Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon
Nobyembre 8, 2022

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Español
  • Filipino
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
      • Ang Ballot Simplification Committee
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • Maaaring Nagbago na ang Inyong Pinagbobotohang Distrito!
      • Bagong Mapa ng mga Superbisoryal na Distrito
      • Mga Opsiyon sa Pagboto
      • Mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa San Francisco
      • Volunteer! Be a Poll Worker!
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Tulungan kaming kumalap ng impormasyon para sa mga susunod na election outreach sa San Francisco!
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Balota para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Madalas Itanong ukol sa Pagpaparehistro at Pagboto sa San Francisco
      • Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mahalagang Paalala!
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Impormasyon ng Kandidato
      • Mga Limit sa Boluntaryong Gastos
      • Mga Pag-Endoso ng Partido sa mga Kandidato
      • Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Eleksyon ng California
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 15
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 8
    • Kandidato para sa Assessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala)
    • Mga Kandidato para sa Abugado ng Distrito
    • Mga Kandidato para sa Public Defender (Pampublikong Tagapagtanggol)
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 2
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 4
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 6
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 8
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 10
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      • Proposisyon A: Karagdagang Pera para sa Retirado upang Umayon sa Halaga ng Pamumuhay; Kontrata ng Retirement Board sa Ehekutibong Direktor
      • Proposisyon B: Public Works Department and Commission, Sanitation and Streets Department and Commission
      • Proposisyon C: Homelessness Oversight Commission
      • Proposisyon D: Abot-kayang Pabahay – Inisyatibang Petisyon
      • Proposisyon E: Abot-kayang Pabahay – Board of Supervisors
      • Proposisyon F: Pondo para sa Preserbasyon ng Aklatan
      • Proposisyon G: Pondo para sa Tagumpay ng Estudyante – Tulong-Pinansiyal sa San Francisco Unified School District
      • Proposisyon H: Mga Eleksyon sa Lungsod sa mga Taon na May Bilang na Even
      • Proposisyon I: Mga Sasakyan sa JFK Drive sa Golden Gate Park at sa Great Highway
      • Proposisyon J: Panlibangang Paggamit sa JFK Drive sa Golden Gate Park
      • Proposisyon K: Inalis ang Proposisyon K sa balota ayon sa utos ng Korte Superyor ng San Francisco.
      • Proposisyon L: Sales Tax para sa mga Proyekto sa Transportasyon
      • Proposisyon M: Buwis para sa Pagpapanatiling Bakante ng Residensiyal na mga Unit
      • Proposisyon N: Pasilidad para sa Underground na Paradahan sa Golden Gate Park; Golden Gate Park Concourse Authority
      • Proposisyon O: Karagdagang Parcel Tax para sa City College

You are here

  1. Bahay ›
  2. Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota ›
N
Pasilidad para sa Underground na Paradahan sa Golden Gate Park; Golden Gate Park Concourse Authority

Dapat bang pahintulutan ang Lungsod na gamitin ang pampublikong pondo upang magkaroon at mapatakbo ang operasyon ng pampublikong paradahan, o mabigyan ito ng subsidyo, sa underground na paradahang garahe sa ilalim ng Music Concourse sa Golden Gate Park, at utusan ang Golden Gate Park Concourse Authority na buwagin ang sarili, at ilipat ang pamamahala sa garahe sa Recreation and Parks Commission ng Lungsod?

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota) 

Kung Ano Ito Ngayon: Ang Recreation and Park Commission o Komisyon para sa Paglilibang at Parke (Commission o Komisyon) ang nangangasiwa at nagtatakda ng mga patakaran para sa Recreation and Park Department (Departamento para sa Paglilibang at Parke). Ang Recreation and Park Department ang namamahala sa mga parke, palaruan, at sentro para sa paglilibang ng Lungsod. 

Noong Hunyo 1998, inaprubahan ng mga botante ang panukalang-batas na lumilikha ng organisasyong nonprofit na tinawag na Golden Gate Park Concourse Authority o Awtoridad para sa Espasyo ng Golden Gate Park (Authority o Awtoridad), na may responsibilidad para sa konstruksiyon ng underground na paradahang garahe sa ilalim ng Music Concourse (Liwasang Pangmusika), nang hindi gumagamit ng pampublikong pondo. Hindi tinutugunan ng panukalang-batas ang paggamit ng pampublikong pondo para sa pagpapatakbo ng garahe. 

Pinaupahan ang Awtoridad at ng Komisyon ang espasyo para sa underground na paradahang garahe sa nonprofit na organisasyon, na siyang namamahala sa garahe at gumagamit sa kita mula sa pagparada upang mapondohan ang mga gastos sa pagpapatakbo nito at mabayaran ang utang para sa konstruksiyon. Ang Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ang nagtatakda ng halaga para sa pagparada.

Ang Mungkahi: Pahihintulutan ng Proposisyon ang Lungsod ang paggamit ng pampublikong pondo upang magkaroon, mapatakbo ang operasyon ng pampublikong paradahan, o mabigyan ito ng subsidyo, sa underground na paradahang garahe sa ilalim ng Music Concourse. 

Ang Proposisyon N ang mag-uutos sa Awtoridad na buwagin ang sarili, na magreresulta sa paglilipat sa mga responsibilidad nito sa Komisyon.

Ang Ibig Sabihin ng Botong “OO”: Kapag bumoto kayo ng “oo,” gusto ninyong pahintulutan ang Lungsod na gamitin ang pampublikong pondo upang magkaroon, mapatakbo ang operasyon ng pampublikong paradahan, o mabigyan ito ng subsidyo, sa underground na paradahang garahe sa ilalim ng Music Concourse sa Golden Gate Park, at utusan ang Awtoridad na buwagin ang sarili. 

Ang Ibig Sabihin ng Botong “HINDI”: Kapag bumoto kayo ng “hindi,” ayaw ninyong gawin ang mga pagbabagong ito.

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "N"

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Ben Rosenfield ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinansiya ng Proposisyon N:

Sa aking opinyon, sakaling maaprubahan ang mungkahi na inisyatibang ordinansa ng mga botante, maaaring mabawasan ang gastos ng gobyerno, dahil pahihintulutan ng ordinansa ang muling pagpipinansiya ng Lungsod sa naririyan nang utang ng Golden Gate Park Concourse Authority, na maaaring magresulta sa pagtitipid sa gastos ng Lungsod sa hinaharap. 

Aamyendahan ng ordinansa ang Golden Gate Park Revitalization Act of 1998 (Batas ng 1998 para sa Muling Pagpapasigla ng Golden Gate Park) at nang mapahintulutan ang Lungsod na gamitin ang pampublikong pondo upang magkaroon, mapatakbo ang operasyon ng pampublikong paradahan, o mabigyan ito ng subsidyo, sa Golden Gate Park Concourse Underground Parking Facility (Pasilidad para sa Underground na Paradahan na nasa Liwasan ng Golden Gate Park). Hindi nakatukoy ang paggamit ng pampublikong pondo para sa pamparadahang pasilidad sa mungkahing ordinansa, at pagpapasyahan ito ng Mayor at ng Board of Supervisors sa pamamagitan ng normal na proseso ng pagbabadyet.  

Bubuwagin din ng ordinansa ang Golden Gate Park Concourse Authority, at ililipat ang hurisdiksiyon ng paradahang pasilidad at iba pang ari-arian ng Concourse Authority sa Recreation and Parks Department.  

Kung Paano Napunta sa Balota ang "N"

Noong Hunyo 21, 2022, nakatanggap ang Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon) ng mungkahing ordinansa na nilagdaan ni Mayor Breed.

Pinahihintulutan ng Municipal Elections Code (Kodigo para sa Munisipal na Eleksyon) na maglagay ang Mayor ng ordinansa sa balota sa ganitong paraan.

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa.

Argumento ng May-Panukala na Pabor sa Proposisyon N

Suportahan ang Proposisyon N para sa Higit na Paggamit ng Lahat at sa Pagbabawas sa Kasikipan ng Trapiko sa Golden Gate Park 

Susuportahan ng Proposisyon N ang higit na paggamit sa Golden Gate Park para sa mga indibidwal na umaasa sa pagmamaneho, sa pamamagitan ng pagbibigay sa Lungsod ng higit na pagkakataon na mabago-bago ang mga singil sa pamamahala at pagparada sa garaheng paradahan ng Golden Gate Park Music Concourse.  

Sa kasalukuyan, hindi lubusang natutugunan ng garaheng paradahan na nasa ilalim ng Music Concourse ng Golden Gate Park ang mga pangangailangan ng publiko. Itinatakda ang bayad sa pagparada sa matataas na halaga habang nananatiling bakante ang garahe sa kabuuan ng malaking bahagi ng taon.  

Kung Bakit nasa Balota ang Proposisyon N 

Pahihintulutan ng Proposisyon N ang Lungsod na gumugol ng pampublikong mga dolyar sa garahe, na siyang lilikha ng kakayahang magpabago-bago sa pamamahala, magtatakda ng singil sa pagparada, at makatutulong sa Lungsod na magkaroon ng prayoridad sa mga polisiya, kasama na ang higit na paggamit ng mga bisitang umaasa sa kotse upang makatamasa ng kasiyahan sa Golden Gate Park. Makagagasta na ang Lungsod ng pondo sa Garahe upang matamo ang mga tunguhin sa mga polisiya, kasama na ang mga sumusunod, ngunit hindi nalilimitahan sa mga ito: 

• May subsidyong paradahan para sa mga bisitang may kapansanan 

• May subsidyong paradahan para sa mga bisitang mababa ang kita 

• Lubusang pagpapahusay sa pagpepresyo upang matugunan ang pinansiyal na mga obligasyon habang tinitiyak na nananatiling abot-kaya ang Garahe para sa mga bisita  

Pahihintulutan din ng Proposisyon N ang mas mahusay na pamamahala sa paradahan at mas nababago-bagong pagsingil. Makatutulong ang mga pagbabagong ito upang matiyak na may agad na magagamit at abot-kayang mga espasyo para sa pagparada, at dahil dito ay mababawasan ang kasikipan sa garahe at sa ating mga kalye. Bukod rito, makatutulong ang mas mahusay na pamamahala at nababago-bagong singil upang mabayaran ang nananatiling utang mula sa pagkakatayo ng garahe.  

Hinihikayat ko kayo na bumoto ng Oo sa Proposisyon N para sa Higit na Paggamit ng Lahat at sa Pagbabawas sa Kasikipan ng Trapiko sa Golden Gate Park. 

Mayor London Breed

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
Sagot sa Argumento ng May-Panukala na Pabor sa Proposisyon N

Walang Isinumiteng Sagot o Argumento ng Katunggali Laban sa Proposisyon N

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
May Bayad na Argumentong PABOR sa Proposisyon N

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon N

Sinusuportahan ng San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko) ng San Francisco ang Prop N 

Ang Proposisyon N ay gumagamit ng sentido komun na panukalang-batas na titiyak na sinumang gustong bumisita sa Golden Gate Park ay magagawa ito.  

Sa pamamagitan ng paglilipat sa Kasalukuyang Music Concourse Garage na nasa ilalim ng pagkokontrol ng SF Rec and Parks Department (Departamento ng Paglilibang at mga Parke ng SF), maaaring maitakda ang singil sa pagparada sa mga antas na makatutulong upang matiyak na ang matatanda, mga pamilyang mababa ang kita, at ang mga indibidwal na may kapansanan ng San Francisco na gustong pumunta sa parke ay magagawa ito.  

Tumutulong ang Proposisyon N upang maisulong ang higit na paggamit sa ating ligtas, mabuti sa kapaligiran, at bukas na mga espasyo, at sa ilan sa pinakamahuhusay na institusyon sa mundo na nasa Golden Gate Park.  

Hinihikayat kayo ng mga Demokrata ng San Francisco na bumoto ng OO sa Proposisyon N. 

San Francisco Democratic Party

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Oo sa Prop N, Committee for Accessibility & Reduced Traffic Congestion.

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): A San Francisco for All of Us.

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon N

Bumoto ng OO sa Proposisyon N upang magawang mas nagagamit at abot-kaya ang bayad sa paradahang garahe sa Golden Gate Park.  

Pinamamahalaan ang pinakamalaki na pampublikong parke ng lungsod, ang Golden Gate Park ng SF Recreation and Park Department. Kailangan ding pamahalaan ang paradahang garahe sa Golden Gate Park ng SF Rec and Park sa halip na ng pribadong entidad upang higit na masuportahan ang katarungan sa pagkakapantay-pantay at mas madaling paggamit.  

Itinayo ang may 800-espasyo na paradahang garahe sa ilalim ng Music Concourse sa Golden Gate Park upang mabawasan ang trapiko ng mga sasakyan sa parke, at direkta itong kumokonekta sa de Young Museum at California Academy of Sciences. Pero sa loob ng napakahabang panahon, hindi masyadong nagamit ang paradahang garahe ng mga bisita dahil sa matataas na singil, kung kaya’t maraming indibidwal ang nagmamaneho papasok at paikot sa parke upang makahanap ng libreng mapaparadahan.  

Sa ilalim ng kontrol ng SF Rec and Park, maaaring maitakda ang mga singil sa pagparada sa presyong sumusuporta sa mga tunguhin para sa katarungan sa pagkakapantay-pantay at mas madaling paggamit, tulad ng may diskuwentong pagparada para sa matatanda, mga indibidwal na may kapansanan, at pamilyang mababa ang kita sa San Francisco, na kailangang magmaneho papunta sa parke.  

Nangangahulugan ang mas matalinong pamamahala sa pagparada na mababayaran ang natitirang utang sa garahe nang mas mabilis kaysa sa pagbabayad nito sa kasalukuyan — at pagkatapos, mailalagay ang mga kita tungo sa kasalukuyang mga pagpapahusay sa mga pamamaraan ng paggamit at mga serbisyo sa Golden Gate Park.  

Ang gumagamit ng sentido komun na panukalang-batas na ito ay mabuti para sa ating parke at para sa lahat ng gustong pumunta at matamasa ito — at sa wakas ay mabubuksan ang potensiyal ng garahe na makasuporta ng higit na katarungan sa pagkakapantay-pantay at paggamit, pati na rin ng mas kaunti nang trapiko sa Golden Gate Park. Pakiboto ang Oo sa Proposisyon N.  

Walk SF 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Oo sa Prop N, Committee for Accessibility & Reduced Traffic Congestion.

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: A San Francisco for All of Us.

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon N

Tinitiyak ng Prop N na epektibong nagagamit ang Music Concourse Parking Garage ng Golden Gate Park, at nang napahihintulutan ang Lungsod at ang katabing mga museo nito na mas mahusay na mapaglingkuran ang mga bisita ng Golden Gate Park na kailangang magmaneho sa silangang mga bahagi ng park.  

Kasama sa matalinong pamamahala sa garahe ang may subsidyong singil sa pagparada para sa mga bisitang mababa ang kita at mga bisitang may kapansanan, at pagtitiyak na may makukuhang espasyo kung kinakailangan, at nang mabawasan ang pangangailangan na ikutin ng mga bisita ang parke sa paghahanap ng mapaparadahan sa kalye.  

Sumasang-ayon kami na kaya ng Lungsod na makagawa ng higit pa sa ginagawa nito ngayon, at dapat ay mas may gawin pa ito upang maging higit na napupuntahan ang silangang dulo ng parke ng mas malawak na hanay ng mga bisita. Ang pagkuha ng kontrol sa garahe ang unang hakbang sa maraming pagpapahusay sa mga pamamaraan ng paggamit.  

Gumagawa ang Prop N ng matatalinong pagpapasya ukol sa kapaligiran at mabuting paggogobyerno. Hinihikayat namin kayong suportahan ang Prop N.  

San Francisco League of Conservation Voters  

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Oo sa Prop N, Committee for Accessibility & Reduced Traffic Congestion.

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: A San Francisco for All of Us.

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon N

Makatutulong ang Proposisyon N upang mabawasan ang kasikipan ng trapiko sa mga kalye na nasa Golden Gate Park, kung kaya’t magiging mas ligtas ang ginagamit ng lahat na bukas na espasyo para sa bawat isa sa atin.  

Sa kasalukuyan, hindi mahusay na nagagamit ang garahe dahil sa mahal na singil sa pagparada, kung kaya’t nagreresulta ito sa pag-iikot ng mga kotse sa Golden Gate Park at sa kalapit na mga kalye upang makahanap ng alternatibong mapaparadahan. Katumbas ng mas maraming umiikot na kotse ang mas mapanganib na mga kalye para sa lahat.  

Bibigyan ng Proposisyon N ang Lungsod ng higit na kakayahan upang makapagpabago-bago sa pamamahala sa garahe at sa pagtatakda ng singil sa pagparada, na magtitiyak ng abot-kayang singil sa pagparada para sa nangangailangan nito, at maaalis ang mga kotse sa surface streets o karaniwang mga kalye. Sa ilalim ng Proposisyon N, mababawasan ng Lungsod ang singil sa pagparada para sa mga bisitang mababa ang kita at mga bisitang may kapansanan, kung kaya’t higit na magagamit ang parke ng lahat.  

Hinihikayat namin kayo na bumoto ng Oo sa Proposisyon N para sa higit na paggamit ng lahat at sa pagbabawas sa kasikipan ng trapiko sa Golden Gate Park. 

Kid Safe SF

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Oo sa Prop N, Committee for Accessibility & Reduced Traffic Congestion.

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: A San Francisco for All of Us.

May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon N

Ang Golden Gate Park ay oasis sa ating lungsod na may ligtas na bukang espasyo at kabilang sa pinakamahuhusay sa mundo na mga institusyon na dapat sana ay napupuntahan at natatamasa ng lahat.  

Ginagawang higit na nagagamit ng Proposisyon N ang Golden Gate Park para sa mga indibidwal na kailangang magmaneho. Sa kasalukuyan, labis-labis ang presyo, hindi sapat ang paggamit, at mali ang pamamahala sa may 800-espasyo na underground na garahe. Dahil makokontrol ng lungsod ang mga singil sa pagparada, gagawin ng Proposisyon N na mas nagagamit ang paradahang garahe ng lahat at mas abot-kaya para sa pinakakailangan nito.  

Sa pamamagitan ng Proposisyon N, makapagbibigay ang garahe ng mga diskuwento sa matatanda, mga indibdiwal na may kapansanan, at mga mamamayan mula sa mga komunidad na binibigyang-prayoridad upang magkaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay. Mas maraming indibidwal mula sa lahat ng sulok ng lungsod ang makabibisita sa parke at sa mga atraksiyon nito.  

Gagawing mas ligtas ng Proposisyon N ang ating mga paradahang espasyo sa pamamagitan ng pagbabawas sa pangangailangan na umikot pa ang mga nagmamaneho para maghanap ng mapaparadahan sa kalye, kung saan maaaring magkaroon sila ng alitan sa iba pang nagmamaneho at gumagamit ng parke. Maaari nang direktang mapuntahan ng mga gumagamit ng garahe ang pasukan mula sa Fulton Street, o mula sa Lincoln Way sa pamamagitan ng MLK Drive.  

Bumoto ng Oo sa Prop N para sa paggamit at kaligtasan.  

SF YIMBY 

GrowSF 

Streets for People 

Mga Nangangalaga sa Kapaligiran sa Lungsod 

Northern Neighbors 

Grow the Richmond 

Southside Forward 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Oo sa Prop N, Committee for Accessibility & Reduced Traffic Congestion.

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: A San Francisco for All of Us.

Pagtatapos ng May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon N

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon N

Walang Isinumiteng May Bayad na Argumento na Laban sa Proposisyon N

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
Legal Text

Ordinance amending the Golden Gate Park Revitalization Act of 1998 (“Proposition J”) to state that the City may use public funds to acquire, operate, or subsidize public parking in the Golden Gate Park Concourse Underground Parking Facility (“Parking Facility”); directing the Golden Gate Park Concourse Authority (“Concourse Authority”) to commence dissolution proceedings; and, upon said dissolution, transferring jurisdiction of the Parking Facility and certain other property from the Concourse Authority to the Recreation and Park Department, repealing Proposition J in its entirety, and deleting references to the Concourse Authority from the Municipal Code.

NOTE: Unchanged Code text and uncodified text are in plain font.

Additions to Codes are in single-underline italics Times New Roman font.

Deletions to Codes are in strikethrough italics Times New Roman font.

Asterisks (*   *   *   *) indicate the omission of unchanged Code subsections or parts of tables.

Be it ordained by the People of the City and County of San Francisco:

Section 1.  Background.  

(a)   On June 2, 1998, San Francisco voters adopted Proposition J, the Golden Gate Park Revitalization Act of 1998.  Proposition J authorized the creation of the Golden Gate Park Concourse Authority (the “Authority”), a non-profit public benefit corporation, that would have the power to (1) construct a parking facility (the “Garage”) under the Music Concourse (the “Concourse”) at Golden Gate Park using only private funds, and then to operate the Garage, (2) improve the Concourse surface area, and (3) study and recommend traffic and transit infrastructure plans for Golden Gate Park.  In addition, Proposition J authorized the Board of Supervisors to set aside property in or near the Concourse for the Garage and to place such property under the jurisdiction of the Authority, provided that upon dissolution of the Authority, jurisdiction would revert to the Recreation and Park Commission.  

(b)   On September 4, 1998, the City adopted Resolution No. 715-98, which set aside certain property in Golden Gate Park for the Garage and placed it under the Authority’s jurisdiction. On November 21, 2003, the City adopted Resolution No. 737-03, which placed additional property under the Authority’s jurisdiction and approved a 35-year ground lease (the “Lease”) between the Music Concourse Community Partnership (“MCCP”), as tenant, and the City, acting through the Authority and the Recreation and Park Department, as landlord.  The Lease authorized MCCP to construct the Garage on the property at its own expense, and subject to certain budgetary approvals of the City, to use Garage revenues to pay off the debt it incurred to construct the Garage and ongoing operating costs.  The MCCP continues to operate the Garage under the Lease, and the Recreation and Park Department has been performing the duties of the Authority as landlord.  

 (c) On May 7, 2022, following multiple hearings and extensive public comment, the City enacted Ordinance No. 74-22, which approved the Golden Gate Park Access and Safety Program (“the Program”).  The Program builds on traffic and infrastructure recommendations of the Authority in furtherance of Proposition J, and comprises a series of proposals intended to improve traffic safety and expand public access to the Park.  Recognizing the key role of the Garage in these efforts, the Board of Supervisors in Ordinance No. 74-22 urged the Recreation and Park Department to work with the MCCP, as well as with the San Francisco Municipal Transportation Agency, the Mayor’s Office on Disability, the Fine Arts Museums, and other stakeholders, to increase usage of the Garage, which has been underutilized in recent years.

(d) As an interim step towards these efforts, it is appropriate to amend Section 7 of Proposition J, to clarify that the prohibition against using public funds to construct the Garage does not restrict the City from using public funds on the Garage now that the Garage is fully constructed, notwithstanding the Lease and MCCP’s outstanding construction debt.  The purpose of this amendment is to allow the City to consider measures such as acquiring the Garage from MCCP; assisting further with Garage operations; and/or subsidizing public parking at the Garage.  But in clarifying the ability of the City to use public funds for such purposes, this measure does not approve any specific action by the City at this time.  Any future approvals shall be subject to all applicable laws, including without limitation the California Environmental Quality Act and the City’s Charter.

(e) Separate and distinct from allowing the use of City funds on the Garage, it is also appropriate for the Authority to commence dissolution proceedings.  The Authority no longer holds regular meetings, and Section 3 of Proposition J contemplated the eventual dissolution of the Authority, and the key purposes of Proposition J have been fully achieved: the Garage was constructed in 2006, the original surface improvements to the Concourse have been completed, and the Authority has issued traffic and transit infrastructure plans for Golden Gate Park.  Dissolving the Authority will allow the Garage and real property previously set aside for the Authority to return to the jurisdiction of the Recreation and Park Commission, so that the Recreation and Park Department may assume a greater role in managing the Garage in order to promote safety, accessibility, and mobility in the Park.  

(f) Upon dissolution of the Authority, Proposition J and the various references to the Authority that appear in the Municipal Code would be repealed.  Nevertheless, this ordinance does not diminish the core principles of Proposition J.  Rather, the People of the City and County of San Francisco reaffirm their commitment to those principles, namely, that (1) Golden Gate Park should be safe and accessible for all, scenically beautiful, environmentally sensitive, and culturally diverse; (2) the City should reduce the impact of automobiles in Golden Gate Park while still providing long-term assurance of safe, reliable, and convenient access for visitors to the Park, including visitors to its cultural institutions; (3) net Garage revenues in excess of what is needed for the Garage should be used for the operation, maintenance, improvement, or enhancement of Golden Gate Park; and (4) the City should not grant any free parking, discounts, or other preferences for parking in the Garage to any officials, commissioners, directors, or employees of the City or any of the institutions located in Golden Gate Park unless such preference is made available on the same terms to members of the public.

Section 2.  The Golden Gate Park Revitalization Act of 1998, the link to which appears at the Appendix at the end of the Administrative Code, is hereby amended by revising Section 7, to read as follows:

Section 7.  [Construction and Operation of the Underground Parking Facility; Concourse Surface Improvements]

The Authority shall construct or cause the Underground Parking Facility to be constructed with private funds.  It is intended that such funds be received by the Authority, on behalf of the City, as one or more philanthropic gifts.  No public funds shall be used in the construction of the Underground Parking Facility, except as follows.  The Authority may enter into agreements with the de Young Museum, Academy of Sciences, and/or the City and County, to coordinate the construction of the Underground Parking Facility with the construction projects relating to the facilities for those cultural institutions that may involve City funds, on such terms and conditions as the Authority and such affected parties may agree, if such coordination would result in cost savings to the City and County associated with such other projects.  In addition, the prohibition against the use of public funds to construct the Underground Parking Facility shall not be construed to prohibit the City from using public funds to acquire, operate, or subsidize public parking in the Underground Parking Facility. 

*  *  *  *

Section 3.  Dissolution of Golden Gate Park Concourse Authority; Jurisdictional Transfer to Recreation and Park Commission.

(a) The People of the City and County of San Francisco hereby direct the Golden Gate Park Concourse Authority Board of Directors to take all actions necessary to dissolve the Authority pursuant to state law.  The General Manager of the Recreation and Park Department (the “General Manager”), or the General Manager’s designee, may assist with the dissolution process as the Authority and the General Manager deem appropriate.  

(b) Consistent with Section 3 of Proposition J, upon dissolution of the Authority, jurisdiction of the Garage and the real property previously set aside for the Authority in Resolution Nos. 715-98 and 737-03 shall transfer to the Recreation and Park Commission; and the Recreation and Park Department shall succeed to the role of the Authority as landlord under the Lease with the MCCP.  The General Manager may enter into any modifications or amendments to the Lease, including to any of its exhibits, that the General Manager determines, in consultation with the City Attorney, are necessary or advisable to memorialize the dissolution and jurisdictional transfer, and are in the best interests of the City, do not materially increase the obligations or liabilities of the City, and are in compliance with all applicable laws, including the City’s Charter.  The Recreation and Park Department is also authorized to accept and expend all assets of the Authority that may remain after the Authority has paid or adequately provided for all of its debts, obligations, and liabilities pursuant to the dissolution process.

(c) Upon dissolution of the Authority, the General Manager shall notify the Clerk of the Board of Supervisors and the City Attorney of the dissolution, in writing.  The City Attorney shall then ensure that the Municipal Code incorporates the amendments specified in Sections 5, 6, and 7 of this ordinance. 

Section 4.  Repeal of The Golden Gate Park Revitalization Act of 1998.  Upon dissolution of the Golden Gate Park Concourse Authority pursuant to Section 3, the Golden Gate Park Revitalization Act of 1998 (“Proposition J”) shall be repealed in its entirety, by operation of this Section 4.  

Section 5.  Upon dissolution of the Golden Gate Park Concourse Authority pursuant to Section 3, Chapter 16, Article XV, of the Administrative Code shall be amended by revising Section 16.700, by operation of this Section 5, to read as follows:

SEC. 16.700.  PARTICIPATION.

   The following shall be eligible to participate in the Health Service System:

   *   *   *   *

    (c)   All members of the following boards and commissions during their time in service to the City and County of San Francisco:

      (1)   Access Appeals Commission

      (2)   Airport Commission

      (3)   Art Commission

      (4)   Asian Art Commission

      (5)   Board of Education

      (6)   Board of Appeals

      (7)   Building Inspection Commission

      (8)   Civil Service Commission

      (9)   Commission on the Aging

      (10)   Commission on the Environment

      (11)   Commission on the Status of Women

      (12)   Community College District Governing Board

      (13)   Concourse Authority

      (14)   Elections Commission

      (15)   Entertainment Commission

      (16)   Ethics Commission

      (17)   Fine Arts Museums Board of Trustees

      (18)   Fire Commission

      (19)   Film and Video Arts Commission

      (20)   First Five Commission

      (21)   Health Commission

      (22)   Health Service Board

      (23)   Human Rights Commission

      (24)   Human Services Commission

      (25)   Juvenile Probation Commission

      (26)   Law Library Board of Trustees

      (27)   Library Commission

      (28)   Municipal Transportation Authority

      (29)   Planning Commission

      (30)   Police Commission

      (31)   Port Commission

      (32)   Public Utilities Commission

      (33)   Recreation and Parks Commission

      (34)   Public Works Commission 

      (35)   Residential Rent Stabilization and Arbitration Board

      (36)   Retiree Health Care Trust Fund Board

      (37)   Retirement Board

      (38)   Sanitation and Streets Commission

      (39)   Sheriff’s Department Oversight Board

      (40)   Small Business Commission

      (41)   Sunshine Ordinance Task Force

      (42)   War Memorial and Performing Arts Center Board

      (43)   Youth Commission

   *   *   *   *

Section 6.  Upon dissolution of the Golden Gate Park Concourse Authority pursuant to Section 3, Article III, Chapter 1, of the Campaign and Government Conduct Code shall be amended by revising Section 3.1-103 and deleting 3.1-255, by operation of this Section 6, to read as follows:

SEC. 3.1-103.  FILING OFFICERS.

   Persons holding designated positions shall file the specified statements, declarations, and certificates with the filing officers designated in this Section.

   (a)   MEMBERS OF BOARDS AND COMMISSIONS.

      (1)   Members of the following boards and commissions shall file their Form 700 Statements of Economic Interests, Sunshine Ordinance Declarations, and Certificates of Ethics Training with the Ethics Commission:

*   *   *   *

          Golden Gate Park Concourse Authority Board of Directors

           *  *  *  *

   (b)   DEPARTMENT HEADS.

      (1)   The following department heads of City agencies shall file their Form 700 Statements of Economic Interests, Sunshine Ordinance Declarations, and Certificates of Ethics Training with the Ethics Commission:

*   *   *   *

           Golden Gate Park Concourse Authority, Chief Executive Officer

          *   *   *   *

SEC. 3.1-255.  GOLDEN GATE PARK CONCOURSE AUTHORITY.

Designated Positions

Disclosure Categories

Directors

1

Chief Executive Officer

1

Section 7.  Upon dissolution of the Golden Gate Park Concourse Authority pursuant to Section 3, the Park Code shall be amended by revising Sections 6.12 and 12.35, by operation of this Section 7, to read as follows:

SEC. 6.12.  GOLDEN GATE PARK ACCESS AND SAFETY PROGRAM.

   *   *   *   *

   (e)   Disability Access Standards. The following disability access standards shall apply to the closures of John F. Kennedy Drive and related roads as set forth in subsection (b).

      (1)   Disability access to Golden Gate Park shall comply with the Americans with Disabilities Act and the Golden Gate Park Revitalization Act of 1998.

      *  *  *  *

      (3)   The Department, in consultation with the San Francisco Municipal Transportation Agency, Fine Arts Museums, California Academy of Sciences, Golden Gate Park Concourse Authority, and Mayor’s Office on Disability, shall maintain at least the following disability access measures:

      *  *  *  *

SEC. 12.35. GOLDEN GATE PARK CONCOURSE UNDERGROUND PARKING FACILITY.

   (a)   The rates to be charged for parking in the Golden Gate Park Underground Parking Facility may be set by the SFMTA in accordance with Section 6.14. Until such time as the SFMTA has set rates with approval of the Recreation and Park Commission and the Board of Supervisors, the rates, which are subject to annual adjustment under Section 12.20, shall continue to apply:

Each hour

Maximum

Weekdays

$4.50

$25.00

Weekends

$5.00

$28.00

Flat Rate After 6:00 p.m.

$15.00

Monthly Rate (daytime)

$200.00

      (b)   The deposit and expenditure of all amounts collected from this facility are subject to the provisions of the “Golden Gate Park Revitalization Act of 1998,” Appendix 41 of the Administrative Code.

Section 8.  Effective and Operative Dates.

(a)  In accordance with Section 380 of the Municipal Election Code, the effective date of this ordinance shall be 10 days after the date the official vote count is declared by the Board of Supervisors.

(b)  Sections 1, 2, and 3(a) of this ordinance shall be operative on the effective date of the ordinance.

(c)  Sections 3(b), 3(c), 4, 5, 6, and 7 of this ordinance shall become operative upon dissolution of the Golden Gate Park Concourse Authority.

Section 9.  Scope of Ordinance.  In enacting this ordinance, the People of the City and County of San Francisco intend to amend only those words, phrases, paragraphs, subsections, sections, articles, numbers, punctuation marks, charts, diagrams, or any other constituent parts of the Municipal Code that are explicitly shown in this ordinance as additions or deletions, in accordance with the “Note” that appears under the official title of the ordinance.

*        *        *

  • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
    • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
    • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
    • Proposisyon A: Karagdagang Pera para sa Retirado upang Umayon sa Halaga ng Pamumuhay; Kontrata ng Retirement Board sa Ehekutibong Direktor
    • Proposisyon B: Public Works Department and Commission, Sanitation and Streets Department and Commission
    • Proposisyon C: Homelessness Oversight Commission
    • Proposisyon D: Abot-kayang Pabahay – Inisyatibang Petisyon
    • Proposisyon E: Abot-kayang Pabahay – Board of Supervisors
    • Proposisyon F: Pondo para sa Preserbasyon ng Aklatan
    • Proposisyon G: Pondo para sa Tagumpay ng Estudyante – Tulong-Pinansiyal sa San Francisco Unified School District
    • Proposisyon H: Mga Eleksyon sa Lungsod sa mga Taon na May Bilang na Even
    • Proposisyon I: Mga Sasakyan sa JFK Drive sa Golden Gate Park at sa Great Highway
    • Proposisyon J: Panlibangang Paggamit sa JFK Drive sa Golden Gate Park
    • Proposisyon K: Inalis ang Proposisyon K sa balota ayon sa utos ng Korte Superyor ng San Francisco.
    • Proposisyon L: Sales Tax para sa mga Proyekto sa Transportasyon
    • Proposisyon M: Buwis para sa Pagpapanatiling Bakante ng Residensiyal na mga Unit
    • Proposisyon N: Pasilidad para sa Underground na Paradahan sa Golden Gate Park; Golden Gate Park Concourse Authority
    • Proposisyon O: Karagdagang Parcel Tax para sa City College

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota