Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pambuong-Estado na Tuwirang Primaryang Eleksyon
Hunyo 7, 2022

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Español
  • Filipino
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Hunyo 7, 2022 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
      • Ang Ballot Simplification Committee
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • Mga Bagong Linya ng mga Pinagbobotohang Distrito para sa 2022
      • Mga Opsiyon sa Pagboto
      • Mapa at Lokasyon ng mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa San Francisco
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Balota para sa Hunyo 7, 2022 na Eleksyon
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Madalas Itanong ukol sa Pagpaparehistro at Pagboto sa San Francisco
      • Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mahalagang Paalala!
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Magboluntaryo! Maging isang Poll Worker!
      • Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Impormasyon ng Kandidato
      • Mga Limit sa Boluntaryong Gastos
      • Mga Pag-Endoso ng Partido sa mga Kandidato
      • Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Primaryang Eleksyon ng California
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 15
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Abugado ng Lungsod
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Pagiging Maaasahan ng Muni at Kaligtasan sa mga Kalye
      • Proposisyon B: Building Inspection Commission (Komisyon sa Pag-iinspeksiyon ng mga Gusali)
      • Proposisyon C: Iskedyul ng mga Gawain para sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) at Pagtatalaga para sa Nabakanteng mga Katungkulan
      • Proposisyon D: Office of Victim and Witness Rights (Opisina para sa mga Karapatan ng mga Biktima at Saksi); Serbisyo Legal para sa mga Biktima ng Karahasan sa Tahanan
      • Proposisyon E: Behested Payments (Perang Hinihiling ng Pampublikong Opisyal para sa Layuning Lehislatibo, para sa Gobyerno, o Pangkawanggawa)
      • Proposisyon F: Pangongolekta at Pagtatapon sa Basura
      • Proposisyon G: Pagliban nang Dahil sa Emergency sa Pampublikong Kalusugan
      • Proposisyon H: Panukala ukol sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) ni Chesa Boudin

You are here

  1. Bahay ›
  2. Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota ›
H
Panukala ukol sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) ni Chesa Boudin

Dapat bang paalisin (tanggalin) si Chesa Boudin mula sa Office of District Attorney (Opisina ng Abugado ng Distrito)? 

Buod ng Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota) 

Kung Ano Ito Ngayon: Noong Nobyembre 5, 2019, inihalal ng mga botante ng San Francisco si Chesa Boudin upang maging Abugado ng Distrito para sa apat na taong termino na magtata­pos sa Enero 8, 2024. 

Ang Abugado ng Distrito ang may responsibilidad para sa pag-iimbestiga at pag-uusig sa mga paglabag ng pang-estado at lokal na mga batas kriminal. 

Kapag na-recall ang Abugado ng Distrito, pahihintulutan ng Tsarter ng Lungsod ang Mayor na magtalaga ng kapalit, na maaaring tumakbo para sa katungkulang Abugado ng Distrito sa susunod na eleksyon. 

Tandaan: Maaaring mabago ng mungkahing pag-amyenda sa Tsarter ng Lungsod (Proposisyon C: Iskedyul ng mga Gawain para sa Recall at Pagtatalaga para sa Nabakanteng mga Katungkulan) sa balotang ito ang proseso ng pagtatalaga ng kapalit sa katungkulan. 

Ang Mungkahi: Ang Proposisyon H ay panukala ukol sa recall na magtatanggal kay Chesa Boudin mula sa Office of District Attorney. Kung aaprubahan ng mga botante ang panukalang recall, matatanggal si Boudin sa katungkulan 10 araw matapos maideklara ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) ang mga resulta ng eleksyon, at magtatalaga ang Mayor ng kapalit sa katungkulan. Magdaraos ang Lungsod ng eleksyon para sa Abugado ng Distrito, na pinakamaaga nang magagawa, bilang bahagi ng regular na eleksyon, sa Nobyembre 8, 2022. 

Ang Ibig Sabihin ng Botong “OO”: Kapag bumoto kayo ng “oo,” gusto ninyong tanggalin si Chesa Boudin bilang Abugado ng Distrito ng San Francisco. 

Ang Ibig Sabihin ng Botong “HINDI”: Kapag bumoto kayo ng “hindi,” gusto ninyong manatili si Chesa Boudin bilang Abugado ng Distrito ng San Francisco. 

Pahayag ng Controller (Tagapamahala ng Pinansiya) Tungkol sa "H" 

Naglabas na ang Controller ng Lungsod na si Ben Rosenfield ng sumusunod na pahayag tungkol sa magiging epekto sa pinan­siya ng Proposisyon H:

Sa aking opinyon, kapag inaprubahan ang mungkahing ordi­nansa ng mga botante, hindi ito magkakaroon ng epekto sa gastusin ng gobyerno. 

Kung Paano Napunta sa Balota ang "H" 

Noong Nobyembre 9, 2021, pinagtibay ng Department of Elections (Departamento ng mga Eleksyon, Department) na naglalaman ng sapat na bilang ng may bisang mga lagda ang petisyon upang ma-recall ang Abugado ng Distrito na si Chesa Boudin, upang maging kuwalipikado ang panukala ukol sa recall para sa balota. 

Ang kabuuang bilang ng mga lagda sa petisyon ay 83,484. Nirepaso ng Departamento ang 4,174 na ala-suwerteng napili na mga lagda (5% ng kabuuang isinumite), na nagpapakita na naglalaman ang petisyon ng bilang ng may bisang lagda na mas malaki kaysa sa kinakailangang 51,325 lagda upang maituring na matagumpay ang petisyon.

 

Kailangan ng panukalang-batas na ito ng 50%+1 botong oo para maipasa. 

Pahayag ng mga Dahilan ng mga May-Panukala

KAY KAGALANG-GALANG NA CHESA BOUDIN: Alinsunod sa Seksiyon 11020 ng California Elections Code (Kodigo sa Eleksyon) at sa Seksiyon 14.103 ng Tsarter ng San Francisco, ang nakalagda na rehistrado at kuwalipikadong mga botante ng Lungsod at County ng San Francisco, na nasa Estado ng California ay nagbibigay ng abiso na kami ang may-panukala ng petisyon para sa recall, at na may layunin kaming hilingin ang recall at ang pagkakatanggal ninyo mula sa opisina ng Abugado ng Distrito, sa San Francisco, California at hilingin na magtalaga ang Mayor ng indibidwal upang mapunan ang malilikhang bakanteng posisyon ng recall.

Ang mga sumusunod ang mga dahilan para sa recall: Sumasang-ayon tayong lahat na kailangan natin ng tunay na reporma sa pagpapatupad sa criminal justice (kodigo penal) at pagpapanagot sa pulisya.Hindi naisasagawa ni Chesa Boudin ang alin man sa dalawang prayoridad na ito — at magmula noong manungkulan siya, nasa antas na ng krisis ang pagnanakaw, panloloob ng sasakyan, pagpaslang, at kamatayang may kinalaman sa pang-aabuso sa droga.Hindi napananatiling ligtas ni Boudin ang San Francisco.Tumatanggi siya na sapat na maisakdal ang mga kriminal at nabibigo na seryosong maharap ang krisis sa droga.Hindi niya pinananagot ang serial offenders (paulit-ulit sa paggawa ng krimen), hinahayaan ang pagpapalabas sa kanila sa kustodiya ng mga awtoridad, at ang kanyang tugon sa mga biktima ay ang “paghangad na sana” maging mas kaunti na ang panloloob sa tahanan.Sinabi ni Boudin na hindi niya isasakdal ang paglabag sa batas ukol sa DUI kung “walang biktima,” at nabigo siyang isakdal ang lumabag na sa batas noon pa man, at pagkatapos ay nakapatay ng dalawang naglalakad sa kalye noong bisperas ng Bagong Taon habang nagmamaneho nang lasing sa ninakaw na kotse.Mali ang mga prayoridad ni Boudin.Nangako siyang seseryosohin ang mga kaso ng seksuwal na pag-atake.Sa halip, hiniling ni Boudin sa mga nakaranas ng seksuwal na pag-atake na makipagkasundo sa mga indibidwal na mismong umatake sa kanila.Ni hindi man lang tinupad ni Boudin ang kanyang pangako ukol sa mga reporma.Tatlong tao ang namatay sa pakikipag-interaksiyon sa pulisya, at nabigo si Boudin na isakdal ang sinumang nasangkot na opisyal.Hindi dapat maging kaswal ang pagtingin sa recalls, pero hindi na makapaghihintay pa ng dalawang taon ang San Francisco upang mapaghusay ang pampublikong kaligtasan at maayos ang ating sistema ng pagpapanagot sa kodigo penal.Kailangang mapaalis na sa katungkulan si Chesa Boudin — ngayon.

Ang mga sumusunod ang mga pangalan ng mga may-panukala: Mary Jung, Ditka Reiner, Caryl Ito, Sandy Mori, Sonia Melara, Matthew Rhoa, Margaret O’Sullivan, Kevin O’Shea, Liam F. Frost, Michele Bell, Lanier Coles, Liam Reidy, Vanita Louie, Leanna Louie, David Troup, Chao Tung Lin, Elizabeth Farrell, Leigh Frazier, Dena Aslanian-Williams, Austin Louie, Stephanie Lehman, Mark Dietrich, Emily Reichman, Courtland Reichman, Marguerite Hutchinson, Emily Murase, Nicole Wilke, Lisa Pinckney, Randall Wong, at Karina Velasquez. 

MAY PETSANG: Abril 28, 2021

 

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
Sagot ng Abugado ng Distrito sa Pahayag

Isa na naman itong recall na nakabatay sa HINDI TOTOO AT NAPATUNAYAN NANG WALANG BASEHAN na dahilan ng mga REPUBLIKANO, kung saan sinusubukang mapawalang-saysay ang pag-unlad at dalhin tayo nang paurong.Hindi politikal na kasangkapan ang mga recall para sa mga indibidwal na natatalo sa eleksyon.Pinag-isipang mabuti at maingat na inihalal ng mga botante si DA Boudin dahil sinusuportahan nila ang kanyang mga gawain upang mareporma ang walang katarungang sistema, na napakadalas nang ginagawang krimen ang kahirapan, adiksiyon, at sakit sa pag-iisip; nabigong papanagutin ang mararahas na pulis, at tinatarget ang mga taong may kulay.Hindi tayo ginawang mas ligtas ng dating mga gawi - ipinagwalang-bahala ng mga ito ang ugat na dahilan ng krimen at itinaguyod ang pagpapakulong sa marami.Sa kanyang unang taon, nakipaglaban si DA Boudin upang: 1) Lubos na mapalawak ang suporta para sa mga biktima ng krimen; 2) Mapanagot ang mga pulis kapag nagsasagawa sila ng hindi kinakailangang karahasan; 3) Makalikha ng independiyenteng innocence commission (nagrerepaso ng kaso matapos ang paghatol); 4) Makapagtatag ng unit para sa mga krimeng may kinalaman sa ekonomiya, at nang maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa.Pinasimulan ni DA Boudin ang mahigit sa 5,000 bagong kaso upang mapanagot ang mga kriminal.Tanggihan ang Republikanong retorika ng recall na ito — huwag ibigay ang inyong lagda, pera, o personal na impormasyon.Pang-aabuso ng proseso ang pagsasamantala sa mga recall- hindi nito iginagalang ang pasya ng mga botante, at ginagastos ang milyon-milyong dolyar na mula sa mga nagbabayad ng buwis.May PANANAGUTAN SA PAMPUBLIKONG KALIGTASAN si DA Boudin at sa pagrereporma sa sistema ng criminal justice, at sa gayon, ay makapagkaloob ng kaligtasan, katarungan, at pantay na pagturing sa lahat ng taga-San Francisco.

Chesa Boudin Kagalang-galang na Chesa Boudin, Abugado ng Distrito ng San Francisco, 350 Rhode Island, 400 North, San Francisco, CA 94103 

INIHAIN: Mayo 5, 2021

 

May Bayad na Argumentong PABOR sa Proposisyon H

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Nakadepende ang kaligtasan ng San Francisco sa pagre-recall (pagpapaalis sa katungkulan) kay Chesa Boudin ngayon. 

Tumatanggi si Chesa Boudin na tuparin ang kanyang tungkulin na protektahan ang pampublikong kaligtasan at nabigo siya sa pamamahala sa kanyang opisina. Inuna niya ang karapatan ng mga lumabag sa batas kriminal kaysa sa mga biktima, at nabigo siyang papanagutin ang mga lumabag sa batas o itakda sa kanila na makabuluhang lumahok sa mga programa para sa rehabilitasyon. 

Isa ako sa 54 taga-usig na nagbitiw na magmula noong manungkulan si Chesa Boudin. Una akong naglingkod sa ilalim ni George Gascón at nakita ko mismo kung ano ang maaaring maisagawa ng tunay na progresibong taga-usig. Lumikha si George Gascón ng mga programa na nakatulong sa mga lumabag sa batas na positibong baguhin ang kanilang buhay. Inaabuso ni Chesa Boudin ang mga programa na nilikha nina George Gascón at Kamala Harris sa pamamagitan ng hindi pagtatakda sa mga lumabag sa batas na gawin ang kinakailangan sa mga programang ito. 

Nagbitiw ako sa tungkulin dahil naniniwala ako sa pangangailangan para sa reporma at mga alternatibo sa pagpapakulong, at nabibigo si Chesa Boudin sa paggawa ng kanyang trabaho kapwa sa pagrereporma at sa pampublikong kaligtasan. Binibigo tayong lahat ng kanyang kawalan ng kakayahan, at hanggang sa hindi natin siya nare-recall, mas maraming taga-usig ang patuloy na aalis at mas maraming taga-San Francisco ang mabibiktima. 

Ang pagiging progresibong taga-usig ay hindi nangangahulugan ng pagtanggi na papanagutin ang mga lumalabag sa batas nang paulit-ulit at mararahas, o ng pagpapahintulot sa mga nagbebenta ng droga na kumita at silain ang madaling masila. Kailangang papanagutin natin ang mga lumalabag sa batas habang lumilikha ng makabuluhang landas para sa kanila, at nang matugunan ang mga problemang humantong sa kanilang kriminal na mga kilos at gawi. Hindi na pagrereporma ito kapag negatibo nang naaapektuhan ng kanyang mga aksiyon ang mga komunidad kung saan mas mataas ang panganib o mababa ang kita, at ang mga komunidad ng may kulay – ang mga tao mismo na sumumpa siyang poprotektahan. 

Upang magawang mas ligtas ang San Francisco, bumoto ng OO sa Pagre-recall kay Chesa Boudin. 

Brooke Jenkins, Dating Katuwang na Abugado ng Distrito* 

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin (Mga Taga-San Francisco para sa Pampublikong Kaligtasan na Sinusuportahan ang Pagre-recall kay Chesa Boudin).

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy (Adbokasiya ng mga Magkakapitbahay para sa Mas Magandang San Francisco), 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall (Gabay sa Botante ng San Francisco na Gumagamit ng Sentido Komun, at Sumusuporta sa Pagre-recall kay Chesa Boudin), 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Bilang taga-usig ng California nitong nakaraang 30 taon, kasama na ang nakaraang 7 taon sa San Francisco, inilaan ko na ang aking karera sa paghahangad ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas o criminal justice para sa lahat. Sinusuportahan ko ang pag-re-recall kay Chesa Boudin dahil umabot ako sa konklusyong ito batay sa aking personal na karanasan na hindi siya karapat-dapat na maglingkod bilang ating Abugado ng Distrito. 

Ang kanyang walang pasubali at madalas na padalos-dalos na mga desisyon upang magpalabas nang wala sa takdang panahon ng mga lumabag sa kriminal na batas pabalik sa ating mga kalye ay nagdudulot ng panganib sa pampublikong kaligtasan nang walang nagagawang makabuluhang pagrereporma sa ating sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas para sa lahat. Kaiba sa mga nauna sa kanyang sina Kamala Harris at George Gascón, hindi nakabuo si Chesa Boudin ng anumang bago at inobatibong programa upang magkaroon ng rehabilitasyon ang mga lumabag sa kriminal na batas o mapigilan ang krimen, bukod pa sa itinatakda na ng batas. Samantala, nagresulta ang pagtanggi niyang papanagutin ang mga lumabag sa kriminal na batas para sa kanilang mga aksiyon ng nakapanlululang 20% na pagbaba ng mga paghatol mula 2019 hanggang 2021. 

Bukod rito, mukhang autokrasya ang pamamahala niya sa kanyang katungkulan, kung saan siya lamang ang nasusunod batay sa sariling politikal na mga preperensiya sa halip na ehekutibong sangay ng gobyerno na itinalaga upang magpatupad ng mga batas ng Estado ng California nang patas, may katarungan sa pagkakapantay-pantay, at gamit ang epektibong paraan. Tumanggi siyang ipatupad ang naririyan nang mga batas upang makasuhan ang ilegal na aktibidad ng mga gang, nagbebenta ng droga, at paulit-ulit na lumalabag ng batas, batay sa kanyang radikal na paniniwalang politikal, at hindi nang dahil sa batas. 

Limampu't tatlong (53) taga-usig, o halos 40% na ang nagbitiw sa kanilang mga posisyon magmula noong manungkulan siya dalawang taon na ang nakararaan. Samantala, ilang lokal na hukom na ang pampublikong napagsabihan ang kanyang opisina nang dahil sa maling pamamahala at hindi pagiging organisado nito. 

Kaguluhan ang naging resulta ng radikal na politika ni Chesa Boudin, kapwa sa opisina at sa mga kalye. Hindi na tayo makapaghihintay pa hanggang sa susunod na eleksiyon upang maibalik ang kaligtasan sa ating mga tahanan, sa ating mga komunidad, at sa ating mga negosyo. Mangyaring bumoto ng OO sa pagre-recall kay Chesa Boudin ngayon. 

Don du Bain, Dating Katuwang na Abugado ng Distrito* 

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Mangyaring bumoto ng OO sa pagre-recall kay Chesa Boudin. Bilang dating Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco), hindi ako maaaring manatiling tahimik habang bigo ang Abugado ng Distrito na magawa ang kanyang trabaho.  Nagresulta na ang kanyang kabiguan sa mas maraming bilang ng krimen laban sa mga Asyano Amerikano. 

Sa ilalim ni Boudin, tumaas na ang bilang ng mga krimen laban sa mga Asyano nang mahigit sa anim na beses, pero tumatanggi siyang isakdal ang mararahas na pag-atake bilang krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam at pinahintulutan na niya ang mga gumawa ng krimen na makalusot nang misdemeanor o maliit na pagkakasala lamang ang kaso sa kanila. Naiiwan nito ang mga AAPI na komunidad sa San Francisco nang may pinsala, may trauma o matinding karanasan, at nasa panganib na makaranas ng dagdag na pag-atake.

Nangangamba na ang matatandang Asyano na maglakad sa kalye, at natatakot na para sa kanilang kaligtasan habang namimili sa groseriya – may ilan pa ngang tumatanggi nang lumabas ng tahanan. Malungkot ito. Alam nating mas mahusay kaysa rito ang San Francisco. 

Nagsama-sama na ang lumalaking koalisyon ng mga Demokrata, lider ng komunidad, at aktibista sa pag-asa ng pagkakaroon ng tunay na reporma sa pagpapatupad at pagpapanagot sa batas. Hindi na tayo makapaghihintay pa para sa susunod na eleksyon upang maseryoso ng susunod na Abugado ng Distrito ang pampublikong kaligtasan. Pakisamahan kami. 

Mary Jung, Dating Tagapangulo ng SF Democratic Party 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Tatlumpung (30) taon na akong nakatira sa San Francisco, nakapaglingkod na sa San Francisco Commission on the Status of Women (Komisyon ng San Francisco ukol sa Katayuan ng Kababaihan) sa loob ng 20 taon, at may dedikasyon sa pagsuporta at pagprotekta sa kababaihan, lalo na sa mga biktima at nakaligtas sa karahasan sa tahanan. 

KATUNAYAN O FACT – tumataas ang mga kaso ng karahasan sa tahanan sa San Francisco sa ilalim ni Chesa Boudin, ngunit pinili niyang isakdal ang 14% lamang ng mga kasong ito, kung kaya't naiwan ang malaking mayorya ng mga biktima ng karahasan sa tahanan at ang kanilang mga anak na mas madaling masaktan ng mga umabuso sa kanila, dahil ang mga ito ay napahihintulutang maging malaya. 

Napakalinaw na may kawalan ng kakayahan kapag inihaharap ang mga kasong ito at walang ginagawang interbensiyon. Kapag pinahihintulutan niyang makalaya ang mga nang-aabuso na ito, nasasapanganib tayong lahat. 

Personal ko nang nakausap ang dose-dosenang biktima at kanilang mga pamilya, lalo na ang mula sa mga komunidad na may kulay. Binibigo tayong lahat ni Boudin.

San Francisco – hindi na tayo makapaghihintay pa ng dalawang taon para sa bagong Abugado ng Distrito. I-recall na si Chesa Boudin ngayon. 

Andrea Shorter, Nag-aadbokasiya para sa Nakaligtas sa Karahasan sa Tahanan* 

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Bilang mga delegado sa California Democratic Party, iginagalang namin ang demokratikong proseso, at kapag pinagbabantaan ito, gumagamit kami ng demokratikong mga kasangkapan upang mapagtibay ito. Ngayon na ang gayong panahon.

Para malinaw, hindi ito Pagre-recall na Pinamumunuan ng mga Republikano. Mga Demokrata ang mga lider ng koalisyong ito. Halos 1 sa 10 residente ng San Francisco ang lumagda sa petisyon upang I-Recall si Chesa. May pakiramdam ang mga taga-San Francisco na mas hindi na sila ligtas, at direktang bunga ito ng mga desisyong ginagawa ni Chesa. 

Hindi progresibo ang mga kinahihinatnan ni Chesa. Sinasabi niyang sinusuportahan niya ang mga komunidad ng may kulay pero hindi niya ginagawa ito, at hindi rin niya ipinapaglaban ang hustisya para sa mga pamilya. Hindi nakabuo si Chesa ng anumang progresibong programa, na tulad ng nagawa nina George Gascón at Kamala Harris.

Nangako ang kampanya ni Chesa ng reporma, pero ang inihatid niya ay higit na mas maraming krimen at pagpapabaya sa tungkulin. Binubuwag niya ang ating sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas at pinipigilan ang pagrereporma. Komplikado ang pagharap sa kriminal na gawain, at nangangailangan ito ng higit pa sa mga palusot ni Chesa at karaniwan nang kawalan ng pakialam.

Kailangan natin ng DA na tinutugunan ang ating mga problema, at hindi namumustura para sa pambansang mga manonood.  umaas na ang bilang ng krimen sa kabuuan ng lungsod, at hindi na natin kayang makapaghintay pa nang matagal. 

Kung sama-sama, matitiyak ng ating koalisyon ng mga Demokrata na diverse o may pagkakaiba-iba at matibay, na mananaig ang pampublikong kaligtasan at ang reporma sa pagpapatupad at pagpapanagot sa batas.

Bumoto ng OO sa Pagre-recall kay Chesa Boudin.

Stephanie Lehman – Delegado sa Asembleya ng Democratic Party Distrito 19*

Matthew Rhoa – Delegado sa Asembleya ng Democratic Party Distrito 19*

Ashley M. Wessinger – Delegado sa Asembleya ng Democratic Party Distrito 19*

Lanier Coles – Delegado sa Asembleya ng Democratic Party Distrito 19*

David M. Golden – Delegado sa Asembleya ng Democratic Party Distrito 19*

Todd David – Delegado sa Asembleya ng Democratic Party Distrito 17*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Ikinararangal kong maglingkod sa Demokratikong County Central Committee (Komite Sentral ng County), at masasabi ko sa inyong hindi ito “Pagre-recall na Pinamumunuan ng mga Republikano.” Ang pagsusumikap na gawing mas ligtas ang San Francisco ay pinamumunuan ng mga Demokrata, magulang, taga-usig ang karera, nag-aadbokasiya para sa biktima, at mga lider sa reporma para sa pagpapatupad at pagpapanagot sa batas, na hindi na nakararamdam na ligtas sila at nag-aalala sa kinabukasan ng ating Lungsod sa ilalim ni Chesa Boudin. 

Mahigit 20 taon na akong naging taga-usig. Alam kong ang kabiguan ni Chesa Boudin na mabalanse ang reporma para sa pagpapatupad at pagpapanagot sa batas, ang pampublikong kaligtasan, at ang mga karapatan ng mga biktima ay humantong na sa hindi ligtas na mga kondisyon sa kabuuan ng San Francisco, lalo na sa pinakabulnerableng mga komunidad na tulad ng Tenderloin. Paulit-ulit na niyang nilabag ang Marsy’s Law (Batas sa Ngalan ni Marsy) - ang Victims’ Bill of Rights (Batas ukol sa mga Karapatan ng mga Biktima) - na may intensiyong tiyakin na tatratuhin ang mga biktima sa makatarungan, may panggalang, at may dignidad na pamamaraan. 

Bilang babaeng Asyano at ina ng dalawang musmos na anak, nangangamba ako na ginagawa ni Chesa Boudin na mas hindi ligtas ang Lungsod para sa akin at para sa mga pamilyang tulad ng sa akin. Tumaas na ang bilang ng mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam sa mga Asyano at ang karahasan nang 567% magmula 2020 hanggang 2021, at hindi niya sineseryoso ang mga krimeng ito na bunsod ng pagkasuklam. Patuloy na iniuulat ng mga biktimang AAPI na iisang wika lamang ang sinasalita at ng kanilang mga pamilya na wala silang pamamaraan upang magkaroon ng tagasalin, at sa gayon ay makuha ang tulong at katarungan na nararapat sa kanila.

Hindi katanggap-tanggap na dahilan para sa kabiguan ni Chesa Boudin. Hindi na tayo makauupo-upo na lamang at naghihintay para sa susunod na eleksyon. Pakisamahan kami at bumoto ng OO sa pagre-recall kay Chesa Boudin.

Nancy Tung, Miyembro, San Francisco Democratic County Central Committee*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Isa akong ama, asawa, may-ari ng maliit na negosyo, at natibong taga-San Francisco ng maraming salinlahi. Nagtrabaho ang aking ama sa Hyde St., at may pabrika noon ang aking lolo sa Clementina sa may 6th street. Naging bahagi na ng aking buhay sa loob ng 50 taon ang mga lugar ng Tenderloin at Mid-Market. Matapos magmay-ari ng sariling maliit na negosyo sa komunidad sa loob ng 20+ taon, kinailangan kong isara ito dahil sa malawakang pagbebenta ng droga sa aking kanto.

Matapos ang dalawa at kalahating taon, kami ng aking mga kapitbahay ay wala pa ring nakikitang tulong mula sa opisina ng Abugado ng Distrito sa pagbabawas ng nasa labas ng gusali na pagbebenta ng droga na sumasalanta sa aming komunidad. 

Malinaw nang walang pakialam si Chesa Boudin sa kaligtasan at kagalingan ng mga mamamayan sa lugar ng Tenderloin/Mid-Market, o sa lungsod sa pangkalahatan.  Isinasapanganib tayong lahat ng pagpapahintulot sa pagbebenta ng droga sa labas ng gusali at ng kaakibat nitong karahasan. Karamihan sa aking mga kapitbahay ay BIPOC, mga indibidwal na tumatanggap ng tulong mula sa gobyerno, matatanda, at mga indibidwal na nasa yugto ng pagbangon. Lumalaki ang mga bata sa komunidad nang may pagbebebenta ng droga, pag-aabuso sa droga, at hindi napipigilang karahasan bilang kanilang “normal” na buhay. 

Kahiya-hiya ito at hindi katanggap-tanggap. 

Hindi naging handa si Boudin sa trabahong ito, hindi niya kayang mamuno sa opisina, hindi siya nakagawa ng makabuluhang pagbabago, at ginawa niyang mas hindi ligtas, mas hindi napaninirahan, at mas mahirap na lugar para sa pagpapatakbo ng negosyo ang ating lungsod. Mag-isa niyang napaurong ang kilusan para sa pagrereporma ng sistema sa pagpapatupad at pagpapanagot sa batas dahil namamayani ang kanyang ideolohiya nang higit sa paggampan niya ng trabaho bilang Abugado ng Distrito.

Kailangan ng San Francisco ng Abugado ng Distrito na may kakayahan, at pahahalagahan ang kaligtasan ng mga taga-San Francisco ng higit sa sariling ideolohiya, at bibigyang-prayoridad ang napamumuhayang lungsod na para sa lahat. Makatutulong ang botong OO upang maghilom ang lungsod na ito kung saan natin pinakakailangan ang paghilom na ito. 

Max Young, May-ari ng Maliit na Negosyo* 

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Rong Xin Liao. Vicha Ratanapakdee. Simon Lau. Chui Fong Eng. Hanako Abe. Hindi natin dapat makalimutan ang mga biktimang nagdusa nang dahil sa pagdami ng krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam sa mga Asyano sa San Francisco. 

Magmula noong manungkulan si Chesa Boudin, tumaas na ang bilang ng mga krimen laban sa mga Asyano nang 567%, pero tumatanggi si Boudin na isakdal ang mga pag-atake bilang krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam. Pinahintulutan niya ang mga gumawa ng krimen, kasama na ang gumawa ng kahindik-hindik na mararahas na aksiyon, na makatakas nang misdemeanor o maliit na paglabag sa batas lamang ang kaso. Naiiwan ang ating mga komunidad sa San Francisco na may matinding karanasan o trauma, at nasa panganib na makaranas ng dagdag na karahasan dahil pinahihintulutan ang mga umatake sa kanila na makalaya. 

Pagod na pagod na ang isipan at damdamin ng ating mga pamilya dahil sa takot na maligalig sa mga kalye ng lungsod. Gusto nating lahat ng reporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas, pero mukhang walang pakialam si Chesa Boudin sa mga biktima at kanilang pamilya. Nasaan ang katarungan?

Pakisamahan kami at bumoto ng OO sa Pagre-recall kay Chesa Boudin. Pagod na kami sa pakiramdam ng kawalang kaligtasan. 

Caryl Ito

Sandy Mori

Steve Nakajo

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Sinusuportahan namin ang reporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas. Gusto rin namang maramdaman ng mga residente na ligtas sila. Naniniwala kami na maaaring makamit ng San Francisco ang dalawang bagay na ito — pero hindi sa ilalim ni Abugado ng Distrito Chesa Boudin.

Nakikipaglaban si Boudin sa mga tunggaliang ideolohikal sa mga politiko habang ang dapat ay nakatuon siya sa pagtulong sa mga biktima. Nagbubunga ito ng pakiramdam sa mga tao na mas hindi sila ligtas at napahihina ang mahahalagang tunguhin ng pagrereporma. 

Tinanggal ni Boudin sa trabaho ang may karanasan nang taga-usig na kinwestiyon siya ,at mabilis siyang manisi ng iba para sa mga maling hakbang ng kanyang opisina. 

Ang aming mga inaalala: 

• Iwinaksi ni Boudin ang mahigit sa 85% ng mga kaso ng karahasan sa tahanan na malalaking paglabag sa batas sa pagtatapos ng 2020.

• Tumanggi si Boudin na isakdal ang mga nagbebenta ng droga na responsable para sa 1,500 kamatayan nang dahil sa overdose sa loob ng dalawang taon.

• Sinabi ni Boudin na ang pagpatay sa matanda nang lolong Asyano ay hindi ibinunsod ng lahi, dahil nagkaroon ang suspek ng “temper tantrum o sumpong” bago ang atake. 

• Tumestigo ang isa sa mga imbestigador sa krimen ni Boudin na sinabihan siyang huwag ilabas ang ebidensiya sa kaso, at napaniwala siyang tatanggalin siya sa trabaho kung tatanggi. 

• Tinanggal ni Boudin sa trabaho ang nag-aadbokasiya para sa biktima sa kanyang opisina nang magsalita ito laban kay Boudin, kung kaya’t nabigyan ang lalaking nakapatay ng babae ng tatlong buwang probasyon sa halip na makulong. 

• Kinwestiyon ng Hukom sa Korte Superyor Bruce Chan ang katatagan ng opisina ni Boudin, at pinuna ang mataas na bilang ng pagpapalit ng mga may katungkulan, hindi pagiging organisado, at maling pamamahala. 

• Mahigit sa 50 abugado na ang nagbitiw sa tungkulin — isa sa tatlong bahagi ng opisina ni Boudin — kung kaya’t naiwan ang mga kawaning desmoralisado at walang karanasan. Sinabi ng dating tagapag-usig Shirin Oloumi sa San Francisco Chronicle: “Hindi kasama ang mga biktima ng krimen sa mga prayoridad [ni Boudin], maliban na lamang kung makatutulong ito sa pananaw ng publiko.”

• Tinutulan ni Boudin ang pagbabahagi ng datos ukol sa kinahinatnan ng mga kaso. Kinailangan pang gamitin ng mga nasa media ang batas ukol sa paghiling ng pampublikong rekord upang mailantad ang datos na nagpapakita ng pagbaba ng mga paghatol. 

Hindi na dapat papiliin ang mga residente sa pagitan ng pagrereporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas at sa kaligtasan. Kailangang palitan na si Boudin ng abugado ng distrito na pinag-iisipan ang pagrereporma at inuuna ang mga biktima sa pagtulong. 

Pamunuan ng GrowSF:

Sachin Agarwal

Steven Buss

Joel Engardio

growsf.org

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Coalition to Grow San Francisco - Grow SF (Koalisyon sa Pag-unlad ng San Francisco - Pag-unlad SF)

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Labimpitong (17) taon na akong nakatira sa Richmond District, at hindi pa ako nakakakita ng krimen, lalo na ang krimen sa pag-aari, na kasinsama nito. Nakakita na ng pagdami ng krimen ang maraming lungsod at komunidad sa kabuuan ng bansa, pero walang kasintulad ng biglang pagtaas na nagaganap sa San Francisco ni Chesa Boudin, kung saan walang konsekuwensiya sa mga krimen. Hindi na dapat pagtalunan ito, anuman ang sabihin ni Chesa Boudin na kabaligtaran, habang sinisisi ang lahat maliban sa sarili.

Kasabay ng hindi na mabilang na panloloob sa tahanan at walang katapusang smash and grabs (sirain ang sasakyan at pagnakawan), naging mga lugar na sa pagbebenta ng droga sa labas ng gusali at shoplifting buffet (puwedeng manakawan ang lahat sa tindahan) ang malalaking komersiyal na koridor sa aking komunidad. Nagsasara na ang mga negosyo (maliliit man o malalaki) nang dahil sa mga kondisyong ito kung saan hindi na sila makapagpatuloy. Ang mga lokal na tindahang mon & pop (maliit na negosyong karaniwang pinatatakbo ng pamilya) ay nanakawan na nang tatlo, apat, at kung minsan ay lima at higit pang beses.

Hindi komplikado ang dahilan. Pinalakas ni Chesa Boudin ang loob ng mga kriminal dahil alam nilang hindi sila haharap sa mga konsekuwensiya. Sa kanyang unang taon sa katungkulan, biglang tumaas ang mga panloloob nang 49%, at 84% ng mga nakasuhang gumawa ng krimen ay nakalalaya na sa loob ng dalawang araw. 

Sawang-sawa na kami sa nagawa ni Chesa Boudin sa aming mga komunidad. Natatagpuan na ng magkakapitbahay sa kabuuan ng lungsod ang mga sarili na pinaghuhusay pa ang kanilang mga kandado, naglalagay ng kamerang panseguridad, at nagdadala ng pepper spray para lamang makapaglakad sa kalye. Tama na. Sobra na. Hindi natin kailangang mamuhay nang ganito. Hindi namumuhay nang ganito ang mga mamamayang nasa ibang lungsod. 

Kailangan natin ng tunay na taga-usig bilang ating Abugado ng Distrito. I-recall na si Chesa Boudin ngayon.

Mark Dietrich

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Naging residente na ako ng San Francisco magmula noong 1979, naging Demokrata magmula noong 1990, at isa akong beterano ng U.S. Army (Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos).  Tagapagtatag ako ng United Peace Collaborative (Nagkakaisang Kolaborasyon para sa Kapayapaan), na organisasyong masipag na nakikipaglaban upang matiyak na ligtas ang mga Asyano Amerikano at ang ating mga komunidad, at malaya upang umunlad at magkaroon ng prosperidad. Misyon naming magsanggalang, magbigay-lakas, at magkaloob ng edukasyon sa komunidad ng mga Asyano Amerikano ukol sa paglaban sa diskriminasyon at karahasan. 

Nabigo si Abugado ng Distrito Chesa Boudin sa pagprotekta sa mga Asyanong komunidad ng San Francisco laban sa mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam. Binigo niya ang mga biktima at kanilang mga pamilya. Iyan ang dahilan kung bakit sumama ako sa mga pagsusumikap na i-recall si Chesa Boudin sa simula pa lamang, at tumulong sa pag-oorganisa sa Chinatown at iba pang komunidad upang maiparinig ang kanilang boses. 

Karapat-dapat ang mga residente, negosyante, empleyado, at bisita ng San Francisco sa pakiramdam na ligtas sila at protektado sa lungsod kung saan tayo nakatira, nagpapatakbo ng mga negosyo, nagtatrabaho, at nagsisiyasat. Nag-organisa ako ng mga nagpapatrolya sa mga kalye ng Chinatown araw-araw dahil natatakot ang aming mga magulang at mga lolo at lola para sa kanilang buhay. Natatakot ang mga may-ari ng tindahan na lolooban ang kanilang tindahan at marami ang nakaranas na nito. 

Pampublikong kaligtasan ang dapat sanang pinakamataas na prayoridad ni Chesa Boudin, ngunit parang mas nakatuon siya sa politika at nakikita ng iba, kaysa sa pagprotekta sa amin mula sa mapapanganib na tao sa kalye na pumipinsala sa madaling masaktan na mga indibidwal, lalo na ang matatanda. Walang katarungan kung walang kapayapaan at patuloy na nakararanas ng trauma ang mga Asyanong komunidad sa San Francisco nang dahil sa karahasan, pagkasuklam, at kapabayaan ng kanyang opisina. 

Kung pinahahalagahan ninyo ang mas ligtas na San Francisco para sa lahat, pakisamahan kami at bumoto ng OO sa pagre-recall kay Chesa Boudin. 

Leanna Louie

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall, 3. Garry Tan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Ang kapatid kong si Tom Wolf ay dating nakakulong, dating walang tahanan, at bumabangon na mula sa pagkakaroon ng adiksiyon sa droga. 

Nagdulot na ang Fentanyl ng pagkamatay sa 1,400 indibidwal sa San Francisco magmula noong manungkulan si Abugado ng Distrito Chesa Boudin. Nitong nakaraang dalawang taon, naka-aresto na ang SFPD ng 700 nagbebebenta ng droga para sa mabigat na krimeng pagbebenta ng droga, kung kaya’t natanggal ang 58 pounds (libra) ng fentanyl mula sa ating mga kalye noong 2021 at 36 pounds ng fentanyl noong 2020.

ZERO o WALANG SINUMAN sa mga nagbebenta ng drogang ito ang naisakdal habang Abugado ng Distrito si Boudin. Naging ligtas na santuwaryo na ang lungsod para sa mga nagbebenta ng droga.

Kapag tumatanggi si Abugado ng Distrito Chesa Boudin na isakdal ang mga nagbebenta ng fentanyl at opioid, binibigo niya tayong lahat at pinananatili ang mga siklo ng adiksiyon, karahasan, at pagkawasak ng puso. Nasa kalye ang mga nagbebenta ng droga, at naninila ng mga madaling masila, at pinagkakakitaan ang mga ito nang walang anumang pananagutan. 

Hindi na tayo makapaghihintay pa ng susunod na eleksyon para magawang mas ligtas ang San Francisco. Bumoto ng OO sa Pagre-recall kay Chesa Boudin ngayon.

Patrick Wolf, Tagapamahala ng Non-Profit sa Tenderloin*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Bumoto ng OO sa pagre-recall sa Abugado ng Distrito na si  Chesa Boudin ngayon.

Gustong sabihin ni Boudin na isa itong recall na “pinamumunuan ng mga Republikano” pero lubusang WALANG KATOTOHANAN iyan. Ikinararangal naming maging mga Demokrata. Nakatuon ang aming organisasyon sa pagpapalahok sa mga Asyano Pasipiko Amerikano na sumali sa Democratic Party, suportahan ang malalakas na Asyano Demokratikong halal na lider, at bigyang-lakas ang kabataan sa politikal na proseso. 

WALANG nagawa si Chesa Boudin habang tinatarget ang ating komunidad ng pagkasuklam at karahasan, na dumami na nang 500% sa ilalim ng kanyang pagbabantay. Hindi niya kinakasuhan ng krimeng bunsod ng pagkasuklam ang mga nang-aatake, at pinahihintulutan silang makalaya nang mas hindi mabibigat ang mga kaso laban sa kanila. Hindi na tayo maaaring tumayo-tayo lamang nang walang ginagawa habang patuloy na inaatake ang ating mga lolo at lola sa ating lungsod. 

Hindi natin sinuportahan ang pagre-recall kay Gavin Newson, pero iba ang kasong ito.  Nakasalalay ang pampublikong kaligtasan ng ating komunidad at ng ating mga lolo at lola rito, at hindi na tayo makapaghihintay pa. Pakisamahan kami sa pagsuporta sa recall. 

Edwin M. Lee Asian Pacific Democratic Club (Edwin M. Lee na Asyano Pasipiko na Samahang Demokratiko)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Napakalaking narsisistiko, o lubhang mataas ang tingin sa sarili, na sinungaling ni Chesa Boudin.

Bilang pinunong tagapagpatupad ng batas para sa San Francisco, kagitla-gitla kung paano patuloy na nagsisinungaling si Chesa Boudin sa mga residente, turista, at may-ari ng negosyo. Nagsisinungaling siya sa mga biktima ng krimen at nagsisinungaling din sa media.  Nagsinungaling siya tungkol sa mga nagpondo ng sarili niyang kampanya para sa katungkulan noong 2019, at nagsisinungaling siya kung sino ang sumusuporta sa pangkalahatang pagsusumikap na i-recall siya. 

Bigo ang mga polisiya ni Chesa Boudin. Nabigo siyang tuparin ang halos lahat ng kanyang ipinangako noong kampanya. Binigo niya ang ating Asyanong komunidad. Nabigo siyang isakdal ang pinakaseryosong mabibigat ng krimen, at sa halip, nakatutulong siya sa pagkakaroon ng mga krimen sa kabuuan ng lungsod. Nabigo siyang papanagutin ang mga nagbebenta ng droga.  

Pinagtakpan ni Chesa Boudin ang kanyang pagtatago ng ebidensiyang makapagpapawalang-sala sa paglilitis, at nahuli siyang ginagawa ito. Itinatago niya ang datos ukol sa mga krimen upang hindi ninyo makita kung gaano kasama ang pagganap ng kanyang opisina. Itinatago niya ang kaguluhan sa sarili niyang opisina ng abugado ng distrito. 

Sinisisi ni Chesa Boudin ang lahat, at hindi kailanman tinatanggap ang personal niyang responsibilidad. Sinisisi niya ang media, sinisisi niya ang SFPD, sinisisi niya ang ating Mayor, kahit na kakatwang sinisisi niya ang tinatawag na mga “republikano.” 

At huwag kalilimutan na halos $400,000 taon-taon ang kita at mga benepisyo niya na mula sa mga nagbabayad ng buwis.  

Sa Araw ng Eleksyon, huwag nang mag-atubili man lamang - matagal nang kinakailangan ang nararapat na pagre-recall kay Mr. Boudin — kung kaya’t bumoto ng OO nang mariin at may pagmamalaki, sa pagre-recall kay Boudin.  

Bumisita sa RecallChesaBoudin.org para sa karagdagang mga opinyon. 

Richie Greenberg,Tagapangulo 

YES on Recall Chesa Boudin Committee (Komite sa Pag-OO sa Pagre-recall kay Chesa Boudin) 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: YES on Recall Chesa Boudin Committee

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. David Sacks, 2. Daniel o'Keefe, 3. Linn Yeaser Coonan.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Nagtrabaho ako sa Crimes Strategies Unit (Pangkat para sa mga Stratehiya sa Krimen) ng Opisina ng Abugado ng Distrito ng San Francisco sa loob ng 7 taon, kasama ang lubusang mahuhusay at may iba’t ibang disiplinang pangkat ng mga taga-usig at imbestigador na mula sa ilang ahensiyang para sa pagpapatupad ng batas. Nagtuon ako sa inobatibong mga stratehiya upang magkaroon ng higit na kaligtasan ang publiko sa pamamagitan ng pagpigil at pagsasakdal sa krimen, habang naghahanap ng epektibong mga alternatibo sa pagkakakulong. 

Naipakita na ni Abugado ng Distrito Chesa Boudin na wala siyang kakayahan na panatilihing ligtas ang ating lungsod. Ang kanyang hindi epektibong mga polisiya, kakulangan ng kabukasan sa pagsisiyasat, at hindi tapat na mga dahilan para sa kanyang mga kabiguan ang naging sanhi ng pagbibitiw ng kalahati sa kanyang opisina at paglayo ng mga ka-partner sa pagpapatupad ng batas. Nabibigo siya sa pagsuporta sa mga biktima ng krimen habang ipinagkakait din sa mga isinasakdal ang mga serbisyong makukuha sana nila kung naaangkop ang mga kasong isinasampa sa kanila. Bilang tagapag-usig, nakita ko mismo kung gaano kaepektibo sana ang sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas sa pagkakaroon ng medikasyon, pabahay, at paggamot, at sa paggawa ng pagbabago upang mapabuti ang buhay ng mga isinasakdal.  Inabandona ni Chesa Boudin ang mga indibiwal na kailangan ng tulong natin.

Sa bawat araw na nananatili si Chesa Boudin sa katungkulan, mas maraming taga-San Francisco ang nabibiktima at nagkakaroon ng bahid ang reputasyon ng ating lungsod. I-recall na si Chesa Boudin ngayon.

Tom Ostly, Dating Katuwang na Abugado ng Distrito*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Dapat sana ay parang panaginip ang pagkakaroon ng pamilya sa San Francisco, pero nitong nakaraan, mas naging bangungot ito. Nag-aalala tayo sa tumataas na bilang ng krimen, panloloob sa sasakyan, pagnanakaw sa tahanan, at pagbebenta ng droga sa labas ng mga gusali. Hindi tayo dapat namumuhay sa takot na makatulog sa sarili nating kama o maging sa paglalakad sa kalye sa ilalim ng sikat ng araw. Mas mahirap nang bigyan ng dahilan ang pagpapalaki sa mga bata rito araw-araw.

Alam ng mga kriminal na pinahintulutan silang makalaya sa loob ng ilang araw kapag nahuli sila, at nabibiyak ang ating mga puso sa pakikinig sa hindi mabilang na kuwento ng mga biktima ukol sa mararahas na umaatake o sa mga mapang-abuso sa tahanan, na pinahihintulutan na malayang makalabas ng kulungan. Bakit walang sinuman na gustong papanagutin ng Abugado ng Distrito?

Kailangang magkaroon ng balanse sa pagitan ng pagpapanagot sa pulisya at sa reporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas, sa pamamagitan ng mga programang magpapahintulot sa mga indibidwal na makuha ang tulong na kailangan nila upang maging mas malulusog at produktubong miyembro ng lipunan. Binibigo tayo ni Chesa Boudin sa lahat ng panig. 

Liz Farrell

Michele Bell

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Ipinanganak ako at lumaki sa San Francisco, at lubusan akong nag-aalala ukol sa direksiyon tungo sa kinabukasan ng lungsod na mahal nating lahat. Tulad ng marami sa aking mga kaibigan at kapitbahay, hindi ko na rin nararamdaman na ligtas ako, lalo na sa downtown. 

Natamaan nang malakas ng pandemya ang maliliit na negosyo at ang ekonomiya ng ating lungsod, at bukod rito, wala na sa kontrol ang hindi napipigilang organisadong krimen, ibinebenta ang droga sa mga adik na “gumagamit,” gumagala-gala, at nag-o-overdose nang nakikita ng lahat. Nag-aatubili nang bumisita ang mga turista. Hindi nararamdaman ng mga negosyong ligtas ang kanilang mga operasyon at nahihirapan sila sa pag-eempleyo ng mga manggagawa nang dahil sa tumataas na bilang ng karahasan at pagnanakaw. 

Hindi makababangon ang ating ekonomiya hangga’t hindi natatanggal sa katungkulan si Chesa Boudin at magkaroon na ang ating lungsod ng indibidwal na sineseryoso ang pampublikong kaligtasan. Bumoto ng OO sa pagre-recall kay Chesa Boudin ngayon.

Sonia Gómez-Rexelius

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Lubusan pa rin akong nasisindak at hindi makapaniwala na nawala sa amin ang aking ama na si Vicha Ratanapakdee, na imigranteng 84 taong gulang, nang dahil sa marahas na pag-atake sa kanyang komunidad ng Anza Vista nitong nakaraang taon. Ang lalo pang nakapangwawasak ay mukhang nabibigo si Abugado ng Distrito Chesa Boudin na seryosohin ang pagkasuklam laban sa mga Asyano. 

Sa ilalim ni Chesa Boudin, tumaas na nang mahigit sa 500% ang bilang ng krimen laban sa mga Asyano, pero tumatanggi pa rin siyang isakdal ang mararahas na pag-atake bilang krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam. 

Nagkaroon na ang mga AAPI na komunidad sa San Francisco ng trauma at takot para sa kanilang buhay at sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Gusto namin ng katarungan, pero bigo si Chesa Boudin sa paggampan sa kanyang trabaho. Higit pa rito ang nararapat sa atin. 

I-recall na si Chesa Boudin ngayon.

Monthanus Ratanapakdee

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Sinusuportahan ko ang pagre-recall kay Abugado ng Distrito Chesa Boudin. Tungkulin ng Abugado ng Lungsod na tiyakin na masasakdal ang mga indibidwal na gumagawa ng krimen para sa mga krimen na ito, at bilang resulta nito, mapanatiling ligtas ang mga mamamayan ng San Francisco.

Walang pakialam si Chesa Boudin sa kaligtasan ninyo at ng inyong mga pamilya, o sa kaligtasan ng ating lungsod. Bigo si Chesa Boudin na gampanan ang kanyang responsibilidad na papanagutin ang mga gumawa ng krimen para sa kanilang krimen. 

Nakapagkomento na ang mga lokal na hukom sa korte ukol sa kanyang kawalan ng kakayahan at hindi pagiging organisado sa loob ng kanyang opisina, at nagresulta na ito sa paglalagay sa seryosong panganib sa mga taga-San Francisco. 

Naalerta na rin ng mga hukom na ito ang mga taga-San Francisco ukol sa pagpayag ni Chesa na magkait ng ebidensiya, at ilagay ang sarili na nakahihigit sa batas, at sa pagbibigay ng prayoridad sa politika kaysa sa pagsasakdal. 

Ang kawalang kakayahan, maling pamamahala, at kawalan ng pagkilala sa batas ay naglalagay sa mga taga-San Francisco sa panganib araw-araw.

Iyan ang dahilan kung bakit boboto kami ng aking asawa upang ma-recall si Chesa Boudin. Nabibigo siyang tupdin ang mga tungkulin na itinatakda ng batas ng California sa isang abugado ng distrito!

Kagalang-galang na Quentin L. Kopp (Ret.)

San Francisco Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), 1972-1986

Senado ng Estado ng California, 1986-1998

Hukom ng Korte Superyor, 1999-2009*

*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Nakatira kami malapit sa Castro at ipinagmamalaki ang pagiging Demokratang LGBTQ na sumusuporta sa pagsusumikap na I-recall si Chesa Boudin.

Walang pagpapanagot sa krimen sa San Francisco ngayong mga araw na ito, na ang ibig sabihin, nagpapatuloy ang mga gumagawa ng krimen sa pagnanakaw o sa pagsasagawa ng iba pang krimen nang walang konsekuwensiya. Lubusan nang hindi namamayani ang batas sa halos lahat ng komunidad sa San Francisco. Nitong nakaraang apat na buwan lamang, tatlong beses na nilooban ang gusali ng condo ni Kenny.

Taiwanese Amerikano si Kenny, at partikular naming inaalala ang tumataas na bilang ng karahasan laban sa mga Asyano at iba pang tao na may kulay  – at ang ilan dito ay ginawa ng mga indibidwal na pinalaya ni Boudin. Naniniwala kami sa pagrereporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas, pero kailangan pa ring magkaroon ng konsekuwensiya at pagpapanagot sa mga gumagawa ng krimen. 

Mahal natin ang ating lungsod at may pananagutan tayo sa kinabukasan nito.  Hindi pinananatiling ligtas ni Chesa Boudin ang San Francisco. Bumoto ng OO sa pagre-recall kay Abugado ng Distrito Chesa Boudin.

David Troup

Kenny Lin

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Binuo noong 1991 ang San Francisco Taxpayers Association (Asosasyon ng mga Nagbabayad ng Buwis sa San Francisco) upang bigyang tinig ang nahihirapan na, hindi napapansin, at masisipag na nagtatrabahong mga nagbabayad ng buwis sa mga lokal na eleksyon.

Ngayon, pinopondohan ng mga dolyares nating ibinabayad sa buwis ang Abugado ng Distrito, na inihalal nang mayroon lamang 35.7% ng boto, at mukhang mas may inklinasyong huwag isakdal ang mga kriminal na naaresto ng mga tagapagpatupad ng batas, o iwaksi ang mga kriminal na kaso na naihain na. 

Magiging mahusay na propesor sa kolehiyo si Boudin na dating Katuwang na Pampublikong Tagapagtanggol, pero kailangan ng San Francisco ng gumaganang sangay ng gobyerno para sa pagsasakdal at may kakayahang Abugado gn Distrito. 

Nakaranas na ang opisina ng dose-dosenang pagtatanggal sa trabaho at pagbibitiw ng may karanasang mga Katuwang na Abugado ng Distrito dahil hindi nila naisasagawa ang plano ni Boudin na paglilihis ng landas sa kriminal na pag-uusig at pagsesentensiya sa mga lumabag sa batas. 

Masigasig naming sinusuportahan ang Pagre-recall kay Chesa Boudin.

Napagnakawan na ng korupsiyon sa City Hall ang mga nagbabayad ng buwis ng milyon-milyong dolyar at naipagkait na sa lahat ng taga-San Francisco ang pagkakaroon ng tapat na gobyerno. 

Pinalaki ni Boudin ang kanyang kawanihan at badyet – $83,236,173 na ang kanyang badyet para sa taon na ito! Pinalaki niya ang kawanihan para sa public integrity unit (pangkat para sa pampublikong integridad) habang halos walang nagagawa kundi ang magpadiyaryo sa pagsasakdal sa mga krimen na ito, habang iniiwan ang lahat ng trabaho sa Abugado ng Estados Unidos, upang matagumpay na maisulong ang mga kaso ng korupsiyon sa Department of Public Works (Departamento ng mga Pampublikong Gawain), Department of Building Inspection (Departmento ng Pag-iinspeksiyon sa mga Gusali), at Recology, Inc. at sa mga opisyal at empleyadong nagnakaw ng pera ng mga nagbabayad ng buwis. Isinasangguni rin ng pinopondohan ng mga nagbabayad ng buwis na Ethics Commission (Komisyon para sa mga Pamantayan sa Paggampan ng Gawain) ang walang prinsipyong pag-asal sa opisina ng Abugado ng Distrito, pero walang naibunga mula kay Boudin na kriminal na pagsasakdal para sa nakaka-iskandalong aktibidad. Sa fiscal year (taon ayon sa pagpaplano para sa badyet) na 2019-2020, humigit-kumulang $13 milyon ang badyet ng Integrity Unit para sa walong tagapag-usig at apat na imbestigador – wala nang nangyari matapos sumumpa si Boudin sa tungkulin.

Higit pa rito ang nararapat para sa mga nagbabayad ng buwis. Bumoto para sa Pagre-recall kay Chesa Boudin upang higit na magkaroon ng kaligtasan ang publiko, maprotektahan ang inosente at mahatulan ang may-sala, humiling ng kahusayan sa pang-uusig, at higit na duty of candor (tungkulin na isiwalat ang facts o mga katunayan), at ibalik ang pamamayani ng batas sa ating dakilang Lungsod. 

San Francisco Taxpayer's Association 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Noong tumakbo para sa katungkulan si Abugado ng Distrito Chesa Boudin, gumawa siya ng maraming pangako. Gayon pa man, bigo siya sa pagkakaloob ng pinakamahalagang bagay – ang kaligtasan ng publiko at tunay na reporma. Hindi ginagawang mas ligtas ang ating lungsod ng pagsuporta sa revolving door (paulit-ulit na pagpapakulong at pagpapalabas) ng mga kriminal sa sistema, at hindi rin ito nakatutulong sa kanila na makabalik sa tamang landas. Walang kahit na isang programang nagawa si Chesa upang matulungan ang mga mamamayan. Hindi ito reporma. 

Mahigit sa 60 tagapag-usig na ang umalis sa opisina ng Abugado ng Distrito. Napagsabihan na ng mga hukom ang opisina dahil sa kawalan nito ng organisasyon at hindi maayos na pagganap. Pinahihintulutan ang mararahas na kriminal, mapang-abuso sa tahanan, paulit-ulit na nagnanakaw, at nagbebenta ng droga na maglakad sa ating mga kalye nang malaya. Hindi ito ang San Francisco na alam kong mayroon tayo. Malinaw na hindi alam ni Boudin kung paano gawin ang trabaho. 

Tumulong upang magawang mas ligtas ang ating lungsod sa pamamagitan ng pagboto ng OO sa Pagre-recall kay Chesa Boudin.

Margaret O’Sullivan

Liam Frost

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Franciscans for Public Safety Supporting the Recall of Chesa Boudin.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Neighbors for a Better San Francisco Advocacy, 2. Garry Tan, 3. San Francisco Common Sense Voter Guide, Supporting the Chesa Boudin Recall.

May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Napalakas na ni Chesa Boudin ang loob ng mga kriminal at nailagay na niya sa panganib ang mga komunidad. Maramihan na ang pagbibitiw ng kanyang pinakamayroong karanasan na taga-usig, at may imbestigador na tumestigong pinilit siya ng mga kawani ni Boudin na huwag magsiwalat ng ebidensiya, at sinasabi ng mga biktima ng karahasan laban sa mga Asyano na binigyan niya sila ng maling paniniwala upang matiyak ang mas magagaang sentensiya para sa mga umatake sa kanila. Makasasang-ayon ang lahat ng taga-San Francisco: Nararapat sa atin ang DA na tapat, may kakayahan, at seryoso ang pagturing sa krimen. Bumoto ng OO.

San Francisco Republican Party (Partido Republikano ng San Francisco)

John Dennis

Rich Worner

Lisa Remmer

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Republican Party.

Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon H

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon H

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Mahigpit na tinutulan ng ACLU ng Northern California ang pagre-recall kay Abugado ng Distrito Chesa Boudin, na inaatake ang progresibong mga polisiyang naglalayon na magkaloob ng pampublikong kaligtasan, mabawasan ang mga pagkakakulong, at mapanagot ang pulisya.  

Sinusuportahan ng ACLU ng Northern California ang mga solusyon para sa pampublikong kaligtasan na naaayon sa mga kalayaang sibil at karapatang sibil. Tinatanggap namin na nakararamdam ng pagkabigo at galit ang mga residente nang dahil sa krimen, pero iwinawaksi namin ang palagay na nangangahulugan ang pagpapanatiling ligtas sa publiko ng pagsusuko sa ating mga pinahahalagahan. Hindi wastong pagpili ito.  

Hinihikayat namin ang mga taga-San Francisco na bumoto ng Hindi sa Proposisyon H.  

Sinusuportahan ng ACLU ang mga polisiya ukol sa pampublikong kaligtasan na ipinatutupad ng D.A., kung saan pinananagot ang mga indibidwal at binabawasan ang pagkakakulong ng kabataan at mga nasa sapat na gulang,tulad ng pagwawakas sa pagbibigay ng cash na piyansa, pagpapalawak sa mahihigpit na mga diversion program (programa sa pagbibigay ng pagkakataon sa unang pagkakasala), pagtanggi sa pagsasakdal sa mga bata bilang nasa sapat na gulang, at paglikha ng independiyenteng Innocence Commission (Komisyon para sa Pagrerepaso ng mga Kaso Matapos ang Paghahatol) upang mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang nasentensiyahan nang hindi tama.  

Binigyan ng prayoridad at isinakdal ni Boudin ang mga pagpaslang at seksuwal na pag-atake.  Sinuportahan niya ang mga nakaligtas sa karahasan sa tahanan at seksuwal na pag-atake sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga serbisyo at paglalantad sa kahindik-hindik na paggamit ng SFPD ng DNA mula sa mga rape kit upang matukoy ang mga nakaligtas bilang mga pinaghihinalaan sa walang kinalaman na mga kasong kriminal. 

Bagamat nagkaroon ng malakas na oposisyon mula sa makapangyarihang unyon ng mga pulis sa San Francisco, naisakdal na ni Boudin ang mararahas na pulis na lumabag sa batas, kasama na ang pagsasampa ng kauna-unahang kaso ng pagpaslang laban sa naka-duty na pulis ng SFPD.  

Ngayon, sinasamantala ng unyon ng mga pulis at mayayamang kaalyado nito ang pangamba sa krimen ng mga residente at nang mahinto ang mga reporma. 

Hindi magiging mas ligtas ang San Francisco sa pamamagitan ng paggawang krimen sa kahirapan at adiksiyon at sa pagpuno sa mga bilangguan. Sa halip na ibalik ang bigong mga polisiya, nagpatupad si Boudin ng mga gumaganang solusyon para sa pampublikong kaligtasan: paghahandog ng pagpapayo o paggamot sa pang-aabuso sa droga kung naaangkop, pagkakaloob ng mas maraming serbisyo para sa mga biktima, at pagpapanagot sa mga may-kapangyarihan. 

Bilang kandidato, nangako si Chesa Boudin na magsasagawa ng mga reporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas. Bilang abugado ng distrito, tinupad niya ang pangakong ito. Bumoto ng Hindi sa Proposisyon H. 

ACLU of Northern California 

www.aclunc.org/norecall 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Komiteng Sumasalungat sa Pag-rerecall kay Chesa Boudin ng American Civil Liberties Union of Northern California  (Amerikanong Unyon para sa mga Kalayaang Sibil ng Hilagang California)

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): American Civil Liberties Union of Northern California.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Hinihikayat kayo ng Sierra Club na Bumoto ng Hindi sa Proposisyon H. 

Inendoso namin si Chesa Boudin para sa pagka-Abugado ng Distrito noong 2019 upang maghatid ng integridad at kahusayan sa Office of the District Attorney, kasama na ang pagpapanagot sa mga may kapangyarihan. Ginawa niya ang eksaktong bagay na kanyang ipinangako. Masigasig niyang isinakdal ang gumawa ng krimen, pinanagot ang mga korporasyon sa pagnanakaw ng sahod, kinasuhan ang mga pulis na labis-labis na gumamit ng dahas (unang pagkakataon sa malapit na kasaysayan ng Lungsod) at agresibong tinugunan ang mga krimeng bunsod ng pagkasuklam.

Bumoto ng Hindi sa Proposisyon H

Sierra Club

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Sierra Club.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Sinusuportahan ni Chesa Boudin ang mga AAPI na Biktima ng Krimen

Napalawak na nang halos 500% ni Chesa Boudin ang mga nag-aadbokasiya para sa mga biktimang nagsasalita ng Cantonese. Siya ang KAUNA-UNAHANG Abugado ng Distrito na nagkaloob ng mga serbisyo ng pagsasalin sa hukuman para sa mga biktima. Nakapag-empleyo na siya ng KAUNA-UNAHANG mga nag-aadbokasiya para sa mga biktima upang maglingkod sa mga biktima ng krimen laban sa pag-aari. Isinasakdal niya ang mga krimeng bunsod ng pagkasuklam. 

Kailangan nating patuloy na sumulong. BUMOTO ng HINDI sa Proposisyon H. 

Phil Ting, Miyembro ng Asembleya ng California 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall. 

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Nagsasabi ang mga Lider ng Komunidad ng mga Tsino ng HINDI sa Proposisyon H. 

Tinututulan namin ang pagre-recall dahil pinalawak ni Chesa Boudin ang mga serbisyo para sa mga biktima, nagdagdag ng bagong mga nag-aadbokasiya para sa nagsasalita ng Cantonese, nagsakdal ng mga krimeng bunsod ng pagkasuklam, at nakipagtrabaho sa amin upang maprotektahan ang bulnerableng matatanda at maliliit na negosyo. 

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon H

Connie Chan, Superbisor sa Distrito 1

Dating Presidente ng Board of Supervisors Norman Yee*

Sandra Lee Fewer, Dating Superbisor sa Lupon

Janice Li, Direktor sa Lupon ng BART 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Protektahan ang mga Karapatang Sibil, Bumoto ng HINDI sa Proposisyon H

Sumasang-ayon ang mga AAPI na lider para sa mga karapatang sibil na kailangan nating tutulan ang pagre-recall upang maprotektahan ang ating mga karapatan. Sa ilalim ni Abugado ng Distrito Boudin, may lider ang San Francisco na tumitindig para sa karapatang sibil ng lahat – hindi lamang ang sa mayayaman at makapangyarihan. Bumoto para sa mga karapatang sibil sa pamamagitan ng pagboto ng HINDI sa Proposisyon H.

Henry Der

Ling Chi Wang

Bill Ong Hing

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Binibigyan ng Maling Paniniwala ng mga Recall ang mga Botante. 

Ginagawa ni Chesa Boudin ang eksaktong plano na ipinangako niya sa mga botante. Gusto ng mga sumusuporta sa pagre-recall na tanggalin ang Abugado ng Distrito na ibinoto natin at masabotahe ang ating karapatan na pumili ng kapalit ng Abugado ng Distrito. Ang mga botante ang dapat pumili ng DA! Pinahihina ang ating demokrasya ng mga sumusuporta sa recall.  Karapat-dapat tayo sa pagkakaroon ng kabukasan sa pagsisiyasat at patas na eleksyon. Bumoto ng HINDI sa Proposisyon H.

Rose Pak Democratic Club (Rose Pak na Samahang Demokratiko)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

TINUTUTULAN NG SAN FRANCISCO DEMOCRATIC PARTY ANG RECALL. BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON H

Tinutugunan na ng Abugado ng Distrito ang ugat na sanhi ng krimen sa pamamagitan ng pagdidiin sa kalusugan ng isip at paggamot sa adiksiyon, pagtatanggal sa mga baril na nasa kalye, at pagpaparami ng mga pagsasakdal sa pinakamabibigat na krimen na tulad ng pagpaslang at panggagahasa. Nagtrabaho siya upang maipasara ang hindi ligtas sa lindol na County Jail (Bilangguan ng County) #4, at binawasan ang maramihang pagpapakulong. Pinalawak niya ang mga serbisyo para sa mga biktima, kasama na ang pagdaragdag ng maraming nag-aabdokasiyang nagsasalita ng Cantonese, winakasan ang paggamit ng San Francisco ng parusang kamatayan, pinroktektahan ang mga manggagawa mula sa mapagsamantalang korporasyon, at pinapanagot ang pulisya sa maling pag-asal. 

Agad na nagsimula ang mga pag-atake kay Chesa Boudin noong nanungkulan siya: sinisi siya para sa mga kabiguan ng sistema sa mga kaso kung saan nagbibintang ng kapabayaan ang mga indibidwal hanggang sa kabaligtaran nito ang naipakita ng mga rekord ng DA; sa pamamagitan ng mga balita sa media kung saan nagawan ng dokumentasyon ng Washington Post ang may pagkiling na pag-uulat; at sa pamamagitan ng mga bintang na si DA Boudin ang responsable sa tumaas na bilang ng krimen sa pag-aari samantalang higit na komplikado ang datos (7.8% ang pagtaas sa mas mayayamang komunidad kung ihahambing sa 15% pagbaba sa mga lugar kung saan mababa ang kita). Ang mga pag-atakeng ito ay ganti laban sa mga reporma sa sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas at sinusundan nito ang mga paghiling para sa racial justice (walang kinikilingang pagtrato sa lahat ng lahi) at reporma sa pulisya:

Nagawa na ni DA Boudin na:

Wakasan ang paggamit ng cash na piyansa

Magtayo ng independiyenteng Innocence Commission

Mabawasan nang malaki ang populasyon sa mga kulungan

Mapababa ng dalawa sa tatlong bahagi o two thirds ang pagkakakulong ng mga menor de edad

Makalikha, sa unang pagkakataon, ng mga posisyon para sa pag-aadbokasiya sa mga biktima, at nang masuportahan ang mga biktima ng krimen sa pag-aari, kasama na ang mga may-ari ng tahanan at negosyanteng nakararanas ng paninira sa harapan ng mga tindahan

Malabanan ang organisadong pagnanakaw sa mga tindahan sa pamamagitan ng pakikipagkoalisyon sa iba pang tagapag-usig sa Bay Area at sa Pangkalahatang Abugado ng Estado Rob Bonta

Magtuon ng Katuwang na Abugado ng Lungsod upang masakdal ang mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam

Lumikha ng Worker Protection Unit (Pangkat para sa Pagbibigay ng Proteksiyon sa mga Manggagawa) na humantong sa paghahain ng mga aksiyon na magbibigay ng proteksiyon sa mga empleyado laban sa DoorDash at Handy nang dahil sa maling pagbibigay ng klasipikasyon sa mga manggagawa

Nakataya sa eleksyon na ito ang mga pagsusumikap ni DA Boudin na ireporma ang hindi makatarungang sistema ng pagpapatupad at pagpapanagot sa batas at maisakatuparan ang mga pinahahalagahan ng ating lungsod. 

BUMOTO NG HINDI SA PROPOSISYON H

San Francisco Democratic Party

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

TINUTUTULAN NG MGA UNYON SA PAGGAWA ANG PAGRE-RECALL

Natupad ng Abugado ng Distrito ang kanyang mga pangako sa kampanya na pantay-pantay na papanaguttin ang lahat sa batas, at makipaglaban para sa sistema ng hustisya kung saan may higit na katarungan sa pagkakapantay-pantay, habang ginagawang mas ligtas ang publiko. 

- Lumikha siya ng inobatibong Economic Crimes Unit (Pangkat para sa mga Pang-ekonomiyang Krimen) at nang maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa. 

- Isinakdal niya ang mga korporasyon para sa pagbibigay ng maling klasipikasyon sa mga manggagawa at pagnanakaw ng sahod. 

- Pinatuunan niya sa Katuwang na Abugado ng Distrito ang pagsasakdal ng mga krimeng ibinubunsod ng pagkasuklam at nagdagdag ng maraming nag-aadbokasiya para sa biktima na nakapagsasalita ng iba’t ibang wika sa Opisina ng DA.

- Nagsampa siya ng makasaysayang kaso ng pagpaslang laban sa naka-duty na pulis. 

Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa itinutulak ng komunidad at nakasentro sa biktima na mga lapit sa katarungan, at sa pagharap sa pinag-uugatan ng krimen, nagawa ng DA na:

- Mabawasan ang maramihang pagkakakulong

- Mabawasan nang 75% ang pagkakakulong ng mga menor de edad

- Makipaglaban upang matanggal ang mga ghost gun (baril na walang serial number) sa ating mga kalye sa pamamagitan ng paghahabol sa mga gumagawa nito

Hindi natin mailalagay sa panganib ang mga polisiyang ito. Tumindig kasama ang SEIU Lokal 2015 at sa komunidad ng mga manggagawa sa pagboto ng “HINDI” sa Proposisyon H. 

SEIU UHW

California Nurses Association (Asosasyon ng mga Nars ng California)

United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador ng San Francisco)

American Federation of Teachers (Amerikanong Pederasyon ng mga Guro) Lokal 2121 

International Longshore & Warehouse Union (Pandaigdigang Unyon sa mga Dalampasigan at Bodega)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

MGA RETIRADONG HUKOM NA LABAN SA PAGRE-RECALL

Kapag pinagsama-sama ay mayroon kaming mahigit sa 250 taon na karanasan sa paghuhukom.  Naniniwala kami na kailangang bigyan ang Abugado ng Distrito ng buong termino upang maipakita kung paano makikinabang sa kanyang mga programa ang lungsod, ang kaligtasan, at ang mga tagapagpatupad ng batas. Walang katwiran ang Recall na ito at dapat iwaksi ng mga botante. 

Bumoto ng HINDI sa Proposisyon H

Kagalang-galang Ellen Chaitin, Retirado

Kagalang-galang William Cahill, Retirado

Kagalang-galangJohn Dearman, Retirado

Kagalang-galang David Garcia, Retirado

Kagalang-galang Martha Goldin, Retirado

Kagalang-galang Tomar Mason, Retirado

Kagalang-galang Kevin McCarthy, Retirado

Kagalang-galang James Robertson, Retirado

Kagalang-galang Julie Tang, Retirado

Kagalang-galang Daniel Weinstein, Retirado

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

TINUTUTULAN NG MGA ORGANISASYONG PANGKOMUNIDAD ANG PAGRE-RECALL

Ginagamit ng konserbatibong mga grupo ang recall na ito upang talikuran ang mga polisiyang hindi nila sinasang-ayunan, at hindi upang higit na magkaroon ng kaligtasan ang publiko.  Nangako ang Abugado ng Distrito na si Chesa Boudin ng reporma sa mga taga-San Francisco at naihatid niya sa ito sa pamamagitan ng: 

- Paglikha ng Innocence Commission upang marepaso ang mga kaso na mali ang pagsesentensiya

- Pagprotekta sa karapatan ng mga manggagawa at pagnanakaw ng sahod

- Pagwawakas sa paggamit ng cash na piyansa

- Pagbabawas sa maramihang pagkakakulong

- Pagkakaroon na higit na pananagutan ng pulisya sa mga pamamaril at paggamit ng dahas 

Tinitiyak ni Abugado ng Distrito Boudin na magkakaroon ang makapangyarihang mga grupo -- tulad ng Police Officers Association (Asosasyon ng mga Pulis), mga gumagawa ng baril, at korporasyong gig-economy (kumukuha ng pansamantalang paggawa) -- ng pananagutan.  Ngayon, sinusuportahan ng ilan sa grupong ito, na gustong iwasan ang pagkakaroon ng pananagutan, ang recall na ito, na ang pinakamalaking nagbibigay ng pondo ay mga Republikano.

Bumoto ng ‘HINDI’ sa Proposisyon H

San Francisco Rising Action Fund (Pondo para sa Pagtaas ng Aksiyon sa San Francisco)

Harvey Milk LGBT Democratic Club (Harvey Milk na Samahang Demokratiko)

Smart Justice California

Latinx Democratic Club (Latinx na Samahang Demokratiko)

Richmond District Democratic Club (Samahang Demokratiko ng Richmond District)

San Francisco Berniecrats

Working Families Party of California (Partido ng Nagtatrabahong mga Pamilya ng California)

District 11 Democratic Club (Samahang Demokratiko ng Distrito 11)

Bernal Heights Democratic Club (Samahang Demokratiko ng Bernal Heights)

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

Mga May-ari ng Maliliit na Negosyo na Tutol sa Proposisyon H

Kailangang ang mga botante ang magpasya kung sino ang kakatawan sa kanila. 

Bilang mga may-ari ng maliliit na negosyo, naiintindihan namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boses sa paggawa ng mga desisyon. Kapag naipasa ang Proposisyon H, hindi na magkakaroon ng bahagi ang mga botante sa pagpapasya kung sino ang kanilang magiging susunod na Abugado ng Distrito. Sa regular na eleksyon, naisasaalang-alang ng mga botante ang mga ideya at rekord ng bawat kandidato. 

Samahan kami at bumoto ng Hindi sa Proposisyon H.

David Heller, May-ari ng Maliit na Negosyo 

Chinese Medicine Works

Divisadero Merchants Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa Divisadero)

Charlie's Cafe

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

May Bayad na Argumento na LABAN sa Proposisyon H

MGA KOMISYONER NG PULISYA NA TUMUTUTOL SA PAGRE-RECALL

Mas ligtas ang ating lungsod kung inuugat natin at tinutugunan ang kawalang katarungan at ilegal na mga aktibidad ng departamento ng pulisya. Naipakita na ni Chesa Boudin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng independiyenteng Abugado ng Lungsod nang ilantad niya at wakasan ang gawain na paggamit ng DNA ng mga nakaligtas sa panggagahasa laban sa kanila sa mga sumusunod na kaso.

Panatilihin ang pagkakaroon ng independiyenteng Abugado ng Distrito. Bumoto ng Hindi sa Proposisyon H.

Bill Hing, Dating Komisyoner ng Pulisya 

John Hamasaki, Komisyoner ng Pulisya 

Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Friends of Chesa Boudin Opposing the Recall.

Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Christian Larsen, 2. Service Employees International Union Lokal 1021 Kandidatong PAC, 3. Jessica McKellar.

Ang mga argumento ay opinyon ng mga awtor at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga argumento ayon sa pagkakasumite. Hindi iwinasto ang maling spelling o grammar.
  • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
    • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
    • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
    • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Pagiging Maaasahan ng Muni at Kaligtasan sa mga Kalye
    • Proposisyon B: Building Inspection Commission (Komisyon sa Pag-iinspeksiyon ng mga Gusali)
    • Proposisyon C: Iskedyul ng mga Gawain para sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) at Pagtatalaga para sa Nabakanteng mga Katungkulan
    • Proposisyon D: Office of Victim and Witness Rights (Opisina para sa mga Karapatan ng mga Biktima at Saksi); Serbisyo Legal para sa mga Biktima ng Karahasan sa Tahanan
    • Proposisyon E: Behested Payments (Perang Hinihiling ng Pampublikong Opisyal para sa Layuning Lehislatibo, para sa Gobyerno, o Pangkawanggawa)
    • Proposisyon F: Pangongolekta at Pagtatapon sa Basura
    • Proposisyon G: Pagliban nang Dahil sa Emergency sa Pampublikong Kalusugan
    • Proposisyon H: Panukala ukol sa Recall (Pagpapaalis sa Katungkulan) ni Chesa Boudin

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota