Ang aking trabaho ay Superbisor ng San Mateo County.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Tumatakbo si David Canepa para sa Kongreso upang ipaglaban tayo sa Washington, tulad ng nagawa na niya para sa atin sa Bay Area, partikular na sa hindi pa nagaganap kailanman na panahon ngayon, kung saan tinatanggal ng Korte Suprema ang matagal nang mga kalayaan na mayroon tayo, at ginagawang mas kaunti ng pagtaas ng presyo ng bilihin ang mga nasa panggitnang uri.
Galing si David sa pamilya ng mga imigrante, ipinanganak at pinalaki sa S.F. Peninsula, at pinaka-una sa kanyang pamilya na makapasok sa kolehiyo. Naglingkod na siya bilang mayor at bilang Presidente ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor) sa San Mateo County, kung saan pinamunuan niya ang tungkulin ng pagwawakas sa pandemyang COVID, pagbibigay-proteksiyon sa frontline workers (mga nagtatrabaho sa mahahalagang industriya), at pagtatamo ng isa sa pinakamatataas na porsiyento ng mga bakunado sa bansa.
Makikipaglaban si David para sa progresibong mga pinahahalagahan sa pamamagitan ng pagtugon sa pagbabago ng klima, paniningil sa mayayaman at malalaking korporasyon upang pagbayarin ng makatwirang bahagi ang mga ito, at sa gayon, makapamuhunan tayo sa panggitnang uri sa pamamagitan ng mas magagandang sahod at mas abot-kayang pabahay.
Titiyakin ni David na magkakaroon ng pamamaraan ang lahat na makakuha ng abot-kaya at de-kalidad na pangangalaga sa kalusugan at makipaglaban sa mga parmasyotikong kompanya upang mapababa ang halaga ng mga inireresetang gamot. Makikipagtunggali si David upang maprotektahan ang karapatan ng kababaihan na magpasya para sa sarili, at sinusuportahan niya ang pantay na suweldo para sa kababaihan.
Si David lamang ang kandidatong tinatanggihan ang pera na mula sa mga korporasyon at nagpapatakbo ng kampanyang pinopondohan sa pamamagitan ng lokal na kolektibong pagkilos.
Kabilang sa aming mga taga-suporta ang/sina:
National Nurses United
National Union of Healthcare Workers
Frontline na mga manggagawa sa mga groseriya — Union of Food and Commercial Workers (UFCW)
Ang American Federation of State, County, and Municipal Employees (AFSCME 829)
Presidente ng San Francisco Board of Supervisors Shamann Walton
Superbisor ng San Francisco Myrna Melgar
Tagapangulo, Board of Equalization Malia Cohen
Katiwala ng San Francisco City College Alan Wong
Dating Superbisor ng San Francisco John Avalos
Samahan kami: David Canepa para sa Kongreso
David Canepa