May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Mahigpit na sinusuportahan ng mga Edukador ang OO sa G!
Bilang mga edukador, marami tayong naririnig na sinasabi tungkol sa pangangailangan para sa pagbabago ng sistema at mas maraming rekurso, pero bibihira tayong magkaroon ng pagkakataon upang makaboto para sa polisiya na tunay na may potensiyal na makapagpabago ng kalakaran para sa pag-aaral ng ating mga estudyante at sa kanilang sosyo-emosyonal na kagalingan. Ang Student Success Fund (Pondo para sa Tagumpay ng Estudyante) ang polisiyang ito, at hinihiling namin sa inyo na bumoto ng OO at nang makaramdam ang ating mga estudyante, lalo na ang ating pinakabulnerableng mga estudyante, ng kaligayahan at ng pagiging kabilang sa paaralan, at magkamit sila ng tagumpay sa pinakamatataas na antas. Napakarami nang pinagdaanan ng ating mga anak sa panahon ng pandemya, at umaasa sila sa atin na kumilos para sa kanila sa sandaling ito at magpakatotoo sa mga pinahahalagahan natin bilang mga edukador: kahusayan sa larangang akademiko, kalusugan ng katawan at isip; komunidad, at katarungang panlipunan. Sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa Student Success Fund, dramatikong mapabibilis natin ang pagsuporta sa ating mga estudyante at masasabi nang may kumpiyansa na bumoboto tayo para sa pangmatagalan, nakabatay sa pananaliksik, at pang-institusyong pagrereporma. Iyan ang dahilan kung bakit inendoso ito ng bawat miyembro ng board of supervisors (lupon ng mga superbisor), school board (lupon ng mga paaralan), unyon ng mga guro, at napakaraming organisasyon ng mga magulang at komunidad ng San Francisco.
Samahan kami sa pagboto ng OO sa Student Success Fund!
United Educators of San Francisco
Principal ng San Francisco Unified School District Sarah Ballard-Hanson
Edukador ng San Francisco Unified School District Anabel Ibáñez
Tagapangulo ng Komite sa Edukasyon ng NAACP Dr. Virginal P Marshall*
Dating Edukador ng San Francisco Unified School District Rachel Norton
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Naghihikayat ang mga nag-aadbokasiya na nakasentro sa mga estudyante ng suporta para sa prop G.
Bilang ilan sa mga nangunguna sa pag-aadbokasiya para sa mga pangangailangan ng mga estudyante, mayroon kaming personal na karanasan sa mga estudyante at kanilang mga pakikibaka. Bagamat hindi madaling gawain ang makita ang mga estudyanteng nahihirapan, maaaring maging madali ang pagsuporta sa mga solusyon na makatutulong sa kanila. Maaaring madaling paraan ang pagsuporta sa prop G upang makatulong ang mga botante sa nahihirapang mga estudyante sa pamamagitan ng pagpopondo ng mga programang may integrasyon sa komunidad, kung saan may kolaborasyong nakikipagtrabaho ang mga guro, magulang, at komunidad sa mga estudyante, at sa gayon ay makahanap ng nakatabas na mga programang tutugon sa mga estudyante sa sitwasyong mayroon sila. Dinisenyo ang Prop G upang magkaroon ng higit na akademikong tagumpay o sosyo/emosyonal na kagalingan ang mga estudyante ng San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco). Magkakaroon din ng tulong-pinansiyal para sa teknikal na tulong, at nang masuportahan ang kahandaan ng paaralan para sa buong tulong-pinansiyal. Boboto kami ng OO sa Prop G at aanyayahan ang iba pang nag-aadbokasiyang naka-sentro sa mga estudyante na gayon din ang gawin.
Coleman Advocates for Children and Youth
San Francisco Beacon Initiative
Direktor ng San Francisco Youth Commission Alondra Esquivel Garcia*
Katuwang na Rehiyonal na Direktor ng California Young Democrats Bay Area Joshua Rudy Ochoa*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Mg magulang na nakikipaglaban para sa kinabukasan ng ating mga anak
Maraming taon nang nahihirapan ang mga paaralan ng ating mga estudyante dahil sa kakulangan ng pondo at pangmatagalang kawalan ng pagkakapantay-pantay, na wala sa proporsiyong nakaaapekto sa mga komunidad na mababa ang kita at mga estudyanteng may kulay, may kapansanan, at mga hindi nagsasalita ng Ingles. Naging mas malala lamang ang mga kondisyon sa panahon ng pandemya. Naaapektuhan ang ating mga estudyante ng wala sa proporsiyong mga rekurso at serbisyo dahil sa paglawak ng mga agwat sa akademikong tagumpay at sosyo/emosyonal na kagalingan, na nagdudulot ng hindi kinakailangang paghihirap upang makaabot sa antas ng grado sa matematika at pagbabasa, kung kaya’t higit pang lumala ngayon ang kalusugan sa isip tungo sa pinakamababang antas nito kung ihahambing sa nakaraan. Sa loob ng maraming taon, nagpasimula na ang mga pampublikong paaralan ng inobatibong mga inisyatiba na natatangi sa bawat pampaaralang komunidad, na nagsusumikap na matulungan ang mga estudyante sa pamamagitan ng karagdagang akademiko at sosyo/emosyonal na suporta. Nakapagpakita na ang mga inisyatibang ito ng mga resulta bagamat mapaghamon ang pagpapanatili sa mga ito dahil sa miminsanang pagpopondo; kapag naubos na ang pera, nakararanas ang mga inisyatiba at ang ating mga estudyante ng nakapipinsalang mga epekto. Magkakaloob ang Student Success Fund ng pangmatagalang at matatag na pagpopondo para sa mga inisyatibang ito, kung kaya’t mapauunlad ang akademiko at sosyo/emosyonal na kagalingan ng mga estudyante.
Magkakaloob ang Student Success Fund sa mga paaralan ng oportunidad na makapg-apply para sa tulong-pinansiyal na hanggang $1 milyon para sa mga programang tulad ng paggabay sa pagbabasa at pagsusulat, gawaing panlipunan na mga serbisyong para sa kalusugan ng isip, mga nars, sining, siyensiya, pagpoprograma sa tag-araw, at marami pang iba. Nakabatay ang tulong-pinansiyal sa natatanging mga pangangailangan ng bawat paaralan, at palalahukin ang mga magulang at edukador sa proseso ng pag-alam kung paano pinakamahusay na matutugunan ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante.
Pahihintulutan ng Student Success Fund ang mga paaralan ng pagkakataon upang magkaroon ng pinakamahuhusay na akademiko, sosyo-emosyonal, at para sa pagpapayaman ng kaalaman na suporta, mabawasan ang madalas na pagpapalit ng mga kawani, at kakulangan sa kawani ng mga paaralan. Patatakbuhin ang mga programa sa ilalim ng paggabay ng subok nang mga pamamaraan para sa tagumpay sa pagpapahusay; mapabibilis ang mga kahihinatnang nauukol sa pag-unlad ng mga estudyante.
Babaguhin nito ang sitwasyon para sa ating mga estudyante. Pakisamahan kami sa pagboto ng OO sa Student Success Fund!
Parents for Public Schools of San Francisco
Coleman Advocates for Children and Youth
San Francisco Parent Coalition
San Francisco Parent Action
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Mga kababaihang naghahawan ng landas para sa mga estudyante ng San Francisco!
Mahalagang kasangkapan ang Prop G na nagkakaloob ng pagpopondo kung saan pinakakailangan ito ng mga estudyante, sa akademikong gawain at sa pangkalahatang kagalingan. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa Prop G, sinusuportahan natin ang ating mga estudyante sa pamamagitan ng mga rekurso, kasama na ang mga sumusunod, ngunit hindi nalilimitahan sa mga ito: karagdagang akademikong suporta o mga gabay upang matulungan ang mga guro at estudyante, full-time na propesyonal para sa kagalingan, tulad ng mga nars ng paaralan, tagapayo, at social worker; pagpoprograma para sa pagpapayaman ng kaalaman sa sining, musika, sports, STEM, at mga oportunidad sa after-school at/o tag-araw upang mapaghusay pa ang pagkatuto.
Samahan ang mga ina at lider ng kababaihan at mamuhunan sa pagsuporta sa tagumpay ng ating mga estudyante sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa Prop G.
San Francisco Women’s Political Committee
Superbisor Hilary Ronen
Tagapangulo ng Democratic Party Honey Mahogany*
Tesorero ng San Francisco Democratic Party Carolina Morales
Tagapagtalang Sekretarya ng San Francisco Democratic Party Janice Li
Sekretarya para sa Pagliham ng San Francisco Democratic Party Anabel Ibáñez
Miyembro ng Komite ng San Francisco Democratic Party Jane Kim
Tesorero ng United Educators of San Francisco Geri Almanza
Nag-aadbokasiya para sa Espesyal na Edukasyon Alida Fisher
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Oo sa G upang malaban ang kawalan ng pagkakapantay-pantay para sa Mga Itim na Estudyante
Hingit kailanman, ngayon na ang pinakakinakailangang panahon ng pagkilos para sa ating mga estudyante. Bagamat may kasaysayan na ang mga itim na estudyante ng hindi pagkakaroon ng sapat na serbisyo at hindi napapansin sa akademikong larangan, napalala lamang ng pandemya ang sitwasyon. Magiging hakbang ang student success fund sa paglaban sa kawalan ng katarungan sa pagkakapantay dahil ipagkakaloob nito ang napakahahalagang pondo na kailangan para sa mga estudyante sa loob at labas ng paaralan. Hinihikayat namin ang lahat ng botante na may malasakit sa paglaban sa kawalan ng pagkakapantay-pantay sa edukasyon, na nakaaapekto sa ating itim na mga estudyante, na suportahan ang student success fund.
Presidente ng Board of Supervisors Shamann Walton
Tagapangulo ng Democratic Party Honey Mahogany
Bise Presidente ng San Francisco Board of Education Kevine Boggess
Miyembro ng San Francisco Democratic Party Gloria Berry
Tagapangulo ng Komite sa Edukasyon ng San Francisco NAACP Dr. Virginal P Marshall*
Dating Katiwalang Estudyante ng City College of San Francisco William Walker
Bise Presidente ng San Francisco NAACP Arnold Townsend*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento PABOR sa Proposisyon G
Ya Basta (Tama Na!) Komunidad para sa mga estudyanteng Latino ngayon
Ang mga estudyante ang mga itinatanim na buto ng ating komunidad na tutubo upang maging ating mga lider. Gayon pa man, kapag panahon na ng pagbabadyet, ang mga estudyante ang nasa unahan ng linya para sa pagsasakripisyo ng kanilang mga programa. Kung gayon, nagsasabi kami ng basta (tama na)! Panahon na upang magkaroon ng pagpopondo sa mahahalagang programa na para sa ating mga estudyante. Sinusuportahan namin ang kinabukasan ng ating komunidad sa pamamagitan ng pagsuporta sa student success fund. Ang student success fund ang pagpapanimula sa pagsuporta sa mga pangangailangan ng ating mga estudyante, hindi lamang sa pagtamo ng akademikong tagumpay kundi pati na rin sa kagalingang panlipunan. Hinihikayat namin ang ating komunidad at alyado na magpakita para sa ating mga estudyanteng Latino ngayon sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa student success fund.
Superbisor Myrna Melgar
Pangalawang Tagapangulo ng California Democratic Party David Campos*
Tesorero ng San Francisco Democratic Party Carolina Morales
Sekretarya sa Pagliham ng San Francisco Democratic Party Anabel Ibáñez
Faith in Action Bay Area
San Francisco Latinx Democratic Club
Latino Task Force
San Francisco Latino Equity and Parity Coalition
Presidente ng City College Board of Trustees Brigitte Davila
Dating Superbisor John Avalos
Tagapag-organisa sa Komunidad Jackie Fielder
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Samahan ang mga Asyano Amerikanong lider sa pagpopondo sa kinabukasan ng ating mga estudyante
Ang pag-Oo sa G ay konkreto at lubos na pinag-isipang proposisyon na nakatuon kapwa sa pagtamo ng tagumpay ng estudyante at sa kagalingan ng estudyante. Napakahalaga nito para sa tagumpay ng lahat ng estudyante ng San Francisco. Napakarami sa ating mga anak ang nahirapan sa kabuuan ng pandemya at kailangan nila ng tulong. Sa pamamagitan ng naka-base sa paaralan na tulong pinansiya, kinikilala ng Oo sa G na nangangailangan ang magkakaibang komunidad ng magkakaibang programa upang matulungan ang mga estudyante sa pagkilos nang pasulong at paitaas. Naniniwala kami sa tagumpay ng ating mga estudyante sa lahat ng aspeto ng akademikong gawain, kung kaya’t sinusuportahan namin ang student success fund!
Superbisor Connie Chan
Superbisor Gordon Mar
Pampublikong Tagapagtanggol Mano Raju
Dating Superbisor Jane Kim
Presidente ng Board of Education Jenny Lam
Direktor ng Bart Janice Li
Miyembro ng San Francisco City College Board Alan Wong
Sekretarya ng United Educators of San Francisco Leslie Hu
South West Asian North -African Democratic Club
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Pagppuno sa mga agwat sa kagalingan para sa ating kabataang LGBTQ+
Tungkulin ng ating komunidad na pakinggan kung ano ang kinakailangan ng ating mga estudyante upang makapagbigay tayo ng mga solusyon kung saan may katarungan sa pagkakapantay-pantay. Sa naunang bahagi ng taon na ito, napag-alaman ng ating Family Coalition (Koalisyon ng mga Pamilya), na nagkakaloob ng mga serbisyo sa kabataang LGBTQ, na 45% ng kanilang pinagseserbisyuhang populasyon ang nakapag-isip na ng tungkol sa pagpapatiwakal at 14% na ang nasubukang kitlin ang sariling buhay. Sinasabi ng ating kabataan na kailangan nila ng pagbabago sa itinuring na normal sa loob ng maraming taon, dahil hindi ito nakapaglilingkod sa kanila. Kailangan natin ng mga programang may katarungan sa pagkakapantay-pantay sa ating mga paaralan upang matugunan ang LAHAT ng pangangailangan ng ating mga estudyante. Naniniwala kami na pasisimulan ng student success fund ang pagpuno sa mga agwat na kinasasadlakan ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng prayoridad sa mga naisasantabing grupo para sa pagpopondo.
Harvey Milk LGBT Democratic Club
Superbisor Matt Dorse
Superbisor Rafael Mandelman
Direktor ng Bart Bevan Dufty
Dating Senador Mark Leno
Pangalawang tagapangulo ng California Democratic Party David Campos*
Tagapangulo ng Democratic Party Honey Mahogany
PangalawangTagapangulo ng San Francisco Democratic Party Peter Gallotta
Tagapag-organisa sa Komunidad Jackie Fielder
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon G
Sinusuportahan ang Akademikong Tagumpay ng mga Estudyante ng mga Demokratang lider
Bilang mga demokratang lider, dapat maingat naming naisagagawa ang lahat ng nararapat upang makamit ng mga estudyante ang tagumpay! Kailangang matugunan natin ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante sa bawat hakbang, kung kaya’t sinusuportahan namin ang proposisyon G. Naghahatid ang Prop G ng totoong mga solusyon sa akademiko at panlipunang mga suliranin na alam naming kinakaharap ng ating mga estudyante sa loob at labas ng klasrum ngayon. Sa pamamagitan ng student success fund, magkakaroon ang mga paaralan ng pagkakataon upang maipatupad ang pasadyang mga programa at sa gayon, matugunan ang nakatarget na pangangailangan ng espesipikong mga estudyante. Malugod na tinatanggap ng oportunidad na ito ang mga solusyon na magtataguyod sa pagkamit ng akademikong tagumpay at kagalingang panlipunan. Inaanyayahan namin ang mga botante na samahan ang mga demokratang lider sa pagsuporta sa ating mga estudyante sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa prop G.
San Francisco Democratic Party
Superbisor Connie Chan
Superbisor Aaron Peskin
Superbisor Gordon Mar
Superbisor Dean Preston
Superbisor Matt Dorsey
Superbisor Myrna Melgar
Superbisor Hilary Ronen
Superbisor Shamann Walton
Superbisor Ahsha Safai
Pampublikong TagapagtanggolMano Raju
Bise Presidente ng San Francisco Board of Education Kevine Boggess
Komisyoner ng Board of Education Commissioner Matt Alexander
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon G
Mga Unyon para sa paglalagay sa unahan ng Tagumpay ng mga Estudyante
Kapag tumitindig kami bilang mga manggagawa nang balikat sa balikat bilang tanda ng pagkakaisa, nananalo ang ating mga manggagawa at ang ating buong komunidad! Tungkol riyan ang Student Success Fund at iyan ang dahilan kung bakit hinihiling namin sa inyo, na aming mga kapatid na kalalakihan at kababaihan sa paggawa, na bumoto ng OO.
Sa mga paaralan, sinasabi natin na “ang mga kondisyon sa pagtatrabaho ng mga guro ang mga kondisyon sa pag-aaral ng mga estudyante," at totoo iyan ngayon, nang higit sa anumang panahon. Humaharap tayo sa napakatagal nang naririyang krisis sa ating mga pampublikong paaralan na napalala pa ng pandemya at naging sanhi kung bakit nakaranas ang napakaraming guro, katuwang sa klasrum, nars, sikologo, at iba pang kawani na magkaroon ng matinding pagod sa trabaho, at humantong pa maging sa pag-alis. Nakapipinsala ito sa mga manggagawa, at kasinghalaga nito, nakapipinsala ito sa mga estudyante. Ang ating mga edukador at anak - ang inyong mga anak - na nasa mga pampublikong paaralan - ay karapat-dapat sa higit pa rito.
Masiglang pasisimulan ng Student Success Fund ang trabahong kailangan nating gawin upang mailagay ang ating mga estudyante sa landas tungo sa tagumpay, at sa gayon, mapaghusay ng bawat estudyante, lalo na ang ating pinakabulnerableng mga estudyante, ang kanilang pag-aaral at sosyo-emosyonal na kagalingan. Babayaran ang Student Success Fund gamit ang naririyan nang mga pondo ng lungsod, na may nakapaloob nang mga garantiya, kung kaya’t kapag nagkaroon ng malaking pagkabawas sa badyet ng lungsod, mapoprotektahan nito ang suweldo at mga benepisyo ng mga manggagawa ng lungsod. WALANG bagong buwis. Samahan ang United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco) at ang San Francisco Labor Council (Konseho sa Paggawa ng San Francisco) sa pagboto ng OO!
San Francisco Labor Council
United Educators of San Francisco
National Union of Healthcare Workers
ILWU NCDC
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Mga Taga-San Francisco para sa Tagumpay ng mga Estudyante.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Ang United Educators of San Francisco (UESF).
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon G