Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon
Nobyembre 8, 2022

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Español
  • Filipino
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Pangkalahatang Buod ukol sa Opisyal na mga Mapagkukunan ng Impormasyon ng Botante
      • Ang Ballot Simplification Committee
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • Maaaring Nagbago na ang Inyong Pinagbobotohang Distrito!
      • Bagong Mapa ng mga Superbisoryal na Distrito
      • Mga Opsiyon sa Pagboto
      • Mga Opisyal na Kahon na Hulugan ng Balota sa San Francisco
      • Volunteer! Be a Poll Worker!
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Tulungan kaming kumalap ng impormasyon para sa mga susunod na election outreach sa San Francisco!
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo: Tulong sa wikang Filipino
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Balota para sa Nobyembre 8, 2022 na Eleksyon
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Madalas Itanong ukol sa Pagpaparehistro at Pagboto sa San Francisco
      • Impormasyon Ukol sa mga Ipinagbabawal na Gawain sa Eleksyon
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mahalagang Paalala!
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Hanapin ang Kinaroroonan ng inyong Botohan at ang Halimbawang Balota Ninyo
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Impormasyon ng Kandidato
      • Mga Limit sa Boluntaryong Gastos
      • Mga Pag-Endoso ng Partido sa mga Kandidato
      • Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Eleksyon ng California
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 15
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 8
    • Kandidato para sa Assessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala)
    • Mga Kandidato para sa Abugado ng Distrito
    • Mga Kandidato para sa Public Defender (Pampublikong Tagapagtanggol)
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 2
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 4
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 6
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 8
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 10
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      • Proposisyon A: Karagdagang Pera para sa Retirado upang Umayon sa Halaga ng Pamumuhay; Kontrata ng Retirement Board sa Ehekutibong Direktor
      • Proposisyon B: Public Works Department and Commission, Sanitation and Streets Department and Commission
      • Proposisyon C: Homelessness Oversight Commission
      • Proposisyon D: Abot-kayang Pabahay – Inisyatibang Petisyon
      • Proposisyon E: Abot-kayang Pabahay – Board of Supervisors
      • Proposisyon F: Pondo para sa Preserbasyon ng Aklatan
      • Proposisyon G: Pondo para sa Tagumpay ng Estudyante – Tulong-Pinansiyal sa San Francisco Unified School District
      • Proposisyon H: Mga Eleksyon sa Lungsod sa mga Taon na May Bilang na Even
      • Proposisyon I: Mga Sasakyan sa JFK Drive sa Golden Gate Park at sa Great Highway
      • Proposisyon J: Panlibangang Paggamit sa JFK Drive sa Golden Gate Park
      • Proposisyon K: Inalis ang Proposisyon K sa balota ayon sa utos ng Korte Superyor ng San Francisco.
      • Proposisyon L: Sales Tax para sa mga Proyekto sa Transportasyon
      • Proposisyon M: Buwis para sa Pagpapanatiling Bakante ng Residensiyal na mga Unit
      • Proposisyon N: Pasilidad para sa Underground na Paradahan sa Golden Gate Park; Golden Gate Park Concourse Authority
      • Proposisyon O: Karagdagang Parcel Tax para sa City College

You are here

  1. Bahay ›
  2. Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota ›

Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco

Ano ang Bond Financing (Pamumuhunan sa Pamamagitan ng mga Bond)? 

Ang bond financing ay isang uri ng pangmatagalang-panahon na pangungutang na ginagamit para makalikom ng pera para sa mga proyekto, na binabayaran na agad at ibinabalik sa mga investor o namumuhunan sa loob ng mas mahabang panahon. Tumatanggap ng pera ang Lungsod sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga bond sa mga namumuhunan. Kailangang bayaran ng Lungsod ang halagang inutang at ang tubo sa mga namumuhunang iyon. Ang perang nalikom mula sa pagbebenta ng mga bond ay ginagamit na pambayad para sa malalaking capital project (mga proyektong pangmatagalan na nakatuon sa mga ari-arian) tulad ng mga estasyon ng mga bombero at pulis, programa ng abot-kayang pabahay, ospital, aklatan, parke, at iba pang pasilidad ng lungsod. Ginagamit ng Lungsod ang bond financing sapagkat tatagal ang mga capital project na ito nang maraming taon at kailangang bayaran sa loob ng takdang panahon ng mga residente ng San Francisco na makikinabang din sa pagdaan ng panahon nang dahil sa mga pagpapahusay na kaugnay ng mga proyektong ito. Bukod rito, mahirap bayaran nang isang bagsakan ang malalaking dolyar na gastos ng mga proyektong ito. 

Mga Uri ng Bond. Mayroong dalawang pangunahing uri ng bond – General Obligation at Revenue.

Ang mga General Obligation Bond (Bond para sa Pangkalahatang Obligasyon) ay ginagamit na pambayad sa mga proyektong nakabubuti sa mga mamamayan ngunit hindi kumikita (halimbawa, hindi itinatayo ang mga estasyon ng pulis o ang mga parke na may kakayahang mismong magbayad sa mga pagkakautang sa sarili nila). Kapag naaprubahan at napagbili ang mga general obligation bond, mga buwis sa ari-arian ang ipinambabayad sa mga ito. Kailangang aprubado ang mga general obligation bond na ilalabas ng Lungsod ng two-thirds (dalawang-katlo) ng mga botante.

Ang mga Revenue Bond (Bond na Kumikita) ay ginagamit na pambayad sa mga proyekto tulad ng mahahalagang pagpapahusay sa isang paliparan, sistema ng patubig, garahe o iba pang malalaking pasilidad na kumikita. Kapag naaprubahan at naipagbili ang mga revenue bond, ang mga ipinambabayad sa mga ito ay karaniwang mula sa mga kinita ng mga proyektong pinamuhunan ng bond, halimbawa, mga singil sa paggamit o singil sa paradahan. Dapat aprubahan ang mga revenue bond ng Lungsod ng boto ng mayorya. Walang revenue bond sa balotang ito. 

Magkano ang Nagagasta sa Pag-utang?

Nakabatay ang gastos ng Lungsod sa pag-utang ng pera sa kabuuang halagang inutang, halaga ng tubo sa utang, at bilang ng mga taon kung kailan mababayaran ang utang. Karaniwang binabayaran ang mga utang ng Lungsod sa loob ng 20 hanggang 30 taon. Ipagpalagay nang ang karaniwang halaga ng tubo ay 6%, ang magagasta para mabayaran ang utang sa loob ng 20 taon ay humigit-kumulang na $1.74 para sa bawat dolyar na inutang — $1 para sa halagang inutang at 74 sentimos para sa tubo. Gayon pa man, unti-unti ang pagbabayad nito sa loob ng 20 taon. Kung gayon, pinabababa ng inflation ang tunay na gastos ng pangungutang dahil mas murang dolyar ang gagamiting pambayad sa hinaharap. Ipagpalagay nang ang taunang halaga ng inflation ay 4%, ang magagasta para mabayaran ang utang sa dolyar ngayon ay humigit-kumulang na $1.18 para sa bawat $1 na inutang.

Ang Kasalukuyang Sitwasyon ng Pagkakautang ng Lungsod

Mga Bayad sa Utang. Sa piskal na taong 2021–2022, magbabayad ang mga nagbabayad ng buwis sa mga ari-arian sa Lungsod ng humigit-kumulang na $579 milyon ng prinsipal at tubo para sa hindi pa nababayarang mga bond ng Lungsod at para sa iba pang naglabas ng mga general obligation bond debt (utang na bond para sa pangkalahatang obligasyon), (ang mga ito ang San Francisco Community College District, San Francisco Unified School District at Bay Area Rapid Transit District). Ang netong halaga ng buwis sa ari-arian para sa taon upang makasunod sa mga itinatakda para sa utang at sa utang na para sa espesyal na pondo ay tinataya na magiging 18.25 sentimo kada $100 ng tinatayang halaga, o $1,082 sa bahay na natasang $600,000, na sumasalamin sa eksempsiyong $7,000 ng may-ari ng bahay.

Legal na Limitasyon sa Pag-utang. Ipinag-uutos ng Tsarter ng Lungsod na magkaroon ng limitasyon sa halaga ng mga general obligation bond na hindi pa nababayaran ng Lungsod sa anumang takdang panahon. Ang limitasyong ito ay 3% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian sa Lungsod — o sa kasalukuyan, humigit-kumulang na $9.86 bilyon. Ang mga botante ang nagbibigay sa Lungsod ng awtorisasyon na maglabas ng mga bond. Itinuturing ang mga bond na nailabas na at hindi pa nababayaran na hindi pa bayad. Noong Hulyo 1, 2022, mayroong $2.63 bilyon na hindi pa bayad na mga general obligation bond, na katumbas ng 0.80% ng natasang halaga ng mga nabubuwisang ari-arian. Mayroon pang karagdagang $1.50 bilyon na mga bond na nabigyan na ng awtorisasyon ngunit hindi pa inilalabas. Kung inilabas ang mga bond na ito at hindi pa nababayaran, ang pasaning kabuuang halaga ng utang ay 1.25% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian. Hindi nakadaragdag sa halaga ng pasaning utang ng Lungsod ang mga bond na inilabas ng San Francisco Community College District, San Francisco Unified School District, at ng Bay Area Rapid Transit District (BART) bilang layon sa mga limitasyong itinatakda ng Tsarter, ngunit ang mga buwis sa ari-arian (tingnan ang Matipid na Pamamahala ng Utang na nasa ibaba) ang ipinambabayad sa mga ito. Bahagi ng kasalukuyang patakaran ng Lungsod sa pamamahala ng utang ang pagpapanatili sa halaga ng buwis sa ari-arian mula sa mga general obligation bond ng Lungsod, na mas mababa sa halaga nito noong 2006, sa pamamagitan ng paglalabas ng mga bagong bond habang iniuurong na sa sirkulasyon ang mga luma, at tumataas ang batayang buwis, bagamat posibleng magbago-bago ang pangkalahatang halaga ng buwis sa ari-arian batay sa iba pang factors o salik. Ipinatutupad ang polisiyang ito sa mga bond ng Lungsod at ng County pero hindi sa iba pang gobyerno, tulad ng San Francisco Unified School District, San Francisco City College District, o BART.

Matipid na Pamamahala ng Utang. Kahit na alinsunod sa legal na limitasyon para sa mga utang ang ginawang pagpapalabas ng Lungsod sa mga general obligation bond, mayroon pang ibang paghahambing sa utang na ginagamit ang bond rating agencies (mga ahensiyang nag-uuri ng bond) kapag tinitingnan nila ang kalusugan sa pinansiya ng Lungsod. Tinitingnan ng ganitong mga ahensiya ang maraming uri ng lokal at rehiyonal na utang na nakasalalay sa pinagbabatayan ng buwis ng Lungsod, at kasama rito ang ating mga general obligation bond, mga lease revenue bond (mga bond na ginagarantiyahan ng bayad sa upa sa pasilidad kung saan namuhunan ang bond), certificates of participation (uri ng pamumuhunan kung saan binibili ng namumuhunan ang bahagi ng kita mula sa upa sa halip na ang bond na ginagarantiyahan ng mga kitang iyon), mga special assessment bond (espesyal na uri ng bond na nagpopondo sa proyekto ng development na binabayaran ng mga buwis na ipinapataw sa komunidad na nakikinabang sa proyekto), mga bond ng BART at ng distrito ng paaralan at ng community college o kolehiyo ng komunidad. Ang “direct debt ratio (proporsiyon ng utang kung ihahambing sa mga pag-aari),” na isinasama ang direct debt (kabuuang halaga ng mga general obligation bond), at ang iba pang pangmatagalang-panahon na obligasyon at hindi isinasama ang mga special assessment bond, mga bond ng BART at ng distritong pampaaralan at distrito ng community college, ay katumbas ng 1.25% ng natasang halaga ng nabubuwisang ari-arian. Itinuturing ng mga bond rating agencies ang direct debt ratio na ito na pasaning utang na “katamtaman (moderate)” kung ikukumpara sa laki ng pinagbabatayan ng buwis sa San Francisco para sa mga ari-arian. Bagamat nakapaloob ang ratio na ito sa mga katulad na pamantayan, kailangang patuloy na magtakda ang Lungsod ng mga prayoridad para sa paglalabas ng mga utang sa hinaharap, at nang patuloy na mapanatili ang magagandang credit rating, na pananda ng mabuting kalusugan sa pananalapi. 

Pangangasiwa ng Mamamayan sa mga General Obligation Bond

Kailangang aprubahan ng mga botante ang layunin at ang halaga ng perang uutangin sa pamamagitan ng mga bond. Ang perang galing sa bond ay maaaring gastusin para sa mga layunin lamang na inaprubahan ng mga botante. 

Para sa mga general obligation bond na ipinalalabas ng Lungsod at County ng San Francisco, sinusuri at iniuulat ng Citizens’ General Obligation Bond Oversight Committee (Komite ng Mga Mamamayang Tagapangasiwa ng General Obligation Bond) kung paano ginagasta ang perang galing sa bond. Ang siyam na miyembro ng Komite ay hinihirang ng Mayor, Lupon ng mga Superbisor, Controller (Tagapamahala ng Pinansiya), at Civil Grand Jury. Kapag natuklasan ng Komite na ginasta ang perang galing sa bond para sa mga layuning hindi pinagtibay ng mga botante, maaaring mag-utos ang Komite ng aksiyon ng pagwawasto at ipagbawal ang pagbebenta ng anumang awtorisado ngunit hindi pa ipinalalabas na mga bond, hanggang sa maisagawa ang natukoy na aksiyon. Maaaring ipawalang-bisa ng Lupon ng mga Superbisor ang mga desisyon ng komite sa pamamagitan ng two-thirds na boto. Maaaring i-audit ng Controller ang anumang pinagkagastusan ng Lungsod ng perang galing sa bond.

Inihanda ni Ben Rosenfield, Controller (Tagapamahala ng Pinansiya)

  • Impormasyon tungkol sa mga Lokal na Panukalang-batas na nasa Balota at mga Argumento
    • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
    • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
    • Proposisyon A: Karagdagang Pera para sa Retirado upang Umayon sa Halaga ng Pamumuhay; Kontrata ng Retirement Board sa Ehekutibong Direktor
    • Proposisyon B: Public Works Department and Commission, Sanitation and Streets Department and Commission
    • Proposisyon C: Homelessness Oversight Commission
    • Proposisyon D: Abot-kayang Pabahay – Inisyatibang Petisyon
    • Proposisyon E: Abot-kayang Pabahay – Board of Supervisors
    • Proposisyon F: Pondo para sa Preserbasyon ng Aklatan
    • Proposisyon G: Pondo para sa Tagumpay ng Estudyante – Tulong-Pinansiyal sa San Francisco Unified School District
    • Proposisyon H: Mga Eleksyon sa Lungsod sa mga Taon na May Bilang na Even
    • Proposisyon I: Mga Sasakyan sa JFK Drive sa Golden Gate Park at sa Great Highway
    • Proposisyon J: Panlibangang Paggamit sa JFK Drive sa Golden Gate Park
    • Proposisyon K: Inalis ang Proposisyon K sa balota ayon sa utos ng Korte Superyor ng San Francisco.
    • Proposisyon L: Sales Tax para sa mga Proyekto sa Transportasyon
    • Proposisyon M: Buwis para sa Pagpapanatiling Bakante ng Residensiyal na mga Unit
    • Proposisyon N: Pasilidad para sa Underground na Paradahan sa Golden Gate Park; Golden Gate Park Concourse Authority
    • Proposisyon O: Karagdagang Parcel Tax para sa City College

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota