Published on San Francisco Voter Guide (https://voterguide.sfelections.org)

Bahay > Tingnan ang Likod na Pabalat para sa Lokasyon ng Inyong Lugar ng Botohan
< Go back

Tingnan ang Likod na Pabalat para sa Lokasyon ng Inyong Lugar ng Botohan

Makikita rin ang address ng inyong lugar ng botohan sa sfelections.org/pollsite.

Bakit Nagbabago ang mga Lugar ng Botohan?

Hindi pag-aari ng Departamento ng mga Eleksyon ang alinmang lugar na ginagamit bilang lugar ng botohan; umaasa ito sa komunidad na magbigay ng mga lokasyong mapupuntahan ng lahat ng mga botante. Kung may pag-aari kayong lugar na maaaring naaangkop bilang lugar ng botohan para sa mga eleksyon sa hinaharap, mangyaring makipag-ugnayan sa Departamento ng mga Eleksyon sa (415) 554-4310.

Nahuling Pagbabago ng Lugar ng Botohan

Kung hindi na maaaring magamit ang isang lugar ng botohan pagkatapos na ipadala sa mail ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante, ipagbibigay-alam ng Departamento ng mga Eleksyon sa mga botanteng naapektuhan sa pamamagitan ng:

• Mga Card ng Pagbibigay-abiso para sa “Pagbabago ng Lugar ng Botohan” na ipinadala sa mail sa lahat ng nakarehistrong botante sa presinto.

• Mga Karatulang “Pagbabago ng Lugar ng Botohan” na nakapaskil sa dating lokasyon.


Source URL: https://voterguide.sfelections.org/fil/tingnan-ang-likod-na-pabalat-para-sa-lokasyon-ng-inyong-lugar-ng-botohan