Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
mula sa Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
Abot-kayang Pabahay: Binibigyang-depinisyon ang pabahay bilang abot-kaya para sa mga kabahayan na may natukoy na ilang antas ng kita. Sa pangkalahatan ay layunin ng halaga o presyo ng mga pabahay na ito na magbayad ang mga kabahayan ng humigit-kumulang sa 30% ng kanilang kita tungo sa gastos sa pabahay.
Aprentis: Indibidwal na nag-aaral ng trabaho mula sa may kakahayang taga-empleyo.
Area Median Income (Panggitnang Kita ng Lugar, AMI): Panukat ng antas ng kita sa San Francisco. May makukuhang detalyadong impormasyon sa: sfmohcd.org/ami-levels.
City College (Kolehiyo ng Lungsod): Ang City College of San Francisco (Kolehiyo ng Lungsod ng San Francisco), na pampubliko at pandalawang taon na kolehiyo ng komunidad.
Discretionary Approvals (Pag-aprubang Batay sa Pagpapasya): Pag-apruba na nangangailangan ng paggamit ng paghuhusga o paglilimi, na salungat sa mga pag-aruba na inaalam kung natugunan ang hindi nagbabagong mga pamantayan.
Discretionary Revenues (Pinagpapasyahang Kita): Mga kita na walang restriksiyon at maaaring gamitin ng Lungsod para sa anumang layunin na walang nilalabag na bats.
Fiscal Year (taon ayon sa pagpaplano para sa badyet): Ang 12-buwan na panahon ng pagbabadyet ng Lungsod, na nagsisimula sa Hulyo 1 at nagtatapos sa Hunyo 30 ng susunod na taon na nakabatay sa kalendaryo.
General Fund (Pangkalahatang Pondo): Ang bahagi ng taunang badyet ng Lungsod na maaaring magamit para sa anumang layunin ng Lungsod. Taon-taon, pinagpapasyahan ng mayor at ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) kung paano gagamitin ang General Fund. Nanggagaling ang pera para sa General Fund sa buwis at bayarin sa mga ari-arian, pagnenegosyo, pagbebenta at sa iba pang buwis at bayarin.
Great Highway: Ang may apat na lane na pampublikong daanang tumatakbo sa may Ocean Beach, at nagsisimula sa Point Lobos Avenue at nagtatapos sa Skyline Boulevard.
Gross Receipts (Kabuuang Kita): Ang kabuuang halaga ng pera na natatanggap ng negosyo, sa anumang anyo, para sa mga produkto at serbisyo nito.
Guaranteed Income Program (Programa para sa Garantisadong Kita): Nagkakaloob ang garantisadong kita ng direkta at madalas ay ibinibigay muli na tulong na pera sa mga indibidwal o kabahayan, nang walang kondisyon o restriksiyon. Nabibigyang-lakas at pinagkakatiwalaan ang mga tumatanggap upang makagawa ng kanilang pagpapasya kung paano pinakamainam na magagamit ang kanilang pera.
Inisyatiba: Ang proposisyon na inilalagay sa balota ng mga botante. Maaaring maglagay ang sinumang botante ng inisyatiba sa balota sa pamamagitan ng pangangalap ng kinakailangang bilang ng mga lagda ng rehistradong botante sa petisyon.
John F. Kennedy Drive: Pampublikong kalye na tumatakbo sa kabuuan ng Golden Gate Park simula sa kanang bahagi ng Stanyan Street, nang dumaraan sa Conservatory of Flowers, sa de Young Museum, sa Speedway Meadow, sa Bison Paddock, at nagtatapos sa Great Highway.
May Kakayahan at Pagsasanay na mga Nagtatrabaho: Mga nagtatrabaho na nag-eempleyo, para sa pagtatayo ng gusali at konstruksiyon, ng mga manggagawa na nakapaloob sa aprubado ng lungsod na programa sa pag-aaprentis, o nakapagtapos mula rito.
Mga Kita: Mga halagang natatanggap ng Lungsod, kasama na ang kita mula sa karamihan sa mga buwis na para sa Lungsod.
Music Concourse (Liwasang Pangmusika): Plaza na nasa labas ng gusali at nasa loob ng Golden Gate Park. Nasa pagitan ng de Young Museum at ng California Academy of Sciences ang hugis itlog na liwasan.
Namamayaning Pasahod: Mga sahod na sinasalamin ang pasahod na pangkaraniwan nang nakukuha ng lokal na mga nagtatrabaho at itinatakda ng Board of Supervisors.
Ordinansa: Lokal na batas na ipinasa ng Board of Supervisors o ng mga botante.
Pagpapawalang-bisa: Ginagawa upang matanggal ang batas, at nang hindi na ito magkaroon ng anumang epekto.
Pampaaralang Distrito: Ang San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco) ay pampublikong ahensiya na hiwalay sa Lungsod at pinatatakbo nito ang sistema ng mga pampublikong paaralan sa San Francisco nang hanggang sa ika-12 grado.
Pangangasiwa: Pagsubaybay sa mga aktibidad upang matiyak na nasusunod ang mga layunin ng programa.
Parcel Tax (Buwis sa Parsela): Buwis sa lupa at mga istruktura sa Lungsod.
Programa para sa Pag-aaprentis: Programa na nagsasanay sa indibidwal na magkaroon ng kakayahan sa partikular na trabaho, at maaaring kasama rito ang pagsasanay na hands-on (ang nagsasanay mismo ang gumagawa) at pag-aaral sa klasrum.
SFERS: Ang San Francisco Employees’ Retirement System (Sistema sa Pagreretiro ng mga Empleyado sa San Francisco), na namamahala sa mga plano para sa pagreretiro at ipinagpapalibang bayad para sa mga empleyado ng Lungsod.