Published on San Francisco Voter Guide (https://voterguide.sfelections.org)

Bahay > Mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco
< Go back

Mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco

Nahahati ang San Francisco sa labing-isang Superbisoryal na distrito. Para sa eleksyon sa Nobyembre 3, iboboto ng mga botante sa San Francisco na nakatira sa Distrito 1, 3, 5, 7, 9, at 11 ang kanilang miyembro sa Lupon ng mga Superbisor. Para makita ang inyong distrito, sumangguni sa mapa sa ibaba o bumisita sa sfelections.org/voterportal.

 

Nasasakop ng Distrito 1 ang karamihan sa komunidad ng Richmond.

Kabilang sa Distrito 2 ang mga komunidad ng Presidio, Cow Hollow, Marina at Pacific Heights, pati ang ilang bahagi ng komunidad ng Richmond.

Kabilang sa Distrito 3 ang Chinatown, Nob Hill, Russian Hill, Telegraph Hill at ang bandang hilagang aplaya ng Embarcadero.

Nasasakop ng Distrito 4 ang karamihan sa komunidad ng Sunset.

Kabilang sa Distrito 5 ang Haight-Ashbury, Inner Sunset, Panhandle at ang mga komunidad sa Western Addition.

Kabilang sa Distrito 6 ang Civic Center at ang mga komunidad sa South of Market, bahagi ng komunidad ng Potrero Hill, at Treasure Island.

Kabilang sa Distrito 7 ang Lake Merced at Kanlurang bahagi ng Twin Peaks.

Kabilang sa Distrito 8 ang Castro, Diamond Heights, Noe Valley, Glen Park at ang mga komunidad ng Upper Market.

Kabilang sa Distrito 9 ang mga komunidad ng Mission at Bernal Heights, at karamihan sa komunidad ng Portola.

Kabilang sa Distrito 10 ang mga komunidad ng Bayview at Hunter’s Point, at bahagi ng mga komunidad ng Potrero Hill, Visitacion Valley at Portola.

Kabilang sa Distrito 11 ang mga komunidad ng Ingleside, Excelsior, Ocean View at Merced Heights.


Source URL: https://voterguide.sfelections.org/fil/mga-superbisoryal-na-distrito-ng-san-francisco