Ang aking trabaho ay Direktor para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay sa Teknolohiya.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Ipinanganak ako at pinalaki sa komunidad na ito, at bilang Superbisor, magtatrabaho ako araw-araw para sa mga pamilyang nasa panggitnang uri, at ibabalik ang independiyenteng pamumuno. Ang aking mga prayoridad ay:
• Pamumuno sa ating tugon sa COVID-19 upang maprotektahan ang pampublikong kalusugan at masuportahan ang pagbangon ng maliliit na negosyo
• Pagpigil sa mga pagbabawas sa mga paaralan sa komunidad
• Pagtitiyak na lahat ng nangangailangan ng de-kalidad na trabaho ay makahahanap nito
• Pagpapanatili sa San Francisco na abot-kaya para makapanirahan tayong lahat dito
• Pagharap sa kawalan ng tahanan: pagtulong sa mga beterano, pamilya, at indibidwal na may mga hamon sa kalusugan ng isip
• Pagtutuon ng mga rekurso para sa pampublikong kaligtasan tungo sa pag-iwas sa krimen
Nagkakilala kami ng aking asawa noong high school sa St. Ignatius at ngayon, pinalalaki namin ang aming anak na babae sa West Portal. Ang aking karanasan ang nagbibigay sa akin ng natatanging kuwalipkasyon upang katawanin tayo sa City Hall:
• Direktor para sa Katarungan sa Pagkakapantay-pantay sa Teknolohiya –kumokonekta sa mga residente, na may kasaysayan na hindi lubos na nakatatanggap ng mga serbisyo, sa mabilis o high-speed na Internet , at nang sa gayon, makapag-aral at makapagtrabaho tayong lahat mula sa magkakalayong lugar.
• Direktor para sa Kaligtasan ng mga Kalye ni Mayor Ed Lee – pamamahala sa plano para sa kaligtasan na Vision Zero, kung saan nakapaghatid ng 13 milya ng mga pagpapahusay, at nakalikha ng daan-daang trabaho sa konstruksiyon.
• Lider sa komunidad – tumutulong sa pamumuno sa Matatag na Pagtugon ng West Portal sa COVID-19.
Aktibo rin ako sa ating komunidad:
• Miyembro, St. Brendan’s Catholic Church
• Delegado, West of Twin Peaks Central Council (Sentral na Konseho ng West of Twin Peaks)
• Miyembro ng Lupon, Greater West Portal Neighborhood Association (Asosasyon ng Komunidad ng Greater West Portal)
Pakisamahan ang Tesorero ng Estado ng Califonia na si Fiona Ma at ang daan-daang kapitbahay sa pagsuporta sa ating kampanya.
May mga tanong ba kayo? Bisitahin ang www.benmatranga.com o direktang tawagan ako: 415-484-5870.
Ben Matranga