Jump to navigation

  • Patnubay ng site
  • Laki ng letra
  • Text only
Mobile menu button
San Francisco Voter Guide logo
Online EdisyonPamplet ng Impormasyon Para sa Botante & Halimbawang BalotaPinagsamang Pangkalahatang Eleksyon Nobyembre 3, 2020

Elections and accessibility

  • sfelections.org
  • Kadaliang Magamit
  • English
  • 繁體中文
  • Filipino
  • Español
  • Pangkalahatang Impormasyon
    • Mabilisang Gabay para sa Nobyembre 3, 2020 na Eleksyon
      • May mga Tanong ba Kayo?
      • Sulat mula sa Direktor
      • Layunin ng Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ng San Francisco
      • Ang Ballot Simplification Committee (Komite para Gawing mas Simple ang Balota)
      • Batas sa mga Karapatan Ng Botante
      • Elections Commission (Komisyon para sa mga Eleksyon)
      • May Tatlong Paraan para Makaboto ang mga Botante sa San Francisco
      • Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo
      • Pagboto sa Sentro ng Botohan sa City Hall
      • Pagboto sa Lugar ng Botohan
      • Saan ang Lokasyon ng Itinalaga sa Aking Lugar ng Botohan para sa Nobyembre 3?
      • Tingnan ang Likod na Pabalat para sa Lokasyon ng Inyong Lugar ng Botohan
      • Pagmamarka sa Inyong Balota
      • Mga Pangunahing Kaalaman tungkol sa Sistema ng Pagboto sa Lungsod
      • Panatilihing Napapanahon ang Impormasyon sa Inyong Rehistrasyon bilang Botante!
      • Impormasyon ukol sa Pagkapribado ng inyong Rehistrasyon bilang Botante
      • Safe at Home Program (Programang Ligtas sa Tahanan)
      • Mga Superbisoryal na Distrito ng San Francisco
      • Accessible na Pagboto at mga Serbisyo
      • Matutulungan namin kayo:
      • Libreng mga Klase sa Ingles
      • hide
      • Pangkalahatang Buod ng Utang ng San Francisco
      • Mga Madalas Itanong (FAQs)
      • Itigil na ang pagtanggap ng inyong nakalimbag na Voter Information Pamphlet (Pamplet na Nagbibigay ng Impormasyon sa Botante)
      • Inyong Halimbawang Balota
      • Worksheet ng balota
      • XML Streams
      • Site Guide
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
    • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
      • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
      • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
      All Candidate Statements
      所有候選人聲明
      Todas las declaraciones de las candidatos
      Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
    • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
    • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
    • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
    • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
    • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
    • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
    • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota
    • Impormasyon Tungkol sa Lokal na Panukalang-batas sa Balota at Pangangatwiran
      • Mga Salitang Dapat Ninyong Malaman
      Local Ballot Measures
      • Proposisyon A: Bond (utang ng gobyerno) para sa Kalusugan at Kawalan ng Tahanan, mga Parke, at Kalye
      • Proposisyon B: Department of Sanitation and Streets (Departamento para sa Kalinisan at mga Kalye), Sanitation and Streets Commission (Komisyon para sa Kalinisan at mga Kalye), at Public Works Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Gawain)
      • Proposisyon C: Pagtatanggal ng Itinatakdang Pagiging Mamamayan para sa mga Miyembro ng mga Lupon ng Lungsod
      • Proposisyon D: Pangangasiwa ng Sheriff
      • Proposisyon E: Pag-eempleyo sa Pulisya
      • Proposisyon F: Lubusang Pagbabago sa Business Tax (Buwis sa Negosyo)
      • Proposisyon G: Pagboto ng Kabataan sa mga Lokal na Eleksyon
      • Proposisyon H: Neighborhood Commercial Districts (distritong mababa o katamtaman ang dami ng tao at magkahalong residensiyal at komersiyal ang gamit) at Pagbibigay ng Permits ng Lungsod
      • Proposisyon I: Real Estate Transfer Tax (Buwis ukol sa Paglilipat ng Ari-arian)
      • Proposisyon J: Parcel Tax (buwis sa parsela o buwis na nakabatay sa mga katangian ng ari-arian at hindi sa natasang halaga nito) para sa San Francisco Unified School District (Pinag-isang Distritong Pampaaralan ng San Francisco)
      • Proposisyon K: Awtorisasyon para sa Abot-kayang Pabahay
      • Proposisyon L: Business Tax na Nakabatay sa Paghahambing ng Suweldo ng Pinakamatataas na Executive sa Suweldo ng mga Empleyado
      • Panukalang Pandistrito RR: Buwis sa Pagbebenta ng Caltrain

You are here

  1. Bahay ›
  2. Impormasyon tungkol sa Kandidato ›

Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11

Hindi nagsusumite ang lahat ng kandidato ng pahayag ng mga kuwalipikasyon. Makikita ang kumpletong listahan ng mga kandidato sa halimbawang balota. Kusang-loob na ibinigay ng mga kandidato ang mga pahayag at hindi isiniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Inilimbag ang mga pahayag gaya ng isinumite. Hindi iwinasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin ito sa pinakamalapit, hangga't maaari, na orihinal na teksto.

JOHN AVALOS

Ang aking trabaho ay Organisador ng Unyon ng mga Tagapangalaga ng Kalusugan. 

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Isa akong residente ng Excelsior sa loob ng 22 taon, ama ng dalawang bata, at organisador ng komunidad at mga manggagagawa. Pinalaki akong may matibay na paniniwala sa importansiya ng masipag na pagtatrabaho at pagpapahalaga sa pagdamay sa kapwa. 

Nakapagtrabaho na ako para sa Coleman Advocates for Children and Youth (Mga Tagapagtaguyod ng mga Bata at Kabataan ng Coleman) at para sa Justice for Janitors (Hustisya para sa mga Dyanitor). Ngayon, bilang organisador ng National Union of Healthcare Workers (Pambansang Unyon ng mga Manggagawa para sa Pangangalagang Pangkalusugan), pinamumunuan ko ang mga pagsusumikap na panatilihing bukas ang Seton Medical Center bilang rehiyonal na ospital para sa COVID-19.

Bilang Superbisor ng Distrito 11 mula 2009 hanggang 2017, pinamunuan ko ang pagbangon ng San Francisco mula sa Great Recession (panahon ng matinding pagbagsak ng ekonomiya) at:

• Naging tagapangulo ng Budget Committee (Komite sa Badyet) at naisara ang dalawang tig-$500 milyon na kakulangan sa badyet, nang walang tinatapyas na mahahalagang serbisyo,

• Naipasa ang pinakamatibay na batas sa bansa ukol sa lokal na pag-eempleyo,

• Muling naisulat ang buwis sa pagnenegosyo ng Lungsod upang maprotektahan ang mga trabaho at maliliit na negosyo, 

• Napalawak ang pagpopondo para sa mga serbisyo sa kabataan at edukasyon, 

• Nabigyang-buhay ang ating mga komunidad sa pamamagitan ng bagong mga parke, mas mahusay na pampublikong transportasyon, at masisiglang lugar na nakatalaga sa pagnenegosyo. 

Sa ngayon, humaharap tayo sa pandaigdigang pandemya at krisis sa ekonomiya. Handa akong pamunuan ang ating distrito at Lungsod sa pagsulong tungo sa: 

• Pagtatayo ng ekonomiya batay sa mga pangangailangan ng mahahalagang manggagawa at kani-kanilang pamilya, 

• Pagtatanggal sa mga ugat ng korupsiyon sa gobyerno, upang matiyak na hindi mawawala ang mga dolyar mula sa buwis nang dahil sa panlilinlang at pang-aabuso, 

• Pagbubuwis sa mga korporasyon na nakikipagsapalaran sa real estate, at nang maprotektahan ang nahihirapang mga umuupa at may-ari ng tahanan,

• Pagbibigay ng proteksiyon sa mga negosyo sa komunidad na pinakanakararanas ng hirap, 

• Paglikha ng balanseng badyet na nagpapanatili sa mahahalagang serbisyo para sa mga nagtatrabaho.

John Avalos

Avalos2020.com

MARCELO COLUSSI

Ang aking trabaho ay May-ari ng Maliit na Negosyo.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Isa akong imigrante na napamahal na sa akin ang San Francisco 20 taon na ang nakararaan noong nagbiyahe ako mula sa Argentina papunta sa Alaska nang nakabisikleta, kung saan $800 lamang ang dala ko, at ginawa ko ito sa loob ng halos dalawang taon, upang makapaghatid ng mensahe sa mga komunidad na aking dinaanan. Noong nasa San Francisco na ako, nagtrabaho ako sa mga restawran, sa SPCA at sa konstruksiyon, naging EMT, at pagkatapos nito, ay naging Cardiologist Technician (technician para sa mga kagamitang sumusuri sa puso) sa SFSU, at nagboluntaryo sa SF General Hospital, na siya namang nagdala sa akin sa trabaho sa Stanford Children’s Hospital. Nitong huling 15 taon, nagpatakbo ako ng sariling negosyo at naging Realtor (ahente ng mga ari-arian) dalawang taon na ang nakararaan. Kasal ako sa aking kahanga-hangang asawa at mayroon akong dalawang kagila-gilalas na anak na pumapasok sa SFUSD. Walang anumang pangkat na may espesyal na mga interes na sumusuporta sa akin at hindi ako mangongolekta ng donasyon para sa aking kampanya dahil gusto kong mapunta ang ekstrang pera sa krisis na ito sa mga tao na nawalan ng trabaho, o mga frontline worker (mga nagtatrabaho sa mahahalagang industriya). Naniniwala ako sa pagprotekta sa kapaligiran, naniniwala ako sa pampublikong edukasyon na mataas ang kalidad, malalim ang pagpapahalaga ko sa abot-kayang pabahay at sa ligtas at malilinis na kalye, at tumatakbo ako para sa superbisor dahil kailangan natin ng pagbabago na dapat nang agad na maisagawa kung saan tayo nakatira at kung saan tayo nagtatrabaho!

Marcelo Colussi

AHSHA SAFAI

Ang aking trabaho ay Superbisor ng Distrito 11.

Ang aking mga kuwalipikasyon ay:

Nasa malalim na krisis ang San Francisco. Humaharap ang mga tao sa pandemya sa kalusugan, tensiyon sa pagitan ng mga lahi, at kagipitan ng ekonomiya habang hindi pa rin abot-kaya ang pabahay. Karapat-dapat ang ating mga nagtatrabahong pamilya sa pagkakaroon ng subok nang pamumuno. 

Noong 2016, nangako akong ilalagay sa unahan ang mga nagtatrabahong pamilya at titiyakin na hindi na malilimutan ang ating mga komunidad. 

Nitong nakaraang 4 taon, natiyak na natin ang pagkakaroon ng mahigit $600 milyon: 

• Napondohan na ang 370 unit ng abot-kayang pabahay 

• Nakakuha ng libo-libong mask, kagamitan at mga proteksiyon para sa ating mahahalagang manggagawa

• Nabuksan ang ating unang Job Center (Sentro para sa Trabaho) sa Broad Street

• Nagawan ng renobasyon ang ilang parke, kasama na ang Merced Heights, Alice Chalmers at ang Geneva Car Barn

• Nakapaglagay ng 100 speed hump (pangkontrol sa bilis ng mga sasakyan) at nasementohan muli ang maraming kalye 

• Nakapagtanim ng mahigit sa 2,000 puno na pinananatili ng Lungsod 

Dati akong organisador ng mga manggagawa at anak na lalaki ng imigrante – ang mga ito ang aking mga ugat. Sa pamamagitan ng inyong suporta, patuloy akong lalaban para sa mas makatarungang San Francisco na gumagana para sa lahat. 

Kung muli akong mahahalal: 

• Ibabalik natin sa trabaho ang mga tao

• Bibigyan ng mga tahanan ang pinakabulnerableng mga pamilya

• Susuportahan ang maliliit na negosyo

• Pananatilihing ligtas at malinis ang mga komunidad

Ikinararangal kong ma-endoso ni Gobernador Gavin Newsom, Tesurero Fiona Ma, Kongresista Jackie Speier, Mayor London Breed, Senador ng Estado Scott Wiener, Miyembro ng Asembleya David Chiu, Miyembro ng Asembleya Phil Ting, Presidente ng Lupon Norman Yee, SF Firefighters (Mga Bumbero ng SF) Lokal 798 at daan-daan pang ibang unyon, kasama na ang libo-libo nating kapitbahay. 

Umaasa akong makuha ang inyong suporta.

www.ahshaforsupervisor.com

Ahsha Safaí

  • Mga Impormasyon ng Kandidato at Katungkulan
    • Mga Katungkulan sa Lungsod at County ng San Francisco na Pagbobotohan sa Eleksyong Ito
    • Mga Pahayag ng Inyong mga Kandidato
    All Candidate Statements
    所有候選人聲明
    Todas las declaraciones de las candidatos
    Lahat ng mga Pahayag ng mga Kandidato
  • Kandidato para sa Representative (Kinatawan) ng Estados Unidos, Distrito 14
  • Kandidato para sa Senador ng Estado, Distrito 11
  • Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 17
  • Mga Kandidato para sa Asembleya ng Estado, Distrito 19
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 1
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 3
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 5
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 7
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 9
  • Mga Kandidato para sa Board of Supervisors (Lupon ng mga Superbisor), Distrito 11
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 7
  • Mga Kandidato para sa Direktor ng BART, Distrito 9
  • Mga Kandidato para sa Board of Education (Lupon ng Edukasyon)
  • Mga Kandidato para sa Community College Board (Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)

Subaybayan kami!



© SF Department of Elections all rights reserved.
Privacy Policy | Terms of Use

  • Pangkalahatang Impormasyon
  • Impormasyon tungkol sa Kandidato
  • Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota