Volunteer! Be a Poll Worker!
Nangangailangan ang San Francisco ng mga Manggagawa sa Lugar ng Botohan para sa Nobyembre 8 na Eleksyon!
Kami dito sa Departamento ng mga Eleksyon ay inaanyayahan kayong sumali sa aming San Francisco Poll Worker Team para sa Eleksyon sa Nobyembre 8, 2022! Ang mga poll worker o manggagawa sa lugar ng botohan ang mga boluntaryo na tumutulong sa pangangasiwa sa pagboto sa mga lugar ng botohan sa komunidad sa Araw ng Eleksyon. Kasama sa kanilang responsibilidad ang pag-set up at pagsara ng lugar ng botohan, pag-check in sa mga botante gamit ang listahan sa presinto, pagsagot sa tanong ng mga botante, at pagbibigay ng mga materyales tulad ng mga balota, form para sa pagpaparehistro ng botante, at ang “Bumoto Ako!” na mga sticker. Para sa kanilang isang araw na serbisyo, makatatanggap ang mga poll worker ng sahod mula $225 hanggang $295, pati na rin ang nakokolektang pin na espisipiko sa bawat eleksyon bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap. Para sa maraming indibidwal, makabuluhang paraan ng pagbibigay tulong sa kanilang komunidad ang pagsisilbi bilang poll worker. Sa katunayan, nagboluntaryo na ang ilang manggagawa sa botohan sa San Francisco sa mahigit 50 na eleksyon! Ang Departamento ng mga Eleksyon ay nagpapasalamat sa maraming mga boluntaryo na nangakong tutulong sa amin na isagawa ang paparating na eleksyon sa Nobyembre 8. Umaasa kami na kayo rin ay makasasama sa amin para mapaglingkuran ang ating Lungsod! Para mag-apply bilang poll worker, mangyaring bumisita sa sfelections.org/pwa o tumawag sa (415) 554-4395. |