May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Sinusuportahan ng San Francisco Parks Organizations (Mga Organisasyon ng mga Parke ng San Francisco) ang Proposisyon J
Pinoprotektahan at pinananatili ng Proposisyon J ang pampublikong bukas na espasyo sa itinatanging Golden Gate Park ng San Francisco.
Napakahalagang protektahan ang ligtas at bukas na espasyo sa pinakamalaking parke ng ating lungsod. Karapat-dapat ang bawat taga-San Francisco na magkaroon ng napupuntahang mga espasyo upang makapaglakad, magpagulong, tumakbo, mag-iskuter, magbisikleta, at maglaro nang napaliligiran ng kalikasan. Napakahalaga ng ligtas at katuwa-tuwang espasyo sa parke para sa kalusugan at kagalingan, kagandahan, at kasiglahan ng ating lungsod.
Nabigyang-sigla na muli ang parke ng JFK Promenade, at mayroong mahigit sa 3.5 milyon na taunang pagbisita upang matamasa ang oasis na ito na nasa pinakasentro ng lungsod.
Binibigyang-seguridad at isinusulong ng Proposisyon J ang pag-unlad ng halos dalawang taon ng pagtatrabaho sa Golden Gate Park Access and Safety Program (Programa para sa Paggamit at Kaligtasan sa Golden Gate Park), na nagtiyak na mananatiling napupuntahan ang parke ng lahat sa pamamagitan ng 365 araw sa isang taon na libreng serbisyo ng shuttle, bagong paradahang lote na nakatuon sa mga indibidwal na may kapansanan, at dose-dosenang iba pang pagpapahusay sa paggamit upang malugod na matanggap ang lahat sa parke, sinuman sila, o paano man sila nakarating doon.
Ang pagboto ng “OO” sa Proposisyon J ay pagboto para sa mas ligtas at mas napupuntahan na bukas na espasyo ng parke para sa lahat.
California State Parks Foundation
San Francisco Bay Chapter ng Sierra Club
San Francisco League of Conservation Voters
Greenbelt Alliance
Livable City
Friends of the Urban Forest
Friends of Great Highway Park
Community Spaces SF
Phil Ginsburg, Pangkalahatang Tagapamahala ng Recreation and Park Department
David Miles Jr, Church of 8 Wheels
Mark Buell, Presidente, Recreation and Park Commission
Kat Anderson, Bise President, Recreation and Park Commission
Joseph M. Hallisy, Recreation and Park Commission
Vanita Louie, Recreation and Park Commission
Jean Fraser
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Nagsasabi ang San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco) ng OO sa Proposisyon J
Naging kuwento na ng tagumpay ang JFK Promenade. Mayroong 70% suporta sa sarbey ng lungsod at 36% pagtaas ng pagbisita sa Golden Gate Park, at gustong-gusto ng mga taga-San Francisco na mayroon silang ligtas at bukas na espasyo upang makapaglakad, magpagulong, mag-jogging, mag-iskating, magbisikleta, at magrelaks kapiling ng mga puno.
Tinitiyak ng Proposisyon J na para sa lahat ang Golden Gate Park, na mapupuntahan anumang paraan ang gusto ninyong gamitin sa pagpunta sa parke. Tinitiyak ng may 21-puntos na accessibility program (programa para sa paggamit) na maaaring matamasa ng lahat ang ating parke, kasama na ang bagong-bago na paradahang lote para sa mga ADA na nasa sentro ng parke, ang libre at kumbenyenteng serbisyo ng shuttle sa JFK Promenade nang pitong araw sa isang linggo, at ang pinaghusay na koneksiyon sa Muni. Para sa mga nagmamaneho, mayroon pa ring mahigit sa 5,000 na paradahang espasyo sa loob ng parke at 18 kalye upang makapagmaneho papunta sa parke.
Tinutulungan ng Proposisyon J ang ating lungsod na umunlad, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ligtas na kanlungan sa pinakasentro ng lungsod —at nagtamo na ito ng papuri mula sa pambansang mga mamamayahag at lahat ng lokal na pamilya, matatanda, nagja-jogging, at iba pang taga-San Francisco na gumagamit nito araw-araw.
Samahan ang mga Demokrata ng San Francisco sa pagboto ng OO sa Proposisyon J at nang mapanatili ang kaligtasan at paggamit sa ating parke.
San Francisco Democratic Party
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Bago ang pandemya, nasa High Injury Network (kung saan mataas ang pinsala) ng San Francisco ang JFK Drive, na ang ibig sabihin, isa ito sa nasa pinaka-nasa-itaas na 13% ng pinakamapanganib na kalye - na sanhi ng kamatayan para sa mga bata, matatanda, indibidwal na may kapansanan, tumatakbo, naglalakad, at mga indibdiwal na nag-iiskuter at nagbibisikleta. Ngayon, isa na itong ligtas at nagagamit ng lahat na espayo na nakatutuwaan nang walang pag-aalala.
Karaniwan nang tuwing 14 oras, may kung sino man na dinadala sa San Francisco General Hospital nang may mga pinsalang natamo nang dahil sa banggaan sa trapiko. Hindi nabubuhay ang ilan sa biktimang ito; humigit-kumulang 30 katao ang namamatay sa mga banggaan sa trapiko taon-taon sa San Francisco. Mga naglalakad ang mayorya sa mga biktima, at kalahati sa mga ito ang nakatatandang nasa sapat na gulang.
Bilang lungsod, kailangan natin ng ligtas na mga espasyo para sa lahat ng indibdiwal na iba’t iba ang kakayahan at abilidad, at kung saan walang banta ng mapanganib na trapiko. Napatunayan na ng daan-daang libong indibidwal na gumagamit sa JFK Promenade buwan-buwan ang pangangailangan para sa mahalagang espasyo sa ating lungsod kung saan walang sasakyan.
Ang pagkuha sa ligtas na espasyong ito ay seryosong paurong na hakbang mula sa kaligtasan. Lahat ng lungsod na nasa unahan ng landas sa pagbabawas ng malalala at nakamamatay na pagkapinsala nang dahil sa trapiko sa buong mundo ay may malalaking espasyo kung saan walang sasakyan. Pakiboto ang OO sa Proposisyon J upang maprotektahan ang ligtas na espasyo para sa mga mamamayan sa ating pinakamalaking parke sa lungsod.
Walk SF
SF Bicycle Coalition
Vision Zero Network
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Sa ngalan ng maraming matatanda at mga indibidwal na may kapansanan na gumagamit at nagmamahal sa ligtas at napupuntahang espasyo sa Golden Gate Park, hinihikayat namin kayong bumoto ng OO sa Proposisyon J.
Para sa maraming matatanda at indibidwal na may kapansanan, may pakiramdam ang pagpunta sa iba’t ibang lugar sa San Francisco na para bang isinusugal natin ang ating mga buhay. Alam natin na tayo ang mga indibidwal na pinaka-nasa-panganib sa ating lungsod na mabundol o mapatay, nang dahil sa simpleng pagtawid sa kalye. Marami sa atin ang hindi nagmamaneho o nagmamay-ari ng kotse. At sabihin na lamang natin na hindi naman talaga nakakarelaks ang paggamit ng wheelchair, ng scooter para sa pagpunta sa kung saan-saan, o ng walker sa karamihan sa mga bangketa.
Gayon pa man, sa loob ng nakaraang dalawa at kalahating taon, nagkaroon na tayo ng oasis ng kaligtasan upang maging aktibo at konektado, nang may pakiramdam na bahagi tayo ng komunidad. Ang 1.5 milya ng bukas na espasyo sa JFK Promenade, kung saan walang trapiko, ang lugar kung saan maaari tayong maging tunay na ligtas. At lalo pang nagiging mas mabuti ang espasyong ito, dahil nagdaragdag ang lungsod ng mga pagpapahusay sa paggamit sa lahat ng panahon, tulad ng dramatiko nang napaghusay na libreng serbisyo ng shuttle at mga bangko, dagdag pa ang malaki at bagong ADA na paradahang lote para sa mga kailangang magmaneho.
Mangyaring huwag kunin ang ligtas na espasyong ito mula sa aming matatanda at mga indibidwal na may kapansanan at bumoto ng OO sa Proposisyon J upang mapanatiling ligtas at nagagamit ng lahat ang Golden Gate Park.
Pinirmahan nina Carol Brownson, Ruth Malone, at Tina Martin sa ngalan ng matatanda at mga indibidwal na may kapansanan, bilang pagsuporta sa JFK Promenade
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Ang Proposisyon J — na Ligtas at Napupuntahang mga Parke para sa Lahat — ay nagkakaloob sa lahat ng taga-San Francisco na bumibisita sa ating mga parke ng:
• Kaligtasan, sa pamamagitan ng pagbabagong-anyo sa isa sa pinakamapanganib na kalye ng lungsod tungo sa pagiging ligtas na lugar para sa matatanda, mga indibidwal na may kapansanan, mga naglalakad, nagja-jogging, at mga indibdiwal na nag-iiskuter at nagbibisikleta.
• Paggamit, kung saan tinitiyak na malugod na tinatanggap ang lahat sa pamamagitan ng pagpapatupad ng 21-puntos na programa sa paggamit, pagdaragdag ng mga paradahang espasyo na nagagamit ng ADA, pagpapahusay ng serbisyo ng Muni papunta sa parke, at paghahandog ng libreng serbisyo ng shuttle pitong araw sa isang linggo sa JFK Promenade. Dahil may mahigit 5,000 na paradahang espasyo sa Golden Gate Park, underground na paradahan sa ilalim ng Music Concourse, at 18 magkakaibang daanan na bukas upang makapagmaneho papunta/palabas ng parke, may espasyo para sa lahat na pinipiling magmaneho.
• Pampublikong Bukas na Espasyo para sa Lahat, na may malugod na tumatanggap na JFK Promenade na naghahandog ng protektadong oasis sa parke upang masuportahan ang kalusugan, kagalingan, at kasiglahan ng ating lungsod.
Panatilihin natin ang narating na kompromiso matapos ang halos dalawang taon na pag-aaral at pagdedebate ng publiko. Dahil mayroon nang mahigit 70% pag-apruba at 36% pagdami ng bisita, naging kuwento na ng tagumpay sa San Francisco ang JFK Promenade. Samahan kami sa pagboto ng OO sa Proposisyon J.
Senador Scott Wiener
Miyembro ng Asembleya Matt Haney
Tagatasa -Tagatala Joaquin Torres
Direktor ng BART Bevan Dufty
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Bilang mga propesyonal na pangangalaga ng kalusugan, mahigpit naming sinusuportahan ang permanenteng JFK Promenade bilang kritikal na bahagi ng pampublikong imprastruktura sa kalusugan.
Maraming tomo na ng medikal na pananaliksik at ng pananaliksik sa pampublikong kalusugan ang nakapagpatunay sa koneksiyon sa pagitan ng panahon na ginugugol sa labas ng gusali at sa kalusugan ng isip at katawan. Kahit na sampung minuto ng aktibidad sa isang araw ay nakapagpapahaba na sa buhay ng indibidwal. Sinusuportahan ng paglalakad ang kalusugan ng utak at ang memorya. Ang pisikal na aktibidad at panahon sa labas ng gusali ay mga kilos at gawi na pang-iwas sa depresyon.
Nagkakaloob ang JFK Promenade sa mga indibidwal na iba’t iba ang edad at kakayahan ng mga oportunidad para sa ligtas na paglilibang at aktibong transportasyon — at malalaking panterapiyang benepisyo. Daan-daang libong indibidwal ang gumagamit nito buwan-buwan, at lalaki pang lalo ang paggamit at ang kahalagahan nito para sa ating kalusugan.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malaking espasyong nakatuon sa mga mamamayan, ipinagpapatuloy ng ating lungsod ang ikinararangal na tradisyon ng pamumuno sa medisina at pampublikong kalusugan. Iyan ang dahilan kung bakit bilang mga propesyonal sa kalusugan, ay hinihikayat namin kayong BUMOTO NG OO para sa Proposisyon J.
San Francisco Marin Medical Society
Susan George, MD
Vincent Tamariz, MD
Christian Rose, MD
Rebecca Cordes, RN
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Samahan kami sa pagboto ng OO sa Proposisyon J para sa Ligtas at Napupuntahang mga Parke para sa Lahat.
Wala sa proporsiyong nagiging mga biktima ng karahasan ng trapiko ang mga indibidwal na may kulay; kailangan ng bawat taga-San Francisco ng ligtas at bukas na espasyo sa ating mga parke. Upang matamo ang katarungan sa pagkakapantay-pantay, kailangang maramdaman ng lahat na tunay silang malugod na tinatanggap sa lahat ng parke ng lungsod, at hindi ito usapin lamang ng pagmamaneho sa isang kalye.
Piliin man ng mga pamilya na maglakad, magparolyo, sumakay ng Muni, o magmaneho papunta sa Golden Gate Park, tinitiyak ng Proposisyon J na may lugar para sa kanila, na may libo-libo na paradahang espasyo sa loob ng parke, bagong ADA na magagamit ng may kapansanan na paradahang lote, pinaghusay na serbisyo ng MUNI, at libreng serbisyo ng shuttle na tumatakbo araw-araw nang paakyat at pababa ng JFK Promenade.
Pinoprotektahan ng Proposisyon J ang halos dalawang taon ng pagtatrabaho sa Golden Gate Park Access and Safety Program, kung saan pinalahok ang mahigit sa 10,000 taga-San Francisco sa mga komunidad sa kabuuan ng lungsod, upang lumikha ng parke na gumagana para sa lahat. Dahil mayroon itong mahigit sa 70% ng suporta ng mga indibidwal na nasarbey na mahigpit na humihiling ng permanenteng JFK Promenade, panahon na upang aprubahan ang napakapopular, ligtas, at mapayapang pampublikong espasyo na ito para sa lahat ng taga-San Francisco.
Bumoto ng “OO” sa Proposisyon J
Mayor London Breed
David Miles Jr, Church of 8 Wheels
Honey Mahogany, Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party
Keith Baraka, Ikalawa na Pangalawang Tagapangulo ng San Francisco Democratic Party
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
OO sa Prop J: Hindi Maaaring Mali ang 36% Pagtaas ng mga Bisita sa Parke
Nakaboto na ang mga taga-San Francisco gamit ang kanilang mga paa, at mahal nila ang JFK promenade. Tumaas na nang 36% ang pagbisita sa Golden Gate Park, kung saan mahigit sa 3.5 milyon ang taunang biyahe papunta sa promenade.
Pinananatili ng Proposisyon J ang napagkasunduan ng karamihan, na narating matapos ang maraming taon ng pag-abot sa nakararami at ng komprehensibong pampublikong proseso upang makalikha ng Golden Gate Park na malugod na tumatanggap sa lahat.
Sa pamamagitan ng nakabasag na sa mga rekord na pagpunta sa Botanical Garden, alam natin na dumarating ang mga bisita mula sa lahat ng bahagi ng San Francisco, at higit pa, upang matamasa ang JFK hanggang sa Promenade at ang mga pangkulturang institusyon ng parke. Napakahalaga ng maunlad na Golden Gate Park para sa pang-ekonomiyang kagalingan at kalusugan ng ating lungsod. Bumoto ng OO sa Proposisyon J upang mapanatili ang pagpapalakas na ito sa kalusugan at kagalingan ng ating komunidad.
Tinitiyak ng bago at libreng shuttle ng parke na mayroong nagagamit na mga koneksiyon araw-araw sa pagitan ng mga paradahang lote, Muni, hintuan ng sasakyan, mga hardin at museo ng parke, at mga lokal na negosyo ng komunidad.
Kinakatawan ng Golden Gate Park Access and Safety Program ang resulta ng halos dalawang taon na malawakang pag-abot sa mas nakakarami sa publiko at pagpapahusay sa paggamit ng lahat, at nang matiyak na malugod na tinatanggap ng parke ang lahat. Naglalakad man, nagbibisikleta, sumasakay sa Muni, o nagmamaneho papuntang parke ang sinuman, tinitiyak ng Proposisyon J na may espasyo ang Golden Gate Park upang malugod silang tanggapin.
Samahan kami sa pagboto ng OO sa Proposisyon J upang mapanatili ang umuunlad na Golden Gate Park.
Stephanie Linder, Punong Ehekutibong Opisyal, Gardens of Golden Gate Park
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Iboto ang Prop J upang mapanatili ang JFK Promenade na ligtas, popular, at mabuti para sa klimang espasyo para sa lahat. Habang lumilikha tayo ng MAS MARAMING TAHANAN, kailangang magkaloob tayo ng MAS MARAMING PARAAN upang makapunta ang mga mamamayan sa iba’t ibang lugar nang ligtas, episyente, at may kamalayan sa kapaligiran. Nagkakaloob ang JFK Promenade ng ligtas na silangan-kanluran na koridor para sa pagbibiyahe nang naglalakad o nagbibisikleta, para makisalumaha sa ibang tao, at makapaglaro: ginagamit ito ng 14,000 indibidwal na naglalakad, nagbibisikleta, at nagpapagulong sa karaniwang araw! Nagdagdag na ang lungsod ng 29 na bagong paradahan na espasyo para sa may kapansanan at bagong shuttle para sa parke upang matiyak na magagamit ng lahat ang Golden Gate Park. Nakasasalba ng buhay ang JFK Promenade: mas kaunting indibidwal ang nakaranas ng seryosong pinsala mula sa mga banggaan sa JFK Promenade, kung kaya’t nakatutulong ito pang maging MAS LIGTAS ngayon kaysa anumang panahon ang Golden Gate Park.
Ang JFK Promenade ang lugar upang mapanatili sa mabuting kondisyon ang kalusugan, makadalo sa masayang pagtitipon, at mahayaang maglaro ang mga bata—o ligtas na matuto kung paano magbisikleta o mag-roller skate sa unang pagkakataon. Pananatilihin ng Prop J ang espasyong ito.
Samahan ang 70% ng mga residenteng sinusuportahan ang JFK Promenade at bumoto ng OO sa Prop J.
YIMBY Action
GrowSF
Housing Action Coalition
SF YIMBY
Streets for People
Mga Nangangalaga sa Kapaligiran sa Lungsodd
Southside Forward
Northern Neighbors
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Nasa sangandaan na ang San Francisco. Marami nang manggagawa ang umalis sa Downtown at nakapaligid na mga komunidad habang nakita natin na biglaang dumami nang lubos ang mga pumupunta sa mga destinasyong tulad ng JFK Promenade at Great Highway.
Nakasalalay ang kinabukasan ng San Francisco sa malikhain na muling paggamit ng mga espasyong tulad ng JFK Promenade. Kailangan natin ng mas maraming espasyong tulad ng JFK Promenade, hindi ng mas kaunti. Tumaas na nang 36% ang pagbisita sa parke sa panahong bago ang pandemya, at inaprubahan ng 70% ng nasarbey na mga indibidwal ang pagkakaroon ng permanenteng JFK Promenade.
Bagamat nagdulot ng malaking hirap ang pandemyang COVID-10, nabigyan tayo ng mga pagtugon ng komunidad at ng gobyerno sa emergency ng mga leksiyon ukol sa katatagan at kakayahang magpabago-bago ng mga lungsod, kung kaya’t napagkalooban tayo ng bibihirang pagkakataon upang muling mapag-aralan kung paano tayo napaglilingkuran ng mga kalye.
Mahal ng mga taga-San Francisco ang JFK Promenade. Mangyaring bumoto ng OO sa Proposisyon J.
SPUR
Green Apple Books
Sharky Laguna, Presidente ng Small Business Commission
Ben Bleiman, Tagapagtatag, SF Bar Owners Alliance
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Bumoto ng Oo sa Proposisyon J upang mapanatiling ligtas at napupuntahan ang Golden Gate Park.
Bilang mga kapitbahay ng Golden Gate Park, alam namin na naghahandog ang JFK Promenade ng masisilungan mula sa ingay, trapiko, at banta sa ating kaligtasan mula sa mapanganib na pagmamaneho sa iba pang lugar ng lungsod. Bago ang JFK Promenade, ang matandang lumalabas para maglakad-lakad sa gabi, o ang pamilyang nagbibisikleta ay mas malamang na mapatay o mapinsala sa JFK Drive sa Golden Gate Park kaysa sa halos 90% ng mga kalye ng lungsod. Ngayon, maaari nang masiyahan ang lahat sa parke nang mapayapa.
Regular nang ginagamit ng aming mga pamilya ang JFK Promenade at pakiramdam namin ay mas ligtas na kami. Sa loob ng nakaraang dalawang taon, nagawa na ng mga pagpapahusay sa parke na mas ligtas at mas napupuntahan ang parke kaysa sa anumang panahon sa nakaraan.
Permanenteng ibibigay sa atin ng Prop J ang mga pakinabang na ito at titiyakin na matatamasa ito ng lahat — hindi lamang ng mga nakabibisita sa parke sa limitadong mga oras. Panatilihin natin ang JFK Park bilang protektadong bukas na espasyo na tunay na ligtas at nagagamit ng lahat.
Bumoto ng OO sa Prop J.
Dave Alexander, Pamilya sa Richmond
Grow the Richmond
Lower Haight Merchants + Neighbors Association
Hayes Valley Neighborhood Association
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Bumoto ng Oo sa Proposisyon J upang mapanatiling ligtas at napupuntahan ng lahat ang Golden Gate Park.
Alam namin na nasa peligro ang mga indibdwal na naglalakad sa San Francisco nang dahil sa mapanganib na trapiko. Daan-daang indibidwal ang nabubunggo at napipinsala taon-taon habag naglalakad, at may ilang hindi nakaliligtas. Marami sa kanila ang ating matatanda at Asyanong mga indibidwal.
Iyan ang dahilan kung bakit pinahahalagahan ang ligtas na espasyo na walang trapiko ng mga sasakyan sa JFK Drive sa Golden Gate Park. Sa lungsod kung saan napakaraming mapanganib na kalye, may lugar na ngayon kung saan maaari nang maglakad nang walang pangamba ang mga indibidwal, anuman ang edad. Mabuti ito para sa kalusugan at kaligtasan ng lahat ng mamamayan, pero lalo na sa matatanda.
Pakiboto ang OO sa Proposisyon J upang maprotektahan ang ligtas na espasyo para sa matatanda at sa lahat.
Brian Quan, Presidente, Chinese American Democratic Club
Rodney Fong, Presidente, San Francisco Chamber of Commerce
Mike Chen, Tagapangulo, SFMTA Citizens' Advisory Council
Vanita Louie, Recreation and Park Commission
Jenny Lam, Presidente ng San Francisco Board of Education
Cyn Wang, Komisyoner ng Entertainment
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J
Sinusuportahan ng mga Lider na LGBTQ ang Proposisyon J dahil mahalaga ito sa pagprotekta sa JFK Promenade: ang ligtas at napupuntahang bukas na espasyo para sa lahat sa sentro ng Golden Gate Park.
Piliin man ng mga bisita na maglakad, magpagulong, magbisikleta, sumakay ng Muni, o magmaneho papunta sa parke, titiyakin ng Prop J na may lugar para sa lahat. Isa sa pinakamapanganib na kalye noon sa San Francisco ang JFK Promenade; ngayon, isa na ito sa pinakaligtas at masayang espasyo na para sa kasiyahan ng lahat. Para sa mga pinipiling magmaneho, mayroon pa ring mahigit sa 5,000 na paradahang espasyo sa loob ng parke at libre na pang-araw-araw na serbisyo ng shuttle sa may JFK Promenade.
Kritikal na espasyo ng komunidad para sa San Francisco ang ligtas at napupuntahang mga parke. Samahan kami sa pagprotekta sa parke at sa pagpapanatili sa napagkasunduan ng marami, na naabot matapos ang halos dalawang taon ng pag-abot sa mas nakararami at pag-aaral: Bumoto ng Oo sa Proposisyon J.
Gary McCoy, Kasamang Tagapangulo ng Alice B Toklas LGBTQ Democratic Club
Harvey Milk LGBT Democratic Club
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Iligtas ang John F. Kennedy Promenade.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Emmett Shear, 2. Zack Rosen, 3. Kid Safe SF.
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon J