP

Kandidato para sa Senado 11 ng CA 

Howard Epstein, Pangalawang Tagapangulo para sa Pakikipagkomunikasyon 

Rodney Leong, Pangalawang Tagapangulo para sa Digital na Pakikipagkomunikasyon 

Jacob Spangler, Ehekutibong Direktor 

Bruce Lou, Inendosong Kandidato ng SFGOP at CAGOP para sa Kongresyonal 11 ng U.S.

Jason Clark, Miyembro ng Lupon ng CAGOP

SFGOP.org

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Republican Party.

1

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon E

Noong huling pagkakataon na inilagay sa balota ang tanong ukol sa paggamit ng pulisya ng dahas, ang sabi ni Mayor Breed: “May mga pag-aalala ako sa paglalagay sa gayong uri ng mga polisiya sa kahon para sa mga balota.” Gayon pa man, mukhang dinala siya ng panahon ng eleksyon tungo sa pag-iwan sa mga pag-aalalang ito. Parehong mailalagay sa panganib ang publiko at ang mga pulis ng mabilisang isinulat na panukalang-batas ni Mayor Breed.  

Maaaring maging usapin ng buhay at kamatayan ang pagtugis sa mga sasakyan. Nitong taon na ito lamang, maraming inosenteng nanonood lamang ng nagaganap ang namatay o malubhang napinsala ng pagtugis ng pulis sa mga sasakyan. Ang kasalukuyang polisiya ng SFPD sa pagtugis sa mga sasakyan, na isinabatas 10 taon na ang nakararaan ay sinulat ng departamento ng pulisya, at itinaguyod ng dating Hepe Greg Suhr. Nirerepaso na ng Police Commission ang datos at nakikipag-usap na ito sa stakeholders o may interes sa usapin — kasama na ang mga pulis — upang masuri kung may mga pamamaraan upang maparami ang madarakip na tumatakas na kriminal habang pinoprotektahan ang publiko sa nakapaloob nang mga panganib ng pagtugis kung saan napakabibilis ng mga sasakyan. Kaiba rito, ang hindi mahusay ang pagkakalahad na panukalang-batas ni Mayor Breed, ay isinulat nang walang opinyon ang mga pulis, ang publiko, at wala ring pagkonsulta sa datos, at nakalantad ito. Nagpapasok ito ng malabo at walang depinisyon na wika na lilikha ng pagkalito sa mga pulis at maglalagay sa panganib sa publiko, nang wala namang ginagawa upang higit na magkaroon ng kaligtasan ang publiko.  Napakahalaga ng usaping ito upang magamit bilang politikal na tuntungang-bato para sa muling paghahalal sa Mayor. Samahan kami at ang dating mga Komisyoner ng Pulisya Petra DeJesus, Bill Hing, at Angela Chan sa pagtutol sa panukalang-batas na ito. Hinihikayat namin kayong bumoto ng hindi.

Cindy Elias, Presidente ng Police Commission* 

Max Carter-Oberstone, Bise Presidente ng Police Commission*

Kevin Benedicto, Komisyoner ng Pulisya*

Jesus Yañez, Komisyoner ng Pulisya*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Kevin Benedicto, Max Carter-Oberstone, Cindy Elias.

2

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon E

Ang Bar Association of San Francisco (Asosasyon ng mga Abugado ng San Francisco) ang pinakamalaking legal na organisasyon sa Hilagang California. Kinakatawan ng aming mga abugado ang hindi mabilang na mga negosyo at mamamayan ng San Francisco.  

Naniniwala kami sa matibay at maliksing pulisya at malalim ang aming pagmamalasakit ukol sa kaligtasan ng publiko. Gayon pa man, isinasapanganib ng Proposisyon E ang pampublikong kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapataw ng malalawak na pangkalahatang patakaran ukol sa komplikado at may pagkakaiba-ibang mga operasyon ng pulisya at salungat ang mga ito sa mga rekomendasyon ng Department of Justice (Departamento ng Hustisya) na itinatakdang sundin ng Lungsod. 

BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON dahil: 

Komplikado ang pagpupulis. Ayon sa isinaad ni Hepe Scott noong 2018:  “... hindi pambansa na pinakamahusay na gawain ang magpahayag ng mga polisiya sa mga operasyon ng pulisya ... batay sa mayorya ng mga botante... Ang responsibilidad na ito ng pagtatakda at paggawa ng mga pagbabago sa mga polisiya at ang responsibilidad na pamahalaan ang mga operasyon ng Departamento ay dapat nasa mga kamay ng Police Commission ang una at ng Hepe ng Pulisya ang huli. Sumang-ayon kami rito noon at sumasang-ayon ngayon. 

Ginagawa nitong mas hindi ligtas ang San Francisco. Pahihintulutan ng Proposisyon E ang pulisya na tumugis nang gumagamit ng sasakyan ang sinumang pinagsususpetsahan na gumawa ng “mabigat na krimen o marahas na maliit na paglabag sa batas,” kung kaya’t babaguhin nito ang iginagalang na polisiya na itinakda noong 2013. Inirerekomenda ng DOJ ng US na dapat magkaroon ng mga restriksiyon sa mga pagtugis gamit ang sasakyan. Ito ay dahil lubhang mapanganib ang pagtugis kung saan mabibilis ang mga sasakyan sa Lungsod na siksik ang populasyon at hahantong ito sa mga pagkamatay at pinsala sa inosentong mga nanonood lamang sa gilid. Sinusuportahan namin ang iba pang kasangkapan na mas ligtas (tulad ng mga drone at GPS launcher) upang makatulong sa SFPD. 

Lilikha ito ng hindi kinakailangan at malaki ang gastos na mga kaso sa hukuman. Isasapanganib ng Proposisyon E ang itinatakda ng batas na pagpapatupad ng 272 Rekomendasyon ng DOJ sa pagpupulis sa San Francisco at lalabagin nito ang ating MOU sa DOJ. 

Hindi ito makatutulong sa mga pulis. Lilimitahan ng Proposisyon E ang sariling kakayahan ng mga pulis na gawan ng dokumentasyon ang kanilang paggamit ng dahas at lalabagin nito ang Rekomendasyon ng US DOJ na magkaroon ng mas maraming dokumentasyon. 

Lilikha ito ng kalabisang pag-uulit. Lilikha ang Proposisyon E ng kalabisang pag-uulit sa mga patakaran ukol sa pagsangkot sa komunidad, na itinatakda na alinsunod sa mga rekomendasyon ng US DOJ.

BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON E.

Ang Bar Association of San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Bar Association of San Francisco.

3

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon E

Ang huling bagay na kailangan natin ay mas kaunting pangangasiwa sa pulisya. 

Nagawa nang moderno at naging mas mahusay na ang SFPD nang dahil sa pangangasiwa  Malayo na ang narating ng SFPD pero mayroon pa ring malalaking pagkakaiba sa paggamit ng dahas at mahabang kasaysayan ng diskriminasyon. 

Ang mga Aprikano Amerikano, mga indibidwal na may kapansanan, at mga indibidwal na walang tahanan ang pinakanagdurusa nang dahil dito. 

Gagawing mas malala ng panukalang-batas na ito ang ganitong mga agwat sa pamamagitan ng pagpapahina sa mga pagsusumikap na subaybayan ang pag-asal ng mga pulis at nang matiyak na hindi sila nagsasagawa ng racial profiling o pagtukoy batay sa lahi, at hindi tinatarget ang espesipikong mga komunidad. Hindi lamang ito dahil hahantong ito sa mga kaso sa hukuman na gagastusan ng lungsod ng milyon-milyong napakahahalagang dolyar. 

Bumoto ng Hindi sa E 

Coalition on Homelessness (Koalisyon sa Kawalan ng Tahanan), San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Coalition on Homelessness.

4

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon E

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon E, ang panukalang-batas na yuyurakan ang mga karapatang sibil, magsasapanganib sa mga komunidad na isinasantabi, at pahihintulutan ang mga pulis na magmanman sa mga taga-San Francisco nang walang pananagutan. 

Gagawing paurong ng Prop E ang napakahalagang pangangasiwa sa paggamit ng pulisya ng teknolohiya sa pagmamanman. Hahayaan nitong gumamit ang pulisya ng anumang bagong teknolohiya sa pagmamanman sa loob ng isang buong taon nang walang pananagutan at nang hindi bukas sa pagsisiyasat, at nang hindi sinusuri ang mga epekto sa mga karapatang sibil, at nang walang ebidensiya kung gumagana man lamang ang teknolohiya. Maaaring bigyan ng panukalang-batas ang pulisya ng isang buong taon na blangkong tseke upang manmanan ang datos ukol sa lokasyon na nasa cellpohone, pagpasyahan ang stratehiya sa pagpupulis batay sa mali at rasistang mga algorithm, o maglagay ng bagong mga anyo ng magmamanman gamit ang bidyo o audio sa inyong komunidad. Sa ilalim ng proposisyong ito, magiging kaunti ang kakayahan ng mga residente at inihalal na opisyal ng San Francisco na iwasan — o malaman man lamang — ang tungkol sa paggamit ng bago at nakapipinsalang teknolohiya sa loob ng isang buong taon. 

Pahihinain ng Prop ang makasaysayang 2019 Surveillance Technology Ordinance (Ordinansa ukol sa Pagmamanman Gamit ang Teknolohiya) ng San Francisco, na nagbigay sa mga residente ng kinakailangang boses. Sa kasalukuyan, kailangang humingi ng pag-apruba ang mga ahensiya ng lungsod, kasama na ang departamento ng pulisya mula sa demokratikong inihahalal na Board of Supervisors bago kumuha o gumamit ng mga bagong teknolohiya sa pagmamanman. Kailangan ding maglabas ng ulat ang mga ahensiya sa publiko na eksaktong naglalarawan kung paano paano gagamitin ang mga ito. Nagtataguyod ito ng kabukasan sa pagsisiyasat at nagtitiyak na may opinyon ang mga indibidwal sa pagprotekta sa pagiging pribado ng impormasyon at sa mga karapatang sibil ng ating komunidad. HINDI nito pinipigilan ang mga pulis sa paggamit ng bagong teknolohiya. Kailangan lamang nilang sumunod sa makatwiran at demokratikong proseso upang maisagawa ito. 

Kukunan ng Prop E ng kapangyarihan ang publiko at tatanggalin ang kritikal na pangangasiwa. Bibigyan nito ang pulisya ng sariling awtoridad kung kailan, saan, at kung paano gagamit ng bago at nakapanghihimasok na mga teknolohiya sa pagmamanman para sa isang buong taon.

Maaaring makatulong ang teknolohiya sa mga pulis sa paggawa ng kanilang trabaho, pero kailangang may kasama itong pagpapanagot at dapat bukas ito sa pagsisiyasat. Huwag nating hayaan ang pulisya na gamitin ang ating lungsod bilang eksperimento. 

Bumoto ng HINDI sa Prop E.

Electronic Frontier Foundation

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Electronic Frontier Foundation.