Tulungan kaming kumalap ng impormasyon para sa mga susunod na election outreach sa San Francisco!
Inaanyayahan kayo ng Departamento ng mga Eleksyon na kompletuhin ang isang maikli, at walang pagkakakilanlan na survey upang ipaalam sa amin kung paano kayo nakatatanggap ng impormasyon ukol sa eleksyon. Ang inyong pakikibahagi sa survey na ito ay makatutulong sa Departamento na hubugin ang susunod nilang mga gawain sa pag-abot sa mga taga-San Francisco para mamahagi ng impormasyon tungkol sa kung paano magparehistro at bumoto. Bago ang bawat eleksyon, bumubuo ang Departamento ng mga Eleksyon ng Voter Outreach and Education Plan na nagbubuod sa estratehiya na dinisenyo upang makapag-bigay ng mahahalagang pang-eleksyong impormasyon sa mga taga-San Francisco. Kasama sa estratehiyang ito ang paggamit ng mga abiso, flyer, presentasyon sa personal o virtual, radyo, telebisyon, at mga anunsyo sa pahayagan, website, at mga post sa social media, pati na rin ang pakikipag-partner sa mga lokal na organisasyong naka-base sa komunidad at mga ahensya ng lungsod. Para kompletuhin itong survey, magtungo lamang sa sfelections.org/outreachimpactsurvey, o makipag-ugnayan sa amin para makatanggap ng papel na bersiyon nito sa koreo. Salamat sa paglalaan ng oras upang ibahagi ang inyong feedback! |
![]() |