Mula sa Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)

 

Administrative Office Tax (Buwis sa Administratibong Opisina): Buwis sa negosyo na nakabatay sa gastos nito sa payroll (suweldo ng mga empleyado) na ipinapataw sa mga negosyo na mahigit sa $1 bilyon ang gross receipts (kabuuang kita), mahigit sa 1,000 ang empleyado sa kabuuan ng bansa, at may administratibong opisina sa San Francisco. (Proposisyon M)

Tagapayong Pangkat: Pangkat ng itinalagang mga indibidwal na sa pangkalahatan ay gumagawa ng mga rekomendasyon sa mga lupon, komisyon, at departamento ng Lungsod. (Mga Proposisyon D, E)

Abot-kayang Pabahay: Binibigyang-depinisyon ang pabahay bilang abot-kaya para sa mga kabahayan na may natukoy nang mababa at katamtaman na antas ng kita. Sa pangkalahatan ay layunin ng mga halaga o presyo ng mga kabahayang ito na magbayad ang kabahayan ng humigit-kumulang sa 30% ng kanilang kita tungo sa gastos sa pabahay. (Proposisyon G)

Area Median Income (Panggitnang Kita ng Lugar, AMI): Ang antas ng kita na nilathala ng Mayor’s Office of Housing and Community Development (Opisina ng Mayor para sa Pabahay at Pag-unlad ng Komunidad) para sa San Francisco, na nakabatay ang bahagi sa lahat ng kita na nakuha sa loob ng Metro Fair Market Rent Area (Mga Lugar na Sakop ng Makatarungang Singil sa Upa para sa Lungsod), kung saan nakapaloob ang San Francisco, ng United States Department of Housing and Urban Development (Departamento para sa Pabahay at Pagpapaunlad ng mga Lungsod ng Estados Unidos), at iniaayon ito batay sa historikal na karaniwang pagtaas ng kita sa San Francisco. Sa 2024, ang panggitnang kita para sa sumusunod na porsiyento at laki ng pamilya ay ang mga sumusunod:

  1 Katao 2 Katao  3 Katao  4 Katao 
30% ng Panggitnang Kita (Lubhang Mababa ang Kita) $31,450 $35,950 $40,450 $44,950
50% ng Panggitnang Kita (Napakababa ng Kita) $52,450 $59,950 $67,450 $74,950
80% ng Panggitnang Kita (Mas Mababa ang Kita) $83,900 $95,900 $107,900 $119,900
120% ng Panggitnang Kita (Katamtaman ang Kita) $125,900 $143,900 $161,800 $179,800

(Proposisyon G)

Amyendahan: Baguhin. (pangkalahatan)

Autonomous na Sasakyan: Sasakyang namamaneho nang walang aktibong pagkontrol ng tao na tagapagpatakbo, halimbawa nito, ang kotseng namamaneho ang sarili. (Proposisyon L)

Lupon o Komisyon: Pangkat para sa mga polisiya na nilikha at binigyan ng awtorisasyon ng Tsarter o ng ordinansa upang magpatupad ng ilang gawain ng pamahalaan at na karaniwan nang itinatalaga ang mga miyembro. (Mga Proposisyon D, E)

Bond (Utang ng Gobyerno): Ang bond ang pangako ng Lungsod na bayaran ang inutang na pera, nang kasama ang interes, sa loob ng espesipikong petsa. Kung kailangan ng Lungsod na makakalap ng malaking halaga upang makapagbayad para sa aklatan, linya ng alkantarilya, paaralan, ospital, o iba pang proyekto o programa, maaari itong umutang ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng bonds. (Tingnan din ang “Bond ng Pangkalahatang Obligasyon, utang ng gobyerno.”). (Mga Proposisyon A, B)

Budget and Legislative Analyst (Pambatas at Pambadyet na Tagasuri): Pangkat na nagkakaloob sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ng independiyenteng pagsusuri sa pinansiya at mga polisiya, espesyal na mga pag-aaral, at mga ulat ukol sa pag-audit ng pamamahala sa mga departamento at programa ng Lungsod. (Proposisyon E)

California Coastal Act (Batas ukol sa mga Baybayin ng California): Batas ng Estado na namamahala sa paggamit ng lupa sa sona ng baybayin, kung saan kasama kapwa ang mga lugar ng lupa at tubig sa baybayin ng California. Nasa loob ng sona ng baybayin ang Upper Great Highway. (Proposisyon K)

Sentral na Food Hub: Pasilidad para sa pagsasama-sama at pamamahagi ng pagkain sa mga paaralan na nasa loob ng San Francisco Unified School District (Pinagsama-samang Distritong Pampaaralan ng San Francisco). (Proposisyon A)

Tsarter: Ang Tsarter ang Konstitusyon ng Lungsod na pinagtibay na ng mga botante ng San Francisco, at may kaugnayan ito sa paraan ng pamamahala sa Lungsod. Mababago lamang ang Tsarter sa pamamagitan ng mayorya ng mga boto na ibinigay sa San Francisco. (pangkalahatan)

Pag-amyenda sa Tsarter: Ang pagbabago sa Tsarter ng Lungsod. Ang Tsarter ang Konstitusyon ng Lungsod. Mababago lamang ang Tsarter sa pamamagitan ng mayorya ng mga botong ibinigay. (pangkalahatan)

Citizens’ General Obligation Bond Oversight Committee (Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng mga Bond ng Pangkalahatang Obligasyon): Ang pangkat na may siyam na miyembro at sumusubaybay sa paggamit ng Lungsod ng mga pondong nakuha sa pamamagitan ng paglalabas ng mga bond ng pangkalahatang obligasyon. Itinatalaga ang mga miyembro ng komiteng ito ng Mayor, Lupon ng mga Superbisor, Controller (Tagapamahala ng Pinansiya), at ng Civil Grand Jury (Pinakamataas na Hukumang Sibil). (Proposisyon B)

Administrador ng Lungsod: Ang indibidwal na itinalaga ng Mayor at kinumpirma ng Lupon ng mga Superbisor para sa limang taon na panahon ng paglilingkod kung saan pangangasiwaan niya ang mahigit sa 25 departamento at programa. (Mga Proposisyon D, E)

Mga Komisyong Tinanggal mula sa Tsarter: Ayon sa pagkakagamit sa Proposisyon D, tinutukoy ng parirala na ito ang Arts Commission (Komisyon sa Sining); Building Inspection Commission (Komisyon sa Pag-iinspeksiyon ng mga Gusali); Children Youth and Their Families Oversight and Advisory Committee (Komite para sa Pangangasiwa at Pagpapayo ukol sa mga Bata, Kabataan, at Kanilang mga Pamilya); Commission on the Environment (Komisyon para sa Kapaligiran); Commission on the Status of Women (Komisyon ukol sa Katayuan ng Kababaihan); Dignity Fund Oversight and Advisory Committee (Komite para sa Pangangasiwa at Pagpapayo ukol sa Dignity Fund); Entertainment Commission (Komisyon para sa Paglilibang); Health Commission (Komisyon para sa Kalusugan); Historic Preservation Commission (Komisyon para sa Preserbasyon ng Makasaysayang mga Gusali at Lugar); Homelessness Oversight Commission (Komisyon para sa Pangangasiwa ng Kawalan ng Tahanan); Human Rights Commission (Komisyon para sa mga Karapatang Pantao); Human Services Commission (Komisyon para sa mga Serbisyong Pantao); Juvenile Probation Commission (Komisyon para sa Probasyon ng mga Menor de Edad); Library Commission (Komisyon sa Aklatan); Long Term Care Coordinating Council (Tagapag-ugnay na Konseho para sa Pangmatagalang Pangangalaga); Municipal Transportation Agency Citizens’ Advisory Council (Tagapayong Konseho ng mga Mamamayan para sa Ahensiya para sa Munisipal na Transportasyon); Our Children Our Families Council (Konseho para sa Ating mga Anak, Ating mga Pamilya); Park, Recreation, and Open Space Advisory Committee (Tagapayong Komite para sa mga Parke, Paglilibang, at Bukas na Espasyo); Public Utilities Rate Fairness Board (Lupon para sa Pagiging Makatarungan ng Presyo ng Pampublikong Serbisyo); Public Works Commission (Komisyon sa mga Pampublikong Gawain); Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye); Sheriff’s Department Oversight Board (Lupon para sa Pangangasiwa ng Departamento ng Sheriff); Small Business Commission (Komisyon para sa Maliit na Negosyo); at Youth Commission (Komisyon para sa Kabataan). (Proposisyon D)

Controller (Tagapamahala ng Pinansiya): Ang pinunong opisyal sa accounting at auditor ng Lungsod, na itinalaga ng Mayor at kinumpirma ng Lupon ng mga Superbisor ang may responsibilidad para sa pinansiyal na mga sistema at patakaran ng Lungsod. (Mga Proposisyon C, D, E)

Edukasyon sa Unang mga Taon ng Pagkabata: Mga pang-edukasyong programa at serbisyo para sa mga bata mula sa kapanganakan hanggang sa edad 5. (Proposisyon J)

Maagang Pagboto: Ang pagboto nang personal sa City Hall (Munisipyo) bago ang Araw ng Eleksyon o pagpapadala sa koreo ng balotang vote-by-mail (pagboto sa pamamagitan ng koreo) bago ang Araw ng Eleksyon. (pangkalahatan)

Ethics Commission (Komisyon para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo): Komisyong may limang miyembro at may responsibilidad para sa pamamahala, pagbibigay ng interpretasyon, at pagpapatupad sa mga batas ng Lungsod na nauukol sa mga prinsipyo, kasama na ang mga batas para sa pangangasiwa ng mga kontribusyon sa mga kampanya, magkasalungat na mga interes, lobbyists (binabayaran upang maimpluwensiyahan ang mga mambabatas), mga tagapayo sa kampanya, whistleblowing (pagbibigay ng impormasyon ukol sa ilegal na gawain), pampublikong rekord at pampublikong pulong. (Proposisyon C)

First Responder (Unang Tumutugon): Nakapanumpa nang miyembro ng Police, Fire o Sheriff’s Department (Departamento ng Pulisya, Pamamahala ng Sunog, o Sheriff); paramedic, rehistradong nars; o dispatser, superbisor, o tagapag-ugnay ng 911. (Mga Proposisyon I, N)

Fiscal Year (taon ayon sa pagpaplano para sa badyet): Ang 12 buwan na panahon ng pagbabadyet ng Lungsod, na nagsisimula sa Hulyo 1 at nagtatapos sa Hunyo 30 ng susunod na taon na nakabatay sa kalendaryo. (Mga Proposisyon G, J)

General Fund (Pangkalahatang Pondo): Ang bahagi ng taunang badyet ng Lungsod na maaaring magamit para sa anumang layunin ng Lungsod. Nanggagaling ang pera para sa Pangkalahatang Pondo mula sa mga buwis at singil sa ari-arian, negosyo, pagbebenta, at iba pang pinagkukunan. (Proposisyon G)

General Obligation Bond (Bond ng Pangkalahatang Obligasyon, utang ng gobyerno): Ang pangako na ibinibigay ng entidad ng gobyerno na babayaran ang inutang na pera, kasama na ang interes nito, sa pagdaan ng panahon, pagdating ng tiyak na petsa. Binabayaran ng entidad ng gobyerno ang inutang na pera, kasama ang interes nito, sa pamamagitan ng amilyar o buwis sa ari-arian, at kung kinakailangan, maaari nitong taasan ang amilyar upang mabayaran ang bond. (Mga Proposisyon A, B)

General Plan (Pangkalahatang Plano): Ang Pangkalahatang Plano ay malawak ang nasasakupan at espesipiko ang katangian, at layunin nitong gabayan ang bisyon ng komunidad para sa kinabukasan ng San Francisco. Pinagtitibay ito ng Planning Commission (Komisyon sa Pagpaplano) at inaaprubahan ng Lupon ng mga Superbisor. Ipinatutupad ang Plano sa pamamagitan ng mga pagpapasya na nagbibigay ng direksiyon ukol sa paglalaan ng mga pampublikong rekurso at na humuhubog sa pribadong development. (Proposisyon K)

Gross Receipts (Kabuuang Kita): Ang kabuuang halaga ng pera na natatanggap ng negosyo, para sa mga produkto at serbisyo nito. (Mga Proposisyon L, M)

Gross Receipts Tax (Buwis sa Kabuuang Kita): Buwis na sa pangkalahatan ay nakabatay sa total na kabuuang kita na natatanggap ng negosyo sa San Francisco. (Mga Proposisyon L, M)

Unang Palapag: Ang palapag na nasa lebel ng kalye sa gusali. (Proposisyon O)

Homelessness Gross Receipts Tax (Buwis sa Kabuuang Kita na para sa Kawalan ng Tahanan): Buwis na sa pangkalahatan ay ipinapataw sa mga negosyo na mahigit sa $50 milyon ang kabuuang kita sa San Francisco. Pinopondohan ng mga kita mula sa buwis na ito ang mga serbisyo para sa mga indibidwal na nakararanas ng kawalan ng tahanan. Sa ilalim ng Proposisyon M, ipapataw ang buwis na ito sa mga aktibidad sa pagnenegosyo na mahigit sa $25 milyon ang kabuuang kita sa San Francisco. (Proposisyon M)

Inisyatiba: Ang proposisyon na inilalagay sa balota ng mga botante. Maaaring maglagay ang sinumang botante ng inisyatiba sa balota sa pamamagitan ng pangangalap ng kinakailangang bilang ng mga lagda ng rehistradong botante sa petisyon. (pangkalahatan)

Limited Services Pregnancy Centers (Mga Sentro para sa Pagbubuntis na Limitado ang mga Serbisyo): Pasilidad na ang pangunahing layunin ay magkaloob ng mga serbisyo sa buntis o maaaring buntis na mga indibidwal pero hindi ito direktang nagkakaloob ng pagpapalaglag o ng pang emergency na kontrasepsiyon sa mga kliyente nito, o nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa gayong mga serbisyo. (Proposisyon O)

Ordinansa: Lokal na batas na ipinasa ng Lupon ng mga Superbisor o ng mga botante. (pangkalahatan)

Pensiyon: Pinansiyal na mga benepisyo na binabayaran sa pagreretiro batay sa edad, mga taon ng pagseserbisyo, at pinal na suweldo ng empleyado. (Mga Poposisyon F, H, I)

Polisiya: Pangkalahatang plano na mataas ang antas at sumasakop sa pangkalahatang mga tunguhin at katanggaptanggap na mga patakaran lalo na iyong sa ahensiya ng gobyerno. (Mga Proposisyon D, E)

Per Diem (Kada Araw ang Bayad) na Nars: Rehistradong nars na ineempleyo ng Lungsod nang paminsan-minsan o sa pansamantalang sitwasyon upang makapagbigay ng karagdagang mga kawani sa pangangalaga kung kinakailangan, dahil sa pagliban sa trabaho, bakanteng mga posisyon, pagliban nang dahil sa sakit, o iba pang sitwasyon. (Proposisyon I)

Mga Pribadong De-motor na mga Sasakyan: Anumang sasakyan na pinatatakbo ng makina, tulad ng kotse, van, trak, o motorsiklo, maliban na lamang sa mga sasakyang pinatatakbo para sa mga layunin ng gobyerno. (Proposisyon K)

Property Tax (Amilyar): Ang buwis batay sa pagtatasa ng Lungsod sa mga gusali at lupa. (Mga Proposisyon A, B, J)

Proposisyon: Anumang panukalang-batas na isinumite sa mga botante para sa kanilang pag-apruba o hindi pag-apruba. (pangkalahatan)

Probisyonal na Balota: Ang balotang inihuhulog sa lugar ng botohan na hindi bibilangin hanggang sa mapatotohanan ng Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) ang pagiging kuwalipikado ng botante na ihulog ang balotang iyon. (pangkalahatan)

Pampublikong Integridad: Ang paggamit ng gobyerno ng mga rekurso at kapangyarihan sa paraang may prinsipyo, tapat, at epektibo para sa kapakanan ng publiko. (Proposisyon C)

Kuwalipikadong Kandidatong Isinusulat-lamang ang Pangalan: Ang indibidwal na nakompleto na ang kinakailangang papeles at lagda upang maisama bilang kandidatong isinusulat-lamang ang pangalan. Bagamat hindi nakalagay sa balota ang pangalan ng indibidwal na ito, maaaring iboto ng mga botante ang indibidwal na ito sa pamamagitan ng pagsulat sa pangalan ng indibidwal sa espasyo sa balota na ipinagkakaloob para sa mga botong isinusulat-lamang ang pangalan at ng pagsunod sa mga sumusunod na instruksiyon para sa balota. Binibilang lamang ng Departamento ng mga Eleksyon ang mga botong isinusulatlamang ang pangalan para sa mga kuwalipikadong kandidatong isinusulat-lamang ang pangalan. (pangkalahatan)

Mga Klinikang para sa Reproduktibong Kalusugan: Klinikang lisensiyado sa ilalim ng batas ng Estado na pangunahing may espesyalisasyon sa mga serbisyo para sa reproduktibong kalusugan at na direktang nagkakaloob sa mga pasyente ng pagpapalaglag o ng pang-emergency na kontrasepsiyon. (Proposisyon O)

Pinananatiling mga Komisyon: Ayon sa paggamit sa Proposisyon D, tinutukoy ng pariralang ito ang Airport Commission (Komisyon para sa Paliparan); Asian Art Commission (Komisyon sa Asyanong Sining); Board of Appeals (Lupon para sa mga Apela); Civil Service Commission (Komisyon ng Serbisyo Sibil); Disability and Aging Services Commission (Komisyon para sa mga Serbisyo para sa Kapansanan at sa Pagtanda); Elections Commission (Komisyon sa mga Eleksyon); Elections Task Force o Espesyal na Pangkat para sa mga Eleksyon (Redistricting Task Force o Espesyal na Pangkat para sa Muling Pag-aayos ng mga Distrito); Ethics Commission (Komisyon para sa Pagkakaroon ng Prinsipyo); Fine Arts Museums Board of Trustees (Lupon ng mga Katiwala ng Museo ng Fine Arts); Fire Commission (Komisyon para sa Pamamahala ng Sunog); Health Services Board (Lupon para sa mga Serbisyo sa Kalusugan); Municipal Transportation Agency Board of Directors (Lupon ng mga Direktor ng Ahensiya para sa Munisipal na Transportasyon); Planning Commission (Komisyon sa Pagpaplano); Police Commission (Komisyon ng Pulisya); Port Commission (Komisyon para sa mga Daungan); Public Utilities Commission (Komisyon para sa Pampublikong mga Serbisyo); Recreation and Park Commission (Komisyon para sa Paglilibang at mga Parke); Retiree Health Care Trust Fund Board (Lupon para sa Itinatabing Pera na Nakalaan sa Pangangalaga ng Kalusugan ng mga Retirado); Refuse Rate Board (Lupon para sa Pagtatakda ng Singil para sa Pagtatapon ng Basura); Residential Rent Stabilization and Arbitration Board (Lupon para sa Limitadong Pagtataas ng Upa at Pamamagitan sa mga Residensiyal na Gusali); Retirement Board (Lupon para sa Pagreretiro); at War Memorial Board of Trustees (Lupon ng mga Katiwala para sa War Memorial). (Proposisyon D)

San Francisco Employee Retirement System (Sistema ng Pagreretiro ng mga Empleyado ng San Francisco, SFERS): Pinatatakbo ng Lungsod na sistemang nagkakaloob ng mga benepisyo ng pensiyon sa karamihan sa mga empleyado ng Lungsod. Nagkakaloob din ang SFERS ng mga benepisyo sa pensiyon sa ilang empleyado ng Unified School District (Pinagsama-samang Distritong Pampaaralan), Community College District (Distrito ng Kolehiyo ng Komunidad), at Superior Court (Korte Superyor). (Mga Proposisyon F, H, I)

Search Warrant (Utos ng Hukuman upang Makapagsiyasat): Nakasulat na utos mula sa hukom na nagbibigay ng awtorisasyon na magsiyasat sa espesipikong lugar at mabilisan at sapilitang kumuha ng ebidensiya. (Proposisyon C)

Seismic Retrofitting (Mga Pagbabago para Maging Ligtas sa Lindol): Pagpapahusay o paggawa ng mga renobasyon sa istruktura upang maprotektahan ito mula sa posibleng maging pinsala dahil sa lindol. (Mga Proposisyon A, B)

Social/Emotional Wellness (Kagalingan sa Pakikisalamuha/Pamamahala sa mga Emosyon): Ang kalusugan at kagalingan ng mga estudyante na may kaugnayan sa kanilang pagkakaroon ng mga koneksiyon sa lipunan, kalusugan sa isip, at iba pang sagabal sa pag-aaral. (Proposisyon J)

Proyekto para sa Kaligtasan sa mga Kalye: Proyekto upang mapaghusay ang kaligtasan ng mga naglalakad, nagbibisikleta, o ng trapiko. Maaaring kasama rito ang pagpapahusay sa mga signal ng trapiko, paggawa at muling pagdidisenyo ng mga kalye at bangketa, at iba pang proyektong imprastruktura o para sa mga kagamitan. (Proposisyon B)

Subpoena (Utos ng Pagpapaharap sa Hukuman): Kautusan upang maghatid ng mga dokumento o magkaloob ng sinumpaang testimonya sa administratibong ahensiya o hukuman. (Proposisyon C)

Sworn Officer (Pulis na Nakapanumpa nang Susuportahan ang Konstitusyon): Empleyado ng ahensiyang tagapagpatupad ng batas, tulad ng Departamento ng Pulisya o Sheriff, na tunay na awtorisado sa ilalim ng batas ng estado bilang opisyal para sa pagpapatupad ng batas at awtorisadong magdala ng baril, may kapangyarihang gumawa ng mga pag-aresto, at may dalang tsapa ng tagapagpatupad ng batas. (Proposisyon F)

Imprastruktura para sa Teknolohiya: Ang hardware, mga kable ng network, at katulad na mga kagamitan na kinakailangan upang mapatakbo ang mga sistema para sa mga koneksiyon ng gusali at ng network. (Proposisyon J)

Kompanya na nasa ugnayan o network para sa transportasyon: Kompanya na gumagamit ng online na aplikasyon o katulad na plataporma upang makonekta ang nagbabayad na mga kostumer sa mga drayber na nagkakaloob ng transportasyon gamit ang personal na sasakyan. (Proposisyon L)

Upper Great Highway: Ang 2 milya na seksiyon ng Great Highway na nasa pagitan ng Lincoln Way at Sloat Boulevard at nakalarawan sa mapa sa ibaba. Isa itong pampublikong daan na may apat na lane at tumatakbo sa kahabaan ng Ocean Beach. (Proposisyon K)

map of western San Francisco

Mapa na ipinagkaloob ng San Francisco Recreation and Parks Department (Departamento para sa Paglilibang at mga Parke ng San Francisco).

Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na Balota: Mga balotang ipinadadala sa koreo sa botante o ibinibigay nang personal sa botante sa Departamento ng mga Eleksyon. Maaaring ipadala sa pamamagitan ng koreo ang mga pagboto sa pamamagitan ng koreo na balota sa Departamento ng mga Eleksyon, isumite bago o sa Araw ng Eleksyon sa opisina ng Departamento ng mga Eleksyon sa City Hall o sa City Hall Voting Center (Sentro ng Botohan sa City Hall), o isumite ito sa Araw ng Eleksyon sa anumang lugar ng botohan sa California. Kilala rin ito bilang balotang absentee. (pangkalahatan)