May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Sa loob ng mahigit 60 taon, nag-aadbokasiya na ang Friends of the San Francisco Public Library (Mga Kaibigan ng Pampublikong Aklatan ng San Francisco), para sa pagkakaroon ng pangunahing pampublikong aklatan, at ipinagtatanggol na nito ang libre at may katarungan sa pagkakapantay-pantay na paggamit ng mga rekurso at oportunidad para sa lahat ng mamamayan. Hinihiling namin sa bawat taga-San Francisco na samahan kami sa pagsuporta sa napakahalagang misyon ng aklatan sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa Proposisyon F. Ipanunumbalik ng Prop F ang Library Preservation Fund (Pondo para sa Preserbasyon ng Aklatan), na kritikal sa pagpapanatiling bukas ng ating mga aklatan bilang masisiglang sentro ng kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat sa ika-21 Siglo, pagsusulong ng ekonomiya, habambuhay na pag-aaral, at buhay sa komunidad. Pagkakataon ito ng isang henerasyon upang matiyak ang matatag na pagpopondo sa ating bukod-tanging pampublikong aklatan.
Nakikipag-ugnay ang ating mga aklatan sa komunidad at ang Main branch (Pangunahing sangay) sa mga taga-San Francisco na nasa bawat bahagi ng lungsod, nang may milyon-milyong bagay na nasa sirkulasyon, mga programa sa edukasyon at pagpapayaman ng kaalaman para sa kabataan at nasa sapat na gulang, mabilis na internet, at mga librarian na may kaalaman at dedikasyon. Pakiboto ang oo upang matiyak na mananatili rito ang mahahalagang rekursong ito sa mga darating na dekada.
Friends of the San Francisco Public Library
Marie Ciepiela, Ehekutibong Direktor
Sarah Smith, Tagapangulo ng Lupon
Cynthia So Schroeder
Alison Fong
Daphne Li
Jessica Lipnack
Kathleen Rydar
Diane Gibson
Matthew Kenaston
Gina Baleria
William Swinerton
Alissa Lee
Michael Warr
Kate Lazarus
Sarah Ives
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Sa pamamagitan ng dulot na seguridad ng Library Preservation Fund, naging isa na sa pinakadakilang aklatan sa bansa ang San Francisco Public Library. Nanalo ito ng gantimpalang Library of the Year (Aklatan ng Taon) noong 2018, at binigyan ito ng mga residente ng San Francisco ng pinakamataas na marka kaysa sa anumang departamento ng lungsod. Nangangahulugan ang pagpapanumbalik ng Library Preservation Fund na mapoprotektahan ng mga taga-San Francisco ang pagpopondo sa aklatan mula sa mga pagtatapyas sa badyet na nakapipinsala sa komunidad, lalo na iyong pinakanangangailangan ng libreng mga rekurso. Bilang dating mga Komisyoner at mga lider at nag-aadbokasiya para sa aklatan, hinihikayat namin kayong bumoto ng Oo sa F.
Peter Booth Wiley
Marcia Schneider
James Haas
Karen Strauss
Lonnie Chin, Dating Komisyoner ng Aklatan*
Charles Higueras, Dating Komisyoner ng Aklatan*
Al Harris, Dating Komisyoner ng Aklatan*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon F
Ikinararangal naming maglingkod bilang mga itinalagang miyembro ng San Francisco Library Commission (Komisyon para sa Aklatan ng San Francisco) at hinihikayat namin kayong ipanumbalik ang Library Preservation Fund. Kilala bilang pinakamahusay na sistema ng pampublikong mga aklatan sa bansa, nagkakaloob ang SFPL sa lahat ng mamamayan ng SF—bata at matanda — ng libre at magkakapantay na paggamit sa impormasyon, kaalaman, independiyenteng pag-aaral, mga lektyur at diskusyon, at kasiyahan mula sa pagbabasa para sa ating komundad na may mga pagkakaiba-iba. Pinahintulutan kami ng Library Preservation Fund na makapagpalawak at masuportahan ang 27 sangay sa mga komunidad, mapanatiling bukas ang mga aklatan nang pitong araw sa isang linggo, at makapagkaloob ng pinakamalaki na libreng WIFI sa lungsod, na may mahigit sa 1,000 libreng estasyon ng mga kompyuter. Sinusuportahan nito ang kawanihan ng mapag-aruga at may kaalamang mga librarian sa bawat lugar, na nagpapalawak sa kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat at sa suporta sa pag-aaral, at tumutulong sa mga residente na makahanap ng trabaho at matuto ng mga bagong kakayahan. Ang pagpapanumbalik sa Library Preservation Fund — na hindi magtataas ng anumang buwis — ay mahalaga upang makapagbigay ng matatag na pagpopondo, at sa gayon, matiyak na lubusang natutugunan ang magkakaibang pangangailangan at interes ng ating mga komunidad, sa ngayon at sa hinaharap. Bumoto ng OO sa Prop F.
Connie Wolfe, Presidente, Library Commission*
Pete Huang, Bise Presidente, Library Commission*
Susan Mall, Library Commission*
Teresa Ono, Library Commission*
Jarrie Bolander, Library Commission*
Eurania Lopez, Library Commission*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
“Sa sandaling mahikayat natin ang bata, ang sinumang bata, na tumuloy sa mapapasukan, sa mahiwagang mapapasukan tungo sa aklatan, binabago natin ang kanyang buhay nang panghabampanahon, para sa kanyang ikabubuti. Napakalaking puwersa nito para sa kabutihan.”
-- Barack Obama
Napakahalaga ng ating mga pampublikong aklatan para sa ating mga pamilya, matatanda, at lahat ng gustong bigyang-lakas ang sarili. Namumuhunan ang San Francisco Public Library sa ating mga komunidad at tumutulong sa mga indibidwal na makahanap ng trabaho, makapagbukas ng maliliit na negosyo, at nagkakaloob din ito ng kritikal na suporta sa ating mga anak at sa nasa sapat na gulang na naghahanap ng mas magagandang oportnidad.
Ginagarantiya ng pagpapanumbalik sa Library Preservation Fund ang katatagan ng sibikong rekurso na ito at mapahihintulutan ang bawat isa sa 27 aklatan sa mga komunidad ng Lungsod na manatiling bukas nang 7 araw sa isang linggo, nang hindi nagtataas ng buwis. Samahan kami at bumoto ng Oo sa Prop F upang mapanumbalik ang Library Preservation Fund.
Superbisor Shamann Walton, Presidente ng Lupon
Abugado ng Distrito Brooke Jenkins
Honey Mahogany, Tagapangulo, DCCC*
Michael Warr, Awtor
Al Harris, Dating Komisyoner ng Aklatan*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Ang mga pampublikong aklatan ng San Francisco ay kritikal na mga institusyon sa ating Lungsod na mayroong libo-libong libro, pelikula, at musika na nasa Espanyol. Nagkakaloob ang dalawampu’t pitong sangay ng mahahalagang serbisyo na tulad ng mga klase sa teknolohiya, leksiyon sa musika, klase sa pagbabasa at pagsusulat, ang Rincon Literario, na samahan para sa pagbabasa ng libro ng mga nagsasalita ng Espanyol, paggabay sa karera, at oras ng pagkukuwento sa dalawang wika na para sa musmos na bata. Nakatutulong ng mga ito at ang dose-dosena pang oportunidad sa ating Latinong Komunidad upang patuloy na lumakas at umunlad, at kailangang ipagpatuloy natin ang mga aktibidad na ito na para sa pagpapaunlad ng ating komunidad.
Hindi nangangahulugan ang pagpapanumbalik sa Library Preservation Fund sa pamamagitan ng Prop F ng mas maraming buwis para sa mga taga-San Francisco. Binibigyang-kahalagahan nito ang pag-aaral at ang pagkakaloob ng pamamaraan sa paggamit ng mga rekursong napakikinabangan ng ating mga Latinong komunidad, kung saan may mga pagkakaiba-iba.
Tagatasa -Tagatala Joaquin Torres
Abugado ng Distrito Brooke Jenkins
Superbisor Myrna Melgar
Dating Superbisor John Avalos
San Francisco Latinx Democratic Club
Eurania Lopez, Library Commission*
Roberto Hernandez, CEO, Cultura y Arte Nativa de las Americas (CANA), Carnaval San Francisco*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Mahal ng mga bata ang mga aklatan at napakahalaga ng mga ito sa kanilang edukasyon! Inihahanda ng San Francisco Public Library ang ating mga anak para sa akademikong tagumpay sa pamamagitan ng mga oras nito para sa pagkukuwento sa mga sanggol/bago pa lamang naglalakad na bata, pagtu-tutor, tulong sa takdang gawain sa bahay, mga kompyuter, paggamit sa WIFI, at mga sentrong multimedia. Numero unong tagapagtulak ng kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat ang pagkakaroon ng mga libro sa unang mga taon ng pagkabata. Kailangan natin ng mga aklatan sa kabuuan ng lungsod, na may libreng mga libro at rekurso, kung kaya’t nakapagbibigay ng mga oportunidad sa ating mga anak na humaharap na sa maraming hamon. Bumoto ng OO sa Prop F para sa kinabukasan ng ating mga anak.
Wu Yee Children's Services
Children's Council of San Francisco
Margaret Brodkin, dating Direktor ng DCYF*
Mary Harris, nag-aadbokasiya para sa mga bata
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
May hawak na napakalaking koleksiyon ng panitikan sa mga wikang Asyano ang bawat sangay ng mga pampublikong aklatan ng San Francisco.
Kasama sa mga halimbawa ang: nakatuong mga lugar sa pangunahing aklatan at sa Chinatown para sa panitikan at kulturang Tsino, mga libro at iba pang materyales na nasa Tsino, mga klase sa Cantonese at Mandarin ukol sa paggamit ng mga online na rekurso, at palitan ng mga libro sa mga kapatid na lungsod na Shanghai at Taipei. May malawak na koleksiyon ng mga libro, musika, at magasin na Hapones ang sangay sa Western Addition, na matatagpuan sa Japantown, kung saan may kawaning nagsasalita kapwa ng Ingles at Hapones. Kasama sa sangay sa Excelsior at sa pangunahing aklatan ang koleksiyon ng mga kaiinteresang materyales na Filipino, na kapwa nasa Ingles at Filipino (Tagalog), at tahanan din ito ng Filipino American Center.
Nagkakaloob ang San Francisco Public Library ng mahalagang suporta sa pagbabasa at pagsusulat at sa pag-aaral para sa mga estudyante, nasa sapat na gulang, at mga hindi nagsasalita ng Ingles sa pamamagitan ng Main Library nito at ng 27 sangay na aklatan. Ang Library ang may pinakamalaki na libreng WIFI network sa lungsod, at nagkakaloob ito ng 1,000 estasyon para sa mga kompyuter, at tumutulong sa mga residente na makahanap ng trabaho at makapagbukas ng maliit na negosyo. Kailangan nating ipanumbalik ang Library Preservation Fund upang mapanatili ang mga rekurso na nagagamit ng mga residente ng San Francisco na kailangan nito, nang hindi nagtataas ng buwis. Mangyaring bumoto ng Oo sa Prop F.
Miyembro ng Asembleya Phil Ting
Superbisor Gordon Mar
Alan Wong, Katiwala, City College*
Li Lovette, Pangalawang Tagapangulo, DCCC*
Han Zou, Miyembro, DCCC*
Rodney Fong, Ehekutibong Direktor Chamber of Commerce*
Jenny Lam, Presidente, Board of Education*
Pete Huang, Bise Presidente, Library Commission*
Teresa Ono, Library Commission*
Vikrum Alyer, Ehekutibong Lupon SWANA Democratic Club*
Edwin M. Lee Asian Pacific Democratic Club
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Noon pa man ay napakahalagang lugar na ng pampublikong aklatan para sa sinumang nangangailangan ng ligtas na espasyo upang mag-aral, umunlad, at makilala ang iba pang indibidwal sa komunidad. Patuloy na mahalaga ang madaling pagkakaroon ng libreng impormasyon at mga kuwento tungkol sa ating Queer na komunidad, sa ating nakaraan, sa pakikibaka, at sa ating sigasig, at sa gayon ay makapagbigay ng edukasyon at inspirasyon, at mapaunlad ang susunod na henerasyon. Napahintulutan ng pamumuhunan ng Library Preservation Fund ang pagpapanatili ng Library ng pinakauna sa anumang panahon, na Queer center, sa anumang pampublikong gusali sa bansa, ang James C. Hormel LGBTQIA Center— na may mahigit 7,000 bagay na nauukol sa kasaysayan, sining, at panitikan na tungkol sa ating komunidad, pati na rin ang napakaraming pagtitipon at eksibisyon na lalo pang kumokonekta sa atin.
Pakisuportahan ang pagpapanumbalik sa Library Preservation Fund, na hindi nagtataas ng buwis, at nang patuloy na mapalawak ang mga oportunidad na marinig ang mga boses ng ating komunidad, malaman ang kasaysayan ng ating komunidad, at maisalaysay ang ating mga kuwento.
Senador Scott Wiener
Superbisor Matt Dorsey
Superbisor Rafael Mandelman
Honey Mahogany, Tagapangulo, DCCC*
Bevan Dufty, Direktor ng Lupon ng BART
Connie Wolf, Presidente, Library Commission*
Joseph Sweiss, Pangalawang Tagapangulo, Human Rights Commission*
Alice B. Toklas LGBT Democratic Club
Harvey Milk LGBT Democratic Club
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Itinataguyod ng Drag Queen Story Hour (Oras ng Pagkukuwento ng Nagbibihis Babae) ang mga modelo sa buhay at modelo para sa mga posibilidad. Pinahihintulutan ang mga bata ng pagpoprograma nito sa mga pamilya, kung saan may pagkakaiba-iba, madaling napupuntahan o nagagamit, at inklusibo sa iba’t ibang kultura, na ipahayag ang kanilang awtentikong mga sarili at maging maningning na mga ilaw ng pagbabago sa kanilang mga komunidad. Nalikha ito sa San Francisco, at katangi-tangi na ngayong bagay sa buong mundo. Naipagkaloob namin ang mahalagang programa na ito sa pamamagitan ng aming pakikipagrelasyon sa San Francisco Public Library.
Pakisamahan kami at suportahan ang mga pampublikong aklatan sa pamamagitan ng pagboto ng Oo sa Prop F.
Yves St. Croissant
Per Sia
Khmera Rouge
Honey Mahogany
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Mula sa ating papel sa State Capitol (Kapitolyo ng Estado), madali naming makita kung paano kinaiinggitan ang San Francisco Public Library ng iba pang lokalidad sa kabuuan ng estado na nagnanais sanang makapagbigay din sila ng gayong napakahalagang mga serbisyo sa edukasyon at sa pagbabasa at pagsusulat, paggamit ng mga kompyuter at mga rekurso para sa paghahanap ng trabaho. Kailangan nating protektahan ang mga serbisyong ito para sa mga bata, para sa mga residenteng bulnerable ang sitwasyong pang-ekonomiya, at para sa lahat ng nasa komunidad na nakikinabang sa mga serbisyong ito. Pananatilihin ng Proposisyon F ang mga operasyon ng Main Library at lahat ng 25 sangay na aklatan nang walang bagong buwis. Pakiboto ang Oo sa Prop F upang maprotektahan ang napakahalagang pamumuhunan ng mga taga-San Francisco sa kanilang mga aklatan.
Senador Scott Wiener
Miyembro ng Asembleya Matt Haney
Miyembro ng Asembleya Phil Ting
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Kinakatawan namin ang 27 aklatan sa mga komunidad ng San Francisco, at hinihikayat namin kayong bumoto ng Oo sa Prop F upang mapanumbalik ang San Francisco Library Preservation Fund. Mabibigyan ng garantiya ng Prop F ang pagkakaloob ng lahat ng sangay na aklalan ng kritikal na mga serbisyo sa kabuuan ng maraming komunidad ng ating Lungsod, at ang pananatiling bukas ng Main Library nang pitong araw sa isang linggo. Kritikal na mga tagpuan ng komunidad ang mga sangay na aklatang ito na naglilingkod sa matatanda, pamilya, at mga residenteng dehado ang sitwasyong pang-ekonomiya. Bumoto ng Oo sa Prop F upang mapanatiling bukas para sa lahat ang mga aklatan sa ating mga komunidad.
Council of Neighborhood Libraries
Nora Dowley, Sangay sa Glen Park
Diane Glaser Silver, Sangay sa Park
Marcia Popper, Sangay sa Presidio
Marcia Parrott, Sangay sa Excelsior
Marcia Ehrlich, Sangay sa Park
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Ang matibay na pampublikong imprastruktura ang pundasyon ng matatag na klima para sa pagnenegosyo. Nakatulong na ang Library Preservation Fund upang maging isa sa pinakadakilang aklatan sa bansa ang San Francisco Public Library. Bahagi na ang Main Library at ang mga aklatan sa komunidad ng bumubuo sa ating mga komunidad, sumusuporta sa mga lugar para sa pagnenegosyo, at nagkakaloob ng napakahalagang edukasyon, kakayahan sa pagbabasa at pagsusulat, at mga rekurso sa paghahanap ng trabaho.
Nagbibigay ng magandang pagsasauli ng ipinuhunan ang Library Preservation Fund. Maaari nating mapanatiling bukas ang lahat ng 27 aklatan sa mga komunidad at ang Main library nang hindi nagtataas ng buwis. Hinihikayat namin kayong bumoto ng Oo sa Prop F.
SF Chamber of Commerce
sf.citi
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon F
Nagkakaloob ang San Francisco ng mahahalagang serbisyo sa mga pamilya, matatanda, at mga residenteng bulnerable ang sitwasyong pang-ekonomiya sa pamamagitan ng Main Library at ng 27 sangay sa komunidad. Nagkakaloob din ito ng 895 trabaho, kasama na ang naka-unyong mga librarian at parapropesyonal ng aklatan. Napakahalaga ng mga kawani sa pagkakaloob ng mga serbisyo sa milyon-milyong bumibisita sa aklatan sa isang taon. Bago ang Library Preservation Fund, humarap ang mga residente sa mga pagkakatanggal ng mga serbisyo ng Library, pagsasara ng mga sangay, at mas pagbabawas ng mga oras ng operasyon. Hinihikayat namin kayong ipanumbalik ang Library Preservation Fund upang mapanatiling bukas ang ating mga aklatan at maprotektahan ang mga trabahong maganda ang suweldo, nang hindi nagtataas ng buwis.
San Francisco Labor Council
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Ipanumbalik ang Library Preservation Fund Oo sa F.
Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: Friends of SFPL.
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon F