LONDON BREED
Ang aking trabaho ay Mayor (Punong-Bayan) ng San Francisco.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Habambuhay akong taga-San Francisco, ang natatanging babae at natatanging nagtapos sa mga pampublikong paaralan ng SF sa labanang ito.
At ikinararangal kong maglingkod bilang inyong Mayor.
Pinamunuan ko tayo sa pagdaan ng pinakamasamang pandemya sa loob ng 100 taon, kung saan naglabas ako ng unang mga pangkaligtasang hakbang sa Amerika laban sa Covid. Sama-sama nating nailigtas ang libo-libong buhay.
Ngayon, sa ilalim ng aking pamumuno ay bumabalik na nang mas malakas pa kaysa sa anumang panahon ang lungsod.
- Nasa pinakamababa na ang bilang ng krimen at kawalan ng tahanan at pagtira sa kalye sa loob ng isang dekada!
- At inaaresto na natin ang mga nagbebenta ng droga, nagdaragdag na tayo ng daan-daang pulis, at inuusig na ang mga kriminal ng Abugado ng Distrito Brooke Jenkins, na aking ikinararangal na itinalaga.
- Natulungan na natin ang mahigit 15,000 na makaalpas sa kawalan ng tahanan at lumilikha na tayo ng bagong mga tahanan sa kabuuan ng lungsod.
- Iwinaksi na natin ang mga singil ng lungsod at natulungan ang mahigit 5,000 maliliit na negosyo na magbukas.
- Nilikha natin ang JFK Promenade, ang ginagamit ng lahat na pampublikong mga espasyo at ang 20+ milya ng mga lane para sa pagbibisikleta. Pinakamataas sa loob ng 10 taon ang kasiyahan ng mga sumasakay sa Muni.
- Ipinatutupad na natin ang aking bisyon para sa pinasiglang downtown na may mga tahanan, unibersidad, at 30,000 dagdag na indibidwal pagsapit ng 2030!
Ikinararangal ko ang pagkakaroon ng suporta mula sa mga lider na LGBTQ tulad nina Senador Scott Wiener at Superbisor Rafael Mandelman, mga lider ng AAPI tulad nina Betty Yee at Tesorero ng California Fiona Ma, mga unyon kasama na ang Nor Cal Carpenters Union (Unyon ng mga Karpintero sa Nor Cal), LiUNA Laborers (Mga Manggagawa ng LiUNA) Lokal 261, Teamsters Lokal 665, at marami pang iba.
Pagod na ang mga taga-San Francisco sa negatibong pag-iisip. Tumatakbo ako upang iangat ang ating lungsod!
www.LondonforMayor.com
London Breed
MARK FARRELL
Ang aking trabaho ay May-ari ng Maliit na Negosyo.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Tumatakbo ako para sa Mayor para sa aking pamilya at para sa mga pamilya sa kabuuan ng San Francisco.
Naglingkod ako bilang ika-44 na Mayor ng San Francisco, bilang Superbisor ng Distrito 2 sa loob ng pito at kalahating taon, at ako lamang ang kandidatong tumatakbo na may malaking karanasan sa pribadong sektor.
Mayroon akong malinaw na bisyon at detalyadong mga polisiya upang makatulong sa paggawa sa San Francisco na mas malinis, mas ligtas, at mas masiglang Lungsod.
Heto ang magiging hitsura ng San Francisco matapos ang aking unang termino:
- Lubusang napopondohan na mga departamento ng pampublikong kaligtasan, pulisyang nabalik na sa pagkakaroon ng 2,300 pulis, at zero tolerance (walang palalampasin) sa mga krimen
- 4,000 bagong kama sa mga shelter at 24/7 na sentralisadong intake center (sentro para sa pagtanggap) upang matanggal na ang lahat ng kampuhan ng mga tent at makonekta ang mga tao sa mga shelter at serbisyo
- Saradong mga merkado ng droga sa labas ng mga gusali
- Pagbabawas ng 50% ng kamatayan nang dahil sa overdose (labis na paggamit ng droga) sa pamamagitan ng aking mapagdamay at inuuna ang paggaling na plano
- Pagpapahintulot sa 36,000 abot-kaya at para sa may panggitnang kita na mga tahanan para sa mga pamilya sa kabuuan ng San Francisco
- Unibersal na Pangangalaga sa Bata at Pre-K para sa lahat ng bata at pamilya
- Pinasiglang downtown at lokal na ekonomiya at mga komunidad na umuunlad
- Digitized o nasa internet nang pampublikong serbisyo na humaharap sa mga botante, kung kaya’t madaling magamit at online nang 24/7
Mapagkumbaba kong hinihiling ang inyong boto at nang makatulong sa paghahatid ng tunay na pagbabago at mga resulta para sa San Francisco. Bisitahin ang: www.markfarrell.com para alamin pa ang tungkol dito.
Sumasainyo,
Dating Mayor Mark Farrell
Mark Farrell
HENRY FLYNN
Ang aking trabaho ay Espesyalista sa Seguridad (San Francisco).
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
www.MayorFlynn.info
Henry Flynn na Natibong Anak
Henry Flynn: Ika-4 na Henerasyon na Natibo ng San Francisco, Uring Manggagawa -- hindi politiko.
Henry Flynn: Ipinanganak noong 1976 sa St. Mary’s Hospital (Fulton / Stanyan) -- Taon ng Dragon.
Henry Flynn: Pumasok sa lahat ng Paaralan ng Lungsod -- Star of the Sea, Sacred Heart, City College of San Francisco, San Francisco State University.
Henry Flynn: Nagtrabaho ako bilang Espesyalista sa Seguridad sa San Francisco, na karaniwang nasa antas ng kalye sa mga lugar kung saan masikip ang trapiko at aktibong binabantayan ang Ating Lungsod.
Henry Flynn: Pinakikinggan ko ang mga Lokal na Mamamayan sa Kabuuan ng Lungsod araw-araw habang sumasakay sa Muni / Pampublikong Transportasyon (nang tuloy-tuloy sa loob ng nakaraang 20 taon), naglalakad sa mga kalye ng SF, aktibong nagboboluntaryo sa Komunidad at (muli) listong nagtatrabaho sa mga kalye sa mga lugar na masikip ang trapiko at binabantayan ang mga taga-San Francisco... at namamahagi ng treats para sa mga aso -- Mahalaga ang mga aso sa Proteksiyon at Pagkakaisa ng Ating Komunidad at karapat-dapat sila sa kung gaano man karaming treats ang pahihintulutan ng mga nagmamay-ari sa kanila.
Henry Flynn: Ika-4 na Henerasyon na Natibo ng San Francisco, Uring Manggagawa -- hindi politiko.
Henry Flynn na Natibong Anak
www.MayorFlynn.info
Henry Flynn
KEITH FREEDMAN
Ang aking trabaho ay May-ari ng Negosyo / Guro.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Keith Freedman para sa Mayor
Si Keith Freedman ay matalino at masigasig na tagalutas ng mga problema, na magdadala ng yaman ng karunungan sa teknolohiya, pamumuno sa edukasyon, at karanasan sa pagnenegosyo sa kanyang kampanya sa pagiging mayor, na naglalayong ayusin ang hindi mahusay at hindi produktibong operasyon ng pamahalaan ng San Francisco. Bilang may dedikasyong tagalutas ng mga problema na nauunawaan ang pananaw ng mga botante, pinahahalagahan ni Keith ang pagtukoy at pagpapatupad sa tamang mga ideya sa tamang panahon.
May master’s degree sa computer science si Keith at nakapagtrabaho na siya bilang inhinyero ng software sa Los Alamos National Laboratory. Bilang edukador, nakapagturo na siya sa City College of San Francisco at sa University of California, Berkeley.
Sa loob ng nakaraang walong taon, matagumpay nang naitaguyod ni Keith ang kanyang maliit na negosyo sa pinagdaanan nitong mga administratibong hamon sa San Francisco at sa pandemya, nang hindi nagbabago sa pagkakaloob ng natatanging halaga sa mga lokal na mamamayan at bisita mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Bilang residente ng San Francisco sa loob ng 28 taon, malalim ang pagkakasangkot ni Keith sa pangkomunidad na serbisyo. Naglilingkod siya sa San Francisco Tourism Improvement District Board (Lupon ng Distrito para sa Pagpapahusay ng Turismo ng San Francisco), sa South of Market Business Association (Asosasyon ng mga Negosyo sa South of Market), at sa AFT Lokal 2121. May dedikasyon siya sa pagtatrabaho Tungo sa Mas Mahusay na San Francisco.
Iboto si Keith Freedman. Sa pamamagitan ng kanyang bisyon, mapabubuti ng teknolohiya ang pang-araw-araw na buhay, mapangangalagaan ng pamumuno ang katatagan at pag-unlad, at matutulak ng pagpapalakas sa mga komunidad ang San Francisco tungo sa mas malinis, mas maliwanag, mas ingklusibo, at may inobatibong kinabukasan. Si Keith Freedman ang lider na kailangan ng San Francisco.
Keith Freedman
DYLAN HIRSCH-SHELL
Ang aking trabaho ay Inhinyero / Tagapamuhunan ng Maliit na Negosyo.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
12 taon na akong nakatira sa San Francisco, at ikinararangal kong magkaroon ng mga ugat ng pamilya sa lungsod na magmula pa sa 5 henerasyon.
Masipag na akong nakapagtatrabaho upang makatamo ng akademiko at propesyonal na mga tagumpay:
- 2 bachelor’s degree mula sa MIT
- Ph.D. sa Neuroscience
- 12.5 taon ng karanasan bilang inhinyero sa Tesla, sa paglikha ng abanteng mga teknolohiya para sa Elektronikong mga Sasakyan
Ngayon, handa na akong ipatupad ang gayon ding prinsipyo sa trabaho sa paglutas sa mga problema ng San Francisco, kasama na ang:
- kawalan ng tahanan
- paggamit ng droga sa publiko
- krimen
- burukrasya sa gobyerno, hindi pagiging epektibo, pagsasayang, at korupsiyon
Noong kumukuha ako ng Ph.D., gumanap ako ng maraming papel:
- surgeon (siruhano) sa utak
- anesthesiologist (espesyalista sa pampamanhid)
- statistician (eksperto sa istatistiko)
- tagasuri ng datos
Sa Tesla, pinamunuan ko ang pandaigdigang pangkat na lumilikha ng software kung saan napakahalaga ng kaligtasan at ginagamit sa milyon-milyong kotse.
Ang ganitong nakaraan sa pagharap sa komplikadong mga hamon ang siyang dahilan kung bakit napakaangkop ko sa paglutas sa komplikadong mga problema ng pamahalaan.
Nakatulong na ako sa maraming taga-San Francisco:
- napakain ang libo-libong indibidwal na walang tahanan sa pamamagitan ng pagsuporta sa Glide Foundation
- nabigyan ng mga oportunidad sa trabaho ang dating nakakulong at nasa panganib na kabataan sa pamamagitan ng pagsuporta sa Old Skool Cafe
Ngayon, higit pa rito ang gusto kong magawa:
- $1k/buwan para sa bawat taga-San Francisco (Universal Basic Income o Batayang Kita na para sa Lahat)
- bawasan ang mga upa
- bawasan ang mga buwis
- wakasan ang nagpapatuloy na kawalan ng tahanan
- malilinis at ligtas na kalye
Maaari nating matamo ang matatayog na tunguhing ito sa pamamagitan ng pagharap sa mga problema sa sistema gamit ang nakabatay sa ebidensiyang mga polisiya at matibay na pamumuno, at nang makapaghatid ng pangmatagalang pagbabago.
Mga detalye ng polisiya: votedylan.com
Inendoso ni Gisèle Huff, Tagapagtatag at Presidente, Gerald Huff Fund for Humanity (Pondong Gerald Huff para sa Sangkatauhan)
Dylan Hirsch-Shell
DANIEL LURIE
Ang aking trabaho ay Ehekutibo sa Nonprofit.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Nabigyan na natin ang mga nasa loob ng City Hall ng lumalaking mga badyet taon-taon. Gayon pa man, lumalala pa ang pampublikong kaligtasan, mga merkado ng droga, pabahay, at pagsasara ng mga negosyo. Sinisisi nila ang mga burukrata. Sinisisi nila ang komisyon na nilikha nila. Sinisisi nila ang isa’t isa.
Tumatakbo ako para maging mayor dahil hinihingi ng sandaling ito ang pamumunong may pananagutan at bagong mga ideya. Ang mga nasa loob ng City Hall na lumikha ng gulo na ito ay hindi ang mga indibidwal na maglalabas sa atin. Panahon na upang baguhin nang lubos ang sistemang may korupsiyon na umuubos sa mas maraming rekurso at nagkakaroon ng mas masamang mga resulta. At kailangan nating palitan ang mga politikong nagtayo sa sistemang ito.
Naipakita ko na sa kabuuan ng aking karera na makagagawa tayo ng malalaking bagay sa San Francisco.
Naitayo ko, nang walang pera mula sa publiko, ang isa sa pinakamalalaking organisasyon laban sa kahirapan sa bansa at nang makapaghatid ng nasusukat na mga resulta sa edukasyon, pabahay, at pag-eempleyo
Ako lamang ang kandidatong nakapagpatayo ng abot-kayang pabahay sa takdang oras at nang mas maliit ang nagasta sa badyet sa pamamagitan ng naka-unyong paggawa.
Ako lamang ang kandidato na nakapagbigay ng tahanan sa halos 40,000 katao, at napaiwas sa marami pang iba ang kawalan ng tahanan.
Bilang CEO, nasa akin ang responsibilidad. Dadalhin ko ang gayon ding pananagutan at inobatibong mga ideya sa City Hall.
Bilang mayor, gagawin nating mas ligtas ang ating lungsod, permanenteng wawakasan ang mga merkado ng droga, magtatayo ng sapat na pabahay at magkakaroon ng umuunlad na mga negosyo.
Samahan kami sa daniellurie.com
Daniel Lurie
NELSON MEI
Ang aking trabaho ay Inhinyero ng Software.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Nelson Mei ang pangalan ko, at tumatakbo ako para sa posisyon na Mayor ng San Francisco. Lumaki ako sa lungsod na ito, at para sa akin, ang San Francisco ay higit pa sa aking tahanan; ito ang lugar kung saan ako tumira, natuto, at umibig. Ang aking pagmamahal sa serbisyo publiko at ang aking dedikasyon sa pagpapaunlad ng ating lungsod ang nagtulak sa akin upang hangarin ang katungkulang ito.
Kung mahahalal, ipinapangako ko ang pagpapahusay sa pampublikong kaligtasan, pagpapasigla sa ating ekonomiya, pagtugon sa kawalan ng tahanan, pagpapaunlad sa ating sistemang pang-edukasyon, at paggawa sa San Francisco na mas kapana-panabik at katuwa-tuwa, at marami pang iba. Bisyon ko para sa Lungsod na dapat makapanirahan ang lahat dito nang masaya at hindi nag-aalala tungkol sa kaligtasan at natatamasa ang kanilang pang-araw-araw na buhay.
Mapagkumbaba kong hinihiling ang inyong suporta at boto sa papalapit na eleksyon.
Nelson Mei
AARON PESKIN
Ang aking trabaho ay Presidente, Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor).
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Nasa sangandaan na ang San Francisco. Tumatakbo ako para maging Mayor upang mapanatili ang San Francisco na lungsod para sa may pagkakaiba-ibang mga nagtatrabaho at nasa panggitnang uri na mga pamilya, hindi lamang para sa mayayaman.
Bilang tatlong beses na Presidente ng Board of Supervisors, nakapagtrabaho na ako upang magawang mas abot-kaya ang lungsod sa pamamagitan ng mas matataas na minimum na sahod, mas maraming abot-kayang pabahay, mas mahusay na pampublikong transportasyon, pinalawak na mga proteksiyon sa nangungupahan, at mas malalakas na unyon.
Naging mahigpit akong tagapagbantay sa pinansiya, na umatake sa paglulustay, pandaraya, at korupsiyon; at nakapagpatupad ako ng community policing (pagpapatakbo ng pulisya nang may pakikipagtulungan sa komunidad) at mga hakbang para sa kaligtasan ng mga naglalakad, at nang sa gayon, mapanatiling ligtas ang mga komunidad.
Handa na akong gumawa ng aksiyon:
- Magtayo ng libo-libong abot-kaya at para sa panggitnang uri na yunit ng pabahay nang walang gastos ang mga nagbabayad ng buwis
- Punan ang lahat ng posisyon sa kawanihan ng ating pulisya, palawakin ang mga foot patrol (mga nagpapatrolya sa paligid na mga pulis)
- Magkaloob ng napapatawad na utang sa kolehiyo para sa kabataang gustong magkaroon ng karera sa pampublikong kaligtasan
- Labanan ang korupsiyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Inspektor Heneral
- Bawasan ang mga buwis sa maliit na negosyo
- Protektahan ang ating mga komersiyal na distrito sa komunidad
Mga Pag-eendoso: United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco), American Federation of Teachers (Amerikanong Pederasyon ng mga Guro) 2121, National Union of Healthcare Workers (Pambansang Unyon ng mga Manggagawa sa Pangangalaga ng Kalusugan), Teamsters 853, San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco), Small Business Forward (Abante Maliit na Negosyo), Berniecrats, League of Pissed Off Voters (Liga ng mga Nagagalit na Botante), San Francisco Rising Action Fund, Miyembro ng Asembleya Phil Ting, Mayor Art Agnos (ret), Senador ng Estado Mark Leno (ret), Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano (ret), Miyembro ng Kongreso John Burton (ret), Mga Superbisor Connie Chan, Dean Preston at Hillary Ronen, dating mga Hukom Julie Tang at Lillian Sing, Dating mga Superbisor Sophie Maxwell, Norman Yee at Sandra Lee Fewer, Fire Marshall ng San Francisco Paul Chin (ret).
Aaron Peskin
www.Aaron2024.com
AHSHA SAFAÍ
Ang aking trabaho ay Superbisor ng County.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Apat na taon mula ngayon, makatitira pa ba ang nagtatrabaho at panggitnang uri na mga pamilya sa San Francisco? Nakababagabag ang walang linaw na sagot. Isinasapanganib ng pampublikong kaligtasan, korupsiyon, kawalan ng tahanan, at gastos sa pabahay ang ating kinabukasan.
Isa akong imigrante, tagaplano ng lungsod, dating may-ari ng maliit na negosyo, at Superbisor ng County. Mahigpit akong nakipaglaban para sa aking pamilya. Nagtrabaho ako upang makapagkolehiyo, at pagkatapos ay naging tutor sa matematika sa mga estudyanteng hindi lubusang napaglilingkuran. Nakipagtrabaho ako kay Mayor Brown upang matigil ang karahasan sa kabataan at maprotektahan ang imigranteng pamilya sa pagpapaalis sa tinitirhang lugar, at kay Mayor Newsom upang makonekta ang dating nakakulong na mga indibidwal sa magagandang trabaho.
Bilang tagapag-organisa sa paggawa, tumulong ako sa pagtataas ng minimum na sahod sa San Francisco.
Bilang Superbisor, inilagay ko sa unahan ang nagtatrabahong mga pamilya sa abot-kayang pabahay, ang mga foot patrol sa bawat komunidad, pag-o-audit sa paggasta para sa walang tahanan, at Libreng City College.
Bilang Mayor, lalabanan ko ang korupsiyon at magtutuon sa kung ano ang mahalaga: totoong kaligtasan para sa lahat, pagpapatupad sa aking planong may 5 punto upang mawakasan ang kawalan ng tahanan, at paggawa sa San Francisco na abot-kaya para sa nagtatrabahong mga pamilya. Tutugunan natin ang kalusugan ng isip at adiksiyon sa pamamagitan ng pagmamalasakit, popondohan ang pampublikong edukasyon, mamumuno sa klima, at bibigyan ng panibagong sigla ang downtown at napabayaan nang mga komunidad. At ipagtatanggol ang mga pinahahalagahan ng San Francisco upang manatiling magiliw na tumatanggap sa lahat ang Lungsod na ito ng mga imigrante at nagtatrabahong mga pamilya.
Kailangan nating magtrabaho ang San Francisco para sa lahat sa atin.
Basahin ang aking mga plano: www.ahshaformayor.com/
Mga Pag-eendoso: United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco), National Union of Healthcare Workers (Pambansang Unyon ng mga Manggagawa para sa Pangangalagang Pangkalusugan), Plumbers, Steamfitters, and HVACR (Mga Tubero, Tagalagay ng Tubo at HVACR) Lokal 38
Ahsha Safaí
SHAHRAM SHARIATI
Ang aking trabaho ay Inhinyerong Pantransportasyon.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Pagod na ba kayo sa indibidwal na ang pagiging politiko ang karera at sa mga bilyonaryong negosyante?
ALAM KONG PAGOD NA AKO!!!
Tulad ng maraming residente ng San Francisco, nakararamdam na ako ng pagkabigo nang dahil sa ating halal na mga opisyal. Paano naging mas mahalaga pa ang mga panda kaysa sa mga pangangailangan ng mga residente ng San Francisco?
TAMA NA, SOBRA NA!!!
Bilang inhinyerong sibil/para sa transportasyon at lisensiyadong ahente ng real estate na mahigit sa isang dekada na ang karanasan, may malaliman akong pagkaunawa sa mga nangyayari sa loob ng ating pamahalaan. Kasalukuyan akong nagtatrabaho sa San Francisco Municipal Transportation Agency (Ahensiya para sa Munisipal na Transportasyon ng San Francisco), kung saan miyembro ako ng Lokal 21 na unyon, at nagdidisenyo ako ng imprastruktura para sa iba’t ibang paraan ng transportasyon. Bukod rito, tinutulungan ko ang mga bumibili ng bahay sa unang pagkakataon na magamit ang mga programa para sa abot-kayang pabahay ng San Francisco.
BILANG INYONG MAYOR, AKO AY:
- Magkakaloob ng pabahay para sa lahat ng 8,000 indibidwal na walang tahanan sa loob ng mabilis na panahon at nang mas mababa sa badyet.
- Magpapahusay sa kaligtasan sa pamamagitan ng dagdag na presensiya ng pulis at imprastruktura.
- Lilikha ng mga programa na tutulong sa naririyan nang lokal na mga negosyo habang itinataguyod ang mga bagong negosyo.
- Gagawing realidad ang Vision Zero.
- Magpapahintulot sa mga residente ng San Francisco na may green card na magkaroon ng kakayahan na bumoto sa lokal na eleksyon.
- Magpapapanagot sa halal at itinalagang mga opisyal sa pamamagitan ng nag-iimbestigang serye ng mga dokumentaryo.
Ikinararangal ko ang pagiging Persian Amerikano at kasalukuyan akong nakatira sa SoMa, kung saan nakikita ko mismo ang mga problema. May pangako akong tutugunan ang mga ito sa pamamagitan ng praktikal at epektibong mga solusyon.
Alamin pa ang tungkol dito: SFmayor2025.com
Shahram Shariati
ELLEN LEE ZHOU
Ang aking trabaho ay Social Worker para sa mga Pamilya.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Master sa Social Work
Kandidato para maging Mayor ng San Francisco noong Hunyo 2018
Kandidato para maging Mayor ng San Francisco noong Nobyembre 2019
2 termino bilang San Francisco Civil Grand Jury (Pinakamataas na Hukumang Sibil ng San Francisco) 2014/2015 at 2016/2017.
Itinalaga upang maglingkod sa Pedestrian Safety Advisory Committee (Tagapayong Komite para sa Kaligtasan ng mga Naglalakad) 2016/2017
55 taong gulang na may dalawang anak na nasa hustong gulang, may tradisyonal na mga pagpapahalaga sa pamilya
38 taon na nagtrabaho at tumira sa San Francisco
31 taon na bilang bagong silang na Kristiyano
30 taon, bilang aktibista sa komunidad upang bigyang-lakas ang mga indibidwal na magsalita
27 taon, Social Worker para sa mga Pamilya
23 taon, Guro sa Sunday School (Paaralan Tuwing Linggo).
17 taon, boluntaryo sa SFPD, 5 taon sa ALERT, nagtapos sa akademya ng Community Police (Pulisya ng Komunidad), 2006.
16 na taon, Clinician para sa Kalusugan ng Isip sa CCSF Public Health Dept. (Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng CCSF)
15 taon, SEIU1021 Union Steward para sa San Francisco Government Workers (Mga Empleyado ng Pamahalaan ng San Francisco)
7 taon, miyembro ng Neighborhood Emergency Response Team (Pangkat para sa Pagtugon sa Emergency ng Komunidad, NERT), CCSF Fire Dept. (Departamento para sa Pamamahala ng Sunog ng CCSF)
2.5 taon sa CCSF Human Services Agency (Ahensiya para sa mga Serbisyong Pantao ng CCSF)
Bilang inyong bagong Mayor ng San Francisco, aking
Wawakasan ang mga sistema ng pang-aalipin at pangangalakal sa tao upang maprotektahan ang mga bata at ang sangkatauhan
Hahayaang Umangat ang Diyos sa gobyerno upang maiwaksi ang kadiliman
Lilikhain ang malayang merkado para sa mga nagpapaupa at nangungupahan
Pasisimulan ang bagong mga programa upang makinabang ang mga bata, kabataan, estudyante, magulang, manggagawa, residente, at negosyo.
Muling ipamamahagi ang mga rekurso upang wakasan ang panloloko sa kawalan ng tahanan, paghihilumin ang mga walang tahanan at nagbebenta /umaabuso sa droga.
Ipanunumbalik ang katwiran, pag-asa, at awa
Lalabanan ang adyenda ng globalismo 2030
Ibabalik muli ang mga negosyo at lilikha ng mga trabaho
Ipatutupad ang Konstitusyon ng U.S. upang matanggal ang krimen
Bisitahin ang www.MayorEllen.com upang makita ang pag-endoso.
Sama-sama, nating poprotektahan ang ating kinabukasan!
Ellen Lee Zhou