Dapat bang amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang makapagsagawa ng mga eleksyon para sa Mayor, Sheriff, Abugado ng Distrito, Abugado ng Lungsod, at Tesorero sa Nobyembre sa mga taon ng eleksyon para sa pagkapresidente, pahabain ang kasalukuyang termino ng mga opisyal na ito nang isang taon hanggang sa Enero 2025, itakda na hindi na magkakaroon ng regular na naka-iskedyul na eleksyon sa 2023, magsagawa lamang ng eleksyon para sa lokal na mga panukala sa balota sa mga taon na may bilang na even o sa mga espesyal na eleksyon, at baguhin ang minimum na bilang ng kinakailangang lagda upang makapaglagay ang mga botante ng mga ordinansa at deklarasyon ng polisiya sa balota?
Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
Kung Ano Ito Ngayon: Nagsasagawa ang Lungsod ng eleksyon para sa mga lokal na katungkulan sa mga taon na even at odd. Inihahalal ang mayor, sheriff, abugado ng distrito, abugado ng lungsod at ang tesorero tuwing ika-apat na taon sa buwan ng Nobyembre sa taong may bilang na odd. Huling nagkaroon ng regular na eleksyon para sa mga katungkulang ito noong Nobyembre 2019, at ang susunod na naka-iskedyul na eleksyon para sa mga katungkulang ito ay gagawin sa Nobyembre 2023.
Nagsasagawa ang Lungsod ng eleksyon para sa tagatasa-tagatala, pampublikong tagapagtanggol, mga miyembro ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), School Board (Lupon ng mga Paaralan), at City College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Lungsod) tuwing ika-apat na taon sa Nobyembre ng mga taon na even. Isinasagawa rin ang eleksyon para sa mga pang-estado at pederal na katungkulan sa mga taon na even.
Maaaring mailagay sa balota ang mga lokal na pambalotang panukalang-batas kapwa sa mga taon na even at odd. Maaari namang maglagay ang mga botante ng ordinansa ng Lungsod o deklarasyon ng polisiya sa balota sa pamamagitan ng pagsusumite ng sapat na lagda mula sa mga botante ng San Francisco sa inisyatibang petisyon. Upang maging kuwalipikado para sa balota, ang petisyon ay kailangang may kasamang lagda mula sa mga botante ng San Francisco na katumbas ng hindi bababa sa 5% ng mga botong ibinigay sa lahat ng kandidato para sa pagka-mayor noong nakaraang eleksyon. Noong Hulyo 2022, nangailangan ang mga petisyon na ito ng minimum na 8,979 lagda.
Ang Mungkahi: Itatakda ng Proposisyon H na magsagawa ang Lungsod ng mga eleksyon para sa mayor, sheriff, abugado ng distrito, abugado ng lungsod, at tesorero sa Nobyembre ng mga taon para sa pagkapresidente. Dahil dito, magsasagawa ang Lungsod ng eleksyon para sa lahat ng lokal na katungkulan sa mga taon na may bilang na even lamang.
Kapag naaprubahan ang mungkahi, hindi magkakaroon ng regular na nakatakdang eleksyon sa 2023. Pahahabain nang isang taon ang kasalukuyang mga termino ng mayor, sheriff, abugado ng distrito, abugado ng lungsod, at tesorero. Isasagawa ang susunod na eleksyon para sa mga katungkulang ito sa Nobyembre 2024. Pagkatapos nito, isasagawa na ng Lungsod ang eleksyon para sa mga katungkulang ito tuwing ika-apat na taon.
Sa ilalim ng Proposisyon H, maglalagay lamang ang Lungsod ng mga panukalang-batas sa balota sa mga taon na even o sa espesyal na mga eleksyon.
Papalitan din ng Proposisyon H ang minimum na bilang ng kinakailangang lagda para sa inisyatibang ordinansa at deklarasyon ng polisiya ng Lungsod, mula sa 5% ng ibinigay na boto noong nakaraang eleksyon sa pagka-mayor tungo sa 2% ng rehistradong mga botante sa San Francisco, na 9,948 noong Hulyo 2022.
Ang Ibig Sabihin ng Botong “OO”: Kapag bumoto kayo ng “oo,” gusto ninyong amyendahan ng Lungsod ang Tsarter upang makapagsagawa ng mga eleksyon para sa mayor, sheriff, abugado ng distrito, abugado ng lungsod, at tesorero sa Nobyembre sa mga taon ng eleksyon para sa pagkapresidente, magsagawa lamang ng eleksyon para sa lokal na panukala sa balota sa mga taon na may bilang na even o sa mga espesyal na eleksyon, at baguhin ang minimum na bilang ng kinakailangang lagda upang makapaglagay ang mga botante ng ordinansa at deklarasyon ng polisiya sa balota. Hindi na magkakaroon ng regular na nakatakdang eleksyon sa 2023, at pahahabain nang isang taon ang kasalukuyang mga termino ng mayor, sheriff, abugado ng distrito, abugado ng lungsod, at tesorero.
Ang Ibig Sabihin ng Botong “HINDI”: Kapag bumoto kayo ng “hindi,” ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.
Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "H"
Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Ben Rosenfield ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon H:
Sa aking opinyon, sakaling aprubahan ang mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ng mga botante, bababa ang gastos ng gobyernong nang humigit-kumulang sa $6.9 milyon sa Fiscal Year (taon batay sa pag-uulat ng pinansiya, FY) 2023–2024, at sa kasunod na mga taon na may bilang na odd, sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga eleksyon at sa pagtatanggal sa munisipal na eleksyon sa mga taon na may bilang na odd. Gayon pa man, magiging mas maliit o matatanggal ang matitipid na ito kung magtatakda ng espesyal na eleksyon sa taon na may bilang na odd.
Itatakda ng mungkahing pag-amyenda sa Tsarter na magsagawa ng mga eleksyon para sa Mayor, Sheriff, Abugado ng Distrito, Abugado ng Lungsod, at Tesorero sa mga taon na may bilang na even. Upang magawa ito, itatakda ng mga pag-amyenda na maglingkod ang mga indibidwal na nahalal sa mga katungkulang ito noong 2019 ng terminong tig-limang taon. Ang susunod na eleksyon para sa mga katungkulang ito ay isasagawa sa Nobyembre 2024, at kasunod nito, magkakaroon ng eleksyon para sa mga katungkulang ito tuwing ika-apat na taon sa taon na may bilang na even.
Magdudulot ang mga pagbabagong ito sa Lungsod ng pagtitipid na humigit-kumulang $9 milyon para sa gastos ng pagpapatakbo ng pangkalahatang munisipal na eleksyon sa mga taon na may bilang na odd, na mababawi nang dahil sa humigit-kumulang sa $2.1 milyon para sa halaga ng pagpi-print at pagpapadala sa koreo ng mga balotang card at pamplet na nagbibigay-impormasyon sa botante, gastos para sa pansamantalang kawani, at iba pang materyales at serbisyo na ililipat mula sa isang taon tungo sa isa pa, kung kaya’t magkakaroon ng netong matitipid na $6.9 milyon sa loob ng dalawang taon, simula sa FY 2023–24.
Babaguhin din ng pag-amyendang ito ang minimum na lagda para sa inisyatibang ordinansa tungo sa dalawang porsiyento ng huling bilang ng rehistradong mga botante sa San Francisco, sa halip na limang porsiyento ng nagsiboto noong huling eleksyon para sa pagka-mayor.
Kung Paano Napunta sa Balota ang "H"
Noong Hulyo 19, 2022, bumoto ang Board of Supervisors ng 7 sa 4 upang mailagay ang Proposisyon H sa balota. Bumoto ang mga Superbisor ayon sa sumusunod:
Oo: Chan, Melgar, Peskin, Preston, Ronen, Safai, Stefani.
Hindi: Dorsey, Mandelman, Mar, Walton.
Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.
Argumento ng May-Panukala na Pabor sa Proposisyon HMay potensiyal ang Prop H na madoble ang partisipasyon ng mga botante sa San Francisco para sa mahahalagang lokal na katungkulan at makatipid ng milyon-milyong dolyar ang lungsod.
Sa panahon na inaatake ang mga karapatan sa pagboto at ang demokrasya, ang Prop H ay simpleng solusyon upang matiyak na mas maraming taga-San Francisco ang magkakaroon ng boses sa ating demokrasya.
Ang panukalang-batas na ito, na hindi makapartido at para sa mabuting pamahalaan, ay maglilipat sa mga eleksyon para sa Mayor, Sheriff, Abugado ng Distrito, Abugado ng Lungsod, at Tesorero— na kasalukuyang isinasagawa sa mga taon na odd ang bilang— tungo sa mga taon na even ang bilang.
Ang Oo sa H ang magbabago sa Tsarter ng lungsod at nang makaayon ito sa batas ng estado na nagbabawal sa mga lungsod sa pagsasagawa ng mga eleksyong wala sa siklo, kung sa pagsasagawa nito ay malaki ang pagbaba ng bilang ng bumoboto. Mayroon nang 50+ lungsod ang nakagawa ng ganitong pagbabago sa California, kasama na ang Los Angeles, San Bruno, Modesto, at San Mateo. Panahon na upang isabatas ng San Francisco ang demokratikong mga ideyal ng ating estado at lungsod!
Nitong nakaraang dekada, karaniwan nang 43% ang porsiyento ng bumoboto sa San Francisco sa mga odd na taon ng eleksyon, at 80% sa mga presidensiyal na siklo, kung saan pinakamababa ang partisipasyon ng botante sa odd na taon sa mga komunidad ng may kulay, uring manggagawa, at batang botante. Ang Prop H ay hindi lamang tungkol sa pagpapataas ng bilang ng bumoboto, kundi pagtitiyak din na mas maraming botante ang magkakaroon ng pagpapasya sa mga eleksyon ng lungsod.
Magdudulot ang pagsasama ng eleksyon para sa susunod na taon sa 2024 na balota ng pagtitipid na humigit-kumulang $7 milyong dolyar, na maaaring magasta kapalit nito sa agarang mga pangangailangan, tulad ng kawalan ng tahanan, pabahay, at pampublikong kaligtasan.
Nakikini-kinita na ba na ninyo kung ano ang magiging hitsura ng ating lokal na mga eleksyon kung mas maraming botante ang lalahok? Panahon na upang makasama tayo sa iba pang lungsod sa California na nagawa na ang mahalagang pagbabagong ito upang magkaroon ng higit na paglahok ang mga botante.
Pakisamahan kami sa pagboto ng Oo sa Prop H.
California Common Cause
League of Women Voters of San Francisco
San Francisco Democratic Party
RepresentUs
Asian Americans Advancing Justice- Asian Law Caucus
Sierra Club
upthevotesf.com
Sagot sa Argumento ng May-Panukala na Pabor sa Proposisyon HSa kabuuan ng ating kasaysayan, kinondena na ng San Francisco ang mga pagsubok ng mga ekstremista, o sukdulan ang paniniwala, sa buong mundo na makapang-agaw ng kapangyarihan, maisantabi ang boses na mga may pagkakaiba-iba, at mapigilan ang karapatang bumoto. Pero ang kanselahin ang mga eleksyon dito mismo? Hindi pa ito nangyayari kailanman!
Nilikha ang Proposisyon H ng mga nasa pinakamaka-kaliwang kilusan ng mga sosyalista. Tumitindig laban sa panukalang-batas na ito sa balota si Mayor London Breed, kasama ang mga nag-aadbokasiya at lider sa kabuuan ng mga organisasyong pangkomunidad, pang-edukasyon, pangnegosyo, nonprofit, at grassroots, o naniniwala sa kolektibong pagkilos. Nakikita namin na mapanganib na plano ito ni Superbisor Dean Preston upang maitulak ang kanyang radikal na mga kaalyado at katulad niyang mag-isip sa pagkakaroon ng katungkulan, anuman ang kagustuhan ng mga botante.
Tatanggalin lamang ng Proposisyon H ang eleksyon sa 2023 para sa ilang inihahalal na katungkulan. Mananatili sa katungkulan ang lahat. Ayaw ba ninyo ang mga napagpasyahan apat na taon na ang nakalilipas? Pasensiya na! Hindi na iyan pagpapasyahan ng mga botante. Paano na ang ating mga karapatan? Panunupil ito sa mga botante!
Sa unang bahagi ng taon na ito, ipinagdiwang ng San Francisco ang demokrasya sa pamamagitan ng pagre-recall (pagpapaalis sa katungkulan) sa School Board (Lupon ng mga Paaralan) at sa Abugado ng Distrito (kung saan masigasig akong nag-adbokasiya). Mahigpit na tinutulan ni Dean Preston at ng kanyang mga kaalyado ang mga recall - at nabigyan na sana si Chesa Boudin ng limang taon na termino kung hindi siya napatalsik!
Sa San Francisco, mas maraming Tsino, Filipino, Latino, at mababa ang kita na mga botante ang maghuhulog ng balota sa 2022 kaysa sa anumang taon sa ating kasaysayan, nang dahil sa ehekutibong kautusan ni gobernador Gawin Newsom ukol sa balotang maipadadala sa koreo. Muli na namang mababago ang mga rekord sa 2023 kung ipagpapatuloy natin ang politikal na pakikilahok ng mga magkakaiba-ibang boses -- Gayon pa man, gusto ni Dean Preston na matigil ang tuloy-tuloy na pagkilos na ito, at sa aktuwal, ay pigilan ang pagboto.
Mahalagang demokratikong tradisyon sa San Francisco ang taunang eleksyon, at pinararami nito ang mga pagkakataon upang makaboto ang mga mamamayan. Bumoto ng HINDI sa H dahil pinahihina nito ang ating karaniwang mga gawaing demokratiko.
Richie Greenberg
RichieGreenberg.org
Argumento ng Katunggali Laban sa Proposisyon HKanselahin ang mga eleksyon sa 2023? Seryoso ba kayo?
Ang nabibigong mga politiko sa buong mundo ang nagpapakana upang mapahaba ang paghawak nila sa kapangyarihan sa pamamagitan ng paghamon, pagkansela, pagwawalang-bisa, o pag-aantala, sa mga eleksyon. Ito ang isa na sa pinakamakalaglag-panga na pananda ng tiraniko at hindi demokratikong rehimen. Binibigyang-katwiran ng mga mapaniil ang kanilang pagtangging magtransisyon ang kapangyarihan tungo sa susunod na tunay na mahahalal na opisyal ng gobyerno.
Sinubukan na ito ni Trump noong 2020. Nakita na rin natin ang ganitong kabalastugan noon.
Nitong nakaraang eleksyon noong Hunyo 2022, sinabi ng mga propagandista na katapusan na ng Demokrasya ang pagre-recall kay Chesa Boudin. Sinabi nilang nakakuha si Chesa ng apat na taon ng panunungkulan, kung kaya’t dapat hintayin ang eleksyon! Ngayon, gustong kanselahin ng parehong mga indibidwal na ito ang mga eleksyon sa 2023 sa kabuuan nito. Malaking pagkukunwari ito!
Ang mga tiranong nagsasagawa ng korupsiyon, si Putin, at ang iba pang rehimeng may ugnayan sa mga terorista ang nagkakansela sa mga eleksyon. Ang mga insurekto ang pumipigil sa lehitimong mga eleksyon.
Ang awtor ng kasuklam-suklam at hindi demokratikong pang-aagaw ng kapangyarihan na ito ay si Dean Preston, na napakalaking kabiguan mismo bilang superbisor (konsehal ng lungsod) at na hindi binigyang-pansin ang papel ng droga at sakit sa isipan sa krisis sa kawalan ng tahanan sa San Francisco. Gusto niyang ilipat ang mas maraming pera na mula sa mga nagbabayad ng buwis tungo sa mapang-aksayang proyekto at kontrata na kapaki-pakinabang para sa kanyang kilusang Democratic Socialists for America (Demokratikong mga Sosyalista para sa Amerika) - iyan ang dahilan kung bakit gusto niyang pahabain ang termino sa katungkulan ng kanyang mga kaalyado, at paramihin ang pagboto ng radikal na kaliwa sa susunod na eleksyon para sa Mayor at sa Abugado ng Distrito. Ito ang mga bagay-bagay kung saan tanyag ang mga banana republic o bansang puno ng korupsiyon, at ang mga diktador na may pamumunong militar sa ika-3 daigdig. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon H.
Richie Greenberg
RichieGreenberg.org
Sagot sa Argumento ng Katunggali Laban sa Proposisyon HAng Prop H ay tungkol sa pagdodoble ng partisipasyon ng mga botante sa paghahalal sa mahahalagang lokal na opisyal, kasama na ang Mayor. Isa itong panukalang-batas na hindi makapartido at nagtataguyod sa demokrasya, at sinusuportahan ito kapwa ng California Common Cause at ng San Francisco League of Women Voters.
Sa ngayon, nagsasagawa ang San Francisco ng iisang eleksyon sa taon na odd ang bilang, kung saan may karaniwang porsiyento na 43% ang bumoboto, tuwing 4 taon, upang makapaghalal ng 5 lamang sa pinakamahahalagang posisyon sa ating lungsod: ang Mayor, ang Abugado ng Distrito, ang Abugado ng Lungsod, ang Sheriff, at ang Tesorero.
Bibigyan ng bagong iskedyul ng Prop H ang eleksyong ito nang minsanan sa 2023 upang ilipat ito sa 2024, na taon na may bilang na even. Tinatayang magdudulot ang permanenteng paglilipat sa taon na may bilang na even ng PAGDOBLE ng mga boboto, at magtitiyak ng mas malawak na pagkatawan sa buong populasyon ng mga botanteng lalahok sa bawat eleksyon pagkatapos— sa pamamagitan ng simpleng paglilipat sa siklo ng eleksyon tuwing pinagbobotohan ang pangulo, kung kailan mas marami ang bumoboto.
Gusto kayong papaniwalain ng mga katunggali ng Proposisyon H na mas mabuti para sa San Francisco kung MAS KAUNTING indibidwal ang boboto. Titiyakin ng Prop H na mas maraming botante, lalo na iyong mula sa naisasantabing mga komunidad ang makapagpaparinig sa kanilang boses sa ating politikal na proseso. Bilang lungsod na pinamumunuan ang estado at ang bansa sa mapangahas na mga ideya, kailangan nating gawin ang ating bahagi upang matiyak na hangga’t sa magagawa natin, magiging madali at magkakaroon ng maraming pamamaraan ang pagboto. Samahan kami at bumoto ng OO sa H.
Dating Mayor Art Agnos
San Francisco Democratic Party
RepresentUs
Harvey Milk LGBTQ Democratic Club
San Francisco Latinx Democratic Club
San Francisco Women’s Political Committee
San Francisco Labor Council
Sierra Club
May Bayad na Argumentong PABOR sa Proposisyon H1
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Nagsasabi ang Kababauhan ng Oo sa Prop H. Humaharap ang kababaihan sa isang bansa kung saan katatapos pa lamang ng usapin ukol sa kasong Roe, at kung saan nakabatay ang mga karapatang reproduktibo sa mga lokal na gobyerno.
Mas mahalaga ngayon, higit sa anumang panahon, na magkaroon ng boses ang bawat babae sa munisipal na mga labanan. Sa paglilipat sa mga taon, kung kailan aktuwal na bumoboto ang lahat, matitiyak ang popular na partisipasyon sa mga eleksyon para sa mga katungkulan na nakaaapekto sa kalusugan at awtonomiya ng kababaihan.
Hayaang magkaroon ng pagpapasya ang kababaihan ukol sa kanilang kinabukasan, bumoto ng oo sa Prop H!
San Francisco Women’s Political Committee
Superbisor Connie Chan
Superbisor Hilary Ronen
Tesorero ng San Francisco Democratic Party Carolina Morales
Sekretarya sa Pagliham ng San Francisco Democratic Party Anabel Ibáñez
Miyembro ng San Francisco Democratic Party Gloria Berry
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Nagsasabi ang mga Pangkat para sa mga Karapatan sa Pagboto ng Oo sa Prop H. Gumagana ang ating gobyerno sa nararapat na paggana nito kapag naririnig ang lahat ng boses at nabibigyan sila ng representasyon sa demokratikong politikal na proseso. Batayang usapin sa mga karapatang sibil ang karapatan sa pagboto.
Kapag naipasa ang Prop H, makakaasa tayo na mas magiging mataas ang bilang ng mga boboto sa lokal na eleksyon at mas magiging representasyon ito ng populasyon ng San Francisco, kung saan may mga pagkakaiba-iba.
Kailangan natin ang boses ng lahat! Bumoto ng Oo sa Prop H.
RepresentUs
Asian Americans Advancing Justice- Asian Law Caucus
League of Women Voters San Francisco
California Common Cause
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Kailangan ng Itim na Komunidad ng San Francisco ang Prop H. Naitulak na ang itim na mga indibidwal palabas ng Lungsod nang dahil sa sistemikong rasismo at ng presyo ng pabahay.
Nagreresulta ang mababang bilang ng pagboto sa mas kaunting representasyon sa gobyerno ng lungsod at agad na solusyon ang Prop H upang maparami ang papel sa pagpapasya ng Itim na komunidad sa gobyerno ng lungsod.
Ang pagpapalit ng mga eleksyon sa lungsod tungo sa mga taon na even ang bilang ay tungkol sa pagtitiyak na mayroon tayong boses. Bumoto ng Oo sa Prop H.
Presidente ng Board of Supervisors Shamann Walton
Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Keith Baraka
Miyembro ng San Francisco Democratic Party Gloria Berry
Dating Estudyanteng Katiwala ng CCSF William Walker
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Ang Prop H ang pinakamagandang kasangkapan upang upang mapalaki ang representasyon ng mga Latino sa San Francisco—napakahalagang masalamin ang ating presensiya sa lokal na gobyerno.
Dahil may potensiyal ito na itaas ang pagboto ng mga Latino nang 50%, pagkakalooban tayo ng paglipat mula sa mga taon na odd ang bilang tungo sa mga eleksyong even ang bilang, ng mas maraming boses at mas maraming representasyon sa gobyerno ng lungsod.
Doblehen natin ang papel sa pagpapasya sa paghahalal ng mahahalagang lokal na opisyal. ¡Vota SÍ a la H! (Bumoto ng Oo sa H!)
San Francisco Latinx Democratic Club
La Raza Community Resource Center
Pangalawang Pangulo ng California Democratic Party David Campos
Sekretarya sa Pagliham ng San Francisco Democratic Party Anabel Ibáñez
Dating Superbisor John Avalos
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Nagsasabi ang mga Asyanong Lider ng Oo sa Prop H. Ang pagkakaiba ng dami ng mga bumoboto sa Asyanong komunidad sa pagitan ng mga eleksyon na even ang bilang ng taon at mga eleksyon na odd and bilang ng taon ang isa na sa pinakamalaki sa anumang komunidad sa San Francisco.
Lumahok ang 84% ng rehistrado na botanteng Asyano sa 2020 na para sa pagkapangulong taon ng eleksyon, kung ihahambing sa 38% lamang ng bumoto noong 2019.
Ilipat natin ang eleksyon sa mga taon na even ang bilang kung kailan dumarating ang komunidad ng mga Asyano upang bumoto. Bumoto ng OO sa Prop H.
Asian Americans Advancing Justice
South West Asian North African Democratic Club
Superbisor Connie Chan
Katiwala ng San Francisco City College Alan Wong
Miyembro ng San Francisco Democratic Party Gloria Berry
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H
Nagsasabi ang mga LGBTQ na Lider ng Oo sa Prop H. Habang may banta sa mga karapatang pantao sa kabuuan ng bansa, napakahalagang panatilihin ang isa sa mga batayang haligi ng demokrasya sa ating lungsod: ang karapatang bumoto.
Humarap na ang LGBTQ+ na komunidad sa diskriminasyon mula sa mga tagagawa ng mga polisiya sa kabuuan ng kasaysayan. Tumitindig kami kasama ng mga mamamayan na mula sa lahat ng kasarian, seksuwal na oryentasyon, lahi, at identidad ng kasarian, sa pagtatanggol sa ating karapatan na lumahok sa proseso ng paghahalal sa ating mga kiantawan sa lokal na antas.
Bumoto ng Oo sa Prop H!
Harvey Milk LGBT Democratic Club
Pangalawang Tagapangulo, San Francisco Democratic Party Keith Baraka
Direktor ng BART Bevan Dufty
Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano
Jackie Fielder, Tagapag-organisa sa Komunidad
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Nagsasabi ang San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco) ng Oo sa H! Dumami na ang mga batas na naglalagay ng mga restriksiyon sa pagboto sa kabuuan ng bansa upang mapigilan ang mga Amerikano sa paglahok sa demokrasya.
Magmula noong 2020, halos 500 batas nang naglalagay ng mga restriksiyon ang naihain upang masupil ang mga botante sa pamamagitan ng pagpapalawak sa identipikasyon ng mga botante, paglilimita sa mga opsiyon sa pagboto, at pagpaparami ng mga botanteng natatanggal sa listahan. Noong 2021, umabot na ang bilang ng mga batas na naglalagay ng mga restriksyon sa pinakamataas na bilang na nakita sa loob ng isang dekada.
Bilang lungsod at estadong ikinararangal ang pagiging Demokrata, dapat ay hinihikayat natin ang partisipasyon sa mga eleksyon — hindi ginagawang mas mahirap ito. Bumoto ng Oo sa Prop H.
San Francisco Democratic Party
Presidente ng Board of Supervisors Shamann Walton
Superbisor Connie Chan
Superbisor Hilary Ronen
Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party Keith Baraka
Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party KPeter Gallotta
Tesorero ng San Francisco Democratic Party Carolina Morales
Sekretarya sa Pagliham ng San Francisco Democratic Party Anabel Ibáñez
Miyembro ng San Francisco Democratic Party Han Zou
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H
Hayaang Bumoto ang mga Taga-San Francisco na Uring Manggagawa! Nagsasabi ang Paggawa ng Oo sa Prop H.
Bilang mga unyon, alam namin batay sa personal na karanasan kung ano ang ibig sabihin ng magkakasamang pagtatrabaho para sa batayang mga karapatan at may dignidad na pamumuhay. Mahahalagang bahagi ang aming mga miyembro upang mapanatiling tumatakbo ng masiglang lungsod na ito.
Humaharap ang nagtatrabahong mga indibidwal sa maraming hadlang sa pagboto at sinusuportahan namin ang Prop H dahil karapat-dapat ang lahat sa pagkakaroon ng boses sa ating lungsod. Bumoto ng Oo sa Prop H.
San Francisco Labor Council
ILWU Northern California District Council
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon H
Bilang mga superbisor na kumakatawan sa mga komunidad na may pagkakaiba-iba sa kultura at malawak na saklaw ng mga kita, nakikita namin ang pagkakaiba sa dami ng mga bumoboto sa aming mga pinaglilingkuran.
Hindi tungkol sa politika ang panukalang-batas na ito, ngunit tungkol sa demokrasya at pagtitiyak na mapipili ang ating mahahalagang inihahalal na opisyal sa pamamagitan ng pinakamaraming posibleng botante. Bumoto ng oo sa H!
Superbisor Connie Chan
Superbisor Ahsha Safai
Superbisor Myrna Melgar
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: I-angat ang Botong Oo sa H.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Mark Leno, 2. Melissa Hernandez, 3. Albany Aroyan.
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H
May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon HMay Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H
Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon H.
Tatanggalin ng Proposisyon H ang natitirang eleksyon na nasa taon na may bilang na odd at magkaroon ng mga regular na eleksyon lamang sa mga taon na may bilang na even. Sa aking palagay, hindi sulit ang matitipid sa gastos dito. Sa katunayan ay ibabalik ko ang eleksyon sa mga taon na may bilang na odd na natanggal na. Batayang bahagi ng ating lokal na gobyerno ang lokal na mga eleksyon. Mataas ang bilang ng mga bumoboto kapag mas kontrobersiyal ang mga kandidato at ang mga panukalang-batas.
Magbubunga ang Proposisyon H ng mga eleksyon sa Hunyo at Nobyemre sa mga taon na may bilang na even, kung saan may 5 at 19 buwan na agwat. Mas mahaba ang magiging paglilingkod ng mga itatalaga upang mapunan ang mga bakanteng katungkulan bago magkaroon ng retensiyon na mga eleksyon. Mangangailangan ng mas mahahabang balota at mas maraming balotang card. Sa dulo, mawawala ang lokal na mga panukalang-batas sa balota na tulad nito. Sa tingin ko, mas kaunting boto ang maihuhulog para sa ilang kandidato at sa mahahalagang pankalang-batas. Katatanggi pa lamang ng mga botante sa mga pagbabago sa mga eleksyon para sa pagre-recall (pagpapaalis sa katungkulan) noong Hunyo. Kailangan natin ng mas maraming demokrasya, hindi ng mas kaunti. Walang magandang dahilan para sa pagbabagong ito.
Mangyaring bumoto ng HINDI sa Proposisyon H. Salamat po.
David Pilpel
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: David Pilpel
May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H
BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON H
Kung maipapasa ang Proposisyon H, mayorya ng mga botante sa San Francisco ang makatatanggap ng 6 balotang card at hihilingin sa kanilang pumili ng 20 kandidato, at isasama pa rito ang karagdagang 20 para sa 7 katungkulang ranked-choice, na malamang na may kabuang bilang na 40 kandidato.
Bukod rito, nagkaroon ng karaniwan o average na 13 inisyatiba sa California sa nakaraang 6 balota sa eleksyon para sa pagkapangulo at 17 lokal na Proposisyon.
Hindi realistiko na asahan sa mga botante na gumawa ng 70 pinag-iisipan nang mabuti na mga desisyon.
San Francisco Republican Party
John Dennis,Tagapangulo
Howard Epstein
Richard Worner
Lisa Remmer
Joseph Bleckman
Yvette Corkrean
William Kirby Shireman
Stephanie Jeong
Clinton Griess
Stephen Martin-Pinto
Leonard Lacayo
SFGOP.org
info [at] sfgop.org
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Republican Party.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Dahle para sa Gobernador.
Legal TextDescribing and setting forth a proposal to the voters at an election to be held on November 8, 2022, to amend the Charter of the City and County of San Francisco to change the election cycle for the offices of Mayor, Sheriff, District Attorney, City Attorney and Treasurer so that these offices will be elected in even-numbered years; to provide that the current term for the aforementioned offices will end on January 8, 2025 rather than January 8, 2024; to amend the definition of general municipal election so that such elections occur only in even-numbered years; and to change the signature threshold for initiative ordinances to two percent of the number of registered voters in San Francisco.
Section 1. The Board of Supervisors hereby submits to the qualified voters of the City and County, at an election to be held on November 8, 2022, a proposal to amend the Charter of the City and County by revising Sections 13.101, 14.101, and Article XVII, to read as follows:
NOTE: Unchanged Charter text and uncodified text are in plain font.
Additions are single-underline italics Times New Roman font.
Deletions are strike-through italics Times New Roman font.
Asterisks (* * * *) indicate the omission of unchanged Charter subsections.
SEC. 13.101. TERMS OF ELECTIVE OFFICE.
(a) Except in the case of an appointment or election to fill a vacancy, the term of office of each elected officer shall commence at 12:00 noon on the eighth day of January following the date of the election.
(b) Subject to the applicable provisions of Section 13.102, the elected officers of the City and County, and members of the Board of Education and of the Governing Body of the Community College District, shall be elected as follows:
(1) At the general municipal election in 1995 and every fourth year thereafter, a The following officials shall be elected at the general municipal election in 2024 and every fourth year thereafter: Mayor, a Sheriff, and a District Attorney shall be elected., City Attorney, Treasurer, four members of the Board of Education, and four members of the Governing Board of the Community College District.
(2) At the general municipal election in 1996 and every fourth year thereafter, four members of the Board of Education and four members of the Governing Board of the Community College District shall be elected.
(3) At the general municipal election in 2013, and at the general municipal election in 2015 and every fourth year thereafter, a City Attorney and a Treasurer shall be elected. Notwithstanding any other provision of this Charter including Section 6.100, the term of office for the person elected City Attorney or Treasurer at the general municipal election in 2013 shall be two years.
(42) The following officials shall be elected at the general municipal election in 2022 and every fourth year thereafter:At the general municipal election in 2006 and every fourth year thereafter, an Assessor-Recorder, and Public Defender shall be elected, three members of the Board of Education, and three members of the Governing Board of the Community College District.
(5) At the general municipal election in 1998 and every fourth year thereafter, three members of the Board of Education and three members of the Governing Board of the Community College District shall be elected.
(63) The election and terms of office of members of the Board of Supervisors shall be governed by Section 13.110.
(c) Notwithstanding any other provision of this Charter, including Section 3.101, the term of office for Mayor, City Attorney, District Attorney, Sheriff, and Treasurer that began at noon on January 8, 2020 shall end at noon on January 8, 2025. This five-year term for the office of Mayor shall be deemed a single term for the purposes of term limits under Section 3.101.
SEC. 14.101. INITIATIVES.
An initiative may be proposed by presenting to the Director of Elections a petition containing the initiative and signed by voters in a number equal to at least five two percent of the number of registered voters in the City and Countyvotes cast for all candidates for mayor in the last preceding general municipal election for Mayor. Such initiative shall be submitted to the voters by the Director of Elections upon certification of the sufficiency of the petition’s signatures.
* * * *
ARTICLE XVII: DEFINITIONS
For all purposes of this Charter, the following terms shall have the meanings specified below:
* * * *
“General municipal election” shall mean the election for local officials or measures to be held in the City and County on the Tuesday immediately following the first Monday in November in every year until and including 202215. Thereafter, “general municipal election” shall mean the election for local officials or measures to be held in the City and County on the Tuesday immediately following the first Monday in November in all even-numbered years and in every fourth year following 2015.
* * * *