Mahalagang suriin ninyo ang impormasyon sa inyong rehistrasyon bilang botante bago ang bawat eleksyon. Kung naglalaman ang inyong rekord ng hindi napapanahong impormasyon tulad ng maling address na pang-koreo, maaaring hindi ninyo matanggap ang mga opisyal na pang-eleksyong materyales, kasama na ang inyong balotang vote-by-mail. Maaari ninyong suriin ang impormasyon sa inyong rehistrasyon sa pamamagitan ng pagbisita sa voterstatus.sos.ca.gov o makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon.
Para i-update ang impormasyon sa inyong rekord ng rehistrasyon, (muling) magparehistro sa registertovote.ca.gov, o makipag-ugnayan sa Departamento upang humiling ng papel na form ng rehistrasyon.
Sa Mayo 23, 2022 ang deadline sa (muling) pagpaparehistro online o sa pamamagitan ng koreo para sa Hunyo 7, 2022 na eleksyon. Matapos ang nasabing petsa, kailangan ninyong i-update nang personal ang inyong impormasyon sa sentro ng botohan o lugar ng botohan.