Ang aking trabaho ay Social Worker.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
ITIGIL ANG KRIMEN
Lumaki ako sa San Francisco sa pamilya ng mga imigranteng Aprikano, at alam ko kung ano ang pakiramdam ng kawalang kaligtasan sa ating lungsod. Nangangako ako na puspusan akong makikipaglaban upang matiyak na ligtas ang ating mga kalye at haharap sa mga konsekuwensiya ang mga indibidwal na gagawa ng krimen.
TOUGH LOVE (paghihikayat ng pagtulong sa sarili)
Mayroon akong Master’s sa Social Work mula sa Berkeley, at sa loob ng 20 taon, nakipagtrabaho upang maalis mula sa kalye ang mga indibidwal na walang tahanan, matigil sa bisyo ang mga indibidwal na may adiksiyon, at mapaako ng responsibilidad ang mga indibidwal na nakagawa ng krimen.
PAGTATAYO NG PABAHAY
Itigil na natin ang mga pagtatalo ukol sa pabahay at itayo na lamang natin ang mga ito. May tunay na karanasan ako sa pagtatayo ng pabahay sa lahat ng antas. Bilang Chief of Staff (Pinuno ng mga Kawani) ni Superbisor Matt Haney, pinamahalaan ko ang pag-apruba sa 9000+ yunit ng pabahay sa Distrito 6...na higit pa sa lahat ng pinagsama nang distrito.
PAGIGING INDEPENDIYENTE
Maraming taon na ang naging karanasan ko sa City Hall, pero hindi ako bahagi ng anumang paksiyon sa politika. Naniniwala ako sa magalang na pakikipagkomunikasyon, pagkakaroon ng mga tulay, at pag-abot sa nasa kabilang panig. At tumatanggi akong maging yes man o tagasunod lamang sa gobyernong hindi ginagawa ang trabaho nito...kung minsan, kailangan din ng mga Departamento ng Lungsod ng tough love.
MGA PAG-EENDOSO
Miyembro ng Asembleya Matt Haney
Presidente ng Board of Supervisors Shammon Walton
Superbisor Myrna Melgar
Superbisor Gordon Mar
Direktor ng Bart Janice Li
Direktor ng Bart Devan Dufty
Katiwala ng Lupon ng City College Shanell Williams
San Francisco Teachers (UESF)
Honey Mahogany