Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Inaatasan ng bagong batas ng estado ang mga opisyal ng eleksyon ng California na magpadala sa koreo ng mga balota sa lahat ng rehistradong botante sa darating na eleksyon.
Matatanggap ninyo ang inyong pakete ng balotang vote-by-mail sa Oktubre. Maglalaman ito ng opisyal na balota, nakalakip na instruksiyon, pambalik na sobre na bayad na ang selyo, at “Bumoto Ako!” na sticker.
Pinahihintulutan ng bagong batas ng estado na gumamit ng remote accessible na sistemang vote-by-mail ang lahat ng botante. Nagpapahintulot ang sistemang AVBM sa mga botante na markahan ang mga balotang nababasa sa screen at akma ito sa mga personal na aparatong may teknolohiyang nakatutulong, tulad ng screen reader, head-pointer at sip-and-puff. Simula Oktubre 5, maaari nang ma-access ng mga botante ang sistemang AVBM sa sfelections.org/access.
Tatlong Madaling Hakbang Upang Makaboto sa Pamamagitan ng Koreo
Kung boboto kayo sa regular na paraan gamit ang balotang vote-by-mail o sa pamamagitan ng accessible na sistemang vote-by-mail, ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay mayroong tatlong pangunahing hakbang: 1) pagmamarka ng inyong balota, 2) paghahanda sa inyong pambalik na sobre, at 3) pagbabalik ng inyong sobre sa takdang panahon.
Regular na Vote-by-Mail (VBM) |
Accessible na Vote-by-Mail (AVBM) |
|
Hakbang 1: Markahan ang inyong balota |
Punan ang mga oval sa tabi ng inyong mga napili gamit ang matingkad na asul o itim na panulat, alinsunod sa mga instruksiyong naka-imprenta sa bawat kard ng balota. Huwag magsulat ng anupaman sa inyong balota. |
Markahan, suriin, at i-print ang inyong balota alinsunod sa mga instruksiyon para sa AVBM na nasa screen ng inyong aparato. Huwag magsulat ng anupaman sa inyong balota. |
Hakbang 2: Ihanda ang inyong sobre |
Kompletuhin at pirmahan ang inyong pambalik na sobre. Alisin ang mga resibo mula sa mga kard ng balota, ilagay nang magkakahiwalay ang bawat nakatuping kard sa loob ng pambalik na sobre, at selyuhan ito. |
Kompletuhin at pirmahan ang inyong pambalik na sobre. Ilagay ang printout ng balotang AVBM sa loob ng sobre at selyuhan ito. |
Hakbang 3: Ibalik ang inyong balota |
Ibalik ang inyong balotang vote-by-mail sa lalong madaling panahon! • Upang ibalik ang inyong balota sa pamamagitan ng koreo, siguraduhin na ang sobre ng inyong balota ay mai-postmark bago o sa Nobyembre 3. Bayad na ang selyo ng sobre kaya’t hindi na ninyo kailangan ng selyo kung ipapadala ito sa loob ng Estados Unidos. • Upang ibalik ang inyong balota nang personal, dalhin ang inyong sobre sa alinmang drop-off station o estasyon na hulugan ng balota o saanmang lugar ng botohan sa Araw ng Eleksyon |
Bukas ang mga estasyon na hulugan ng balota sa mga sumusunod na oras:
Bill Graham Civic Auditorium, 99 Grove Street
Lunes–Biyernes, Oktubre 5–Nobyembre 2, 8 a.m.–5 p.m.
Sabado at Linggo, Oktubre 24–25 at Oktubre 31– Nobyembre 1, 10 a.m.–4 p.m.
Araw ng Eleksyon, Martes, Nobyembre 3, 7 a.m.–8 p.m.
Bayview/Linda Brooks-Burton Library, 5075 3rd Street
Chase Center, 1655 3rd Street
Excelsior Branch Library, 4400 Mission Street
Sabado at Linggo, Oktubre 31– Nobyembre 1, 10 a.m.–4 p.m.
Lunes, Nobyembre 2, 8 a.m.–5 p.m.
Araw ng Eleksyon, Martes, Nobyembre 3, 7 a.m.–8 p.m.
Mga Tip para sa Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
Suriin at sundang maigi ang instruksiyon na naka-imprenta sa bawat card ng balota. Matapos markahan ang inyong balota, i-check muli kung kayo ay nagkamali tulad ng hindi ninyo buong napunan ang oval ng inyong napili, nasobrahan ang inyong napili sa isang labanan, o nakagawa kayo ng mga hindi sinasadyang pagmamarka. Kung nagkamali kayo, maaari kayong humiling ng pamalit na balota.
Pirmahan ang inyong pambalik na sobre. Kung hindi ninyo napirmahan ang sobre o kung ang pirma ninyo sa sobre ay hindi maikumpara sa pirma sa inyong rekord bilang botante, hindi mabibilang ng Departamento ang inyong balota maliban na lang kung magbigay kayo ng karagdagang impormasyon. Kung nagbago na ang inyong pirma, mangyaring muling magparehistro gamit ang inyong bagong pirma.
Ibalik ang inyong balota sa lalong madaling panahon. Ibalik ang inyong balota nang maaga hangga’t maari, ngunit kung plano ninyong ibalik ito sa Araw ng Eleksyon, Nobyembre 3, inirerekomenda naming dalhin ninyo ito sa alinmang estasyon na hulugan ng balota o saanmang 588 na lugar ng botohan sa Lungsod, na bukas mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.
Kung ipapadala ninyo sa pamamagitan ng koreo ang inyong balota sa Araw ng Eleksyon gamit ang asul na USPS box, home letterbox o business maildrop, i-check ang mga oras ng pagpi-pick-up sa koreo. Kung ang huling pick-up ay nangyari na, ang inyong balota ay huli nang mai-popostmark at hindi na ito mabibilang.
Maaari ninyong mahanap ang lokasyon ng mga hulugan ng USPS at oras ng pag-pickup sa usps.com/locator.
Kung nais ninyong malaman ang katayuan ng inyong balota, subaybayan ito sa sfelections.org/voterportal. Ipaaalam sa inyo ng ballot tracking system (sistema sa pagsubaybay ng balota) ng San Francisco kung nasaan na ang inyong balota, mula sa pagbubuo hanggang sa paghahatid, beripikasyon, at pagbilang. Maaari din kayong mag-sign up para makatanggap ng mga notipikasyon sa email, text, o voice message ukol sa katayuan ng inyong balota sa
wheresmyballot.sos.ca.gov.
Kung kailangan ninyong humiling ng pamalit na balota, pumunta sa sfelections.org/voterportal o tumawag sa (415) 554-4310. Matapos ang Oktubre 28, kung kailan huli nang makatanggap ng pamalit na balota sa koreo, makipag-ugnayan sa Departamento sa lalong madaling panahon para suriin ang inyong mga opsiyon.