Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon Nobyembre 3, 2020

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Filipino
  • Español
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 3, 2020 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Layunin ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco
      • Ang Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • May Tatlong Paraan para Makaboto ang mga Botante sa San Francisco
      • Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
      • Pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall
      • Pagboto sa Lugar ng Botohan
      • Saan ang Lokasyon ng Itinalaga sa Aking Lugar ng Botohan para sa Nobyembre 3?
      • Tingnan ang Likod na Pabalat para sa Lokasyon ng Inyong Lugar ng Botohan
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo:
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Madalas Itanong (FAQs)
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Inyong Halimbawang Balota
      • Worksheet ng balota
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
      • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
    • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
    • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon Tungkol sa Lokal na Panukalang-batas sa Balota at Pangangatwiran
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      Local Ballot Measures
      • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Kalusugan at Kawalan ng Tahanan, mga Parke, at Kalye
      • Proposisyon B: Department of Sanitation and Streets (Departamento para sa Kalinisan at mga Kalye), Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye), at Public Works Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Gawain)
      • Proposisyon C: Pagtatanggal ng Itinatakdang Pagiging Mamamayan para sa mga Miyembro ng mga Lupon ng Lungsod
      • Proposisyon D: Pangangasiwa ng Sheriff
      • Proposisyon E: Pag-eempleyo sa Pulisya
      • Proposisyon F: Lubusang Pagbabago sa Business Tax (Buwis sa Negosyo)
      • Proposisyon G: Pagboto ng Kabataan sa mga Lokal na Eleksyon
      • Proposisyon H: Neighborhood Commercial Districts (distritong mababa o katamtaman ang dami ng tao at magkahalong residensiyal at komersiyal ang gamit) at Pagbibigay ng Permits ng Lungsod
      • Proposisyon I: Real Estate Transfer Tax (Buwis ukol sa Paglilipat ng Ari-arian)
      • Proposisyon J: Parcel Tax (buwis sa parsela o buwis na nakabatay sa mga katangian ng ari-arian at hindi sa natasang halaga nito) para sa San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco)
      • Proposisyon K: Awtorisasyon para sa Abot-kayang Pabahay
      • Proposisyon L: Business Tax na Nakabatay sa Paghahambing ng Suweldo ng Pinakamatataas na Executive sa Suweldo ng mga Empleyado
      • Panukalang Pandistrito RR: Buwis sa Pagbebenta ng Caltrain

You are here

  1. Bahay ›
  2. Impormasyon tungkol sa Kandidato ›

Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9

Hindi nagsusumite ang lahat ng kandidato ng pahayag ng mga kuwalipikasyon. Makikita ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa halimbawang balota. Kusang-loob na ibinigay ng mga kandidato ang mga pahayag at hindi isiniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga pahayag gaya ng isinumite. Hindi iwinasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin ito sa pinakamalapit, hangga't maaari, na orihinal na teksto.

BEVAN DUFTY

Ang aking trabaho ay Direktor ng BART.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Sa kabuuan ng aking karera sa serbisyo publiko, naitaas ko na ang aking mga manggas, na ang ibig sabihin, ay lagi na akong naging handa sa mahihirap na trabaho, at nang maisagawa ang mga bagay-bagay. 

Bilang bagong halal na Direktor ng BART, nangilabot ako sa marumi at masama sa kalusugang mga kondisyon sa mga Plaza ng 16th & Mission. Tinanggihan ng Pinuno ng mga Operasyon ng BART ang kahilingan ko para sa mas maraming custodian o tagalinis.  

Dahil dito, nagdala ako ng guwantes at walis, at sinimulan ko na mismong linisin ang mga plaza. Sinamahan ako ni Superbisor Hillary Ronen. Magkasama kaming nagwalis nang linggo-linggo sa loob ng apat na buwan. Tumugon ang publiko at ang media. Nagbago ng tono ang pamunuan ng BART - naglaan sila ng mas maraming rekurso upang malinis ang mga Estasyon ng BART na marami ang gumagamit.  

Sa gayong paraan nagaganap ang pagbabago.  

Kasama sa iba pang bagay na matagumpay kong naisagawa ang: 

• Pagtatatag ng Ambassador Program (Programa ng mga Embahador) upang maitaguyod ang kaligtasan sa pamamagitan ng may pagsasanay at walang armas na mga kawani sa mga tren at plataporma.  

• Pagpapalawak sa 50% diskuwento para sa kabataan na nasa edad 12 hanggang 18. 

• Pinaka-una sa anumang panahon na diskuwento (20%) ng BART Pilot Low-Income Rider (Pinagsisimulang Programa ng BART para sa Sumasakay na Mababa ang Kita) 

• Pagbuo ng plano upang muling mapag-isipan ang Polisya ng BART at matugunan ang sistemikong rasismo.  

Nakatulong ang aking 25 taon sa gobyerno ng Lungsod ng San Francisco upang matiyak ang pakikipagkolaborasyon sa BART ukol sa kawalan ng tahanan, kaligtasan, at mga operasyon.  

Sa hindi pa nararanasan kailanman na panahong ito sa kasaysayan ng BART, nagtatrabaho na tayo upang mapanatili ang pampublikong kalusugan at kaligtasan habang dahan-dahang bumabangon ang pagsakay mula sa pandemya.  

Inendoso ng/nina: Sierra Club, Nancy Pelosi, Dianne Feinstein, Lateefah Simon, London Breed, David Campos, Mark Leno, Jane Kim, Dean Preston. 

Hinihingi ko po ang inyong boto. 

bevandufty.com 

Bevan Dufty

PATRICK MORTIERE

Ang aking trabaho ay Direktor ng Nonprofit.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Ang BART ang inaasahan sa buhay ng maraming indibidwal na mabababa ang kita at nangangailangan ng mabilis at murang transportasyon. Napakahalaga na hindi na mapunta pa ang pasanin para matugunan ang badyet sa mga sumasakay na dumaranas na ng pinansiyal na hirap nang dahil sa pandemya. 

Ang magiging prayoridad ko bilang Direktor ng BART ay ang lalo pang pagpapahusay sa ating batayang network ng mga tren, pagiging mas madali sa paggamit sa BART para sa nagbibisikleta, naglalakad, at sumasakay sa pampublikong transportasyon, at ang pagpapahusay sa serbisyo, kaligtasan, at kalinisan. Bilang nag-aadbokasiya para sa episyenteng mga polisiya, makikipagtrabaho ako sa Lupon at sa mga gumagawa ng polisiya upang lalo pang mapalakas ang BART para sa mga henerasyon sa hinaharap.

Kailangan natin ng mas kaunting salita at mas maraming gawa. Kailangang-kailangan nating mapanatili ang BART na para sa pangmatagalang panahon sa pamamagitan ng pagbabawas sa pag-asa nito sa kita mula sa mga pamasahe. Matagal nang north star o tinatanaw na pangarap ang San Francisco para sa inobasyon at pagkakaroon ng katarungan sa pagkakapantay-pantay. Sa sandaling ito, mayroon tayong pagkakataon upang magawa ang BART na libreng sistema ng transportasyon para sa lahat balang araw. 

Maaaring wala akong deka-dekadang karanasan, pero may matinding pagmamahal ako para sa pampublikong transportasyon, matibay na pagkaunawa sa mga proseso sa paggawa ng polisiya at badyet na kinakailangan para sa trabaho, at napakahusay na rekord ng pakikipagtrabaho sa iba upang matamo ang mga tagumpay sa polisiya para sa mga komunidad na hindi nakatatanggap ng sapat na serbisyo. 

Ikararangal kong makuha ang inyong suporta.

Patrick Mortiere

patrickforbart.com

MICHAEL PETRELIS

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Tumatakbo ako para sa katungkulan sa BART na nakalaan sa Distrito 9. Kasama sa aking agenda o listahan ng gagawin ang: 

- Pagbubukas ng mga banyo sa lahat ng estasyon, kung saan susubaybayan ang mga ito ng mga empleyadong attendant o taga-asikaso. 

- Pagde-defund o paglilipat ng pondo mula sa pulisya ng BART tungo sa iba pang ahensiya o gawain. 

- Pagbabawal sa mga direktor sa pagtanggap sa mga donasyon mula sa unyon ng mga pulis. 

- Pagtataguyod ng mga prinsipyo ng Black Lives Matter (Mahahalaga ang Buhay ng Itim) ukol sa mga elektronikong karatula sa plataporma, adbertisment sa tren  

- Pag-eempleyo ng karagdagang mga embahador upang matulungan ang mga walang tahanan at indibidwal na nangangailangan 

- Pagpapalahok sa mga lokal na politiko sa pagbubuwis sa mga bangko at bilyonaryo upang magbayad sila, at nang maging libre para sa lahat ang pagsakay sa BART. 

- Pagwawakas sa anumang pakikipagkolaborasyon sa ICE.

- Pagbabahagi ng lingguhang newsletter ng aking mga aktibidad

- Pagpapalawak sa mga mauupuan at paglikha ng bulletin board na na may papel at panulat, upang masulatan ng mga sumasakay ng komento sa mga plaza ng 16th at 24th Street. 

- Pagsasagawa ng buwanang town hall (pampublikong pulong) sa pamamagitan ng internet. 

- Pagpapanatili sa rekord ng lahat ng pampublikong komento sa mga pulong ng lupon sa minutes o mga tala ng pulong. 

- Pagtatalaga ng Rider’s Representative (Kinatawan ng mga Sumasakay). 

- Pagpapahusay pa sa mga proteksiyon laban sa Covid-19 para sa lahat ng manggagawa at sumasakay. 

- Pagtataguyod ng mga pagpapahalaga sa pantay at walang kinikilingang pagtrato sa lahat ng lahi o racial justice at katarungang panlipunan sa bawat antas ng mga operasyon.

- Pagtatakda ng buwanang mga sesyon para sa pakikinig kasama ang General Manager (Panglahatang Tagapamahala) sa lahat ng estasyon. 

- Pakikipagkolaborasyon sa lahat ng lokal na nonprofit na naghahardin, at nang makapagtanim at makapagpanatili ng mga puno. 

Habambuhay na akong LGBT na nagbibisikleta, at hindi ako kailanman natuto kung paano magmaneho ng kotse at hindi kailanman nagmay-ari nito. Hinihingi ko po ang inyong boto. 

Michael Petrelis

DAVID WEI WEN YOUNG

Ang aking trabaho ay Inhinyero.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Una akong sumakay sa BART bilang bata noong dekada 1990, sa panahong ito pa ang tren ng kinabukasan. 

Ngayon, sa kabilang direksiyon na ang pinatutunguhan ng BART. Bumababa na ang bilang ng mga sumasakay taon-taon. Mas hindi na ligtas ang mga estasyon, mas hindi na maaasahan ang mga tren, at tama lamang na nag-aalala ang mga sumasakay na malantad sila sa COVID-19. 

Nawala na sa BART ang 90% ng mga sumasakay rito at 90% ng kita nito. Dahil mayroon itong $1B sa wala pang pondong pensiyon, may panganib na mabangkarote ang BART at magkaroon ng malalalang pagbabawas ng serbisyo. Habang bumabangon tayo, pinipili ng mga sumasakay ang mga kotse, kaya’t sumisikip ang ating mga kalye at nagkakaroon ng polusyon sa hangin.  Kailangan nating radikal na mapaghusay ang BART bago natin mapababalik ang mga sumasakay.  

Hanapbuhay ko na ang paglutas sa mga problema. Sa 20-taon na karera ko sa high tech o abanteng teknolohiya, napamunuan ko na ang mga pangkat na diverse o may pagkakaiba-iba tungo sa tagumpay, kung saan nalutas namin ang mahihirap na problema sa pag-iinhinyero sa pamamagitan ng pagtutuon sa kasiyahan ng kostumer. Nakalimutan na ng kasalukuyang mga lider na tren ang BART, at kailangang gumana nito. Panahon na para sa bagong pamumuno sa BART, kung saan ilalagay sa unahan ang karanasan ng mga sumasakay. 

Gagawa ako ng:

Pagtitiyak na ligtas, mabuti sa kalusugan, at walang krimen ang mga tren at estasyon. 

Pamumuhunan sa imprastruktura na nagbibigay-lakas sa umuunlad na kinabukasang mababa sa carbon. 

Pagpapahusay sa akses sa pamamagitan ng madaling pagbabayad at programa sa pagbibigay ng diskuwento, na tulad ng Clipper Start. 

Bumoto kayo upang masamahan ako sa paglutas sa mga problema ng BART at muling pagtatayo sa tren ng kinabukasan.  

Bisitahin ang https://daveforbart.com/

David Wei Wen Young

  • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
    • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
    • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
    All Candidate Statements
    所有候選人聲明
    Todas las declaraciones de las candidatos
    Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
  • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
  • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
  • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
  • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
  • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
  • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota