Ang aking trabaho ay Nanunungkulang Pampublikong Tagapagtanggol.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Bilang inyong inihalal na Pampublikong Tagapagtanggol, ibinigay ko ang aking puso at kaluluwa sa pagkakaloob sa mga taga-San Francisco ng mataas na kalidad na legal na representasyon.
Ikinararangal ko ang lalo pang pagsusulong sa pamana ng dating Pampublikong Tagapagtanggol na si Jeff Adachi sa pamamagitan ng: pagpaparami ng mga kawani sa paglilitis tungo sa mga antas na hindi pa nararanasan, pagbuo ng database ukol sa pananagutan ng pulisya, pagpapalawak ng representasyon sa imigrasyon, at pagpapasimula ng inobatibong mga proyekto na magpapalaya sa mga hindi wasto ang pagkakasentensiya sa kulungan.
Kasama sa aking matatagumpay na inisyatiba ang: pagbabayad sa mga juror o tagahatol na mababa ang kita upang higit na magkaroon ng pagkakaiba-iba sa mga tagahatol; pagtatanggal ng napakahahabang panahon para sa probasyon na pumipigil sa lalong integrasyon sa lipunan; at pagtitriple sa ating kapasidad na “linisin” ang kriminal na mga rekord– kung kaya’t magkakaroon ng mga oportunidad sa pabahay, ekonomiya, at edukasyon.
Naiangat ko ang mas maraming kababaihan at indibidwal na may kulay upang makapaglingkod sa mga posisyon ng pamumuno nang higit sa anumang panahon.
Nagmigrante ang aking mga magulang mula sa nayon ng mga magsasaka sa India. Inihanda ako ng kanilang pagmamalasakit at katapangan para sa habambuhay na pagsasakdal sa mahihirap na paglilitis ng lupon ng mga tagahatol at sa pagsasanay sa mga tagapagtanggol upang maprotektahan ng mga konstitusyunal na karapatan ng mga taga-San Francisco.
Mga Pag-eendoso:
• San Francisco Democratic Party
• San Francisco Labor Council
• San Francisco Tenants Union
• San Francisco La Raza Lawyers Association
• South Asian Bar Association of Northern California
• Rose Pak Democratic Club
• Kongresista Nancy Pelosi
• Kongresista Jackie Speier
• Mayor London Breed
• Senador Scott Wiener
• Tesorero ng California Fiona Ma
• Miyembro ng Asembleya Phil Ting
• Miyembro ng Asembleya Matt Haney
• Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano
• Dating Senador Mark Leno
• Mutsuko Adachi
Board of Supervisors:
• Presidente Shamann Walton
• Connie Chan
• Gordon Mar
• Myrna Melgar
• Aaron Peskin
• Dean Preston
• Hillary Ronen
Mga Dating Superbisor:
• Norman Yee
• Jane Kim
• Matt Gonzalez
• John Avalos
• Eric Mar
Mga Tagapamahala ng Pampublikong Tagapagtanggol:
• Patricia Lee
• Dating Komisyoner ng Pulisya Angela Chan
• Jacque Wilson
• Sandy Feinland
Votemano.com
Mano Raju