Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
Ang Safe at Home ay programa para sa kumpidensyal na address na pinangangasiwaan ng Kalihim ng Estado ng California. Maaaring maging kuwalipikado ang ilang botante, na humaharap sa mga sitwasyong nagsasapanganib sa kanilang buhay, para sa status na kumpidensyal na botante. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Safe at Home program ng Kalihim ng Estado sa walang bayad (877) 322-5227, o bumisita sa sos.ca.gov.