Ang aking trabaho ay Edukador.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Isa akong LGBTQ na ikinararangal ito, babaeng Natibong Amerikano at Latina, at pinalaki ako ng single mother o ina na walang ibang katuwang, at nagkaroon ako ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan ng California. Nagtapos ako sa Stanford nang may B.A. sa Public Policy (Pampublikong Polisya) at M.A sa Sociology (Sosyolohiya), at isa akong edukador sa San Francisco State University.
Kasama sa aking mga nagawa ang:
• Pagsama sa aking tribu at mga kaalyado upang labanan ang Dakota Access Pipeline
• Pamumuno sa kampanya laban sa panukalang-batas ukol sa labis-labis na paggamit ng dahas ng pulisya, na sinusuportahan ng unyon ng mga pulis at ng Republican Party (Partido Republikano)
• Pagiging kasamang tagapagtatag ng San Francisco Public Bank Coalition (Koalisyon para sa Pampublikong Bangko) upang muling ipamuhunan ang mga dolyar na kita mula sa buwis sa ating mga komunidad sa halip na sa mga bangko ng Wall Street
• Pagkakapasa ng batas AB 857 na ukol sa mga pampublikong bangko, at nang mapahintulutan ang pampublikong pagbabangko sa kabuuan ng California
Tumatakbo ako para sa Senado ng Estado dahil kailangan natin ng mas mapangahas na pagbabago:
• Pagbayarin ang mga bilyonaryo at korporasyon ng makatwiran nilang bahagi
• Bigyan ng bagong direksiyon ang pagpopondo mula sa pulisya tungo sa mga komunidad na Itim at Kayumanggi
• Ibalik ang pagpopondo sa mga pampublikong paaralan at pampublikong transportasyon
• Tunay na pagbibigay ng totoong tulong sa mga umuupa at maliliit na may-ari ng tahanan, at nang maiwasan ang pagpapaalis sa tahanan at pagkakaremate o foreclosure ng tahanan
• Unibersal na pangangalaga sa kalusugan at pang-ekonomiyang tulong sa mga nagtatrabahong indibidwal
• Pagtugon sa pangmatagalang mga usapin na kinakaharap ng ating estado: pagbabago ng klima, krisis sa abot-kayang pabahay, epidemya ng kawalan ng tahanan
May pananagutan akong huwag tumanggap ng mga donasyon mula sa unyon ng mga pulis, malalaking korporasyon, kompanya ng langis, o kompanya ng seguro. Sandaang porsiyento (100%) akong independiyente at handang lumaban para sa inyo.
Pakisamahan ang aking mga tagsuporta:
California Teachers Association (Asosasyon ng mga Guro ng California)
United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)
Kaguruan ng San Francisco Community College (Kolehiyo ng Komunidad) AFT 2121
California Faculty Association (Asosasyon ng mga Guro ng California)
California Progressive Alliance (Progresibong Alyansa ng California)
International Longshore & Warehouse Union (Pandaigdigang Unyon sa mga Dalampasigan at Bodega) - Northern California District Council (Konseho ng Distrito ng Northern California)
Harvey Milk LGBTQ Democratic Club (Samahang Demokratiko ng Harvey Milk LGBTQ)
San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Umuupa sa San Francisco)
Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)
Latino Democratic Club (Latino na Samahang Demokratiko)
San Francisco Young Democrats (Kabataang Demokrata ng San Francisco)
Progressive Democrats of America (Progresibong mga Demokrata ng Amerika) - San Francisco
Tagapangulo ng Democratic Party (Partido Demokratiko) David Campos*
Mga Superbisor Gordon Mar, Dean Preston, Matt Haney, Hillary Ronen
Mga Miyembro ng School Board (Lupon ng mga Paaralan) Mark Sanchez, Gabriela Lopez, Alison Collins, Faauuga Moliga
Mga Miyembro ng Lupon ng Community College Shanell Williams, Brigitte Davila
Dating Mayor ng San Francisco Art Agnos
Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano
*Para lamang sa layunin ng identipikasyon.
Jackie Fielder