Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
Ang Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco
Inihahanda ng Departamento ng mga Eleksyon ng San Francisco ang Voter Information Pamphlet (VIP, o Pamplet ng Impormasyon para sa Botante) bago ang bawat eleksyon at ibinibigay ito sa bawat rehistradong botante ayon sa hinihiling ng batas.
Nilalaman ng pamplet na ito ang impormasyon tungkol sa pagboto para sa Nobyembre 8 na eleksyon, mga kandidato, at mga lokal na panukalang-batas sa balota. Kung nais ninyong makita ang inyong halimbawang balota, mangyaring tingnan ang Ingles na bersiyon ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante na ipinadala sa inyo.
Makukuha rin online ang pamplet na ito sa mga format na PDF, HTML, o XML sa sfelections.org/vip. Makakukuha ng bersiyon na malaki ang pagkaka-imprenta kung hihilingin, tumawag lamang sa (415) 554-4310.
Ang Gabay na Impormasyon para sa Botante ng California
Binibigay ng Kalihim ng Estado ng California (California Secretary of State, SOS) ang Voter Information Guide (VIG, o Gabay na Impormasyon para sa Botante), na may impormasyon tungkol sa mga kandidato sa pambuong-estado at pampederal na katungkulan at mga pambuong-estado na panukalang-batas sa balota. Maaari ninyong makuha ang gabay sa voterguide.sos.ca.gov.
Nais ba ninyong makatipid ng papel? Alinsunod sa batas sa eleksyon, kailangang padalhan ng mga opisyal ng eleksyon ang lahat ng rehistradong botante ng naka-imprentang kopya ng pamplet, maliban na lang ang mga tumangging mapadalhan ng naka-imprentang kopya at ginusto ang elektronikong pagpapadala. Para piliin o tanggihan ang pagpapadala sa koreo ng naka-imprentang kopya ng pamplet, mangyaring pumunta sa sfelections.org/voterportal o tumawag sa (415) 554-4310.