Nilikha ng mga lokal na botante ang Komite sa Pagpapagaan ng Balota noong 1974. Nagsasagawa ng mga pampublikong pagpupulong ang Komite bago ang bawat eleksyon. Sa mga pagpupulong na ito, ibinubuod ng mga boluntaryong miyembro ang teksto ng mga lokal na panukala sa balota. Naka print sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ang mga buod na ito. Isinusulat din nila ang Mga Salitang Kailangan Ninyong Malaman at ang Mga Madalas Itanong para sa Pamplet ng Impormasyon para sa Botante. Ang mga kasalukuyang miyembro ng Komiteng ito ay kinabibilangan nina:
Betty Packard, (Tagapangulo)
Nominado ng National Academy of Television Arts and Sciences (Pambansang Akademiya ng Sining at Agham ng Telebisyon)
Ruth Grace Wong
Nominado ng League of Women Voters (Liga ng mga Kababaihang Botante)
Pamela Troy
Nominado ng National Academy of Television Arts and Sciences (Pambansang Akademiya ng Sining at Agham ng Telebisyon)
Michele Anderson
Nominado ng Pacific Media Workers Guild (Samahan ng mga Manggagawa sa Media sa Pacific)
Alicia Wang
Nirekomenda ng Superintendent ng San Francisco Unified School District (Superintendente ng Pinagsama-samang Distritong Pampaaralan ng San Francisco)
Bradley Russi, ex officio*
Deputy City Attorney (Katuwang ng Abugado ng Lungsod)
Kathleen Radez, ex officio*
Deputy City Attorney (Katuwang ng Abugado ng Lungsod)
*Ayon sa batas, maaaring magsalita ang Abugado ng Lungsod o mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Abugado ng Lungsod sa mga pagpulong ng Komite ngunit hindi maaaring bumoto.