Ang aking trabaho ay Superbisor ng Distrito 9.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Isa akong abugado para sa mga karapatang sibil at ina na nagkaroon na ng karangalang maglingkod bilang inyong Superbisor.
Sa una kong termino, sinuong ko ang pinakamalalaking problemang kinakaharap ng San Francisco at nilabanan ang pagiging kampante sa City Hall:
• Nakipagtrabaho ako sa komunidad upang matiyak ang pagkakaroon ng 1366 abot-kayang pabahay para sa ating Distrito.
• Nalikha ang Mental Health SF, ang programa na naglilipat sa homeless o walang tahanan na may karamdaman din sa isip mula sa kalye tungo sa pangangalaga.
• Nabawasan ang bilang ng homeless na natutulog sa kalye – isa sa dalawang Distrito lamang na nakakita ng pagkabawas at nagtatrabaho pa rin upang makakita ng iba pang mabubuting pagbabago araw-araw.
• Naipasa ang batas na lumikha ng independensiya mula sa PG&E at nagpatakbo ng pampublikong serbisyo na greenest o pinakamabuti sa kapaligiran sa bansa.
• Nalikha ang Office of Sexual Harassment and Assault Response and Prevention (Opisina para sa Pagtugon at Pag-iwas sa Seksuwal na Panliligalig at Pandarahas) upang matiyak na magalang ang pakikitungo sa mga nakaalpas sa seksuwal na karahasan.
• Nagawang apat na beses na mas marami ang pang-araw-araw na paglilinis sa 16th Street Bart Station at sa maraming lugar sa Distrito.
• Naitaas ang suweldo ng mga manggagawa sa homecare sa San Francisco.
• Nakalikha ng mga programa upang mailigtas ang maliliit na negosyo at matulungan ang pinakabulnerable sa panahon ng krisis sa COVID-19.
• Nakasulat ng batas upang mabigyan ang kabataan ng karapatan na magkaroon ng kasamang magulang habang kinukuwestiyon ng pulisya.
Ikinarangal kong ma-endoso ng/nina:
United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco)
San Francisco Firefighters Union (Unyon ng Mga Bumbero ng San Francisco)
San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)
National Union of Healthcare Workers (Pambansang Unyon ng mga Manggagawa para sa Pangangalagang Pangkalusugan)
Sierra Club
Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay)
Dating Miyembro ng Asembleya Tom Ammiano
Miyembro ng Asembleya Phil Ting
Tagapangulo ng Democratic Party (Partido Demokratiko) David Campos
Superbisor Matt Haney
Superbisor Shamann Walton
Pampublikong Tagapagtanggol Manojar Raju
Abugado ng Distrito Chesa Boudin
Komisyoner ng Pulisya Cindy Elias
Komisyoner ng Pulisya Petra de Jesus* (Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon.)
Hillary Ronen