Published on San Francisco Voter Guide (https://voterguide.sfelections.org)

Bahay > Pagmamarka sa Inyong Balota
< Go back

Pagmamarka sa Inyong Balota

Para sa Lahat ng Uri ng Labanan

1. Basahin ang mga instruksiyon na naka-imprenta sa bawat kard ng balota.

2. Gumamit ng panulat na itim o matingkad ang asul na tinta. 

3. Punan ang oval sa tabi ng inyong pinili para sa labanan o panukalang-batas, gaya ng ipinakikita sa larawan (1). 

Para bumoto ng kuwalipikadong isinusulat-lamang na kandidato, isulat ang pangalan ng kandidato sa espasyo sa dulo ng listahan ng mga kandidato at punan ang oval sa tabi ng espasyong iyon. (Simula Oktubre 23, magkakaroon ng listahan ng mga kandidatong isinusulat-lamang sa sfelections.org/writein at sa lahat ng lokasyon ng botohan na maaaring bumoto nang personal.)

Kung ayaw ninyong bumoto sa isang labanan o panukalang-batas, iwan itong blangko. Mabibilang pa rin ang inyong mga boto para sa ibang labanan at panukalang-batas.

Huwag magsulat ng personal na impormasyon, gaya ng inyong pangalan, saanmang bahagi ng balota.

Para sa mga Labanan na Ranked-Choice Voting (RCV) 

Sa eleksyon, ang mga botante sa Superbisoryal na mga Distritong 1, 3, 5, 7, 9, at 11 ay gagamit ng RCV para maghalal ng mga miyembro ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) na kakatawan sa kanilang mga distrito. 

Sa mga labanang RCV, nakalista sa mga hanay sa kaliwang bahagi ng grid ang mga pangalan ng kandidato. Makikita ang naka-numerong mga ranggo sa nasa itaas na hanay. 

1. Para iranggo ang mga kandidato sa balota, punan ang mga oval mula kaliwa pakanan, gaya ng ipinakikita sa larawan (2).

• Sa unang kolum para sa inyong unang pinili.

• Sa ikalawang kolum para sa inyong ikalawang pinili. 

• Sa ikatlong kolum para sa inyong pangatlong pinili, at iba pa.

2. Maaari kayong magranggo ng gaano man karaming kandidato ayon sa inyong kagustuhan – hanggang sa 10 kandidato. Kung ayaw ninyong iranggo ang ilan sa mga kandidato, iwang blangko ang mga kolum. 

Mahahalagang Punto na Dapat Tandaan

Huwag punan ang mahigit sa isang oval sa isang hanay, gaya ng ipinakikita sa larawan (3). Sa madaling salita, huwag ninyong iranggo ang isang kandidato nang mahigit sa isang beses. Kung niranggo ninyo ang isang kandidato bilang inyong una, ikalawa, ikatlong pinili, at iba pa, para na rin ninyong iniwang blangko ang inyong pangalawang pinili, pangatlong pinili, at iba pa. 

Huwag punan ang mahigit sa isang oval ang isang kolum, gaya ng ipinakikita sa larawan (4). Kapag binigyan ninyo ng parehong ranggo ang madaming kandidato, hindi mabibilang ang inyong boto para sa ranggong iyon at sa iba pang susunod na ranggo. 

Paano Gumagana ang RCV? 

Una, bibilangin ang unang pinili ng lahat. 

Kapag may kandidatong nakatanggap ng mayorya ng boto bilang unang-pinili – higit sa kalahati – ang kandidatong iyon ang panalo.

Kapag walang kandidatong nakatanggap ng mayorya, tatanggalin ang kandidatong pinakahuli sa labanan. 

Bibilangin ang susunod na pinili ng mga botanteng pumili sa kandidatong natanggal. 

Uulitin ang siklong ito hanggang sa may manalo batay sa mayorya.  


Source URL: https://voterguide.sfelections.org/fil/pagmamarka-sa-inyong-balota