Ang aking trabaho ay Direktor ng BART Board (Lupon ng BART).
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Ikinararangal kong maging taga-westside o kanlurang bahagi ng San Francisco, na nakatira sa Distrito ng Richmond, at may habambuhay na pagmamahal sa pampublikong transportasyon.
Tulad ng maraming taga-westside, milya-milya ang layo ko mula sa pinakamalapit na estasyon ng BART, pero nag-aambag pa rin ako sa sistemang ito. Nang nahalal ako noong 2018, nangako akong lilinisin ang sistema, gagawing ligtas na mga lugar ang ating mga tren at estasyon, at uunahin ang mga sumasakay sa pamamagitan ng serbisyong mataas ang kalidad.
Sa loob ng apat na taon ko sa BART Board, dramatikong naparami namin ang mga tagalinis na kawani at napahusay ang pagkakaroon ng kaligtasan sa BART, lalo na sa loob ng mga tren. Binuksan namin ang mga banyo na deka-dekada nang nakasara. Nilikha namin ang pinaka-unang programa ng BART para sa pamasahe ng mabababa ang kita, at nang mapanatiling abot-kaya ang napakahalagang serbisyo para sa pinakanangangailangan nito. Sa panahon ng pandemya, ibinalik namin ang serbisyo tungo sa halos mga antas nito bago ang pandemya. Titiyakin ng aking patuloy na pamumuno na magpapatuloy ang BART sa paglalagay sa mga sumasakay sa unahan.
Napakarami pang trabaho na kailangang magawa, at patuloy akong makikinig at magtatrabaho nang may pakikipagkolaborasyon upang maipagpatuloy ang pag-unlad na ito.
Ipinagkakapuri akong i-endoso nina:
Senador Scott Wiener
Miyembro ng Asembleya Matt Haney
Miyembro ng Asembleya Phil Ting
Presidente ng Board of Supervisors Shamann Walton
Presidente ng Board of Education Jenny Lam
Ikararangal kong makuha ang inyong boto.
Janice Li
janiceforbart.com
Janice Li