May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Mga Matatanda na para sa Pagsasama sa Lahat o Inklusyon
Ginawa nang imposible ng mga pagsasara ng kalye ang pagbisita ng matatanda sa Golden Gate Park at sa mga museo at iba pang atraksiyon nito. Bumoto ng Oo sa Prop I upang matiyak na mapupuntahan ng lahat ang JFK Drive at ang Great Highway.
Napigil na ng pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway ang sa pagpasok ng maraming matatanda, dahil umaasa ang marami sa kanila sa kotse upang makapunta sa iba’t ibang lugar. Marami ang hindi makagamit ng pampublikong transportasyon o walang daan tungo sa maaasahang pampublikong transportasyon, hindi makalakad ng mahahabang distansiya, at hindi makasakay ng bisikleta.
Napakahalaga ng Great Highway bilang madadaanan na ruta na kinakailangan ng mga tumutugon sa emergency. Ito rin ang pinakamabilis na paraan upang makarating ang matatandang beterano sa VA Hospital. Kailangan ng matatanda na manatiling bukas nang 24/7 ang Great Highway.
Sa pagsasara ng JFK Drive, natanggal na ang halos 1,000 na libreng mapaparadahang espasyo sa Golden Gate Park, kasama na ang dose-dosenang mapaparadahang espasyo para sa ADA na malapit sa pinakapopular na mga atraksiyon. Nakapipinsala ang pagbabawal sa mga kotse sa matatanda at ginagawa nitong mas lalong hindi napupuntahan ang Golden Gate Park para sa kanila. Halimbawa, imposible para sa maraming nakatatanda na taga-San Francisco na makapunta sa Dahlia Dell, Rose Garden, Conservatory of Flowers at palabas na Winter Lights kapag sarado ang daanan sa lahat ng oras. Hindi tama o makatarungan ang pagbabawal sa mga kotse.
Bagamat kritikal para sa lahat na makapunta at manatili sa labas ng mga gusali, espesyal na kinakailangan ito ng matatanda. Ipinapakita ng mga pananaliksik na nakabubuti sa kalusugan at kagalingan ng matatanda ang paggugugol ng panahon sa luntian at nasa labas ng gusali na mga espasyo. Malaking hamon na para sa matatanda na mamuhay at umunlad sa San Francisco. Marami ang nakatira sa mga apartment at umaasa sa ating mga bukas na espasyo para sa paglilibang.
Ibabalik ng Proposisyon I ang mga pamamaraan upang makapunta sa Golden Gate Park sa lahat, lalo na sa matatanda na pinakakailangan nito. Sa ngalan ng matatanda ng San Francisco, hinihikayat namin kayo na bumoto ng Oo sa I.
Anni Chung, Presidente, Self-Help for the Elderly
John L. Molinari, Dating Presidente ng Board of Supervisors Norman Yeers
Kagalang-galang na Hukom Ina Gyemant (retirado)
Older Women's League (OWL) - Political Action Committee
San Francisco Gray Panthers
Carlos Carvajal, Dating Direktor, SF Ethnic Dance Festival
Carolyn Carvajal
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee (komite na tumatanggap mula sa tunay na pinagmulan ng pondo): 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Nagsasama-sama ang mga Indibidwal na may Kapansanan upang Suportahan ang Prop I
Isa sa sampung taga-San Francisco ang may kapansanan.
Marami sa mga indibidwal na may kapansanan ang hindi nakalalakad o nakarorolyo nang malayo, mabuway kung maglakad at kailangan ng tulong, at hindi maayos ang pakiramdam kapag malamig at mahangin ang panahon. Hindi maaari ang pampublikong transportasyon para sa marami, at limitado ang pampublikong transportasyon papunta sa Golden Gate Park at sa dalampasigan. Napakaraming indibidwal na may kapansanan ang umaasa sa mga kotse.
Natanggal na ng pagsasara ng JFK Drive at iba pang daanang papunta sa parke ang halos 1,000 na libreng paradahan na espasyo sa parke, kasama na ang maraming asul na sona at espasyong nagagamit ng mga van. Naipagbawal na nito sa mga tao ang pagmamaneho sa JFK Drive at nagawa nang mahirap sa ilan, at imposible sa iba pa, na makapunta sa mahahalagang atraksiyon, kasama na ang de Young Museum, ang California Academy of Sciences, ang Dahlia Dell, ang Conservatory of Flowers, ang Rose Garden, at ang mga palabas na Winter Lights.
Hindi katanggap-tanggap ang hindi pagsasama sa mahigit 80,000 taga-San Francisco mula sa madaling pagpunta sa ating mga parke at dalampasigan, at hindi ito naaayon sa ipinagmamalaking kasaysayan ng pagiging inklusibo ng San Francisco.
Noong bukas pa ang JFK Drive, na kagaya ng nakaraan, napupuntahan ng lahat ang parke. Bumoto ng oo sa Prop I!
Howard Chabner, Nag-aadbokasiya para sa mga Karapatan ng May Kapansanan
The Arc San Francisco
Access Advisory Support Group ng Fine Arts Museums of San Francisco
Patricia Arack, Nag-aadbokasiya para sa mga May Kapansanan
Victoria Bruckner
Carlos Carvajal, Dating Direktor, SF Ethnic Dance Festival
Carolyn Carvajal
Alyse Ceirante
Muriel Parentau, Retiradong Tagapangulo, Disabled Students Programs and Services CCSF
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Boboto ang mga Pangkat sa Komunidad ng Hindi sa Prop J
Punong-puno na ng trapiko ang ating mga komunidad, kinukuha na ng mga kotse ang ating mga paradahang espasyo, at mas hindi na ligtas ang ating mga kalye.
Natanggal na ng mga pagsasara sa Golden Gate Park ang halos 1,000 na libre at pampubliko na mapaparadahang espasyo. Saan na ngayon paparada ang mga indibidwal na ito? Alam na natin, batay sa sariling karanasan, na pumaparada sila sa ating mga komunidad at sa ating mga kalye. Hindi ibig sabihin na dahil hindi na napupuntahan ang Golden Gate Park sa pamamagitan ng pribadong mga sasakyan ay tumigil na ang mga indibidwal sa pagmamaneho papunta sa parke. Nangangahulugan lamang ito na tumigil na ang mga indibidwal sa pagparada roon. Ngayon, naririto na sila sa ating mga komunidad at sa ating lokal na mga kalye. Nakapipinsala ang Prop J sa ating mga komunidad. Karapat-dapat tayo sa pagkakaroon ng ligtas na mga kalye.
Mangyaring bumoto ng hindi sa Prop J upang maibalik ang ligtas na mga kalye.
Coalition for San Francisco Neighborhoods (CSFN)
Concerned Residents of the Sunset
Konseho ng Distrito 11
East Mission Improvement Association (EMIA)
Sunset Heights Association of Responsible People (SHARP)
Save Our Amazing Richmond (SOAR)
OMI Neighbors in Action
OMI Cultural Participation Project
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusuportahan ng mga Lider ng Asyanong Komunidad ang Paggamit para sa Lahat.
Ipinagwawalang-bahala ng pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway ang mga pangangailangan ng mga residenteng Asyano. Nakapipinsala ito sa bulnerableng mga komunidad tulad ng matatanda, mga indibidwal na may kapansanan, at mga populasyon hindi nakatatanggap ng sapat na serbisyo sa kabuuan ng lungsod.
Ang mga Asyanong residente na nakatira nang malayo sa Golden Gate Park — tulad ng Chinatown, Visitacion Valley, at ng mga komunidad ng Bayview — ay lubusang hindi kabilang sa dapat sanang parke nating lahat. Nawala na sa Asyanong mga pamilya na nakatira sa pagitan ng mga Distrito ng Sunset at Richmond ang mahalagang pamamaraan na makapunta roon sa pamamagitan ng JFK Drive at ng Great Highway. Nakapipinsala na rin ang mga pagsasara sa lokal na mga negosyong pag-aari ng mga Asyano, na kailangan ang mga daanang ito para sa mga manggagawa at kostumer.
Sa katunayan, nagiging mas hindi naging ligtas ang mga nagbibisisikleta at naglalakad sa aming mga komunidad nang dahil sa pagsasara sa mga daanang ito. Nagawa nitong mapagbago ang maliliit at residensiyal na mga kalye tungo sa pagiging mga daanan kung saan napakaraming mga sasakyan at naliagay sa panganib ang mga indibidwal.
Ibabalik ng Proposisyon I ang paggamit para sa lahat sa aming komunidad.
Fiona Ma, Tesorero ng Estado ng California
Anni Chung, Presidente, Self-Help for the Elderly*
Anita Lau
Jill Yee
Quincy Yu
Lindsay Lam
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusuportahan ng Organisadong Paggawa ang Paggamit para sa Lahat.
Nahihirapan na ang nagtatrabahong mga pamilya sa San Francisco upang mapagkasya ang kinikita sa gastos, at ngayon, ginagawa pang mas mahirap ito ng lungsod nang dahil sa pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway.
Nabawasan na ng pagsasara ng JFK Drive ang mga paggamit sa Golden Gate Park para sa maraming nagtatrabahong pamilya. Naging masama ang epekto ng polisiya na walang pinahihintulutang kotse sa mga nagtatrabahong pamilya na mula sa malalayong komunidad at wala sa sentrong mga komunidad sa Bay Area. Napipigilan ng pagsasara ang kanilang kakayahan na dalhin ang mga miyembro ng pamilya at pag-aaring kagamitan, at nang masiyahan sa iba’t ibang elemento ng Golden Gate Park. Dahil sa pagtatanggal sa halos 1,000 na libreng pampubliko na mapaparadahang espasyo, mas hindi na abot-kaya ang gastos at mas hindi na napupuntahan ang parke. Nahirapan na rin nang dahil sa pagsasara ang maraming empleyado na nagtatrabaho at nagboboluntaryo sa parke habang sinusubukang isagawa ang kanilang mga tungkulin sa trabaho.
Napakahalagang daanan ang Great Highway para sa mga manggagawa sa San Francisco at sa Bay Area. Lumilikha ang pagsasara ng matinding hirap para sa mga manggagawa na umaasa sa kanilang sasakyan upang makapunta sa trabaho at makauwi.
Isinara ng lungsod ang JFK Drive at ang Great Highway sa mga kotse noong pandemya bilang pansamantalang hakbang, pero panahon na upang ibalik ang paggamit para sa lahat. Kailangan nating muling buksan ang Great Highway upang matulungan ang mga manggagawa sa kabuuan ng San Francisco at ng Bay Area. Kailangan din nating muling buksan ang JFK Drove (nang may pagsasara tuwing Linggo, holiday, at ilang Sabado), upang mapahintulutan ang pagpunta at paggamit sa Golden Gate Park nang may katarungan sa pagkakapantay-pantay.
Bumoto ng Oo sa Prop I.
San Francisco Labor Council
San Francisco Labor Council for Latin American Advancement
San Francisco Living Wage Coalition
Cynthia Inaba, edukador sa Museum
Bobbi Marshall, kawani sa Museum
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Kailangang ng mga Museo na Maging Napupuntahan ng Tao Upang Manatiling Buhay
Kailangan nating kilalanin na nakapipinsala ang pagsasara ng JFK Drive sa mga komunidad ng may kapansanan, matatanda, at pamilyang may mga musmos na anak. Negatibo rin nitong naaapektuhan ang mga pangkulturang institusyon sa loob ng Golden Gate Park, tulad ng de Young Museum.
Nagresulta na ang pagsasara ng JFK Drive at iba pang daanan sa parke ng pagtatanggal ng halos 1,000 na pampubliko na paradahang espasyo, kasama na ang daan-daang espasyo na pinakamalapit sa de Young. Kasama rito ang dose-dosenang espasyo para sa ADA, na ginagamit noon ng aming mga bisitang may kapansanan. Ang mga ito ang pinakamalapit na libreng paradahan na espasyo para sa ADA papunta sa pasukan ng de Young. Napigil na rin ng pagsasara ng daanan ang paggamit ng pasukan ng parke na nasa 8th Avenue at Fulton Drive, kung kaya’t napakahirap ng paghahatid at pagsusundo. Lumikha ang pagsasara sa JFK Drive at ang pagtatanggal sa mapaparadahang mga espasyong ito ng hirap para sa maraming bisita na sinusubukang makapunta sa de Young.
Ikinararangal ng de Young ang paghahandog ng libreng pagpasok at ng pagiging kasapi na may diskuwento sa mga indibidwal na may kapansanan. Naghahandog kami ng iba’t ibang uri ng nakaangkop na pagpoprogramang naglilingkod sa mga indibidwal na iba’t iba rin ang kapansanan; halimbawa, programa para sa mga beterano, indibidwal na may dementia, at iyong may kapansanan ang paningin. Dahil sa limitadong mga pamamaraan sa pagpunta sa museo, nahirapan na ang mga indibidwal na may kapansanan na makapunta rito, at makibahagi sa natatangi at napakahahalagang mga programa na ito.
Karapat-dapat na magkaroon ng pamamaraan ang mga nakatira sa Bayview, Mission Bay, Bernal Heights, at sa labas ng lungsod na may limitado o mahihirap na koneksiyon sa pampublikong transportasyon, upang makapunta sa mga atraksiyong ito, nang may pagkakapantay-pantay, at sa madaling paraan. Ginagawang lubos na mapaghamon ng pagtatanggal ng halos 1,000 na libreng paradahan na espasyo ang paggamit, kapwa para sa mga taga-San Francisco at sa maraming bisita ng ating lungsod. Malalim ang pinsala sa ating pangkulturang mga institusyon ng pagsasara ng JFK Drive at ng pagkawala ng napakahalagang paradahan, dahil dumaranas sila ng mabababang bilang ng mga pumupunta, at ng mahabang landas tungo sa pagbangon matapos ang pandemya.
Corporation of the Fine Arts Museums
Access Advisory Support Group ng Fine Arts Museums of San Francisco
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusuportahan ng mga Boluntaryo ng Golden Gate Park ang Prop I
Ang JFK Drive lamang ang tanging paraan upang mapuntahan ang kilala sa buong mundo na Dahlia Dell ng lungsod. Ang dahlia ang opisyal na bulaklak ng San Francisco. Nakapagkaloob na ang Dahlia Dell ng kaligayahan at pahinga sa mga taga-San Francisco at mga bisita nito sa loob ng 100 taon. Sa pagsasara ng daanan, hindi na ito madaling puntahan para sa mga matatanda at mga indibidwal na may kapansanan.
Hindi na rin kaya ng mga boluntaryong nangangalaga sa dell, na karamihan ay nasa edad 70 at 80, na mapangalagaan ang mga dahlia na gaya ng dati, kung hindi magagamit ang daanan. Mayroon kaming mabibigat na kagamitan sa paghahardin na hindi namin kayang kargahin papunta sa Dell. Dati, nakapagmamaneho kami papunta rito, pero ngayon, hindi na namin magagawa ito dahil sarado na ang daanan. Hindi na napangangalagaan ang mga dahlia ng marami sa aming boluntaryo, na gustong-gusto nilang gawin sa loob ng napakaraming taon.
Inalagaan ng aming mga boluntaryo ang mga dahlia sa loob ng mahigit 30 taon nang walang bayad. Donasyon na namin ang aming panahon, enerhiya, at mga halaman, habang nagbabahagi kami ng payo sa paghahardin sa publiko, habang sumasagot kami ng daan-daang tanong tungkol sa mga dahlia, habang ginagawa naming mas maganda ang ating Lungsod sa pamamagitan ng opisyal na bulaklak (magmula pa noong 1926) ng San Francisco. Ang hinihiling lamang namin ay ang patuloy na magawa ito at mapaglingkuran ang masigla nating komunidad na gaya nang dati.
Pag-aari ng lahat ang Dahlia Dell. Hinihikayat namin kayong suportahan ang Prop I upang magamit ng lahat ang parke.
Deborah Dietz, Naghahalaman sa Dahlia Dell*
Margaret Ziman, Miyembro ng Dahlia*
Nicholas Gaeusler, Boluntaryo sa Dahlia*
Patricia Hunter, Miyembro ng Lupon ng Dahlia*
Aubrey Kaiser, Boluntaryo ng Dahlia*
Shelley Marks, Boluntaryo ng Dahlia*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusportahan ng The Arc San Francisco ang Prop I
Ang The Arc San Francisco ay nonprofit na organisasyong nakapaglingkod na sa mga indibidwal na may kapansanang developmental sa San Francisco sa loob ng mahigit 70 taon. Sa pamamagitan ng aming mga programa, nakatutulong kami sa paghahanap ng trabaho para sa mga indibidwal na may autismo, Down syndrome, at iba pang kapansanan. Nagtatrabaho ang marami sa aming mga kliyente sa Golden Gate Park, kasama na ang Conservatory of Flowers at ang California Academy of Sciences.
Napigilan na ng pagsasara ng JFK Drive ang marami sa aming mga kliyente sa pagbisita at sa pagtatrabaho sa Golden Gate Park. Sa pagsasara ng mga daanan, naging imposible nang makarating sa maraming destinasyon na matatagpuan sa JFK Drive, lalo na sa Conservatory of Flowers. Napilitan ang marami sa aming mga kliyente na wakasan ang kanilang pagtatrabaho dahil hindi na sila makapunta sa pinagtatrabahuhan. Hindi ito patas at wala ring katarungan sa pagkakapantay-pantay.
Pakiboto ang Oo sa Prop I at nang magkaroon ang lahat ng oportunidad na makabisita at makapagtrabaho sa Golden Gate Park.
The Arc San Francisco
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusuportahan ng mga Negosyante ang Paggamit na Para sa Lahat.
Napinsala na ang mga may-ari ng maliliit na negosyo nang dahil sa pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway. Hinihikayat naming kayong bumoto ng Oo sa Prop I upang ibalik ang mga pamamaraan sa paggamit at makatulong sa lokal na maliliit na negosyo.
Natanggal na ng mga pagsasara sa Golden Gate Park ang halos 1,000 na pampublikong paradahan na espasyo at naisara na ang napakahalagang daanan na nagagamit. Napipilitan na ngayon ang mga bisita sa parke na magmaneho at magparada sa kalapit na mga lugar para sa pagnenegosyo, at gumamit ng limitado nang pagparada sa kalye. Ginagawa nitong mas mahirap para sa mga kostumer na makahanap ng lugar na mapaparadahan at nakapipinsala ito sa lokal na mga negosyo.
Mapaghamon na ang pagpaptakbo ng maliit na negosyo sa San Francisco. Ginawa ang pagsasara ng mga kalye nang wala ang aming opinyon o nang walang pagsasaalang-alang sa epekto nito sa lokal na mga negosyo. Napinsala na rin ng pagsasara ng Great Highway ang lokal na mga negosyong umaasa sa malaking daanan na ito para sa mga operasyon ng negosyo, at sa paggamit ng mga manggagawa at kostumer.
Pakitulungan ang lokal na maliliit na negosyo na naaapektuhan ng mga pagsasarang ito. Bumoto ng Oo sa Prop I upang maibalik ang paggamit sa lahat.
David Heller, Matagal nang Negosyante
Henry Karnilowicz, Nag-aadbokasiya para sa Maliliit na Negosyo
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Kapaki-pakinabang na eksperimento ang pagsasara ng JFK Drive mula Lunes hanggang Biyernes. Sa kasamaang palad, hindi nagresulta sa matagumpay na kinahinatnan ang pagsasara ng daanan sa mga araw ng Lunes hanggang Biyernes kung kailan karamihan sa mga tao ay nagtatrabaho o nasa paaralan.
Kung naglaan ng panahon ang ating mga tagagawa ng desisyon at nag-aadbokasiya para sa Pagsasara upang magawan ng tunay na pagtatasa ang epekto ng kanilang desisyon, natuklasan sana nila na nagkaroon ng mas kaunting mga pamamaraan ang publiko upang makapunta sa De Young Museum, Academy of Sciences, Conservatory, at iba pa (magmula Lunes hanggang Biyernes kung kailan kailangan nilang nakapupunta roon ang mga tao) at naging limitado ang mga lokal na indibidwal na pagbibiyahe nang dahil sa sumikip na trapiko sa Highway 1/Crossover Drive, at nang “makadaan sa parke” habang mababa ang bilang ng mga tao na nakagagamit sa JFK Drive.
Daanan ang JFK Drive. Nananatili ang publiko, espesipiko na ang mga naglalakad, na nasisiyahan sa parke mula Lunes hanggang Biyernes sa ligtas at mapapalamutian ng luntiang mga halaman namga bangketa, habang ginagamit naman ng mga siklista (na mayroon nang nakalaan na lane) at ilang skater ang malawak at bukas na daanan. Mga siklista ang pangunahing nakikinabang sa pagsasara ng JFK Drive.
Hindi na dahilan ang mababang bilang ng mga indibidwal na gumagamit sa JFK Drive mula Lunes hanggang Biyernes upang ipasara ito habang madedehado naman ang mas malaking bilang ng mga indibidwal na gumagamit sa daanan ng sasakyan — sa mahigit sa isang dahilan. Maging patas tayo sa ating lokal na populasyon — Panatilihing sarado ang JFK Drive tuwing Sabado at Linggo, pero bukas mula Lunes hanggang Biyernes.
Bumoto ng Oo sa Prop I.
Curt Cournale
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Oo sa I para sa Paggamit, Pagsasama sa Lahat, at Pagiging Patas
Sa panahon ng pandemya, isinara ng Lungsod ang JFK Drive sa mga kotse nang 24/7, nang nangangako na pansamantalang hakbang ito na magtatapos kapag nawalan na ng bisa ang kautusang shelter-in-place (manatili sa bahay). Epektibong napasara ng desisyong ito ang malaking bahagi ng Golden Gate Park sa maraming residente at bisita. Nagbukas na ang lungsod at bumabalik na ito sa normal, pero nananatili pa rin ang pagbabawal sa paggamit. May epekto itong nagbubukod sa libo-libong indibidwal na karapat-dapat magkaroon ng pamamaraan sa paggamit.
Walang pagdamay sa kapwa ang desisyon na panatilihing nakasara ang JFK Drive. Ginagawa nitong imposible ang paggamit ng mga indibidwal na may kapansanan, matatanda, nagtatrabahong mga pamilya, at komunidad na may kulay na nakatira nang malayo sa Golden Gate Park. Karapat-dapat ang lahat na makaranas ng kagandahan, pahinga, at kaligayahan na handog ng Golden Gate Park. Dapat ay nakikita ng lahat ang mga bulaklak sa Dahlia Dell, nalalakaran ang Rose Garden, at nakakapag-isip-isip sa AIDS Memorial Grove.
Panahon na upang balansehin natin ang mga pangangailangan ng lahat ng residente ng San Francisco at ng mga bisita, at magkaloob ng Paggamit para sa Lahat. Bumoto ng Oo sa Prop I.
Reverend Glenda Hope
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Buksan ang Great Highway
Ibabalik ng Prop I ang mga pamamaraan ng paggamit sa 20,000 nagmamaneho na ginagamit ang Great Highway araw-araw bago ito nagsara sa panahon ng pandemyang Covid-19. Naglingkod ang Great Highway bilang nakapakahalagang ruta para sa mga nakatira sa San Francisco, lalo na iyong nasa mga distrito ng Sunset at Richmond na nagbibiyahe sa pagitan ng North at South bay, hindi lamang para sa trabaho, kundi para ihatid ang kanilang mga anak sa paaralan, makipagkita sa doktor, at mabisita ang pamilya.
Mahalagang daanan sa lungsod na ginagamit ng marami ang Great Highway, na kailangang-kailangan ng mga tumutugon sa emergency. Napakahalaga rin nito sa mga beterano na kailangang makapunta sa VA Hspital.
Ngayon na nagbukas na ang mga negosyo at paaralan, kritikal ang pagpapanatili ng paggamit ng mga kotse sa great Highway. Nagkaroon ng malaking masamang epekto ang pagsasara ng Great Highway sa nasa paligid na mga komunidad, dahil napataas ng kasikipan ng trapiko ang panganib na magkaroon ng aksidente, at nabago ang mga kalye mula sa pagiging tahimik tungo sa pagiging mga daanang hindi ligtas at kung saan masikip ang trapiko.
Bukod rito, marami nang daanan ng bisikleta at malalakaran para sa kasiyahan ng mga indibidwal ang Great Highway. Ibinubukod na mula sa paggamit sa Great Highway, at sa mga dalampasigan at zoo nito, ang mga indibidwal na hindi kayang maglakad ng mahahabang distansiya o sumakay ng bisikleta.
Iminumungkahi ng Lungsod ang pagpapanatili sa kasalukuyang pagsasara ng Great Highway hanggang sa 2025 habang tinitingnan ang mga plano para sa permanenteng pagsasara. Hindi nila isinasaalang-alang ang epekto nito sa mga manggagawa, pamilya, at magkakapitbahay na may pangangailangan na manatiling bukas ang daanan na ito.
Kailangang maipasa natin ang Prop I upang maibalik sa 20,000 taga-San Francisco, na umaasa sa Great Highway para sa kanilang pang-araw-araw na mga aktibidad, ang paggamit nito at mapanatili ang gayong paggamit, at makatulong upang maging mas ligtas ang nakapaligid na residensiyal na mga kalye para sa mga bata at pamilya.
Open the Great Highway, Vin Budhai, Tagapagtatag
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Tatanda ka rin ... kung masuwerte ka. Balang araw, maaaring magkaroon ka ng kapansanan - siguro ay kung kailan mo hindi ito inaasahan.
Kinakatawan ng aming asosasyon sa komunidad ang maraming may kapansanan at matatandang mamamayan na nasa Inner Sunset, na katabi ng Golden Gate Park. Nakapipinsala ang pagsasara ng JFK at ng MLK drive sa aming mga mamamayang may kapansanan at sa mahihina nang matatanda, at pinipigilan nito ang paggamit sa ating parke.
Paano makapupunta ang mga 90 taong gulang o ang may kapansanang mga bata sa talon, sa Dahlia o Rose Gardens, sa Conservatory of Flowers, sa mga lugar para sa pagpipiknik, at sa mga palabas sa outdoor na teatro/tuwing holiday, kung ipinagbabawal ang mga kotse/pagparada sa bawat araw ng taon? Tinatanggal ng permanenteng pagsasara ang halos 1,000 paradahang espasyo at ginagawang mahirap ang pagpunta sa mga ito para sa ilan, at imposible para sa iba pa. Hindi solusyon ang mahal at mahirap mapuntahan na paradahang garahe na halos kalahating milya ang layo.
Bagamat ipinagbawal na ang mga kotse tuwing Linggo magmula noong dekada ng 1960, hindi pa nakapagbibigay ang gobyerno ng lungsod ng mga solusyon para sa pagparada ng may kapansanan sa JFK. Huwag silang pagkatiwalaan na magagawa nila ito ngayon matapos ang 50 taon ng pagkabigo! Bagamat hindi lamang masyadong nagiginhawahan ang malulusog na matatanda, malaki ang hirap sa pagpunta sa maraming lugar ng matatanda na gumagamit ng walker o baston (nang naglalakad nang hanggang 2,500 feet), nang walang malapit na mapaggagamitan ng wheelchair.
Ang aming asosasyon sa komunidad ay 111 taong gulang na, pero hindi nagkapanahon ang SFMTA na komunsulta sa amin bago nito permanenteng ipinagbawal ang mga kotse at pinalala ang kasikipan at pinarami ang mga aksidente sa kalapit na mga kalye sa komunidad, kasama na ang trapiko ng mga sasakyang dinaraanan lamang ang komunidad habang papunta sa ibang lugar. Nangangahulugan din ang pagtatanggal sa mga paradahan na mas maraming kotse ang umiikot-ikot na naghahanap ng espasyo sa mga kalye sa komunidad.
Siguradong may ilang nakikinabang sa epektibong pagbabawal sa may kapansanan mula sa ilang bahagi ng Golden Gate Park. Mayroon bang lubusang prayoridad ang mga nakikinabang kaysa sa komunidad at sa mga may kapansanan?
Bumoto ng Oo sa Proposisyon I.
Sunset Heights Association (SHARP)
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Frank Noto, Wes Dere, Dennis Minnic, John Barry.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Kailangan ng San Francisco ng Paggamit para sa Lahat
Kasama ako sa marami sa aking kapwa taga-San Francisco sa pagpapahayag na aking matinding pag-aalala ukol sa pagsasara ng Great Highway at JFK Drive sa Golden Gate Park.
Malinaw na ang hakbang na pigilan ang mga kotse sa paggamit ng JFK Drive ay hakbang na ginawa ng mga indibidwal na nagdesisyong huwag magmalasakit sa matatanda, may kapansanan, o iyong simpleng hindi makapagbisikleta o makapag-jogging sa Golden Gate Park. Ang pag-aalala ko ay pag-aalala rin ng marami na simpleng pinipili na ituring ang sariling katulad, o may simpatya para sa mga indibidwal, na sa kung anumang dahilan ay hindi nauunawaaan ang tunay at sinserong pangangailangan na magkaloob ng paggamit sa lahat, habang pinagsasaluhan natin ang dakilang rekurso ng komunidad.
Mali ring tulad nito ang pagtatanggal sa mga mapaparadahang lugar at paggamit ng mga sasakyang pang-emergency na patungo sa mga ospital at emergency room na bahagi ng lugar na sumasakop sa mga komunidad na katabi ng Golden Gate Park.
Kritikal din ang paggamit sa Great Highway para sa emergency na pagdaan ng ating mga beteranong gumagamit sa VA Hospital. Kailangan ng nagtatrabahong mga pamilya ang highway na ito upang makapunta sa trabaho at makauwi. Naitulak na ng pagsasara ang 20,000 kotse na umaasa sa pangunahing daanan na ito tungo sa maliliit na residensiyal na kalye.
Hindi ito dapat usapin na mapanghati. Dapat ay usapin itong nagdudulot ng pagkakaisa sa lahat ng mamamayan ng San Francisco. Kailangang gawin natin ang makakaya upang matiyak na hindi makararanas ng kawalang katarungan ang napakaraming miyembro ng ating komunidad.
Bumoto ng Oo sa Proposisyon I.
John F. Rothmann, Host ng Talk Show sa Radyo, KGO 810 AM
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Hinihikayat ng Planning Association for the Richmond (Asosasyon sa Pagpaplano para sa Richmond) ang botong Oo sa Proposisyon I na magpapanumbalik sa JFK Drive, lahat ng iba pang daanan na nasa Golden Gate Park at Great Highway tungo sa katayuan nito bago ang pandemya.
Pansamantala lamang dapat ang mga pagsasarang ito, na binigyan ng awtorisasyon sa ilalim ng mga kautusang pang-emergency ng Mayor sa panahon ng pandemya. Panghahamak ang permanenteng pagsasara sa ating demokratikong mga prinsiyo at hindi ito dapat magpatuloy.
Kailangan nang muling buksan ang mga saradong daanan na ito, na naglilimita ng pagpunta sa pampublikong mga lugar, napakahahabang linya ng mga sasakyan sa trapiko, at mapanghamak na kondisyon sa pamumuhay.
Pangunahing daanan ang Great Highway, na sarado na ngayon mula Biyernes hanggang Lunes ng umaga at tuwing holiday, kung kaya’t napipilitan ang mga motorista na magpunta sa kalapit na tahimik na mga komunidad. Naglalabas ang mga kotse ng masama sa kapaligirang gas sa trapikong humihinto at tumutuloy, limitado ang pagpunta sa kalapit na maliliit na negosyo at lugar ng trabaho, mas mahaba ang oras ng pagbibiyahe, at wala nang paggamit na makapagsasalba sa buhay ang pang-emergency na mga sasakyan. Sa kasalukuyan, kailangang magmaneho ng mga indibidwal nang milya-milyang wala sa kanilang ruta upang makapunta sa kanilang pang-araw-araw na aktibidad at negosyo, pagtiisan ang katakot-takot na kasikipan sa trapiko, at magsagawa ng bagong mga ruta na mapanganib sa mga motorista at naglalakad.
Bukod rito, naharangan na mula sa pagpasok sa Golden Gate Park ang mga indibidwal na kailangang umasa sa mga sasakyang de-motor para sa transportasyon. Itinatanggi sa mga indibidwal na may kapansanan, matatanda, mga pamilyang may mga sanggol at musmos na anak, at iba pa ang pagpunta sa malalaking lugar sa parke, kasama na ang De Young Museum, ang Academy of Sciences, ang Conservatory of Flowers at ang Rose Garden. Natanggal na ang isang libo na paradahang espasyo na nagtitiyak ng paggamit na para sa lahat. At ang paglalagay ng balakid sa Parke ay hindi rin pagsasama sa mga indibidwal na nakatira sa Mission, Bayview, at Visitation Valley, o nakatira sa mga lungsod na malapit sa San Francisco, at kailangang magmaneho upang makapunta sa Park.
Bumoto ng Oo sa Proposisyon I at tiyakin ang paggamit ng lahat sa Great Highway at sa Golden Gate Park.
Planning Association for the Richmond
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Planning Association for the Richmond.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusuportahan ng mga Lider na Latin ang Proposisyon I
Naaapektuhan ng pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway ang libo-libo na Latinong pamilya sa San Francisco, na pinaliit at hindi pinansin ang mga boses. Lumikha ito ng malaking hirap para sa nagtatrabahong mga pamilya at komunidad ng may kulay, na gusto sanang masiyahan sa lahat ng atraksiyon na nasa may JFK Drive. Sa halip, hinaharangan sila sa pagpunta sa sining, kultura, at kalikasan na nasa loob ng Golden Gate Park.
Hindi posible para sa pamilyang marami ang henerasyon at may mga magulang, anak, at lolo at lola na sumakay ng bus kasama ang mga stroller, laruan, at gamit sa pagpipiknik na makabisita sa Golden Gate Park. Dahil sarado na ang daanan nang 24/7, hindi na namin maipagmamaneho ang aming matatanda upang makita ang light show sa gabi sa Conservatory of Flowers. At hindi pa namin nadadala kailanman ang aming matatanda upang makita ang Entwined Winter Lights na palabas tuwing holiday. Natanggal na rin ng mga pagsasara ang halos 1,000 na libreng pampubliko na mapaparadahang espasyo na makatutulong upang maging abot-kaya at napupuntahan ang parke, at sa gayon ay masiyahan ang lahat.
Nakapipinsala rin sa aming komunidad ang pagsasara ng Great Highway. Ginagamit ang Great Highway ng 20,000 sasakyan sa isang araw para sa mga indibidwal na nagbibiyahe papunta sa trabaho, sa paaralan, sa VA Hospital, at iba pang mahahalagang lugar, at pauwi mula sa mga ito. Mahalaga rin ito para sa mga lokal na negosyong pag-aari ng mga Latino at matatagpuan sa mga distrito ng Richmond at Sunset.
Maaari tayong magkaroon ng mas maraming bukas na espasyo nang hindi nagsasara ng mga daanan na inaasahan ng sampu-sampung libo ng mga taga-San Francisco. Itinanggi na ng desisyon ng lungsod na ipasara ang mga daanang ito nang walang pag-apruba ng mga botante ang katarungan sa pagkakapantay-pantay at inklusyon sa mga residente, pamilya, at matatandang Latino sa kabuuan ng lungsod.
Pakisamahan kami at bumoto ng Oo sa Prop I upang maibalik ang paggamit sa lahat.
San Francisco Latinx Democratic Club
Brigette Davila, Katiwala ng City College*
Anabel Ibáñez, Tagapagtala ng Sekretarya ng San Francisco County Democratic Committee
Roberto Y. Hernández, CEO
Rosario Cervantez, Nag-aadbokasiya para sa May Kapansanan
Kevin Ortiz, Bise Presidente ng San Francisco Latinx Democratic Club
Nicky Trasviña, Opisyal ng SF LCLAA*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Ineendoso ng mga Lider ng Itim ng Komunidad ang Prop I
Napipinsala ng pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway ang mga komunidad ng may kulay at nagtatrabahong pamilya, at lumilikha ng hirap sa mga nakatira sa silangan at timog na bahagi ng lungsod. Pag-aari ng lahat ng residente ng San Francisco ang Golden Gate Park, hindi lamang ng mga indibidwal na nakatira sa paligid ng parke o na may kung anong pera o kapangyarihan at oportunidad.
Lubos na naibukod ng desisyon ng Lungsod na ipasara ang mga daanan ito ang mga komunidad ng may kulay mula sa ilang lugar ng parke at sinabi sa kanilang hindi sila malugod na tinatanggap doon. Kung isasaalang-alang ang nagaganap sa ating bansa sa ngayon, hindi katanggap-tanggap ang pagsuporta ng San Francisco sa mga polisiya na hindi magsasama sa buo-buong populasyon ng mga tao.
Nakatira ang maraming Itim na residente sa mga lugar sa lungsod kung saan hindi lamang mapaghamon ang pampublikong transportasyon papunta sa Golden Gate Park — hindi ito posible. Halos isang oras sa Muni ang pagbibiyahe mula sa Third Street sa Bayview papunta sa Japanese tea Garde. Ang pagsakay sa mahigit sa isang bus papunta sa kabilang bahagi ng lungsod ay hindi dapat natatanging opsiyon para sa mga residenteng gustong bumisita sa Park at masiyahan sa mga museo at pangkulturang institusyon ng lungsod.
May mga pagkakaiba sa pagitan ng magiging mabuti para sa kapaligiran at pagiging lubusang bingi lamang sa mga pangangailangan ng mas malawak na komunidad, at partikular na rito sa mga komunidad ng may kulay. Walang “progresibo” sa hindi pagsasama sa nagtatrabahong mga pamilya at sa mga pamilya ng may kulay sa paggamit sa Golden Gate Park. Nakapipinsala rin ang pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway sa lokal na negosyong pag-aari ng Itim na kailangan ang mga daanang ito para sa mga manggagawa at kostumer.
Hinihikayat namin kayong ibalik ang paggamit sa Golden Gate Park para sa lahat. Bumoto ng Oo sa Prop I.
Maurice Rivers, Ehekutibong Direktor ng OMI Cultural Participation Project *
Gloria Berry, Miyembro ng San Francisco Democratic County Central Committee*
Adrienne Simms, Bumbero sa SF*
Shanell Williams, Board of CCSF Trustees*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Sinusuportahan ng mga Bumbero ang Prop I Dahil Mahalaga ang Paggamit at ang Kaligtasan
Mahahalagang daanan ang JFK Drive at ang Great Highway na ginagamit ng mga unang tumutugon upang mabilis na makatugon sa mga emergency at maibiyahe ang mga pasyente sa mga ospital sa kabuuan ng lungsod. Nagawa nang mas mahirap ng mga pagsasarang ito ang paggamit ng mga bumbero at paramedics ng San Francisco sa mga daan na ito sa panahon ng emergency, kung saan nangangahulugan ng buhay o kamatayan ang mga segundo. Bubuksang muli ng pagpapasa sa Prop I ang napakahahalagang kalye ng mga ito at ibabalik ang paggamit na kailangan natin.
Naging mapanganib na rin ang maliliit na residensiyal na mga kalye nang dahil sa pagsasara ng JFK Drive at ng Great Highway. Naitulak na ang trapiko mula sa pangunahing mga daanang ito tungo sa mga komunidad. Bubuksan ng pagpapasa sa Prop I ang mahahalagang daanan at babawasan ang trapikong dulot ng mga sasakyan sa nakapaligid na mga kalye.
Mayroon nang protektadong mga lane para sa bisikleta at daanan ng mga naglalakad na nasa JFK Drive at Great Highway. Magkakasama nating magagamit ang mga daanan na ito at maibibigay sa lahat ng taga-San Francisco ang paggmit na kailangan nila.
Bumoto ng oo ng Prop I upang maibalik ang kaligtasan sa ating mga kalye.
Adrienne Simms, Bumbero sa SF*
*Para lamang sa identipikasyon; pumipirma ang awtor bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng organisasyon.
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
BUMOTO NG OO SA PROPOSISYON I - Nagsasama ito sa lahat.
Sinasagisag ng Proposisyon I ang pagiging inklusibo o pagsasama sa lahat.
Ito ang matalinong mungkahi para sa paggamit ng ating Great Highway at JFK Drive ng LAHAT!
Kailangan natin ng pamamaraang gumagamit ng sentido komun sa paggamit ng ating magandang palatandaan ng lungsod na Golden Gate Park at ng Dalampasigan, at ang Prop I ang solusyong ito.
Pinananatili ang mga daanan sa lahat ng bahagi ng Lungsod mula sa buwis sa gas na galing sa bawat galon ng gas na binibili natin. Zero ang ibinabayad ng mga skateboard at bisikleta para sa pagpapanatili sa mga daanan na ito sa maayos na kondisyon. Malugod nating tinatanggap ang mga nabanggit para masiyahan sila sa paggamit, pero hindi upang maibukod ang malaking mayorya na nagmamaneho ng mga sasakyang de motor at “nagbabayad ng pantransportasyon” upang mapanatili ang mga daanan at highway sa maayos na kondisyon.
Ang Prop I ang tamang solusyon. Huwag isara ang ating dakilang parke at ang highway sa dalampasigan upang hindi maisama ang matatanda, limitado ang paggalaw, at nagmamanehong publiko.
Bisyon ni John McLaren na magamit ng lahat ang Golden Gate Park, hindi lamang ng iilan.
Suportahan ang pamamaraang gumagamit ng sentido komun at Bumoto ng OO sa I, ang matalino at nagsasama sa lahat na solusyon.
San Francisco Taxpayer's Association
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: San Francisco Taxpayer's Association.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Paul Scott, 2. Diane Wilsey, 3. ❑ S.F. Board of Realtors.
May Bayad na Argumento NA PABOR sa Proposisyon I
Pinahihintulutan ng Prop I ang Matatanda na Independiyenteng Mamuhay
Ang pangunahing punto, hindi ito talaga tungkol sa pagsasara ng mga kalye. Ito ay lubusang tungkol sa paggalang sa mga lokal na indibidwal habang tumatanda sila at nagiging mas kaunti ang kakayahan na makapunta sa kung saan-saan at nangangailangan na ng baston, walker, at wheelchair. Ito ay lubusang tungkol sa matatanda at mga indibidwal na may kapansanan.
Paggawa sa lungsod na mas nagagamit ng lahat ang dapat maging tunguhin, hindi ang paglimita ng paggamit. Tungkol sa paglilimita ang pagsasara ng mga kalyeng tulad ng JFK at Great Highway, at kahit na pagpigil sa paggamit. Marami sa atin ang lumaki rito at may ilan pang natibo rito. Dahil dito, sanay na sanay na tayong pumupunta sa lahat ng lugar sa SF kapag kailangan nating pumunta sa kung saan. Walang galang ang pagpigil sa mga pamamaraan ng paggamit.
Hindi na para sa lahat ang ating Lungsod —para lamang ito sa bata, atletiko, at iyong nakakapagbisikleta. Hindi na naisasama ang mga tulad natin na walang mga opsiyon. Kakaunti ang shuttle sa Park, at malalayo ang pagitan sa pagtakbo, hindi maaasahan, at imposibleng magamit.
Mahalaga ang independiyenteng pamumuhay para sa marami sa atin habang tumatanda tayo. Kasama na rito ang kakayahan na dalhin ang ating mga sarili sa kung saan natin gustong pumunta at kung kailan natin gustong pumunta roon. Tinatanggal ng pagsasara ng mga daanan ang ating pagiging independiyente.
Bumoto ng OO sa Prop I at tiyakin ang paggamit para sa lahat!
Claire Zvanski
Ang totoong (mga) pinagmulan ng pondo para sa bayad sa pagpapalimbag ng argumentong ito: Paggamit para sa Lahat.
Ang tatlong pinakamalalaking nagbigay ng kontribusyon sa true source recipient committee: 1. Diane Wilsey, 2. Corp. of Fine Arts Museums, 3. Jason Moment.
Pagtatapos ng May Bayad na Argumento na PABOR sa Proposisyon I