Hindi nagsusumite ang lahat ng kandidato ng pahayag ng mga kuwalipikasyon. Makikita ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa halimbawang balota. Kusang-loob na ibinigay ng mga kandidato ang mga pahayag at hindi isiniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga pahayag gaya ng isinumite. Hindi iwinasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin ito sa pinakamalapit, hangga't maaari, na orihinal na teksto.

Candidates

Ang aking trabaho ay Bise Presidente, Lupon ng mga Paaralan.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Edukador ako ng San Francisco School District (Distritong Pampaaralan ng San Francisco) at nagturo ako ng social studies (araling panlipunan) sa mataas na paaralan sa loob ng 10 taon bago ako naglingkod bilang punong-guro ng June Jordan School for Equity sa loob ng 10 taon.

Ako lamang ang tumatakbong indibidwal na inilaan ang kanyang propesyonal na buhay sa pagtuturo at edukasyon.

Nasa akin ang suporta ng libo-libong magulang, guro, at edukador dahil ang pananagutan ko lamang ay ang pagpapabuti sa ating mga paaralan para sa lahat ng estudyante at pamilya, at hindi ko gagamitin ang lupon bilang tuntungang-bato para sa politikal na katungkulan.

Ako ang unang kandidato na inendoso ng ating Teachers’ Union (Unyon ng mga Guro), at ikinararangal ko ang suporta ng mga edukador sa kabuuan ng ating lungsod na gustong magpanatili ng may karanasan at epektibong lider sa lupon na nauunawaan ang mahahalagang detalye ukol sa sitwasyon ng distrito.

Kasama sa mga halimbawa ng mga taga-suportang ito ang/sina:

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)

Mark Sanchez, Guro sa Paaralang Elementarya, dating Presidente ng SF School Board (Lupon ng mga Paaralan ng SF)

Brian Delapena, Guro sa Matematika, Lincoln High School

Roque Baron, Presidente ng Latín American Teachers Association (Asosasyon ng Mga Gurong Latino Amerikano)

Tina Leung, Speech Pathologist (Espesyalista sa Pananalita), Gordon J. Lau Elementary School

Nick Chandler, Social Worker (Manggagawang Panlipunan), Buena Vista Horace Mann School

Chun Li, Family Liaison (Tagapag-ugnay ng mga Pamilya), Martin Luther King Jr. Middle School

Diana Momiye Mueller, Paraedukador, Burton High School

Karina Cervantes, Tagapag-ugnay ng mga Pamilya, Sanchez Elementary School

Darren Kawaii, Principal (Punong-guro), Rooftop K-8 School

Maya Baker, Punong-guro, Visitacion Valley Middle School

Amanda Chui, Punong-guro, June Jordan High School

Ben Wong, Executive Director (Ehekutibong Direktor), Wah Mei Preschool

Diane Gray, Ehekutibong Direktor, 100% College Prep

Dawn Stueckle, Ehekutibong Direktor, Sunset Youth Services (Mga Serbisyo sa Kabataan sa Sunset)

Alysse Castro, Superintendent of Schools (Superintendente ng mga Paaralan) ng Alameda County

Matt Alexander 

www.mattalexandersf.org

Ang aking trabaho ay Punong Tagapangasiwang Opisyal.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Mahalaga ang karanasan sa School Board (Lupon ng Paaralan), at magdadala ako ng 35 taon ng karanasan sa may kolaborasyong paglutas ng mga problema at pagtupad sa mga gawain. Ito ang ginagawa ko araw-araw bilang CEO (Punong Tagapangasiwang Opisyal) ng kompanya para sa pangangalaga ng kalusugan sa SF na may 500+ empleyado. Hindi na iba sa akin ang pamamahala sa badyet na $1B. Sa katunayan, nakapagtrabaho na ako para sa mga kompanyang Fortune 100 (pinakamalalaking kompanya ayon sa magasing Fortune) sa anim na kontinente (nakapagsasalita ng Ingles, Pranses, Tsino), napamunuan ang mga rehiyon at negosyo, at nakipagkolaborasyon sa lahat ng uri ng pangkat upang makatamo ng mga resulta sa pinansiya at mga operasyon. Dahil ilang beses na akong naging CEO, mayroon na akong natatanging kakayahan na muling patakbuhin ang mga negosyo, na siyang kailangan kung ipagpapalagay ang krisis sa pinansiya ng SFUSD. Alam ko kung paano mapalalaki ang kita kasabay ng pagbabawas sa mga gastos. Mahigpit ang aking paniniwala sa edukasyon bilang ina at bilang produkto mismo ng pampublikong mga paaralan. Mayroon akong dalawang bachelor’s degree mula sa Penn, dalawang master’s mula sa MIT at Johns Hopkins, at doktorado mula sa Johns Hopkins. Kailangan ng Lupon ng karanasang dala ko upang mapaunlad ang ating mga paaralan, hindi isara ang mga ito, at ibalik ang mga pamilya sa pampublikong mga paaralan, pati na rin ang pagtutulak ng mas malakas na kurikulum sa pamamagitan ng pagbabalik ng batayang mga asignatura: matematika, siyensiya, mga wika, at mga sining. Samahan ako upang magawang karapatan ang mabuting edukasyon para sa ating mga anak.

Min Chang

Ang aking trabaho ay Edukador sa Non Profit / Ina.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Sa aking unang araw sa paaralan, mag-isa akong takot na naghintay sa sakayan ng bus. Hindi ako nakapagsasalita ng Ingles noon. Wala akong kilala.

Naging mahirap ang aking pagtatransisyon sa pampublikong paaralan. Sa kabutihang palad, nagkaroon ako ng kamangha-manghang guro sa Kindergarten na gumiya sa akin tungo sa landas upang maging unang indibidwal sa aking pamilya na nakapagtapos ng kolehiyo.

Gusto kong magkaroon ng gayon ding panghihikayat sa lahat ng bata sa San Francisco - walang sinuman ang dapat umasa sa suwerte upang makakuha ng tulong.

Kailangang magbigay tayo ng prayoridad sa maagang interbensiyon, magkaloob ng suporta sa mga guro, lumaban para sa katarungan sa pagkakapantay-pantay, magpanumbalik ng pananagutan sa pinansiya, at ihanda ang mga estudyante para sa habambuhay na tagumpay.

Sa loob ng 7 taon, pinamahalaan ko ang mga pagsusumikap para sa polisiya at pag-aadbokasiya sa Wu Yee Children’s Services (Mga Serbisyo para sa mga Bata ng Wu Yee), kung saan nagtrabaho ako upang makapagpasok ng mga reporma na makatutulong sa mga bata at pamilya sa San Francisco.

Ngunit pinakamahalaga rito, isa akong walang asawang ina ng batang nasa ika-3 grado.

Karapat-dapat ang bawat bata na magkaroon ng pamamaraan na makakuha ng maagang interbensiyon, mahuhusay na paaralan, at pagkakataong magtagumpay. Magtatrabaho ako upang maging realidad ito.

Sinusuportahan ako ng/nina:

Harvey Milk LGBT Democratic Club (Harvey Milk LGBT na Samahang Demokratiko)

Phil Ting, Miyembro ng Asembleya

London Breed, Mayor 

Aaron Peskin, Superbisor

Rafael Mandelman, Superbisor

Shamann Walton, Superbisor

Ahsha Safaí, Superbisor

Jenny Lam, School Board (Lupon ng Paaralan)

Mark Sanchez, Lupon ng Paaralan

Alan Wong, Presidente, CCSF Board of Trustees (Lupon ng mga Katiwala ng CCSF)

Norman Yee, Dating Presidente, Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ng SF

Sandra Lee Fewer, Dating Superbisor

Gordon Mar, Dating Superbisor

Eric Mar, Dating Superbisor

Emily Murase, PhD, Dating Lupon ng Paaralan

www.virginiacheung.com

Virginia Cheung

Ang aking trabaho ay Inhinyero at Edukador.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Mayroon akong bachelor’s degree sa pagiging inhinyero at master’s degree sa edukasyon, at nagmay-ari ako at nagpatakbo ng paaralan sa Belmont, CA sa loob ng walong taon. Nagsasalita ako ng Ingles, Hapones, at Griyego. Bukod sa aking karanasan sa sektor ng edukasyon, nakapagtrabaho na ako bilang inhinyero sa industriyang automotive sa Japan at Hilagang Amerika, at nakapagtrabaho rin sa pagbebenta, pagmamarket, at pagpapaunlad ng negosyo sa Silicon Valley, kung saan pinangasiwaan ko ang milyon-milyong dolyar na account para sa mga kompanyang Fortune 100 (pinakamalalaking kompanya ayon sa magasing Fortune). Dahil dito, nasa natatanging posisyon ako kung saan naiintindihan ko kung paano magkakaroon ng mga kakayahan upang maging matagumpay sa pinagtatrabahuhan, at kung paano ituturo ang mga kakayahang ito sa mga bata. Naiintindihan ko kung paano babalansehin ang malalaki at komplikadong badyet, babayaran ang mga kawani, mag-eempleyo at magsasanay ng mga kawani, bubuo at magpapahusay ng mga plano ng leksiyon at kurikulum, at epektibong makikipagkomunikasyon sa mga gagamit at stakeholders o mga may interes, tulad ng mga kostumer, magulang, guro, at estudyante. Ikinatutuwa ko ang ginagawa ko at inaako ang responsibilidad para sa aking mga aksiyon at ang resultang ibinubunga ng mga ito, pagtugon man ito sa hinihiling na presyo at iskedyul ng mga kostumer na bumibili ng mga bahagi ng laptop o smartphone, pagbabayad sa tamang panahon sa mga kawani, o pagtitiyak na naririnig ang boses ng mga magulang at estudyante anuman ang kanilang edad at antas ng karanasan at natutugunan ang kanilang pang-edukasyon na mga tunguhin.

Lefteris Eleftheriou

Ang aking trabaho ay Direktor ng Abot-kayang Pabahay / Magulang.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
May anak akong babae na pumapasok sa ating pampaaralang distrito at napakahalaga sa amin ang edukasyon ng aming mga anak.

Edukasyon ang humubog sa kasaysayan ng aking pamilya. Ang lolo ko ang nagpasimula ng unang kolehiyo para sa kababaihan sa kanyang rehiyon sa India. Gumawa ng paraan ang aking ama sa British na sistemang kolonyal upang makapasok sa prestihiyosong paaralan sa pag-iinhinyero sa India, at ito ang naging daan para makapunta siya sa Amerika. Dumating dito ang aking mga magulang na $200 lamang ang mayroon sila, pero inilagay nila sa unahan ang aking edukasyon at pinalaki ako sa napakahuhusay na pampublikong mga paaralan. Nagtapos ako nang may Masters mula sa Harvard University.

Lumaban ako sa kabuuan ng aking karera upang maiangat ang mga pamilya.

  • Bilang lider sa Mercy Housing (Mercy na Pabahay), na pinakamalaking nonprofit para sa abot-kayang pabahay sa Estados Unidos, nakipaghamok ako upang mapabuti ang libo-libong buhay ng mga bata at nang makapagbigay ng bagong mga pagsisimula.
  • Bilang Tagapangulo ng School Site Council (Konseho ng Paaralan) at miyembro ng District Algebra Workgroup (Nagtatrabahong Pangkat para sa Algebra sa Distrito), nakipagtunggali ako upang mapaghusay ang lahat ng student outcomes (kinahihinatnan ng mga estudyante), kasama na ang mas maliliit na klase, kurikulum na STEM, at karagdagang pagtu-tutor para sa nahihirapang mga mag-aaral.

May malalaking hamon ang SFUSD: kakulangan sa badyet na $421M, pagsasara ng mga paaralan, at pag-ako ng estado sa pangangasiwa nito.

Ako ang pinagkasunduang kandidato na sinusuportahan nina/ng:

  • Speaker Emerita (Tagapagsalitang Panghabampanahon) Nancy Pelosi
  • Tesorero ng Estado Fiona Ma
  • Senador Scott Wiener
  • Miyembro ng Asembleya Matt Haney
  • United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)
  • SF Parent Action (Aksiyon ng mga Magulang sa SF)
  • Mayor London Breed
  • Dating Mayor Mark Farrell
  • Mga Superbisor Matt Dorsey, Joel Engardio, Rafael Mandelman, Myrna Melgar, Connie Chan
  • Komisyoner ng Board of Education (Lupon sa Edukasyon) Jenny Lam
  • Dating Tagapangulo ng Democratic Party (Partido Demokratiko) Honey Mahogany
  • TogetherSF
  • GrowSF
  • Asian-Americans Rise (Bangon mga Asyano-Amerikano)
  • Dating Superintendente ng SFUSD Vincent Matthews

www.paraggupta.org

Parag Gupta

Ang aking trabaho ay Punong-guro ng Paaralan.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Karapat-dapat ang mga estudyante at magulang na magkaroon ng may karanasang komisyoner na lalaban para sa kanila. Magtutuon ako sa edukasyon at hindi sa politika; nakapangako na akong magsasabi ng katotohanan, magiging bukas sa pagsisiyasat, at hindi gagamitin ang posisyong ito bilang tuntungang-bato para sa mas mataas na katungkulan. Ipinapangako kong paglilingkuran ang lahat ng estudyante, isasangkot ang mga magulang, at ipatutupad ang aking mga pinahahalagahan o values, kasama na ang integridad, paggalang, at pagseserbisyo. Makikipagkolaborasyon ako sa mga indibidwal na mula sa iba’t ibang landas ng buhay at nasa kabuuan ng hanay ng mga politikal na paniniwala.

Ang aking mga prayoridad: tugunan ang krisis sa pinansiya ng SFUSD upang muling magkaroon ng katatagan, magpanatili at manghikayat ng mga pamilya upang matigil na ang mabilis at walang kontrol na paglabas ng pera, at magpanatili at manghikayat ng mga guro upang mapaglingkuran ang mga pangangailangan ng mga estudyante.

Ako ang principal (punong-guro) at tagapagtatag ng K-8 na paaralang non-profit sa San Francisco at magulang sa SFUSD. Dati akong Komisyoner ng Board of Education (Lupon sa Edukasyon), Chair (Tagapangulo) ng CBOC, Presidente ng PTSA sa Galileo, lider sa Recall School Board (Pagpapaalis sa Katungkulan sa Lupon ng Paaralan). Nagmumula ang aking karanasan sa pinansiya at mga operasyon sa pagtatatag at pamamahala sa 3 kompanya sa loob ng 18 taon.

Kasama sa mga nag-eendoso sa akin sina Matt Gonzalez, dating Presidente ng Lupon ng mga Superbisor; Kagalang-galang Quentin Kopp, dating Hukom ng Superior Court (Korte Superyor) at Senador ng Estado; John Rothmann, Boses ng San Francisco at dating host ng KGO; Lope Yap Jr, prodyuser ng pelikula at Miyembro ng Alumni Board (Lupon ng mga Nagsipagtapos) sa George Washington HS at Rex Ridgeway, Bayani sa Pampublikong Edukasyon ng San Francisco Democratic County Central Committee (Komite Sentral sa County ng San Francisco ng Partido Demokratiko) 2024.

www.annforsfboe.com

Ann Hsu

Ang aking trabaho ay Katuwang ng Abugado ng Distrito.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Nanood ako nang may pakiramdam ng pagkabigo nang naging malaking kahihiyan sa buong bansa ang ating school board (lupon ng paaralan). Bilang abugado para sa mga karapatang sibil na may kakayahan sa paglutas ng komplikadong mga problema ng gobyerno at bilang ina ng batang nagsisimula pa lamang maglakad at batang nasa ikalawang grado sa SFUSD, hindi ako maaaring umupo na lamang sa gilid habang humaharap tayo sa pagsasara ng mga paaralan at pag-ako ng estado ng pamamahala.

Anak na babae ako ng konserbatibong drill sergeant at uringmanggagawa na Latina na pinalaki ako nang nagpapahalaga sa liberal na Katolikong pananaw.

Bilang unang babae na makapagtapos ng kolehiyo sa pamilya ng aking ina, naiintindihan ko ang naidudulot na kapangyarihan ng edukasyon tungo sa pagbabago. Ito ang dahilan kung bakit nagboluntaryo ako bilang tagasanay sa kolehiyo, nagturo sa mga estudyante ng batas, at naglingkod bilang direktor ng nonprofit sa edukasyon sa Mission.

Ginugol ko ang aking karera na nakikipaglaban para sa mga taga-San Francisco, at nang nananalo kahit na malaki ang posibilidad na hindi magtagumpay. Magmula sa mga paglilitis para sa pagkakapantay-pantay sa pag-aasawa, hanggang sa paghahabla sa industriya ng opyo, tungo sa pagdadala sa administrasyong Trump sa hukuman upang matigil na ang diskriminasyon sa pangangalaga sa kalusugan.

Handa akong lumaban para sa ating mga bata! 

Ikinarangal kong makakuha ng mga pag-endoso sa kabuuang hanay ng mga politikal na paniniwala, kasama na ang:

SF Parent Action

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)

TogetherSF Action

GrowSF

Asian Americans Rise (Bangon mga Asyano Amerikano)

Senador ng Estado Scott Wiener

Miyembro ng Asembleya Matt Haney

Mayor London Breed

Dating Mayor Mark Farrell

Mga Superbisor Matt Dorsey, Myrna Melgar, Rafael Mandelman, at Connie Chan

Dating Superintendente Dr. Vincent Matthews

Komisyoner ng Board of Education (Lupon sa Edukasyon) ng San Francisco Jenny Lam... at marami pang iba!

Samahan ang aking laban sa:

jaime4schoolboard.com

Jaime Huling

Ang aking trabaho ay Tagapagtatag ng Education Foundation (Saligan para sa Edukasyon).

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Ang matematika sa pampublikong paaralan ang humubog sa aking pamilya.

Lumaki sa hirap ang aking ina, pero dahil mahal niya ang matematika, nakakuha siya ng trabaho sa bangko at ng pamamaraan upang makaigpaw sa kahirapan.

Pinalaki ang aking ama ng walang asawang ina na nakikipaghamok sa karamdaman sa isip. Gayon pa man, inihatid siya ng kanyang talento sa matematika tungo sa pagbubukas ng maliit na CPA na negosyo.

Bilang batang mahilig sa matematika sa pampublikong paaralan, natuto ako ng pagko-code. Gustong-gusto kong magpuyat sa gabi sa paggawa ng computer games na maibabahagi sa mga kaibigan. Matapos akong makapag-aral ng Computer Science sa Stanford, nagsimula ako ng kompanya sa loob ng aparador, at nagsulat ako ng mga algorithm upang mapagpares ang mga indibidwal sa mga trabaho. Binili ng LinkedIn ang kompanya at hiniling sa akin na pamunuan ang kanilang batayang negosyo. Biglang-bigla na lamang akong naging kabataang mahusay sa matematika na namumuno sa organisasyon ng libo-libong empleyado, at may bilyon-bilyong dolyar na badyet.

Binago ang lahat ng pagkakaroon ng mga anak. Noong 2019, nagpasimula ako ng saligan para sa edukasyon. Ngayon, gusto kong gamitin ang aking karanasan upang matulungan ang mga bata na nasa ating mga paaralan.

Ineendoso ako ng unyon ng mga guro at ng mga lider sa kabuuang hanay ng mga politikal na paniniwala dahil alam nilang kaya kong labanan ang pinansiyal na krisis ng ating mga paaralan.

Mga Pag-eendoso:

Mayor London Breed

Dating Mayor Mark Farrell

Teacher’s Union (Unyon ng mga Guro): United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)

GrowSF

TogetherSF Action

Asian Americans Rise (Bangon mga Asyano Amerikano)

Senador ng Estado Scott Wiener

Miyembro ng Asembleya ng Estado Matt Haney

Superbisor Joel Engardio

Superbisor Rafael Mandleman

Superbisor Connie Chan

Superbisor Matt Dorsey

Presidente ng Lupon ng City College Alan Wong

Dating Tagapangulo ng Democratic Party (Partido Demokratiko), Honey Mahogany

John Jersin

Ang aking trabaho ay Estudyante sa Kolehiyo.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Isa akong 19 taong gulang na freshman sa CCSF at marubdob ang aking pagnanasa na magawang ligtas, malilinis, at kahanga-hangang mga kapaligiran para sa pag-aaral ang pampublikong mga paaralan ng San Francisco.

Nagtapos ako kamakailan sa Abraham Lincoln High School. Sa aking panahon doon, nakaranas ako ng isang taon ng online na paaralan, at sa mga taon pagkatapos nito, nagwelga naman ang mga guro at marami ang lubusan nang umalis sa propesyon. Nakita ko mismo kung paano napipinsala ang ating mga paaralan dahil sa kawalan ng aksiyon ng Board of Education (Lupon sa Edukasyon) at gusto kong matapos na ang gayong mga araw. Lalo na sa panahong ito ng krisis sa badyet, kailangan nating hikayatin ang mga guro at administrador na tapat na magsalita tungkol sa mga problemang kinakaharap nila—at kailangan nating lahat na magkasamang magtrabaho sa malikhaing paraan at nang malutas ang mga problemang ito.

Gusto ko ring maging boses para sa mga estudyanteng LGBT, estudyanteng may pagkakaiba ang pagkatuto at may ibang kinakaharap na hamon, at sa totoo lang, lahat ng estudyante. Bilang kabataan na katatapos pa lamang ng high school, naniniwala ako na mayroon akong natatanging pananaw. Hindi na naiisip ng mga bata sa kasalukuyan na may malasakit para sa kanilang mga pangangailangan ang pampublikong mga opisyal. Maraming estudyante ang hindi na nag-aabalang talakayin ang mga problema sa paaralan sa mga nakatatanda dahil ipinagpapalagay nila na wala namang magbabago. Hindi pa ako eksperto sa mga problema ng SFUSD, pero masipag akong magtatrabaho upang mapag-aralan ang mga ito, at mahikayat ang mga indibidwal na ibahin ang pag-iisip ukol sa ating mga paaralan, mga lider, at sa ating kagila-gilalas na lungsod.

Maddy Krantz

Ang aking trabaho ay May-ari ng Maliit na Negosyo.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Kung kayo ay BUMOTO upang PAALISIN SA KATUNGKULAN ang SCHOOL BOARD (LUPON NG PAARALAN), kung kayo ay BUMOTO upang MAIBALIK ANG ALGEBRA, DAPAT NINYO AKONG IBOTO!

Nangolekta ako ng daan-daang lagda para sa pagpapaalis sa katungkulan. Nagtrabaho ako upang maipasa ang panukalang-batas sa balota para sa algebra. Tumatakbo na ako ngayon para sa lupon ng paaralan upang magkaroon ng distritong mas mahusay na napatatakbo!

Nagtapos ako sa K-12 na pampublikong paaralan sa San Francisco—sa Argonne, Presidio, at sa Lowell.

Karapat-dapat ang ating mga estudyante para sa kahanga-hangang sistema ng pampublikong mga paaralan na gaya ng naranasan ko. Malaki ang aking utang na loob sa aking guro sa algebra sa ikapitong grado, sa aking tagapayo sa high school, at sa marami pang iba. Inihanda ako ng aking edukasyon sa SFUSD para sa Harvard at para sa napakagandang karera sa biotech.

Ako LAMANG ang kandidato na:

  • Nakapagpabalik ng pangangasiwa sa $744 milyon na pondo sa mga bond (utang ng gobyerno),
  • Sumuporta sa mga edukador magmula sa Unang Araw sa panahon ng protestang EmPower ukol sa ibinabayad sa mga empleyado,
  • Tumulong sa paglikha ng Asian American Parents Advisory Committee (Tagapayong Komite ng Asyano Amerikanong mga Magulang),
  • Sumuporta sa rali ng mga estudyante para sa mas ligtas na mga paaralan,
  • Nagtulak ng napatunayan nang mga paraan upang maihatid ang mga estudyante sa nasa antas ng grado na pagbabasa.

Pangunahin kong mga prayoridad ang pagbabalanse sa badyet at pagpapahusay sa mga kahihinatnan ng mga estudyante.

Iboto ang nagtapos sa SFUSD, Laurance Lem Lee.

Inendoso ng:

SF Guardians

Fiona Ma, Tesorero ng Estado

Dr. Emily Murase, dating Presidente, Board of Education (Lupon sa Edukasyon)

Eddie Chin, Dating Komisyoner, Lupon sa Edukasyon

www.leeforsfschoolboard.com

Laurance Lee

Ang aking trabaho ay Abugado / Tagapag-organisa ng mga Magulang.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Magulang ako ng dalawang bata na nasa SFUSD at abugado/manunulat na nakipagtrabaho na sa mga pamilya sa kabuuan ng San Francisco sa loob ng nakaraang apat na taon upang muling magbukas at mapaghusay ang ating mga paaralan.

Nakabatay ang kinabukasan ng ating lungsod sa malakas na pampublikong paaralan upang matulungan ang lahat ng estudyante na maabot ang kanilang buong potensiyal. Habang lumalaki ako sa maligalig na sitwasyon, nagkaroon ako ng mga paaralan na siyang naging ligtas kong kanlungan. Pinagkalooban ako ng aking mga guro ng napakahalagang suporta. May pangako akong gagawin ang lahat ng ating magagawa upang maihanda ang ating kabataan sa mauunlad na buhay.

Kasama sa aking mga prayoridad ang:

  • Pagkakaloob ng de-kalidad na edukasyon, kasama na ang akademikong mga gawain sa Lowell, Algebra sa ika-8 grado, pagtu-tutor na malaki ang epekto, at mas mahusay na pagtuturo ng pagbabasa at pagsusulat
  • Pagtitiyak na ligtas ang mga paaralan — mula sa pambu-bully o pang-aapi, karahasan, paggambala sa mga kampus, at mga panganib sa kapaligiran
  • Pagsuporta sa mga estudyante, pamilya, at guro na pinakanaapektuhan ng pagsasara ng mga paaralan
  • Pagpapanumbalik ng tiwala sa SFUSD sa pamamagitan ng pagiging bukas, may pananagutan, at mga desisyon sa programa at badyet na nakatali sa mas mahusay na kinahihinatnan ng mga estudyante

May iba’t ibang perspektiba ang aking mga taga-suporta at nagkakaisa sila sa pagpapahusay sa ating mga paaralan:

SF Parent Action

SF Guardians

GrowSF

TogetherSF Action

Senador Scott Wiener

Miyembro ng Asembleya Phil Ting

Superbisor Joel Engardio

Direktor ng BART Bevan Dufty

Dating Superbisor Matt Gonzalez

Mga Miyembro ng DCCC Lily Ho at Cedric Akbar

Dating Tagapangulo ng Youth Commission (Komisyon ng Kabataan) Ewan Barker Plummer

Carol Kocivar

John Trasviña

John Rothmann

Hinihiling ko po ang inyong boto. Samahan kami sa RayForBOE.com!

Supryia Ray