Ang aking trabaho ay Superbisor.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Dalawampu’t apat (24) na taon na akong residente ng Distrito 5 at may dalawang anak na nasa mga pampublikong paaralan ng San Francisco. Ang aking mga patuloy na prayoridad bilang inyong Superbisor ay:
• Paglilingkod sa mga pangangailangan ng distrito at mga residente ng lungsod sa panahon ng pandemya
• Pagpigil sa mga pagpapaalis sa tirahan at paglikha ng abot-kayang pabahay
• Pagtugon sa kawalan ng tahanan
• Mas mahusay na Muni at pampublikong transportasyon
• Malulusog na komunidad at mas matitibay na lokal na maliliit na negosyo
• Pagtataguyod sa pangangasiwa at pagkakaroon ng pananagutan ng pulisya
Magmula nang manungkulan ako noong Disyembre, nakagawa na tayo ng malalaking pag-unlad:
• Namobilisa ang daan-daang boluntaryo upang matugunan ang mga pangangailangan ng matatanda at nahihirapang mga residente sa panahon ng pandemyang COVID-19
• Naipagbawal ang pagpapaalis sa mga umuupa na hindi makabayad sa upa
• Nailipat ang mga pamilyang walang tahanan na nasa Distrito 5 mula sa hindi ligtas na shelter tungo sa mga hotel gamit ang mga pribadong donasyon
• Nakipagtrabaho sa lungsod at mga kapitbahay upang makalikha ng lugar para sa Safe Healthy Sleeping (Ligtas na Pagtulog na Mabuti sa Kalusugan)
• Natutulan ang pagtataas ng pamasahe sa Muni sa gitna ng pandemya
• Nakapagtrabaho upang magkaloob ng pagkokontrol sa upa sa mga residente ng Midtown
Ikinararangal kong ma-endoso ng United Educators of San Francisco (Nagkakaisang mga Edukador sa San Francisco), California Nurses Association (Asosasyon ng mga Nars ng California), Sierra Club, San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco), Affordable Housing Alliance (Alyansa para sa Abot-kayang Pabahay), ILWU, NUHW, SEIU 2015, Unite Here! Lokal 2, Mga Superbisor Peskin, Mar, Haney, Ronen, Mandelman at Walton, Miyembro ng Asembleya Phil Ting, at iginagalang na mga lider ng lungsod Tom Ammiano, Mark Leno, Art Agnos, David Campos at Jane Kim.
Dean Preston
www.votedean.com