Ang aking trabaho ay Superbisor ng Distrito 2.
Ang aking mga kuwalipikasyon ay:
Catherine Stefani, Superbisor
Noon pa man ay tumitindig na ako para sa ating mga komunidad sa City Hall — nakikipaglaban para sa mas ligtas, mas malinis, at mas may responsibilidad sa pananalapi na lungsod. Hinihingi ko ang inyong suporta upang maipagpatuloy ang laban na ito.
Bilang inyong Superbisor, ako ay:
• Nakipaglaban upang mapanatili ang $10 milyon para sa mga klase sa akademya ng departamento ng pulisya, at para sa overtime ng foot patrols (mga naglalakad sa paligid na mga pulis) upang maprotektahan ang ating mga komunidad mula sa panloloob ng mga kotse at sa krimen laban sa ari-arian.
• Nakapagtiyak ng pagkakaroon ng mahigit sa $20 milyon para sa maliliit na negosyong humaharap sa pagsasara sa panahon ng pandemya, at nakapagtaguyod ng pagpapalawak sa outdoor dining o pagkain sa labas ng gusali.
• Lumikha ng lokal na restraining order (kautusang nagbibigay ng proteksiyon) ukol sa karahasan na dulot ng baril, at sa gayon, matanggal ang mga baril mula sa mga indibidwal na may intensiyong saktan ang sarili o ang ibang tao.
• Nag-awtor ng komprehensibong pangkat ng mga batas laban sa korupsiyon, upang mareporma ang mga kontrata at grants (tulong pinansiyal) at ang Behavioral Health Commission (Komisyon para sa Kalusugan ng Isip).
• Lumikha ng bago at may konsolidasyon na Office of Victims Rights (Opisina para sa mga Karapatan ng mga Biktima), at nang mabawasan ang labis-labis na mga patakaran at matiyak na makatatanggap ang lahat ng biktima ng krimen ng mga serbisyo na nagbibigay ng suporta.
• Nagtaguyod sa karapatang magkaroon ng tagapayo sa batas ng mga biktima ng karahasan sa tahanan at nag-awtor ng batas upang mapanagot ang mga ahensiyang bigo na wastong maisakdal ang mga kasong ukol sa karahasan sa tahanan.
Ikinararangal ko na sinusuportahan ako ng marami, kasama na si Mayor London Breed, ang Planned Parenthood, at ang San Francisco Firefighters Lokal 798 at ikinararangal ko rin na maging Kandidato ng Moms Demand Action Gun Sense.
Patuloy akong magtatrabaho upang mapanatiling ligtas ang ating mga komunidad, mabawasan ang krimen sa ari-arian, suportahan ang lokal na mga negosyo, itigil ang korupsiyon sa gobyerno, at wakasan ang karahasang bunga ng baril.
SupervisorStefani.com
Catherine Stefani