Ang aking trabaho ay Katiwala, City College of San Francisco.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Nahalal na akong Katiwala nitong nakaraang 7 taon nang may habambuhay na pananagutan sa pampublikong edukasyon, at may-ari ng maliit na negosyo. Makikipaglaban si Thea Selby para sa City College at para sa inyo, ang komunidad. Ang kanyang mga nagawa sa CCSF ay:
• Napatnubayan ang CCSF upang malampasan ang pagkakaroon ng akreditasyon
• Bilang Presidente ng Board, ipinatupad ko ang LIBRENG City College para sa lahat ng estudyante at pinalaki nang 25% ang pag-eenroll sa unang taon
• Kasama ang mga miyembro ng Student Success and Policy Committee (Komite para sa Tagumpay ng Estudyante at mga Polisiya), nakahanap ng $2M upang mapababa ang utang ng mga estudyante
• Nakipagnegosasyon upang makakuha ng $400,000 mula sa pribadong developer at nang masuportahan ang pinamumunuan ng estudyante na kampanya para sa murang pampublikong transportasyon
Sa susunod na termino, si Thea ay
• Makikipagtrabaho sa kanyang mga kasamahan upang muling makapaghatid ng akreditasyon (2023)
• Susuportahan ang pinamumunuan ng estudyante na Transit Team (Pangkat para sa Pampublikong Transportasyon) at nang matiyak ang mga pases para sa pampublikong transportasyon
• Magtutuon sa pagpapanatili sa pinansiya na matatag at pagpapalaki sa pag-eenroll
• Magtatrabaho upang magamit ang wala pang alokasyong pondo para sa LIBRENG City at sa gayon ay makarekrut ng mga estudyante
• Bubuo ng kasunduan sa Building Trades (Mga Gawain sa Pagtatayo ng mga Gusali) at nang makapagtrabaho ang mga estudyante sa mga proyekto sa konstruksiyon ng CCSF na nagkakahalaga ng $845M
Kasama sa mga pag-eendoso:
Tinyenteng Gobernador Eleni Kounalakis
Tesorero ng Estado ng CA Fiona Ma
Board of Equalization Malia Cohen
Senador Scott Wiener
Miyembro ng Asembleya Phil Ting
Mga Superbisor Gordon Mar, Aaron Peskin, Myrna Melgar
Komisyoner ng mga Karapatang Pantao Leah Pimentel
Nag-aadbokasiya para sa Maliliit na Negosyo Henry Karnilowicz
Miyembro ng DCCC Nancy Tung
Direktor ng Nonprofit Danny Sauter
Sierra Club
National United Health Workers
Plumbers and Pipefitters Lokal 38
Thea Selby