Ang aking trabaho ay Nag-aadbokasiya para sa Reporma sa Pulisya / Tagapayo ukol sa Reporma sa Pulisya / Edukador / Komisyoner ng Berkeley.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Ang BART ay tungkol sa mga tao.
Itinayo ang BART para makapagbigay ng mga oportunidad sa mga tao sa kabuuan ng Bay Area, pero kailangang-kailangan na ngayon ng reporma ng napakahalagang serbisyo na ito. Bilang matagal nang lider ng komunidad, at sumasakay sa pampublikong transportasyon sa loob ng halos 40 taon, nakita ko na ang patuloy na pagbagsak ng sistemang ito na dating kahanay ng pinakamahuhusay sa mundo. Panahon nang ayusin ang BART para sa lahat.
Sa kasalukuyan, may mga problema ang BART sa pagkakaroon ng pananagutan, maling pamamahala, at kaligtasan. Nararapat lamang sa mga sumasakay at nagbabayad ng buwis ang maaasahang serbisyo, at nang magkaroon sila ng oportunidad na makapunta sa trabaho, paaralan, at pakikipagkita sa Doktor nang nasa oras. Kailangang malinis, ligtas, at maaasahan ang BART para sa bawat sumasakay. Walang sinuman na dapat mag-alala na mauupuan niya ang nakalantad na karayon, aksidenteng matatayuan ang higaan ng kung sino sa gabi, o kung ligtas na maka-uuwi sa bahay matapos ang araw na kasama ang mga kapatid na babae.
Tumatakbo ako upang ireporma ang sistema na hindi lang talaga nakapaglilingkod na sa mga tao. Magdadala ako ng iba’t ibang uri ng deka-dekadang propesyonal na karanasan, mula sa mga posisyon sa pamamahala ng pinansiya sa San Francisco tungo sa pagbibigay ng edukasyon sa kabataan sa Oakland, at paglilingkod bilang nag-aadbokasiya para sa Reporma sa Pulisya sa kabuuan ng Bay Area.
Bilang Direktor ng Lupon ng BART, bibigyan ko ng prayoridad ang ligtas, malinis, at maaasahang pagbibiyahe, at titiyakin ang pagpapanagot sa publiko ukol sa pagpapatakbo ng pulisya, pagtataas ng pamasahe, at paggasta para sa paglilinis. Pakisamahan ang mga lider ng komunidad sa pagsuporta kay Sharon Kidd para sa Direktor ng BART.
Sharon Kidd