Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon Nobyembre 3, 2020

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Filipino
  • Español
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 3, 2020 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Layunin ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco
      • Ang Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • May Tatlong Paraan para Makaboto ang mga Botante sa San Francisco
      • Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
      • Pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall
      • Pagboto sa Lugar ng Botohan
      • Saan ang Lokasyon ng Itinalaga sa Aking Lugar ng Botohan para sa Nobyembre 3?
      • Tingnan ang Likod na Pabalat para sa Lokasyon ng Inyong Lugar ng Botohan
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo:
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Madalas Itanong (FAQs)
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Inyong Halimbawang Balota
      • Worksheet ng balota
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
      • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
    • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
    • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon Tungkol sa Lokal na Panukalang-batas sa Balota at Pangangatwiran
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      Local Ballot Measures
      • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Kalusugan at Kawalan ng Tahanan, mga Parke, at Kalye
      • Proposisyon B: Department of Sanitation and Streets (Departamento para sa Kalinisan at mga Kalye), Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye), at Public Works Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Gawain)
      • Proposisyon C: Pagtatanggal ng Itinatakdang Pagiging Mamamayan para sa mga Miyembro ng mga Lupon ng Lungsod
      • Proposisyon D: Pangangasiwa ng Sheriff
      • Proposisyon E: Pag-eempleyo sa Pulisya
      • Proposisyon F: Lubusang Pagbabago sa Business Tax (Buwis sa Negosyo)
      • Proposisyon G: Pagboto ng Kabataan sa mga Lokal na Eleksyon
      • Proposisyon H: Neighborhood Commercial Districts (distritong mababa o katamtaman ang dami ng tao at magkahalong residensiyal at komersiyal ang gamit) at Pagbibigay ng Permits ng Lungsod
      • Proposisyon I: Real Estate Transfer Tax (Buwis ukol sa Paglilipat ng Ari-arian)
      • Proposisyon J: Parcel Tax (buwis sa parsela o buwis na nakabatay sa mga katangian ng ari-arian at hindi sa natasang halaga nito) para sa San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco)
      • Proposisyon K: Awtorisasyon para sa Abot-kayang Pabahay
      • Proposisyon L: Business Tax na Nakabatay sa Paghahambing ng Suweldo ng Pinakamatataas na Executive sa Suweldo ng mga Empleyado
      • Panukalang Pandistrito RR: Buwis sa Pagbebenta ng Caltrain

You are here

  1. Bahay ›
  2. Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota ›
I
Real Estate Transfer Tax (Buwis ukol sa Paglilipat ng Ari-arian)

Dapat bang permanenteng taasan ng Lungsod ang porsiyento ng transfer tax sa mga pagbebenta at pagpapaupa nang 35 taon o higit pa sa ari-arian, tungo sa 5.50% sa mga transaksiyon na $10 milyon hanggang $25 milyon, at tungo sa 6.00% sa mga transaksiyon na $25 milyon o higit pa, para sa tinatayang karaniwang kita na $196 milyon sa isang taon?

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota) 

Kung Ano Ito Ngayon: Nangongolekta ang Lungsod ng transfer tax sa ilang pagbebenta, pati na rin sa mga kasunduan sa pagpapaupa (lease) na 35 taon o higit pa sa mga residensiyal at komersiyal na ari-arian sa San Francisco. Karaniwang nakabatay ang porsiyento ng buwis sa presyo ng pagbebenta ng ari-arian. Ang kasalukuyang mga porsiyento ng transfer tax ay: 

Presyo ng Pagbebenta ng Ari-arian

Kasalukuyang Porsiyento ng Buwis 

Mahigit sa $100 at mas mababa sa, o katumbas ng $250,000

0.50%

Mahigit sa $250,000 at mas mababa sa $1,000,000

0.68%

Mahigit sa $1,000,000 at mas mababa sa $5,000,000

0.75%

Mahigit sa $5,000,000 at mas mababa sa $10,000,000

2.25%

Mahigit sa $10,000,000 at mas mababa sa $25,000,000

2.75%

Hindi bababa sa $25,000,000

3.00%

Kapag sa Lungsod ibinenta ang ari-arian, hindi ipinatutupad ang transfer tax. Kapag ibinenta ang ari-arian sa kuwalipikadong nonprofit para sa abot-kayang pabahay, hindi tataas sa 0.75% ang porsiyento ng transfer tax. 

Nililimitahan ng batas ng estado ang halaga ng kita, kasama na ang kita mula sa buwis, na puwedeng magasta ng Lungsod sa bawat taon. Binibigyan ng awtorisasyon ng batas ng estado ang mga botante ng San Francisco na pahintulutan ang mga pagtataas sa limitasyong ito, para sa pinakamataas nang posibleng panahon na apat na taon.

Napupunta ang perang nakokolekta mula sa buwis na ito sa General Fund (Pangkalahatang Pondo) ng Lungsod. 

Ang Mungkahi: Tataasan ng Proposisyon I ang porsiyento ng transfer tax sa ilang pagbebenta, pati na rin sa mga kontrata ng pagpapaupa na 35 taon o higit pa sa ari-ariang may presyo na hindi bababa sa $10 milyon. Para sa ari-arian na may presyo sa pagbebenta na mas mababa sa $10 milyon, hindi magbabago ang kasalukuyang porsiyento ng buwis. Ang mga mungkahing porsiyento ng buwis ay: 

Presyo ng Pagbebenta ng
Ari-arian

Mungkahing Porsiyento
ng Buwis

Mahigit sa $100 at mas mababa sa, o katumbas ng $250,000

0.50% (walang pagbabago)

Mahigit sa $250,000 at mas mababa sa $1,000,000

0.68% (walang pagbabago)

Hindi bababa sa $1,000,000 at mas mababa sa $5,000,000

0.75% (walang pagbabago)

Hindi bababa sa $5,000,000 at mas mababa sa $10,000,000

2.25% (walang pagbabago)

Hindi bababa sa $10,000,000 at mas mababa sa $25,000,000

5.50%

Hindi bababa sa $25,000,000

6.00%

Hindi ipatutupad ang pagtataas ng porsiyento ng transfer tax kung ibebenta ang ari-arian sa Lungsod o sa kuwalipikadong nonprofit para sa abot-kayang pabahay.

Tataasan din ng Proposisyon I ang limitasyon sa paggasta ng estado sa taunang kita sa buwis ng Lungsod, batay sa halaga ng karagdagang buwis na makokolekta sa ilalim ng mungkahing mga pagtaas ng porsiyento. Tatagal nang apat na taon ang mas mataas na limitasyon. 

Ang Ibig Sabihin ng Botong “OO”: Kapag bumoto kayo ng “oo,” gusto ninyong taasan ang porsiyento ng transfer tax sa ilang pagbebenta pati na rin sa mga kontrata ng pagpapaupa na 35 taon o higit pa sa ari-ariang may presyo na hindi bababa sa $10 milyon.

Ang Ibig Sabihin ng Botong “HINDI”: Kapag bumoto kayo ng “hindi,” ayaw ninyong magawa ang mga pagbabagong ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ukol sa "I"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Ben Rosenfield ng sumusunod na pahayag ukol sa epekto sa pinansiya ng Proposisyon I:

Tataasan ng mungkahing ordinansa ang ipinapataw na transfer tax sa ari-arian sa mga paglilipat na higit pa sa $10 milyon, at sa aking opinyon, magdudulot ito ng malaki pero lubhang nagbabago-bago na karagdagang kita para sa mga serbisyo ng gobyerno. 

Tataasan ng ordinansa ang porsiyento ng transfer tax sa mga ari-arian sa mga transaksiyon na may halagang nasa pagitan ng $10 milyon at mas mababa sa $25 milyon nang mula sa 2.75% tungo sa 5.5%, at ang porsiyento sa mga transaksiyong may halaga na $25 milyon, at mas mataas dito, nang mula sa 3% tungo sa 6%. Sa pagpapatupad ng mga porsiyento ng buwis na ito sa kasalukuyang tinatayang halaga ng ari-arian para sa mga transaksiyon na naganap sa pinakahuling siklo ng ekonomiya (mula 2008 hanggang 2020), ang taunang kita na nagresulta sana mula sa proposisyong ito ay may saklaw na sanang mababang bahagi na $13 milyon hanggang sa mataas na bahagi na $346 milyon, kung saan ang average o karaniwan ay $196 milyon. Gayon pa man, malamang na hahantong ang pagdodoble ng porsiyento ng buwis sa mga transaksiyong ito sa iba’t ibang uri ng pagkilos at gawi upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis, at mahirap na mahulaan ang anyo at panahon ng mga ito. Posibleng makaapekto kapwa sa transfer tax at kita sa property tax (buwis sa ari-arian) ang mga pagbabago sa presyo, dami, at anyo ng transaksiyon ng pagbebenta, pati na rin ang mga epekto sa bagong konstruksiyon. 

Bagamat tinataya namin na posibleng magresulta ang mung-kahing ordinansa sa pangkaraniwan na karagdagang kita na $196 milyon kada taon, mahalagang tandaan na ito na ang pinakamagbabago-bagong mapagkukunan ng kita ng Lungsod, at posibleng hindi magamit na paraan ang mga pagtayang nakabatay sa aktibidad ng nakaraang taon upang mahulaan ang mga kita sa hinaharap. Gagawing lalo pang nagpapabago-bago ang pinagkukunan ng kita na ito ng mungkahing panukalang-batas ukol sa buwis. 

Kung Paano Napunta sa Balota ang "I"

Noong Hunyo 12, 2020, nakatanggap ang Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) ng mungkahing ordinansa na pirmado ng mga sumusunod na Superbisor: Mar, Preston, Haney, Ronen, Walton. 

Pinahihintulutan ng Municipal Elections Code (Kodigo para sa Munisipal na Eleksyon) ang apat o higit pang Superbisor na maglagay ng ordinansa sa balota sa ganitong paraan.

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.

Ang pahayag sa itaas ay walang-kinikilingang pagsusuri nitong panukalang-batas. Ang ilan sa mga salitang ginamit sa digest ng balota ay ipinaliliwanag sa Mga salitang kailangang malaman ninyo.
Argumento ng May-Panukala na Pabor sa Proposisyon I

Ang Prop I ay simpleng proposisyon. Hinihiling nito sa mga nagbebenta ng ari-arian na may halagang $10 milyon o higit pa—pangunahin na ang malalaking korporasyon o trusts (itinatabing pera) para sa mga ari-arian—na magbayad ng mas mataas na buwis kapag nagbenta ang mga ito ng ari-arian. Makatutulong ang kita na ito sa mga pinakanagdurusa sa panahon ng pandemya. 

Walang pagbabago sa transfer tax (buwis sa paglilipat ng pag-aari) para sa karaniwang may-ari ng tahanan o ari-arian dahil mananatiling gaya ng dati ang mga buwis sa ari-arian na ibinenta sa halagang mas mababa sa $10 milyon. 

Sa panahong humaharap ang San Francisco sa $1.7 bilyon na tinatayang kakulangan sa badyet sa loob ng susunod na dalawang taon, makakakalap ang panukalang-batas na ito ukol sa progressive tax (kita mula sa buwis kung saan tumataas ang porsiyento habang tumataas ang halagang binubuwisan) ng kailangang-kailangan na pang-emergency na pondo. 

Mahalagang hakbang din ang Prop I upang mapigilan ang maramihan at sunod-sunod na pagpapaalis sa tahanan na magdudulot ng higit na kawalan ng tahanan, sa kadahilanang hindi na makayanan ng mga umuupa na makapagbayad ng renta gawa nang pandemya. Noong Agosto, sama-samang ipinasa ng lahat ng miyembro ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ang resolusyon, kung saan ginawa nilang pangunahing prayoridad para sa bagong kita ang pang-emergency na tulong sa pagbabayad ng upa at sa permanenteng abot-kayang pabahay. Makatutulong ito sa mga umuupa na nawalan ng trabaho at kita, at makatutulong din sa maliliit na nagpapaupa na umaasa sa kita sa upa para mabuhay. 

Ang mga bilyonaryong tulad ni Jeff Bezos, na tumaas na ang net worth (halaga ng pag-aari) nang mahigit $73 bilyon sa panahon ng pandemya, ay napakaganda ng kalagayan. Gayon pa man, nahihirapan na ang mga nagtatrabahong taga-San Francisco nang dahil sa sakit at sa pagkawala ng trabaho. Panahon nang hilingin sa mga nagbebebenta ng mga gusaling nagkakahalaga ng mahigit sa $10 milyon na magbayad ng kaunting dagdag upang matulungan ang mga nangangailangan. 

Pakisamahan kami at Bumoto ng Oo sa I.

Superbisor Dean Preston 

San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko)

Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)

San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)

Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon para sa Pangkomunidad na Pabahay)

Eviction Defense Collaborative (Mga Magkakatuwang para sa Pagdepensa Laban sa Pagpapaalis)

American Federation of Teachers (Amerikanong Pederasyon ng mga Guro, AFT) 2121

Service Employees International Union (Internasyonal na Unyon ng mga Empleyadong Nagbibigay-Serbisyo, SEIU) 1021

Alice B. Toklas LGBT Democratic Club (Alice B. Toklas LGBTQ na Samahang Demokratiko)

Harvey Milk LGBTQ Democratic Club (Harvey Milk LGBTQ na Samahang Demokratiko)

Miyembro ng Asembleya Phil Ting

Superbisor Rafael Mandelman

Superbisor Hillary Ronen

Superbisor Shamann Walton

Superbisor Matt Haney

Superbisor Gordon Mar

www.fairrecoverysf.com

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.
Sagot sa Argumento ng May-Panukala na Pabor sa Proposisyon I

Huwag magpalihis sa politikal na retorika - gusto ng mga may-panukala na maniwala kayong buwis sa mga mansiyon ang Proposisyon I. Hindi ito gayon. Buwis ito sa maliliit na negosyo sa komunidad at sa mga bagong pabahay. 

Bigo ang mga may-panukala sa pagbanggit na hindi lamang sa pagbebenta ng ari-arian ipinatutupad ang Proposisyon I - ipinatutupad rin ito sa maliliit na negosyo at sa pag-upa sa mga tindahan. Nakikipaglaban na para manatiling buhay ang mga negosyong mom and pop (maliit na negosyong karaniwang pinatatakbo ng pamilya). Sa panahon kung kailan napakarami na ang desperado nang sinusubukan na maibenta, maihinto, o magkaroon ng bagong negosasyon ang kanilang kasunduan sa pag-upa, itataas ng buwis na ito ang kani-kanilang upa at pagbabantaan ang kanilang mga safety net (proteksiyon mula sa paghihirap) sa mga sandali pa namang pinakahindi nila kayang bayaran ang mga ito. 

Bukod rito, babayaran ang transfer tax (buwis ukol sa paglilipat ng ari-arian) hindi lamang ng mga nagsusumikap na makabenta ng gusali; babayaran din ito ng mga nagsusumikap makapagtayo ng kailangang-kailangan na mga unit ng abot-kayang pabahay. Ititigil ng buwis na ito ang paglikha ng pabahay, gagawing mas mahal na naman ang mga tahanan, at magiging mas mahirap pang makahanap ng pabahay. 

Nakararanas na ang San Francisco ng pinakamatinding pagbagsak ng ekonomiya sa isang henerasyon. Mahigit sa 175,000 indibidwal na ang walang trabaho, at mahigit sa 50% ng mga tindahan ang nagsara na nang walang katiyakan kung kailan magbubukas. 

Lalo pang lumalala ang sitwasyon dahil nasabi na ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) ng Lungsod na ito ang isa sa mga buwis na pinakanagbabago-bago ang kita sa San Francisco, at walang mga parametro na nasa Proposisyon I kung paano gagastahin ang pera. 

Hindi nagtutugma ang retorika ukol sa panukalang-batas na ito sa realidad. Huwag nating tanggalan ng negosyo ang mga mom and pop. Bumoto ng Hindi sa Proposisyon I.  

Gwen Kaplan, May-ari ng Maliit na Negosyo 

Rodney Fong, May-ari ng Maliit na Negosyo

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.
Argumento ng Katunggali Laban sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I upang maprotektahan ang maliliit na negosyo sa komunidad at ang abot-kayang pabahay. 

Naisadlak na ng COVID-19 ang San Francisco sa pinakamatinding pagbaba ng ekonomiya sa loob ng 20 taon: mayroon nang mahigit sa 175,000 pagsingil para sa unemployment (tinatanggap na pera ng nawalan ng trabaho mula sa estado) at 50% na ng lahat ng negosyong tindahan ang nagsara na nang walang katiyakan kung kailan magbubukas.

Wawasakin ng agad na pagtataas ng buwis ang maliliit na negosyo sa pamamagitan ng pagbubuwis sa mga tindahan, restawran, bar, at nail salon sa komunidad. Gagawin nitong mas malala pa ang pagbagsak ng ekonomikya at itutulak ang maliliit na negosyo tungo sa pagkabangkarote dahil:  

• Walang proteksiyon ang Proposisyon I para sa maliliit na negosyo. 

• Magtataas ang Proposisyon I ng upa sa maliliit na negosyo sa komunidad, pagbabantaan ang kanilang mga safety net, at kukunin ang katatagan ng kanilang pinansiyal na kalagayan. 

Ang puso at diwa ng ating Lungsod - ang mga negosyong mom and pop - ay humaharap na sa imposibleng sitwasyon. Gumagawa na sila ng napakahihirap na pagpapasya kung ano ang gagawin sa kani-kanilang espasyo, at magpapatong lamang ang Proposisyon I ng dagdag na pasanin. 

Dahil sa Proposisyon I, mawawalan din tayo ng libo-libong bagong unit ng pabahay, kasama na ang daan-daang unit ng abot-kayang pabahay at daan-daang trabaho sa konstruksiyon ng mga nasa unyon. Ito ay mga kailangang-kailangang tahanan, at gagawing mas mahal ng Proposisyon I ang pabahay sa San Francisco. 

Mas malala pa rito, walang mga kontrol ang Proposisyon I kung paano gagastusin ang pera. Hindi kailangan ng City Hall ng mas maraming pera; kailangan nitong maging mas mahusay sa pera na mayroon na ito. Nadoble na ang badyet ng Lungsod nitong nakaraang 10 taon - samantalang tumaas na nang labis-labis ang kawalan ng tahanan at natanggal naman ang mahahalagang serbisyo. 

Mapipinsala ng Proposisyon I ang maraming tindahan, restawran, bar, at nail salon sa komunidad, na nahihirapan na para lamang manatiling buhay sa panahon ng COVID-19 na krisis. Itigil ang pagsusumikap na itong magtaas ng buwis sa nahihirapan nang maliliit na negosyo sa panahon sa kasaysayan kung kailan pinakawasak na ang ekonomiya. 

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Gwen Kaplan, May-ari ng Maliit na Negosyo

Rodney Fong, May-ari ng Maliit na Negosyo*

Larry Mazzola Jr., UA Local 38 Plumbers & Pipefitters Union (Mga Tubero at Tagakabit ng Tubo na Lokal 38 ng UA)

Mary Jung, Dating Tagapangulo ng SF Democratic Party*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.
Sagot sa Argumento ng Katunggali Laban sa Proposisyon I

Iyon lamang pagbebenta ng ari-ariang nagkakahalaga ng $10 milyon o higit pa ang maaapektuhan ng Prop I. Iyong lamang nagbebenta ng napakatataas na gusali at napakalalaking mansiyon ang magbabayad. Hindi magbabayad ng kahit isang sentimo ang mga may-ari ng tahanan at maliliit na negosyo.  

Huwag magpaloko sa malalaking negosyo. Bilang mga may-ari ng maliliit na negosyo, gusto naming malaman ninyo ang facts o mga katunayan: 

• Inililihis nila kayo sa kung sino talaga ang kinakatawan nila. HINDI maliliit na negosyo ang kinakatawan ng mga katunggali. Ang isa sa kanila ay Ehekutibong Direktor ng Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal), na kumakatawan sa higanteng mga korporasyon. Ang isa pa ay lobbyist (binabayaran upang maimpluwensiyahan ang mga mambabatas) para sa industriya ng real estate.  

• Pagsisinungaling ukol sa epekto sa maliliit na negosyo. Hindi nagbebenta ang mga tindahan, restawran, bar at nail salon sa komunidad ng ari-arian na nagkakahalaga ng $10 milyon o higit pa. HINDI sila maaapektuhan. 

• Tataas ang pagpapaalis sa tahanan at kawalan ng tahanan. Kung wala ang pagpopondo ng Prop I sa pang-emergency na tulong sa upa, makakakita tayo ng mas maraming pagpapaalis sa tahanan at kawalan ng tahanan. 

• Gustong nilang kayo ang magbayad, hindi sila. Ang kakulangan sa badyet ng San Francisco ay $1.7 bilyon na. Kapag hindi tayo nagtaas ng kita mula sa mga MAKAKAYANAN namang magbayad, tayo mismo ang magbabayad sa mga gastusin. 

Inililigtas ng Prop I ang maliliit na negosyo—pinananatili nito ang ating mga manggagawa sa kanilang mga trabaho sa pamamagitan ng pagpapanatili sa kanila sa kanilang mga tahanan. 

Nakakita na ang mga bilyonaryo at malalaking korporasyon ng hindi inaasahang napakalalaking kita mula sa pandemya. Ang iba pang tulad natin ang siyang nagbayad sa gastos. Panahon na para tulungan ng pinakamayayaman ang mga naghihirap. 

Mangyaring bumoto ng OO sa Proposisyon I. 

Maliliit na negosyo sa San Francisco:

City Lights Books 

Bi-Rite

Sam's Grill

The Booksmith

Casa Sanchez 

The Animal Company

No Shop

Glama-rama! Hair Salon

Bird and Beckett Books

San Francisco Democratic Party 

Sierra Club

Senior and Disability Action

Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)

San Francisco Tenants Union 

Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon para sa Pangkomunidad na Pabahay)

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.
May Bayad na Argumentong PABOR sa Proposisyon I

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Bumuto ng HINDI kay Trump at ng Oo sa Proposisyon I.  

Mali ang naging pamamahala ni Donald Trump sa pandemya, kung kaya’t sampu-sampung libong tao ang nasawi. Ang malalaking korporasyon at mga bilyonaryo ang siyang nakinabang mula sa kanyang mga polisiya sa ekonomiya. Panahon na para lumaban sa pamamagitan ng pagboto ng HINDI kay Trump at ng OO sa I. Hinihiling ng Prop I sa pinakamalalaking korporasyon at real estate (negosyo ng pagbebenta ng ari-arian) na magbayad ng mas mataas na buwis kapag nagbebenta sila ng ari-arian na nagkakalahalaga ng $10 milyon o higit pa.  Maaaring magamit ang mga pondong ito upang matulungan ang mga umuupa na hindi kayang makapagbayad ng renta nang dahil sa Coronavirus, at maaaring ituon ito sa pagtatayo ng permanenteng abot-kaya na pabahay upang madala ang mga taong homeless o walang tahanan mula sa mga kalye tungo sa ligtas na masisilungan. Pakisamahan ang nagkakaisang San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco) at bumoto ng OO sa I.

San Francisco Democratic Party  

Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party David Campos 

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Honey Mahogany 

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Leah Lacroix 

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Li Miao Lovett 

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Keith Baraka 

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Peter Galotta 

Corresponding Secretary (Sekretarya para sa Pakikipagkomunikasyon) ng  SF Democratic Party Anabel Ibáñez

Miyembro ng DCCC John Avalos

Miyembro ng DCCC Gloria Berry 

Miyembro ng DCCC Bevan Dufty 

Miyembro ng DCCC Matt Haney 

Miyembro ng DCCC Carolina Morales

Miyembro ng DCCC Jane Kim 

Miyembro ng DCCC Rafael Mandelman

Miyembro ng DCCC Hillary Ronen 

Miyembro ng DCCC Shanell Williams

Miyembro ng DCCC Gordon Mar 

Miyembro ng DCCC Faauuga Moliga

Miyembro ng DCCC Manohar Raju 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery (San Francisco para sa Makatarungang Pagbangon).

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Napakalalaki ng kinikita ng mga bilyonaryo habang nagdurusa naman ang maliliit na negosyo. Bumoto ng OO sa I.  

Mahigit sa 166,000 indibidwal na nagtatrabaho sa mga negosyong nasa San Francisco ang lubusan nang nagsara o may bahaging nagsara sa ilalim ng kautusang shelter-in-place (manatili sa tahanan) ng lungsod, at nagresulta na ang nawalang mga oras na kanila ng tinatayang $879 milyon kada buwan na pagbagsak ng sahod, ayon sa bagong sarbey ng opisina ng controller (tagapamahala ng pinansiya) ng lungsod. 

Sam Mogannam, Tagapagtatag ng Bi-Rite* 

City Lights Books 

Peter Quartaroli, May-ari ng Sam's Grill* 

Christin Evans, May-ari ng The Booksmith

Martha Sanchez, May-ari ng Casa Sanchez *

Kathryn McKee, May-ari ng Glama-Rama! Hair Salon* 

Rick French, May-ari ng The Animal Company* 

Leah Martin, May-ari ng No Shop

Heidi Alletzhauser, May-ari ng Heidi Alletzhauser Photography*

*Para lamang sa layunin ng identipikasyon; lumalagda ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Nagdurusa na ang mga guro, estudyante at pamilya. Hinihiling namin sa inyo na bumoto ng Oo sa I. 

Nawasak na ng pandemya at ng pagbagsak ng ekonomiya ang mga pampublikong paaralan ng San Francisco na nagkakaloob ng edukasyon sa mahigit 53,000 estudyante. Nahihirapan na ang mga pamilya sa paghahanap ng paraan upang makapagbayad ng renta at groseriya. Marami ang walang trabaho. Kasabay nito, kailangang mag-aral ng mga bata sa bahay, habang marami ang walang pamamaraang makagamit ng kompyuter at internet. Matutulungan ng Prop I ang nahihirapang mga pamilya nang hindi nagagastusan nang kahit isang kusing ang mga karaniwang may-ari ng tahanan. Tulungan ang ating mga bata at paaralan sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa I. 

American Federation of Teachers (Amerikanong Pederasyon ng mga Guro, AFT) Lokal 2121 

Ken Tray, Dating Miyembro ng Lupon ng United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)

Jeremiah Turner, Guro 

Ellen Kerr, Guro 

Greg McGarry, Guro 

Heather Woodward, Guro

Maxwell Raynard, Guro 

Angie Sibelman, Guro 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Naghahatid ang Prop I ng abot-kayang pabahay sa ating mga guro at mga pamilya ng mga paaralan

Tinataya ng Controller ng Lungsod na magpapasok ang Prop I ng $196 milyon kada taon, na maaaring maggasta sa pang-emergency na ayuda sa upa at sa permanenteng abot-kaya na pabahay -- nang hindi nagagastusan ang mga may-ari ng tahanan, umuupa, o may maliliit na ari-arian. Kailangan natin ang abot-kayang pabahay para sa mga guro, kawani, estudyante, at mga pamilyang mabababa ang kita na nasa pampublikong paaralan. Pakisamahan kami at bumoto ng OO sa I. 

Presidente ng Lupon ng Community College (Kolehiyo ng Komunidad) Shanell Williams

Bise-Presidente ng Lupon ng Community College Tom Temprano

Miyembro ng Lupon ng Community College John Rizzo

Presidente ng School Board (Lupon ng mga Paaralan) Mark Sanchez

Bise-Presidente ng School Board Gabriella Lopez

Miyembro ng Lupon ng mga Paaralan Faauuga Moliga

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

70% ng mga namatay nang dahil sa COVID-19 sa San Francisco ay mga taong may kulay. 

Matindi ang naging epekto ng pandemya at pagbagsak ng ekonomiya sa Itim na komunidad ng San Francisco. Bagamat 4% lamang sila ng populasyon ng SF, binubuo ng mga Aprikano Amerikano ang 37% ng populasyon ng ating homeless, at nahahawa sila ng COVID-19 sa porsiyentong 4 beses na mas malaki kaysa sa kanilang populasyon. Kailangan na nating gumawa ng aksiyon at makatutulong ang Prop I. Itinataas nito ang buwis ng pinakamayayamang may ari-arian sa lungsod -- iyong nagbebenta ng ari-arian na nagkakahalaga ng $10 milyon o higit pa.  Magagamit natin ang kita na ito upang makapagtayo ng permanenteng abot-kayang pabahay at matulungan ang mga umuupa na naapektuhan ng Coronavirus na mabayaran ang kanilang hindi pa nababayarang upa. Mangyaring maglaan ng panahon upang bumoto ngayong Nobyembre at bumoto ng OO sa I. 

Superbisor Shamann Walton 

Superbisor Sophie Maxwell

Pangalawang Tagapangulo ng Democratic Party Honey Mahogany

Pangalawang Tagapangulo ng Democratic Party Keith Baraka

Miyembro ng SF Democratic Party Shanell Williams 

Miyembro ng SF Democratic Party Gloria Berry

Katuwang na Tagapangulo ng Harvey Milk LGBT Democratic Club (Harvey Milk LGBTQ na Samahang Demokratiko) Kaylah Williams

Katuwang na Tagapangulo ng Harvey Milk LGBT Democratic Club Kevin Bard

Jamal Trulove, Aktor, “The Last Black Man in San Francisco (Ang Huling Itim na Lalaki sa San Francisco)”

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Halos kalahati ng lahat ng kaso ng COVID-19 sa San Francisco ay Latino.  

Ang komunidad ng mga Latino sa San Francisco ang siyang pinakanagdurusa nang dahil sa coronavirus. Bilang essential workers (manggagawa sa mahahalagang industriya), hindi kami maaaring magtrabaho mula sa bahay. Ginagawa pang mas malala ang problema ng mga kondisyon ng kasikipan at dami ng tao sa tinitirhan at ng kasalukuyang kawalan ng katarungan sa pagkakapantay-pantay. Kahindik-hindik na kumita pang lalo ng bilyon-bilyon ang mga bilyonaryo ng lungsod habang nahihirapan ang masisipag na nagtatrabahong pamilya nang dahil sa kawalan ng trabaho at sakit. Mahigpit naming sinusuportahan ang Prop I dahil itinataas nito ang buwis ng pinakamalalaking may ari-arian sa lungsod, at nang matulungan ang nahihirapang mga tenant o umuupa na mabayaran ang hindi pa nababayarang upa. Positibong pasulong na hakbang ito, na isa sa maraming kailangan nating gawin. Bumoto ng OO sa I.

Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party David Campos 

Dating Superbisor John Avalos

Presidente ng School Board Mark Sanchez 

Bise Presidente ng School Board Gabriella Lopez

Miyembro ng San Francisco Democratic Party Anabel Ibanez

Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Carolina Morales

Latinx Young Democrats of San Francisco (Latinx na Kabataang Demokrata  ng San Francisco) 

Jon Jacobo, Tagapangilo ng Latino Task Force Health Committee (Espesyal na Pangkat ng mga Latino para sa Kalusugan) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Libo-libong Asyano at taga-Isla Pasipikong service workers (manggagawang nagbibigay ng serbisyo) na ang nawalan ng kita nang dahil sa COVID-19.  

Humaharap ang mga nawalan na ng trabaho na Asyano at taga-Isla Pasipikong service workers ng hindi pa nararansan kailanman na kawalan ng seguridad sa tirahan sa San Francisco, habang nagsasagawa naman ang mga extremist (naniniwala nang labis sa espesipikong ideolohiya) sa White House ng rasistang pag-atake upang maisapanganib ang ating mga komunidad. Kailangan nang gumawa ng aksiyon ng San Francisco, at mahalagang bahagi ng pagtugon ang Proposisyon I.  Nagtataas ang Prop I ng buwis sa pagbebenta ng ari-arian DOON LAMANG sa mga ari-arian na nagkakahalaga ng $10 milyon o higit pa. Hindi magbabayad ng dagdag na isang sentimo ang mga may-ari ng tahanan at may maliliit na ari-arian, at hindi rin kasama rito ang mga nonprofit. Makatutulong ang kita mula rito kapwa sa mga umuupa at maliliit na landlord o nagpapaupa. Mapupunta ito sa pagtatayo ng abot-kayang pabahay sa mga komunidad sa kabuuan ng San Francisco. Nagkakaisa kami sa aming pagsuporta sa panukalang-batas na ito. Pakisamahan kami at bumoto ng OO sa I. 

Miyembro ng Asembleya Phil Ting 

Superbisor Gordon Mar 

Pampublikong Tagapagtanggol ng San Francisco Manohar Raju 

Miyembro ng Lupon ng mga Paaralan Faauuga Moliga 

Dating Superbisor Jane Kim 

Ehekutibong Direktor ng SF Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco) Deepa Verma 

Pangalawang Tagapangulo ng SF Democratic Party Li Miao Lovett 

Kandidato para sa pagka-Superbisor sa Distrito 1 Connie Chan 

Chinatown Community Development Center (Sentro para sa Pag-unlad ng Komunidad ng Chinatown) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Itinuturing ng 46% ng kabataang homeless ang sarili bilang LGBTQ. 

Noong nagsimula ang pandemya, napilitan ang San Francisco na isara ang mga shelter nito para sa homeless, at marami ang walang mapuntahan upang makasilong mula sa ulan at sakit.  Marami sa kabataang homeless na naapektuhan ang itinuturing ang sarili bilang LGBTQ.  Marami pang iba sa aming komunidad ang nagdusa nang dahil sa kawalan ng trabaho, at dahil walang kita, ay hindi nakayanang magbayad ng buo o bahagi ng kanilang upa. Sinusuportahan namin ang Prop I dahil nagkakaloob ito ng pondo para sa pang-emergency na ayuda sa upa, na siyang makapagpapanatili sa mga umuupang mababa ang kita at walang trabaho sa kani-kanilang tahanan. Bumoto ng OO sa I.

Alice B. Toklas LGBT Democratic Club (Alice B. Toklas LGBTQ na Samahang Demokratiko) 

Harvey Milk LGBTQ Democratic Club  

The Q Foundation 

Dating Senador ng Estado Mark Leno 

Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano 

Superbisor Rafael Mandelmann 

Dating Superbisor Bevan Dufty 

Bise-Presidente ng Lupon ng Community College Tom Temprano 

Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party David Campos 

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Honey Mahogany

Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Peter Gallotta 

Katuwang na Tagapangulo ng Harvey Milk LGBT Democratic Club Kevin Bard

Katuwang na Tagapangulo ng Harvey Milk LGBT Democratic Club Kaylah Williams

Kandidato para sa Senado ng Estado Jackie Fielder 

Ehekutibong Direktor ng AIDS Legal Referral Panel (Pangkat para sa mga Pagsasanggunong Legal ukol sa AIDS) Bill Hirsh 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Hinihikayat ng Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon para sa Pangkomunidad na Pabahay) ang OO sa Proposisyon I

Matapos ang pananalanta ng COVID-19, humarap ang mga umuupa sa nagbabantang pagpapaalis sa tinitirhan, at naghintay naman ang mga espukalador mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo upang makapanalakay dahil sa biglaang mga pagbabago sa negosyo ng real estate.  Ngayon na ang panahon para sa Housing Stability (Katatagan sa Pabahay)  —  magpapasok ang Prop I ng mahigit sa $100 milyon taon-taon upang mausportahan ang pang-emergency na tulong sa upa at pagpapanatili sa mga pabahay. 

San Francisco Council of Community Housing Organizations

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: SF Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Hinihikayat kayo ng mga non profit na organisasyon sa pabahay na bumoto ng Oo sa I.  

Nasa harapan ang aming mga organisasyon sa pagtatayo at pamamahala sa abot-kayang pabahay sa San Francisco. Kapag pagsasama-sama, nasa amin ang responsibilidad para sa sampu-sampung libong unit -- pero kailangan ng mas marami pa. Taon-taon, nalalampasan ng San Francisco ang mga layunin nito sa paglikha ng nasa presyo ng merkado at luxury o magagarbong tahanan, pero nagkukulang ito ng mga tahanan na abot-kaya para sa mga nagtatrabahong indibidwal. Magdadala ang Prop I ng isa namang mapagkukunan ng kita para sa abot-kayang pabahay, na babayaran lamang ng pinakamayayamang may ari-arian ng lungsod, na nagbebenta ng ari-arian na nagkakahalaga ng $10 milyon o higit pa. Makatarungang proposisyon ito na talagang gagawa ng pagkakaiba. Pakisamahan kami at bumoto ng OO sa I. 

Chinatown Community Development Center Sentro para sa Pag-unlad ng Komunidad ng Chinatown) 

Tenants and Owners Development Corporation [TODCO] 

South of Market Community Action Network (Samahan para sa Pagkilos ng Komunidad ng South of Market)

Bill Sorro Housing Program [Bill Sorro na Programa para sa Pabahay, BiSHOP] 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Pigilan ang paparating na maramihang pagpapaalis sa tirahan sa pamamagitan ng pagboto ng Oo sa I.  

Sa kabuuan ng bansa, inaasahan na milyon-milyong umuupa ang nasa panganib na mapaalis sa tahanan habang tinatanggal na ang eviction bans o pagbabawal sa pagpapapalis, bagamat nananatili pa rin ang kawalan ng trabaho. Walang kakayahan ang San Francisco na hindi maapektuhan nito. Tinatayang 25,000 umuupa sa San Francisco ang hindi nakapagbabayad ng kanilang buong upa. Haharap ang mga umuupa na hindi makapagtrabaho at hindi makapagbayad ng upa nang dahil sa coronavirus ng kabundok na utang. Ang mga mapipilitang umalis sa apartment na kontrolado ang upa ay posible ring humarap sa utang na lubos na mas malaki. Makatarungang solusyon ang Prop I. Mababawasan nito ang utang ng mga umuupa at mapananatili silang may seguridad sa kani-kanilang tahanan. Pakisamahan ang mga organisasyong nag-aadbokasiya para sa mga umuupa sa San Francisco at bumoto ng OO sa I.  

Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay) 

Housing Rights Committee of San Francisco (Komite para sa mga Karapatan sa Pabahay ng San Francisco) 

San Francisco Tenants Union  

Anti-Displacement Coalition (Koalisyon Laban sa Pagkawala ng Tinitirhang Lugar) 

Eviction Defense Collaborative (Mga Magkakatuwang para sa Pagdepensa Laban sa Pagpapaalis) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Posibleng tumaas na naman ang bilang ng walang tahanan sa San Francisco kapag hindi tayo bumoto ng OO sa I.  

Nakikipagtrabaho kami sa mga indibidwal na homeless araw-araw, at nakikita namin mismo ang nakapanghihilakbot na epekto ng pandemya. Natriple na ang mga pagkamatay sa populasyon ng mga homeless sa San Francisco magmula pa noong Marso. Nagsara na ang mga shelter o lubos na naging mas kaunti, kung kaya’t mas marami sa ating mga kapit-bahay na walang tahanan ang natutulog na sa kalye. Habang nagpapatuloy ang kawalan ng trabaho at hindi nakapagbabayad ng upa ang mga tenant, mas maraming bulnerableng taga-San Francisco ang posibleng humantong sa sitwasyong wala na silang tahanan. Isang bahagi ng solusyon ang Prop I.  Pananatilihin nito ang mga tenant sa kani-kanilang tahanan at magkakaloob ng pondo para sa pagtatayo ng permanenteng abot-kayang pabahay -- ito lamang ang totoong solusyon.  Mangyaring bumoto ng OO sa Proposisyon I. 

Coalition on Homelessness (Koalisyon ukol sa Kawalan ng Tahanan) 

San Francisco Community Land Trust 

Q Foundation 

San Francisco Human Services Network (Network para sa mga Serbisyong Pantao sa San Francisco)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Hinihiling ng mga Demokratang lider ng San Francisco na bumoto kayo ng OO sa I.  

Sa kabila ng pinakapuspusang pagsusumikap ng ating mga Demokratang lider sa Kongerso, nabigo pa rin ang mga Republikanong nasa Washington, DC sa mga usapin ng pandemya at ng ekonomiya. Dahil dito, kailangan na nating gumawa ng aksiyon dito upang maprotektahan ang pinakanangangailangan. Maraming aksiyon ang dapat magawa, at mahalagang bahagi ng solusyon ang Prop I. Itinataas nito ang transfer tax (buwis ukol sa paglilipat ng ari-arian) sa ari-arian na nagkakahalaga ng $10 milyon o higit pa. Hindi magbabayad ng higit pa sa kasalukuyang ibinabayad ang mga may-ari ng tahanan at may maliliit na ari-arian, at hindi rin kasama rito ang mga nonprofit. Makakakalap ito ng kita upang mapondohan ang pang-emergency na ayuda sa upa, at makapagpapatayo ng abot-kayang pabahay. Magkakasama tayong tumindig laban sa mali ang pag-iisip na polisiya ni Trump at ng kanyang mga extremist na kaalyado at bumoto ng OO sa I.  

Dating Senador ng Estado Mark Leno

Miyembro ng Asembleya Phil Ting 

Superbisor Gordon Mar 

Superbisor Dean Preston 

Superbisor Hillary Ronen 

Superbisor Rafael Mandelman 

Superbisor Matt Haney 

Superbisor Shamann Walton 

Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano 

Dating Mayor ng San Francisco Art Agnos 

Dating Superbisor Jane Kim 

Dating Superbisor Sophie Maxwell 

Dating Superbisor John Avalos 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Mahigit 135,000 taga-San Francisco na ang nakapag-file para sa unemployment (tinatanggap na pera ng nawalan ng trabaho mula sa estado). Tulungan sila sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa I.  

Kasindak-sindak ang bilang ng mga taga-San Francisco na natanggal na sa trabaho, nawalan ng maliliit na negosyo, o hindi makapagtrabaho nang dahil sa coronavirus. At hindi magkakapantay-pantay ang epekto nito, kung saan ang pinakamatinding nakararanas ng hirap ay ang mga taong may kulay. Kailangang gamitin ng hindi makapagtrabaho o nawalan ng trabaho ang kanilang naipon para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan at marami ang hindi makapagbayad ng buong renta o bahagi ng renta. Samantala, lumaki pa nang $75 bilyon ang net worth (halaga ng mga pag-aari) ng bilyonaryong si Jeff Bezos sa panahon ng pandemya.  Kailangan nating hilingin sa mayayaman na bayaran ang kanilang makatarungang bahagi upang matulungan ang mga nangangailangan. Iyan ang dahiln kung bakit mahigpit na sinusuportahan ng unyon sa paggawa ng San Francisco ang Prop I. Pakisamahan kami at bumoto ng OO.  

American Federation of Teachers (Amerikanong Pederasyon ng mga Guro, AFT) Lokal 2121 

Service Employees International Union (Internasyonal na Unyon ng mga Empleyadong Nagbibigay-Serbisyo, SEIU) 1021 

International Longshore and Warehouse Union ((Pandaigdigang Unyon sa mga Dalampasigan at Bodega, ILWU) 

Ken Tray, Dating Miyembro ng Lupon ng United Educators of San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Makatarungang solusyon ang Prop I para sa mga tenant na hindi makapagbayad ng kanilang upa  

Binibigyang-prayoridad ng resolusyong ipinasa ng Board of Supervisors ang bagong kita mula sa Prop I upang mapondohan ang pang-emergency na ayuda sa upa para sa mga tenant na hindi makapagbayad ng kanilang renta nang dahil sa coronavirus. Mahalagang karagdagang proteksiyon ito sa kasalukuyang eviction ban o pagbabawal sa pagpapaalis sa tirahan.  Mapipinsala ng lumalaking utang ang kakayahan ng mga tenant na makakuha ng credit upang mabayaran ang mga pang-araw-araw na pangangailangan. Ginagawa rin nitong mas bulnerable ang mga tenant sa mga pagsusumikap ng mga landlord o nagpapaupa, at nang mapuwersa silang umalis sa kani-kanilang apartment. Kasabay nito, makikinabang din ang maliliit na landlord na hindi pa nakatatanggap ng bayad sa upa, dahil makatatanggap sila ng hanggang sa 50% ng nawalang renta. Mahigpit naming inirerekomenda ang botong OO sa Proposisyon I.

Pampublikong Tagapagtanggol ng San Francisco Manohar Raju 

Abugado ng Distrito ng San Francisco Chesa Boudin 

Dating Presidente ng Board of Supervisors Matt Gonzalez

Eviction Defense Collaborative  

Legal Assistance to the Elderly (Legal na Tulong sa Nakatatanda)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Hinihikayat kayo ng mga nag-aadbokasiya para sa matatanda at may kapansanan na bumoto ng OO sa I.  

Bilang mga aktibistang may dedikasyon sa pagpapahusay ng mga oportunidad sa pabahay para sa mga nakatatanda at mga indibidwal na may kapansanan, mahigpit naming sinusuportahan ang Prop I. Magkakaloob ito ng kailangang-kailangan na kita upang makalikha ng de-kalidad, abot-kaya, at magagamit ng lahat na pabahay sa San Francisco. Bumoto ng OO sa I.

Legal Assistance to the Elderly 

Senior and Disability Action (Aksiyon para sa mga Matatanda at May Kapansanan sa San Francisco) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Makatutulong ang Prop I sa maliliit na may-ari ng tahanan. Hindi maaapektuhan ang mga may-ari ng tahanan. Mangyaring bumoto ng OO. 

Susubukan ng malalaking korporasyon ng real estate na takutin ang mga may-ari ng tahan ang maliliit na may ari-arian tungkol sa Prop 1. Huwag paniwalaan ang mga kasinungalingang ito.  Nagtataas lamang ang Prop I ng transfer tax sa pagbebenta ng mga ari-ariang nagkakahalaga ng $10 MILYON O HIGIT PA. At sa katunayan nito, makikinabang ang maliliit na landlord mula sa pondong ipagkakaloob ng panukalang-batas na ito, na makatutulong sa mga tenant na magbayad ng utang sa upa -- sa maliliit na landlord na nawalan ng kita mula sa upa. Doble panalo ito para sa ating lahat.  Mangyaring bumoto ng OO sa Proposisyon I.  

Ella Tideman, maliit na landlord

Tes Welborn, maliit na landlord 

Simone Manganelli, may-ari ng tahanan 

Robert Seigel, may-ari ng tahanan 

Chester Hartsough, may-ari ng tahanan 

Winnie Porter, may-ari ng tahanan 

Patricia Koren, may-ari ng tahanan 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Kailangang ng mga nasa harapan na manggagawa ng healthcare o pangangalaga sa kalusugan ng abot-kayang pabahay. Mangyaring bumoto ng OO sa Proposisyon I. 

Nagbubuwis ng buhay ang ating mga manggagawa upang mapangalagaan ang libo-libong taga-San Francisco na na-test nang positibo na may coronavirus. May ilang nagbayad nang malaki, dahil nalantad sila mismo sa virus. Kasabay nito, sa kabila ng kanilang masipag na pagtatrabaho, marami ang hindi kayang manirahan sa San Francisco dahil sa mataas na gastos sa pagkakaroon ng bahay. Maghahatid ang Prop I ng dagdag na pondo upang makapagtayo ng permanenteng abot-kayang pabahay upang mapanatili ang ating mga nasa harapan na mga manggagawa sa healthcare at pang-emergency na naninirahan sa lungsod. Mangyaring bumoto ng OO sa Proposisyon I. 

Service Employees International Union (Internasyonal na Unyon ng mga Empleyadong Nagbibigay-Serbisyo, SEIU) 1021 

Diane Person, Rehistradong Nars 

Mercedes Garay, Rehistradong Nars 

Tara Connor, Rehistradong Nars

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco For a Fair Recovery.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Jeff May, 2. Yerba Buena Consortium LLC, 3. Affordable Housing Alliance PAC.

Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.
May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng Hindi sa Prop 1. Ang pagdodoble ng porsiyento ng buwis habang nagsasara na ang mga negosyo, labis na tumataas na ang porsiyento ng walang trabaho, at nagkakaroon na ng pagbagsak ng ekonomiya ang ating Lungsod, ay talaga lamang iresponsable.  

Ang pagpapatatag sa ekonomiya, pagsusumikap upang mapanatili ang mga trabaho, at pagsuporta sa maliliit na negosyo sa mga panahong ito nang walang katiyakan ang dapat maging prayoridad ng mga opisyal ng ating lungsod, at HINDI ang pagtataas ng buwis.  

Bukod rito, magiging mas mahal nang magtayo ng bagong abot-kaya at nasa presyo ng merkado na pabahay dahil sa dramatikong pagtataas ng porsiyento ng transfer tax, at magreresulta ito sa mas matataas na presyo ng pabahay para sa mga henerasyon ng umuupa sa hinaharap. 

Sa humigit-kumulang 3,000 unit ng pabahay na kasalukuyan nang nasa development o tinatrabaho, 1,000 ang abot-kayang unit ng pabahay. Magdaragdag ng milyon-milyong dolyar sa gastos sa konstruksiyon ang pagtataas ng porsiyento ng transfer tax at mapipigilan sa pagkakatayo ang naaprubahan nang pabahay.  

Ang San Francisco ang isa na sa mga lugar kung saan pinakamahirap at pinakamahal ang pagtatayo ng pabahay sa bansa, at lalo pang gagawing mas malala ng Prop 1 ang kakulangan natin sa pabahay.

Dagdag pa rito, itinatala ng Controller’s Report (Ulat ng Tagapamahala ng Pinansiya) na “magdudulot ng iba’t ibang uri ng kilos at gawi upang makaiwas sa buwis” ang panukalang-batas, at na “lalong magkakaroon ng pagbabago-bago” sa pinakanagbabago-bago nang pinagkukunan ng kita ng Lungsod.  

Panghuli, walang nakatalagang layunin ang pondong makakalap mula sa pagtataas ng buwis na ito, at nakatakdang mapunta ito sa lumobo nang badyet ng Lungsod na halos $14 bilyon na. 

Ngayon na ang panahon para sa pangmatagalang pagpaplano para sa ekonomiya at pagbangon, hindi ang pangmaiksing panahon na mga pagsubok na matugunan ang lumalaking kakulangan ng badyet sa pamamagitan ng nagbabago-bago at hindi mahulaan ang pagdating na pagtataas ng buwis. 

Bumoto ng HINDI ngayon sa pagdodoble ng transfer tax sa pabahay at maliliit na negosyo, lalo na sa harap ng pagbagsak ng ekonomiya.

OO sa Prop I.

San Francisco Apartment Association (Asosasyon ng mga Apartment sa San Francisco)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Apartment Association. 

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. West Coast Property Management, 2. West & Praszker Realtors, 3. Vanguard Property Management.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Huwag magpaloko sa politikal na retorika - Mapipinsala ng Proposisyon I ang maliliit na negosyo at mapatitigil nito ang paglikha ng bagong pabahay. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. 

Gustong sabihin ng mga may-panukala na buwis ito sa mga mansiyon -- hindi ito totoo. Buwis ito sa mga tindahan, opisina ng maliliit na negosyo, at bagong pabahay. 

Hindi lamang ang pagbebenta ng ari-arian ang binubuwisan ng Proposisyon I - binubuwisan din nito ang mga lease o kasunduan sa pag-upa ng komersiyal na gusali na ginagamit ng maliliit na negosyo. Sa panahon kung kailan kailangan ng maliliit na negosyo ng kakayahan ng magkaroon ng mga pagbabago hanggang sa maaari sa kanilang mga opisina at tindahan, magpapataw ang Proposisyon I ng isa na namang buwis sa kanila dahil sinusubukan nilang ilipat ang kanilang lease. 

Gagawing lubos na mas mahal ng Proposisyon I ang bagong pabahay sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahinto ng ilang proyekto sa pabahay at sa paggawang mas mahal ng pagtatayo ng iba pang tahanan. Maaapektuhan ang daan-daang abot-kayang pabahay ng Proposisyon I. 

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. Protektahan ang ating maliliit na negosyo, lokal na ekonomiya at pabahay. 

Edwin M. Lee Asian Pacific Democratic Club (Edwin M. Lee na Asyano Pasipikong Samahang Demokratiko)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery (Komite para sa Pagbangon ng San Francisco) na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal sa SF).

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon 1, at protektahan ang ating lokal na ekonomiya. 

Hindi lamang bubuwisan ng Proposisyon ang pagbebenta ng mayayamang may ari-arian — itutulak din nito ang gastos sa lease o kasunduan sa upa ng maliliit na negosyo, kasama na ang lease ng mga restawran. Sa panahon kung saan nahihirapan na ang mga restawran sa San Francisco sa muling pakikipagnegosasyon o paglilipat ng kanilang lease, lilikha ang Proposisyon I ng malalaking bagong gastos na ipapasa sa mga restawran at negosyong may hawak ng lease — na siyang magpapatong ng karagdang pinansiyal na pasanin sa mga negosyong sinusubukan na huwag magsara nang permanente. Maaaring ang karagdagang buwis na ito na ang puntong tuluyang makapangwawasak sa marami.  

Nahihirapan na ang ating lokal na ekonomiya nang dahil sa pandemya. Pinakamataas na ngayon ang kawalan ng trabaho at sarado na ang 50% ng mga negosyong tindahan. Nararanasan na natin ang isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya na nakaharap ng lungsod. HINDI ngayon ang panahon para magtaas ng buwis.  

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang maliliit nating negosyo at ang lokal na ekonomiya.  

Laurie Thomas, Ehekutibong Direktor

Golden Gate Restaurant Association (Asosasyon ng mga Restawran sa Golden Gate)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. 

Itataas ng Proposisyon I ang mga buwis ng lokal na mga negosyo ng San Francisco sa panahong hindi nila pinakawala silang kakayahan na mabayaran ito. Nawasak na ang mga negosyo ng San Francisco sa pagbagsak ng ekonomiya nang dahil sa pandemya, humaharap na sa hindi matiyak na kinabukasan ang ating mga negosyong panturismo, at sampu-sampung libo nang residente ang walang trabaho.  

Dapat ay sinusubukan nating pasiglahin ang ating ekonomiya, pabalikin ang mga tao sa trabaho, at iligtas ang ating mga lokal na negosyo - hindi ang muli na namang pagtataas ng buwis.  

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ating mga lokal na negosyo. 

Kevin Carroll, Presidente at CEO

Children’s Council of San Francisco (Konseho para sa mga Bata ng San Francisco)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mapipinsala ng Proposisyon I ang mga lokal na residente, mapalalaki ang porsiyento ng walang trabaho, at matitigil nito ang produksiyon ng daan-daang abot-kayang unit ng pabahay. 

Pinagbabantaan ng panukalang-batas na ito sa balota ang libo-libong unit ng pabahay sa kabuuan ng lungsod, kung kaya’t mas magiging mas mahirap makakuha ng pabahay at magiging mas mahal ito para sa lahat. Mapipinsala nito ang ating kakayahan na magkaloob ng naka-unyon na trabaho sa konstruksiyon para sa mga residente ng San Francisco, at mapipigilan tayo na makakita ng buong pagbangon ng ekonomiya. Nakararanas na ang San Francisco ng hindi pa nangyayari kailanman na kawalan ng trabaho: higit na mahalaga ngayon kaysa sa anumang panahon, ang mga trabaho, abot-kayang pabahay, at matatag na ekonomiya.

Bumoto ng HINDI sa Prop I.

Todd David, Ehekutibong Direktor

SF Housing Action Coalition (Koalisyon para sa Aksiyon sa Pabahay ng SF) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Humaharap ang ating lungsod sa isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya sa isang henerasyon. Habang nagpapatuloy ang pandemya, nahahatak na sa kasukdulan ang maliliit na negosyo ng San Francisco. Mahigit sa kalahati na ng mga tindahang negosyo ang permanentang nagsara ng kani-kanilang pintuan. Hindi ngayon ang panahon para sa pagtataas ng buwis at pagtutulak sa maliliit na negosyo na permanenteng magsara - kailangan natin ng makatwirang polisiya sa ekonomiya na nagbibigay ng proteksiyon sa maliliit na negosyo at tumutulong upang makabalik sa trabaho ang mga tao. 

Mangyaring bumoto ng Hindi sa Proposisyon I, at tumulong sa maliliit na negosyong makatindig muli. 

Michael Cerchiai, May-ari ng Maliit na Negosyo, Bimbo’s 365

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Kapag patuloy tayong nagtaas ng buwis, patuloy din nating napipinsala ang ating lokal na ekonomiya, ang mga trabaho, at ang paglikha ng pabahay. Isa na sa pinakmahihirap na lugar sa bansa ang San Francisco para sa pagpapasimula at pagpapatakbo ng maliit na negosyo. Kapag hindi natin pinatatag ang ating lokal na ekonomiya, maitutulak natin ang mga kompanya na umalis sa San Francisco -- at maitutulak din ang mga trabaho, dolyar mula sa buwis, at pamumuhunan sa komunidad sa pag-alis kasama ng mga ito. 

Pakisuportahan ang makatwirang polisiya sa ekonomiya at bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. 

Building Owners and Managers Association of San Francisco (Asosasyon ng mga May-ari at Tagapamahala ng mga Gusali sa San Francisco) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Malaking pinsala ang idudulot ng Proposisyon I sa ekonomiya ng San Francisco. Wala sa katwiran ang pagdodoble sa buwis na ito sa gitna ng pandaigdigang pandemya at malaking pagbagsak ng ekonomiya, sa panahon kung saan ang San Francisco na ang mayroong ilan sa pinakamatataas na buwis sa bansa. 

Protektahan ang lokal na ekonomiya ng San Francisco, mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I. 

Leland, Parachini, Steinberg, Matzger & Melnick LLP

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I upang maprotektahan ang abot-kayang pabahay, maliliit na negosyo, at may-ari ng tahanan. 

Maaaring maitigil ng Proposisyon I ang pagkakalikha ng mahigit sa tatlong libong tahanan, kasama na ang mahigit sa isang libo na abot-kayang unit ng pabahay. Gagawin nitong mas mahirap na makahanap ng pabahay at mas magiging mahal ito para sa lahat. Isasapanganib din nito ang daan-daang naka-unyon na trabaho sa konstruksiyon, na hindi kaya ng ating ekonomiya na mawala.

Nakararanas na ang San Francisco ng pandemya, pagbagsak ng ekonomiya at kakulangan ng pabahay. Hindi natin magagawang mas abot-kaya ang pabahay kapag patuloy tayong nagtataas ng buwis sa mga ito. 

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

San Francisco Association of Realtors

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Ang San Francisco ang isa sa pinakamahirap at pinakamahal na lugar sa bansa para sa pagtatayo ng pabahay. Dahil sa maraming taon ng pagkakaroon ng may lamat na mga polisiya, naiwanan tayong may kakulangan sa pabahay, kung kaya’t naging mas mahal ang pabahay, at naging mas mahirap makahanap nito para sa lahat. 

Isa na namang wala sa katwirang polisiya ang Proposisyon I, at gagawin lamang nitong mas mahirap ang pagtatayo ng abot-kayang pabahay. Hindi natin magagawang mas abot-kaya ang pabahay kapag patuloy tayong nagtataas ng buwis sa mga ito. Isinasapanganib ng panukalang-batas na ito sa balota ang libo-libong unit ng pabahay, kasama na ang daan-daang abot-kayang pabahay.

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I; tulungan kaming maprotektahan ang abot-kayang pabahay na para sa lahat. 

Chinese Real Estate Association of America (Asosasyong Tsino para sa mga Ari-arian ng Amerika)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Mapipinsala ng Proposisyon I ang mga may-ari ng tahanan, maliliit na negosyo, at ang kailangang-kailangan na bagong pabahay. Titiyakin ng Proposisyon I na mas kaunting tahanan ang maaaring makuha sa San Francisco, kung kaya’t magiging mas mahal ang pabahay para sa lahat. 

Hindi mo maaaring gawing mas abot-kaya ang pabahay sa pamamagitan ng pagtataas ng buwis sa mga ito. Ang San Francisco na ang may pinakamatataas na buwis sa paglilipat ng ari-arian sa Bay Area, at isa sa pinakamatataas na porsiyento ng transfer tax sa malalaking lungsod ng U.S.  Higit na mas mas mataas na ang kasalukuyang transfer tax ng San Francisco kaysa sa Los Angeles, Seattle, Portland, Chicago, at New York City. Hindi natin kailangan ng mga bagong buwis para makalikha ng mas maraming abot-kayang pabahay, kailangan natin ng mas mahusay na polisya sa pabahay. Masama ang ordinansang ito para sa mga taga-San Francisco, sa ating mga trabaho, at sa kinabukasan ng ating lungsod. 

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Coalition Against Unfair Housing Legislation (Koalisyon Laban sa Hindi Makatarungang Batas ukol sa Pabahay)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Ang mga lokal na negosyo ng San Francisco ang puso at diwa ng ating lungsod. 

Dumaranas sila ng hindi pa nararanasan kailanman na paghihirap. Napilitan nang permanenteng magsara ng libo-libong negosyo nang dahil sa pandemya.

Hindi ngayon ang panahon upang magtaas ng buwis. Kailangan natin ng pangmatagalang mga plano sa ekonomiya upang makapagdala ng pamumuhunan at sigla sa ekonomiya pabalik sa San Francisco. 

Mangyaring bumoto ng Hindi sa Proposisyon I. 

Sal Chiavino, Presidente

Premiere Catering and Events, na maliit na negosyo sa San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ating lokal na ekonomiya. 

Hindi lamang ang pagbebenta ng ari-arian ang binubuwisan ng Proposisyon I - ipinatutupad rin ito sa mga lease ng maliliit na negosyo. Sa panahon kung kailan nahihirapan na ang maliliit na negosyo sa kabuuan ng San Francisco na muling makipagnegosasyon o ilipat ang kanilang lease, lumilikha ang Proposisyon I ng isa na namang pinansiyal na pasanin. Parurusahan ng Proposisyon I ang mga negosyong sinusubukang magawan ng resolusyon ang kani-kanilang pangmatagalan lease.  

Nahihirapan na ang ating lokal na ekonomiya nang dahil sa pandemya. Pinakamataas na ngayon ang kawalan ng trabaho at sarado na ang 50% ng mga negosyong tindahan. Nararanasan na natin ang isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya na nakaharap ng lungsod. Hindi ngayon ang panahon para magtaas ng buwis. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang maliliit nating negosyo at ang lokal na ekonomiya. 

Maryo Mogannam, Presidente

Council of District Merchants Association (Konseho ng Asosasyon ng mga Mangangalakal sa Distrito) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Kapag naipasa ang Proposisyon I, lubusang lalala pa ang krisis sa pabahay sa San Francisco. Isinasapanganib ng transfer tax ang libo-libong unit ng pabahay, kasama na ang daan-daang abot-kayang pabahay. Banta ito sa libo-libong naka-unyon na trabaho sa konstruksiyon, kung kaya’t lalong tataas ang porsiyento ng mga walang trabaho. 

Kailangan natin ng totoong mga solusyon upang muling maitayo ang ating ekonomiya matapos ang pandemyang COVID-19. Mas mataas na ang transfer tax ng San Francisco kaysa sa anumang malaking lungsod sa U.S, at ang pagdodoble nito sa panahon ng malalim na kawalang-seguridad sa ekonomiya ay gawaing walang pag-iingat at masama para sa lahat ng taga-San Francisco.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Coalition for Better Housing (Koalisyon para sa mas Mahusay na Pabahay)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Ang pagtataas ng buwis sa panahon na pabagsak na ang ating ekonomiya at pinakamatataas ngayon higit kailanman ang mga porsiyento ng walang trabaho ay iresponsableng paggawa ng polisiya. Ang pagpapatatag sa ekonomiya, pagsusumikap upang mapanatili ang mga trabaho, at pagsuporta sa maliliit na negosyo na makapagtataguyod sa San Francisco sa mga panahong ito nang walang katiyakan ang dapat maging prayoridad ng mga opisyal ng ating lungsod.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon 1, at protektahan ang ating lokal na ekonomiya mula sa mga buwis na ipinapataw nang walang pag-iingat. 

Chris Wright, Ehekutibong Direktor

The Committee on Jobs (Ang Komite para sa mga Trabaho)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng Hindi sa Proposisyon I! Kahangalan ito!

BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON I

Kinakatawan ng buwis na ito ang pinakamataas na anyo ng pangingikil ng City Hall.  

Tutulan ang pagtatakda ng wala sa katwirang paglikha ng ganitong “pangho-hold-up” para makakuha ng pera. Simple at madaling maintindihan ang gawain ng pagrerekord ng kasulatan ukol sa bagong magmamay-ari ng real estate sa opisina ng Recorder (Tagatala). 

Gaano kahabang panahon ba ang talagang kinakailangan para matatakan at mai-file ang kasulatan ng isa sa 38,000 empleyado ng gobyerno ng Lungsod? 10 minuto? O mas kaunti pa gamit ang teknolohiya!

Gusto ng limang superbisor na wala pang nakikitang buwis na ayaw nila, na doblehin ninyo ang singil mula 2.75% tungo sa 5.5% sa mga transaksiyon na nasa pagitan ng $10 at $25 milyon, at mula 3% hanggang 6% sa $25,000,000 at higit pa!

Tinatawag ito ng Controller na “ang pinakanagbabago-bagong mapagkukunan ng kita ng Lungsod.. . .” at sinasabing “lalo pang gagawing mas nagbabago-bago ang pinagmumulang ito” ng Prop I. 

Igiit sa Board of Supervisors na magkaroon ng pagpipigil sa pinansiya sa halip na mangikil sa bawat pagsingil na mahahanap nila upang masuportahan ang kakulangan sa disiplina sa pinansiya. Kung hindi nila mapigilang gawin ito sa panahon ng pandaigdigang pandemya, magiging ‘Katy Bar the Door o babala sa nalalapit na mga problema na ito sa hinaharap’!

San Francisco Taxpayers Association (Asosasyon ng mga Nagbabayad ng Buwis sa San Francisco)

Hukom Quentin L. Kopp (Retirado)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng hindi sa Proposisyon I upang maprotektahan ang abot-kayang pabahay at maliliit na negosyo.

Wala nang sasama pang panahon para sa pagtataas ng buwis na ito. Humaharap ang ating lungsod sa isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya na naranasan nito. Nakasara sa loob ng hindi matiyak na panahon ang mahigit sa 50% ng tindahang negosyo, kung saan pag-aari ng mga migrante ang marami sa mga ito. Nahihirapan na ang ating mga purok at komunidad. 

Maghahatid lamang ang buwis na ito isa na namang dagok sa ating ekonomiya, kung kaya’t lalo lamang hindi mapatatatag ang ating maliliit na negosyo, at matatanggalan ng mga pinansiyal na opsiyon ang mga negosyante. Magdudulot ito ng malaking epekto sa mga negosyong pag-aari ng migrante na haharap sa karagdagang mga pasanin at mawawalan ng pinansiyal na seguridad nang dahil sa Prop I. 

Ito ang maling panahon at ang maling polisiya. Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Bill Lee, Retiradong Administrador ng Lungsod at taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Ang mga lokal na negosyo ng San Francisco ang puso at diwa ng ating lungsod.

Dumaranas sila ng hindi pa nararanasan kailanman na paghihirap. Napilitan nang permanenteng magsara ng daan-daang negosyo nang dahil sa pandemya, at ang mga bukas pa ay malapit na ring magkagayon.

Hindi ngayon ang panahon upang magtaas ng buwis. Naitaas na ng San Francisco ang transfer tax nang 3 beses sa loob ng mahigit lamang sa isang dekada, at tayo na ang mayroong ilan sa pinakamatataas na buwis at singil sa bansa. Kailangan natin ng pangmatagalang mga plano sa ekonomiya para makabangon, kung saan makapagdadala ng pamumuhunan at sigla sa ekonomiya pabalik sa San Francisco.

Mangyaring bumoto ng Hindi sa Proposisyon I, at protektahan ang ating maliliit na negosyo.

Tiffany M Pisoni, May-ari

Swiss Louis Italian and Seafood Restaurant, na maliit na negosyo sa San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng Hindi sa Proposisyon I! Hindi ngayon ang panahon upang magtaas ng buwis.

Kahit bago pa ang pandemya, talagang mahirap na lungsod na ang San Francisco para sa maliliit na negosyo. Ngayon, nawala na ang turismo at nagsara na sa loob ng walang katiyakang panahon ang mahigit sa 50% ng lahat ng negosyong tindahan. Hindi na kakayanin pa ng ating ekonomiya ang isa na namang dagok, at hindi ngayon ang panahon para sa karagdagang mga pagtataas ng buwis. 

Ginagawa na ng maliliit na negosyo ang pinakamakakayanan nila upang mabuhay sa mahirap na kapaligiran. Dapat ginagawa nating mas madali, at hindi mas mahirap, para sa mga negosyo na manatiling hindi nalulugi. Protektahan ang ating lokal na ekonomiya, mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Brian Hayes, May-ari ng Maliit na Negosyo sa San Francisco Small 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng hindi sa Proposisyon I. Nakararanas na ang San Francisco ng hindi pa nararanasan kailanman na krisis nang dahil sa coronavirus. Mapipinsala ng Prop I ang maliliit na negosyo at gagawin nitong mas malala ang krisis natin sa pabahay sa pinakamasamang posibleng panahon. 

Sandy Mori, taga-San Francisco at nag-aadbokasiya para sa komunidad na API 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I upang maprotektahan ang abot-kayang pabahay sa San Francisco. 

Napipinsala ng Proposisyon I ang paglikha ng bagong pabahay. Magkakaroon ng masamang epekto ang pagtataas ng buwis sa pinansiyal na posibilidad ng mga proyekto, at papatayin nito ang malalaking proyekto sa pabahay na nakatigil na sa proseso ng pagpapatayo. Isa na sa pinakamahihirap na lugar sa bansa ang San Francisco para sa paglikha ng pabahay, lalo na ang abot-kayang pabahay. Para sa maraming proyekto, ang buwis na ito na ang kasukdulang dahilan na magpipigil sa pagkakatayo ng mga pabahay. 

Libo-libong pabahay na nasa proseso na ng pagpapatayo ang nasasapanganib, kasama na ang daan-daang abot-kayang pabahay na para sa ating pinakabulnerableng mga residente.  Gagawing mas mahal ng Proposisyon I ang pabahay at magiging mas mahirap makuha ang mga ito. Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I upang maprotektahan ang paglikha ng abot-kayang pabahay sa San Francisco. 

Mike Chen, taga-San Francisco at nag-aadbokasiya para sa pabahay 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng hindi sa Proposisyon I upang maprotektahan ang ating mga negosyo sa San Francisco, 

Nahihirapan na ang ekonomiya ng San Francisco. Daan-daan nang maliliit na negosyo ang napilitan na pansamantalang ihinto ang kanilang gma serbisyo, at marami ang mapipilitang na permanenteng magsara ng kanilang mga pintuan. Kailangang pagtuunan ng San Francisco ang mga panukalang-batas na gagawing mas madali ang pagkakaroon ng pamumuhunan at mga oportunidad, at hindi mas mahirap, sa pagtugon nito sa pagbagsak ng ekonomiya. Ang pagtataas ng buwis sa panahon ng matinding kawalan ng katiyakan sa ekonomiya ay magtataboy lamang sa mga trabaho at negosyo nang papalabas sa lungsod. 

Walang proteksiyon ang Proposisyon I para sa maliliit na negosyo at gagawin lamang nitong mas malala ang pagbagsak ng ekonomiya. 

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Lara L. DeCaro, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Nagsasabi ang maliliit na negosyo ng San Francisco ng HINDI sa Proposisyon I. 

Kumakaharap na sa malaking krisis ang ating komunidad ng maliliit na negosyo. Sarado na ang mahigit sa 50 ng mga tindahang negosyo, at sampu-sampung libo ng mga taga-San Francisco ang walang trabaho. Nagsasara ang maliliit na negosyo araw-araw.

Kailangan nating suportahan ang mga negosyo sa ating mga komunidad at ang merchant corridors o mga itinakdang lugar para sa pagnenegosyo. Lilikha ang Proposisyon I ng isa na namang buwis na kailangang bayaran ng maliliit na negosyo, sa pamamagitan man ng mas matataas na upa o kung kailangan nilang ilipat ang kanilang lease. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ating mga lokal na maliliit na negosyo.

Betty Louie, May-ari ng Maliit na Negosyo 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Nakararanas na ang San Francisco ng isa sa pinakamalalang pagbagsak ng ekonomiya na nakaharap natin. Hindi ngayon ang panahon ng pagtataas ng buwis, ngayon ang panahon upang suportahan ang maliliit na negosyo at magsimulang magplano para sa pagbangon ng ekonomiya. Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I, at protektahan ang ating maliliit na negosyo.

Stephen Cornell, Lider para sa Maliliit na Negosyo 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Humaharap ang San Francisco ang halos hindi pa nararanasan kailanman na pagkawala ng mga trabaho at maraming negosyo na ang naglilipat ng kanilang mga operasyon papalabas ng San Francisco. Kailangan nating lumikha ng kapaligiran na biglang magpapasimulang muli sa ating ekonomiya at mapababalik ang mga tao sa pagtatrabaho. Kumakaharap na ang badyet ng lungsod ng San Francisco ng $2 milyong kakulangan sa badyet - ang pagtutulak sa batayang pinagkukunan ng buwis papalabas sa ating lungsod ay lalo lamang makadaragdag pa sa kakulangang ito, makapagpapalala sa ating krisis sa ekonomiya at makapipinsala sa maliliit na negosyo. Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I, at tutulan ang lalo pang pagtataas ng buwis sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya.

Steve Farrand, lider sa pagnenegosyo sa San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Mapipinsala ng Proposisyon I ang mga may-ari ng tahanan, maliliit na negosyo, at ang ating lokal na ekonomiya. Kailangang magsimula na tayong mag-isip nang pangmatagalan ukol sa pagbangon ng ating ekonomiya at iwasan ang walang pag-iingat na mga polisiya. Mas matataas na ang porsiyento ng transfer tax sa San Francisco kaysa sa karamihan ng mga lungsod sa Bay Area at isa na naman itong hadlang sa daan. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at bigyan ang ating ekonomiya ng pagkakataon na makabangon. 

Betty Wong, taga-San Francisco. 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

Huwag magpaloko - ang totoong mga tao na siyang magbabayad sa katapos-tapusan ng buwis ng Prop I ay ang mga umuupa sa San Francisco. Tataasan lamang ng buwis na ito ang gastos sa paglikha ng kailangang-kailangang pabahay, kasama na ang abot-kayang pabahay. Habang ngayon pa lamang nagsisimulang bumaba ang halaga ng upa sa San Francisco, gagawin na namang mas mahal ng Prop I ang pabahay. 

Huwag nang palalain pa ang krisis sa pabahay. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Anh Tu Nguyen, residente ng San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Ito ang maling panahon, maling krisis, at maling polisiya. Kailangan nating suportahan ang ating maliliit na negosyo at ang lokal na ekonomiya, hindi ang ipatupad ang walang pag-iingat na batas. 

Carrie Magee, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I upang maprotektahan ang abot-kayang pabahay sa San Francisco.

Napipinsala ng Proposisyon I ang paglikha ng bagong pabahay. Magkakaroon ng masamang epekto ang pagtataas ng buwis sa pinansiyal na posibilidad ng mga proyekto, at papatayin nito ang malalaking proyekto sa pabahay na nakatigil na sa proseso ng pagpapatayo. Isa na sa pinakmahihirap na lugar sa bansa ang San Francisco para sa paglikha ng pabahay, lalo na ang abot-kayang pabahay. Para sa maraming proyekto, ang buwis na ito na ang kasukdulang dahilan na magpipigil sa pagkakatayo ng mga pabahay.

Libo-libong pabahay na nasa proseso na ng pagpapatayo ang nasasapanganib, kasama na ang daan-daang abot-kayang pabahay na para sa ating pinakabulnerableng mga residente. Gagawing mas mahal ng Proposisyon I ang pabahay at magiging mas mahirap makuha ang mga ito. Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I upang maprotektahan ang paglikha ng abot-kayang pabahay sa San Francisco.

Mike Chen, taga-San Francisco at nag-aadbokasiya para sa pabahay

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Nasa panahon tayo ng kawalan ng katatagan ng ekonomiya na iba sa nakita natin nitong nakaraang mga dekada. Ang pagmumungkahi ng kasukdulan nang bagong buwis ang huling bagay na dapat ginagawa ng mga lokal na opisyal. Kailangang makapagplano ng kani-kanilang pinansiya ang maliliit na negosyo upang makapagsimula ng muling pag-eempleyo. Dahil sa Proposisyon I, mawawala sa ating lungsod ang mga trabaho, dolyar mula sa buwis, at lokal na pamumuhunan. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ating lokal na ekonomiya.

Rebecca White, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Itataas ng Proposisyon I ang mga buwis sa ekonomiya ng San Francisco sa panahon na pinakawala tayong kakayahan na mabayaran ito. Mahigit 175,000 taga-San Francisco na ang nawalan ng trabaho ngayong taon na ito at daan-daan nang maliliit na negosyo ang humaharap sa pagsasara. Hindi na natin magagawang makipagsapalaran sa ating ekonomiya na hahantong sa pagbagsak nito. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ekonomiya ng ating lungsod. 

Alfred Wong, residente ng San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. Nahihirapan na ang ekonomiya ng San Francisco at pahihirapan lamang ng Proposisyon I ang maliliit na negosyo sa panahon ng pandemya. 

Mark Young, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

Nagpapanggap ang buwis na ito bilang pagbubuwis sa mga milyonaryo pero sa katunayan, buwis ito na makapipinsala sa mga proyekto sa pabahay na kritikal sa mga taga-San Francisco.  Mapahihinto ng buwis ang mga proyekto na magkakaloob ng abot-kayang pabahay, lilikha ng naka-unyon na mga trabaho at magkakaloob ng tindahan sa maliliit na negosyo.  Isinasapanganib ng buwis na ito ang libo-libong posible sanang tahanan, kung kaya’t magiging mas mahal ang pabahay at mas mahihirapang makahanap nito ang lahat. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. Huwag magpalinlang sa isa na namang pagtataas ng buwis. 

Joel Luebkeman, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Nasa panahon tayo ng hindi pa nararanasan kailanman na kawalan ng katatagan ng ekonomiya.  Nagsara na ang mahigit sa 50% ng mga tindahang negosyo sa San Francisco at maraming maliliit na negosyo ang nahihirapan na para manatiling hindi nalulugi. 

Hindi ngayon ang panahon para taasan ang transfer tax. Binili ng maraming maliliit na negosyo ang kanilang tindahan o gusali upang maprotektahan ang sarili sa pagtataas ng upa sa panahon ng biglang paglakas ng ekonomiya. Ngayon, umaasa sila sa mga tindahan at gusaling ito upang mabayaran ang mga singil sa kanila. Kukunin ng Proposisyon I ang kakayahan na magkaroon ng mga pagbabago, at ang pinansiyal na katatagan na kailangan ng maliliit na negosyo upang manatiling buhay sa panahon ng pagbagsak ng ekonomiya nang dahil sa pandemya. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at tumulong sa maliliit na negosyo sa kritikal na panahong ito.

Dena Aslanian-Williams, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I. Kailangan nating protektahan ang maliliit na negosyo at kailangan nating patuloy na makalikha ng kailangang-kailangang pabahay.  Pinipigilan tayo ng Proposisyon I na makapagtayo ng bagong pabahay at mapipinsala nito ang maliliit na negosyo.

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I ngayong Nobyembre. 

Horatio Jung, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Nakararanas na ang San Francisco ng isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya sa isang henerasyon. Hindi ngayon ang panahon upang magpataw ng isa na namang buwis sa ating lokal na ekonomiya at maliliit na negosyo.

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I. Protektahan ang maliliit nating negosyo at ang lokal na ekonomiya.

Garret Tom, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

Hindi na kayang magbayad ng mga taga-San Francisco ng isa na namang buwis. Nasa gitna tayo ng isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya sa isang henerasyon, at nagsasara na ang maliliit na negosyo araw-araw. Ipapasa pababa ang buwis ng Prop I sa maliliit na negosyo sa pamamagitan ng kanilang upa, at ipatutupad ang buwis sa kanilang lease para sa tindahan at opisina. 

Sa kadulu-duluhan, ang maliliit na negosyo ang siyang magbabayad sa buwis na ito.  Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Kimnay Im, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Gagawing mas mahirap at mas mahal ng Proposisyon I ang pagtatayo ng kailangang-kailangang pabahay sa San Francisco. Gagawin lamang mas malala ng buwis ng Prop I ang ating krisis sa pabahay. 

Ronald Young, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

Mapipinsala ng Proposisyon I ang ating mga komunidad at ang ating maliliit na negosyo. Sa panahong nakararanas ang San Francisco ng pagbagsak ng ekonomiya nang dahil sa pandemya, hindi na nating kayang bayaran pa ang agad na pagtataas ng buwis ng Proposisyon I. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Prop I.

Timothy Toye Moses, lider ng komunidad sa San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Mababawasan ng permanente at agad-agad na pagtataas ng buwis na ito ang kumpiyansa sa pagtatayo ng mga bagong maliliit na negosyo sa San Francisco. Kailangan nating suportahan ang maliliit na negosyo sa San Francisco sa halip na bigyan sila ng isa na namang buwis.

Vanita Louie, matagal nang residente ng San Francisco 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Tinututulan ng mga matagal nang naninirahan sa San Francisco ang Proposisyon I dahil alam naming mapipinsala nito ang kinabukasan ng ating lungsod. 

Dahil sa permanenteng pagtataas ng buwis na ito, panghihinaan ng loob ang mga bago at maliliit na negosyo sa pagsisimula sa San Francisco, sa panahon na kailangan nating gawin ang hanggang sa makakayanan natin upang masuportahan ang mga ito. Dapat ay hinihikayat natin ang maliliit na negosyo sa San Francisco, at hindi binubuwisan ang mga ito. 

Bumoto upang maprotektahan ang kinabukasan ng San Francisco. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Austin Louie, matagal nang residente ng San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

Nasa kasukdulan na ang ekonomiya ng San Francisco. Nagsara na ang daan-daang maliliit na negosyo, sampu-sampung libo nang taga-San Francisco ang walang trabaho, at mahigit sa 50% na ng mga tindahan ang nananatiling nakasara sa hindi pa matiyak na panahon. Hindi na kaya pang magbayad ng ating ekonomiya ng isa na namang buwis sa panahon ng isa sa pinakamatitinding pagbagsak ng ekonomiya sa ating kasaysayan. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ating ekonomiya at ang nagtatrabahong mga pamilya. 

Jia Suey Wu, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Sampu-sampung libong trabaho na ang nawala nang dahil sa pandemyang COVID-19. Lalo lamang lalala ang mapaghamon nang kapaligiran ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagdaragdag ng bago at hindi pa napatutunayang mga buwis. Upang magabayan ang San Francisco na maka-alpas sa pagbagsak ng ekonomiya na ito tungo sa pagbangon, kailangan natin ng ayuda para sa maliliit na negosyo, insentiba para sa pag-unlad ng mga trabaho, at katatagan ng ekonomiya. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Samnang Soy, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I!

Tataasan ng Proposisyon I ang halaga ng pabahay para sa lahat. Ang San Francisco ang isa na sa pinakamasasamang lungsod sa bansa para sa pagtatayo ng pabahay, at gagawing lubusang mas mahirap ng Prop I ang paglikha ng pabahay. Gagawing mas mahal ng buwis na ito ang pabahay para sa lahat.

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I - tumulong upang mapigilan ang paglala ng ating krisis sa ekonomiya.

Jeffrey Woo, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I. Mapipinsala ng Proposisyon I ang maliliit na negosyo at gagawing mas malala ang pagbagsak ng ekonomiya. Kailangan nating suportahan ang ating maliliit na negosyo sa panahon ng pandemya, at hindi na damihan pa ang kanilang pinansiyal na pasanin.

Moses Lim, residente ng San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Hindi na kaya ng ating ekonomiya ang isa na namang dagok. Hindi ngayon ang panahon upang magpakilala ng agad-agad at dramatikong pagtataas ng buwis.

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang ating ekonomiya.

Kimsophea Tune, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I. Masama ito sa maliliit na negosyo at gagawin nitong mas malala pa ang krisis sa ekonomiya. Nawasak na ng pandemyang ito ang ating ekonomiya - kailangan natin ng pangmatagalang pagpaplano, hindi ang agad-agad at permanenteng mga buwis.

Patrick O’Sullivan, matagal nang taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Hindi na kaya ng ekonomiya ng San Francisco ang isa na namang dagok. Magpapataw ang Proposisyon I ng isa na namang buwis sa ating ekonomiya, kung kaya’t magtataboy ito ng mga trabaho, negosyo, at pamilya nang papalayo sa Lungsod, at mapipilay din ang ating kakayahan na makabangon mula sa pandemyang COVID19. 

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I, at protektahan ang ating lokal na ekonomiya.

Jason Leung, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Magpapataw ang Proposisyon I ng isa na namang buwis sa naghihirap nang ekonomiya ng San Francisco. Ngayon ang panahon para sa pinag-iisipan nang mabuti na pagpaplano para sa ekonomiya at pagbangon, hindi ang pagtataas ng buwis na babayaran ng maliliit na negosyo. 

Margaret O’Sullivan, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Huwag magpaloko sa Proposisyon I!

Itinatago ng mga may-panukala sa Proposisyon I ang totoong mga epekto nito sa likod ng mabulaklak na pananalita. Magtataas ang Proposisyon I ng buwis sa pabahay at maliliit na negosyo sa San Francisco. Kumakaharap na ang ating lungsod ng napakaraming hamon sa ekonomiya sa panahon ng pandemya, at isa na sa pinakamatataas sa bansa ang ating mga buwis. Hindi natin kailangan ng isa pang buwis, kailangan nating suportahan ang ating ekonomiya. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Bessie Prezer, matagal nang taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Ang Proposisyon I ang maling polisiya sa maling panahon para sa mga taga-San Francisco.  Walang saysay na agad-agad at dramatikong itaas ang mga buwis sa gitna ng pinakamalalang pagbagsak ng ekonomiya na nakita natin sa loob ng 30 taon. Ito na ang panahon para sa pangmatagalang pagpaplano ng ekonomiya at pagbangon, hindi ang pag-iisip na para sa pangmaiksing panahon. Hindi katanggap-tanggap ang paghingi ng pagtataas ng buwis sa parehong panahon na nakapag-file na ang 175,000 taga-San Francisco ng paghingi ng pera mula sa benepisyong unemployment. 

Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon I, at protektahan ang mga nagtatrabahong pamilya.

Marivic Cuevas, taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Huwag magpaloko sa politikal na retorika - Mapipinsala ng Proposisyon I ang maliliit na negosyo at mapatitigil nito ang paglikha ng bagong pabahay. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Gustong sabihin ng mga may-panukala na buwis ito sa mga mansiyon -- hindi ito totoo. Buwis ito sa mga tindahan, opisina ng maliliit na negosyo, at bagong pabahay.

Hindi lamang ang pagbebenta ng ari-arian ang binubuwisan ng Proposisyon I - binubuwisan din nito ang lease ng mga komersiyal na gusali na ginagamit din ng maliliit na negosyo. Sa panahon kung kailan kailangan ng maliliit na negosyo ng kakayahan na magkaroon ng mga pagbabago hanggang sa maaari sa kanilang mga opisina at tindahan, magpapataw ang Proposisyon I ng isa na namang buwis sa kanila dahil sinusubukan nilang ilipat ang kanilang lease.

Gagawing lubos na mas mahal ang bagong pabahay ng Proposisyon I, sa pamamagitan ng tuwirang pagpapahinto ng ilang proyekto sa pabahay at sa paggawang mas mahal ng pagtatayo ng iba pang tahanan. Maaapektuhan ang daan-daang abot-kayang pabahay ng Proposisyon I.

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I. Protektahan ang ating maliliit na negosyo, lokal na ekonomiya, at pabahay.

Mary Jung, Dating Tagapangulo ng SF Democratic Party 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Hindi na kaya ng ekonomiya ng San Francisco ang isa na namang paghampas.

Magpapataw ang Proposisyon I ng isa na namang buwis sa ating maliliit na negosyo at sa ating lokal na ekonomiya. Humaharap na tayo sa isa sa pinakamalalaking pagbagsak ng ekonomiya sa loob ng 30 taon. Lalo pang palalalain ng isa na namang buwis ang ating pagbagsak.

Hindi natin kayang bayaran ang Prop I na buwis. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon I.

Benjamin Leong, residente ng San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

May Bayad na Argumento LABAN sa Proposisyon I

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I.

Mapipinsala ng Proposisyon I ang mga may-ari ng tahanan, maliliit na negosyo, at ang ating lokal na ekonomiya. Mas mataas na ang porsiyento ng transfer tax ng San Francisco kaysa sa karamihan sa mga lungsod sa Bay Area at mas labis-labis pa ito kaysa sa ibang malalaking lungsod, kasama na ang Los Angeles, New York City, Chicago, at Seattle. Tayo rin ang isa sa pinakamahihirap na lungsod para sa pagpapasimula, pagpapatakbo, at pagpapalaki ng napananatiling maliliit na negosyo. Posibleng isa na naman itong hadlang sa daan. Kailangang magsimula na tayong mag-isip nang pangmatagalan ukol sa pagbangon ng ating ekonomiya at iwasan ang walang pag-iingat na mga polisiya.

Mangyaring bumoto ng hindi sa Proposisyon I, at bigyan ang ating ekonomiya at maliliit na negosyo ng pagkakataon na makabangon. 

John Yen Wong, Matagal nang taga-San Francisco

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ang Committee for San Francisco Economic Recovery na Itinataguyod ng SF Chamber of Commerce.

Ang nag-iisang nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: BOMA SF Independent Expenditures PAC.

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.
Legal Text

Ordinance amending the Business and Tax Regulations Code to increase the Real Property Transfer Tax rate from 2.75% to 5.5% on transfers of properties with a consideration or value of at least $10,000,000 and less than $25,000,000, and from 3% to 6% on transfers of properties with a consideration or value of at least $25,000,000; and to increase the City’s appropriations limit by the amount of the tax increase for four years from November 3, 2020.

NOTE: Unchanged Code text and uncodified text are in plain font.

Additions to Codes are in single-underline italics Times New Roman font.

Deletions to Codes are in strikethrough italics Times New Roman font.

Be it ordained by the People of the City and County of San Francisco:

Section 1.  Pursuant to Article XIII C of the Constitution of the State of California, this ordinance shall be submitted to the qualified electors of the City and County of San Francisco at the November 3, 2020, consolidated general election.

Section 2.  The Business and Tax Regulations Code is hereby amended by revising Section 1102 of Article 12-C, to read as follows:

SEC. 1102.  TAX IMPOSED.

There is hereby imposed on each deed, instrument or writing by which any lands, tenements, or other realty sold within the City and County of San Francisco shall be granted, assigned, transferred or otherwise conveyed to, or vested in, the purchaser or purchasers, or any other person or persons, by his or her or their direction, when the consideration or value of the interest or property conveyed (not excluding the value of any lien or encumbrances remaining thereon at the time of sale) (a) exceeds $100 but is less than or equal to $250,000, a tax at the rate of $2.50 for each $500 or fractional part thereof; or (b) more than $250,000 and less than $1,000,000, a tax at the rate of $3.40 for each $500 or fractional part thereof for the entire value or consideration, including, but not limited to, any portion of such value or consideration that is less than $250,000; or (c) at least $1,000,000 and less than $5,000,000, a tax at the rate of $3.75 for each $500 or fractional part thereof for the entire value or consideration, including, but not limited to, any portion of such value or consideration that is less than $1,000,000; or (d) at least $5,000,000 and less than $10,000,000, a tax at the rate of $11.25 for each $500 or fractional part thereof for the entire value or consideration, including, but not limited to, any portion of such value or consideration that is less than $5,000,000; or (e) at least $10,000,000 and less than $25,000,000, a tax at the rate of $27.5013.75 for each $500 or fractional part thereof for the entire value or consideration, including but not limited to, any portion of such value or consideration that is less than $10,000,000; or (f) at least $25,000,000, a tax at the rate of $3015 for each $500 or fractional part thereof for the entire value or consideration, including but not limited to, any portion of such value or consideration that is less than $25,000,000. The People of the City and County of San Francisco authorize the Board of Supervisors to enact ordinances, without further voter approval, that will exempt rent-restricted affordable housing, as the Board may define that term, from the increased tax rate in subsections (d), (e), and (f).

Section 3.  Appropriations Limit Increase.  Pursuant to California Constitution Article XIII B and applicable laws, for four years from November 3, 2020, the appropriations limit for the City shall be increased by the aggregate sum collected by the levy of the tax imposed under this ordinance.

Section 4.  Scope of Ordinance.  In enacting this ordinance, the People of the City and County of San Francisco intend to amend only those words, phrases, paragraphs, subsections, sections, articles, numbers, punctuation marks, charts, diagrams, or any other constituent parts of the Municipal Code that are explicitly shown in this ordinance as additions or deletions, in accordance with the “Note” that appears under the official title of the ordinance.

Section 5.  Effective and Operative Date.  The effective date of this ordinance shall be ten days after the date the official vote count is declared by the Board of Supervisors.  This ordinance shall become operative on January 1, 2021.

  • Impormasyon Tungkol sa Lokal na Panukalang-batas sa Balota at Pangangatwiran
    • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
    Local Ballot Measures
    • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Kalusugan at Kawalan ng Tahanan, mga Parke, at Kalye
    • Proposisyon B: Department of Sanitation and Streets (Departamento para sa Kalinisan at mga Kalye), Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye), at Public Works Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Gawain)
    • Proposisyon C: Pagtatanggal ng Itinatakdang Pagiging Mamamayan para sa mga Miyembro ng mga Lupon ng Lungsod
    • Proposisyon D: Pangangasiwa ng Sheriff
    • Proposisyon E: Pag-eempleyo sa Pulisya
    • Proposisyon F: Lubusang Pagbabago sa Business Tax (Buwis sa Negosyo)
    • Proposisyon G: Pagboto ng Kabataan sa mga Lokal na Eleksyon
    • Proposisyon H: Neighborhood Commercial Districts (distritong mababa o katamtaman ang dami ng tao at magkahalong residensiyal at komersiyal ang gamit) at Pagbibigay ng Permits ng Lungsod
    • Proposisyon I: Real Estate Transfer Tax (Buwis ukol sa Paglilipat ng Ari-arian)
    • Proposisyon J: Parcel Tax (buwis sa parsela o buwis na nakabatay sa mga katangian ng ari-arian at hindi sa natasang halaga nito) para sa San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco)
    • Proposisyon K: Awtorisasyon para sa Abot-kayang Pabahay
    • Proposisyon L: Business Tax na Nakabatay sa Paghahambing ng Suweldo ng Pinakamatataas na Executive sa Suweldo ng mga Empleyado
    • Panukalang Pandistrito RR: Buwis sa Pagbebenta ng Caltrain

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota