Pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall
Upang maprotektahan ang kalusugan ng mga botante na nagnanais na makakuha ng mga serbisyo sa pagboto nang personal sa 29 araw na panahon ng maagang botohan, itatayo sa labas ng Bill Graham Civic Auditorium sa 99 Grove Street, na nasa pagitan ng mga kalye ng Polk at Larkin, ang Sentro ng Botohan sa City Hall.
Ang panlabas na Sentro ng Botohan sa City Hall ay magbibigay ng mga serbisyo para sa lahat ng residente ng Lungsod na nagnanais na kunin o ihulog ang kanilang mga balotang vote-by-mail, magparehistro upang makaboto (bago o sa deadline ng rehistrasyon), gumamit ng aksesibleng kagamitan sa pagboto, makatanggap ng personal na tulong mula sa mga kawani ng eleksyon, kumuha ng mga pamalit na balota, o bumoto nang personal.
Ang Sentro ng Botohan sa City Hall ay bukas:
• Lunes hanggang Biyernes, Oktubre 5–Nobyembre 2, mula 8 a.m. hanggang 5 p.m.
• Sabado at Linggo, Oktubre 24–25 at Oktubre 31–Nobyembre 1, mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.
• Araw ng Eleksyon, Martes, Nobyembre 3 mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.