Published on San Francisco Voter Guide (https://voterguide.sfelections.org)

Bahay > May Tatlong Paraan para Makaboto ang mga Botante sa San Francisco
< Go back

May Tatlong Paraan para Makaboto ang mga Botante sa San Francisco

1. Bumoto sa Pamamagitan ng Koreo 

Upang maprotektahan ang pampublikong kalusugan at mahikayat ang pagboto sa pamamagitan ng koreo, lahat ng rehistradong botante sa California ay makatatanggap ng balota sa koreo para sa Nobyembre 3, 2020 na eleksyon. Sa Oktubre, padadalhan kayo ng pakete ng balotang vote-by-mail, na may kasamang opisyal na balota, nakalakip na instruksiyon, pambalik na sobre na bayad na ang selyo, at “Bumoto Ako!” na sticker. Tingnan dito para sa karagdagang impormasyon.  

2. Bumoto sa Sentro ng Botohan sa City Hall 

Mag-aalok ang Sentro ng Botohan sa City Hall ng mga serbisyo para sa pagpaparehistro at pagboto mula Oktubre 5 hanggang sa magsara ang botohan ng 8 p.m. sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 3. Sa pagsisikap na maprotektahan ang pampublikong kalusugan, itatayo ang Sentro ng Botohan ng City Hall sa harap ng Bill Graham Civic Auditorium sa 99 Grove Street, na nasa pagitan ng mga kalye ng Polk at Larkin. Tingnan dito para sa karagdagang impormasyon.

3. Bumoto sa Inyong Lugar ng Botohan 

Sa Araw ng Eleksyon, Martes, Nobyembre 3, magbubukas ang 588 na lugar ng botohan sa Lungsod para sa mga serbisyo sa pagboto nang personal at paghulog ng balota mula 7 a.m. hanggang 8 p.m. 

Sa pagitan ng Marso 2020 at Nobyembre 2020 na eleksyon, nilipat ng Departamento ng mga Eleksyon ang lokasyon ng humigit-kumulang sa 150 lugar ng botohan upang mapanatili ang sapat na espasyo sa pagboto at mapangalagaan ang pampublikong kalusugan. Nakaimprenta sa likod na pabalat ng pamplet na ito ang impormasyon tungkol sa inyong kasalukuyang nakatalagang lugar ng botohan.

Pinagtibay ng Departamento ng mga Eleksyon ang ilang bagong alituntunin ukol sa kalusugan at kaligtasan sa lahat ng mga lugar ng botohan. Tingnan dito para sa karagdagang impormasyon.

Paunawa: Kung napagpasyahan ninyong bumoto nang personal sa darating na eleksyon, mangyaring tandaan na magsuot ng pantakip sa mukha o face mask upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko. Maaari din ninyong pabilisin at gawing mas ligtas ang inyong pagboto sa pamamagitan ng paggamit ng Tool para sa Lokasyon ng mga Botohan at Oras ng Paghihintay sa sfelections.org/myvotinglocation upang i-check ang mga oras ng paghihintay sa Sentro ng Botohan sa City Hall at mga lugar ng botohan.


Source URL: https://voterguide.sfelections.org/fil/may-tatlong-paraan-para-makaboto-ang-mga-botante-sa-san-francisco