Mga Hakbang sa Pagmarka sa Lahat na Uri ng mga Labanan
- Bago ninyo markahan ang anumang labanan, mangyaring suriin ang mga naka-print na instruksiyon sa bawat isang kard ng balota.
- Upang matiyak na mababasa ang mga napili, gumamit ng panulat na may itim o asul na tinta.
- Punan ang (mga) oval na nasa kanan ng inyong (mga) napili para isaad ang inyong mga napasya.
- Kung ayaw ninyo bumoto sa isang labanan o panukala, iwanan ito ng blangko. Mabibilang parin ang iba ninyong mga boto.
- Para bumoto sa kuwalipikadong isinulat-lamang na kandidato*, isulat ang pangalan ng kandidato sa ilalim ng puwang ng listahan ng kandidato at punan ang oval.
Mga Hakbang sa Pagmarka sa mga Ranked-Choice Voting na Labanan
Sa mga labanan ng ranked-choice na pagboto, lalabas ang mga kandidato sa kaliwang kolum ng grid at lalabas ang mga nakanumerong ranggo sa pinakamataas na hilera.
- Para sunud-sunod i-ranggo ang mga kandidato ayon sa inyong kagustuhan, punan ang mga oval mula kaliwa hanggang kanan, na ipinapakita sa larawan 1.
- Markahan ang unang kolum para sa inyong unang napiling kandidato.
- Markahan ang pangalawang kolum para sa inyong pangalawang napiling kandidato.
- Markahan ang pangatlong kolum para sa inyong pangatlong napiling kandidato, at ipatuloy ito para sa iba.
- Maaari kayong magranggo ng kahit ilang kandidato na hindi lalampas ng 10.
- Maaari ninyong iwanan ng blangko ang mga kolum kapag hindi ninyo gusto i-ranggo ang ibang kandidato o kapag mas kaunti sa tatlong kandidato ang tumatakbo para sa isang katungkulan.
- Huwag punan ng higit sa isang oval para sa bawat isang kolum, tulad ng ipinapakita sa larawan 2. Hindi mabibilang ang iyong boto kung naglagay kayo ng kaparehas na ranggo sa maraming mga kandidato.
- Huwag i-ranggo ang kaparehas na kandidato nang ilang beses, tulad ng ipinakita sa larawan 3. Mabibilang lamang ang iyong unang ranggo para sa kandidato na iyon.
- Para bumoto sa kuwalipikadong isinulat-lamang na kandidato*, isulat ang pangalan ng kandidato sa puwang na nasa ilalim ng listahan ng kandidato at punan ang oval para sa ranggo.
*Ang isang kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato ay isang tao na nakapagpasa ng kinakailangan na dokumentasyon upang makatakbo sa katungkulan pagkatapos nalimbag ang mga balota. Magkakaroon ng listahan ng mga kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato sa sfelections.gov/writein at sa Sentro ng Botohan sa City Hall sa simula ng Oktubre 25 at sa lahat na mga ibang lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 5.