May Bayad na Argumento ng May-Panukala na PABOR sa Proposisyon C
Kaiba sa mga Demokrata at Republikano, mahigpit na sinusuportahan ng Libertarian Party (Partido Libertaryo) ang karapatan ng mga tao na malayang pumunta mula sa isang bansa tungo sa isa pa, at makatanggap ng pantay na pagturing ng batas, saan man sila nagmula, at itinuturing man silang “mamamayan” o hindi ng isang bansa.
Ang citizenship o pagiging mamamayan ay isa na namang hindi kinakailangang programa ng Big Government (gobyernong labis na nanghihimasok sa buhay ng mga mamamayan) na nagpapahintulot sa mga may kapangyarihan na pagbuwag-buwagin at kontrolin ang mga tao at humuthot ng pera mula sa kanila.
Itinatakda sa mga non-citizen o hindi mamamayan ng San Francisco na magbayad ng buwis na tulad ng lahat ng iba pang residente. Ang pagpigil sa lubos nilang partisipasyon sa politika ay katulad na rin ng pagbubuwis nang walang representasyon, na isa sa mga tinutulang gawain, kung kaya’t ipinaglaban ang Amerikanong Rebolusyon.
Kung ipagpapalagay na nagmumula lamang ang pagiging lehitimo ng gobyerno sa pahintulot ng mga pinamahahalaan at sa pagpapatibay sa mga karapatang pantao at karapatang sibil nang walang diskriminasyon, hindi dapat pahintulutan ang mga batas ng gobyerno na magsagawa ng diskriminasyon batay sa mga batayang katangiang tulad ng lahi, kasarian, seksuwal na oryentasyon, o pinagmulang bansa.
Umuunlad ang San Francisco nang dahil sa mga kakayahan at perspektiba ng populasyong diverse o may pagkakaiba-iba. Palayain natin mula sa mga balakid ang potensiyal ng lahat!
Ikinararangal ng mga Libertaryan na tumindig nang kasama ang mga migranteng komunidad sa pagsuporta sa Proposisyon C.
Libertarian Party of San Francisco (Partido Libertaryan ng San Francisco)
www.LPSF.org
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Libertarian Party of San Francisco.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Scott Banister, 2. David Jeffries, 3. Tim Carico.
May Bayad na Argumento ng May-Panukala na PABOR sa Proposisyon C
MGA LATINO: 15% de San Francisco. 8% de Comisionados - VOTA Sí en C
Sa mg panahong ito ng COVID-10, nakararanas ang komunidad na Latinx ng pinakamataas na porsiyento ng pagkakahawa sa sakit sa San Francisco. Bagamat natatanggihan ng tulong ng pederal na gobyerno at ng unemployment (tinatanggap na pera ng nawalan ng trabaho mula sa estado), hawak din namin ang isa sa pinakamabababang porsiyento ng serbisyo sa mga Lupon at Komisyon na tumutulong sa paggabay kung paano naihahatid ang mga kritikal na serbisyo.
Panahon na upang mapalawak ang pagiging kuwalipikadong maglingkod sa mga lupon at komisyon para sa LAHAT ng taga-San Francisco. Nakapagtakda na ang Batas ng Senado 225, na pinirmahan na upang maging batas ni Gobernador Gavin Newsom nitong nakaraang taon, ng mapamamarisan para sa Proposisyon na ito. Gagawan ng pagbabago ng Prop C ang tsarter ng San Francisco upang magtugma ito sa kasalukuyang batas ng estado.
Pakisamahan kami sa pagboto ng OO sa Proposisyon C upang mabigyan ang lahat ng taga-San Francisco ng upuan sa hapag!
San Francisco Latino Democratic Club (Samahang Demokratiko ng mga Latino ng San Francisco)
San Francisco Young Democrats (Latinx na Kabataang Demokrata ng San Francisco)
Chicano Latino Caucus (Pulong ng mga Chicano Latino), California Democratic Party (Partido Demokratiko ng California)
La Raza Community Resource Center (Sentro para sa Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Komunidad ng La Raza)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Latino Democratic Club.
May Bayad na Argumento ng May-Panukala na PABOR sa Proposisyon C
OO sa Prop C: Pagkakasama para sa LGBTQ+ na Imigrante
17% ng mga taga-San Francisco na nasa edad na ng pagboto ay may identidad na LGBTQ+ habang 35% naman ang isinilang sa ibang bansa. Palalawakin ng Prop C ang hanay ng mga kuwalipikadong taga-San Francisco na maaaring maglingkod sa mga komisyon ng lungsod, kasama na ang mga LGBTQ+ na imigrante na malaki na ang naimbag sa queer na kultura at kasaysayan ng San Francisco. Makapagbibigay ang Prop C sa mga LGBTQ+ na imigrante ng plataporma para sa sibikong pakikilahok at pag-aadbokasiya para sa komunidad sa panahon ng pandaigdigang krisis nang dahil sa pandemya at krisis sa ekonomiya, na wala sa proporsiyong nagsantabi na sa mga komunidad ng mga imigrante at queer na indibidwal.
OO sa Prop C: Pinalalawak ang Pagkakasama ng Identidad Batay sa Kasarian at Seksuwal na Oryentasyon
Binabago ng Prop C ang wika ng Tsarter ng San Francisco upang makasama ang diverse o may pagkakaiba-ibang seksuwal na oryentasyon at identidad batay sa kasarian. Sinusuportahan ang pag-OO sa C ng LGBTQ+ na nonprofit tulad ng Asylum Connect at ng Parivar, upang matiyak na magkakaroon ang bawat miyembro ng komunidad na LGBTQ+, anuman ang katayuan sa imigrasyon, ng pamamaraan magkaroon ng equitable o may katarungan sa pagkakapantay-pantay na representasyon sa politika. Panahon na upang makapaglingkod ang mga LGBTQ+ na mamamayang naghahangad nito, sa mga komisyon, mag-adbokasiya para sa may katarungan sa pagkakapantay-pantay na mga polisiya at serbisyo para sa lahat ng taga-San Francisco, at matiyak na sinasalamin ng mga komisyon ang diversity o pagkakaiba-iba at ang mga interes ng LGBTQ+ na komunidad.
LGBT Asylum Project (LGBT na Proyekto para sa Asilo)
GLBT Historical Society (GLBT na Samahan para sa Kasaysayan)
Harvey Milk LGBTQ Democratic Club (Harvey Milk LGBTQ na Samahang Demokratiko)
Alice B. Toklas LGBT Democratic Club (Alice B. Toklas LGBTQ na Samahang Demokratiko)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Okan Sengun.
May Bayad na Argumento ng May-Panukala na PABOR sa Proposisyon C
OO sa Prop C: Pagkakasama ng Kababaihan
Ang pagpapalawak ng maaaring maging kuwalipikado para makasama ang lahat ng taga-San Francisco sa paglilingkod sa mga komisyon ay lilikha ng mas maraming oportunidad upang mas maraming kababaihan ang makalahok sa sibikong gawain. Sa pamamagitan ng pagkakaloob sa LAHAT ng kuwalipikadong taga-San Francisco ng pagkakataon na makapaglingkod, titindig nang balikat-sa-balikat ang San Francisco sa lahat ng residente at titiyakin na maririnig ang kanilang natatanging mga boses at perspektiba sa mga usaping kaugnay ng kanilang kalusugan, kagalingan, at kaligtasan.
Pakisamahan ang Mga Kababaihang Lider sa pagboto ng OO sa Proposisyon C upang mabigyan ang lahat ng taga-San Francisco ng upuan sa hapag!
Myrna Melgar
Frances Hsieh
Tracy Brown
Jen Low
Sunny Angulo
Natalie Gee
Bivett Brackett
Shanell Williams
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Latino Democratic Club.
May Bayad na Argumento ng May-Panukala na PABOR sa Proposisyon C
NAGSASABI ANG MGA MANGGAGAWA at NAGTATRABAHONG MGA PAMILYA NG - Bumoto ng Oo sa C
Hanggang sa 35% na ng ating Lungsod ang ipinanganak sa ibang bansa. Bumubuo ang mga taong may kulay ng 62% ng populasyon ng San Francisco. Sa mga nagtatrabahong pamilya, mas matataas pa ang mga porsiyentong ito. Nagdedesisyon ang mga komisyoner kung paano naglalaan ang mga departamento ng Lungsod ng mga rekurso at serbisyo habang pinananagot ang mga tagapamahala.
Naging pinakamataas ang pagkakaroon ng mga komisyoner na may kulay nang maging hanggang sa 57% ito noong 2015 at humantong sa 49% noong 2019, na nangangahulugang paurong ang pagkakaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay at representasyon sa kritikal na panahon sa ating kasaysayan ng katarungang panlipunan. Gagawin ng Prop C na kuwalipikado ang hanggang sa 1/3 ng ating populasyon para sa paglilingkod sa lahat ng lupon at komisyon.
Mahalaga ang representasyon. Nagrerepaso ang mga komisyon ng badyet, nagtatakda ng polisiya, at nagtatalaga ng pinakamatataas na tagapamahala na siyang gumagawa ng mga desisyon sa pag-eempleyo. Kung paanong kailangang kinakatawan ng mga pangkat na ito ang hanay ng mga nagtatrabaho, kailangan ding kinakatawan ng mga ito ang ating Lungsod.
PAGHUSAYIN ANG MGA SERBISYO SA GOBYERNO at ang PAGIGING MAKATARUNGAN - Bumoto ng Oo sa C
Longshore Warehouse Workers Union (Unyon sa mga Dalampasigan at Bodega), Lokal 10
Conny Ford, OPEIU
Christopher Christensen, ILWU
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Latino Democratic Club.
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon C