Ang aking trabaho ay Miyembro, Board of Supervisors.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Ikinararangal kong katawanin ang Sunset sa Board of Supervisors ng San Francisco.
Sama-sama na tayong nakagawa ng pag-unlad upang mapalawak ang abot-kayang pabahay, mapanatiling ligtas ang mga kalye, mapaghusay ang mga pampublikong paaralan, at matugunan ang mga dahilan ng kawalan ng tahanan, pero marami pa ang dapat magawa.
Ito ang dahilan kung bakit hinihiling ko ang inyong boto para sa pagiging Superbisor ng Distrito 4.
Pangunahing prayoridad ko na, noon pa man, ang pagpapatatag sa pampublikong kaligtasan. Iyan ang dahilan kung bakit nilikha ko ang Five-Point Sunset District Community Safety Plan (Planong may Limang Bahagi para sa Kaligtasan ng Komunidad ng Sunset District) at ang Pagsawata sa Krimen sa pamamagitan ng Community Policing Act (Batas ukol sa Pagpapatakbo ng Pulisya nang may Pakikipagtulungan sa Komunidad). Kung mahahalal akong muli, patuloy kong pararamihin ang bilang ng nagpapatrolya nang naglalakad at nagbibisikleta ng SFPD, ng mga embahador para sa kaligtasan sa komunidad, at ng mga taga-agapay sa matatanda.
Itinaguyod ko ang unang mga proyekto sa abot-kayang pabahay sa kasaysayan ng Sunset para sa mga guro at nagtatrabahong pamilya, at binawasan ang labis-labis na mga patakaran, at nang sa gayon, mapalawak ng mga may-ari ng bahay ang kanilang tahanan at makalikha ng bagong pabahay. Tumulong ako sa pagkakaroon ng matutuluyan ng mga beteranong walang tahanan at sa pagpapalawak ng mga serbisyo para sa kalusugan ng isip, at patuloy akong magtatrabaho upang maialis ang ating mga kapitbahay mula sa kalye at tungo sa permanenteng pabahay.
Pangwakas, palagi kong itataguyod ang de-kalidad na pampublikong edukasyon para sa lahat, nang pina-uunlad ang nasimulan nang trabaho, at sa gayon, magarantiyahan ang Libreng City College sa loob ng 10 taon, mapondohan ang mga programang STEAM sa bawat paaralan sa Sunset, at mapalawak ang pangangalaga bago at matapos ang klase, at ang mga programa para sa kahandaan sa kolehiyo sa kabuuan ng lungsod.
Pakisamahan ang San Francisco Fire Fighters Lokal 798, ang California Nurses Association, si Miyembro ng Asembleya Phil Ting, at ang libo-libong magkakapitbahay sa muling paghahalal sa akin bilang inyong Superbisor.
www.GordonMar.com
Gordon Mar