ANO ANG BOND FINANCING (PAMUMUHUNAN SA PAMAMAGITAN NG MGA BOND)?

Ang bond financing ay isang uri ng pangmatagalang-panahon na pangungutang na ginagamit para makalikom ng pera para sa mga capital project (mga proyektong pangmatagalan na nakatuon sa mga ari-arian) tulad ng mga estasyon ng mga bumbero at pulis, programa ng abot-kayang pabahay, ospital, aklatan, parke, at iba pang pasilidad ng lungsod. Tumatanggap ng pera ang Lungsod sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bond sa mga investor o namumuhunan. At sa paglipas ng panahon, binabayaran ng Lungsod ang mga investor ng orihinal na halaga na hiniram kasama ang tubo. Dahil nagpapahusay ang mga capital project sa publiko na tatagal na maraming taon, pinahihintulutan ng bond financing ang Lungsod at mga na babayad ng buwis na mabayaran ang benepisyo na iyon sa kapaki-pakinabang na buhay ng kapital na pagpapahusay, sa halip na kinakailangan bayaran nang isang bagsakan ang malalaking dolyar na gastos. 

Mga Uri ng Bond

Mayroong dalawang pangunahing uri ng bond – General Obligation at Revenue.

General Obligation Bond (Bond para sa Pangkalahatang Obligasyon) 

General Obligation Bond (Bond para sa Pangkalahatang Obligasyon) na inilabas ng Lungsod ay dapat aprubahan ng mga botante. Naglalabas ang Lungsod ng mga general obligation bond bilang pambayad sa mga proyektong nakabubuti sa mga mamamayan ng Lungsod. Kapag naaprubahan at napagbili ang mga general obligation bond, mga buwis sa ari-arian ang ipinambabayad sa mga ito.

Revenue Bond (Bond na Kumikita) 

Revenue Bond (Bond na Kumikita) ay ginagamit na pambayad sa mga capital project tulad ng mahahalagang pagpapahusay sa isang paliparan, sistema ng patubig, garahe o iba pang malalaking pasilidad na kumikita na maaaring mapangako sa pagbayad ng serbisyo ng utang. Kapag naaprubahan at naipagbili ang mga revenue bond, ang mga ipinambabayad sa mga ito ay karaniwang mula sa mga kinita ng mga proyektong pinamuhunan ng bond (hal. mga singil sa paggamit o singil sa paradahan). Ayon sa Tsarter ng Lungsod, dapat aprubahan ang mga revenue bond ng Lungsod ng boto ng mayorya, at napapasailalim sa ilang pagbubukod. Halimbawa, ng mga revenue bond na inilabas upang matustusan ang mga pamumuhunang proyekto ng MTA, SFPUC, Daungan o Paliparan na tanging natutubusan lamang ng mga kita ng bawat departamento, at hindi napapasailalim sa pag-apruba ng botante.

 

MAGKANO ANG NAGAGASTA SA PAG-UTANG?

Nakabatay ang gastos ng Lungsod sa pag-utang ng pera sa kabuuang halagang inutang, halaga ng tubo sa utang, at bilang ng mga taon kung kailan mababayaran ang utang. Karaniwang binabayaran ang mga utang ng Lungsod sa loob ng 20 hanggang 30 taon. Ipagpalagay nang ang karaniwang halaga ng tubo ay 6%, ang magagasta para mabayaran ang utang sa loob ng 20 taon ay humigit-kumulang na $1.74 para sa bawat dolyar na inutang — $1 para sa halagang inutang at 74 sentimos para sa tubo. Gayon pa man, unti-unti ang pagbabayad nito sa loob ng 20 taon. Kung gayon, pinabababa ng inflation ang tunay na gastos ng pangungutang dahil mas murang dolyar ang gagamiting pambayad sa hinaharap. Ipagpalagay nang ang taunang halaga ng inflation ay 4%, ang magagasta para mabayaran ang utang sa dolyar ngayon ay humigit-kumulang na $1.18 para sa bawat $1 na inutang.

 

ANG KASALUKUYANG SITWASYON NG PAGKAKAUTANG NG LUNGSOD

Mga Bayad sa Utang

Sa piskal na taong 2023–2024, magbabayad ang mga nagbabayad ng buwis sa mga ari-arian sa Lungsod ng humigit-kumulang na $646 na milyon upang bayaran ang prinsipal at tubo sa mga natitirang general obligation bonds (utang na bond para sa pangkalahatang obligasyon) ng Lungsod at ng iba pang mga naglalabas ng general obligation bond debt—ang mga ito ang Bay Area Rapid Transit District (BART), San Francisco Community College District (SFCCD), at ang San Francisco Unified School District (SFUSD). Ang netong halaga ng buwis sa ari-arian para sa taon upang makasunod sa mga itinatakda para sa utang ay 17.77 sentimo kada $100 ng natasang halaga, o tinatayang $1,231 sa bahay na natasang $700,000, na sumasalamin sa eksempsiyong $7,000 ng may-ari ng bahay.

Legal na Limitasyon sa Pag-utang

Ipinag-uutos ng Tsarter ng Lungsod na magkaroon ng limitasyon sa halaga ng mga general obligation bond na hindi pa nababayaran ng Lungsod sa anumang takdang panahon. Ang limitasyong ito ay 3% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian sa Lungsod — o sa kasalukuyan, humigit-kumulang na $10.6 bilyon—at ang mga botante ang nagbibigay sa Lungsod ng awtorisasyon na maglabas ng mga bond. Itinuturing ang mga bond na nailabas na at hindi pa nababayaran na hindi pa bayad. Noong Hunyo 30, 2024, mayroong $2.2 bilyon na hindi pa bayad na mga general obligation bond, na katumbas ng 0.6% ng natasang halaga ng mga nabubuwisang ari-arian ng Lungsod para sa piskal na taon ng 2024–25. Mayroon pang karagdagang $1.6 bilyon na mga bond na nabigyan na ng awtorisasyon ngunit hindi pa inilalabas. Kung inilabas ang mga bond na ito at hindi pa nababayaran, ang pasaning kabuuang halaga ng utang ay 1.1% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian.

Hindi nakadaragdag sa halaga ng pasaning utang ng Lungsod ang mga bond na inilabas ng BART, SFCCD, at SFUSD bilang layon sa mga limitasyong itinatakda ng Tsarter. Gayunpaman, ang mga bond na ito ay binabayaran mula sa parehong batayan ng buwis sa ari-arian tulad ng mga general obligation bond ng Lungsod. Bahagi ng kasalukuyang patakaran ng Lungsod sa pamamahala ng utang ang pagpapanatili sa halaga ng buwis sa ari-arian mula sa mga general obligation bond ng Lungsod, na mas mababa sa halaga nito noong 2006, sa pamamagitan ng paglalabas ng mga bagong bond habang iniuurong na sa sirkulasyon ang mga luma, at tumataas ang batayang buwis, bagamat posibleng magbago-bago ang pangkalahatang halaga ng buwis sa ari-arian batay sa iba pang factors o salik. Ipinatutupad ang polisiyang ito sa mga bond ng Lungsod at ng County pero hindi sa iba pang gobyerno, tulad ng BART, SFCCD, at SFUSD.

Matipid na Pamamahala ng Utang

Kahit na alinsunod sa legal na limitasyon para sa mga utang ang ginawang pagpapalabas ng Lungsod sa mga general obligation bond, mayroon pang ibang paghahambing sa utang na ginagamit ang bond rating agencies (mga ahensiyang nag-uuri ng bond) kapag tinitingnan nila ang kalusugan sa pinansiya ng Lungsod. Halimbawa, inilalarawan ng Standard & Poor’s (S&P) ang “overall net debt ratio (pangkalahatang proporsyon ng netong utang)” sa pagkalkula sa kabuuan ng direct debt (kabuuang halaga ng mga general obligation bond) at ng overlapping debt (magkapatong na utang)—utang na binigay ng ibang lokal na ahensiya na namumuhunan sa pinagkukunan ng buwis ng Lungsod bilang porsiyento ng natasang ng Lungsod. Isinasaad ng S&P na ang proporsiyon na higit sa 10% ay magkakaroon ng negatibong epekto sa bond rating ng lungsod at ang score na mas mababa sa 3% ay magkakaroon ng positibong epekto sa bond rating ng lungsod. Mula noong Spring (Tagsibol) 2024, ang overall net debt ratio ng Lungsod ay humigit-kumulang sa 2.5%. Bagamat nakapaloob ang ratio na ito sa mga katulad na pamantayan, kailangang patuloy na magtakda ang Lungsod ng mga prayoridad para sa paglalabas ng mga utang sa hinaharap, at nang patuloy na mapanatili ang magagandang credit rating, na pananda ng mabuting kalusugan sa pananalapi.

 

PANGANGASIWA NG MAMAMAYAN SA MGA GENERAL OBLIGATION BOND

Kailangang aprubahan ng mga botante ang layunin at ang halaga ng perang uutangin sa pamamagitan ng mga bond. Ang perang galing sa bond ay maaaring gastusin para sa mga layunin lamang na inaprubahan ng mga botante.

Para sa mga general obligation bond na ipinalalabas ng Lungsod at County ng San Francisco, sinusuri at iniuulat ng Citizens’ General Obligation Bond Oversight Committee (Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng General Obligation Bond) kung paano ginagasta ang perang galing sa bond. Ang siyam na miyembro ng Komite ay hinihirang ng Mayor, Lupon ng mga Superbisor, Controller (Tagapamahala ng Pinansiya), at Civil Grand Jury (Pinakamataas na Hukumang Sibil). Kapag natuklasan ng Komite na ginasta ang perang galing sa bond para sa mga layuning hindi pinagtibay ng mga botante, maaaring mag-utos ang Komite ng aksiyon ng pagwawasto at ipagbawal ang pagbebenta ng anumang awtorisado ngunit hindi pa ipinalalabas na mga bond, hanggang sa maisagawa ang natukoy na aksiyon. Maaaring ipawalang-bisa ng Lupon ng mga Superbisor ang mga desisyon ng komite sa pamamagitan ng two-thirds na boto. Maaaring i-audit ng Controller ang anumang pinagkagastusan ng Lungsod ng perang galing sa bond.

Inihanda ni Greg Wagner, Controller (Tagapamahala ng Pinansiya)